RHIAN
Hindi ako nakahuma sa bilis ng pangyayare. AJ run fast towards Carlos, buti na lang maagap si Glaiza na mahabol ang anak, kaya naman bago pa makalapit ang anak ko sa lalaki ay napigilan na siya ng asawa ko. Sing bilis ng kidlat ang kilos ng mag-ina ko it's good that Glaiza still manage to come up with our kids lalo na kay AJ na manang mana sakanya ng ugali.
Hindi ko na tuloy naiwasan na pagalitan ang anak ko sa matinding kaba takot at alalang naramdaman ko, pero nagulat ako ng simulang sermonan ni GJ ang kapatid. It's the first time na nagalit ang mini me ko sa mini Glaiza ko na himalang tahimik lang at tango lang ng tango sa sermon ng kapatid, dahil as far as I can remember laging napagsasabihan ni AJ si GJ but not this time, dinaig pa niya ako sa panenermon kay AJ. Tumingin ako sa paligid and our buddies together with our siblings, isama mo na din ang asawa ko ay pinipigilan lang ang mga sarili not to burst out into laughter dahil nakasubsob na sa dibdib ko si AJ habang si GJ nakapamaywang pang nanenermon.
" what if hindi ka nahabol ni Dada at pinatulan ka! what do you think will happen!?"-gigil pa ding sermon ni GJ.
" Mama please tell GJ to stop it's so embarassing"-bulong ng anak ko dahil napapatigil na din ang mga taong napapadaan sa amin.
" what now?! you're asking Mama to stop me?!"-matalim niyang sabi kay AJ.
" Baby princess"-mahinang tawag ni Glaiza.
" What!?"-sikmat niya kay Glaiza at namutla siya ng marealize ang ginawa at napatingin sakin at napayuko na lang.
" Sorry Dada"-singhot na nito.
" I was just.... AJ makes me worried so much that's why po, I scold him.But I'm not sorry I yelled at him."-paliwanag na niya pero matalim na nakatingin kay AJ.
" Mama can we watch po sa laban nina Dada?"-AJ ask.
Tumingin ako kay Glaiza at gestures me that it's me who will decide. I sighed.
" Okay but please if I say to close your eyes listen to me okay"-aniko.
" I understand baby. You little guy will have your punishment starting today together with GJ and Dada"-I seriously said.
" Nagsimula na ako kahapon wifey!"-singit ng asawa ko.
Inirapan ko siya at umiwas ng tingin sakin.
" You two will face the wall for 3 hours in a week got that! any objections!"- I look at the twins sternly at tanging tango lang ang sinagot nila.
" tol nagface the wall ka?"-ngisi ni Batchi.
Yumuko lang si Glaiza at bumulong sagot.
" Hmmmp buti kung face the wall na lang sana!hhhhmmmmmffff!"-irap niya sakin.
Humagalpak na ng tawa ang mga kapatid ni Glaiza dahil nagets na nila ang parusa na binigay ko.
" Ilang araw?"-Mike.
" Tsk..."-whimpered Glaiza.
" Shiiit don't tell me..."-Nanlalaki matang bulalas ni Batchi.
" Two weeks"-mahinang sagot ni Glaiza.
" Oh G...Kaya mo?"-Mike.
" May paraan naman tol"-alo ni Batchi na sinamaan ko ng tingin at agad nagpeace sign sakin.
" Come with me at gagawa tayo ng kasulatan about sa laban. Buddies kayo na muna bahala sa mag-iina ko"-aya na lang ni Glaiza dito at hindi na ako pinansin.
----------
Alas dos ang simula ng laban nina Glaiza at 1pm ay dumating na din ang mga ibang makakalaban nila kasama si Jak na namutla ng magkita kita sila sa loob mismo ng gym kung saan sila magpipirmahan about sa rules at sa mga addendum pa if may matalo sa magkabilang grupo.
"Hindi niyo ba binasa ang manual na binigay ko sa inyo?"-hintakot na sabi ni Jak sa grupo ni Carlos.
" Hindi na kailangan dahil makikilala din namin ang mga fighters na nasa manual kapag umangat na ang ranking namin"-mayabang na saad ng mga ito.
Pinagpapawisan na si Jak ng lumapit sina Glaiza at Batchi sakanila at linatag ang papel ng kasulatan at kasunduan
16 Vs 2. Kung sa bilang dehado sina Glaiza pero baka kulangin pa kapag hindi sila ginanahan sa laban lagot na.
Binasa ng magkabilang grupo ang nakasaad sa papel.
Rules:
1. the loser must pay 5million pesos
2. No stopping the fight unless beg and fall down on their knees to stop.
3. no killing
4. If a fighter plan to back out, he must pay 10million pesos and be out as a UG fighter.
5. Wear swimsuit while celebrating the feast in the Island.
Nang mabasa nila ito ay agad pumirma sina Batchi at Glaiza.
" Mga UG fighters ba kayo? ah malamang mga baguhan kayo noh kaya malakas ang loob niyo. Well kami lang naman ang mga newbie na nasa top 150 agad dahil sa lakas at liksi namin.Kayo mukhang nasa pinakahuli kayong rangko"-buska ng mga ito.
" Jak Roberto how stupid of you na gawing student mo ang mga kumag ito!"-sita ni Batchi.
" Hoy ikaw ang liit ng katawan mo ang angas mo ah. Wag mong ginaganyan ang Maestro namin baka hindi mo alam nasa top 50 siya sa rangko!"-duro ni Jay dito.
" Maestro! ppppppfffffff hahahaha !"-hagalpak ni Batchi.
" Nakakapikon ka na ha!"-sugod ni Paolo.
" Tama na!"-sigaw ni Jak.
" Maestro wag mong sabihing hahayaan mo lang sila na insultuhin ka"-gulat na sabi ng mga ito.
Napapikit si Jak sa katangahan ng mga ito dahil hindi pa nila kilala kung sino ang mga makakaharap nila.
" Don't you dare tell them about us Jak hayaan mong sila ang makadiskubre sa amin or else"-himig banta ni Glaiza kay Jak na tumango na lang.
---------
Naghahanda na ang magkabilang panig para sa laban. Wala silang protective gear na suot maliban sa gloves at mouth piece lang ayun na din sa kondisyun ni Glaiza.
Salitan ang maglalaban.
1. Glaiza vs Gerald
2. Batchi vs Jay
3. Glaiza vs Carlos
4. Batchi vs Paolo and so on...
Hindi na pinasali nina Carlos si Jak dahil kumpiyansa ang mga ito na sila ang mananalo.
----
Simula na ng laban. As usual nagpakitang gilas na naman itong si Gerald na tumambling pa papasok sa loob ng ring.
" Wifey, aren't you giving me a goodluck kiss?"-ungot ni Glaiza kay Rhian.
Rhian leaned and kiss Glaiza's cheeks na nagpasimangot dito.
" If you behave sa laban niyo, I will give you more than that!"-kindat ni Rhian.
" ayeh ayeh Wifey"-ngiti ni Glaiza at pumasok na sa loob ng ring.
Tinuro ni Glaiza si Jak.
" Maestro serve as our referee!"-sabi niya kay Jak na walang magawa kundi sumunod na lang na pinagtaka ng ibang UG fighters na baguhan.
Ilang saglit pa ay tumunog na ang bell hudyat sa pagsisimula ng laban.
Unang sumugod si Gerald at mabilis na sumuntok pero naiwasan lahat ni Glaiza ang bawat atake niya. At dahil sa hindi niya matamaan si Glaiza ay umisip siya ng dirty tactic at sa isang pagsugod niya ay natamaan niya si Glaiza na siyang kinatuwa niya.
------
RHIAN
Napatayo ako ng makita kong may tumulong dugo mula sa ilong ni Glaiza.
" Hey watch your elbow!"-sita ng asawa ko kay Gerald na ngumisi lang sakanya ng nakakaloko.
" I did it on purpose!"-mayabang pang sabi nito.
" What!you fuckin' piece of shit!"-sigaw ng bahagya ni Glaiza and gritted her teeth.
Ghad! Napatingin ako kay Batchi pero tahimik lang siya.
" Hubby don't !"-pero huli na ako nasuntok na niya ng mabilis si Gerald na siyang kinalugmok nito.
" Stand up!"-sigaw ni Glaiza.
Hirap man ay tumayo pa din si Gerald at sunod sunod na suntok na ang pinakawalan ni Glaiza.
Aawat sana si Jak pero Glaiza look at him.
" Don't you dare kung ayaw mong madamay!"-rinig kong banta ng asawa ko.
" Hubby stop, baka mapatay mo siya! your kids are watching you!"-paalala ko.
Isang malakas na suntok sa mukha ni Gerald ang pinakawalan ni Glaiza bago niya ito tinalikuran dahil wala ng malay ang pobreng lalaki.
" Hindi man lang ako pinagpawisan tsk!"-himutok ni Glaiza ng umupo sa tabi ko.
" Hubby"-I called her sweetly.
Paglingon niya ay sinalubong ko na siya ng halik not minding the people around us.
" You did well"-haplos ko sa kamay niya.
" Wifey kiss me more"-nguso niya sakin.
Inilingan ko siya na siyang kinasimangot niya and gently cupped her face.
" You're still bleeding"-I said dahil may dugo pa ring lumalabas sa ilong niya dahil sa pagsiko ni Gerald kanina.
" Sakit sakit!"--pag-iinarte niya. Gusto na naman nitong makaisa. Isip ko.
"Dada why you finish him so fast? Now I'm bored!"-maktol ni AJ.
" Can't you see that Dada put him to sleep in just less than a minute and Dada Hubby didn't even use any techniques meaning that guy isn't worth of Dada's fighting time!"-banat na naman ni GJ sa kapatid.
" Sabi mo nga"-sagot na lang ni AJ.
Napangiti ako dahil namana din ng anak ko ang pagiging under ng Dada niya, atleast may katuwang ako sa panenermon at pagpigil sa mag-ina ko kung sakaling mabeast mode sila.
Sunod na maglalaban ay si Batchi at Paolo.
" Nakakainsulto naman sa pagkalalaki ko, sa'yo pa talaga ako linaban!pwe!Isang babaeng baka ihipan ko lang titiklop na."-insulto nito sabay dura sa loob ng ring.
Namula ang mukha ni Batchi marahil sa tinitimping inis.
" Jak, hindi mo ba sinabi dito sa kumag na ito kung sino ang nasa rank 1?"-baling nito sa referee na pinagpawisan na ng malapot.
" Hindi Captain B"-kabadong sagot nito.
" Kapag hindi ako pinagpawisan kahit tatlong butil ng pawis sakanya, mananagot ka sakin!"-banta nito kay Jak na napalunok na.
Tumunog na ang bell. Unang sumugod si Batchi. Isang suntok sa tagiliran ang pinatikim niya kay Paolo at agad itong napalugmok sa gitna ng ring.
" Batchi Galura!"-hiyaw ni Bianca sa asawa na agad namutla.
" Bakit B? anong ginawa ko?"-putlang tanong ni Batchi sa kapatid ko.
" Do you want to have a punishment also? How on earth you give him a blow like that alam mong lampa ang kalaban mo!"-hiyaw ni Bianca.
" Sinong lampa ang sinasabi mo! kapag natalo ko itong mayabang na walis tingting na ito.Sa ayaw at gusto mo sasama ka sakin para makipagdate!"-hiyaw na din ni Paolo na nakabawe na at nakatayo.
" What!?"-sabay na sabi ni Batchi at BJ.
" Baba beat his ass off! don't tell me that you'll allow him to date Mommy!"-sabat na ni BJ.
" Language Bret Jackson!"-sita ni Bianca at Batchi.
" You and your Baba will have your punishment!"-banta na ni Bianca.
" B/Mommy!"
" Ha ha ha!Parehas na tayong walang ganun tol"-asar tawang sabi ng asawa ko na tinaasan ni Bianca ng kilay.
" You two will face the wall together with GJ and AJ!"-muling sigaw ni Bianca at umirap kay Glaiza.
" Ha ha ha! ano ka ngayon tol akala mo magagaya ako sa'yo noh!?"-Batchi tease Glaiza and stick her tongue sa asawa kong hindi makapaniwala.
" Ano siya bata?"-sabi ni Glaiza kay Bianca.
" Well that's me and I'm not Rhian"-ngisi ni Bianca sakanya.
" So unfair!"-bulong nito at panakaw akong tiningnan.
" what!"-sikmat ko sakanya at agad siyang umiwas ng tingin.
" nothing "-mahinang sagot niya at muling nanood ng laban dahil nakabawe na at nakatayo si Paolo.
Si Paolo naman ang nangunang sumugod at nagpaulan ng mga suntok.
" What the..! Hey that's cheating! Ref hindi mo ba nakita that's a headbutt!"-tayong turo ni Bianca samantalang si BJ ay papasok na sana sa loob ng ring kundi lang napigilang hawakan ni Bianca.
" You bullhead let me go there and teach you how to box!"-sigaw ni BJ.
Pumutok ang kilay ni Batchi at agad na umagos ang dugo sa mukha nito.
" Shiiit!"-bulalas ni Batchi habang pinupunasan niya ang mukha at makita ang dugo. Sinamaan niya ng tingin si Jak, a warning look.
" BJ, just leave it to me"-awat ni Batchi sa anak na hindi pa kumakalma.
Tinanguan siya ng anak at halukipkip na umupo sa tabi ni Bianca waiting what his Baba will do.
" Lumaban ka ng patas!"-sita ni Batchi at saglit na pumikit.
Pagmulat niya ay agad siyang sumugod at sunod sunod na nagpaulan ng suntok at walang nagawa si Paolo kundi ang sumangga lang ng sumangga.
" Laban!"-sigaw ni Batchi.
Lagot na!-isip ko. Hindi na makaganti si Paolo dahil parang walang kapaguran si Batchi sa pagsuntok. Isang malakas na suntok sa tagiliran at sikmura ang tuluyan ng nagpatumba sa lalaki at hindi na muling nakatayo.
" Denise,ipaX-ray mo siya agad sa medical team I think I broke his ribs"-balewalang sabi ni Batchi at lumabas na ng ring.
-------