The Powerful Gay in GemLight...

By AstridAndrewDelaRosa

11.8K 790 22

May isang dalaga (dalaga nga ba?) ang naninirahan sa mortal word, wala siyang ibang ginagawa kung di ang mag... More

The Powerful Gay in GemLight Academy:
Bitchesa 1: Meet Ariana!★
Bitchesa 2: Deep Throat?★
Bitchesa 3: Boring School Life!★
Bitchesa 4: Power and Strength!★
Bitchesa 5: Nightmare★
Bitchesa 6: Ariana's Dream! (1) ★
Bitchesa 8: Ariana's Comeback: ★
Bitchesa 9: Meet Them! ★
Bitchesa 10: Unexpected! ★
Bitchesa 11: Welcome to Academy ★
Bitchesa 12: 1st day of School ★
Bitchesa 13: Ariana as Cupid! ★
Bitchesa 14: 1st Mission ★
Bitchesa 15: 1st kiss or Pierce kiss? ★
Bitchesa 16: Felt Betrayed ★
Bitchesa 17: Talong!? ★
Bitchesa 18: Sunday with Ariana! ★
Bitchesa 19: Practice with Ariana! ★
Bitchesa 20: Duo Battle! ★
Bitchesa 21: Ranking Battle! ★
Bitchesa 22: Ranking Battle! (2) ★
Bitchesa 23: Ranking Battle! (3) ★
Bitchesa 24: The Kings and Queens! ★
Bitchesa 25: Master of Guardians? ★
Bitchesa 26: Without Ariana! ★
Bitchesa 27: Mission with Jason! (1) ★
Bitchesa 28: Mission with Jason! (2) ★
Bitchesa 29: The Truth! ★
Bitchesa 30: Guy in a Violet Hoody! ★
Bitchesa 31: Welcome back?! ★
Bitchesa 32: Flashback: ★
Bitchesa 33: Ariana's Family: ★
Bitchesa 34: Nutella!? ★
Bitchesa 35: Ligaw Starts!® ★
Bitchesa 36: Pagsubok! (1) ★
Bitchesa 37: Pagsubok! (2) ★
Bitchesa 38: Ariana vs. Janice! ★
Bitchesa 39: Confrontation with Janice! ★
Bitchesa 40: That Treehouse! ★

Bitchesa 7: Ariana's Dream! (2) ★

293 25 0
By AstridAndrewDelaRosa

╔═════════ஓ๑♡๑ஓ═════════╗
Bitchesa 7: Ariana's Dream: (2)
╚═════════ஓ๑♡๑ஓ═════════╝

Anna's POV:

Hello, ako nga pala si Anna! Ako ang Mommy ni Ariana kung sakaling 'di niyo pa 'ko kilala. Pero 'wag niyo 'kong tawaging, Anna diyan! Anyway...

Nandito kami ngayon ng asawa ko sa kwarto niya. Di na kasi namin alam gagawin sa batang 'to kung alam niyo lang. Paano ba naman kasi ang g*gang anak namin ay....

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

APAT NA ARAW NANG HINDI GUMIGISING!!??

Paano ba gagawin namin dito sa batang ire? Hinampas, sinipa at sinapak 'ko na lahat-lahat, wala pa ring effect. Any advice naman oh! Kahit ganyan yang bata na 'yan ay lab na lab namin 'yan ng amahin niya.

"Love, ano gagawin natin diyan kay Ariana?" tanong ng asawa ko na nasa tabi ko lang naman.

"Hindi ko rin alam, Love, eh! Di kaya pina-kulam siya? Pinabarang?" tanong ko rin out of nowhere.

"Lets consult a doctor na kaya? Natatakot ako baka na-stroke na siya kaya ganyan,"

"Ano ka ba, Love? Hindi yan mas-stroke sadyang ganyan lang siya. Malay mo umalis lang pala kaluluwa niya saglit, di'ba?"

"Baka nga, Love. May point ka dun," sabi niya sakin.

"Ano itatapon na ba natin yan? Eh wala ng kaluluwa yan eh," dagdag pa niya.

Aba g*go, itapon daw anak namin?! Sira pala bituka nitong isa na 'to eh!

"Gusto mong pakain ko sayo 'tong siyanshe ko, ha!?"

"Joke lang naman, Love, pero alam ko na magandang gawin habang wala si Ariana!" sabi niya, oh bakit ganyan tingin mo?

"Hayst... Ano yun, Love?"

"Edi lets make love tonight! Namiss ko na yun eh, ano game ka ba?"

"Ano ba yan, ang bastosh! Pilitin mo muna ako, Rawr..." mukang ito na ang matagal kong hinihiling ah. Hahaha

***

Ariana's POV:

[At Gardenia:]

Nagising ako dahil sa liwanag. Nasa heaven na ba ako? Heaven, nasa heaven ako♪

"Gising na siya guys!" hiyaw ni... sino ba yan? Di ko kilala ang nakakairita niyang boses.

Pagdilat ko ay tumambad sa'kin ang dose katao na lahat ay masasarap! Bumangon ako sa pagkakahiga, mukang mamahaling kutson 'to ha! Baka mamaya may bayad pala 'to, edi sana sa lapag na lang pala ako nahimlay. Hahaha

"Eh? Nasaan po ba ako?" tanong ko, ina-adjust ko pa ang paningin ko sa liwanag dito.

"Nandito ka pa rin sa Gardenia, iha!" sabi ng babaeng may purple na buhok at maging ang kanyang mga mata.

"Magpapakilala muna kami sa'yo. Hi, ako nga pala si Venus! I'm a Poison Manipulator!" pakilala niya, siya yung may purple eyes tsaka hair kanina. May mga purple usok siya sa ulo niya, siguro lason yun? Ay idyot, Ariana!

Under sa kanya ang mga spells and potions dagdag pa niya

"Ako naman si Thundra, Goddess of Thunder, Lightning and Speed!" sabi naman ng isang babae sa gilid ko, yellow naman ang mata at buhok niya. May dumadaloy pa na electric something sa hair niya,

'Ang cool! Kung ganyan ako, siguro laging recharged selpon ko. Hahahaha'

"Hello! Wazzup! Ako si Ice, ako ang may hawak ng kapangyarihan ng yelo," Sabi ng isang fafable, ang gwapo nito legit. Light blue ang buhok at mata niya, sumasabay pa ang mga slowflakes na bumabagsak sa ulo niya.

'Ako nilalamig sa kanya eh, pero ang warm sa feeling ng mga ngiting yan. Aguy! Hihi'

"Ako naman si Leafy and I love nature!" sabi ng isang babae na hanggang sa pwesto ko maaamoy ang bangong taglay nito. Ang ganda niya! Hawak niya ang kagubatan. Char Hahahaa

Healer at summoner din siya. Green ang kulay ng kanyang mata at buhok. Napaka-sweet naman nito ni Ate.

"Magandang araw sayo, binibini! Ako si Steel. Hawak ko ang mga bakal sa mundo na to. Haha. Under my power is magnetism and gravitation," cool! Silver ang eyes and hair niya. Tsaka ang tigasin niyang tignan ah. Nag gi-gym siguro 'to.

May mga nalutang din na mga bakal palibot sa kanya. To represent his powers of course.

"Ako naman, Yay! Ako si Techna! I can manipulate Technology at my will, under sa pangangalaga ko ang power ng Sound, Psychic, and Fairy powers!" sabi ng isa pa. Ang ganda niya sobra, well lahat naman sila. Kulay pink yung eyes and hair niya.

May mga waves pa na nasa hair niya, sound waves siguro yun. Pansin ko ring visible sa likod niya ang isang pakpak, wings of a fairy to be exact.

"It's your boy, Flame! Fire is my power and I'm hotter that the sun!" sabi ni boy apoy daw sabay kindat sa'kin. Red ang mata niya na parang nag-aapoy, nakakatakot pero maganda pagka-titigan.

'Ang hot nga niya, shems! Minsan totoo din ang pagiging mahingin eh. Hahahaha'

"Hello! Ako naman si Vapor! Water is my thing!" sabi ng isang babae, mukang mahiyain ang isang 'to pero feel kong mabait siya. Ocean blue yung mata at buhok niya na wavy, parang umaalon pa nga eh.

May naikot din na water sa ulo niya, parang halo. Yung sa mga angel ganun, oh di'ba mabait nga siya! Hahahaha

"Kamusta? Ako si Flash! Wind is my power. I take over the skies!" sabi ng isang fafable, kyyaaa! Sky blue naman ang color ng mata at buhok niya. Ang astig lang ng hair niya kasi nalipad lipad eh.

May mga ulap naman sa ulo, at pa cool lang ang datingan niya. Litiral na mahangin.

"Ako naman si Evira! Earth ang powers ko," sabi ng isa pang babae, kulay tsokolate ang mata at buhok niya. Ang cute lang kasi may mga bato na maliliit, sama mo pa yung mga rare stones na umiikot sa ulo niya.

Ibaba pa shapes nun, isasama ko sa Manila tong si mareng Evira eh. Mukang siya at ang mga diyamante niya ang magpapayaman sakin. Hahahaha

"Magandang araw sayo! Ako si Blake, nasa mga kamay ko lang naman ang araw at buwan!" Sabi ni boy blue and yellow. Literal na kapangyarihan niya ang araw at buwan. Day and night power ang nasa pangangalaga niya. Yellowish na may pagka ash white ang kulay ng buhok niya, ang mga mata naman niya ay itim na kumikinang sa ibang anggulo na parang may mga stars.

Naka-depende din ang lakas niya sa panahon, at sa constellation na makikita mo sa langit. Sa ngayon makikita ang constellation ng Cancer sa langit.

"Kilala mo naman na ako di'ba? Para na lang pormal ang pagpapakilala ko, ako si Flight. The God of light and darkness," siya ang superior sa lahat. Hawak niya ang liwanag at dilim. Under din ng powers niya ang Time and Space. Black na may highlights na puti naman ang buhok niya, ang mga mata niya ay black or white, depende raw sa trip niya.

Ang cool naman pala ng mga Diyos at Diyosa na mga to, isa pa ang ganda at pogi nilang lahat. Syempre ako naman ang magpapakilala, maganda rin naman ako eh. Hahahaha

"Hello ladies ang gentlemens! Ako pala si Ariana Leigh Devina, ang dyosa ng buong universe. I can manipulate Plants like ate Leafy at kasing ganda rin niya ako. Pangarap kong lumipad parang si kuya Flash at maging sirena parang powers ni mareng Vapor. At marami pa pong iba. Single po ako nung pumunta rito, pero ngayon di na kasi jo-jowain ko na si kuya Flight. Mamaya nga po gagapangin niya na 'ko eh. Hahahaha"

Tawanan naman sila sa mga pinagsasabi ko. Yung totoo, mga baliw ba 'tong mga kasama ko? Charot lang. Hahaha

"Hay nako! May gagapangin ka pala mamaya, Flight ah!"

"Hoy, Flight. Share naman diyan!"

"Iba talaga pag diyosa, like Ariana. Hahahaha"

"I don't share what's mine kaya back off!" sabi naman ng isa diyan, si papa Flight. Ayieeh, kinilig ako ng slight.

Natameme ako dun ah! Kinilig naman ako dun papa Flight!

"I don't share what's mine kaya halika na at magsisimula na ang ensayo mo. So, back off, magsisimula na tayo sa unang activity mo," dagdag ni papa Flight.

Ano ba naman tong si papa Flight! Excited lang? Di ba pwedeng kumain muna? Kagutom kaya mag travel papunta rito. Huhu

"Halika na, Ariana! Sumunod na rin kayo, magsisimula tayo ng basic power training natin para rito kay 'Prinsipe Ariana' natin," sabi ni Mr. Flight kaya nagsilabasan na kaming lahat sa room na yun. Prinsipe Ariana daw? Hmpp... tampo ako. Suyuin mo ko mamaya!

***
« Fast forward: »

Nandito na kaming lahat sa isang napakalaking training ground kung tawagin nila. Parang nasa arena ako ngayon eh, ganern ang peg.

"Pumunta ka na sa gitna, Ariana. Magsimula ka nang mag-concentrate sa gitna," ani papa Flight kaya pumunta ako sa gitna.

"Ipikit mo ang iyong mga mata, Ariana. Damhin mo ang enerhiyang dumadaloy sa iyong kayawan," Sabi ni ate Venus. Siya kasi ang unang magtuturo sakin kung paano ilabas ang poison ball, ang basic attack ng poison mage users.

Pumikit ako at dinamdam ko ang pagiging shunga—este enerhiya kuno ko. Nararandaman ko na dumadaloy na ito sa braso ko, papunta sa kamay ko. Ang enerhiyang iyon ay naging....

"Mahusay! Ikaw nga ang Prinsipe, walang kaduda-duda. Nagawa mo agad na mapalabas ang enerhiya ng lason, kamanghamangha!" sabi ate Venus, aba abnormal ba 'to? Baka maihagis ko sayo tong gagawin kong poison ball. Ay, di rin pala to magiging effective sayo, hayst.

"Idilat mo na ang mga mata mo Ariana..."

Binuksan ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang kulay purple na enerhiyang dumadaloy sa mga palad ko.

"Ngayon, form it na parang bola," pagbigay niya ng instructions sakin.

Ginawa ko yung sinabi niya. Madali na lang sakin yun kasi nagagawa ko naman ang energy ball ko, kaya 'di rin nagtagal ay nagawa ko na rin ang sinasabi niya.

Palakpakan naman ang mga audience ko. Ginawa pa kong bata, eh isang maliit na poison ball lang naman ang nagawa ko.

"Magaling, Ariana! Nagawa mo! Mukang 'di ka naman mahihirapang gamitin ang mga kapangyarihan mo! Kamangha-mangha, isa ka ngang Prinsipe!" rinig kong pag-cheer nila sakin.

Pwede ba tigilan muna nila ako? Hindi naman ako prinsipe ah, kahit sa bahay hindi nila ako tinuring na prinsipe nila Mommy!

Sumunod naman si mareng Thundra kay Venus. Di rin nagtagal ay nagawa ko rin ang electro ball na pinapagawa niya.

Sunud-sunod naman sila para isagawa ko ang basic powers, na powers naman nila. Ang astig, ang dami ko palang powers? Pero parang ang weird naman, di kaya nakakamatay 'tong gantong powers? Yung magtaglay ng maraming powers?

Well, 'di naman ako shunga. Alam 'ko kung saan 'to pupunta eh.

***
« Fast forward »

Nagawa 'ko na ang mga basic skills ng mga powers ko, kaya level up na raw ang gagawin ko ngayon. Ke-galing, wala pa po akong kain FYI.

"Magandang araw, Ariana! Ako naman ang mauunang magturo sayo ngayon," sabi ni kuya Flame sakin.

"Sure ka? Sure ka ba na kakayanin ko yan? Gutom na kaya ako, kain muna tayo pwede ba?" sabi ko sa kanya, tinitigan lang ako ni pareng Flame. Di ata effective charms ko sa bruhong to ah. Narinig ko pang bumulong eh, wala daw kaming tayo. Tchh..

Nag-umpisa na siyang magturo sakin ng mga skill and attacks.

Tinuro niya sakin ang: Flame thrower, Fire eruption, Fire tornado, Fire shurikens at madami pang iba. Pero tinuro niya sakin isang magic, yun ay kung paano ko i-summon ang "Fire Pheonix", isang mythical creature na mga fire elementals lang ang makakapag-summon.

Ang daya nga eh, kasi blue yung kanya tapos sa akin red lang.

Sumunod naman si ate Vapor! Ganun din ang tinuro niya sa'kin, mga level up water skills at attack. Tinuro rin niya sa'kin kung paano i-summon ang "Water Mermaid!"

To make it short, lahat sila ay tinuruan ako ng mga level up skills at attacks, maging ang pag summon ng mga mythical creatures each elements. Nandiyan ang...

Earth Golems, na tinuro sa akin ni ate Evira.

Air Griffin, Naman ang tinuro sa'kin ni kuya Flash.

Electic Manticore, ang tinuro sa'kin ni ate Thundra, isa itong creature na parang leon na may buntot ng isang scorpion.

Ice Yeti, 'yan naman ang tinuro sa'kin ni kuya Ice.

Poisonous Serpent, naman ang tinuro sa'kin ni ate Venus.

Si ate Techna naman ang nagturo sakin ng Techo Sphinx, a little bit cute than Manticores.

Si kuya Steel naman ang nagturo sa'kin ng Steel Centaurs, mga taong kabayo ata sila eh, ganun ang say 'ko.

Si ate Leafy naman ang nagturo sa'kin ng Nature Cyclops, isang creature na may isang mata, cute naman. Kahit papano kaso malaki siya.

Si Blake naman ang nagturo sa akin kung paano i-summon ang Day and Night Cerberus, unique raw ito yun ang sabi niya.

At si Flight naman ang nagturo sa akin kung paano i-summon ang Dark and Light Wolves, mga kakaibang uri ng mga lobo.

They are not just an ordinary creatures, they're also powerful!

Maliban sa pag-summon ng mga power creatures, tinuro rin nila sa akin ang pag-summon ng mga elemental dragons ko. Astig di'ba may creatures na may dragons pa. Well, ilalabas ko lang daw sila pag nasa alanganing sitwasyon ako at sa tamang panahon.

In just this short period of time, ngayon lang talaga ako napagod ng ganito. I'm exhausted, physically and mentally.

***
« Fast forward »

Tapos na nila akong turuan ng basic skills at ang pag gamit ng powers ko, ngayon ay kailangan ko silang labanan! Natapos naman ang mga laban ko at panalo naman kahit papano, maliban lang kay kuya Blake at Flight. Paano ba naman kasi dalawa yung hawak nilang powers at yung malalakas pa!

Kaya ang ending bugbug sarado itsura ko. Buti na lang andyan si ate Leafy para i-heal mga sugat ko. Di ko na kasi kaya i-heal sarili ko dahil sa sakit ng katawan ko.

Partida wala pa akong kain niyan ah, isang araw kaya tong event na 'to share ko lang! Huhu

***
« Fast forward.»

Isang linggo na ata ako rito sa Gardenia, puro ensayo lang naman ang ginagawa namin. Hindi na nga ako nagawang gapangin ni papa Flight eh. Huhu

Sa loob ng isang linggo na yun ay masasabi ko na bihasa na ako sa paggamit ng mga kapangyarihan ko.

Nandito kami sa isang magarang lamesa ngayon. Di ko alam kung anong ganap ngayon kaya 'silent mode on' muna ako.

"Ariana, isang linggo ka na rito sa lugar namin, nahasa naman ang mga kapanghariyan mo. Gusto lang naming sabihin sayo na kailangan mo nang bumalik sa inyo," Sabi ni papa Flight.

"Hala! Pwede pa-extend ng 1 day? Hindi pa nga ako nakakapag-relax eh. Puro ensayo na lang," maktol ko naman.

"Hindi na namin pwedeng pagbigyan ang kahilingan mo Ariana. Tanging pag eensayo lang ang binigay namin para makapag-stay ka rito. Mundo ito ng mga Diyos at Diyosa and that explains why," paliwanag ni kuya Blake.

"Ay, ganun ba? Sige po, pero mami-miss ko kayo!" totoo naman kasi eh. Masarap din kasi kinakain ko rito and that explains why. Char Hahaha

"Kami rin naman, pero tawagan mo lang kami at sasagot kami sa abot ng aming makakaya, " sabi ni ate Techna.

"Kaya nga, lagi lang kaming nandito para sa'yo. Nasa puso't isipan mo lang kami," sabi naman ni kuya Steel.

"Sige, sabi niyo 'yan ah! Wala nang bawian. Mamatay 'di tutupad ng promise!" pagbibiro ko, as if effective naman 'yun sa kanila di'ba? Hahaha

"Ehem! Pero bago mo lisanin ang lugar namin, meron kaming isang pakiusap sa'yo. Sana mapagbigyan mo kami,"

"Sige ba! Ano po ba yun?" tanong ko, siyempre si papa Flight 'yan eh. Hahaha

"Kailangan mong ilihim pansamantala ang mga bagay na nalaman at natutunan mo sa lugar na ito, para na rin sa kaligtasan mo," sabi ni kuya Ice, luh? Kapagod mag ensayo ah, tapos secret lang pala 'to?

"Eh bakit naman po? Para saan pa at nag ensayo pa ako?"

Hinawakan ni papa Flight ang pulsuhan ko at may binanggit na mga katagang 'di ko naman maintindihan. Matapos niyang banggitin ang mga katagang iyon ay bigla na lang umilaw ang pulsuhan ko.

Nagkaroon ng simbulo doon na katulad din sa kabila kong wrist. Tila nabuo na ang Yin Yang na symbol na matagal ko nang iniisip kung nasaan ba ang partner. Naging buo na ang symbol, hiwalay nga lang. Hiwalay utak ko eh. Hahaha

"Para saan po ba ang mga symbols na 'yan? May isa na 'ko eh, dinagdagan niyo pa. Bawal kaya may tattoo sa school,"

"Ang nasa left wrist mo ay ang symbol ng Master of Guardians," Sabi ni kuya Blake.

"At ang nasa right naman ay ang symbol ng Itinakdang pupuksa ng kasamaan, the chosen one," Dagdag ni papa Flight sa sinabi ni kuya Blake.

"Ang 'Master of Guardians' symbol na iyan ang makakapagsabi kung sino ang itinakdang magiging PROTECTOR ng magical world," paliwanag ni ate Techna.

Protector? Pardon?

"At ang symbol ng 'Itinakda' na iyan sa kabila ang makakapagsabi kung sino ang itinakdang magiging SAVIOR ng magical world," paliwanag ni ate Leafy.

Protector? Savior? Eh parang parehas lang naman yun ah!

"Kaya nais naming gawin mong sikreto muna ang mga bagay bagay na nalaman mo rito sa lugar namin. Nakasaad sa propesiya na ang mga itinakda at ang master of Guardians ang makakatalo ng kasamaan," sabi ni ate Vapor.

At sadyang sa kamalas-malasan, ako ang tinutukoy nila. What a sad life...

"Napagdesisyunan namin na ikaw ang gawing bagong itinakda dahil nakikita namin ang potensyal at kabutihan ng iyong kalooban," sabi ni kuya Flame.

Wait nga lang, kailangan ba na salit-salitan kayong mag explain? Hirap na ngang intindihin mga sinasabi niyo eh, ang gulo niyo pa.

'With great powers, comes with great responsibility', so binigyan lang nila ako ng dagdag trabahuin at intindihin.

"At bilang reward nang paglilihim mo, bibigyan ka namin ng extra powers!" sabi ni kuya. Flash

"Wow! Ang galing! Sige payag na ako pero ano ba yang ibibigay niyo sa aking extra powers? Sa dami niyong sinabi yan lang talaga na gets ko eh," ani ko, pansin ko namang napa face palm ang iba sa kanila. Ang galing ko talaga. Hahaha

"Ang kapangyarihan na 'Gender Manipulation', kaya mo na maging babae ngunit hindi forever ang duration noon, dahil lalaki ka pa rin. Sana lang wag mo abusuhin ang kapangyarihang ito," sabi ni ate Venus, well hindi naman na masama sa pananaw ko. Hihi

'Wow, aylabet! Okay na din naman yun di'ba? At least ma-feel ko man lang maging gurl. May kiffy na ako, yehey! Hahahaha'

"Sige payag na ako! It's a deal between us all!"

"Sana gawin mo pa rin ang responsibilidad na nakaatas sa'yo," sabi ni kuya Flash.

"Sana magtagumpay ka, kayo ng mga magiging kasamahan mo," dagdag ni ate Thundra.

"Maliwanag ang naging usapan natin dito. Mananataling lihim ang mga nalaman at natutunan mo sa lugar na 'to. Gagawin mo pa rin ang responsibilidad na nakaatas sayo kahit ganun, malinaw ba? Mag pakatatag ka lang, nabigay na namin sa"yo ang extra mong ability, ang gender manipulation, sana 'di mo kami biguin," pagtatapos ni papa Flight sa speech nilang lahat.

"At mag-iingat ka, ikaw ang target paslangin ng mga taga Dark world," sabay sabay na sabi nila. Nagpraktis yarn? Hahaha

"Makaka-asa po kayo na gagawin ko ang mga naka-atas sa aking responsibilidad at gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para iligtas ang magical world. Pero pwedeng humiling ng isa pa?" tanong ko, kahit naguguluhan nagawa ko pa ring makipag sabayan sa kanila. Tsaka 'ko na lang intindihin 'yun.

"Ano?" Sabay sabay din na tanong nila.

"Pwede pahingi ng kiss at hugs? Sige na, ngayon lang to pramis. Hahaha" tawa ko pa, request ko lang naman eh. Hihi

"Hahahaha, syempre naman pwede. Halika nga rito," sabi nila kaya lumapit ako sa kanila. Binigyan ko sila ng kiss at yakap isa-isa.

Nung turn na ni papa Flight naman ay panay kantyawan sila sa paligid. Nag kiss naman siya sakin kaya yinakap ko na lang siya. Habang naka-yakap ako sa kanya ay binulungan ko siya.

"Di mo pa ko nagagapang, beke nemen. Hahaha" baka lang naman kasi di'ba? Di naman masamang umasa. Hahahaha

•⊱ ──────ஓ๑∗๑ஓ ────── ⊰•

╔═════════ஓ๑♡๑ஓ═════════╗
Don't forget to vote and comment guys!
╚═════════ஓ๑♡๑ஓ═════════╝

A/n: Ariana niyo 'di pa nagagapang! Hahaha. Ano say niyo sa chapter na 'to? Vote at Comment naman dyan. Hahaha

Ps: grabe, 3.3k words na pala 'to. Kaya pala nanakit daliri ko sa chapter na 'to. Hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
21.4M 790K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
2.9M 226K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...