One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 59

1.4M 37.2K 13.9K
By jonaxx

Kabanata 59

Get Well

Nasa gilid ko ang aking bag. Naka all black simula sa jeans na suot, sa black Christian Louboutin shoes, at black long sleeve button down shirt. Nakaupo ako sa aking kama at tinatapos ang pinapabook na flight para mamaya.

I'm going home. Manila is suffocating.

Tumigil sa pagtatalo si mommy at daddy. Hindi ko alam kung ano na ang kinahinatnan ng pagtatalo nila. Ang alam ko lang ay umalis si daddy para tingnan si Arielle.

Kumatok si mommy sa pintuan ko. Bumukas ito at nakita kong namumugto ang mga mata niya.

Namilog ang kanyang mga mata nang nakita ang bag ko sa gilid. Hindi tulad niya, wala ng bakas ng luha at pag iyak sa aking mukha. Ligo at kaonting make up lang ang katapat noon.

"Uuwi ka ng Cebu?" tanong niya like she's wishing she's right. She is.

"Yes, my. I'm just waiting for my ticket. Pupunta po ako ng ospital."

Tinikom ko ang bibig ko. Ang alam ko ay nasa trabaho si Brandon kaya dumiretso si daddy sa ospital dahil walang magbabantay kay Arielle. He texted me today too. Na okay lang daw kung huwag na akong pumasok. Nagpasalamat lamang ako sa pag iintindi niya.

Hiyang hiya na ako kay Madame. Ayaw kong abusuhin ang pagiging understanding niya but work is work. And now that I am leaving, mas lalo lamang akong nahiya. I do hope she'll give me a chance to make up for it in the future. Sana ay masuklian ko ang kabutihan at pag iintinding ipinadama niya sa akin habang nagtatrabaho ako para sa kanila.

"Susunod ako sayo bukas, Av. Magpapaalam ka ba sa daddy mo?"

Galit na galit ako kay daddy. Pero pagod na pagod na rin ako sa umaapaw kong galit. Naging manhid na ako, nanghihina sa bawat poot na nararamdaman ko. Magpapaalam ako sa kanya pagpunta ko ngayon sa ospital. Ganon din kay Arielle. Nang huli kaming nag usap sa ospital, nong nagising siya sa kanyang panaginip ay hindi siya naging bayolente sa akin. Sana ay dahil sa pag dalo ko sa kanya sa mga oras na iyon ay medyo naging maayos ang pakiramdam niya sa akin. I hope she realizes that I am not her competition. That I'm giving her all my father's love. It's not mine, anyway.

"Magpapaalam po. Pupunta ako ng ospital ngayon," sabi ko.

"What about Brandon?" nakita ko ang kaba kay mommy sa tanong niyang iyon.

Alam kong hindi parin siya kumbinsido na iiwan ko si Brandon. Umiling lamang ako at ngumiti kay mommy.

"He will probably understand, mom. At isa pa, kung hindi ako dumating ay baka nga sila na ni Arielle ngayon. He cares for Arielle. Pag kakailanganin siya ni Arielle ay hindi siya aalis, hindi niya iiwan si Arielle. Like dad, he knows na kaya kong mag isa. Na kaya ko ang wala siya."

Nangingilid sa mga mata ni mommy ang luha. Gustuhin ko mang umiyak din ay nanghihina na ako. Ubos na ang aking mga luha. I've cried enough for this decision. For my father. For my lost father.

"You should talk to him at least, Avon," nag aalala si mommy.

Tumango ako. "I will. Hindi ko pa nga lang kaya ngayon."

Tumayo ako nang nakita ang kumpirmasyon sa flight na gusto ko. Ang plano ko ngayon ay ang pumunta sa ospital para mag paalam kay daddy at Arielle. Pagkatapos ay pupunta ako sa condo ni Brandon para kuhanin ang natitira kong gamit kasama ang aking passport bago umalis patungong airport.

"He deserved your word, Av," ani mommy.

Huminga lamang ako ng malalim at pinulot ang bagahe ko. "Bakit ka nga pala uuwi bukas, mom?"

Tumigas ang kanyang mukha sa tanong ko. Dapat ay hindi ko na lang iyon tinanong ngunit ikinagulat ko ang pag uwi niya. Mom is also dependent of dad. Hindi ko alam kung paano niya magagawang iwan si daddy ngayon. Alam ko namang di sasama si daddy lalo na sa kalagayan ni Arielle ngayon.

"Avon..." hinaplos ni mommy ang aking buhok. "For you."

Napaawang ang bibig ko. Mom was always on daddy's side. Mahal na mahal niya si daddy at nagulat ako na ngayon ay kaya niyang piliin ako imbes na si daddy.

"Wh-What about daddy, my?" hindi ko maiwasan ang gulat sa tono ko.

Umiling lamang si mommy at tipid na ngumiti.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang desisyon niya ngayon. Ang alam ko lang ay nasasaktan din siya. Ayaw ko mang iwan niya si daddy dahil alam kong mahal niya ito, wala rin naman ako sa lugar para gawing suhestiyon iyon.

"Mag ingat ka. Did you call Cole? Sana ay nagpasundo ka."

Tumango ako. "Susunduin daw po ako ni CJ, my. I called Cha, kanina."

Sabay kaming naglakad patungo sa pintuan ng condo unit namin. Kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata ni mommy ngunit alam niyang hindi niya na ako mapipigilan sa desisyon kong ito.

"I'm really, really sorry," tumulo ang luha sa mga mata ni mommy.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko ang pagsisisi ni mommy sa kung anong nangyayari.

"I know that it's because of me. If I didn't nag you before, sana ay hindi nangyari itong lahat."

Umiling ako sa mga sinabi ni mommy. "It's not because of you, mom. We deserved the truth. We deserve to know. Kaya lang ako kampante noon kahit na nagdududa ka na ay dahil masyado akong naniwala kay daddy."

"Pero kung hindi sana kita pinilit, sana ay hindi mo nagawa iyong sa Tagaytay." bigong bigo si mommy nang binanggit niya ang lugar.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ko siyang mabuti. "Kung may paraan para maulit ang lahat ng iyon, pipiliin ko parin na maulit iyon, my. So don't blame yourself. Wag mong isipin na masama ang karanasang iyon para sa akin. I am glad I went to Tagaytay. I'm glad I chased the truth. I'm glad I met Brandon." Nahirapan akong lumunok dahil sa baradong lalamunan.

"Pleasse, Av. Talk to Brandon." Nag mamakaawa na siya sa akin para kay Brandon.

Gusto ko. Ngunit paano ko gagawin iyon para magpaalam? Paano kung ayaw niya? Paano kung pumayag siya? Everything could hurt me. It will hurt him too. At mas gugustuhin kong talikuran ang lahat kesa sa makitang nasasaktan ko siya.

Iniwan ko si mommy sa aming condo. Nagpatawag ako ng taxi dahil hindi ko gagamitin ang aking sasakyan, maiiwan lamang ito sa airport. Sinabi ko sa driver kung saang ospital bago tiningnan ang cellphone ko na may mensahe galing kay Brandon.

Brandon:

Hope you eat your lunch. I miss you, sweetheart.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya ngayon. Parang nilulukot ang puso ko sa sakit at hinagpis na nadarama para sa kanya.

Ako:

I miss you, too. Eat your lunch. Nasa opisina ka?

Lumingon ako sa labas para tingnan ang mga sasakyang nakakasabay ng taxing sinasakyan ko. Mabilis ang kanyang naging reply. Dinungaw ko ang cellphone ko pagkatapos marinig ang tunog.

Brandon:

Yup. Trabaho ako ngayon. Will you come home to me later?

Kinagat ko ang pang ibabang labi. I just don't know what to say to him. Ayaw ko siyang paasahin ngunit ayaw ko ring mag reply ng masakit. Nanatili ang pagtitig ko sa kanyang mensahe hanggang sa nakatanggap ako ng isa pa.

Brandon:

But... if you still want to stay with your family, it's okay sweetheart. I just really miss you.

Pumikit ako ng mariin. Halos hindi makahinga sa natanggap na mensahe galing sa kanya. Itinago ko ang cellphone ko habang kinakalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi ko alam na may ganitong pakiramdam pala? Iyong namimilipit sa sakit pero tumitibok ng malakas at mabilis. Is that even possible? To fall in love and feel the hurt at the same time? It is possible! Because I'm feeling it right now.

Kinalma ko ang sarili ko lalo na nang natanaw ang ospital. Pumasok kaagad ako, bitbit ang aking bagahe.

Dumiretso ako sa silid kung nasaan si Arielle. Sa labas pa lang ay kita ko na iyong dilat na si Arielle habang nakikinig sa usapan ni daddy at ng doktor doon.

Huminga ako ng malalim nang nakitang kalmante naman si Arielle sa pagkagising niyang wala si Brandon. Iminuwestra ng doktor ang pintuan para makalabas silang sabay ni daddy. Mukhang may pag uusapan silang importante.

"We'll have to talk somewhere private, Atty," anang doktor.

Umayos ako sa pagkakatayo lalo na nang nahuli ako ng tingin ni daddy. Nilingon niya ako at bumaba ang tingin niya sa dalang bagahe ko.

"You're leaving?" salubong niya sa akin.

"Uuwi po muna ako ng Cebu."

Tinikom ni daddy ang kanyang bibig at nilingon ang naghihintay na doktor sa kanyang likod. Ramdam kong nahihirapan siyang magdesisyon kung kakausapin niya ba muna ako o ang doktor.

"It's okay, dad. Kausapin niyo muna si doc. I'll stay here," sambit ko.

Nilingon ulit ni daddy ang doktor sa kanyang likod na iminuwestra ang hallway para makapunta na sa kanyang klinika.

"Okay. Please, wait for me." Tumikhim si daddy at mataman akong tinitigan bago tinalikuran para sumunod sa doktor.

Yumuko ako at tiningnan muli ang bagahe ko bago naglakas loob na tingnan ang loob ng silid kung nasaan si Arielle. Nakatingin siya sa akin, walang ekspresyon ang ibinibigay ng kanyang mga mata.

For once, I want to talk to her in a civil way. Humugot ako ng malalim na hininga bago nag desisyong pihitin ang pintuan para makapasok sa kanyang silid.

Nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mata pagkapasok ko. Mas may kulay na ang kanyang balat at labi ngayon kumpara kahapon. This is a sign that she's feeling better.

Namataan niya ang bagahe ko bago niya ibinalik ang paningin sa aking mukha. Lumapit ako sa kanyang kama at nakita ko ang pag kunot ng kanyang noo.

"Aalis ka?" tanong niya.

Tumango ako.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ng ilang sandali. Humalukipkip ako at dinungaw siya. I want to at least have a good conversation with her. Kahit kaonti at kahit walang halong plastikan, fine with me.

"Good. Finally." Nag iwas siya ng tingin.

Hindi ako natinag. I thought the competition is finally over. Sa kanya na ang lahat, e. Ano pa ba ang ikinagagalit niya sa akin?

"Natauhan ka na rin? Na hindi ka kailanman pipiliin ni daddy? O ni Brandon?"

Namungay ang aking mga mata. What a pity. Kahit na gustong gusto ko siyang sigawan sa galit ko ay hindi ko magawa.

"Sana ay huwag ka nang bumalik!" umiling siya at diretsong tumingin sa akin.

Dumungaw lang ako sa kanya at ngumiti.

"Huwag mo akong mangiti-ngitian! Walang hiya ka!" sigaw niya. "This?" Ipinakita niya ang kanyang palapulsuhan na may bandage parin hanggang ngayon. "Is all your fault! This is all your fault! Kung hindi dahil sayo ay sana nandito pa si Brandon! Kung hindi dahil sayo ay sana hindi niya ako binabalewala! Hindi niya ako sinasagot tuwing tumatawag! Maybe because you told him not to, right?"

Humugot ako ng malalim na hininga at umiling.

"He loves me! That's the truth! Kaya ayaw mo siyang mapalapit sa akin dahil takot ka! Dahil alam mong mahal niya ako! Takot ka na nawala na nga si daddy sayo, pati pa si Brandon ay hindi mo makuha!" Nanggagalaiti siya sa pag sigaw sa akin ngunit hindi na ako nagpanic. She's beyond hysterical but I won't blame her. Rough childhood and her parents are to be blamed. Ito lamang ang resulta ng mga kagagawan sa kanya.

"Yes, you're right." Mahinahon kong sinabi.

Nanahimik siya. Nagulat sa biglaan kong pagsang ayon.

"Brandon loves you." Namungay pa lalo ang mga mata ko ngunit taas noo parin akong nagsalita. "Have you seen him? Nong unang araw mo dito sa ospital? He's beyond depressed. He cares for you so much that he wouldn't leave your side, Arielle. Ni hindi nga niya ako natawagan para sabihin na nandito lang pala siya. He forgot about me because of you. He loves you so much, Arielle. No need to shout it to my face."

Hindi siya makapaniwala sa namutawi sa aking bibig. Kitang kita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha.

Taas noo akong humakbang para makalapit pa sa kanya. Nakita ko ang takot at kaba sa kanyang mukha sa isang hakbang kong iyon.

"You are so important to Brandon, Arielle. You are so very important to him. You are his life. He would give everything up for you. Even me. He'd give me up for you. For you to be happy."

Napalunok siya sa mga sinabi ko. Ngumiti ako at tinagilid ko ang aking ulo.

"I can't help but feel jealous. Nakakaselos, Arielle kasi... mahal na mahal ko si Brandon. How I wish I was that girl he'd love for the rest of his life. How I wish he cared for me the way he cares for you."

Nakita ko ang pamumula ng mga mata ni Arielle. Hindi parin siya makapagsalita.

"Noon pa lang alam ko na na mahal ka niya, Arielle. I was just really in love with him too that I hoped he'd love me back. But now, I realized na ikaw ang mahal niya. You're the love of his life. And I hope you'd love him back the way he should be," mapait kong sinabi.

Umawang ang bibig niya. Hindi makapagsalita o makapaniwala na isinusuko ko si Brandon sa kanya.

"And you know what? I never wished for a sister. Kahit noong bata pa ako, I was fine alone. The Rama family is one big family that I don't really need another sibling. And dad cheated on us kaya hindi kita matanggap. But then, there's no point in that right? Kahit anong gawin ko, kapatid kita. Hindi ako nakikipag plastikan sayo. Pagod na pagod na lang talaga ako. Pagod na ako sa lahat ng ito. I give everything up and please don't you ever bug me again. Don't you ever try to compete with me again. Cuz the next time you do, I'll forget that you're dad's daughter or Brandon's love."

Dinampot ko ang bagahe ko. Humugot muli ako ng malalim na hininga. Kahit na may bahid ng banta at buong buo ang boses ko sa bawat bigkas ng mga salita ay sa kalooblooban ko, namamanhid na sa saksak ng punyal ang aking puso. I never knew letting go could hurt this much.

"Get well, sister. Para kaya mo nang alagaan pabalik si Brandon. Para kaya mo na siyang ipagluto ng sinigang. Para kaya mo na siyang mahalin tulad ng ipinapakita niya sayo. And don't you ever hurt him." Hindi ko napigilan ang pagkabasag ng aking boses.

Tumigil ako sa pagsasalita. I think that's enough. I've said enough. Taas noo akong tumayo at mataman siyang tiningnan. Wala parin siyang masabi sa pagkamangha. Nangingilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata kaya tinalikuran ko siya. I'm so tired of drama. I would act cool, kahit na sobrang sakit ng ginawa ko, and I will never fail.

Continue Reading

You'll Also Like

26.1M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.2M 50K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
95.9M 2.3M 64
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably t...