The Last Dusk of Solitary | O...

By Nuivereign

3.5K 413 63

Status: Complete and Revised One Last Series Book # 1 Subtitle: One Last Night Amox Vestrella, who comes from... More

The Last Dusk of Solitary
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
TLDS Writer's Note: A Reminder

Chapter 31

74 8 0
By Nuivereign

Chapter 31: Celebrate

Bhea's

"So, ayon ang plano... Ayos ba?" tanong ni Ace sa amin ni EJ matapos naming pag-usapan kung paano ang gagawin para maayos uli ang pagkakaibigan naming anim at magkita-kita matapos ang ilang taon.

Excited na tumango si EJ, malawak ang ngiti niya't napapapalakpak pa, "Oo, ayos lang sa'kin!"

Samantalang ako ay nag-iisip. Medyo kritikal kasi ang plano at hindi ako sigurado kung tama ba'ng ayunan ko sila kung sakaling pati ang mga pinagtratrabahuhan namin ay madadamay.

"Bhea?" tawag pansin sa'kin ni Ace nang hindi pa rin ako sumagot. Umayos muna ako ng upo at huminga nang malalim bago ko siya tinignan sa mata.

"Ayos naman sa'kin pero, hindi ba makakahalata sina Iya at KC kung gagawin natin 'to?"

"They are good lawyers, great even— indeed. Pero kilala ko si Iya at si KC. Alam kong alam niyo na— kapag frustrated at napikon na sila'y nawawala na ang katinuan ng isip nila."

Sabagay, kung may mas may nakakakilala sa aming lahat kay Iya. Si Ace na iyon. They've been through so much ups and downs at nitong huli na lang talaga ang pinakamalala sa lahat. Miss na miss ko na sila, at kung ito na lang talaga ang paraan. Sige, ayos na sa akin iyon.

"Okay sige, call ako. Basta siguraduhin nating labas ang mga kompanya namin dito, ah?"

"Oo naman, nakausap ko na ang nga nasa itaas. Walang mangyayari sa mga kompaniya niyo dahil baka maayos nga natin ang pagkakaibigan na ito pero mawalan naman kayo ng trabaho," gatong pa ni Ace kaya napailing na lang kami ni EJ sa kapilyahan niya.

"Edi, mamamasukan kami sa eskwelahan mo?" sakay ko sa biro nito. But knowing how ruthless Ace is... she's quick to turn my trip away, "Wala kaming vacant para mag-hire ng bago. Mataas ang standard ng eskwelahan ko."

I may be strong pero si Ace? She's the epitome of ruthlessness... in a good way.

Humaba pa ang usapan namin nina Ace patungkol sa kung kailan kami magkikita-kita. Ano ang gagawin kapag nakausap na namin sina Iya at kung paano namin sila mapupursigi na mag day-off nang isang linggo para makapag-usap talaga kami nang maayos. Ace plans to fix our strings on a peaceful island. 'Yong kaming anim lang at walang trabaho, problema at pangarap na iniintindi. It was fun talking about the plan but then Ace soon had to go, so EJ and I did the same. Kung magtatagumpay itong plano, baka at sana nga ay magkaayos na talaga kaming anim.





Wednesday came. Nasa opisina lahat ng head engineers pati na ang mga lead kaya  magkasabay kaming dumating at sumakay ni Kyroz sa elevator. Limang minuto na lang bago ang office hours kaya marami na ang humahabol sa elevator upang hindi ma-late.

Mabuti na lang at lima lang ang taong nasa likod namin. May isang architect, dalawang intern at dalawang myembro ng team namin ni Kyroz. Isa na ro'n si Lara na hanggang ngayon ay hindi pa rin makatingin sa akin.

"Can you do me a favor and go to VCH later to talk to the family of the workers? May isang pamilya na ng pasyente ang lumapit sa atin para tulungan sila. I have an appointment meeting with your friend about her company project, that's why I can't go," si Kyroz habang nakatingin nang diretso sa harap ng elevator door. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi.

Siya lang ang naririnig lalo pa't tahimik na tahimik ang mga kasabay namin.

"Kailangan din ako sa meeting na iyon, Kyroz. Bakit hindi mo na lang utusan ang assistant mo?"

Sa akin pa kasi iuutos, may assistant naman siya. The thought of going to VCH alone sent shivers down my spine. Ayokong magmukhang tanga ulit at mag-isip kung bakit gano'n ang akto sa akin ni Niqui at ni Amox.

Pero bakit ko nga ba iyon iniisip? Sa dami ng doctor, pasyente at nurse ro'n, imposibleng makita ko na naman silang dalawa.

"She's your friend— you can chitchat with her about what we have talked about during the meeting. But I can't do that with the family members of the patients, so— just go."

"Anong chit-chat? Parte ako ng project at team na ito, Kyroz. Hindi basta chismosa lang!"

Rinig ko ang pagsinghap noong ilang mga tao sa likod nang humarap sa akin si Kyroz. Nakataas ang kilay niya at nakahalukipkip. He's just wearing a simple charcoal graysuit jacket. Sa loob nito'y ang plain white v-neck shirt niya na naka tacked in sa matching trousers ng suit. Matching his black leather shoes at ang relo niyang g-shock.

"Why are you so caught up? Ayokong mag-away na naman tayo, Bhea. So just please go there and talk with the family members. Plus ask for the fees and government benefits so that we can process them. Then after that—p'wede ka pang humabol sa meeting namin if you still can, okay?"

Humaharang na halos sa mata niya ang buhok dahil sa shoulder cut style iyon. Medyo wavy at parang hindi pa gaanong tuyo. Natural na may white blond hair sa harap si Kyroz. Parang highlights pero naik'wento na ng Mama niya dati na pinanganak daw talaga si Kyroz na gano'n.

Natawa pa nga si Savi at si Trance dahil naalala raw nila si Anna at Elsa.

Looking at his intense eyes, I sighed in defeat, " Okay," walang gana kong tugon, humarap na muli sa elevator.

Kung bakit kasi sa 20th floor pa ako bababa ngayon dahil pinapatawag ako ni Engineer Karos. Ang tagal tuloy namin dito at naririndi na ako sa mga tinging ibinibigay ng mga tao rito sa loob.

Bumubuo muli nang tyoryang sila lang ang nakaka-relate. Tsk!

"You're mad again," wari nito nang hindi ko na siya binalingan muli nang tingin. Naiinis kasi ako sa suot niya. Parehas kaming naka-gray! I am also wearing a woman suit, t-shirt din ang panloob ko. Rinig ko ang natutuwang bulong ni Lara sa katabi na 'matching outfit' pa raw kami ni Kyroz ngayon.

Umiling na lang ako at sumagot para matapos na ang kakasalita niya, "Hindi ako galit. "

Akala ko talaga'y mananahimik na si Kyroz pero nagawa niya pang lumapit nang husto sa teinga ko para lang bumulong at mang-inis. Mas lalong napasinghap ang mga nasa likod namin dahil sa lapit ni Kyroz sa akin.

Punyetang batang 'to!

"Don't tell me— you don't want to go to the hospital because of Dr. Vestrella?"

Yes! No, I mean— mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran, bumulong na rin. "Hindi, no!"

"If you will not go to the hospital, I might just personally ask Dr. Vestrella about your connection  with each other since you don't want to tell me," huli niyang bulong bago tumunog ang elevator. Hudyat na nasa tamang palapag na ang ibang nakasakay sa loob. I'm just so glad that it's Kyroz. Lumakad siya papaalis sa elevator pero bago pa man iyon sumarado'y kumindat muna siya at tatawa-tawang naglakad paalis.

Kaniya-kaniyang iskwil ang mga buang sa akong likod. Akala mo naman talaga sila ang kinindatan!





"Ayos lang 'yan, Bhea. Kung sila nga— kayang umastang kaswal sa'yo na parang wala lang, bakit hindi rin ikaw, diba?" kausap ko sa aking sarili nang nakarating na kami ng assistant ni Kyroz sa VCH Makati. Iyon pala ang main branch ng VCH. Ipinasama na sa'kin ni Kyroz si Leia dahil may mga dala kaming kaonting supplies para sa mga pasyente.

May ilan sakanila na nadaplisan lang dahil sa nahulog at nabasag na bintana at dalawa naman sa mga pasyente ay nagkasugat talaga nang medyo may kalaliman. Inisa-isa naming pinuntahan ni Leia ang mga pasyente para kausapin ang mga pamilya nila. Maraming nag-aalala sa gastos na kahaharapin. May dalawa pa nga sa bantay ng pasyente na nagtatanong kung bakit dito pa dinala ang mga pasyente dahil baka raw masyadong malaki ang bayarin.

Sinigurado naman namin sila ni Leia na hindi na nila kailangang mamroblema at sagot na ng kumpanya ang damages dahil trabahante namin sila at may parteng kapabayaan namin iyon dahil hindi nasigurado ang safety sa field.

Isang pasyente na lang ang pupuntahan namin, gano'n na lang ang pasasalamat ko dahil sa loob nang halos dalawang oras ay ni hindi ko namataan ang kahit anong anino ng mga taong iniiwasan ko.

How ironic, the past few years— gustong-gusto ko siyang makita pero ngayon ay ako pa ang umiisip ng paraan kung paano ko sila iiwasan. Kung sabagay, inilagapak na kasi sa mukha ko na wala na, eh. Wala na akong matatamasa sa kakaasa kaya bakit ko pa sila gugustuhing kitain?

"Magandang umaga po, ako po ang Engineering Manager ng proyektong ginagawa ng pasyente at nandito po kami ng assistant ng boss namin para ayusin ang mga fees at benefits para wala na po kayong masyadong problemahin," bati ko sa nanay ng pasyenteng sa tingin ko ay nasa 18-20 years old lang. Siguro siya ang working student sa field.

Masipag na bata.

"Hala, Ma'am! Maupo ho kayo, pasensya na po at—"

"Hindi ho, ayos lang. Sa tutuo nga po niyan ay kami pa ang dapat magpasensya dahil sa nangyari. Aksidente naman po iyon, Ma'am. Ayos lang po."

Ayokong nahihiya pa ang mga magulang at bantay sa amin. Gayong lahat kami ay may kasalanan sa kung bakit ito nangyari. Namataan na pala ng ilang workers na parang may problema sa heavy duty lifting machine sa destined floor pero hindi agad iyon nasabi kay Kyroz. Hindi rin nagpa-structural inspection si Kyroz sa field bago pinagsimulang magtrabaho ang mga tauhan kaya gano'n.

Inabot ni Leia sa ginang ang dala naming pagkain at matapos no'n ay pinaupo na rin kami.

Mahaba-haba ang naging usapan namin ng ginang, proud na proud siya sa anak niya at ipinagmamalaki niyang masipag ito at matiyaga. I somehow can see myself at the boy. Gan'yan din ako noon. Gagawin at papasukin ang lahat para makamit lang ang pangarap. But I never felt this... Iyong maipagmalaki nang husto sa ibang tao.

Kung andito lang siguro si Papa— siya ang gumagawa no'n para sa akin. Ako ang paborito no'n, eh. Proud 'yon sa akin palagi.

"Good Morning."

Nabalik ako sa wisyo nang pumasok ang nurse na may dalang pang-BP at si Amox. Nakasabit sa leeg ang stetoscope at suot-suot niya ang formal blue polo sleeves niya na may gray na neck tie at black slacks. Nakapatong ang white coat niya na may tatak na logo ng Vestrella Chain Hospital sa kanang bahagi at sa kaliwa naman ay ang pangalan nito.


Dr. A.J Vestrella

Anesthesiologist


"Doc!" Agad na tumayo ang nanay ng pasyente, naaligaga dahil sa presensya ni Amox. Gano'n din si Leia pero ako'y nanatiling nakatingin lang sakaniya. He looks like the same person— but doesn't feel the same anymore... Is it because of his new hair color?

"I'm just here to check some things. Siya ang pasyenteng nagpapalagay ng anesthesia— Kerani, diba?"

"Yes, doc. May malaking tahi po siya sa balikat, medyo malalim at sa tingin ko po'y humupa na ang anesthesia, kaya sumasakit na." Tumango lang si Amox sakaniya, marahil alam niya na ang dahilan kahit hindi pa sabihin.

"We need to check up on you, first. We can't just inject another anesthesia shot into you just because you feel hurt. If it's not needed we can give you some painkillers. "

Ipinaliwanag niya sa nanay na kung bumuka lang daw ang tahi ay 'saka pa lang sila maglalagay ng anesthesia dahil tatahiin itong muli, pero kung wala namang ibang problema'y magbibigay lang talaga sila ng medikasyon sa bata.

Pinauna ko nang lumabas si Leia para siya na ang dumiretso sa Billing and Payment Office. Susunod na lang ako pagkatapos kong magpaalam sa nanay ng pasyente.

I was about to excuse myself out of the room after cheering up the young man but I was caught up again when Amox suddenly spoke, "Engineer?"

Hindi agad ako lumingon sakaniya, ang nanay tuloy ang nahiya para sa akin at bumulong pa.

"Engineer Reyez, kayo pa ata ang tinatawag ni Doc."

"Yes? Doc Vestrella?" Kumpyansa akong humarap kay Amox. Kita ko ang malalim na tinging iginagawad sakaniya nang nurse na namukhaan ko na talaga ngayon. Siya 'yon, ang babaeng kumausap kay Amox dati sa CAMS building noong magpapa-enroll kami.

Tignan mo nga naman at dito pa talaga siya nagtrabaho. Halatang-halata ka, dzai! Bet na bet?! Charot!

"I hope you don't mind following me to my office, we'll talk about your workers' current state."

Being professional as I am, sumunod ako sakaniya. Maintaining my distance because that's how it should be. We were friends only, right? Past tense na. Maybe the saying 'past is past' can really be applied in some circumstances.

And this is that circumstances. Pagkarating sa opisina'y pinaalis niya na ang nurse. Alangan pa nga ito pero sumunod rin sakaniya. Amox welcomed me inside of his office. Sa 8th floor ito naka p'westo— ang mga opisina ng mga doctor.

His office was classy. Matte black ang interior. May kalawakan at sa pinaka dulo nakap'westo ang lamesa niya. May tumawag pa sa kaniyang cellphone kaya lumabas muna siya saglit. I didn't mind lurking around the office not until I saw a certain picture frame.

Naka-display ang apat picture frame sa isang malaking open cabinet.

Ang isang picture frame ay naglalaman ng picture ko. Nangilid agad ang luha ko dahil ito ang picture ko sa taas ng stage no'ng graduation. Ako lang mag-isa habang hawak ang diploma. Sinsero ang ngiti ko pero halata sa mata ang kalakip na lungkot sa araw na iyon.

Saan niya nakuha ito? Ni hindi ko naman 'to in-upload sa social media.

Ang katabing picture frame naman ay ang picture naming dalawa na kuha ni Warn. Ito 'yong photoshoot outcome na hindi ko aktwal na nakita. Nakaupo kami sa lapag. He was kissing my forehead while the background was dim and there was this only light source coming from the back reflector. Ang dalawa pa ay 'yong picture namin no'ng graduation niya na hindi ko na wallpaper ngayon. At ang huli ay ang picture naming tatlo nina Mamang gaya ng mayroon ako sa bahay.

Naguluhan ako lalo nang may iba pa akong picture na nakitang naka-display sa open cabinet na iyon. Papaanong may mga pictures na ganito rito kung iba naman ang bungad na asta niya sa'kin nang muli kaming magkita?

Naggagaguhan na lang ba kami? Sinasadya ba ito ni Amox? Sinadya niya ba'ng umaktong inosente no'ng isang gabi at sinadya niya muling ayain ako sa opisina niya para makita ang mga ito?

Para ano?


"I'm sorry."

"Sorry for what?" Nakaigting ang panga ko nang humarap ako sakaniya. Hindi niya ata inaasahang pabaksak kong ilalapag ang picture frame na hawak ko kanina. Lumakad siya papalapit habang nagpapaliwanag, but I know I am not here to listen anymore.

"For last time, for acting like a jerk. I didn't mean to—"

"You didn't mean to what? Na pagmukhain akong tanga sa harap niyo ni Niqui no'ng isang gabi tapos aayain mo ako sa opisina mo ngayon at makikita kong naka-picture-frame pa ang litrato nating dalawa? Ginagago mo ba ako Amox?!"

"No, it's not like that—"

"At s'yempre, dahil ikaw ang magaling na si Amox Vestrella, paniguradong may dahilan ka! Kasi lagi kang may dahilan! Hindi ka gagawa nang isang bagay nang walang dahilan, diba? Kaputanginahan!"

Oo na, walang poise! But, how will you expect me to react? Magdiwang? Paano ako magdiriwang kung feeling ko'y pinaglalaruan lang ako? Oo alam kong tanga ako pero hindi ako bobo.

Ayokong nararamdaman ang ganito dahil palagay ko'y walang kaimportantehan ang mararamdaman ko sa mga tao. Hindi porque't matapang ako'y palagi na lang nila akong sasaktan.

Nabulag na nang poot ang mata ko. Hindi ko na magawang pakawalan pa ang mga luha dahil kahit namumuo na sa talukap— ayaw na rin mismo nitong tumulo.

"Afidahrielle, calm down please."

How can someone plead with you to calm down after causing you pain? Ano'ng akala niya? Na porque't anesthesiologist siya ay mapapawi niya na ang sakit na nararamdaman ko?

"Are you really asking me to calm down right now after all these years? Amox, nagmukha akong tanga no'ng isang gabing umakto kang parang hindi mo ako lubos na kilala! Nagmukha akong tanga nang gumising ako isang araw — wala ka na! Amox, ilang taon akong nagmukhang tanga sa kakaisip kung ano'ng nangyari sa ilang punyetang taon kung bakit umalis ka. Tapos ngayon, you'll stand in front of me and say sorry?!

Bakit? Anesthesia ba 'yang sorry mo? Mapapawi ba niyan ang sakit na naramdaman ko?! Amox kahit resetahan mo ako nang sandamakmak na pain killers— hindi 'yan tatalab sa'kin, yawa ka!"

Sinubukan niya muling lumapit pero umiwas na kaagad ako. Sa loob nang ilang taon kong hinanap ang sagot sa mga tanong, ayoko nang marinig pa ito ngayon.

"Look, I just want to say sorry because—"

"Para hindi ka ma-guilty at hindi mo isiping nagkulang ka? Para magbigay ka na noong closure sa atin at para hindi mabigat sa loob mo dahil ikakasal ka na?"

"Bhea, I don't even know what you're talking about. Calm down please, and let's talk peacefully."

Aba't! Nagmamaang-maangan pa! Anong calm down and talk peacefully?

"P'wes, hindi mo makukuha sa akin ang closure na 'yan dahil wala na akong pakialam sa closure! Mabuhay kang may konsensya sa isip mo. With due all respect, Doc. Vestrella. I'll excuse myself."

"Ihahatid na kit—"

Tuloy-tuloy akong umalis sa opisinang iyon. Ano'ng akala niya? Magpapadala ako sa mala-Miss Universe niyang litanya for world peace? Gagaguhin ako tapos makita ko lang ang picture na iyon ay okay na kami? Kahit ipa-billboard niya pa, magdusa siya, letsengina!






"Gago ka, Bhea! Hahahahah, sinabi mo talaga 'yon kay Amox?!" tuwang-tuwang litanya ni EJ matapos kong ik'wento sakaniya lahat nang nangyari kanina. Nasa M.E.C na uli ako at naabutan ko pa sila ni Kyroz kahit papaano, 'yon nga lang ay limang minuto'y natapos na rin sila kaya imbis na tanungin si EJ sa kung ano'ng pinag-usapan sa project para sa kumpanya niya'y nag-rant ako sa kaniya patungkol kay Amox.

Nangigigil ako sa halo-halong dahilan.

At sa sobrang dami ay hindi ko na mabigyan ng lebel ang aking mga nararamdaman.

"Anong aasahan mo sa'kin, EJ? Na matutuwa ako nang lubusan matapos kong magmukhang tanga? All along, inisip ko na nagsisi siya sa ginawa niyang pag-iwan sa akin pero aakto siyang gago nang unang gabing muli kaming magkita 'saka siya hihingi nang tawad? Hindi ako kapilya!"

I am no saint, and when I got a bruise, its scars stays. O mas mabuting sabihin na kaya kong magalit ngayon dahil sikat na sikat ang araw. Pero alam ko sa sarili ko na oras na dumilim, hahagulgol akong muli at didibdibin ang lahat nang hinagpis.

Gano'n naman lagi, eh. Matapang lang ako sa umaga. Pero lumalagapak ako sa gabi.

"Hindi mo naman kasi muna pinagsalita o pinagpaliwanag 'yong tao. Nag-over acting ka kaagad!"

Alam ko sa sarili kong pabara-bara rin ang inakto ko kanina pero hindi ko na kasi talaga napigilan. Feeling ko kanina, mukha akong katawa-tawa. Naaalala ko ang sarkastikong ngiting iginawad sa'kin ni Niquita sa emergency room. Nakakapangigil.

"Mag real talk-an na nga tayo rito, EJ. Kung ako ang ex mo at nasa harap kita, sa tingin mo papakinggan pa kita gayong binasag mo na ako? Kahit buuin mo pa at pagtagpi-tagpiin ang basag na baso, wala ka nang magagawa dahil may lamat na."

I suddenly bit my lips when I realized I have hit a sensitive spot. Mabuti na lang at hindi iyon dinamdam nang mabuti ni EJ at sa halip ay umismid na lang nang kaonti.

"Masakit kang magsalita alam mo 'yon? Eto naman, bakit sa'kin ka na nagagalit— si Amox ang kaaway mo rito!"

"Ewan ko, basta huwag ko na siyang makikitang muli at baka kumulo lang ang dugo ko sakaniya."

"Ang sabihin mo, alam mong marupok ka kaya baka kainin mo lang lahat nang sinabi mo patungkol sakaniya." Laharan akong inirapan ni EJ bago siya tumayo at inilikpit ang gamit para umalis na ng M.E.C.





"Good Afternoon, Engineer!" bati ni Lara kay Kyroz.

"Good Afternoon."

At exactly 4 pm ay pinatawag kami ni Kyroz sa conference room dahil sa biglaang meeting. Wala na akong masyadong gagawin kaya pumunta na lang ako kahit medyo naiinis pa ako sakaniya dahil kung hindi niya lang ako pinapuntang VCH ay baka hindi sana naimbyerna ang araw kong ito.

Sunod-sunod na pumasok ang mga members ng team namin. May dalawang Architect kami, isang intern, dalawang Engineer at kaming dalawa ni Kyroz. Marami pa ang tuwang-tuwang pumapasok sa conference room dahil alam kong gusto nilang nasisilayan si Kyroz. Samantalang ako'y nagsasawa na sa mukha nito.

Pumunta si Leia, ang assistant ni Kyroz sa gitna para i-anunsyo kung bakit kami pinatawag dito.

Kumunot pa nga ang noo ko dahil imbis na sa kabisera umupo ay tumabi sa akin si Kyroz. Mas lalo lang tuloy nagatungan ang mga chismosang bibig ng mga Marieta rito sa loob. Pero mas lalo lang kumunot ang noo ko sa pagpapatuloy na pagsalita ni Leia. Kasabay no'n ang pagpasok ng ilan pang tao sa conference room.

"We have here the representative of Vestrella Chain Hospital, Doctor Amox Vestrella. Siya po ang ka-meeting natin today for the extension project on the main VCH branch."

Sabay-sabay na tumayo ang team. Kinailangan pa akong higitin ni Kyroz para tumayo rin at magbigay respeto. I bit my lips as I also grit my teeth. Tutuo ba talaga ang kasabihang 'you attract what you fear?!'

"Good afternoon, everyone."

"Good afternoon, doc. Have a seat," ani at senyas ni Kyroz kay Amox para umupo sa harap naming dalawa. Mahaba ang mesa at may kalakihan, nakapalibot ang team pero napaka-s'werte ko talaga sa buhay dahil sa tapat ko pa ito uupo.

"Kyroz!" impit na tawag ko kay Kyroz ng pabulong para simulan ang pagrereklamo.

"What?"

"Akala ko ba si Kyrem na ang kukuha ng proyektong ito?! Bakit nandito 'yan ngayon?!"

"Kyrem dropped the project after Dad approved the structural project of Congressman Veraga. She said it's more worth it, so..."

Oh, Gad! I already had enough interactions with him for this day! P'wede po bang tama na, Lord? Time first po muna? Ka-ku-cool down lang ng dugo ko, kukulo na naman!

May pasimpleng umubo sa kanila kaya lumayo kami ni Kyroz sa isa't-isa. Masyado na palang magkalapit ang mukha namin dahil sa impit na pagbubulungan. Hindi ko na lang sila pinansin. I don't have time to think about their opinions anymore.

"Shall we start the meeting?"

Nagsimula nga ang meeting. May kasamang architect si Amox at secretary. Sila ang kumakausap sa team namin base sa kung ano ang idinidikta ni Amox at ipinapaliwanag kay Kyroz na plano para sa proyekto niya.

Ako nama'y busy-busy-han sa pagsusulat upang hindi ko makasalamuha ang mariing tingin na iginagawad ni Amox.

Pakialam ko ba sakaniya?

"Can you focus on taking notes, Engineer?" bulong muli ni Kyroz sa akin.

I glared at him, "I am focusing on taking notes!"

"Wala na ngang tinta ang ballpen mo. Focusing, huh?" he mocked with his har Russian accent. Do'n ko lang tinignan ang note pad ko pati ang ballpen na wala nga namang naisusulat dahil wala nang tinta.

Parang gusto kong ikaltok iyon sa aking ulo. Nabuang ka na nang sobra-sobra, Bheanna?!

"Engineer, are you listening?" agaw pansin ni Amox sa aming dalawa. Parehas kaming umayos ng upo ni Kyroz. Tumango siya kay Amox at nag-focus na muli rito.

"Sorry, so the extension building will be for the patients who can't afford to pay the bills, right?"

"Yes. It's getting crucial already in the main building. I don't want the patients to think that they will not be healed and served just because they don't have enough money to do so. I want the extension building just as comfortable as the main one."

Habang nag-uusap si Amox at si Kyroz ay hindi ko mapigilang magbaliktanaw sa mga dating ganap sa buhay ko. Malinaw na malinaw pa sa akin kung ano ang gustong matupad ni Amox. Ang mga pangarap niya at pagpapahalaga niya para sa mahihirap. Hindi pa rin pala nagbabago iyon.

He still thinks of those in need... I wonder if all these years he ever thought about my needs?

Paano naman ako no'ng mga panahong kailangan ko ng sagot? No'ng mga panahong assurance niya lang ang kailangan ko para umahon? Kasi kung ngayon niya ibibigay ay parang walang kwenta na iyon. Ikakasal na siya, para saan pa?

"Okay, our team will figure things out about this, doc. Thank you for your trust in us."

Tumayo si Kyroz at inilahad ang kamay niya kay Amox. Kinuha naman iyon ni Amox at nakipagkamay kay Kyroz.

"Of course, I know your engineers are credible," makahulugan niyang tugon, Nakuha pa nitong sumilay sa aking gilid matapos bitawan ang kamay ng isa't-isa.

Mabilis kong hinanda ang gamit dahil ayaw nang magtagal pa sa loob. Kung hindi lang sana siya humarang sa daraanan ko.

"By the way, Engineer Reyez— can we talk outside? A spare moment at least?" sumamo niya sa akin.

Nanunuyo ang mata ni Amox, ang parehong berde niyang mata na gustong-gusto kong tinitignan dati'y nakapaskil muli sa aking harapan.

Marahan akong ngumiti sakaniya. Mabilis kong inangkla ang braso ko sa braso ni Kyroz. Nagulat siya sa ginawa ko dahil halos hindi na siya huminga. Pero pinanatili ko ang tingin ko kay Amox, mamaya ko na iintindihin ang pagpapaliwanag kay Kyroz. Basta ang mahalaga ngayon ay matakasan ko siya.

"No, I'm sorry— doc, but Kyroz and I have a date. It's our anniversary today and I want to use the remaining hours only for the two of us."

Dahil sa sinabi kong iyon ay lumawak ang ngiti ni Lara. Para siyang nanalo sa lotto dahil narinig niya na sa wakas na umamin ako sa tyoryang binubuo nang kung sino-sino sa kumpanya, pero bahala sila. Wala na akong pakialam kung gaano sila ka-chismosa.

With wide eyes and an amused face, Kyroz looked at me, "Anniversary, huh?"

Ipapahamak pa ata ako ng gago. Manong sumakay na lang kasi!

"Yes, it's our 3rd Anniversary today, Kyroz. Huwag mo sabihing nakalimutan mo?"

Umakto akong nadismaya, halos gusto kong masuka. Mabuti na lang at ngumisi si Kyroz, ginulo niya ang buhok ko at sa wakas ay nakuha ang t'yempo para sabayan ang kahibangan kong ito.

"No, I didn't. How will I forget about it? Today was the day you cried so hard in the car when you said 'yes' to me. "

Isa lang ang pinupunto niya. Dahil kung ito nga ang araw na iyon, malamang na ang unang gabing hinatid niya ako sa dorm ang ginawa niyang proweba. Natatandaan niya pa ang araw na iyon? Ilang taon na 'yon, ah?

Nakatingin kami sa mata nang isa't-isa ni Kyroz. Ang sakaniya ay nang-iinis at natatawa samantalang ang akin ay medyo nanlalaki para mangsindak.

'Saka lang namin binalingang muli si Amox nang umubo na ito. Katulad ng pekeng ubo kanina. Siya rin ba iyon?

"Is that so? Enjoy your date then... Happy Anniversary..."

Siya pa ang naunang lumabas ng pinto kaysa sa'ming lahat, samantalang ang team namin ay nakikiusyoso at nangaasar na parang matagal na nilang alam na may relasyon kami kuno ni Kyroz.

Kung sinuswelduhan lang ang pagpapapakalat ng fake news at pagiging chismosa, ang dami nang milyonaryo sa mundo!





Mag-co-commute pa lang sana ako pauwi, kaso si Kyroz ay nagpumilit na ihatid ako dahil nasa lobby pa si Amox. Baka raw makita kaming hindi magkasama matapos kong magsinungaling sa harapan niya kanina kaya napapayag ako ng mokong.

Tahimik lang akong nakaupo sa sasakyan dahil alam kong hindi niya papalampasin ang momentum na ito para usisain ako nang lubusan.

"He's your ex."

Obvious ba? Buong puso akong umirap, "Childhood Friend."

Malakas na tumawa si Kyroz dahil do'n, naiiling-iling at umiismid, "Childhood Friend? How old are you when you met him?"

"21?"

"You're already an adult at that age, Engineer Reyez."

Okay? "Then he's an adult friend," patay malisya ko na lang na sagot.

Hindi ba siya nakakahalatang ayokong pag-usapan 'to? Bahala ka r'yan, magsalita kang mag-isa. Ipinikit ko ang mata ko, wala pa man ding limang minuto ay nagsalita na muli si Kyroz para bulabugin ako.

"You know what? You're cruel."

"Anong cruel? Hindi, ah!" Mabilis kong idinilat ang mata para sanggahin ang akusa nito. Ang kapal ng mukha, ako pa ang cruel ngayon?!

"You are. Man, if you just saw his eyes earlier when you said those shitty things? I'm a man, also. That's why I know if a man is genuinely hurt. And you hurt that man so bad, Bheanna."

Ako pa ang nanakit ngayon? Bakit ba kapag ibang tao ang nananakit sa akin, ayos lang? Kasi matapang ako. Kakayanin ko. Pero bakit kapag ako na ang nagbalik ng sakit, parang ang sama-sama ko?

Sana pala hinayaan ko na lang si Amox sa kung ano'ng iisipin niya kung sakaling makita niyang hindi kami magkasamang umuwi ni Kyroz para hindi ako nakakaramdam nang panibagong sakit sa loob nang ganito.

"Huwag mo akong akusahan nang gan'yan, Kyroz. Wala kang alam sa pinagdaanan ko."

Mabuti at hindi na siya kumibo pa. Nagpasalamat na lang ako sakaniya nang nahatid niya na ako sa bahay. Naligo ako kaagad at nagluto ng hapunan. Making myself extra busy just before the night takes over the light.

Pagkatapos kong magluto ay tumawag sa video call si Savi at si Letran, may iilang mga opinion silang tinanong sa akin patungkol sa mga kan'ya-kan'ya nilang proyekto kaya gano'n na rin ang ginawa ko.

Iniwan ko na lang ang issue na nakita ko na uli si Amox. Alam kong hindi lang ako ang mamromroblema kung sakali mang mabuksan ang topic na 'yon. Dahil kadikit ng pangalan ni Amox si Niqui. At nasasaktan ngayon si Letran dahil ikakasal na ito. S'yempre, kahit hindi sabihin, alam kong maaapektuhan pa rin no'n si Savi.

Nagpatuloy ang usapan namin habang kumakain ako at kausap sila. Natigil lang nang nagpaalam na si Letran para i-check ang sasakyan niya.

Hindi ko man alam susunod na gagawin ay napagpasiyahan ko na lang na manuod ng vlogs ng kung sino-sinong vlogger para kahit papaano'y malibang.

Yet, I just found myself getting so frustrated every time Amox's face earlier lingers on my mind. Biglang flashbacks ng picture, mukha ni Amox pati na ang boses niya ang nag-play sa aking utak. Isang ala-alang ayaw akong patahimikin kahit sa sobrang pagod na natatamasa.

Kinakain na akong muli ng anxiety tapos mamaya, ay aatakihin ng stress. Para na lang cycle tuwing gabi. Nakakapagod, at nakakasulasok na rin.

I was brought back to reality when my doorbell rang. SiLetran kaagad ang naisip ko, dahil madalas siya lang ang pabara-barang sumusugod sa bahay ko. Kanina'y nagpaparinig pa siya sa video call na parang malambot daw ang gulong ng sasakyan kaya kung didiwaraan niya lang ako ngayong gabi tungkol sa sasakyan niya ay mas mabuting lumayas na siya sa aking paningin.

"Nako, Letran, kung andito ka lang para magreklamo, hindi ko na-flat 'yang sasakyan mo, no! Pina gas-an ko pa 'yan tapos—Nag-unsa ka diri?! ( Bakit ka nandito?!)" singhal ko nang mamataan si Amox na nasa harap ng aking bahay. Suot niya pa rin ang uniporme niya sa ospital, p'wera na lang ang white coat at stetoscope.

Masyadong napalakas ang singhal at pagkabigla ko. mabuti at wala akong kalapit na kapit-bahay. Nakakahiya kung nabulabog pa sila ng sigaw ko.

Ano ba kasing ginagawa nito rito? Partida may dala pang bulaklak!

Pa? Baka naman p'wede mong pakiusapan ang mga nand'yan sa itaas na hinay-hinay lang sa akin?

"I just thought it might be fun to celebrate with you tonight."

Celebrate?

"Bakit ano ba'ng meron?" masungit kong tanong. Sumandal ako sa bisagra ng pintuan at humalukipkip. Humakbang papalapit si Amox, isang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa.

He groaned a little before he answered, "Anniversary niyo ni Engineer Maximoff."

Ahh, oo nga pala. Bida-bida nga pala ako sa conference room kanina. Fuck, I almost forgot I pulled some shitty lies in front of his face just to escape from his presence, but now what? Ngayon at eto siya sa harap ko.

Parang may dumagan sa dibdib ko dahil sa nakitang dumaplis na sakit sa mata ni Amox. Eto ba ang sinasabi ni Kyroz kanina?

"Tapos na kaming mag-celebrate," malamig kong imik. Inalis ko ang pagkakahalukipkip para makaatras ako at maisarado na ang pinto, 'yon nga lang ay masyadong mabilis ang paa ni Amox para maharang iyon sa pagitan ng pinto at bisagra.

Taranta kong niluwagan uli ang pagkakabukas ng pinto dahil sa takot na sumakit ang daliri niya sa paa kahit pa naka-leather shoes siya.

Halos pagalitan at singhalan ko na siyang muli kung hindi lang siya yumuko. Ang hawak niyang bulaklak na kanina'y naka-angkla sa dibdib ay malamya niya na lang na hawak ngayon.

Bumaba na rin ang kanina'y puno ng pag-asa niyang balikat.

"Then, is it too late to celebrate our anniversary?"

Looking at him right now, as the moon gives the gloomy night enough light, I never thought I'd hear how agony really does sound. Or be aware of the tone of suffering. And I never actually thought that if misery is music, it can inflict direct torment and heartache. I never thought I'll question my own pain not until I heard the sound of his own distress...

Continue Reading

You'll Also Like

56.9K 1.9K 45
Delfino Series 1 | Completed Yvette is a woman desperate to escape her haunting past finds herself pursued by unresolved memories, threatening to un...
12.1K 177 44
"I didn't lost him and he didn't lost me but he lost the memories we shared." And our memories turn into a faded memories. (Wattys 2021 Shortlist) D...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
54.8K 1.2K 34
All that Élaine Margaret Hidalgo's want is to prove herself. It is so hard to establish when people see her unworthy of the success because her mothe...