Until Our Path Cross Again

By wimpearl

1.7K 66 0

completed September 28- December 10 More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 49
CHAPTER 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65

CHAPTER 48

17 1 0
By wimpearl

Nag patuloy ang grand opening ng resto ko. Habang lumilipas ang oras, parami ng parami ang mga dumarating na mga kakilala at iyong iba naman ay mga customer na gustong sumali sa pag diriwang.

"Ma'am Anne!" Maligaya kong tawag sa dati kong amo. Siya ang boss namin sa coffee shop na pinagpapartiman ko noon kasama si Mitch.

Agad siyang ngumiti ng tuluyan na akong makalapit at yakapin siya ng bahagya. "Grabe! Nagkatotoo nga ang dati ko pang iniisip na mararating mo."

I chuckled because of the compliment. "Maraming salamat po sa lahat, ma'am. Hindi lang po sa pag bigay ng trabaho. Pati rin po sa mga tulong niyo."

Naalala ko noong hindi ako nakapasok ng matagal sa coffee shop noon dahil sa paghihiwalay namin ni Clyde. I didn't heard anything from ma'am Anne kahit na ang sinabi ko lang sa kaniya ay may pinagdadaanan ako at hindi ko na ipinaliwanag pa iyon sa kaniya.

"Hay nako! Lahat ng nagiging impleyado namin, gano'n ang turing namin. Tsaka, magaling ka sa trabaho mo kaya wala namang dahilan para hindi ka namin tulungan."

"Kamusta na po kayo? Medyo matagal na rin simula no'ng magkita tayo." Pangangamusta ko noong mapagtanto na hindi ko man lang siya natanong kung maayos lang siya dahil hindi ko inaakala na tutugunan niya ang imbitasyon ko.

"Gano'n pa rin. Medyo namimiss ko ang bangayan niyo ni Mitch pero mayro'n naman na akong mga bagong impleyado." Maligaya niyang sagot.

"Kahit po kami ni Mitch miss na rin pong pumasok sa coffee shop."

"Nagkakausap pa rin kayo ni Mitch?" Takang tanong ni ma'am Anne.

Agad akong tumango bilang sagot. "Opo. Madalas po kaming magkasama nitong mga nakaraang araw dahil nagkakakayayaan. Nag tratrabaho na po siya ngayon sa isang kumpaniya. Nakalimutan ko lang tanungin kung saan."

Tumango tango si Ma'am Anne.

Masaya ako na parang naging reunion na rin itong grand opening ng resto ko dahil may mga nakikita akong mga dating tao sa buhay ko.

Inimbitahan ko rin si Miguel at Nate dahil sabi ni Louisa baka isama niya si Waylon. Pero base sa mga kuwento ng iba masyado raw maraming ginagawa ang mga iyon kaya hindi ako sigurado kung talagang makakarating sila.

Nakita ko sa karamihan ng tao ang iba pang mga kakilala namin nila Louisa sa bar na pinupuntahan namin kaya naman pinuntahan ko rin sila para pasalamatan sa pag punta.

"Ibang iba ang awra mo ngayon, ah!" Si Louisa. Kasama niya sa gilid niya si Waylon pero tahimik lang ito habang tumitingin sa paligid.

"Congrats, daph." Maikling bati sa'kin ni Waylon. Gaya ng dati, parang walang emosyon palagi ang mukha niya tuwing nakikipag usap. Pero kitang kita ko ang pagbabago sa pangangatawan at awra niya. Parang mas naging misteryoso siya ngayong lumipas na taon. Minsan ko naman siyang nababalitaan kay Louisa pero bihira ko lang talaga siyang makita.

Ngumiti ako sa kaniya bilang pasasalamat. "Minsan lang 'to!" Sagot ko kay Louisa na kanina pa sinisipat ang suot ko.

"Si Mitch medyo malelate raw yata pero sila Paul parating na."

"Bakit malelate si Mitch?" Taka kong tanong.

"May kailangan daw tapusin sa trabaho. Pero 'wag ka mag-alala nagtetext naman siya."

"Ah, gano'n ba.. si Nate at Miguel pala?" Tanong ko kay Waylon.

Bahagyang kumunot ang noo ni Louisa. Wala yata siyang alam na inimbitahan ko ang dalawa.

"They're busy and I think Migs is out of town but I-" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Waylon dahil tinawag ako ni Sunny dahil may naghahanap daw sa'kin.

"Maiwan ko muna kayo. Balik nalang ako mamaya." Pamamaalam ko kay Louisa at Waylon.

Nagsimula na akong mag lakad sa dagat ng tao para sumunod kay sunny na nauna na ng biglang may naaninag ang mata ko hindi kalayuan.

Si Clyde ba 'yon?

He's wearing a polo. Parang may kung anong bumalik sa alalala ko ng makita ko siya muli ngayon. Napahinto ako ng ilang sigundo para titigan kung si Clyde ba talaga iyon.

Anong ginagawa niya rito kung siya nga ito?

Gaya ni Waylon, pansin din ang pagbabago sa kaniya kahit na sa malayo ko lang siya nakikita.

Ang dati niyang may kahabaan na buhok, malinis at prisinatable na ngayon. He's face looks matured now. Ang dati niyang pilipinong kulay, mas lalong nadepina ngayon.

Hindi ko alam kung bakit sa maikling oras na nakatingin ako sa kaniya at nakatingin siya sa'kin, napansin ko ang lahat ng iyon.

"Daph!" Pag tawag at pag harang sa'king harapan ng kung sino.

Si Paul pala.

"He-hello," pag bati ko pero wala sakaniya ang buong atensyon ko dahil pinipilit kong tumingin sa likod para muling makita si Clyde.

Alam kong hindi ako nagkakamali. Si Clyde 'yon. Hindi puwedeng guniguni ko lang 'yon o nanaginip ako ng gising.

"Kakapunta ko lang ro'n table. Kakaalis mo lang daw sabi ni Louisa kaya sinubukan kong hanapin ka sandali."

Nang sa wakas ay makatingin ako sa likod ni Paul, wala na si Clyde do'n.

Ang bilis naman niyang nawala? Totoo ba 'yong nakita ko?

"Ahh.. gano'n ba," tanging nasagot ko kay Paul dahil abala ang mga mata ko sa kakatingin sa paligid sa pag asang mahuhuli siya muli ng mata ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Paul. Napansin niya yatang abala ang mga mata ko kaya iginaya niya rin iyon sa paligid. "May hinahanap ka ba?"

"Wa-wala. May naghahanap daw kasi sa'kin kanina sabi ni Sunny kaya tumutingin ako sa paligid baka may ma-may kailangan sa'kin." Pag tango tango kong sabi.

Tumango rin si Paul na parang kumbinsido sa sagot ko. "Sige, halika samahan kita kay sunny." Mabilis na pag hawak ni Paul sa palapulsuhan ko para higitin ako papunta kay sunny.

"Hu-huh? Hindi na." Pagpupumilit ko. "Ako na. Hintayin mo nalang ako ro'n sa lamesa kasama sila Louisa. Mabilis lang 'to."

Medyo may pagaalinlangan pa sa mukha ni Paul noong una pero kalaunan ay binitawan niya rin ako at tumango.

Pumunta ako sa counter para puntahan si Sunny. Siguro'y importanteng tao iyong naghahanap sa'kin kaya napaalis pa si Sunny sa counter para lang hanapin ako.

"Sun, sino 'yong nag hahanap sa'kin?" Tanong ko kay sunny ng tuluyan na akong makapunta sa counter.

"Hindi po ba kayo nakapagkita ma'am Daph?" Takang sagot ni Sunny.

"Hindi, e. Sino ba siya?"

"Hindi ko po nakuha 'yong pangalan, e. Pero lalaki po iyon na nakapolo po 'yon tapos matangkad."

Bahagyang napakurap ang mata ko.

Nakapolo?

Hindi kaya si Clyde iyon?

"Ba-bakit daw niya ako hinahanap?" Nauutal kong tanong muli.

Sunny shook her head. "Walang sinabi ma'am, e. Akala ko po urgent kaya hinanap kita. Sorry ma'am."

Ngumiti ako para ipakita kay Sunny na ayos lang. Medyo natagalan ako sa counter dahil iniisip ko kung si Clyde ba iyong nag hanap sa'kin. Iginala ko rin ang paningin ko sa paligid para muling masiguro na baka nasa paligid lang siya.

Pero... Bakit ganito ang nararamdaman ko.

Excited ba ako?

Bakit?

I should feel normal. Wala dapat akong nararamdaman na kung ano. Baka may kailangan lang siya kaya niya akong hinahanap kanina.

Hindi dapat ako nagiisip ng higit pa ro'n dahil hindi iyon ang dapat.

Ilang minuto ang lumipas, bumigay na ako sa pag hahanap kay Clyde at bumalik nalang ako sa lamesa namin. Pero nang makarating na ako ro'n, naisip kong bakit hindi ko kay Waylon itanong kung totoo bang narito si Clyde. Siguro naman ay alam niya ang tungkol doon dahil magkaibigan sila.

Pero... Bakit naman gusto ko pang alamin? Para saan pa?

"Daph.." pag tawag sa'kin ni Paul. Mayro'n siyang kasamang matandang babae. "This is tita Luz." Pagpapakilala niya sa'kin.

Agad na inilahad ng matanda ang kamay niya kaya naman gano'n din ang ginawa ko.

Mukhang mayaman ang matanda kahit hindi sabihin. Sa suot niya palang na isang violet dress partnered with her sparkling earing and necklace alam kong isa ito sa mga kaibigan ni tita Mildred, ang mommy ni Paul.

"Congratulations iha." Maligayang bati sa'kin ng matanda. "Your dishes are great! mildred introduce you to me almost month ago already and I didn't expect that you are more prettier than what I expected."

My face heated because of what she said. Hindi ko alam na kinukwento pala ako ni tita sa mga kaibigan niya. I gritted my teeth and gave her chuckled. "Thank you po."

"Well.. by the way, a lot of my friends are there." Pag turo niya sa banda ng iilan pang mga matatanda sa medyo unahan ng resto. "They are also amazed by your dishes. They just want to ask if they can order some if there is celebration, you know.."

Tumawa ako at nag bigay ng malaking ngisi bago tumango. Sasagot na sana ako kaso si Paul na ang nag salita. "I'll give you their contact info later tita."

Nakangisi rin si Paul nang tinganan ko. Grabe! Ang dami niya talagang mga kakilala.

"That's my pleasure ma'am. Thank you for coming." Dagdag ko.

Bahagyang tinapik ng matanda ang braso ko. "Ano ka ba! Tita Luz nalang."

Naiilang akong ngumiti bago tumingin kay Paul. Medyo nahihiya ako pero masaya at the same time.

Gaya nga ng sabi ni Tita Luz, lumapit nga sa'kin ang ilan niyang mga kaibigan at nagbibigay ng mga kumento at papuri sa resto ko. Hindi ko akalain na ngayon palang nagsasabi na sila sa'kin na saamin sila kukuha ng mga pagkain kapag may mga celebration sila.

I can now feel that the resto will gonna grow. May kung ano sa puso ko ang sumaya dahil sa mga papuri nila.

"Sabi sayo. Hindi lang ako ang nababaliw sa luto mo, daph." Bulong sa'kin ni Paul habang tahimik kaming kumakain ngayon sa lamesa.

"Parang sobra naman ang baliw. Wala naman akong nilagay na gayuma ro'n sir." Pagbibiro ko sa kaniya.

Paul chuckled. "Hindi ako sure."

"Ang feeling!" I said rolling my eyes. Bahagya ko ring nahampas ang braso niya na nakalatag sa likod ng upuan ko.

Hindi ko napansin na may mga kasama nga pala kami rito. Kunyaring umubo si Aide dahil sa mga nakita niya sa'min ni Paul. Nginisihan naman siya ni Paul samantalang ako awkward na ngumiti.

"I'm happy that our plan goes well." Seryosong sabi ni Paul ilang minuto ang lumipas.

"Wow. Biglang may pa change of emotions."

"I'm serious here, Daph."

Ngumiti ako at tinapik ang hita niyang malapit sa'kin. "Thank you, then."

"Why?" Taka niyang tanong.

"You helped me always. You're there when you know.. I need someone."

He scoffed. "Sinong nagsabing libre iyon?" Bahagya ko na naman siyang hinampas pero sa pagkakataong ito, nahuli at nahawakan niya ang mga iyon. "Just kidding. You deserve everything, Daph. Kahit na hindi mo kailangan ng tulong, gagawa ako ng paraan para mabigay sa'yo kung ano ang nararapat para sa'yo. Kung hindi rin naman sa sipag at talino mo, hindi ka magkakaroon ng ganito. So... Thank to yourself too."

Ngumiti at natunaw ako sa mga sinabi ni Paul. Hindi ko akalain na sa gitna pa talaga kami ng grand opening ko mag gaganito. Medyo naging emosyonal din ako. Mayro'n akong mga nararamdaman na luhang nagbabadya sa mata ko pero bago pa iyon tumulo, pinigilan ko na agad iyon.

Niyakap ko si Paul ng sandali dahil gusto kong maipakita at maipadama sa kaniya na sobrang nagpapasalamat talaga ako sa presensiya niya.

Dahil sa yakap na iyon, hindi tumigil ang panguusisa ng mga kaibigan namin sa paligid.

They are convincing us to spill the news.

Pero wala naman kaming dapat na ilabas dahil wala naman talaga.

"Kayo na 'no?" Tanong ni Mitch na kakarating lang at pangchichismis kaagad ang inuna.

"Tumahimik nga kayo. Hindi nga sabi," sagot ko naman sa kanila pabalik.

Hindi pang sangayon din ang palaging sinasagot ni Paul sa mga tanong nila pero hindi pa rin sila tumigil sa pangtritrip sa'min kahit na patapos na ang grand opening.

Sa huli, umuwi nalang kami at pinabayaan na ang mga kaibigan namin na mabaliw kakaisip kung ano ang gusto nilang isipin.

Pag uwi, ro'n ko lang napagtanto na ang dami ko palang bisita na halos ang iilan ay mga kuryoso sa resto namin kaya marami ring mga tao ang nakausap at nakaharap ko. Hindi ko namalayan na agad na pala akong nakatulog dahil sa pagod dahil sa buong araw.

Continue Reading

You'll Also Like

53.1K 1.2K 23
Alessia is a 14 year old girl, her whole life she has been protecting her little brother, but one day their mother gets killed and they have to live...
1.1M 61.8K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
74.7K 242 11
As the title says
991K 22.4K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...