Until Our Path Cross Again

By wimpearl

1.7K 66 0

completed September 28- December 10 More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
Kabanata 51
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65

Kabanata 52

5 1 0
By wimpearl

"late ka na naman," Iritadong baling ni Louisa sa kakarating lang na si Mitch.

"May trabaho kasi siya. Intindihin mo nalang Lou," sabi ko kay Louisa.

Mangha nga ako kay Mitch dahil kahit na halatang halata na bugbog na siya sa trabaho, pinipilit niya pa rin na bumawi sa amin at pumunta pa rin kaysa sa mag pahinga na lang.

Hindi pa kasi nakakaranas ng pagtratrabaho 'tong si Louisa kaya hindi pa nararanasan nitong mapagod.

"Nakakamiss naman kasi si Mitch. Siya lang ang kasagutan ko kapag inuman."

"Kapag mag iinuman, 'wag isali si Daphne. Hindi niyo siya katulad. 'tsaka bakit mo pa hinila sa gitna iyong tao? Hindi na nga 'yan makalakad ng maayos." Sunod sunod na pangsesermon ni Paul. Noong nakaraang linggo ay pinagalitan na niya kami pero hindi pa rin maalis sa sarili niya ang lahat ng nangyari. "Nagkataon pa na ex niya ang nakapulot sa kaniya sa dinami rami ng tao rito."

Medyo may pagkamangha sa mukha ni Mitch. Hindi niya yata inaasahan ang mga narinig. Bukod kasi sa pinatawag siya sa kumpaniya nila noong gabing iyon, hindi rin namin nakuwento sa kaniya ang mga nangyari.

"Hindi ka ba maka move-on? Tapos na po 'yon sir. Hindi na mauulit. Pasensya na po." Pekeng pag hingi ng tawad ni Louisa.

I saw Paul tsked beside me. Alam kong kahit na anong paliwanag sa kaniya hindi pa rin ito makakampante.

"Starting today, you'll be here beside me all the time we will go here." Ani Paul.

Gulat ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman kailangan na gano'n. Hindi niya ako responsable at saka alam ko na ang dapat kong gawin sa susunod dahil natuto na ako sa mga nangyari noong nakaraan.

Baka kung sino pa ang makapulot sa'kin kapag naulit muli iyon. Mahirap na.

"Hindi na kailangan. Hindi na talaga ako iinom ng mga hard liquor," Mahinhin kong sabi kay Paul.

"Even so. You'll be here."

"Paul.."

"Daph. This is also for you. Paano kung hindi kita naabutan do'n sa sasakyan noong Clyde na 'yon? Paano kung nadala ka na niya sa ibang lugar? Do you think I'll be cool?"

I sighed. Paul really protect me always. He always treat me like these that's why a lot of people misunderstood his actions and treatment in me. Kahit naman ako ay napapansin iyon pero alam ko sa sarili ko na kung gano'n nga talaga ang nararamdaman niya, I can't give it back to him. Hindi ko alam kung bakit ganoon pero... I only just see him as my brother. Wala naman siyang sinasabi sa'kin pero if ever na totoo nga, alam kong maiintindihan niya ako.

"Sir.. andito rin po kami. Yoho!" Pang aasar ni Mitch.

Paul shifted his weight because of that. He hold me on my waist and slowly, he push me toward him.

This makes me feel uncomfortable but I understand that Paul just really want to do what he said earlier which is to be on his side all through out this night out.

"Oy Mitch! Andito ka na pala," bati ni Anthony. Galing ang isang 'to sa iba't bibang lamesa. Ngayon lang nakabalik sa amin.

"Oo. May nabudol ka na ba?"

"Wala nga, e." Natatawang sabi ni Anthony.

Nag tawanan din kami dahil do'n. Bihira lang talaga makabingwit itong si Anthony dahil ang iba'y iniisip na pigtritripan lang sila ni Anthony pero ang totoo, mabait na kaibigan din si Anthony. Isa rin siya sa mga nag papagaan ng lugar namin kapag medyo mabigat na. Personality na siguro talaga niya iyon.

"Saan ka nga uli nag tratrabho, Mitch? Malaki ba sahod diyan at bakit parang araw araw kang over time?" Tanong ni Anthony.

Mitch chuckled before drinking the glass in front of her. "Sa Jimenez Group." Simple niyang sagot.

Medyo nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Pero hindi naman ata totoo ang nasa utak ko kaya pinabayaan ko nalang iyon.

"Kay Clyde?" Agad na tanong ni Paul kaya naman napatingin ako sa kaniya at kay Mitch.

I don't want them to feel that I am still affected when I hear his name. Hindi ko lang talaga akalain na totoo nga ang nasa isip ko.

Minsan ko ng narinig sa mga sabi-sabi noon na mayaman daw sila Clyde dahil may sarili iyong kumpaniya at ang nanay nito ang gumawa ng paraan para mag bunga ang lahat ng iyon. Jimenez Group ang tanda kong pangalan ng kumpaniya pero hindi ko naman akalain na maririnig ko iyong muli ngayon.

Tumango si Mitch sa tanong ni Paul. Alam ni Paul ang iba't ibang kumpaniya dahil natulong na siya sa pamilya nila ngayon kaya hindi na ako nagtataka na kahit ang kumpaniya nila Clyde, alam niya.

"Nitong nakaraan ko lang din nalaman na anak pala siya ni Ms. Devina na ngayon ay pumanaw na kaya nga si Clyde na ang panibagong CEO ng kumpaniya."

Nanlaki ang bunganga ni Louisa at Anthony sa isang tabi.

Kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga narinig.

Patay na ang mommy niya?

CEO siya?

Ang building na pinuntahan ko siguro noong nakaraang araw ang kumpaniya nila. Ang buong akala ko'y nagtratrabaho lang siya ro'n bilang empliyado dahil nawala na sa isip ko na may kumpaniya nga pala sila. Tapos ngayon malalaman ko, siya ang CEO?

"Ang bilis talaga ng panahon. Naalala ko noong first year tayo nangongopya pa 'yong si Clyde sa'kin, e." Ani Anthony

"Mali rin naman iyong pinakopya mo." Si Louisa.

"Atleast may kasama siya 'no."

"Feeling ka! Mali naman."

"At least nag pakopya. Ikaw ng hindi nag papakopya kapag alam mo 'yong sagot pero kapag hindi mo alam kumokopya ka rin sa'kin."

"Ang kapal mo! Never akong nangopya sa'yo 'no!"

Nag patuloy mag sagutan si Anthony at Louisa. Habang napansin ko naman ang mata ni Paul at Mitch ay nasa akin.

Tumingin ako ng may pag tataka sa kanilang dalawa. "What?" I mouthed.

"Hindi ko nasabi noong nakaraan na kay Clyde ako nag tratrabho, kasi marami rin akong ginagawa tsaka nawala na rin sa isip ko." Pag papaliwanag ni Mitch.

Kinunutan ko uli siya ng noo dahil hindi niya naman kailangang magpaliwanag sa'kin.

"Wala naman na 'yon kay Daphne kasi matagal na panahon na 'yon. 'di ba Daph?" Tanong ni Paul sa'kin.

Agad akong tumango bilang pahiwatig sa kanila na maayos lang talaga. Maaaring may awkward pa rin akong nararamdaman pero hindi ko na dapat idamay ang mga kaibigan ko ro'n.

"Sa bagay, mukhang okey naman na kayo. Sa resto mo nga siya bumili ng breakfast namin noong nakaraang araw. Alam mo ba 'yon, Daph?"

Nag tinginan ang mga kaibigan ko sa akin.

Alam ko na sa resto ko siya bumili dahil ako pa nga ang nag deliver pero hindi ko naman alam kung paano ko iyon aaminin sa kanila.

"Ah.. hindi, e," Tangi kong nasabi. Hindi ko naman na dapat sabihin sa kanila ang pangyayaring iyon. Hindi na rin namin dapat pag usapan ang mga ganoong bagay dahil hindi naman mahalaga.

Kita ko ang pag talim ng tingin ni Paul sa akin kaya naman may kung anong pag ngisi ang nabuo sa bibig ni Louisa. Masaya ang isang 'to kapag nakikitang aligaga ako. Siya lang kasi talaga ang nakakaalam kung ano ang dahilan ng hiwalayan namin ni Clyde. The rest, ang alam lang nila ay dahil umalis si Clyde at nangibang bansa.

"Totoo ba iyong balita na buntis na si Drixy? Kinuwento lang kasi iyon sa'kin ni Aide. Simula raw noong nangibang bansa si Clyde, nakikita raw niya palagi si Drixy na nag nagmamy day ng tanawin kasama si Clyde," kuryosong tanong ni Anthony.

Walang sino man saamin ang nag salita. Alam kong totoo ang balitang iyon pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila na alam ko ang tungkol do'n dahil baka isipin nilang sinadya kong malaman ang balitang 'yon.

"Well, baka naman private na ang buhay nila kaya wala ng masyadong nakakaalam sa'tin. Si Aide lang kasi talaga ang malakas mangchismis sa social media, e. Lahat nalang ng balita updated siya." Pambabawing sabi ni Anthony. "Sige, do'n muna ako sa kabilang lamesa. Mukhang may panibagong chicks, e."

Nang tuluyan ng makaalis si Anthony, doon lang yata ako nakahinga ng maayos.

I cleared my throat and drink the glass in front of me. I don't know how to react especially that they are all looking at me. They looking at me like they are waiting for me to fall and cry.

Why would I?

Matagal ko ng tanggap na niloko niya ako. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko kayang magalit sa kabila ng lahat pero tanggap ko na. All the moments we've shared are now a memory. Ang tadhana lang talaga ang nagpumilit na makipag laro sa aming dalawa.

Hindi na dapat ako nag papatalo sa nararamdaman ko. Alam kong apektado pa rin ako ng prisensya niya pero dapat ko na iyong labanan. May pamilya na siya. Drixy is now pregnant and they are already having a baby.

Isang linggo uli ang inalgi ko sa probinsya dahil may kailangan uli akong gawin para sa farm namin. Nag simula na rin ako sa pagpaparenovate ng bahay namin dahil napansin kong sa katandaan ng bahay, may mga parte na ro'n na kailangan ayusin.

Sa Nanay at Tatay pa ni Daddy nag mula ang bahay namin na iyon kaya medyo matagal na nga iyon. At ngayong wala na si Daddy, alam kong mas gugustuhin niyang makita na kahit papaano, pinapahalagahan pa rin namin ang bahay na iniwan niya.

Hindi ako nag tagal sa probinsya dahil kinailangan ko ring bumalik ng maynila dahil gusto kong maging hands on sa resto. Tiwala naman ako kila Sunny at Carla pero gusto ko pa ring maging updated da mga nangyayari.

"Naka balik ka na ng maynila?" Tanong ni Louisa sa kabilang linya.

Noong nakaraang linggo niya pa ako kinukulit na bumalik agad sa lalo't madaling panahon dahil gusto niya raw na mag plano kami ng bakasyon magbabarkada.

"Yes. I'm already way to the resto. Hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo tungkol diyan sa bakasiyon na 'yan?"

She groaned. "I'm really exhausted. Mom and Dad are trying to bug me about working on our company. Hindi naman nila ako pinipilit sa ngayon pero I don't know. It's stressing me out."

I rolled my eyes eventhough I know she will not going to see it. "Gano'n talaga. Day will come and you'll need to work in your company. Nagiisang anak ka kaya wala kang choice."

I heard her deep breath. "Yah. Yah. Let's just take a break and try a vacation. Samahan niyo ako."

"Plan our meet. Doon nalang natin pag usapan."

Natapos ang usapan namin ni Louisa at sakto naman ang pag hinto ko sa tapat ng resto. After a week na nawala ako sa resto kaagad ang diretso ko ngayon dahil gusto kong kamustahin kung ano na ang nangyari sa loob ng isang linggo.

Pag bukas ko palang ng glass door, nakuha na kaagad ng mata ko ang lalaki sa hindi kalayuan. Nasa isang gilid siya at may kasamang isang babae.

Ang suot ni Clyde ay katulad lang din noong suot niya noong nag deliver ako sa building nila.

Hindi ko kilala ang babaeng kasama niya pero sa hubog ng katawan ng babae, hindi ko sigurado kung business talk lang ba talaga ang pinag uusapan nila.

The woman is wearing a business suit but her tight skirt get my attention. Naka high ponytail siya kaya naman kitang kita ang bawat sulok ng mukha niya.

Kung kabit man ito ni Clyde, dapat hindi ko na pinoproblema iyon. Sila ni Drixy dapat ang nagtatalo tungkol do'n.

Tinanggal ko ang tingin ko sa kanila at nag simula ng mag lakad papunta sa counter kung nasaan sila Sunny at Carla.

"Good afternoon ma'am. Nakabalik na po pala kayo." Carla greeted me.

I smiled and greet them too.

"Maayos naman ba ang resto?" Tanong ko.

"Opo ma'am. Minsan din pong pumupunta si Sir Paul dito para tignan at kamustahin ang resto."

Pumupunta si Paul dito?

Hindi ko iyon alam.

Hindi rin naman siya nagsasabi tungkol do'n. Siguro'y kakausapin ko nalang siya kapag nakapag kita na kami. Nakakahiya na pati itong resto ay chinecheck niya pa.

"Ahh ma'am Daph!" Biglang sabi ni Sunny. Para bang may bigla siyang naalala. "Ayon pong lalaki na iyon na naghahanap sa inyo noong grand opening." Pag turo niya kay Clyde sa malayo.

Medyo nanlamig ako dahil sa pag turo ni Sunnying iyon dahil bahagyang napatingin ang babaeng kausap nito sa puwesto namin. Buti nalang at agad naman nitong binawi ang pag tingin niya dahil ibinalik niya iyon kay Clyde na ngayon ay nakatalikod sa amin.

Nakangiti ang babae at mukhang nag eenjoy sa pinaguusapan nila. Alam kaya niya na pamilyado na iyang lalaking kausap niya?

Ngumiti at tumango ako kay sunny bilang pagpapakita na ayos na ang lahat at alam kong si Clyde nga iyong nag hanap sa akin noong gabing iyon.

"Kilala mo ba 'yon ma'am Daph? Baka puwedeng ipakilala mo rin ako." Malambing na sabi ni Carla.

Agad siyang hinampas ni Sunny dahil sa sinabi nito.

"Hindi." Pag sisinungaling ko. Ano namang rason para sabihin ko sa kanila na siya iyong ex kong niloko ako? "Bakit? Madalas ba siya rito?" Kaswal kong tanong para hindi maipakita ang kuryosidad ko sa usapang iyon.

Tumango kaagad si Carla. "Opo ma'am. Minsan po ay maramihan siya kung bumili. Minsan din naman po may mga ka meeting siya.

Tumango ako. Oo nga pala't mahilig si Clyde sa mga Filipino food.

"Your adobo is what I want"

Naalala ko na naman ang mga salitang iyon galing kay Clyde ilang taon na ang nakalipas.

I rolled my eyes.

Nakalipas na iyon. Bakit ba nilalaro pa ako ng mga alaala ng nakaraan?

I cleared my head and try to relax.  Nandito sila para kumain. Dapat matuwa nga ako dahil ito ang lugar na napili nila para gawin iyong business talk nila at kung higit man iyon sa business talk dahil sa ngiti ng babaeng iyon, kasalanan at problema na nila 'yon.

Continue Reading

You'll Also Like

Riptide By V

Teen Fiction

330K 8.4K 118
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
161K 962 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
1M 89K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
236K 7K 50
we young & turnt ho.