🥴🤣🤣🤣🎸🎤
Mary Jane POV
Nang gabing iyon ay galit na galit si mama sakin sa hindi ko malaman ang dahilan
Sina Criza at Rjin naman ay agad pinaalis si Zack sa hindi ko rin malaman ang dahilan
"Hoy bakit ngayon kalang pumasok?" Tanong sakin ni Lia. Dahil sa pag katapos ng usapan ng gabing iyon ay umuwi kami nila Mama sa probinsya
"Ano kase"nahihiyang sabi ko "Umuwi na muna kase ako sa amin sa probinsya. Kasama ko si Mama" tinignan niya naman ako na nakataas ang kilay
"Hoy Mary bakit ngayon kalang?"tanong naman sakin ni Jasmine kasunod naman niya sina Maica at Piper na may hawak hawak na Nova
"Bakit? Miss niyo ko?"tanong ko. Pinalo naman niya ang braso ko
"Hindi! Hindi kita Miss!"malakas na sigaw niya at natawa naman ako
"Edi Hindi!"sabi ko at tinignan naman ang mga kaibigan namin ay natatawa nalang
"Talaga"sabi pa niya at kumain ng Nova
Ngayon kolang napansin na wala pa ang Zack's band. Walang naka upo sa mga pwesto nila. Mag tatanong na sana ako ng magsalita si Maica
"Hindi sila pumasok dahil may problema daw! Sa banda nila"sabi niya
Problema Sa banda nila?
Napaharap naman ako sa iba lalong lalo na kay Lia dahil sa malapit siya kay Ivan. Tinignan lang niya ako at nag kibit balikat lang sya
"Ano naman ang problema nila?"tanong ni Piper sakanya kaya napaharap kaminglahat kay Maica
"Ang pag kakaalam ko eh... May concert sila sa darating na Miyerkules" sagot niya. Mabilis naman akong pinalo ni Lia sa braso na katabi ko lang
Tinignan ko sya ng masama pero ng sign lang siya ng peace hand sign
"Ohh tapos? Anong problema don?"takang tanong namin
"Ewan"sagot lang niya
Ilang minuto kaming naging tahimik nang magsalita Lia "Oo ngapala sa linggo napala ang birthday ni Anderson "
Oo nga pala birthday ni Anderson sa linggo at wala pa akong alam kung saang lugar iyon gaganapin at wala akong panreregalo sa kanya. May naipon naman ako Eh Ang Kaso Hindi ko alam Ang bibilhin Kong regalo sa kanya
"Ayy Oo ngapala"
"Sasama kayo?"
"Oo naman"
"Payag si mundra"
Sunod sunod na sabi nila. Napalingon naman sakin si Jasmine "Ikaw Mary?" Tanong niya
"Ano, Ako?"sabi ko
"Sasama kaba?"tanong ni Lia
"Ano... Hindi pa sure!?"sabi ko.
Kitang kita sa mukha nila na nag hinayang sa sinabi ko.Pumasok na ang adviser namin at nag simula na kami.
"MARY Sama kanarin sa concert ng Zaci's band dali na!" Pangungulit nila sakin
Kanina panila Ako kinukulit na pupunta raw kaming lahat sa concert. Pero Ang sabi ko sa kanila ay Hindi pwede tinatanong nila Kung bakit pero Wala akong masabing dahilan.
Kanina pa kami dito sa bahay. Wala Sina Criza at Rjin may pasok. Si Mama at yung kapatid ko ay nasa probinsya umuwi kahapon
"Ano na? Sama ka na Kasi Mary"tanong sakin ni Maica
"Oo nga" Sabi pa ni Piper "Dali na kase sumama kana"
"Hindi ko pa Alam" Sabi ko
"Hmm" Sabi ni Lia "Ekung ibire kita ng isang linggo?" Tanong Niya sakin
Agad akong napalingon sa kanya. Habang sya naka tingin lang sa kisame at parang may iniisip pa
Ilikibre? Ng isang linggo!
"Oh? Ano na Sama kana ok" Sabi pa niya
"Okkkkkk" mahabang Sabi ko
"Jusko yon lang pala makakapayag Sayo"
Sabi nila at nag tawanan kami. Kailangan kong mag tipid ngayon pambili ng ireregalo ko Kay Anderson
"Hay nako Alam niyo naman na kuripot yan eh"
"May pinag iipunan lang"
"Saan?" sabay sabay nilang sabi sakin
"Secret" Sabi ko bila nalang akong Pinalo ni Lia at Piper pero mahina lang yon
GABI na kanina ko pa tinatawagan Sina Criza at Rjin pero hindi nila sinasagot ang mga tawag ko. Malakas rin ang ulan at buti naka uwi agad Ang mga kaibigan ko
Tinignan ko ulit Ang cellphone ko pero wala talaga at baka pauwi narin sila. Umupo nalang ako sa sofa at nag laro sa cellphone.
May narinig akong kunakatok sa pinto "Sino yan?" Tanong ko pero hindi sumasagot.
Kinuha ko naman paying na malapit sakin at pumunta sa pinto pagkabukas ko at akmang papaluin ko na Ang kumakatok ay gulat na gulat kaming pareho
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sakanya
Basang basa ang ulo at balikat niya. Kaya naman pinang buksan ko sya ng pinto para tumuloy
"I'm just visiting you" Sabi niya at nag lakad papaunta sakin
"Para saan?" tanong ko at lumayo sa kanya ng kaonti "Eh ok naman ako"
"Good"
"Eh bakit basang basa ka? Wala ka bang payong?" tanong ko. Pero Umiling lang sya "Umupo kana muna" Sabi ko at itinuro ang sofa "Kukuha lang ako ng tuwalya"
Nag punta ako sa kuwarto ko at nag hanap ng tuwalya na Hindi ko pa na gagamit. Pag labas ko Nakita ko si Zack hawak hawak ang cellphone niya at mabilis ng ty-type
"Zack mag patuyo kana muna"
"Thank honey"
Heto nanaman sya tinatawag Niya akong honey maging sa chat ganon rin sya
Naupo ako sa tabi niya ramdam ko rim Ang pag lapit Niya ng kaonti. Ng biglang dumilim
"Ahhhh!"malakas na sigaw ko sakanya
Putcha brown out agad agad akong napatago sa likod ni Zack. Ramdam ko naman Ang kamay Niya na pumunta sa ulo ko. Ang labi naman Niya ay pumunta sa noo ko at hinalikan iyon ng bahagya
Gulat ako sa ginawa niya bakit niya ginawa iyon. Kaya naman ay humiwalay ako sa kanya
"Sorry" sabi ko
Narinig ko ang pag bukas ng pinto "Patay" rinig kong sabi ni Criza. Mabilis ang lakad niya paalis sa pinto nakita ko pa ang anino niya na may dala dalang mga bag?
Takot si Criza sa madidilim lalo na kapag gabi
"Zack si Criza at Rjin nandito na baka murahin kananaman non!" Sabi ko.
Noon na hinatid niya ako dito sa bahay. Sina Criza at Rjin ay pinaalis agad si Zack pero narinig ko pa ang mura ni Criza Kay Zack
"That's okay"
Hindi ba sya kinakabahan ako yung kinakabahan sa kanya tapos Okay lang
"Okay?" tanong ko sa kanyan
"Hm"yon lang ang sabi niya
"Kahit na minura mura kana niya Okay lang sayo?"
"Dahil sanay na ako sa kanila"
"Bakit naman?" Tanong ko. Pero nag taka ako sa sinabi niyang 'Sanay na ako sa kanila' "Teka sanay? Sakanila?"
Mag sasalita pa sana sya ng may naaninag kaming ilaw " Sabi ko sayo huwag mong ilagay ang cellphone mo sa bag mo" boses ni Rjin
"Makikita kanila" sabi ko
Ayokong makita nila si Zack dajil mag susumbong sila kay Mama
Bigla naman niya akong hinila papunta sa kuwarto ko "Hoy anong gagawin mo" sabi ko sakanya sabay takip sa katawan ko ng maka pasok na kami sa kuwarto ko at isinara iyon
Rinig namin ang mga yabag ng dalawa
"Daming miss call ni Mary"
"Oo nga pala nasaan yon?"
Nakita namin ang anino ni Rjin sa ilalim ng pinto. Napatingin ako kay Zack na nasa gilid kolang
Ano ka ngayon asan ang Okay mo! Sabi ko sa isip ko ang yabang eh!
Ramdam ko ang kaba niya at ang pawis niya
"Mary?" Rinig kong sabi ni Rjin sabay katok sa pinto
"B-Baket" kinakabahan kong sagot sakanya
"Punta ka na dito! Kumaen kana ba?" Tanong niyo pilit niyang binubuksan ang pinto at buti na i lock ko iyon
"O-Oo"
"Labas kana dyan may kukuwento kami sayo" natatawang sabi niya
"Pu†ang ina ka!" Malakas na mura ni Criza
Sinong minu-mura non?
"Dalian mo, hoy!"
"Oo" humarap ako kay Zack "Dyan ka lang, huwag kang maingay baka ma mura ka ulit ni Criza" natawa naman sya sa huling sinabi ko
"Yes honey, I'm just here, don't worry"
Ayan na naman sya hayys
Nag lakad na ako papunta sa pintoan "Aray" sabi ko ng ma tabig ko ang maliit na lamesa ko
"Honey, are you okay? "
"Sshhh" senyas ko sa kanya
Pag labas ko ay inayos ko ang sarili ko. Nakita ko si Criza na hawak hawak ang cellphone niya at ginagawang pang flashlight
Nag taka ako dahil sa ang dami ng mga plastic bag ang ibang laman ng plastic bag ay nasa maliit na lamesa punong puno ng mga pagkain, gamit sa kusina at iba pa
Nakita ako ni Criza " Putcha " natatawang sabi " Akala ko engkanto"
"Gagoh" sabi ko humagikgik na sya
"Saan galing ang mga yan?" Sabi ko at itinuro ang mga pinamili nila?
Ang alam ko sa susunod pa na linggo ibibigay ang allowance nila kasabay ng akin
"May lalaking lumapit samin" tapos nag tawanan sila
Inu una pa nila ang tawa nila
"Hoy ano ba mag kukuwento ba kayo o tatawa?"
"Mag kukuwento! Heto" huminga sya ng malalim at natawa nanaman sila
"Heto na promise" sabi ni Criza "yung kaibigan namin nilibre kami"
"Tangina libre ba yan?" Sabi ko sabay turo paano ang dami mga plastic bag punong puno ng laman
"Eh! Naloko nga namin"
At ayon na nga tumawa nanaman sila ulit
" Paano niyo na loko?"
May inabot sakin si Rjin na resibo ng mga pinamili nila
Nanlake ang mata ko sa taas ng preso
"Tangina 35,000" gulat na gulat na sabi ko
"Ang sabi niya kuha lang kami nga gusto namin edi ayon HAHAHAHAHAHA" parang demonyong tawa ni Criza
"Gagoh ba kayo?!" Hindi ako makapaniwala sa ginawa nila "Sana pina Cash niyo nalang" sabi ko
Jusmiyo may kaibigan ba na gagastos na ganitong halaga tapos na scam pa sa dalawang ito
"Gagoh meron karin, oh!" Sabay turo sa dalawang plastic bag
"Nandyan yung mga gusto mo, Alam mo ba yung mga gusto mo nung nakaraan na linggo nandyan yung mga gusto mo binili namin, pasalamat ka naman dyan" sabi nila sakin
Agad akong lumapit sa itinuro nilang plastic bag. Ang akala ko ay simple lang iyon pero nakita ko sa loob ang paper bag mukhang pinatungan nila ng plastic bag oara hindi mabasa nakita ko naman ang logo ng BTS
"Totoo ba to?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dali dali ko itong binuksan
Nakita ko ang mga album, poster, isang bts light Stick
"Nanaginip ka lang Mary" rinig kong sabi ni Criza
Sinamaan ko siya ng tingin naikinatawa niya. Totoo nga yung mga gusto kong bilhin noon nandito na
NATAPOS na kaming kumain kaya naman pumasok na ako sa kuwarto may dala dala rin akong iilan na pag kain na binili nila Criza at Rjin
"Zack!" Mahina pero pasigaw na sabi ko
Hindi pa bumabalik ang kuryente at mabuti at hindi nag ingay si Zack. Ginamit ko ang cellphone ko para ilawin at hanapin si Zack pero ganon nalang ang gulat ko ng makita kong naka higa si Zack sa kama tulog at naka kumot pa
Anak nang!
Kaya pala napakatahimik niya kanina pa natutulog pala. Dali dali akong lumapit at ibinaba ang mga gamit sa sahig
"Zack!" Tawag ko 'hmm' lang ang sabi niya "Zack gising na"
Sa pag tawag ko sa kanya ay nagising na rin siya
"Jane" tawag niya sa second name ko "baby dito kalang" sabi niya at niyakap ako kaya napunta ang mukha ko sa harapan ng mukha niya
Tangina naman Mary! Alam kong gusto siya pero waaahhhhh!
Hinila ni Zacka ng mukha ko at tumama ang labi ko sa labi niya
"Zaacccccckkkkk!" Malakas na boses ni Criza
Kaya napahiwalay agad ako sa kiss namin. Teka Kiss! Nag Kiss kami ni Zack
Siya ang First Kiss ko
★ Comment
★ Vote
★ Follow