(Un) Married Again? || On-Goi...

By ezidilaw

310 57 66

More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 1

54 12 11
By ezidilaw

⚠WARNING: BAWAL TUMAWA, NAKAKASHUNGA⚠

*****

Chapter 1 - Gem Virginia.

#Promdi_Girl_Goes_To_City.
#Umiiyak_Na_Dyosa.
#Future_Husband_Ni_Virginia.

*****

:Gem's POV:

Siguro ito na ang huling pagkakataon na makikita ko silang nakangiti at masayang nag-aagawan ng pagkain habang nagkalat ang bumubulang laway sa kanilang mga bibig.

Sa panahong lumipas, hindi ko makakalimutan ang mga pinagsamahan namin, hindi ko makakalimutan kung paano nila ako binubulabog sa tuwing umaga kapag sila ay nagugutom. Hindi ko makakalimutan ang pagtadyak nila sa akin sa tuwing lumalapit ako sa kanila. At lalong hinding-hindi ko makakalimutan kung paano nila pinagtulungan ang mala-dyosa kong katawan na masubsob sa putikan.

Nakakalungkot isipin na iiwan ko sila, masakit man sa akin ngunit kailangan ko itong gawin. Tutal, panandalian ko lamang silang iiwan.

"GEEEEEEEEEEEEM!"

"Ay anak ng baboy!" hindi ko alam kung lumipad ba papunta sa Mars ‘yung puso ko dahil sa gulat o talagang hindi na nito kinaya pa ang sigaw ni Auntie kaya dumiretso na ito sa Neptune.

"HALOS DALAWANG ORAS KA NA RIYAN HINDI KA PA RIN UMAALIS?! HOY, GLEANA ELEONALA MONICA VIRGINIA! NALOLOKA NA SI MANG HENRY SA KAHIHINTAY SAYO! ANO? IIYAK-IYAK KA NA LANG BA RIYAN?! DIYOS KO NAMAN, GEM! NANGUTANG PA AKO KAY ALING CARMEN NG PERA PARA LANG MAKAPUNTA KA SA MAYNILA! TAPOS MADADATNAN KITA DITO NA INIIYAKAN ANG MGA BABOY NA ‘YAN?!"

Wow! Capslock na capslock, ah. Grabe naman makabulyaw si Auntie, tagos hanggang lungs.

"Auntie, nagmomo-moment ako dito tapos susulpot ka. Huhuhu." umiiyak na sabi ko, pinahid ko na rin ang muhog na tumutulo sa ilong ko.

Kadiri. Pero kere lang, maganda pa rin hihihi.

"MOMENT MO MUKHA MO! TUMAYO KA RIYAN! KAHIT HUMAGULGOL KA PA NG IYAK, HINDING-HINDI SASAGOT IYANG MGA BABOY NA ‘YAN!!"

Araw-araw na lang kumakain si Auntie ng megaphone, hindi ko alam kung paano niya nilulunok ‘yun. Hay.

"T-Teka lang, Auntie. Magpapaalam lang ako sa kanila." humihikbi na sabi ko. Pinandilatan naman ako ng mata ni Auntie kaya dali-dali akong tumayo at pinagpag ang damit ko. "A-Auntie, 5 minutes na lang hehehe." napakamot ako sa ulo hindi dahil sa may kuto ako kung‘di dahil sa nakita kong galit na pumasok si Auntie sa bahay.

Sungit talaga, hay.

"Oh, kayo naman!" turo ko sa limang baboy na nakakulong sa loob ng kulungan. "Huwag kayong magpapasaway kay Auntie, ah? High blood pa naman ‘yun lagi kaya huwag niyo siyang tatadyakan, ah? Lalo na ikaw Baboy 1!" turo ko sa isang malaking baboy na ang pangalan ay Baboy 1. Hindi ko alam kung buntis ba ito dahil sa laki ng tiyan nito o talagang hindi niya lang ma-tae ‘yung Grower na pinapakain ko sa kaniya.

"Ikaw Baboy 2!" turo ko sa pinakapayat na alaga kong baboy. "Tsk! Ang lakas mo pa naman lumamon pero hindi ka tumataba?! Tae ka kasi ng tae! Hindi ka gumaya kay Baboy 1 na ang laki ng tiyan, hay."

"Oink! Oink! Oink!"

Hindi ko lubos maisip kung saan nilalagay ng baboy na ito ang kinakain niya. Malulugi lang ang taong lelechon sa kaniya.

Pero waaaah! Hinding-hindi ako papayag na lechonin nila ang mga baboy ko huhuhu. Kahit tinatadyakan nila ang mala-dyosa kong katawan lalo na ‘yung medium size na cocomelon ko eh hindi pa rin ako papayag na pagpiyestahan sila. Lalo na kung wala ako dito.

Edi hindi ako nakatikim nun.

"GLEANA ELEONALA MONICA VIRGINIA!! ANO NA?! BUHAY KA PA BA RIYAN?! KANINA PA NAGHIHINTAY SI MANG HENRY SAYO!!"

Jusko naman itong si Auntie. Abot na hanggang Japan ‘yung bulyaw niya. Hindi ba siya nahihiya sa mga hapon? Buti sana kung maganda ang boses niya.

"Oh siya, Baboy 1, Baboy 2, Baboy 3, Baboy 4 at Baboy 5! Tandaan niyo ang mga bilin ko, ah? Dalawang oras tayong nag-orientation kaya sana naman ay naintindihan niyo ako. Mami-miss ko kayo! Huhuhu! Huwag kayong magpapagutom, ah! Text na lang kayo kapag hindi kayo pinakain ni Auntie, ah? O hindi kaya call a friend kung nile-lechon na kayo, okay?"

"Oink! Oink! Oink!" lalapit na sana ako para yakapin sila pero huwag na lang. Nakita ko kasi si Baboy 1 na bumubwelyo, mukhang tatadyakan na naman ako.

"GEEEEEEEM! KAKATAYIN KO TALAGA ANG MGA BABOY NA IYAN KAPAG HINDI KA PA UMALIS RIYAN!"

"Ito na po!"

Medyo nataranta ako nung sinabi ni Auntie na kakatayin niya ang mga baboy ko. Tss, si Auntie talaga walang common sense. Hindi ba niya naisip na luging-lugi siya kapag kinatay niya si Baboy 2? Eh, kung si Baboy 1 ang kakatayin niya edi nabusog pa siya.

Pero halaaa! Ano ba itong iniisip ko? Haish! Erase erase erase! Walang sino man ang puwedeng kumatay sa mga baboy ko!

"Auntie! Alagaan niyo po ‘yung mga baboy ko, ah? Huhuhu! Huwag niyo po silang katayin, okay? Sige ka, kapag kinatay mo sila kakatayin ko rin si Marimar at gagawing adobo." pagbabanta ko kay Auntie habang humihikbi.

Ang ganda pa naman ni Marimar lalo na ‘yung green na mga mata nito. Mukhang masarap.

"A-ANO?! TALAGANG PINAGDISKITAHAN MO PA ‘YUNG PUSA KO, AH?! OH SIYA! UMALIS KA NA AT GAWIN MO NA IYANG MGA WALANG KUWENTANG PINAPLANO MO SA BUHAY MO! TIGNAN LANG NATIN KUNG MAIUWI MO DITO IYONG WALANG‘YANG ALFRED NA ‘YUN!"

Halos maiyak ako ng bongga dahil sa narinig. Anong sinasabi nitong si Auntie? Hindi naman walang hiya si Alfred, ah. Huhuhu. Mahiyain kaya ‘yun.

"A-Auntie naman, huwag niyo namang sabihin na walang hiya si Alfred. Eh, mahiyaan po ‘yun kung hindi niyo lang alam." sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.

Sheyt! Naalala ko tuloy kung paano pinupunasan ni Alfred ang mga luha ko. Huhuhu.

"Ewan ko sayo! Pagkatapos ng ginawa sayo nung gagong ‘yun ipagtatanggol mo pa siya?! Shunga ka talaga!"

Maka-shunga naman itong si Auntie tagos hanggang bones.

"M-Malay mo m-may dahilan siya kung bakit niya ginawa ‘yun. Huhuhu. Lahat naman ng tao may dahilan, eh. At saka, g-gusto kong marinig ang paliwanag niya."

Halos mag-iisang buwan na at hindi ko pa rin alam kung bakit ginawa ni Alfred ang bagay na ‘yun. Mag-iisang buwan na rin mula nung huli kong nasilayan ang gwapo niyang pagmumukha na kahit si Baboy 1 ay mapapa-oh-wow!

"Tanga ka talaga! Ewan ko ba sayo, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung hahayaan naman kitang magmukmok dito eh baka hindi kana sikatan pa ng araw!"

"Yieeee! Si Auntie concern. Huwag kayong mag-alala dahil ibabalik ko dito ang gwapong nilalang sa paningin ko na si ALFRED DOMINGO a.k.a MY AL-AL. hihihihi." puno ng saya at pag-asa na sabi ko.

"Tsk. Kahit huwag na! Oh siya, umalis kana! Mag-iingat ka doon sa Maynila, tatanga-tanga ka pa naman. Huwag mong pairalin ‘yang pagka-shunga mo, naiintindihan mo ba ako Gleana Eleonala Monica Virginia?" taas kilay na tanong ni Auntie.

Infairness kay Auntie, gumagaya na kay Madam Kilay, ah. Kulay brown kasi ‘yung drawing niyang kilay. At ‘yung shape eh mala angry birds ang peg. Pak na pak!

"Opo naman Auntie Maria Ernanda Zamora Virginia! Hihihi." sagot ko sabay saludo.

"A-Anak ng—, haish! Umalis ka na nga!"

Ipinagtulakan pa ako ni Auntie Mez papasok sa tricycle ni Mang Henry kaya wala na akong nagawa.

Balak ba ni Auntie na gasgasan ang makinis at malambot kong pagmumukha gamit ang tricycle ni Mang Henry? Kung makatulak parang ipapadala ako sa outer-space. Buti sana kung magaganda ‘yung mga alien doon.

"Bye, Auntie! Huwag na kayong maha-highblood, ah? At saka si Baboy 2 pakainin niyo po ng maraming Grower para naman po hindi kayo malugi kung sakaling maisipan niyong katayin siya—," agad akong napatakip ng bibig.

Halaaa! Bakit ko sinabi ‘yun? Baka nga maisipan ni Auntie na katayin si Baboy 2! Huhuhu. Ang shunga mo talaga Gem!

"Mukhang binigyan mo ako ng magandang ideya, ah. Sige na Mang Henry, lumarga kana." nakangising sabi ni Auntie Mez. Naramdaman ko ang pag-andar ng tricycle.

"Waaaaah! Teka lang, Auntie! Joke lang po ‘yun! T-Teka, Mang Henry!!!" naiiyak na sigaw ko habang umaandar ang tricycle na sinasakyan ko.

Huhuhu. Ang sama ni Auntie Mez. Sana naman ay hindi niya katayin ang mga baboy ko! Kapag ginawa niya ‘yun aadobohin ko talaga si Marimar, buntis pa naman ang pusang ‘yun.

"Tahan na Gem, hindi naman kakatayin ng Auntie mo ‘yung mga baboy, eh." napalingon ako kay Mang Henry na nagmamaneho.

"Sigurado kayo Mang Henry, ah? Huwag niyo pong hayaan na katayin ni Auntie ang mga baboy ko lalo na po si Baboy 1, huhuhu. Kung puwede lang sana, ibitin niyo patiwarik si Auntie kung sakaling gawin niya ‘yun. Huhuhu."

Narinig ko ang pagtawa ni Mang Henry. Halaaa! Bakit natatawa si Mang Henry?

T-Teka! B-Balak din ba niyang katayin si Baboy 1?! Waaaaah! Hindi puwede ‘yun!

"Waaah! Mang Henry huwag niyo pong kakatayin si Baboy 1! Huhuhu! Promise hindi ko na po nanakawin ‘yung itlog ng manok niy—,"

Ay hala shunga ka, Gem! Bakit ang dami mong sinasabi! Aish! Edi nalaman na ni Mang Henry na ako ‘yung nagnanakaw ng mga itlog niya!

"GEEEEM! PASALUBONG, AH!"

"KAYA MO ‘YAN GEM! FIGHTING!"

"GEM! IUWI MO DITO SI AL-AL MO! KAYA MO IYAN!"

"GEM! SABIHIN MO KAY AL-AL MO NA PAGSISISIHAN NIYA ANG GINAWA NIYA SAYO!"

"GEM! CHOCOLATE, AH!"

Nilingon ko ang mga kapit-bahay ko na mala Celine Dion kung sumigaw. Umaandar pa rin ang tricycle ni Mang Henry kaya sumilip na lang ako at kinawayan sila.

"SABIHIN NIYO KAY AUNTIE NA HUWAG LECHONIN ANG MGA BABOY KO, AH!!" ‘yan na lamang ang naisigaw ko habang papalayo na kami sa baryo.

Huhuhu. Mami-miss ko ang mga kapit-bahay ko, lalo na si Mang Berting. Manghuhula kasi si Mang Berting at hinulaan niya ako, ang sabi niya ay makakasal daw ako sa isang lalaking mayaman at ubod ng gwapo.

Bukod sa ubod ng gwapo si Alfred eh hindi naman ito mayaman, nangungutang pa nga si Nanay Reni ng pera kay Auntie Mez para sa pambili nila ng ulam. Si Nanay Reni ay ‘yung nanay ni Al-al.

Sikat si Mang Berting sa baryo namin dahil magaling siyang manghula. Nahulaan niya nga na buntis si Marimar at apat daw ‘yung magiging anak, pero hindi pa ako sure dahil hindi pa naman niluluwal ng pusa ‘yung mga anak niya.

Tapos sasabihin ni Mang Berting na ang taong makakatuluyan ko ay mayaman, idagdag mo pa ang sinabi niya na makikilala ko raw ito sa Maynila. Hay, ewan ko kay Mang Berting, hindi naman ako naniniwala sa hula niya sa akin dahil sa baryo ko lang naman nakilala si Al-al. Siguro sa sobrang tanda ni Mang Berting eh kung ano-ano na ang mga hinuhula.

Naalala ko pa noon ‘yung mga bagay na sinabi niya sa akin nung nagpapahula ako.

My Future Husband:

1. Sobrang yaman at maraming ari-arian.

Eh, hindi naman mayaman si Al-al kaya hindi talaga ako naniniwala kay Mang Berting. Hays, matanda na nga si Mang Berting, alam naman ng buong baryo na isang kalabaw lang ang pagmamay-ari ni Al-al at saka ‘yung bangka na ipinamana sa kaniya ng tatay niya.

2. Ubod ng kapogian.

Well, tumama naman si Mang Berting sa pangalawang hula niya, hihihi. Kahit saang anggulo kasi tignan ay gwapo talaga si Al-al lalo na ‘yung nunal nito sa may kaliwang dibdib. Halos lahat ng dalaga sa baryo ay may gusto sa kaniya pero sorry na lang sa kanila dahil ako ang pinili niya. Kyaaaah!

3. Masungit.

Tignan mo itong si Mang Berting, dito talaga ako mas hindi naniwala, eh. Ang bait-bait kaya ni Al-al at saka maalaga pa. Kaya nga ako nahulog sa kaniya, eh.

4. Lihim na may pagtingin sa akin.

Medyo kinilig ako sa part na ito kasi akalain mo na may lihim pa lang pagtingin sa akin si Al-al noon nung hindi pa kami? Waaaah! Ang ganda ko talaga, hihihi.

Pero bigla kong naalala ang pinaka-huling hula sa akin ni Mang Berting at hanggang ngayon ay hindi pa rin ‘yun mawala-wala sa isip ko.

5. Sawi sa unang pag-ibig.

Hay naku. Eh ako naman ‘yung first love ni Al-al, eh. Ano namang sawi sa unang pag-ibig ang sinasabi nitong si Mang Berting? Ang pagkakaalam ko ay ako ‘yung sawi at hindi si Al-al.

Tsk. Tsk. Tsk. Shunga talaga si Mang Berting.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

236K 6.7K 45
serendipity /หŒsษ›r(ษ™)nหˆdษชpษชti/ noun the occurrence and development of events by chance in a happy or beneficial way. "a fortunate stroke of serendipit...
388K 8.4K 57
โLแดœแด„แด‹ ษชs แดกสœแด‡ษด สแดแดœ สŸแดแด แด‡ sแดแดแด‡แดษดแด‡ แด€ษดแด… แด›สœแด‡ส สŸแดแด แด‡ สแดแดœ ส™แด€แด„แด‹ แด›สœแด‡ sแด€แดแด‡.โž A แด„แดสŸสŸแด‡แด„แด›ษชแดษด แดา“ Tแดแด‹สแด Rแด‡แด แด‡ษดษขแด‡ส€s แดษดแด‡ sสœแดแด›s แดแด€แด…แด‡ ส™ส สแดแดœส€s แด›ส€แดœสŸส. โš  Mแด€ส แดส€ แดแด€ส ษดแดแด› แด„แดษด...