My Possessive Husband' Season...

By Black_tinta

71.3K 1.8K 65

Bakit ganito sa tuwing nag mamahal tayo , may kalakip na sakit. Sa tuwing masaya tayo , may kalakip na kalung... More

Panimula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Final Chapter
Epilogue

Chapter 10

1.7K 44 1
By Black_tinta

"Pare! ano naging mainit ba ang gabi niyo ni Ecca ?"

Naka ngising sabi ni Kole .

"I'm sure miss na miss niyo ang isa't -isa ano nakarami ba ? naka ilang rounds kayo." Manunukso ni luke.

"Tsk ! mag sitigil nga kayo kababalik lang ng asawa ko kagabi. Kailangan niya ng pahinga, mga yawa kayo ang babastos niyo!"

Asik niya sa kaniyang mga kaibigan.

Dahil nalaman nilang bumalik na si Angelecca ay nag mamadaling nag puntahan ang mga kaibigan ni Ellieoth at kasama ang mga asawa at nobya ng mga ito.

Naririto sila ngayon sa pavillon nag uusap-usap. Habang ang mga babae naman, ay nag latag ng malapad na tela sa bermuda at doon na-upo.

"Pero alam mo pare may napansin ako kay Angelecca, para kasing tumangkad siya. Hula ko parang nasa 5'7 ang hieght niya, diba 5'4 lang si Angelecca."

Mahinang turan ni Ed habang matamang pinagamasdan si Angeleacca, habang nakikipag usap sa ibang babae.

"What do you mean ? na hindi yan si Angelecca! ganon ba?"  Halata sa boses ni Ellieoth ang pag kainis, hindi niya nagustuhan ang tinuran ng kanyang kaibigan.

"No! wala akong sinabing ganiyan pare, nag tataka lang ako."

Mahinahon na sabi ni Ed ayaw niya ng makipag talo pa kay Ellieoth at baka mag kasamaan pa sila ng loob ayaw niyang mangyari iyon.

"Pumayat kasi si Angelecca kaya matangkad siyang tingnan."

Litaniya ni Ellieoth at pinag masdan ang si Angelacca.

Nag paalam  si Angelecca na mag c-cr muna ito, pero ang totoo ay pupunta ito sa kuwarto.

Nang makariting ang babae sa kanilang silid ni Ellieoth, ay agad niyang kinuha ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan at nag tipa roon ng numero.

Ilang sandali ay may babaeng sumagot sa kabilang linya.  "Hello ! kamusta nakapasok kana ba sa mansion ng Del Falco?"

Boses ng isang babae.

"Yes! Dianna." Maiksing sagot ng babae.

"Good kamusta ang unang gabi mo hindi kaba nahahalata riyan?"

Tanong muli ni Dianna sa babae.

"Kung si Ellieoth, ay parang hindi naman nakakahalata. Pero kasi may problema yung anak na panganay ni Angelecca ay parang ayaw sa akin. At may isa pa akong problema, yung Samantha parang nakakahalat e."

Mahabang litaniya ng babae.

"Sinong Samantha ang tinutukoy mo?" 

Seryusong tanong ni Dianna.

"Mag kamukhang- kamukha sila ni Angelecca daig ko pa ang nanalamin sa tuwing nag haharap kaming dalawa."

Usal ng bababe.

"Huwag mo muna problemahin ang Samantha na yan kapag na buko ka saka kalang kumilos patayin mo!"

Matigas na turan ni Dianna.

"Ano ? hindi ko yata kaya pumatay ng tao. At isa pa paano kung bigla nalang dumating ang totoong Angelecca baka sumabit ako."

Kabadong saad ng babae.

"Hoy! Lara nakakalimutan mo naba kung bakit ka naririyan. Kailangan mo ng malaking pera hindi ba ? para sa pag papa-opera mo sa mommy mo. Nakawin mo ang lahat ng pera ni Angelecca at pag hatian natin. Pag katapos isunod mo ang kayamanan ni Ellieoth at kapag nakuha mo na ang lahat ng ari-arian niya.  Lasunin mo ang lahat ng taong nakatira sa mansiyong iyan.  Ultimo bata idamay mo na para wala ng sagabal sa mga plano natin!"

Sigaw ni Dianna sa kabilang linya.

Dianna hindi ko kaya pinapagawa mo mababait silang tao kinakain ako ng konsensiya ko. Hindi ko yata kaya gawin ang lahat ng pinapa-gawa mo sa akin.  At saka si Ellieoth paano kung galawin niya ako mag katabi kami sa iisang kama hindi ko kayang makipag isa sa kanya.

Mahinang wika ng babae halos bumulong nalang ito sa cellphone upang walang makarinig.

"Gaga! ang arte-arte mo! Lahat ng babae ay pinapangarap siya makatabi sa kama. Lubos-lubusin mo na total nariyan kana  ayusin mo ang trabaho mo! Malaking pera ang ginastos ko para maparetoke ko yang mukha mo  kaya umayos ka Lara. Pumalpak na noon si Derik na patayin si Angelecca kaya umayos ka !  kung ayaw mong tapusin ko ang buhay ng mahal mong ina."

Halos bumagting ang pandinig ng babae dahil sa lakas ng boses ng kausap nito sa kabilang linya.

"Sige na ibababa ko na ito at baka may makakita pa sa'yo riyan at isa pa wag ka mag alala hindi na babalik ang Angelecca na iyon. Dahil kung babalik siya sana noon pa. Hindi nga natin alam kung nasaan ang bruhang iyon!"

Inis na wika ni Dianna at pinatay na ang tawag.

Nag tungo ang babae sa cr at  nag hilamos ng kaniyang mukha sa lababo. Tumingin siya sa harap ng salamin at ngumisi. Kung sabagay hindi na ako lugi kay Ellieoth gwapo at matipuno ito. Sayang naman kung tatangihan ko pa ang grasya minsan lang ako makakatikim ng imported, kaya lulubos-lubusin ko na. Mag pi-pills nalang ako para hindi ako mabuntis." Wika ng babae at muling nag hilamos ng kanyang mukha.

__

"Kuya! kailan mo ba balak ibalik ang babaeng iyan sa totoo niyang pamilya. May asawa at anak ang babaeng yan " may pamilyang nag hahanap sa kanya.

Usal ng isang lalaki habang pinag mamasdan ang mahimbing na natutulog na babae.

"Hindi ko siya maaring ibalik sa ngayon alam mo naman kaka-galing lang niya sa isang operasyon sa mata. At isa pa nag aalala ako sa kanyang kalagayan at kaligtasan hindi ko alam kung sino ang taong may galit kay Angelecca at gusto siyang ipapatay." Litaniya ng lalaki sa nakababatang kapatid nito.

"Kaya ikinukulong mo siya dito sa mansion at buwan-buwan ay pina-tuturukan mo siya ng pang pakalimot para hindi siya maka-alala." Litaniya ng kaniyang kapatid.

"Baka naman kaya hindi mo siya magawang isuli sa totoong nag mamay-ari sa kanya dahil sa sariling mong intensiyon. Dahil gusto mo mapa-sa'yo siya."  Dagdag pa ng kaniyang kapatid.

"Ibabalik ko naman siya pero hindi pa ngalang nga--"

Hindi natapos ang kanyang sasabihin ng tumunog ang cellphone niya.

Tumalikod ang lalaki at humarap sa malaking glass window bago ito sagutin.

"Yes hello?" Sagot niya.

"Boss ! may ibabalita ako sa'yo  sa araw-araw na pamamatiyag ko sa mga Del Falco. May nakita akong dalawang babaeng  kamukhang kamukha ni ma'am Angelecca."

Saad ng lalaking private invistigator na hin-hire ni Ford upang mag manman sa mansiyon ng Del Falco. At alamin kung sino ang may pakana sa aksidenteng nangyari kay Angelecca nitong mga nakaraang buwan.

"Dalawa? as in dalawang babae?"

Paninigurado ni Ford sa kausap.

"Yes ! boss pero ayon sa pang iimbistiga ko ang isang babae doon ay si Samatha Ford na matagal na kaibigan ni ma'am Angelecca at ni Mr Del Falco." Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang babaeng impostor na ito sa aksidenteng naganap noong mga nakaraang buwan."

Usal ng lalaki. "Ipapadala ko mamaya ang mga larawang kuha ko sa kanya kanina lamang."  Dagdag pa nito at pag katapos ay nag paalam na ang lalaki.

"See ? kung ibabalik ko siya ngayon baka mapahamak lamang siya. Lalo na ngayon may isang babaeng impostor na pilit pumasok sa buhay ni Ellieoth."  Matigas na sambit ni Ford De Silva.

"Sa ngayon ako muna ang kikilalaning asawa ni Angelecca pagagawa ako ng papeles na nag papatunay na asawa ko siya."

Muling sambit ng lalaki. Makahulugan naman siyang tinitigan ng kaniya kapatid.

Tinasan niya ito ng isang kilay dahil sa titig nito sa kaniya.

"Oh, come on. West De Silva huwag mo akong titigan ng ganiyan. Hindi naman ako ganoon kasama para angkinin ang hindi sa akin, oo aaminin ko patay na patay ako kay Angelecca noon at binalak ko talagang agawin siya kay Ellieoth. Pero iba na ngayon buhay ni Angelecca ang nakasasalalay dito. I need to protect her!"

Mahabang litaniya ni Ford . "Fine ! wala naman akong sinabi pero ang haba ng paliwanag mo kasing haba ng traffic sa edsa masyado kang defensive kuya Ford."

Natatawang wika ng kaniyang kapatid na lalaki.

"Mama,  i want to eat  pancake po can you please make a pancake for me ,and  Alliecca and Tresshella." Saad ni Elliecca.

Mariin napa pikit si Lara , wala siyang alam na kahit ano pag dating sa pag luluto. Lumaki siyang sunod sa luho , ultimo isusubo niyang pagkain ay mga katulong nila ang nag luluto at nag hahanda para sa kanya noong mayaman pa sila at walang sakit ang kanyang mommy.

"Mia!"

Sigaw ni Lara sa pangalan ni Mia.

Patakbo naman lumapit si Mia sa babae at naka ngiting bumati sa kaniya.

"Ano po iyon ma'am Ecca?" Naka ngiting tanong ni Mia sa amo.

"Pwede mo bang ipag luto ng pancake ang tatlong bubwit na ito, ang kukulit kasi naiirita ako!"

Masungit na wika ni Lara sa mayordoma at bumalik sa pag babasa magazine.

Sumimangot ang tatlong triplets at parang iiyak pa.

"But mama! ikaw po ang gusto namin mag luto ng pancake diba po lagi mo kami pinag luluto ng pancake before!"

Palahaw na iyak ni Elliecca.

"Ang aarte niyo can you please shut your mouth! sa katulong kayo mag paluto ng pancake!"

Sigaw ni Lara nagulat naman si Tresshella at Alliecca dahil sa pag sigaw ni Lara. Nag tutubig narin ang mata ng dalawa at nanginginig ang mga labi nito dahil sa pag pipigil na iyak. Samantalang si Mia naman ay bahagyang naka-kunot ang noo dahil sa attitude ng babaeng amo.

"Ano nangyari kay ma'am Angelecca?" Sa isip ni Mia at niyaya sa kitchen ang tatlong bata.

Sa paanan naman ng hagdan nakatayo si Samantha at pinag mamasdan si Lara kung paano ito kumilos. Nag lakad siya papalapit sa likuran ni Angelecca at matagal tumayo roon.

"Impostor!" Matigas na saad ni Samatha na ikinalingon ni Lara.

"Excuse me? w-what did you just say?"

Taas kilay na usal Lara at tumayo mula sa pag kaka-upo.

Mas matangkad si Lara kumpra kay Samantha dahil hindi nag lalayo ang height nila ni Angelecca.

"Sa tindig mo palang at ugali ay halatang impostor ka!  I know her mula ulo hanggang paa. Mabait si Angelecca at hindi niya ugali na sigawan ang kanyang mga anak sa  ikinikilos mo halatang hindi ikaw si Angelecca!"

Matapang na wika ni Samantha.

Agad hinawakan ng mahigpit ni Samantha ang braso ni Lara at mariing piniga ito.

"Who are you bitch!" Saad muli ni Samatha.

"L-let me go! ano ba yang sinasabi mo."

Inis na sambit ni Lara at malakas binawi ang kanyang  braso mula sa pag kakahawak ni Samantha.

Sakto naman narinig niya ang boses ni Ellieoth sa labas ng pinto ng mansion papasok na ito sa loob.

Umakto naman si Lara na parang naiiyak at sabay hawak sa kamay ni Samantha.

"Samantha! ano ba yang sinasabi mo. Nakakasakit ka naman ng damdamin bakit mo nasasabi ang salitang iyan. Bakit mo sinasabing hindi ako si Angelecca, ako ito!"

Kunwari'y naiiyak ang babae.

"What's happening here ?"

Seryusong tanong ni Ellieoth at nag lakad papalapit kay Lara.

"What's wrong ? Why are you crying ?"

Tanong ni Ellieoth sa babae ng makalapit at sabay punas sa luhang dumaloy sa pisngi nito.

Samantha ! inaaway mo ba si Angelecca?"

Tanong ni Ellieoth kay Samantha.

Sa halip mag pa apekto si Samantha sa kaartehan ni Lara ay ngumisi pa ito.

"I'm sorry Ellie, pinag sasabihan ko lang si Angelecca! na huwag sinisigawan ang triplets."

Saad ni Samantha at talagang diniinan ang pangalang Angelecca.

"Sinigawan mo ang triplets?" Tanong ni Ellieoth kay Lara.

"Ah, kasi medyo masakit lang ulo ko sweetie medyo nai-stress lang ako. Naalala ko kasi yung mga napag daanan ko sa kamay ng mga lalaking kidnaper noon."

Umaarteng wika ni Lara at yumapos kay Ellieoth.

"Tsk! Fake na nga plastic pa!"

Bulong ni Samatha sakto lang para marinig ni Lara.

___

Isang linggo pa ang lumipas.

Dumalaw si Ella sa mansion nila Ellieoth kasama ang mga anak niya.

Plano niyang yayain mag shopping ang kanyang ate Angelecca.

Nasa mahabang sofa naka upo si Samantha ng pumasok siya sa loob ng masion.

"Hi Ate Samantha!"   Bati niya rito.

Lumingon si Samantha kung saan naka tayo si Ella kasama ang mga anak nito.

"Hi Ella, tuloy kayo halika maupo ka.

Masayang paanyaya ni Samantha at niyayang maupo si Ella.

"Si ate Ecca naririto ba?" Nakangiting  tanong ni Ella. Sumimangot naman si Samantha at deretsong tumitig kay Ella.

"Ella! Huwag ka sana magagalit sa sasabihin ko." Mahinahong wika ni Samantha. Bahagyang kumunot ang noo ni Ellla.

"Ano ba yung sasabihin mo ate Samantha at parang bigla naman ako kinabahan sa sasahibin mo."

Natatawang usal ni Ella.

"Wala ka bang napapansin sa ate mo?  para kasing may nag bago sa kaniya. Parang hindi siya si Angelecca kung kumilos." Mahinang saad ni Samantha.

"Ate Samantha huh, alam ko naging ex mo si kuya ellie noon may gusto kapa ba sa kanya? At pati si Ate Ecca sinisiraan mo sa akin."

Mataray na sambit ni Ella.

"Gagi! hindi kami mag kaka-anak ni Elliazar noon kung may gusto pa ako kay Ellie.  Ano kaba, concern lang kasi ako kay Ellie at lalo na sa mga pamangkin mo."

Sambit ni Samantha .

"Teka nga bakit mo ba pinag hihinalaan na hindi si Ate Ecca ang babaeng kasama natin?"

Muling tanong ni Ella sa babae.

"Papaano kasi noong nakaraang linggo bigla nalang sinigawan ni Angelecca ang triplets."

Wika ni Samantha.

"Sinigawan? kilala ko si Ate hindi niya sinisigawan ang mga anak niya, ni kurutin nga hindi niya magawa, dahil mahal na mahal niya ang mga anak niya."

Bigkas ni Ella at napa-isip bigla.

"Napansin ko nga rin sa kaniya parang tumangkad siya at hindi niya man lang ako pinansin ng dumating siya.  Isa lang ang mag papatunay na hindi siya si Ate kung hindi siya ma-allergic sa sugpo."

Anas ni Ella at ngumisi kay Samantha.

"Lets go ate Samantha, pupunta tayo sa pakengeke bibili tayo ng sugpo at ako ang mag luluto."

Saad ni Ella at hinila patayo si Samantha.  Pag karating nila sa palengke ang ending ay si Samantha lang ang bumaba upang bumili ng sugpo sa palengke hindi pwede si Ella baka makilala siya ng mga tao at baka dumugin pa sila.

Nang matapos lutuin ni Ella ang sugpo ay nag tungo siya sa kwarto kung nasaan si Lara.

Kumatok siya sa pinto ilang sigundo ay bumukas ito bumungad sa kanya ang babaeng naka suot ng maiksing short na halos makita ang maputing singit at pisngi ng pwet nito. Naka suot lang rin ito ng black spaghitti sando na halos lumabas na ang dibdib nito.

Pailalim na tinitigan ni Ella si Lara, hindi nag susuot ng short ang kanyang ate kahit pa noong dalaga pa ito. At kahit ngayong may asawa na ito, madalas ay mahabang dress na hangang sakong ang madalas suotin ni Angelecca. Kilala niya ang kanyang ate may pag ka conservative ito pag dating sa pananamit. Doon palang ay umusbong ang pang hihinala sa puso ni Ella, baka nga tama si Samantha baka impostor itong kasama nila.

"Ano iyon Ella? may kailangan kaba?" Tanong ni Lara sa babae.

"Nag luto kasi ako ng pagkain baka gusto mo tikman ate Angelecca."

Pilit na ngumiti si Ella sa babae.

"Sure !"

Naka ngiting wika ng babae at hinawakan na siya nito sa kanyang braso.

Pag karating nila sa bulwagan ay nadatanan nila si Samantha nag hahanda ng pagkain. Alas syete narin ng gabi kaya sinabay na nilang niluto ang dinner. Wala pa si Ellieoth siguradon maya-maya lang ay darating na ito.

"Hi Angelecca! Kain na peace offering."  Nakangiting saad ni Samantha.

Tumingin naman si Lara sa hapag marami nga ang pagkaing naka handa roon isa na roon ang paborito niyang sugpo.

"Alliecca, Elliecca, Tresshella, Leo! Daddy's here!" Sigaw ni Ellieoth sa malawak na sala.

Agad nag bago ang awra ni Lara ng marinig ang boses ng lalaki ,at kumunot ang noo nito habang nakatitig sa hapag.

Nag kakad naman si Ellieoth papalait sa pinto ng dining area.

"Akala niyo maiisahan niyo ako mga bruha kayo, kung hindi ko pa narinig ang mga pinag uusapan niyo kanina."

Ani ni Lara sa kaniyang isipan.

"Seriously!  Pakakainin niyo ako ng sugpo. Alam niyo namang allergic ako sa sugpo balak niyo ba ako patayin. Ikaw Ella! are you stupid! Alam mo naman may alergic ako sa pagkain na yan diba!"

Naiiyak na turan nito at sabay patagong ngumisi.

Sakto lang para marinig ito ni Ellieoth.

At dahil magaling na artista si Lara ay tumulo ang luha nito.

"Hanggang ngayon ba Samantha pinag hihinalaan mo parin ako?"

Panunumbat ni Lara sa babae. Mariin naman napakuyom ang kamo ni Samantha.

"Ano ang nangyayari ?" 

Kunot noo na tanong ni Ellieoth at nilapitan ang asawa. Nabigla naman si Ellieoth dahil sa suot nito, pero pinag walang bahala lang niya ito at sabay halik sa labi ng babae.

"Kasi sila e, alam naman nilang allergic ako sa sugpo ay gusto nila akong pakainin niyan." Umaarteng umiiyak ang babae.

Parang na buwisit naman si Ella dahil sa asal ng babae. Hindi ganito ang kanyang kapati , mahinahon ito mag salita at una sa lahat hindi siya napag sasalitaan ng ganito ng kanyang ate.

"E, kung ayaw mo kumain, hindi ka naman pinipilit! At isa pa hindi lang naman yan ang ulam na niluto namin ni Ate Samantha. Huwag ka ngang OA Ate Ecca! parang hindi na kita kilala simula ng bumalik ka nag bago kana!"

Pag kasabi ni Ella nun ay tumalikod na ito. Nanibago naman si Ellieoth dahil, ni-minsan ay hindi niya nakitang nag aaway o nag tatalo ang mag kapatid na ito.

"I'm sorry Angelecca! hindi ko alam na allergic ka pala sa pagkain na ito."  Sarkasmong saad ni Samantha at tumalikod narin upang lumabas ng dining area.

"Sweetie relax okay, ipag luluto nalang kita ng ulam na gusto mo."

Malambing na saad ni Ellieoth at sabay patak ng halik sa labi ni Lara.

Ngising demonyo naman si Lara habang yakap siya ni Ellieoth.

Sumapit ang alas nuwebe ng gabi oras ng pag tulog nila Ellieoth at Lara.

Mag kausap naman si Samantha at Ella sa cellphone.

"Bantayan mo ang babaeng iyan ate Samantha please! Pati ang aking mga pamangkin."

Saad ni Ella sa kabilang linya.

"Of course Ella, ako ng bahala sa nag babalat kayong ate mo bakit kasi ayaw mo pang sabihin natin kay Ellieoth na hindi si Ecca ang kasama niya."

Litaniya ni Samantha.  "No! hindi natin pwede sabihin kay kuya Ellieoth ang hinala natin wala pa tayong katibayan na hindi siya si Ate malay mo nauntog lang pala ang ulo ni ate Ecca. Kaya siya nag kakaganiyan. At isa pa sa palagay mo maniniwala ka-agad si kuya Ellie kapag sinabi natin sa kanya.  Baka mapahiya pa tayo sa kanya alam mo naman na bulag si kuya Ellie kapag si Ate Angelecca na ang pinag uusapan. Alam mo naman na matagal nawawala si Ate Ecca miss na miss siya ni kuya Ellie."

Mahabang litaniya ni Ella. Kung sabagay totoo ang sinabi ni Ella paano kung hindi sila paniwalaan ni Ellieoth.  Alam ni Ella kung gaano kamahal ni Ellieoth ang kanyang Ate, siguradong mapapahiya o pwedeng mag ka-galit sa kanila si Ellieoth.

Pag katapos mag usap ng dalawa ay nag paalam na sila sa isa't isa.

Unang plano nila ay mapigilang hindi magalaw ni Ellieoth ang babae, baka kasi mabuntis ito. Paano ito mapipigilan kung iisang kwarto sila natutulog at mag katabi pa sa kama. Suntok sa buwan ito para kay Samantha paano niya ito gagawin.

Lumingon muna sa kama si Samantha at pinag masdan niya si Wyx ang kaniyang anak na lalaki bago tuluyan lumabas ng kwarto.

Nag lakad siya sa pasilyo patungo sa pinto ng kwarto ni Ellieoth. Idinikit niya ang kanyang tainga  doon para marinig ang kaunting ingay sa loob nito.

"Oh, sweetie!" Maaligasgas na boses ni Lara .

"D**mn it!  Mukhang nag lalampungan na ang dalawa lintik na Ellieoth ito maniyak talaga. Hindi man lang niya ba napansin na impostor ang kasama niya di-hamak na mas sexy si Ecca kumpara sa babaeng iyan."  Mahinang sabi ni Samantha.

Malakas na kinatok ni Samamtha ang pinto ng kwarto nila Ellieoth. Hindi niya ito tinigilan  hanggat hindi buksan ng taong nasa loob.

Maya-maya pa ay binuksan ni Ellieoth ang pinto ng kuwarto at naka simangot ang mukha nito.

"Samantha, may problema ba?"

Bagot na tanong ni Ellieoth sa babae.

Medyo natulala pa si Samantha dahil walang suot na pang itaas si Ellieoth tanging black sweat pants ang suot nito.

"Ah, pwede ba maki-cr ?  barado kasi ang inidoro sa cr ko." Nakangiting turan ni Samantha at sumilip ng bahagya ang ulo nito sa kwarto ni Ellieoth.

Tumaas ang isang kilay ni Ellieoth, at kahit na wewerduhan siya kay Samantha ay binigyan niya ito ng daan para makapasok sa loob ng kuwarto.

"Seriously Sam? dito talaga sa kuwarto namin ni Angelacca. May cr naman sa baba pwede ka naman doon mag cr." Turan ni Ellieoth.

"Sasabog na kasi ang pantog ko hindi ko na kaya at isa pa titinatawag talaga ako ni haring inidoro na jejebs talaga ako Ellie."

Saad ni Samantha at tuloy-tuloy nag lakad patungo sa cr. Napalingon naman siya kay Lara, nakabalot ng kumot ang buong katawan nito. Gusto niya sana matawa  dahil sa itsura ng mukha nito.

"Ano te ? masakit ba mabitin sorry ka dahil hindi pwedeng may mangyari sainyo ni Ellieoth."

Natatawang turan niya pero sa kaniyang isip lamang.

Pag kapasok ni Samantha sa Cr ay matagal siyang naka tayo sa loob na parang tanga. Ang totoo ay hindi naman siya naiihi o natatae gusto niya lang talaga buwisitin ang babaeng nag papanggap na Angelecca.

Trenta minutos ang tinagal ni Ella sa loob ng banyo halos mamuti ang mata ni Lara kakahintay kung kailan lalabas si Samantha sa loob nito.

Lumabas si Samantha sa Cr pawis na pawis ang mukha nito, nag air squat siya sa loob para mamawis siya.  Para hindi naman mahalatang nang bubuwisit lang talaga siya.

Napatingin naman sa kanya si Ellieoth at kumunot ang noo ng lalaki.

"Hey!  are you ok?"  Nag alalang wika ni Ellieoth at sabay dampi ng palad sa noo ni Samantha.

"Pawis na pawis ka anong nararamdaman mo?" Tanong muli ni Ellieoth kay Samantha.

"Nag i-LBM kasi ako  pakiramdam ko nga ma-di-dihydrate ako." Umaaktong ng hihina si Samantha.

Huling-huli niya ang masamang tingin ni Lara sa kanya.

"Let's go! Dadalhin kita sa hospital."

At sabay akay ni Ellieoth kay Samantha palabas ng kuwarto, ni hindi na nga nito nagawang mag paalam kay Lara. Ngiting tagumpay naman si Samantha dahil sa kanyang ginawa.

Labis naman ang ngit-ngit ni Lara para kay Samantha. Pansin niya talagang ayaw sa kanya ng babae, at malakas talaga ang pang amoy nito. Kahit si Ella ay na brainwash ka agad ni Samantha.

Hindi siya pwedeng ma-buko dito kundi malilintikan siya kay Dianna.

Kailangan niya galing ang kanyang pag arte lalo na bukas na papasok na siya sa kompaniyang pag mamay-ari ni Angelecca.

Habang wala si Angelecca ay si Gray ang nag asekaso ng problema ng kompaniya hindi niya pinabayaan ang negosyo ng kanyang kaibigan kahit wala ito.

Kinabukasan.

Alas onse ng tanghali kumatok ang lalaking sekretarya sa pinto ng opisina ni Ellieoth.

"Come in!" Seryusong saad ni Ellieoth pumasok ka-agad ang lalaki dala ang isang itin na maliit na invelope  na nag lalaman ng imbitasyon. Ang imbitasyon ay galing mula sa pamilya De Silva.  Ang okasiyon ay para sa malalaking negosyate dito sa buong bansa. Piling-pili lamang ang taong maaring mag tungo roon kundi ang mga mayayamang nesgosyante lamang at galing sa mayayamang pamilya.

Si Fredd De Silva ang ama ni Ford ang nag padala ng imbitasyon para kay Ellieoth.

Binuksan agad ito ni Ellieoth at tiningnan kung ano ang laman.

Linggo ng gabi.

Gabi ng pag kikita ni Ellieoth at ng totoo niyang asawa.

Sa De Silva Ship ginanap ang malaking kasayan na pinangunahan ni Mr Fredd De Silva ang ama ni Ford.

"Alvanna! Tatandaan mo kapag may nag tanong sa'yo na kung mag kaano-ano tayo tell them mag asawa tayo okay?" Wika ni Ford kay Angelecca .

"Ok, Ford." Nakangiting wika ni Angelecca.

Pansamantalang Alvanna ang pangalan ni Angelecca, habang kasama nito si Ford. Hanggat hindi pa nalalaman ni Ford kung sino ang gustong mag papatay kay Angelecca.

"Thank you honey."  Saad ni Ford at sabay dampi ng halik sa likod ng palad ni Angelecca.

Naka sukbit ang kamay ni Angelecca sa braso ni Ford habang papasok sa pinto kung saan ginanap ang malaking kasayahan.

Sa pinto palang ay agaw atensiyon si Ford at Angelecca.

Paano ba naman ngayon lang nakita ng mga taong naroroon na may kasamang babae si Ford De Silva. 

Bihira lang kasi makita ang lalaki na may kasamang babae. Lalo na ngayon magandang babae ang kasama niya. Hindi lang iyon, lahat ng tao roon ay nag tataka. Sa isip ng mga tao roon ay bakit kasama ni Ford De Silva ang asawa ni Ellieoth Del Falco.

Nag tungo ang dalawa sa pwesto ng kanyang ama kasama si Angelecca.

"Iha! Mabuti at sumama ka kay Ford." Naka ngiting wika ni Fredd De Silva.

Alam ni Fredd ang kalagayan ni Angelecca, alam niya rin si Angelecca Del Falco ito.

"By the way, gentle man this is Alvanna De Silva asawa ng aking anak ." Masayang pakilala ni Fredd sa mga kasusyo nito sa negosyo.

"Magandang gabi po!"

Bati ni Anglecca sa mga ito, nakipag kamay naman siya sa mga ginoo.

"She looks familiar huh!"

Wika ng isang may edad na lalaki at makahulugang tumingin kay Fredd.

"Oh, come on! kumpadre she's not Angelecca white Del Falco.

Sambit ni Fredd at sabay tapik sa balikat ng matanda.

Nawala naman ang pag hihinala ng mga tao sa paligid lalo na sa mga kasusuyo ni Fredd. Mang makita ang papasok na si Ellieoth Del Falco kasama ang asawa nito o, ang impostor na si Lara.

"Son! Salubungin mo si Mr Del Falco at ang kanyang mga kaibigan."

Utos ni Fredd kay Ford. Nag paalam naman si Angelecca na tutungo muna sa comfort room.

Sumunod naman si Ford sa utos ng kanyang ama at nag lakad papalapit kay Ellieoth. Naririto rin si Tyron kasama si Vorsia. Ganoon din si Finyx kasama naman si Ella . Naririto rin si Luke, Ed at Kole kasama ang mga asawa nila.

"Mr Del Falco!  Mabuti naman at pina-unlakan mo ang inbitasyon ng aking ama." Wika ni Ford pero hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang pekeng Angeleca na kasama ni Ellieoth.

Inilahad ni Ford ang kamay niya upang magkipag kamay kay Ellieoth.

Tinanggap naman ito ni Ellieoth at ngumiti kay Ford.

Napatingin naman si Ford kay Samantha at ngumiti.

"Hi! Samantha Ford right ?" Nakangiting wika ni Ford at nilahad ang palad nito upang  makipag kamay kay Samantha. Tinanggap  naman ito ng babae. Pero nagulat siya sa sunod na ginawa ni Ford dahil biglang pinatakan ng lalaki ng isang mabilis na halik ang likod ng palad ni Samantha.

Tumaas ang isang kilay ni Samantha at mabilis na binawi ng babae ang kamay nito.

"Honey!  sino sila?" Boses ng isang babae na nag mula sa likuran ni Ford.

Agad pumihit si Ford upang ipakilala si Angelecca, bilang Alvanna De Silva.

Lahat ng atensiyon ay natuon kay Angelecca lalo na si Ellieoth hindi mapigilang mabigla marahang bumuka ang labi ni Ellieoth na tuluyan masilayan ang mukha ni Angelecca.

"Holy sh**t !" Salitang lumabas sa bibig ni Kole.

"Ate Ecca ?"

Manghang sambit ni Ella, narinig naman ito ni Finyx kaya tumingin ito sa kanya.

"Ahem!" 

Pukaw ni Ford sa mga taong kaharap nila natulala na kasi ang mga ito.

"Ilan pa kaya ang magiging kamukha ni Anglecca."

Bulong ni Luke.

Bumalik na sa normal ang mga kasama ni Ellieoth medyo hindi na makikitaan ng pag kabigla. Kumpara kay Ellieoth hanggang ngayon ay titig na titig sa mukha ng totoo niyang asawa.

Biglang nalito ang kaniya isip, ano itong tibok ng kanyang puso ay hindi na normal.

"Mr Del Falco! Baka matunaw ang asawa ko."

Nakangising wika ni Ford at winaga-yway ang kamay nito sa harap ng muka ni Ellieoth.

Mahinang nag hagikhikan ang mga kaibigan ni Ellieoth. Siguradong aalaskahin na naman siya ng mga ito pag katapos.

Umasim naman ang mukha ni Lara dahil sa pag katulala nito habang nakatitig sa totoong Angelecca.

"Sweetie!" Untag ni lara sa lalaki.

"Mr Del Dalco, this is my wife Alvanna De Silva."

Pakilala ni Ford kay Angelecca sa babae.

Agad naman nag lahad ng kamay si Ellieoth habang matamang nakatitig sa kulay gabing mata ni Angelecca.

Tinanggap naman ito ni Angelecca at matamis ngumiti sa lalaki.

"Nice to meet you Mr Del Falco!"

Sa boses palang ng babae ay para itong musika sa kanyang pandinig. Bahagya niyang pinisil ang malambot na palad ng babae bago niya ito bitawan.

Bakit ganito ang nararamdaman niya kasama niya ang kanyang asawa pero sa babaeng kaharap niya nakapako ang kanyang atensiyon.

Continue Reading

You'll Also Like

377K 26.6K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
124K 2.6K 21
Duke & Izza