Behind the Barriers

By trishawarma01

37.4K 986 341

Euresah Martinez always strives for perfection. She's the wall that everyone wants to climb... but no one can... More

Behind the Barriers
Beginning
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
End

11

980 25 5
By trishawarma01

11

"At may sasakyan ka naman pala," saad ko pagdating namin sa parking lot.

Malamig ang gabi at mukhang uulan na. Alam ko na kailangan na naming magmadali pero kailangan ko siyang usisahin tungkol sa pagsakay-sakay niya. He even lied!

Mahina siyang tumawa. "Sorry."

Sumimangot ako. "Anong sorry? You lied to me! Ang sabi mo ay wala kang sasakyan. Unless..."

"Unless what?"

Unless you like me and you want to spend time with me – iyon sana ang idudugtong ko pero tinikom ko na lang ang bibig.

"Nothing." Umirap ako "You'll choose the place. Susunod ako sa 'yo."

"Paano kung hindi ka naman pala susunod?"

Sumimangot ako. "Wala ka bang tiwala sa 'kin?"

Hindi siya sumagot at nagkibit-balikat. Kaya naman hinampas ko siya sa kanyang braso (na sobrang matipuno kaya panigurado ay hindi niya iyon naramdaman).

I gave him my wallet. "Ayan. Kung tinakbuhan kita, edi huwag mo nang ibigay sa 'kin 'yan."

"Ganyan mo ba ako ka-gustong makasamang kumain?"

"Feeler!" ani ko at tumalikod na para pumunta sa sasakyan ko. I heard him laugh a little bit.

Nakasunod lang ako sa puti niyang sasakyan. Hindi niya tinanggap ang wallet ko kahit pinilit ko.

I had a great mood after the talk with my therapist. Hindi naman matigas ang ulo ko kaya susunod ako sa payo niya. I will open up to people. Make friends. Hang out with anyone. Talk about myself.

Sobrang nakakatakot kahit iniisip ko pa nga lang. Pero ayaw ko rin namang ma-stuck na lang sa ganito.

We stopped at Andrew's. I parked beside his car. Nakatayo na siya sa pasemano at hinintay akong makalabas ng sasakyan.

"Wala ka na bang alam na restaurant?" reklamo ko. Noong nakaraan ay dito rin kasi kami kumain.

"Meron naman. Gusto ko lang dito."

We went inside. Sakto namang bumuhos ang ulan. Kaagad na rin kaming nag-order.

"Ako na ang magbabayad," sabi ko.

"Ako na."

I raised a brow to provoke him. Binigay ko kaagad sa waiter ang card ko. "I'll cover everything."

"Ako na nga-"

"And do not listen to him," putol ko.

Wala na ring nagawa pa si CJ kaya hinayaan na niya ako. Wala lang din naman sa 'kin 'yung halaga kasi marami naman akong pera. Duh.

"Why do you want to eat with me?" tanong niya pagkatapos na ihain ng waiter ang order namin.

"Kasi we're friends?" It was awkward so I looked down.

"Friends. Great."

"And you can call me Ysah," bulong ko. "The close people around me call me that. It's my nickname."

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko! Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya nang diretso. It was all new to me. But I am willing to risk it all.

"Ayos lang ba sa 'yo na tawagin kang Ysah?"

I nodded. "Ikaw bahala. Kung ayaw mo, edi 'wag."

"Sungit," he mumbled.

"Whatever." I rolled my eyes.

Nag-usap na kami tungkol sa ibang bagay. Mostly, it's about the land in Rizal.

Sabi ni CJ ay nagpunta na raw sila sa Rizal upang kausapin ulit iyong mga ayaw umalis sa lupang gagawing subdivision. May iba na nagmamatigas. Pero iyong ibang mga pamilya naman ay nagsisimula na ring umalis. May binigay naman silang palugit at ibang offer.

May iilan daw na patuloy ang pagpo-protesta. I never meddled with Kuya's job. And I'm planning not to.

"Cooper?" I heard a girl's voice.

Sabay kaming lumingon sa isang pamilyar na babae. It was the girl I stalked on Instagram. It was one of her friends. She smiled at us, showing her bunny teeth.

Hindi lang siya, I also saw Atty. Thompson, the lawyer who talked to me when I went to their law firm together with her beautiful wife (that I stalked on Instagram). May isa ring lalaki na kasama, mukhang European.

"Shit," bulong ni CJ sa harapan ko.

Nagtaas ako ng kilay. "Bakit? Anong problema?"

"You'll see," aniya at sumimangot – iyong usual niyang simangot.

Lumapit silang lahat sa amin. It was too much but I was undazed.

"Ipakilala mo naman kami sa kasama mo, Coops," ani ng mukhang European habang nakangiti.

CJ groaned and rolled his eyes. Sobrang suplado niyang tingnan!

"Ysah, mga kaibigan ko. Guys, si Ysah..." Tumikhim siya. "Kaibigan ko."

My nickname sounded so nice in his voice. Gusto ko tuloy na palagi niya itong binabanggit.

"Hello, ako si Stephen," ani ng European guy. "This is my fiancée, si Mayumi."

I firmed my lips. Ngumiti iyong Mayumi sa akin pero tinanguan ko lang.

"We've met before," Atty. Thompson said.

Hay, iba talaga ang dating niya sa akin. Kaso, sobrang ganda rin ng asawa, eh. Still, I am confident with my own beauty. Duh.

"This is Athena, my wife," dagdag niya pa.

"Hi, Ysah," ani Athena,

"Euresah," I corrected. "Call me Euresah."

She was caught off guard but she smiled. "Nice to meet you, Euresah."

Tumango ulit ako.

"Hindi mo naman pala sinabi sa amin na may ka-date ka ngayon, Cooper," ani Stephen.

Sumimangot lang si CJ. I wanted to correct what he said, but I let it be.

"Kaya pala hindi ka nag-text," ani Mayumi.

"Do you guys want to have privacy from us?" Athena politely asked.

Great. Thank you for asking. I like you already.

"Dito na lang tayo kumain," pilit ni Stephen. I mentally rolled my eyes. "Tutal nandito na rin naman tayo, eh. Sayang sa gas."

"Mayaman ka naman, eh," pagbabara ni Athena sa kanya.

Atty. Thompson chuckled. "Come on, let's leave them. Lipat na lang tayo sa ibang restaurant."

"Pero gutom na ako."

Sinamaan ni Mayumi ng tingin si Stephen kaya sumuko na ito. All of them waved to say goodbye. Tumango lang ako habang si CJ ay hindi sila pinansin.

Sobrang namumula ang mga tenga niya. Natawa naman si Stephen, parang handa nang tuksuhin ang kaibigan niya. He sighed out of relief when they left the restaurant. Tumunog ang cellphone niya at sumimangot nang mabasa ito.

"Pasensya ka na sa kanila," aniya.

"Those are your friends?"

"Yeah."

They seemed... so close. Parang ang dami na nilang pinagdaanan. Nakakainggit. I continued to eat.

"Are they all lawyers, too?"

Umiling siya. "Hindi. Sina Joshua at Stephen lang. Stephen is actually the head lawyer. Si Athena ay paralegal, si Mayumi naman ay head ng finance."

"That Stephen guy is the head lawyer of Vattiera Law Firm?"

He lowly chuckled. "Hindi ba kapani-paniwala?"

Umiling ako at uminom ng tubig.

"Mukha lang 'yung mahilig magloko pero magaling siyang abogado."

"Matagal na ba kayong magkakaibigan?"

He nodded. "Joshua, Stephen, and I are childhood friends. Si Mayumi naman ay kilala na namin mula pa nung nag-law school kami. Si Athena naman ay nung bago pa lang kami sa firm."

Tumango-tango ako.

I envy him. Ano kaya ang pakiramdam na may kaibigan? They seem so happy and they get along so well. Kahit wala naman siyang masyadong sinabi, nararamdaman ko na ang chemistry nila. My heart ached... when will I experience that?

I only have one friend in my life. Greg is really important to me. Kahit naman assistant ko lang siya at hindi kami malapit nung una. Namimiss ko na siya.

Hindi ko pinahalata ang pagbago ng mood ko. Nanatili pa kami roon ng ilang minuto hanggang sa nag-desisyon na kaming umuwi. Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa opisina.

Mas maaga pa sa kinasanayan ko kaya nagulat iyong mga empleyado na nahuli kong nagchi-chismisan sa mga cubicle. They all stood properly and greeted me but I ignored them and went inside my office.

I immediately practiced my apology in front of the mirror after I put my bag down. Nagbuntong-hininga ako nang hindi pa rin mapakali.

"I'm sorry," I practiced again. "That was so rude. I was so rude... Hay, paano ba 'to?"

I stomped my heels and paced the room. Nilakad ko ito habang nakayuko at paulit-ulit na nag-ensayo ng apology.

"Hindi ko sinasadya," I said again. "Na-carried away lang ako. I was so angry that time. Ang sama ng sinabi ko pero-"

"Apology accepted, Madame."

Napatalon ako sa gulat at hinawakan ang dibdib ko. Dilat na dilat ang mga mata ko nang matagpuan si Greg sa front door.

"Anong ginagawa mo rito?!" singhal ko.

Pumasok siya sa loob habang malapad ang ngiti. Ipinakita niya sa 'kin ang kapeng dala. May nakasulat doon na "Sorry, Madame." Ngumuso siya at lumapit sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Y-You're late," I said. "Mas maaga pa ba ang boss ngayon kaysa sa assistant? Mag-ayos ka, Greg."

Humagikhik siya at inilapag ang kape sa desk ko. "Mas maaga ka lang po."

I wanted to smile that he's now talking to me but I hid it. Naku, malulunod ako sa hiya 'no! Sumimangot ako lalo na at tumawa siya.

"What are you laughing at, huh?"

Tinuro niya ako. "Sobrang pula po ng pisngi niyo."

I rolled my eyes. "I put extra blush on."

Mas tumawa lamang siya. "Ayos na po tayo, Madame. Pasensya ka na rin. Alam ko na masyadong personal sa 'yo 'yun. Medyo lumampas din ako sa linya."

"Sorry, too," I shyly mumbled.

Lumiwanag ang ngiti ni Greg pero wala na itong halong panunukso. "Namiss ko po ang kasungitan ninyo."

"What are you talking about? Magkasama naman tayo palagi, duh."

Mahina siyang natawa. "Nasa labas lang po ako kung gusto niyo ng kausap."

"Whatever."

Humagikhik pa siya at lumabas na. Nang isinara niya na ang pinto, napangiti ako at umupo sa swivel chair. Kinuha ko ang kape na dala niya at ininom ito.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
27K 900 52
After an unexpected event, Amara Cassiel Alcantara decided to take the path of medicine and hopes to become a cardiothoracic surgeon. In a world of u...
Loving Heart By MC

Teen Fiction

15.1K 357 63
[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero h...
442K 6.2K 24
Dice and Madisson