Glamanour Heights

Por black_dollette

254 16 4

[ON-GOING] Viana Fabia is a normal girl who lives in Glamanour Heights. It's a place wherein people seems so... Más

Glamanour Heights
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 7

12 1 0
Por black_dollette

Talking to You

"Salvatore?!" gulat kong bulaslas.

Sa lahat ba naman ng taong pwede kong makatabi, ba't siya pa? At bakit dito pa? Sa lawak ng lugar ng Glamanour Heights, ba't nandito siya?

Agad akong napatakip ng bibig ko at tinagilid ang aking ulo. Nanlalaki ang mga mata ko sa sobrang hiya, at pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon. Nadulas lang sa aking bunganga ang pagsambit ng pangalan niya. Nakakahiya!

"Do I know you?" aniya sa isang mababang boses.

Kung napahiya na ako sa inasta ko, mas lalo naman akong nahiya sa kaniyang tanong.

Kahit na nahihiya na ako, pinilit kong patatagin ang aking loob at hinarap siya muli. Ito na 'yon, pinaalala ko naman sa sarili ko na sa pagkakataong makita ko si Salvatore, ay agad ko siyang kakausapin. Ngayon na andito na si Salvatore sa tabi ko, bigla naman akong hindi maka-imik.

Napatingala ako sa mga bodyguard na nakasunod kay Salvatore. Hanggang sa mall pala ay nakasunod pa rin sila sakaniya.

Kaya pala ay maraming mga taong lumilingon sa gawi namin. Nakakaagaw atensyon naman din kasi talaga ang mga bodyguard ni Salvatore.

Nang mapansin ng mga bodyguard niya na nababalisa at nakikipag-usap ako kay Salvatore, lalapitan na sana nila kami ngunit tumigil sila nang tinaas ni Salvatore ang kaniyang kamay, senyales na tumigil sila. Matalim akong tinignan ni Salvatore tila ay nag-hihintay ng sasabihin ko.

"I'm s-sorry," may bahid ng kaba ang aking boses. Napatigil ako para lumunok, pakiramdam ko kasi ay natuyo agad ang aking lalamunan. "H-Hindi mo ako kilala..." dahan-dahan kong sabi at sinulyapan ang mga bodyguard na nakikinig lamang sa aming usapan.

"Okay?" nalilitong sabi ni Salvatore. Napansin kong babalewalain niya na sana ako nang bigla akong nag-salita ulit.

"A-Ano kasi... may sasabihin sana ako?" patanong kong saad. Hindi kasi ako sigurado kung papayagan niya akong kausapin siya.

Tumaas naman ang kilay niya kasabay ng kaniyang pag tikhim. Tumango siya, senysles na magpatuloy ako sa kung ano man ang sasabihin ko.

"Pwede bang tayo lang dalawa ang makakarinig ng pag-uusapan natin?" may lakas ng loob kong bulong, kasabay ng pag sulyap ko sa kaniyang mga bodyguard. Nagulat pa ako dahil walang bakas ng kaba ang aking boses. Hindi ako nautal.

Tumango-tango naman siya. Napaangat ang gilid ng labi niya nang mapagtanto kong namamaga 'yon. Binugbog ba siya? Kumunot tuloy ang noo ko, pero agad ding binigyan pansin ang mga bodyguard na umatras.

Sakto lamang ang kanilang distansya para mabantayan si Salvatore, pero sapat na rin 'yon para hindi nila marinig ang aming pag-uusap.

"Thank you..." sabi ko bago magpatuloy, "a-ano kasi, ako nga pala si Viana," sabi ko na lang. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang paghihingi ko ng tawad, kaya naman ay wala sa sarili kong pinakilala ang sarili ko.

Natawa naman siya sa aking inasta, kaya nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ay magagalit siya sa akin, ngunit ba't siya tumatawa ngayon?

"Nice to meet you, Viana. I'm Salvatore, Thor for short," nakangiting sabi niya kasabay ng paglahad niya ng kaniyang kamay.

Tinitigan ko 'yon. Nagulat lamang ako sa inasta ni Salvatore.

Akala ko talaga ay mailap siya sa mga tao, ngunit hindi naman pala.

Nang mapagtanto ko kung ano'ng kaniyang ginagawa, agad ko namang tinanggap ang kaniyang kamay, ngunit agad ko ring binitawan dahil may naramdaman akong parang kuryente ng magtama ang aming balat. Dahil siguro sa kaba, at dahil na rin sa hiya.

"N-Nice to meet you," nauutal kong sabi kahit na kilala ko siya. Syempre, anak ng Mayor, hindi makikilala ng lahat?

Tinagilid ko ang ulo ko at huminga ng malalim. Paano ako hihingi ng tawad?

"So... is there anything I can help you with, Viana?" tanong niya. Ang paraan ng pag sambit niya ng aking pangalan ay para bang himig sa aking tenga. Bakit 'yon?

Pinilit kong ngumiti at hinarap siya.

"Uhm, I just wanted to apologize for what happened last night..." dahan-dahan kong sabi.

Imposibleng hindi niya ako namumukhaan, alam kong naaalala niya ako kagabi. Tatlo lang naman kami kahapon na nag tanghal, at hindi naman kami magkakamukha. Hindi rin naman madilimim ang lugar kung saan ko sila nakita kagabi, kaya alam kong nakikilala niya ako.

Siguro ay nagpapanggap lamang siya na hindi niya ako nakikilala. Baka ay sinusuri niya lang kung ano ba ang gagawin ko.

"What about last night?" nakangisi niyang tanong.

Pinitik niya ang kaniyang daliri. "Oh! You're that woman!" Tatango-tango niyang sabi. Para bang inaalala niya ako. "I have heard things about you," dagdag niya pa.

Napatigil ako sa kaniyang sinabi. Ano raw? Ano'ng narinig niya tungkol sa akin?

Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako.

"What about me?" taka ko pang tanong. Napapa-english tuloy ako. Hindi ko naman alam na englishero pala talaga itong si Salvatore.

"Nothing! So..." lumapit siya sa akin, kaya naman ay napaatras ako. Naramdaman ko ang bakal sa likod ko, ibig sabihin ay nasa dulo na ako ng bangko. Kung nanlalaki na ang mga mata ko kanina, ay mas lalo na ngayon.

Nang mapagtanto kong malapit na talaga ang kaniyang mukha sa aking mukha, napapikit na ako. Narinig ko naman ang maliit niyang pagtawa, bago ko naramdaman ang kaniyang hininga sa aking tenga.

"So, you saw what happened last night, am I right?" pagpapatuloy niya. Agad akong napadilat, at ang una kong nakita ay ang mga bodyguard niya na tila ba ay handa nang lumapit sa amin ano mang oras.

Nang magproseso na ang kaniyang sinabi sa aking utak, agad ko siyang hinawakan sa kaniyang balikat at tinulak siya papalayo sa akin.

Yumuko ako at pumikit. "Please, 'wag mo akong sumbungin sa tatay mo! Wala akong nakita at narinig! Please don't assassinate me. I'm sorry!" Mas lalo akong tumungo ng humingi ako ng tawad.

Ngunit alam kong pagpapanggap lamang iyon para sa akin. Mas kinabahan ako sa paglapit niya kaysa sa pala-isipan na ipapapatay ako ng Mayor.

Narinig ko naman siyang tumawa, kasabay ng pagtanggal niya ng kamay ko sa balikat niya. Hindi ko napansin ang ginawa ko, sana ay hindi siya mas lalong magagalit sa akin.

Agad kong binawi ang kamay ko at tiningala siya. Nakita kong hinihimas niya ang kaniyang balikat, pero nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kaniya, ay agad siyang umayos ng upo at nginitian ako.

"What made you think that I'll ask for you to be assassinated? And if you really heard us last night, you'll come to the conclusion that I am not in good terms with my father." Huminga siya ng malalim at sumandal sa upuan.

Napakagat ako ng labi. Oo nga naman, pero hindi niya na kailangan sabihin 'yon. Wala na akong kinalaman sa buhay nila ng kaniyang pamilya, ngunit gusto ko lang naman na sabihan siya na hindi ko sinadyang marinig ang kanilang usapan.

"Wala nga akong narinig kagabi eh." Ngumuso ako.

"Are you sure? It's fine though. I know you wouldn't expose our business to the media, but I'm warning you," lumingon siya sa akin bago nagpatuloy, "I'm watching you..." makahulugang sabi niya sa isang baritonong boses.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Pakiramdam ko ay uminit ang aking mukha dahil sa kaba.

Nakikita ko sa kaniya si Maria, laking mayaman na minsan ay may saltik sa ulo. Hindi ko talaga inaakalang ganito pala si Salvatore. Akala ko kasi ay seryoso siyang tao. 'Yong tila bang hindi mo kayang makipag biruan sa kaniya.

"H-Hindi ko naman ipagkakalat! Wala ako sa lugar para gawin 'yon. 'Tsaka..." napatigil ako. Hindi ko na alam kung ano'ng sasabihin ko.

"What?" aniya, hinihintay na dugtungin ko ang aking sinasabi.

"Wala! Kalimutan mo na. Sorry ulit dahil bigla na lamang kitang kinausap ng walang pasabi." Napatungo ako. Ibang-iba pa rin siya sa inaakala kong Salvatore. Hindi naman pala siya snob.

"It's fine. I'm actually surprised that someone finally had the guts to talk to me. Wala kasing nag-aabalang kausapin ako, especially at school." Kumibit-balikat siya.

"Akala kasi ng mga tao ay suplado ka," wala sa sarili kong sabi, kaya agad akong napatakip ng bunganga, at nanlalakihang mga matang tinignan siya. "Sorry."

Parang kuminang ang kaniyang mata, at nasisiyahan sa inaasta ko.

"You are interesting..." Tumaas ang kilay niya, pero agad din naman sumeryoso ang kaniyang mukha ng tumunog ang kaniyang cellphone. Nakita kong umigting ang kaniyang panga bago siya humarap sa akin at ngumiti. "How I'd love to continue chatting with you, but I have to go."

Ang ngiti niya ay para bang nakakatunaw. Sa saglit na iyon ay para bang nakalimutan ko na napakaseryoso niyang tao kung titignan.

Tumayo siya at nakita kong nagkrus ang kaniyang kilay. Napatayo naman ako at yumuko.

"See you around, Viana," aniya bago ako tinalikuran. Agad naman siyang sinundan ng mga bodyguard niya.

Nang hindi ko na sila makita, napaupo ako agad sa upuan at napahawak sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakakaba! Baka mamaya ay niloloko lang pala ako ni Salvatore, at isusumbong niya ako sa tatay niya.

Buti na lamang at konti lang ang taong dumaraan. Abala rin siguro sila sa mga sale ngayon dito. Kaya buti ay walang nakakita saakin na umaaktong kakaiba. Paano ba naman kasi, nakakakaba pa rin dahil hindi ko sigurado ng isang daang porsyento na hindi nga ako isusumbong ni Salvatore.

Napailing ako sa naisip ko. Hindi naman siguro.

Hindi ko namalayan na natulala na ako, nagising na lamang ako sa katotohanan nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko sa bag ko, at agad 'yon sinagot nang makitang si Maria ang tumatawag.

"Hello?" sagot ko sa tanong.

"Asaan ka na?" tanong niya sa kabilang liniya. Agad ko naman sinabi sa kaniya kung nasaan ako. Napagkasunduan namin na mag kita na lamang sa exit ng mall.

"Uy! Namumutla ka ata?" natatawang tanong ni Maria nang magkita kami.

Wala sa sarili akong napahawak sa mukha ko. Hindi naman ako nanlalamig. Siguro ay pagod lang.

"Wala 'to! Uwi na tayo?" pag-aaya ko.

"Sigurado ka?"

Agad akong tumango.

Marami siyang kinakarga kaya hindi niya na ako kinulit pa. Siguro ay nahihirapan na siyang kargahin ang mga pinamili niya, kaya naman ay tinulungan ko siya sa kaniyang pinamili.

"Thanks," tipid niyang sabi.

Mabilis kaming nakarating sa apartment namin. Nag taxi na lamang kami dahil hindi na raw kaya ni Maria na maglakad.

Naiisip ko tuloy kung paano siya tumatakbo kanina roon sa mall. Napailing na lang ako sa naisip ko.

Naramdaman ko naman ang sama ng tingin sa akin ni Maria bago ko binuksan ang pintuan ng kwarto namin.

"Ang tagal mo!" aniya nang makapasok na kami. Agad niyang binaba ang kaniyang pinamili, at dali-dali na tinanggal ang kaniyang sapatos bago umupo sa sofa.

"Ikaw nalang kaya ang nag bukas 'no?" sabi ko naman. Inilapag ko sa gilid ang pinamili ni Maria na ako ang kumarga.

Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng baso para magsalin ng tubig. Pakiramdam ko kasi ay natuyo talaga ang lalamunan ko sa pag-uusap namin ni Salvatore kanina eh.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay naglakad ako papunta sa tabi ni Maria. Nakapikit na ang mga mata niya habang nakatingala.

Napailing na lamang ako at umupo. Kinuha ko ang remote ng TV at agad na inilagay 'yon sa nag-iisang channel namin.

Humalukipkip ako at hinintay lamang na kausapin ni Maria. Gusto kong ikwento sakaniya kung ano'ng nangyari kanina.

Napatulala ako ng hindi ko namamalayan. Nagising na lamang ako sa realidad ng pinalo ako ni Maria sa aking braso.

"Aray!" daing ko.

"Ano ba 'yan! Kanina pa kita tinatawag! Ano ba'ng nangyayari sa'yo at nakatulala ka riyan?" Taas kilay niyang tanong sa akin.

Umayos naman ako ng upo at tinignan siya ng seryoso.

"Wala, kasi naman!" Napanguso ako. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwento ko. "Nagka-usap na kami ni Salvatore!" mabilis kong sabi at minataan ang kaniyang reaksyon.

Nakita ko namang nanlaki ang kaniyang kanina'y inaantok na mga mata. "What?! Why are you telling me this now?!"

Umiling naman ako. "Eh kasi naman, hinintay kitang magpahinga muna. Mukhang pagod na pagod ka na kanina eh."

"Whatever! Minsan ka lang magka-chika 'no! I don't care if I'm tired because I'll always listen to you despite that. And duh! It's a hot tea!" Umirap siya at itinaas ang kaniyang kamay. "Okay, go on."

Natawa na lamang ako sa inasta niya. "Ayon na nga, nagka-usap kami..."

Kinwento ko sa kaniya ang pag-uusap naming dalawa ni Salvatore. Hindi siya nagsalita hanggang sa matapos ako sa aking kwento.

"Oh my goodness! I really thought he was a snob! Napaka-feeling close naman pala ni Salvatore! And what did you say his nickname was, again?" Hindi siya mapakali sa kaniyang upuan. Gumalaw-galaw pa ang kaniyang kamay noong nagsasalita siya. Hindi ko tuloy naiwasang matawa sa itsura niya.

"Thor daw eh, 'yon ang sabi niya," sagot ko sa kaniyang tanong.

"Talaga? Does that mean you're already friends? Ikaw ha, may pahawak-hawak pa kayong nalalaman eh. Pero nakakagulat pa rin! Akala ko talaga ay snob siya." Tumikhim siya.

"Akala ko nga rin eh. Hindi naman pala. Itsura niya lang at ang pinanggalingan niya ay nakakatakot pa rin."

"Ano'ng nakakatakot? Hello, Salvatore is a handsome man! If I don't have a crush on Leon, I wouldn't have a second thought going for Thor!" Kinikilig niyang sambit.

Nang mapagtanto ko ang sinabi ni Maria, agad akong napaisip. Hindi ko naman sinasabing hindi kagwapuhan si Salvatore. Ang akin lang ay mukhang hindi mo malalapitan si Salvatore sa sobrang seryoso ng kaniyang pagmumukha.

Napailing na lamang ako.

Naalala ko tuloy na may nobya na pala si Leon. Hindi ko na lamang 'yon binanggit sapagkat ayaw kong makitang malungkot si Maria.

Nagkwento pa si Maria tungkol kay Salvatore, ngunit ang tanging laman lamang ng isip ko ay iyong mapupungay na mga mata ni Salvatore na nakatingin sa akin kanina. Maganda ang kaniyang mga mata, ngunit wala akong maramdamang kasiyahan doon. Sa pananalita niya pa lamang, may bahid na ng kalungkutan.

Napansin ko rin kanina na namamaga ang gilid ng kaniyang labi. Posible kayang sinaktan siya ni Mayor? Mayroon pa ba'ng gano'n? Matanda na si Salvatore at hindi niya na kailangan pang saktan ang kaniyang anak kung puwede niya lang naman itong sabihan. Hindi ko na lamang inisip pa 'yon at nang mapagod na kami sa pag-uusap ay nag-aya na si Maria na kumain na kami ng hapunan.

Hindi ko man lang namalayan na gabi na pala. May binili rin pala siyang pagkain, at noong kakainin na sana namin 'yon, napansin naming hindi na 'yon mainit. Natawa na lamang kami dahil napatagal pala ang aming pag-uusap.

Kinabukasan, pumunta na ako ulit sa Heights House. Walang sinabi sa amin ang Mayor, ngunit pakiramdam namin ay magtatanghal kami ulit sa Biyernes, kaya naman ay nag-ensayo na lamang kami kahit sandali.

"Nakaka-pagod din pala ito 'no?" ani Krystal sabay upo sa kaniyang kama.

"Hindi ka lang sanay. Pagtagal ay masasanay ka rin niyan," sabi ko at kumuha ng tubig para ibigay 'yon sa kanilang dalawa.

"Salamat," sabi ni Rissa nang tinanggap niya ang tubig. Ngumiti lang ako at dumeretso sa aparador ko upang kumuha ng damit pamalit. Napawisan kasi ako kahit na hindi naman malamig.

Dumeretso ako sa banyo at doon nag palit ng damit.

Pagkalabas ko ay kumunot ang noo ko. Hindi ko mahagilap sina Krystal at Rissa.

Naglakad pa ako at inikot ang buong kwarto. Wala nga sila.

Inilapag ko muna ang damit na hawak ko sa lapag ng aking kama bago naisipang lumabas.

Dahan-dahan lamang akong naglakad, natatakot na baka sakali ay may makita o marinig na naman akong hindi ko dapat makita.

Hindi ko napansin na dinala na pala ako sa labas ng aking mga paa. Ngayon lamang ako nakalabas sa kanilang hardin at napamangha ako sa pagkaka-aliwalas ni'to.

Napansin kong may iilang mga katulong na inaasikaso ang mga halaman. Tumango ako at nginitian sila bilang bati noong lumingon sila sa akin.

Wala namang nakasaad sa kontrata namin na bawal kaming mag muni-muni sa labas. 

Napaupo ako sa bench na nakita ko. Yumuko ako at tinignan ang napakaberde na damo. Buti na lamang at naka tsinelas ako at natanggal ko iyon agad upang maapakan at maramdaman ang damo. Namamasa-masa ito. 

Napangiti ako sa katahimikan. Tanging ang mga himig lang ng ibon ang aking naririnig. Napapikit ako para damahin ang sariwang hangin na tumata sa aking katawan. Sapat lang iyon upang hindi ako gaano malamigan.

Tahimik lamang akong nakapikit habang dinarama ang mga damo sa aking paanan nang biglang may narinig akong boses sa tabi ko.

"Viana!" tawag ni'to. Agad naman akong napadilat at muntikan nang mahulog sa aking kinauupuan nang hawakan niya ako sa aking braso upang hindi ako tuluyang mahulog.

"S-Salvatore!" Bulaslas ko sa pagkagulat.

Nanlaki ang mga mata kong tinignan siya, laking gulat ko ang makita siya.

Narinig ko naman siyang bumungisngis kaya kumunot ang aking noo.

"Bakit?" tanong ko na lamang at dali-daling umayos ng upo sabay hablot ng aking braso na hawak niya pa rin. Sinuot ko na rin ang aking tsinelas, kasabay no'n ay ang pag-upo niya sa tabi ko.

Umiling siya. "Nothing. What are you doing here?" 

Tumaas ang aking kilay. Sa pagkakatanda ko, siya ang dapat kong tinatanong niyan dahil alam kong hindi siya rito nakatira. 

Humugot ako ng hinga at sinagot siya, "Nagpapahangin lang. Nawala kasi ang mga kasama ko. Dito naman ako napadpad."

Tumango-tango siya at iniwas ang tingin niya sa akin, kaya tumingin naman din ako sa mga halaman na hindi kalayuan sa amin. 

"Oh..." Natahimik siya saglit. "So how is your stay here?" Pag-iiba niya sa usapan. Napalingon ako ulit sa kanya at nakita siyang nakamasid na sa akin.

Napakurap ako bago sumagot. "Ayos naman. Maganda ang higaan, masarap ang mga pagkain, ngunit malayo nga lang sa paaralan. Pero ayos naman dahil hatid sundo naman kami." 

Tumango-tango na naman siya. "I see. That's good. I have never stayed here for more than two days so I wouldn't really know how you feel."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ano raw?

"I mean, you know..." Kumibit-balikat siya ng mapansin niyang nalito ako sa kanyang sinabi.

Hindi na ako nag salita pa. Naalala kong hindi nga sila nagkakasundo ng kanyang tatay. Napaisip tuloy ako kung gaano kakomplikado ang kanilang buhay.

"Are you not going to ask me why?" Kunot-noo niyang tanong. Pinigilan ko namang itaas ang aking kilay.

"Hindi ko naman kailangan malaman kung bakit."

"But people get curious, and you don't?" takang tanong niya.

"Curious naman, pero hindi ko naman obligasyon ang malaman sa kung ano ang nangyayari sa buhay mo."

"Well, since you're not asking, I might as well tell you."

Ano raw? May sira ata 'to sa utak eh.

"I have not, even once stayed for even two nights because my father would forbid me. And even if I wanted to, we are just not on good terms," mahinang saad niya.

"At bakit naman? Anak ka niya hindi ba? I'm sure he wants to be with his child even for a short period of time."

Kumibitbalikat siya. "I'm not sure. Ever since he became a part of our government, he changed. I'm not even sure if he sees me as his own child. He can't even bring himself to contact Mom even from time to time." Naging malumanay ang kanyang boses, tila napakalungkot ni'to.

Sino naman din ang hindi malulungkot kung mismong tatay mo ay hindi ka man lang namimiss.

"Pero hindi naman hiwalay ang mga magulang mo, hindi ba? Wala bang reporters or journalists nakakapansin na hindi kayo magkasama sa heights house?" takang tanong ko. Imposible naaman din kasing walang ibang nakakaalam.

"I'm sure the media is being held by the neck by Father. Or the Mayor, but that's it. They would not want to piss the Mayor and I'm pretty sure that there are lots of talks about our family just from the guards or maids, but they can't really do anything against my father, don't they?"

Tumaas ang kilay ko. "But if they are being bought out by your father, surely there will always be one who isn't afraid to go against your father, right?" sabi ko. Napa-english tuloy ako. Nakakahawa naman 'to!

"Are you not afraid?" Tumaas ang kilay niya at ngumiti ng nakakaloko. Napaiwas naman ako ng tingin at sumagot. "Syempre, takot..."

"My father is friends with many politicians. I don't think a mere 'chismis' will make him shiver. And no one really can photograph him except for public events, so even if people talk that our family is not really happy and united in reality, they still cannot prove it."

Bigla siyang tumayo sabay tingin niya sa kaniyang relo. "Well, it was really nice talking to you, Viana, but I need to go. See you!" Kumindat siya, at bago pa man ako makagalaw ay nawala na siya sa paningin ko.

Tulala akong bumalik sa amin kwarto, at agad naman akong binungad ni Krystal ng mga tanong.

"Saan ka nanggaling?" Natigilan siya saglit bago nagpatuloy, "Bakit ka namumula?" takang tanong niya.

Agad ko namang hinawakan ang magkabilang pisngi ko, at umiling. "Wala 'to."

Dumeretso ako sa aking kama at humiga. 

"Sigurado ka ba?" tanong ni Krystal na ikinatango ko lang. Hindi na niya ako kinulit pa.

"May band practice ka?" Napalingon ako kay Maria dahil sa kanyang tanong.

Naglalakad kami patungong cafeteria. Napaisip naman ako sa tinanong niya.

Base sa kontrata namin, sagot na ng gobyerno ang aming matrikula dahil kami ay nagsisilbi na sa Mayor. At dahil mayroong partikular na oras na isinusundo kami ng kotse patungo sa Heights House ay mawawalan ako ng libreng oras para sa banda.

"Hindi ko alam. Siguro ay panahon na upang sabihin kay Ma'am Ira na titigil na ako sa pagbabanda." 

"Tama 'yan. May schoolarship naman ang trabaho mo kay Mayor, hindi ba?"

Tumango naman ako. Umupo na kami nang makuha namin ang aming pagkain.

"Ayos na rin 'yan. Madami ka nang ginagawa. Kahit ngayon nga ay wala ka nang oras sa akin, pa'no na lang kaya kung ipagpapatuloy mo pa ang pagbabanda mo." Ngumuso siya kaya natawa naman ako.

"Ngayon lang 'to!" Natatawang saad ko.

"Anong ngayon lang! Simula na 'to ng pagiiwan mo sa akin!" Mas lalong bumusangot ang mukha ni Maria. Mas lalo naman akong natawaq at pinagpatuloy na lang namin ang pag-kain.

Nang matapos ang klase, napag-disisyunan ko naman pumunta sa faculty room upang makausap si Ma'am Ira. Si Maria naman ay hindi ako sinamahan. Alam ko talagang pupunta iyon sa court dahil malamang sa malamang ay naroon na naman si Leon.

Kumuha ako ng lakas upang kumatok ngunit biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang nag-iisang Salvatore na kilala ko. 

Biglang may sumilay na ngiti sa kaniyang mga labi, kasabay no'n ang pagsara niya ng pinto sa kanyang likuran at humakbang papalapit sa akin.

"Hello," bati niya.

Pinilit ko naman ngumiti at tumango. "Hi."

"And we meet again, Miss Fabia. Mukhang mas napapadalas ang pagkikita natin, ah?"

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Mas?

"Ahh..." Walang salita ang lumalabas sa akiing bibig. Ano ba ang dapat kong sabihin? Dapat kasi ay hindi ako iniwan ni Maria eh!

Bumalik ako sa katotohanan ng may naramdaman akong matigas na bagay sa likod ko. Napasandal na pala ako sa pader dahil patuloy pa rin ang pag lapit sa akin ni Salvatore.

"So?" aniya.

"Huh?" Ano ba ang pinagsasabi ni'tong lalaking 'to?

"Nothing." Tumikhim siya at yumuko upang pantayan ang aking tingin. "So what are you doing in front of the faculty room?"

"W-Wala lang. Kakausapin ko langs ana si Ma'am Ira," sagot ko sa kanya. Napakurap naman ako. Ba't ako nauutal?

"Is that so? Well, what were you planning on discussing with Ma'am Ira?"

"Wala lang. Nothing that concerns you."

"Ah," natigilan niyang sabi at ngumuso. Tila naging bata ito sa kanyang ginawa.

Nanlaki ang aking mga mata at naramdaman kong uminit ang aking pisngi. 

Natigilan kami sa pag-uusap ni Salvatore ng nakarinig ako ng mga bulong at mukhang narinig din iyon ni Salvatore kaya lumingon siya ng kaunti. Dahil sa kanyang ginawa ay napatingkad lamang ang linya ng kanyang panga na ikinalunok ko naman.

Ano'ng nangyayari sa akin? Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

Ngumisi siya at bumaling ulit sa gawin ko. Umayos siya ng tayo at ngumiti.

"People really like to gossip," aniya. Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi niya kaya umiling ako upang makapagpokus sa kung ano man ang sinasabi ng iba.

"Totoo ba itong nakikita natin?" Rinig kong bulong ng isa.

"Yes! Salvatore is speaking to a mere commoner," sagot naman ng isa.

Napairap tuloy ako sa narinig ko. Kasalanan ko bang kinakausap ako ni Salvatore?

Agad naman akong natigilan sa iniisip ko. Nako! Nahahawa na ako sa pagkakamaldita ni Maria.

Hindi ko na narinig pa ang kasunod nilang sinabi dahil lumayo naman na sila sa amin. Mayroon pang ibang dumadaan na mukhang nagugulat dahil nakikita nilang malapit masyado si Salvatore sa akin.

Iiwasan ko na sana si Salvatore nang mapasinghap naman ako nang biglang lumapit ang ulo ni Salvatore sa gilid ng ulo ko. 

"Anong gina-"

"Don't mind what other people say, it was a pleasure talking to you," aniya at biglang umalis.

Naiwan naman ako roon na nakanganga at nanlalambot ang tuhod.

-

Hello everyone! It has been years since I updated this story, hopefully, this is not the last chapter before going on hiatus again. I hope you enjoyed this chapter, love lots!

-lia

Seguir leyendo

También te gustarán

1.4M 48.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
20.1K 2K 11
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
178K 710 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.