Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 29

35.9K 1.1K 84
By RinkakuMayo


Tyrone's POV

Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala para kay Aria. She's acting weird these past few days. Hindi na siya masyadong madaldal ngayon and she's spacing out most of the time. I don't know kung ako lang ba ang nakakapansin ng mga pagbabago niya but I am really worried.

"Aria," I called her. Nandito kami ngayon sa classroom namin kung saan busy kaming halos lahat sa paggawa ng weapon. 'Yong weapon na ginawa ko, may kulang pa raw sabi ni Heiro. Si Kai naman, gumagawa ng potion para kapag ibinato ang isang buto ng puno ay agad itong tutubo. Si Thea naman ay gumagawa ng mga bola na agad na mag-eexplode ang tubig mula rito sa oras na ibinato ito sa mga kalaban. Si Nuraya naman ay gumagawa ng pana na nag-aapoy ang palaso kapag tinira na ito. Si Fire naman gumagawa ng fire bomb na kayang pasabugin ang malaking area.

Pero si Aria? Wala pa rin siyang nagagawa. Mag-iisang linggo na siyang ganyan.

"Aria," I called her again pero katulad nang nakagawian niyang gawin, nag-space out na naman siya kaya naman lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang mukha niya saka ko ito tinapik-tapik.

"Hoy, Aria! Gising!" I said while laughing a little when her brows started to knot.

"Ano ba, Ty! Para kang timang!" she said then she pouted her lips. Stop it, Aria! I might kiss you, right here, right now!

"Kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Magtatampo na ako niyan sa'yo," I muttered before I seated in front of her.

"Weh? Tinatawag mo ako? E bakit wala akong naririnig? Echoserong butiki ka talaga." Sometimes, she's okay but most of the time, she's not. Ngayon parang okay naman siyang kausap.

"Sabay tayong mag-lunch?" I asked her.

"Sige ba," she replied while smiling but I can see that she's hiding something behind that smile.

"Teka, bakit parang busy yata kayong lahat?" she whispered in my ears kaya hindi ko naiwasan ang matawa. Ganito ba talaga ito mag-space out? I leaned forward to whisper in her ears.

"Ikaw lang ang hindi, Prinsesa Aria." Sinamaan niya ako ng tingin pero natawa pa rin ako.

"Hindi ko man lang alam na busy kayong lahat? Ang unfair naman!" Para siyang bata na nagtatantrums kaya naman ginulo ko ang buhok niya.

"Ay ano ba 'yan! Ty naman e! Ang hirap-hirap mag-ayos ng buhok tapos trip mo naman guluhin. Gusto mong upakan kita?!" Kahit kailan talaga, kakaiba ang babaeng 'to.

"Kapag natapos na ako sa ginagawa ko, tutulungan kita sa weapon na gagawin mo," I said and that makes her to widened her eyes.

"Talaga?! Hindi ka nagjojoke?!"

"Oo, totoo 'yon." The next thing she did really shock the hell out of me. Niyakap niya ako.

"Waaah! Hulog ka ng langit, Ty! Super thank you!" she said but she suddenly let go when we heard someone talks at the back.

"Nuraya, sabay tayong maglunch kung wala kang gagawin," Fire said and Nuraya smiled at him before she nodded. Napapansin ko na hindi na rin nagpapansinan sina Aria at Fire pero alam kong may mali sa pagitan nila.

"May problema ba, Aria?" I asked her. Nakatitig lang siya kina Fire at Nuraya na ngayon ay palabas na sa classroom namin.

"Wala naman Ty. 'Di ba sabay din tayong maglalunch? Hindi ba pwedeng sa ibang lugar na lang tayo kumain? Parang nakakasawa na kasi sa Cafeteria," she said and flashed a weak smile at me. Mukhang alam ko na kung ano'ng problema niya. Tsk

"O sige. May alam akong magandang lugar dito sa Yoso. Tara na?" I asked her and she nodded her head right away.

"Aria, saan ka kakain?" tanong ni Kai.

"Ah sabay kami ni Tyrone e." Tumango lang si Kai at ngumiti sa akin so I smiled back.

"Thea, tara na. Mukhang may date yata sina Tyrone at Aria e," sabi ni Kai na siya namang kinagulat ni Thea.

"Really?! Nagdedate na kayo?! Omg! Noong isang araw lang, sina Fire at Nuraya tapos ngayon kayo naman?" she said. This time, ako ang nagulat. Hindi ako nagulat sa sinabi ni Thea na magdedate kami ni Aria. Nagulat ako na talaga palang nagdedate na sina Fire at Nuraya.

"Ay grabe naman! Kakain lang kami tapos date agad?! Kaloka ka talaga Thea. Sige aalis na kami." Hinila ako ni Aria palabas kaya hindi na ako nakapagpaalam kina Kai.

Kai's POV

Psh! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa nangyayari ngayon kina Fire at Aria. Oo, alam ko ang totoo at alam ko rin na ako ang unang humadlang sa nararamdaman nila. Ako ang nagsabi kay Fire na tigilan na ang nararamdaman niya kay Aria. Noong isang araw, kinausap ko siya and he's decided to court Nuraya. Kinausap niya raw ito at napagkasunduan nila na subukan mag-date at baka sakaling magwork. Sa amin niya lang sinabi ni Thea ang tungkol dito. Noong una, tutol ako sa gusto niyang gawin pero napag-isip isip ko na ayos din naman ang desisyon niya. But I didn't think about Aria. Hindi ko man lang naisip na masasaktan siya kapag nalaman niya na nagdedate na sina Fire at Nuraya.

"Kai, do you think Aria will be fine?" Bumalik ako sa sarili ko noong nagtanong si Thea. Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa hallway.

"I hope so. I am thankful that Tyrone is being with her." Aminado naman ako na may gusto ako kay Aria pero unti-unti ko na 'yong winawala sa sarili ko. Ni minsan hindi ko inisip na magtapat sa kaniya kasi alam kong mali. Pero siguro, dahil element of courage ang fire people kaya nagawang magtapat ni Fire.

"Tama ka. Malaking bagay ang presence ni Tyrone para maging okay si Aria. Si Fire, mukhang okay naman siya. He's being good about ignoring Aria though I know that it's hard for him." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Thea. Hindi lang naman sina Fire at Aria ang nahihirapan. Kami rin na mga taong nakapaligid sa kanila ay apektado.

Nagdecide kami na sa cafeteria na lang din kumain at naabutan namin doon sina Fire. Bukas ay pag-aaralan na namin ang past ng Ka Kingdom. Inikot ko ang paningin ko sa paligid ng cafeteria pero hindi ko nakita sina Aria. Saan naman kaya sila nagpunta ni Tyrone?

"Kai!" I heard someone shouted my name and when I turned around, si Fire pala ang tumawag sa akin.

"Dito na kayo umupo!" he said kaya naman sumunod kami ni Thea. Pagdating namin sa pwesto nina Fire, napansin ko na parang may hinahanap siya. Hinahanap niya ba si Aria?

"Ang alam ko, hindi dito kakain sina Aria. Baka gusto mo lang malaman, Fire," I said and that makes him to glare at me.

"Okay. Wala naman akong pakielam kahit saan pa sila kumain," he muttered but his mind is saying the opposite. He wants to know kung saan kumakain sina Tyrone at Aria sa mga oras na 'to.

"Nuraya, kumusta naman itong si Fire? Ayos ba siyang ka-date?" asked by Thea. Napag-usapan kasi namin ni Thea na mas magiging madali para kina Aria ang makalimutan ang nararamdaman nila ni Fire sa isa't-isa kapag nabaling na sa ibang tao ang atensyon nila. Kaya kami, ito at talagang supportive kina Nuraya at Fire at kina Tyrone at Aria.

"Ano ba namang tanong 'yan, Thea? Mukha ba akong hindi maayos na ka-date?!" Fire snapped and it makes me and Thea to laugh. Si Nuraya naman ay napangiti lang.

"Okay naman si Fire. He's a real gentleman," Nuraya said. Tumango na lang kami ni Thea habang nakangiti. Alam naman namin na gentleman si Fire. Hindi lang 'yon halata kapag si Aria na ang kasama niya.

"Ibig bang sabihin ay nagkakamabutihan na kayong dalawa? Aba! Ayos 'yan!" Thea said and I can see that Nuraya is blushing.

"Hindi naman sa gano'n," she replied shyly. Natutuwa ako kay Nuraya kasi hindi siya katulad ng ibang babae na lantaran kung ipakita ang pagkagusto kay Fire. Pero wala pa ring papantay kay Aria. Kumusta na kaya siya? Saan kaya sila pumunta ni Tyrone?

Aria's POV

Ayaw kong magsalita pero kailangan dahil baka alisin na ako ni Miss Ai sa cast. Ilang araw na rin naman akong nagluluksa sa nasawi kong pag-ibig kay Fire. Langya na lalaki 'yon. Matapos niyang sabihin na mahal niya ako ay bigla na lang niyang isisingit na babalik na kami sa pagiging strangers?! Leche! Ang sarap niyang tapunan ng nuclear bomb!

"Aria, bibili na muna ako ng pagkain sa cafeteria. Dito ka na lang muna," sabi ni Tyrone. Ngumiti ako sa kaniya bago siya umalis. Nandito kami sa Green Forest. Sabi sa akin ni Tyrone pwede raw kaming pumunta dito kasi 'yong black forest lang naman daw ang pinagbabawal na puntahan namin. Maaliwalas ang paligid dito. Masyadong organize ang pagkakatanim ng mga puno. Talagang nakapila ang mga ito at ang mga ibon ay lalong nagpapaganda sa itsura ng lugar. 'Yong ibang mga puno ay nakikisabay sa ihip ng hangin. Nakakarelax ang lugar na ito. Wala kang makikita na tuyong dahon. Talagang lahat ay kulay green.

"Enjoying the view?" Someone said. Paglingon ko ay nakita ko si Tyrone na may dalang pagkain.

"Ang ganda dito. Parang may kapangyarihan yata ang gubat na 'to para pakalmahin ang isang tao." Ngumiti si Tyrone sa akin bago siya umupo sa tabi ko.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong meron ngang kapangyarihan ang gubat na 'to?" Ay bongga! Ang galing mong sumakay sa imagination ko, Ty! Loko na lalaki 'to.

"Hindi ka naniniwala, tama ba? Nabasa ko sa History ng Yoso ang tungkol dito sa twin forest. Ang black at ang green forest. Nakikita mo ba 'yang hilera ng mga puno na 'yan na ang kalahati ay buhay at ang kalahati ay patay?" Oo nga ano. Ngayon ko lang napansin ang mga puno na ito. Ang isang puno ay buhay ang kalahati at patay naman ang kalahati.

"'Yan ang pagitan ng kambal na gubat. Ayon sa kasaysayan, si Valgemon daw ang may kagagawan kung bakit nahati ang kambal na puno. Noon daw kasi ay hindi naman nababalot ng masamang elemento ang black forest pero dahil sa kapangyarihan ni Valgemon ay tuluyan na itong napuno ng masasamang elemento. Nagtulong-tulong ang mga Gods at Goddesses para lagyan ng mahiwagang harang ang paligid ng black forest para hindi makalabas ang masamang elemento na nasa loob nito. Lahat ng pumapasok sa black forest ay hindi na nakakalabas pa. Lahat sila ay pinaniniwalaang namatay sa loob." Jusko! Natakot naman ako bigla sa kwento ni Tyrone. Ano ba 'yan! Kaloka talaga si Valgemon! Pati ba naman gubat ay pinagtripan niya?!

"Bakit ba kasi may pumapasok pa rin sa loob ng black forest? Alam naman nila na puno ng masasamang elemento ang gubat na 'yan tapos pumapasok pa rin sila? Mga baliw pala 'yong mga 'yon e," I said. Kaloka lang. Baka naman gusto na nilang mamatay kaya gano'n?

"Ang alam ko, diyan dinadala ang mga elemental people na nagrerebelde sa elemental world pero bihira lang ang mga ganoon na kaso. Madalas ay pumupunta ang iba sa loob ng black forest para hanapin si Trifosa." Eh? Sino naman 'yong Trifosa na 'yon? Artista ba 'yon para hanapin pa nila sa loob ng black forest?!

"Sino ba si Trifosa?" I asked. Curious din ako kung sino 'yon. To think na isasacrifice ng iba ang buhay nila para lang makita siya? Baka naman may kung anong kachorvahan 'yon kaya hinahanap nila? Ano naman kayang meron doon?

"Based on what I have read, siya ang diwata ng black forest. Kakambal niya ang diwata na nagbabantay dito sa green forest na si Trifina. Si Trifosa ay hinahanap ng karamihan sa loob ng black forest dahil sa kapangyarihan nito na ibigay ang ano man na hilingin ng elemental person na makakakita sa kaniya. Si Trifina naman ay may kakayahang alisin ang memorya ng isang tao." Ay jusme! May gano'n? Ang taray naman ng super powers ng kambal na diwata na 'yon!

"May nakalagay na ba sa history ng Yoso na nakakita sa dalawang diwata na 'yon?" I asked. Kung totoo man 'yon, parang natutukso ako na hanapin si Trifosa para hilingin na alisin na ako sa elemental world at maging normal na tao na lang ako. O 'di ba? Ang bongga ng wish ko? Namimiss ko na kasi si Mama. Nakakamiss din pala ang mga sermon at pagsigaw niya sa akin tuwing umaga.

"Apparently, kay Trifosa ay wala pang nakakakita. Kay Trifina naman, sabi ng iba ay madali lang siyang mahanap kung talagang alam niya na kailangan siya." Ngek? Wala pang nakakakita kay Trifosa? E paano nila nasabi na totoo 'yon?

"What if wala naman talagang Trifosa sa loob ng black forest? Edi sayang lang pala ang mga buhay ng mga taong namatay doon?"

"Totoo man siya o hindi, walang makapagsasabi, Aria. Bakit? Gusto mo ba siyang makita?" Oo gusto ko. Kaya lang, parang hindi yata kakayanin ng atay ko na sa loob ako ng black forest mamamatay. Black forest? 'Di ba, cake 'yon?

"Mahirap makipag-sapalaran sa lugar na hindi mo alam kung makakalabas ka pa ba ng buhay o baka doon mo na makikita ang katapusan mo," Tyrone added. Ay ang havey ng litanya mo, Ty!

"Oo nga, ayaw ko rin naman na mamatay doon sa loob." Napatingin ako sa black forest. Puro patay ang puno. Brown ang mga dahon at talagang nakakatakot ang itsura lalo na kapag binalot na siguro ito ng dilim.

"Sabi nila, biglang nawawala ang daanan palabas ng black forest kapag gabi. Kaya 'yong mga pumupunta ay tuwing umaga pumapasok sa loob. Pero hindi nila namamalayan ang oras sa loob ng black forest hanggang sa tuluyan na itong balutin ng kadiliman. Sinasabi rin sa Alamat ng Black Forest na lahat ng kapangyarihan ng elemental people na namamatay sa loob nito ay napupunta kay Valgemon." Hala? Talaga?! Lahat?! Edi ang lakas na ni Valgemon kung gano'n?!

"Paano niya nakukuha? As in talagang napupunta sa kaniya?" I asked. Hindi na namin nakain ang pagkain na dala ni Tyrone dahil masyado akong naging interesado sa kwento niya. Ito ang advantage kapag may kaibigan kang nerd.

"Oo Aria. Iniipon niya muna ang mga kapangyarihan na iyon at kailangan niya munang alamin kung paano gamitin ang mga ito. Ayon pa nga sa libro, patibong lang daw ni Valgemon si Trifosa pero dahil totoo si Trifina ay agad naman na pinaniniwalaan ng elemental world na totoo rin si Trifosa." Susme! Ang sakit naman sa bagang ng sinasabi ni Tyrone! Lamang na ang takot na nararamdaman ko kesa sa excitement ko na makita si Trifosa.

Magtatanong pa sana ako kay Tyrone pero may bigla na lang kaming narinig na ingay.

"Teka, ano 'yon?!" I asked. Parang may papalapit sa amin ni Tyrone. Agad niya naman akong hinila para tumago sa likuran ng malaking puno. Naramdaman namin na papalapit na ang dalawang tao na naglalakad papunta sa amin pero bigla kaming nagkatitigan ni Tyrone noong narinig namin na nagsalita ang isa sa kanila.

"Fire," Si Nuraya ang babae na 'yon. Alam ko at kilala ko ang boses niya. Akala ko pa naman kung sino na ang sumunod sa amin, 'yon pala ay sila lang! Ang galing talaga! Ano ba'ng ginagawa nila dito?!

"Mukhang may tao na nanggaling dito. Tingnan mo, may naiwan pa silang pagkain." Puro si Nuraya lang ang naririnig kong nagsasalita. Anyare kay Fire? Bakit ang tahimik ng isang 'yon?!

"Aria, sina Fire lang pala 'yon. Ano pa ba'ng ginagawa natin dito?" Tyrone whispered.

"Sssshh. 'Wag kang maingay, Ty. Hintayin na lang natin silang umalis." Tumango-tango na lang si Tyrone sa sinabi ko. Ano ba ang ginagawa nila dito?

"Fire," tawag ulit ni Nuraya kay Fire. Leche!

"Bakit?" I heard Fire asked. Tsk! Dito pa talaga nila naisipan na magdate e 'no? Ka-stress!

"Masaya ako na kasama kita ngayon. Noon pa man, gusto na kita. Kahit noong nasa Ka Kingdom pa lang tayo, may gusto na ako sa'yo. Kahit sinasabi nila na masungit ka at masama ang ugali mo, hindi 'yon naging dahilan para ayawan kita," sabi ni Nuraya. Hindi ko alam kung bakit ang sakit sa dibdib na marinig 'yon kay Nuraya. Gano'n? Matagal na siyang may gusto kay Fire?! Hinintay ko na sumagot si Fire. Hinihintay ko na sabihin niyang hindi niya gusto si Nuraya. Hinihintay ko na sabihin niya na ako ang gusto niya.

"Gano'n ba? Akala ko nga hindi mo ako gusto e. Hindi ka naman kasi katulad nang iba na masyadong obvious na may gusto sa akin. Salamat, Nuraya," Fire said. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na silipin sila. Nakaupo sila sa pwesto kung saan kami nakaupo kanina ni Tyrone. They are so close to each other. Kung titingnan sila ay parang daig pa nila ang magkasintahan.

"Wala 'yon. Ako ang dapat na magpasalamat sa'yo kasi kahit paano, pumayag ka na subukan natin ang ganitong klase ng relasyon." Aray ko. Relasyon?! Bwisit! Parang natetempt ako na palakasin ang hangin para liparin na si Nuraya papunta sa black forest! Kainis!

"Aria, okay ka lang ba?" Napalingon ako kay Tyrone at kitang-kita sa mga mata niya na nag-aalala siya para sa akin.

"Tara na?" Narinig kong sabi ni Fire. Tiningnan ko ulit sila. Fire is offering his hand to Nuraya. Teka! Ako lang dapat ang hahawak sa kamay mo, Fire!

Tinanggap ni Nuraya ang kamay ni Fire at magkaholding hands silang naglakad palabas ng green forest.

Ang sakit. Sa sobrang sakit ay hindi ko namalayan na umiyak na pala ako.

"Aria," Tyrone said before he hugged me so tight.

"Ito ba ang dahilan kung bakit madalas kang wala sa sarili mo?" he asked pero hindi ko siya sinagot. Umiyak lang ako nang umiyak sa balikat niya. All this time, sinasarili ko ang sakit na nararamdaman ko sa naunsyami naming lovestory ni Fire. Ilang araw akong umaarte na walang pakielam na nagdedate na sila ni Nuraya. Ilang araw ko rin namang sinubukan na iwasan si Fire at gawin ang gusto niya pero iba na ang sakit ngayon. Pakiramdam ko, sa bawat araw na lumilipas, lalong sumasakit. Paano na lang kapag nalaman ko na sila na?! Jusko! Maglalaslas na talaga ako!

"Si Fire pala ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. It's okay, Aria. Umiyak ka lang. Nandito lang ako palagi para sayo." Niyakap ko na rin si Tyrone bago ko inilabas lahat ng luha na pwede kong ilabas. Langya ka, Aria! Napakaiyakin mo! Ang weak mo talaga!

"Jusme! Ang ganda-ganda ko pero heto at napakaiyakin ko naman. Nakakainis! Nakakawala ng ganda ang ganitong eksena!" I said and that makes Tyrone to chuckle.

"Kahit umiyak ka, maganda ka pa rin," he muttered. Kung hindi lang sana ako nagluluksa ngayon ay baka kanina pa ako gumulong-gulong dahil sa sinabi ni Tyrone. Pero dahil nga nasa emo stage pa ang puso ko, hindi ko man lang maramdaman na matuwa o kung ano pa man. Dapat ka nang magmove on, Aria! Hindi na 'yan makatarungan! Aba, galak na galak si Fire kay Nuraya tapos ikaw ganyan?! Hindi ka bibigyan ng best actress award diyan sa pag-iyak mo! Walang gano'n dito sa elemental world kaya move on na 'te!

"Ty.." I said while sobbing.

"Hmmm?" he murmured. Ipinikit ko muna ang mga mata ko at niyakap ko siya ng mahigpit before I said something that makes him to be stunned in his place,



"Let's date."



Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 29.9K 75
[Trinnity High 1st Series] Madness lies within us all. Welcome to Hell.
32.6K 1.3K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
2.6M 83.3K 54
Luna. Every day it's a different version of itself. Sometimes frail and pale, sometimes vigorous and lustrous. Will it ever overcome its uncertaintie...
5.9M 202K 149
Guillier Academy is not your typical school. Hindi ito gaya ng ordinaryong eskwelahan na nakafocus sa academics and sports but it focus on enhancing...