(Un) Married Again? || On-Goi...

By ezidilaw

310 57 66

More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 3

35 7 17
By ezidilaw

Chapter 3 - Broken.

#First_Meet_First_Disaster.
#Broken_Ang_Peg.
#Poging_Hinayupak.

*****

:His POV:

"Dude, I already have the profiles of some women who's interested to be your secretary."

Naiangat ko ang paningin kay Theo na kakapasok pa lang sa office ko. He's smirking habang inilalapag ang isang white folder sa desk.

Kumunot lang ang noo ko at binuksan ang folder.

"Marami sila actually, but I chose the better ones. So, siguro naman makakahanap ka na ng secretary?"

Hindi ko siya pinansin at ini-scan na lamang isa-isa ang mga profiles ng mga babae sa folder.

"Cheap." wika ko habang tinitignan ang isang profile.

"Too plain."

"Too stylish."

"This looks like a flirt."

"Ugly."

"Old."

"Too young."

"Tsk. Too simple. Ito lang ba ang kaya mong mahanap, Theo Dave Griffin?" baling ko kay Theo nung matapos kong ma-scan ang lahat ng profiles ng mga babae.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Dude! Pangsampu ko na ‘yang folder na hawak mo, wala ka pa ring natipuhan? I've been chosen some better, graduated, elegant and rich one. Tapos wala pa rin? You're unbelievable, Mr. Alinsky." sabi niya at nangalumbaba sa isang mahabang sofa dito sa office.

Inihagis ko sa kaniya ang folder at muling humarap sa computer. Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng office ko. Kumunot ang noo ko when I saw Liam walking towards Theo at umupo sa tapat nito.

He's smiling like stupid. Tsk.

"What's with the smile, dude? First time ‘yan, ah. Sinapian ka ba ng pangit na multo?" nakangising baling ni Theo kay Liam.

Yeah, right. Bihira lang ngumiti si Liam at kung ngumiti man siya ay malamang na malamang sinapian siya ng multo. Tsk.

"Tss. Anong nangyari sa mukha mo? Bugnot na bugnot ka, ah." pag-iiba ng usapan ni Liam at tumingin sa akin saka sumaludo.

Hindi ko na sila pinansin.

"Itanong mo kay Mr. Alinsky." dinig kong inis na singhal ni Theo. I glared at him at muling ibinalik ang atensyon sa computer.

"Tsk. Did you already find your secretary, Mr. Alinsky?" baling sa akin ni Liam. I just looked at him coldly as a response at hindi siya sinagot.

Ano ba ang ginagawa ng mga ungas na ito dito sa opisina ko?

"Dude! One year ka nang naghahanap ng secretary pero wala ka pa ring natipuhan? Or should I say, wala ka talagang balak na mag-hire ng secretary?" inis na singhal ni Theo sa akin.

I gave him a bored look at sumagot. "Exactly,"

"Mr. Alinsky, you should've move on. Torry is not your secretary anymore." wika ni Liam.

Natigilan ako, tsk.

"Ano ba kasing klase ng secretary ang hinahanap mo? As far as I know, they are way better than Torry."

"Shut your f*cking mouth, Griffin." I glared at Theo. Hindi na siya nagsalita kaya muli akong tumingin sa computer. "I want someone who's very far and different from Torry." I coldly said.

Hindi sila sumagot, itinuloy ko na lang ang ginagawa ko.

Torry was my secretary and she's my f*cking wife. I don't have plans to get a new secretary unless it's Torry.

At kung kukuha man ako ng magiging secretary, I want her to be different from Torry.

"Tsk. Tsk. Tsk. Malala ka na Liam Mendros."

Nilingon ko ang dalawa para malaman kung ano ang ginagawa nila. Dumapo ang paningin ko kay Liam dahil ang lawak ng ngiti nito habang nakatitig sa cellphone.

"HOY, MENDROS! ANO BA ANG NGININGITI-NGITI MO DYAN? NAKAHIT-HIT KA BA NG SHABU?!" halata sa boses ni Theo na naiirita na siya dahil hindi man lang siya sinasagot ni Liam.

Tsk. Mga baliw.

"Hey! F*ck you, Griffin. No need to shout!" inis na singhal ni Liam.

"You two, get the hell out of my office. Masyado kayong maingay, and you Mendros." inis na baling ko kay Liam. "Why the heck are you smiling like stupid?"

"Oh, tignan mo. Pati si Mr. Alinsky ay curious din. So, what's the news? Sino ang ma-swerteng babae ang nakapagpabihag sa isang Liam Mendros?" nakangising wika ni Theo.

Tumingin ako kay Liam na mukhang nagulat sa sinabi ni Theo. Tsk. As far as I know, wala pang nagiging girlfriend ang ungas na ito. I mean, he has no girlfriend since birth.

I wonder if he's a gay. Tsk.

"Manahimik ka, Griffin. It's none of your freaking business." walang emosyon na sabi ni Liam.

"So, confirmed. Who's this lucky girl, eh?" nakangising tanong ni Theo.

Napailing na lang ako at ibabalik na sana ang atensyon sa computer nung marinig ko ang pagbukas ng pinto ng office.

"Yow, Mr. Alinsky, Mendros and ugly Griffin."

Nakangising mukha ni Chad ang tumambad sa amin. I gave him a bored look at bumalik sa ginagawa.

"Hey, Berkins. Binata na si Mendros." dinig na dinig ko ang pagtawa ni Theo.

"Manahimik ka, Griffin!"

"Oh, really? Ang malas naman ng babaeng ‘yan kung ganun."

"Shut up, Berkins!"

"YOU THREE! GET THE F*CK OUT OF MY OFFICE, NOW!" galit na sigaw ko dahilan para matahimik sila at tumigil sa pag-aasaran. "Ano ba ang ginagawa niyong tatlo dito sa opisina ko?" galit na tanong ko habang tinitignan sila ng masama.

"Relax, Mr. Alinsky." wika ni Theo habang nagpipigil ng tawa.

"Tsk." tanging sambit ni Liam.

"By the way. I have a bad news, Mr. Alinsky." tinignan ko si Chad na seryosong nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko, I've never seen Chad as serious as now. "And please, don't freak out." dagdag pa nito kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"What's with the serious look, Berkins?" nagtatakang tanong ni Liam.

"And what's with the spoiler?" seryosong tanong ni Theo.

I looked at Chad who's currently looking at me with his serious face and honestly, bigla akong kinabahan.

What's with this guy?

"What is it, Berkins?" I coldly asked as he just stared at me like a f*cking idiot who's actually thinking twice if he's gonna tell me the news or what.

"Torry is already engaged."

And that's the time when I felt the anger, pain, and sorrow inside my chest.

"Torry is already engaged."

"Torry is already engaged."

"Torry is already engaged."

"Torry is already engaged."

F*ck this life.

*****

:Gem's POV:

"Waaaaah! Gutom na gutom na ako, huhuhu."

Ilang oras na ba akong naglilibot? Waaaah! Hindi ko nga alam kung nasaan ako, eh. Basta ang alam ko eh nagugutom na ako.

Inilibot ko ang tingin sa paligid, mukhang napadpad ang mala-dyosa kong katawan sa isang parke sa may tabing dagat. Gabi na rin at tanging ang mga ilaw lamang ng mga street lights ang nagpapaliwanag sa parke.

Narinig ko na naman ang pagreklamo ng mga bulate sa tyan ko. Grabe naman kasi, kumain pa lang ako kanina sa isang karinderya tapos ngayon nagugutom na naman ako.

Tae rin ba ng tae ‘yung mga bulate sa tyan ko?

Ngayon alam ko na ang nararamdaman ni Baboy 2.

Pero waaah! Na-miss ko tuloy ang mga baboy ko. Huhuhu.

Naupo ako sa isang bench dito sa parke. Pagod na pagod na ako sa kakalakad at hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Bwesit naman, pinapahirapan talaga ako ni Al-al. Pasalamat siya dahil gwapo at mahal ko siya. Bwesit!

Maraming tao ang dumadaan at mukhang namamasyal dito sa parke. Maganda rin naman kasi ito lalo na ‘yung mga ilaw na iba-iba ang kulay, idagdag mo pa na katabi lang nito ang malawak na dagat.

Agad akong napatayo nung may makita akong isang grupo ng mga college students na dumadaan. Ngingiti-ngiti ko silang nilapitan. "Excuse me, mga bata! Hihihi. Kilala niyo ba siya? Kung kilala niyo siya puwede bang ituro niyo siya sa akin?" nakangiting sabi ko sa mga college students habang ipinapakita ang picture frame ni Al-al.

Kanina pa ako naglilibot-libot at nagtatanong sa mga tao na nadadaanan ko kung kilala ba nila si Al-al. Kapag ipinapakita ko sa kanila ang picture ni Al-al ay sasabihin nilang hindi nila ito kilala o hindi kaya ay hindi ako papansinin.

Hay, may mga maa-attitude rin palang tao rito sa Maynila.

"Hindi po, eh." sabay-sabay nilang sagot. Tumango na lang ako at babalik na sana sa bench na inupuan ko kanina nang may mapansin ako.

Agad akong naglakad papunta sa may pinakadulo ng parke, kung saan diretso ito papunta sa dagat.

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan sa hindi kalayuan ang isang lalaki na parang baklang naglalakad sa dalampasigan. May dala-dala itong isang bote ng wine.

Wow! Masarap siguro ‘yung wine na hawak niya, sa kdrama ko lang nakikita ang mga ganun, eh.

"F*CK THIS F*CKING LIFE!"

Literal akong napaatras ng kaunti nung narinig ko ang sigaw niya.

Teka? Bakit ba siya fvck ng fvck? Hala wait! Lasing kaya ‘yung lalaking ‘yun? Kaya naman pala mukha siyang bakla kapag naglalakad, eh. Hay! Shunga ka talaga, Gem.

"I'LL F*CKING GONNA KILL YOU, WARREN PEREZ! AND I WILL BRING TORRY BACK! SHE'S MY F*CKING WIFE AND SHE'S F*CKING MINE!"

Halos malaglag ang panga ko sa mga isinigaw nung lasing na lalaki. Paano ba naman kasi, sa lahat ng sinabi niya eh fvck lang ang naintindihan ko.

Curious na curious ako kung ano ang susunod na mangyayari kaya naglakad ako papunta sa dalampasigan pero hindi ako lumapit sa kaniya. Mahirap na, paano kung marinig ko na naman ang salitang fvck mula sa bibig niya? Ang sabi pa naman ni Auntie Mez eh hindi raw magandang salita ang salitang fvck dahil ang ibig sabihin daw nito eh niyayaya ka raw nitong mag- ano.

Ay hala! Hindi ko na ii-explain, ah. Bastos kaya ‘yun saka si Auntie Mez ang may sabi nun.

Umupo ako sa may puting buhanginan at pinanood muli kung ano ang ginagawa nung lalaki. Medyo malayo pa ako sa kaniya pero sapat na siguro itong puwesto ko para marinig ang mga sinasabi niya.

"You are my whole god damn life, Torry. You are my everything."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Nakatayo siya sa harap ng karagatan habang ako eh nakaupo at pinagmamasdan siya.

Para lang akong nanonood ng isang melodrama dahil nakikita ko na umiiyak siya.

Sayang walang popcorn.

"YOU ARE MY F*CKING EVERYTHING, TORRY!"

"Ay shuta!" mahina akong napaigtad dahil sa pagsigaw niya.

Mabuti na lang at walang masyadong tao ang nakakakita sa ginagawa niya dahil medyo malayo ang dalampasigan sa parke.

Teka, kanina ko pa napapansin, eh. Sino ba ang kausap niya? Bukod sa mukha siyang bakla kapag naglalakad eh mukha rin siyang shunga dahil kinakausap niya ‘yung dagat.

Baliw na siguro ito. Sayang pogi pa naman.

"AAAAAH! F*CK!"

Napatayo ako nung makita ko siyang napahawak sa paa at namilipit sa sakit dahil mukhang may naapakan siyang isang matulis na bagay.

Hay, may pagka-tanga rin pala ang lalaking ito. Bakit wala siyang suot na sapatos o tsinelas man lang?

"U-Uy t-teka, h-hoy!" natataranta akong sumunod dun sa lalaki nung makita ko itong gigiwang-giwang na naglakad papunta sa dagat.

Balak niya bang mag-night swimming?

"H-Hoy! S-Sandali lang! H-Hoy, kuya!" tawag ko dun sa lalaki na mukhang hindi ako narinig dahil dire-diretso lang ito sa paglalakad.

Kung hindi lang ito lasing baka pinabayaan ko na itong mag-night swimming pero dahil gigiwang-giwang siyang naglalakad papunta sa dagat eh kailangan ko nang maging si wonder woman dahil masama ang kutob ko sa gagawin niya.

"HOY, KUYA!"

Shuta naman!

Dali-dali akong lumusong sa dagat kahit halos manigas na ako sa lamig ng tubig. Jusko naman!

Bakit ba kasi naisipang mag-night swimming nung lalaking ‘yun eh ang lamig-lamig ng tubig. Haish!

"T-Teka, K-Kuya—, NASAAN NA ‘YUN?!"

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Hanggang bewang ko na ‘yung tubig at ang nakakainis pa dun eh hindi ko na makita ‘yung poging hinayupak sa paligid.

Bwesit! Para na akong si Dyesebel na hinahanap ang shokoy niya.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 241 10
منحرفه
68.2K 3.9K 24
اجتني لزمتني من شعري وضلت تضرب بيه راشديات وكلها واكفه تضحك ، وهيه متحس بلي دسوي تحسها فقدت او تحولت . بعدين لزمت شعري وركعت راسي بـ الحايط ، حسيت صا...