(Un) Married Again? || On-Goi...

By ezidilaw

310 57 66

More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 2

36 11 15
By ezidilaw

Chapter 2 - Strangers.

#Operation_Hanap.
#Shunga_Na_Maganda.
#Poging_Extranghero.

*****

:Gem's POV:

"Mag-iingat ka doon, Gem."

Nilingon ko si Mang Henry na kasalukuyang pinaparada ang tricycle sa gilid ng terminal. Ngumiti ako ng malawak at bumaba sa tricycle.

"Opo naman, Mang Henry! Hehehe." masayang sagot ko habang kinukuha ang nag-iisang bagahe na dala ko.

Grabe! Hindi ko akalain na pupunta ako sa Maynila! Hindi niyo kasi naitatanong eh hindi pa ako nakapunta ng Maynila kaya excited na excited ako ngayon lalo na’t alam ko na makikita ko roon si Al-al.

Kung naroon man siya.

"Mang Henry, tandaan niyo po ang mga bilin ko, ah? Huwag niyo pong hayaan na lechonin ni Auntie Mez ‘yung mga baboy ko at saka alagaan niyo po ng mabuti ‘yung manok niyo kasi nalulugi ako, eh." saad ko habang nakanguso.

Luging-lugi ako dahil ang liliit ng mga itlog nung manok niya. Hindi tuloy ako makuntento kapag piniprito ko na ito.

"Bakit ka naman malulugi?" takang tanong ni Mang Henry.

Napatakip ako ng bibig. Hala! Ayan ka na naman, Gem! Shunga ka talaga, syempre hindi alam ni Mang Henry na ikaw ‘yung nagnanakaw ng mga itlog niya.

"Ah, hehehe. Wala po, Mang Henry. Sige po ba-bye! Ingat po kayo lalo na’t may bata kayong dinadala." tugon ko habang tinuturo ang malaking tyan ni Mang Henry.

Hula ko lalaki ang magiging anak ni Mang Henry kasi matulis ang ibabang bahagi ng tyan nito. Waaaah! Pero gusto ko kasi babae eh. Hay, kailan kaya manganganak itong si Mang Henry? 15 years niya nang dinadala ang bata pero hindi niya pa ito niluluwal? Edi 15 years old na rin ‘yung bata na nasa sinapupunan niya? Grabe, ni hindi ko nga alam kung paano ‘yun nagkasya.

Natawa naman si Mang Henry, "Ikaw talaga, oh siya aalis na ako. Mag-iingat ka." paalam niya at pinaandar ang tricycle.

Kumaway ako nung makalayo na siya at kitang-kita ko pa kung paano umaalog ‘yung tyan niya.

Hay, kawawang bata.

"Miss? Ano sasakay ka ba?"

Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalaki na mukhang naiirita na ang bumungad sa akin.

"Opo!" masayang sabi ko.

Saka ko lang naalala na kanina pa pala ako hinihintay nung bus. Hehe. Pagkapasok ko ay nagpeace sign ako sa driver dahil hindi maipinta ang mukha nito.

"LARGA NA!"

"Ay shuta!" gulat akong napahawak sa isa sa mga upuan ng bus.

Ang bastos din ng konduktor na ‘yun, ah. Hindi pa nga ako nakakaupo sa upuan ko bigla namang umandar ‘yung bus. May galit ata sa akin ‘yung driver at ‘yung konduktor, eh.

Inirapan ko ‘yung konduktor dahil ang sama ng tingin nito sa akin. Tsk. Buti sana kung pogi siya.

Para akong lasing na naglalakad papunta sa dulo ng bus dahil may nakita akong bakanteng upuan. Balak bang paliparin nung driver itong bus na sinasakyan namin?

Naupo ako sa may pinakagilid, sakto naman dahil katabi ko ‘yung bintana kaya may posibilidad na hindi ako masuka.

Taena namang bus ito, kung baga sa bola ay tudo ito sa pagbounce. Umaalog-alog na rin pati ang medium size na cocomelon ko. Mga walang-awa. Huhuhu.

Habang nililipad ang buong kaluluwa ko dahil sa pagbounce ng bus ay kinuha ko muna ang isang picture frame mula sa bag ko.

Tumitig ako rito pero hindi talaga ako makapag-concentrate sa pagtitig dahil umaalog ang buong katawan ko. Bukod sa medium size na cocomelon ko eh nararamdaman ko rin ang pag-alog ng mga atay, bituka at mga bulate sa tyan ko.

Jusko naman. Kung iisipin eh para na kaming didiretso sa langit nito.

"Ang gwapo naman niya, Ineng. Sino ba ‘yan?"

Nilingon ko ang matandang babae na nasa tabi ko. Napansin ko namang umaalog din ang small size na cocomelon niya.

"Ah, ito po?" turo ko sa picture frame na may litrato ni Al-al. Tumango siya kaya napangiti ako ng bongga. "Siya po ang asaw—, mapapangasawa ko, hehehe."

Hindi pa pala kami kasal kaya hindi ko pa siya puwedeng tawaging asawa. Pero syempre, mangyayari rin ‘yun soon! Hihihi. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nung matandang babae.

"Naku, Ineng. Hindi ako sigurado kung mapapangasawa mo ang gwapong lalaki na iyan." sabi niya kaya natigilan ako.

Ano naman ang pinagsasasabi ni lolang matanda?

"P-Po? Paano niyo po nasab—," hindi ko itinuloy ang aakmang sasabihin nang mapansin ko ang mga alahas na nakakabit sa iba't-ibang parte ng katawan niya. "Wow! Ibebenta niyo po ba ‘yang mga alahas niyo sa pawnshop? Hihi!"

Grabe, ang dami kasi ng mga alahas na suot niya. As in patong-patong lahat kahit sa leeg, braso at tainga niya.

Mahinang natawa si lolang matanda kaya napanguso ako. May nakakatawa ba? Huhu.

"Ano ba ang pangalan ng lalaking iyan?" tanong niya habang nakatingin sa litrato ni Al-al.

"Alfred Domingo po hehe. Nobyo ko po siya at ikakasal na sana kami noong nakaraang buwan p-pero b-bigla siyang n-nawala sa mismong kasal namin. H-Hindi ko alam kung bakit siya nagback-out."

Pinigilan ko ang sarili na huwag maiyak. Ayan ka naman Gem, eh! Bakit mo ba kasi ikinuwento? Ayan tuloy napapahikbi ka. Shunga ka talaga.

"Kaya ba pupunta ka sa Maynila para hanapin siya?"

Hala! Paano niya nalaman? Eh, hindi ko naman binanggit sa kaniya na hahanapin ko si Al-al. Tumungo na lang ako at tumango. Baka sabihin ni lolang matanda na ang OA ko dahil tumutulo na ang mga luha sa mata ko.

"Bakit niya naman ginawa iyon?"

"H-Hindi ko po alam."

"Mahal na mahal mo siguro siya."

"M-Mahal na mahal po."

"Ano nga pala ang pangalan mo, Ineng?"

Ang dami naman ng tanong ni lolang matanda. Hindi naman ako na-inform na may mga interviewer na palang sumasakay sa bus.

"Gem po. Gem Virginia ang pangalan ko, hehe." sa ngayon ay pinunasan ko na ang mga patak ng luha na nahulog sa pisngi ko.

"Huwag ka nang umiyak, Gem iha. Pagdating na pagdating mo sa Maynila ay sigurado akong mahahanap mo doon ang lalaking para sayo."

Napatitig ako kay lolang matanda, nakangiti siya sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiti. "Makikita ko po agad si Al-al?!" masayang tanong ko.

Saglit siyang natigilan at muling ngumiti. "Siguro,"

Waaaah! Ibig sabihin ay madali ko lang mahahanap si Al-al? Kyaaaah! Pero wait, "Paano niyo po nasabi?" takang tanong ko.

Imbis na sumagot ay ngumiti lang si lolang matanda kaya ngumiti na lang din ako at hindi na nagsalita pa.

Ilang minuto ang lumipas ay nakaramdam ako ng antok. Malayo pa naman siguro ang byahe papunta sa Maynila kaya hindi naman siguro masama kung umidlip ako kahit sandali lang.

Humikab muna ako bago ko isinandal ang ulo ko sa gilid ng bintana ng bus. Niyakap ko ang picture frame ni Al-al at saka marahang pumikit.

Hay, paano kaya kita hahanapin Al-al?

Ilang oras ang lumipas nang maramdaman ko na may tumutulong laway sa bibig ko. Naalimpungatan ako at napasinghap. Nilunok ko na rin ang laway na nagbabadyang tumulo sa bibig ko at pupungay-pungay ang mga mata na tumingin sa labas ng bintana.

Siguro ito na ang Maynila dahil marami na akong nakikitang matataas at malalaking building. Kahit saan din ako tumingin ay may nakikita akong iba't-ibang klase ng sasakyan.

Whoah! Grabe! Ibig sabihin nasa Maynila na ako?! Kyaaaaaah!

"Tignan mo ‘yun, oh."

"Sino kaya siya?"

"Grabe ang gwapo niya."

"Sino kaya ang tinitignan niya?"

Nilingon ko ang mga babae na nakaupo sa unahan ko habang umaandar ang bus. Sa iisang direksyon lang sila nakatingin kaya tinignan ko kung ano ang tinitignan nila.

Bumalatay ang pagtataka sa sistema ko nang mapatingin ako sa isang lalaki na ngingiti-ngiting nakatingin sa direksyon ko. Ang mas malala pa dun eh nagmamaneho siya sa isang kotse na walang bubong, ‘yung parang sa kdrama lang?

Pero shuta! Ang pogi ng nilalang na ito, kaya pala ganun na lamang kung makatili ‘yung mga babae na nasa unahan ko, eh.

"Kyaaaah! Sigurado ako na ako ang tinitignan niya!"

"Anong ikaw? Ako kaya! Tignan mo, oh. Sa akin siya nakatingin!"

"Tsk! Tumigil nga kayo! Para malaman niyo, ako ‘yung nginingitian niya!"

"Ano?! Ako kaya!"

Napailing na lang ako at muling nilingon ‘yung lalaki na nakikipagsabayan sa sinasakyan naming bus. Ano naman ang trip nito? Balak niya bang makipagkarera sa bus? Naaawa tuloy ako dahil mukha siyang shunga sa kakangiti at talagang nakatingin siya sa direksyon ko.

Teka, sa akin ba siya nakatingin?

Mukhang hindi naman, baka namamalikmata lang ako. Hay. Hindi ko na sana ito papansin pero agad din akong natigilan.

K-Kinindatan niya ba ako?!

Ay aba ang hinayupak sa akin pala nakatingin. Narinig ko naman ang pagtili nung mga babae kaya muli akong napalingon dun sa lalaki. Ngayon siguradong-sigurado na ako na sa akin talaga siya nakatingin.

Baliw ba siya? Bakit niya ako kinikindatan eh hindi ko naman siya kilala? O baka naman may eye disorder siya? Halaaa! Kawawa naman siya kung ganun, pogi sana pero mukhang may problema sa mata. Tss. Tss.

Hindi niya ba alam na nagmumukha siyang shunga nang dahil sa ginagawa niya? Nakangiti mag-isa, eh.

Nagulat na lang ako nung mabilis niyang pinaandar ang kotse at nilagpasan ang bus na sinasakyan namin. Napansin ko pa kung paano tumaas ‘yung bubong ng kotse niya. Ay wow! high tech ang peg. Sa kdrama ko lang nakikita ang mga ganung eksena, eh.

Ilang sandali ang lumipas nang mapansin ko na huminto sa isang terminal ang bus na sinasakyan namin.

"Nandito na tayo sa Maynila!" sigaw nung konduktor.

Waaaaah! Sa wakas!

Tatayo na sana ako para bumaba pero agad din akong napaupo sa puwesto ko. Jusko naman, kung makatulak naman ang mga taong ito eh wagas na wagas. Napahawak pa ako sa medium size na cocomelon ko dahil may walang-awa na sumiko rito. Bwesit naman, oh!

"T-Teka! Dahan-dahan lang! Aish!" inis na sigaw ko dahil pati si lolang matanda ay natutulak na nila. Walang pag-alinlangan kong ginawang shield ang katawan ko para hindi maipit si lolang matanda.

Jusko, naging si captain america tuloy ako nang wala sa oras. Pero mukhang ako ‘yung shield at si lolang matanda si captain america.

"Salamat, Ineng." sabi ni lolang matanda kaya ngumiti ako ng bongga. Sabay na rin kaming bumaba nung nagsibabaan na ‘yung mga tao.

Nang makababa ako ng bus ay agad kong inilibot ang paningin sa paligid. Grabe! Hindi ako makapaniwala na nandito na ako sa Maynila! Waaaaah!

Wait, i-text ko nga si Auntie hihihi. Kinuha ko ang keypad mula sa bag at tinext si Auntie.

(Message From; Gem Virginia.
Message To; Auntie Mez.

'Auntie! Narito na po ako sa Maynila! Mainggit ka fleeez. ^__^!'

Message Sent√)

Hihihi. Pagkatapos kong i-text si Auntie ay ibinalik ko agad ang keypad sa bag ko at inilibot ulit ang tingin sa paligid.

Ang ganda talaga ng Maynila!

Lilingunin ko na sana si lolang matanda pero hindi ko na ito nakita. Saan naman nagpunta ‘yun? Hay, hindi ko man lang naitanong kung ano ang pangalan niya.

Balak ko pa naman sana siyang ipakilala kay Mang Berting.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

41.1K 581 20
My name is jaune DOWNFALL after getting my transcripts were exposed my life went downhill I was kicked out of beacon academy and disowned by my famil...
20.2K 244 10
منحرفه
5K 257 20
Ridhika who don't believe in love anymore and Darshan who loved only her from their childhood. What happens when destiny puts them together?