The Eclipse ( Completed )

By francinee04

2.9K 645 466

Eclipse- Eclipse nga ba ang dahilan sa pagkawala at pagkamatay ng anak nila? Matatanggap kaya agad nila ang s... More

Announcement
Chapter 01:
Chapter 02:
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 010
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
epilouge

Chapter 12

64 24 6
By francinee04

12









Victoria's P.O.V

Umagang umaga, papauwiin na agad kami. Eh hindi pa nga naglelecture ito na agad? Pero dapat nga! Lintik kasi ang halimaw na yon.

Susugod sugod! Pagkatapos naman ng lahat ay umuwi na kami, tulad kanina nagbike kami ni Yael naghabulan pa kami para mabilis makauwi.

Wala eh sya lang talaga ang kaibigan ko, sya lang at walang makakapantay don. Pagkauwi ko naman naghihintay sakin si Nina, ang sama pa nga ng tingin nitong kasamahan ko. Feel daw nya masamang tao ito! Hay nako talaga. Mabait naman akong in approach ni Nina eh.

Bumaba na ako ng bike at inayos ito, habang inaayos ko naman ito eh pinagmamasdan lang ako ni Nina. Ha? Bakit naman? May dumi ba ako, tinignan ko ang sarili palihim tsaka ngumiti dito. Ngumiti naman sya pabalik. Nagpa alam muna ako para magbihis tumango lang ito tapos tsaka kami nag usap ulit.

" Nga pala Nina, nakita kita kanina habang napasok sa school. Hindi kaba pumapasok? " taka kong saad dito. Napakamot naman ito sa batok nya. Ewan!

" Hindi eh tsaka wala naman mag papa aral sakin. Tsaka isa pa hindi ko kaya pag aralin ang sarili ko. " huh? Wala ba syang magulang? Paano naman nya iyon nasabi? Bahagya naman tumaas ang kilay ko. Di naman sa nacucurious pero kasi yung sinabi nya eh.

" Ganon? Mabuti nakakaya mo pa mag isa hehe " basta kona lang nasabi.

" Kaya ko naman, nakakagawa ako ng gawaing bahay tsaka nakakapag- luto naman ako. " ngumiti ito kaya ngumiti na lang din ako. Ayoko naman magmukhang rude! I mean masama hehe.

" Mabuti—ah teka saan ka pala nakatira? Kase sa totoo hindi pa kita nakikita dito eh, oh bagong lipat kaba? " pagtataka ko dito. Umiwas naman sya ng tingin sakin, ano naman meron? May iniiwasan ba sya na tanong? Siguro wag kona lang tanungin hehe. " ah wag mona lang pansinin yung sinabi ko hehe " dagdag ko.

Nakita ko naman na umaliwalas ang mukha nya, kumbaga parang nabuhayan sya. Haa? Ang weird nya.

" Ikaw dapat tanungin ko, sino kaba talaga? Victoria ba talaga ang pangalan mo? " nagtataka naman nitong saad. Tumango naman ako at habang inayos buhok ko, humangin ah! " Oo Victoria talaga pangalan ko, I swear nagsasabi talaga ako ng totoo hehe. " saad ko naman kaya ito sya parang hindi naniniwala. Ha?

Sa totoo konti na lang maniniwala na akong baliw ito. Tapos ako naman mag sisisi! Nako, tama na nga sa imahinasyon. Tumingin naman ako sa daan, at papunta pala ito kina Yael. Bakit? May gusto siguro ito sa kaibigan ko.. Hala! Gumawa kaya ako ng tulaypara magkatuluyan sila?

Naks! Ang galing ko talaga?!

" Victoria?! " umalingasaw naman ang boses ni Yael. Wala pa kami mismo sa tapat nito nasigaw na haha!

" Pwede naman na hindi sumigaw eh! Bakit ba? " saad ko pero hinatak nya ako at may binulong. Ayan nanaman sya! Kung ano-ano nanaman ang sasabihin nya kay Nina. " Ano ba sabi ko? Wag ka lalapit at makikipag kaibigan dyan. Iba feeling ko sa taong yan! " yan. Yan din ang pagkakasabi nya kanina sakin! Ewan koba dyan!

" Yael naman, mabait yung tao tsaka sya nga itong unang lumapit! " mahinahon na saad ko dahil gagalit nanaman si Yael.

" Eh paano kung may balak sya na masama saiyo?! Ha?! Sinasabi ko, papagalitan talaga kita. " saad nya kaya napanguso na lang ako. Bakit ganyan naman sya pagdating sakin? Tapos sa unang kaibigan kopa talaga sya ganyan! Tsk.

Napa kamot na lang ako sa ulo.

" Nga pala IMPAKTA!! Ano ginagawa mo at kasama mo kaibigan ko ah?! " napatingin naman ako kay Yael. Grabe sya sa impakta! Maganda naman din si Nina eh.

" YAEL!! " suway ko dito at hinampas kopa sya sa braso!

" Victoria pinoprotektahan lang kita, paano kung masama talaga iyan at hindi din taga dito. "

" Yael naman, wag mo pagsalitaan sya ng masama. Wala naman sya ginagawa ah! " inis kong saad dito. Tinignan ko naman si Nina at nakatungo ito at hindi nagsasalita. " kasi naman Yael, wag naman sobrang IMPAKTA pwede naman konti. Konting pagka impakta ganon, yung parang mukhang chaka na may pagka chuckie! "

" HAHAHAHAHA!! NARINIG MO IYON? HINDI KA LANG IMPAKTA, MUKHANG CHAKA AT CHUCKIE KA PALA. " tangina? Ang lakas talaga ng saltik nito! Haynalo?!
" Ewan ko sayo, wala akong sinasabi na ganyan! – Nina halika na, wag mona pansinin ang kulugong yan! " binaling kona lang kay Nina ang paningin ko. Sabay umalis! Si Yael kasi, ang lakas nanaman ng tama. Nang titrip nanaman.

Umalis na kami at bumalik sa tapar ng bahay, tumatawa naman si Nina dahil sabi ko nangtitrip lang si Yael. Kaya ito tawa sya ng tawa! Ako tahimik lang na nag lalakad, binasag naman nya ang katahimikan at nagsalita.

" Akala ko talaga seryoso sya at hindi nag bibiro, alam mo crush kona sya! Ang pogi nya pala sa malapitan. " saad naman nito. Yown! Ako na ang tulay para sakanila.

" Pero paano kung may pinupusuan na sya? Matatanggap mo ba yun? Ayoko lang kasi ikaw na umasa at masaktan. " Saad ko tapos binalingan ko sya, nakatingin lang sya sa paanan at nakangit. Pinag nanasaan ata si Yael. Jusko! Kebabaing tao maharot haha!

" Ikaw ang seryoso mo naman! Crush lang yon. Tsaka isa pa gusto ko mag mahal, para alam ko kung ano ang feeling non. " love, iisa lang feeling non. Inlove ka haha! Di paba sya nakakaranas? Sabagay parehas lang kami singel hehe.

" So handa ka masaktan kahit nagmamahal ka? " tumango tango naman ako habang nasalita. Grave! Payag sya masaktan, madurog ang puso kapalit ng pagmamahal nya! Ang tibay ah?

***

Queen Olivia's POV ( Reyna )

Matapos ang ilang araw na pananalagi ng anak ni Beatrice ay nandito sya ulit. Binibisita nya ako, kaya feel ko tuloy parang anak kona sya! She's been always with me at binabantayan din nya ako, parang anak kong si Valentine lang. Kung nandito kaya anak ko at hindi nawala eh magiging magkaibigan kaya sila? Nandito sya sa tabi ko, nakaupo at pinag mamasdan ako! Napaka ganda nya, para syang anghel na iniluwal ng ina. Kung ako lang ang ina nya!

" Mahal na Reyna kamusta na po kayo? " saad nito sakin. Ngumiti sya at kinamusta ako, sayang wala ang aking mahal! Wala ito dahil sa umalis at may tinungo.

" Nako ito ayos lang, napadaan ka ija? " saad nito, ngumiti sya sakin kaya hinaplos ko sya! Diko alam ang nararamdaman ko. Sa t'wing naririto sya hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto! Huling ramdam ko na ganito ay sa anak ko. Tapos sakanya naman!

" na-alala kopo kayo kaya binisita kopo kayo! " yon ang nakakatuwa! Pinalaki sya ng ina na mabuting tao. Kung prinsesa lang sya, kung ako ang ina nya, kung anak ko lang sya. Pero hindi eh, hanggang what if lang ako.

" Sandali dyan ka lang ah? Ikukuha kita ng makakain. " saad ko at ngumiti. Para naman syang manika ng nginitian nya ako pabalik.

" Sige ho! Maraming salamat po hehe. " tapos ngumiti naman sya. Ngumiti ako dito at dumeretso na sa pakainan. May mga tao dito at naglilinis, nagpautos na lang ako upang dalhin ang pagkain saamin.

Pagpunta ko naman sa kinaroroonan ng bata eh diko alam ang matutuklasan ko, nawala sya bigla! Nasaan naman kaya iyon? Minabuti kong hanapin kona lang sya! At saktong nakita ko sya, ngunit napansin ko naman na nagiba sya ng anyo. Paano nya nagagawa ang bagay naiyon! Yun namanang kinabahala ko.

" Mahal, bakit nandito ka? Hinihintay mo ba ang pagdating ko? " ngumiti na lang muna ako sa asawa ko.

" Nakita ko si Victoria Mahal, nandito sya eh! – nasaan na sya? Mahal nandito lamang sya eh! " saad ko. Nabigla naman ako na wala na dun si Victoria.

" Mahal wala naman sya dito eh! " saad naman ng asawa ko. Dahil dito nakakaramdam ulit ako ng panlulumo.

" Pero mahal " saad ko.

" Mahal makinig ka, baka namamalikmata ka lang! " napa buntong hininga na lang ako. Paano nangyaring nawala agad sya? Oo nga pala at may kakaiba syang lakas at kapangyarihan. Pero paano?

" Mahal nandito sya, binisita nya ako kaya nga nandito ako dahil hinahanap ko sya. Nawala kasi sya sa paningin ko. " pag papaliwanag ko naman dito. Sana maniwala na ang Hari ko.

" Yun ba sige hanapin natin. " saad naman ng asawa ko. Hinalikan naman nya ako sa noo kung kaya't nangiti ako. Nagiging malambing nanaman sakin ang asawa ko!

" Pero mahal dito ko sya nakita. Hindi ako namamalikmata! " saad ko kaya napabuntong hininga naman ang asawa ko. Napayuko na lang ako at naramdaman kong hinagkan nya ako.

Nasa ganong posisyon kami ng marinig namin boses ni Victoria. Sinisigaw nito paulit ulit ang pangalan nya! Huh? Dahil sa kuryosidad ay parehas namin itong tinignan ng palihim

" Bakit? Anong nangyayari? Bakit hindi ako bumabalik sa dati. Tsk! Bakit nagkaganito?! – Victoria!! Tsk. Bakit hindi gumagana?! Lintik – Villanelle!! Ano ba bakit hindi gumagana?! " anong nangyayari sa batang ito?

Bakit naka pang babaeng mandirigma ito? Nagiging madami na ang palaisipan ko. Magpahanggang ngayon ay nakasilip pa rin kami dito. Nakita naman namin na may hinawakan sya, mukhang sa ibaba ng bewang nya iyon.

" baka naman gumana pag hinawakan ko ito—huh Valentine? May paso pero may pangalan?! Bahala na nga. – VALENTINE!! " bigla sya nagiba ng anyo. Huh? At bakit nadamay din ang pangalan ng anak ko? Anong koneksyon ng anak ko sakanya? " yun lang pala haha, teka nasaan ang necklace ko? Hindi pwede mawala iyon. Ilang araw na lang eclipse na, mapaso pa ako! Nasaan naba iyon ah? " dagdag nito.

Parehas sila ng anak ko nasusunog ang balat dahil sa buwan.

" Magpakita kana, yon! Nandito ka lang pala! Oh bakit nandito ang Mahal na Hari at Reyna? Dibale. Masuot na nga! Baka hinihintay na ako. " sinuot nya ito at natakbo papunta sa kinaroroonan nya kanina.

Pagtapos ay sumunod na kami dito, nagkatinginan na lang kami ng Hari ko dahil sa kuryosidad. Pagdating naman namin ay nginitian namin ito, hindi muna ako nagsalita dahil sa iniisip ko. Oo umaasa pa rin ako, na sana nga nasa tabi tabi ang anak ko. Baka nga nakakausap nanamin sya at nahahagkan din. Ngumiti naman ako!

" Mahal na Reyna? Nakangiti po pala kayo, siguro iniisip nyo po ang prinsesa hehe. "

" Parang ganon na nga iha haha! "

" Ay mahal na Reyna, gantong ganto poba ang disenyo ng necklace ng prinsesa? Bigay kasi sakin ito ni Inay. Pinasuot nya sakin dahil mahalaga daw ito. " tapos nilabas nya yung kwintas nya.

Nabigla kaming mag asawa ng makita namin ito. Hindi sa kamukha, at hindi din sa kahawig. Pero ganon na ganon ang disenyo ng necklace ng anak ko! Napatulala na lang ako dito, humigpit din ang pagkakahawak ng asawa ko sakin.

" Saan yan nakuha ng Naynay mo iha? " kinakabahan na tuloy ako. Jusko!

" Nako po, napaka haba na kwento haha! Ikukwento kopo sainyo. – noong 1997 po nakita daw po ako ni Naynay sa gubat, napansin din nya yung isang lalake na papatayin ako kaya inunahan nya ito. Huli na ng mapansin nya na si Taytay pala iyon. Yung gubat na tinutukoy ko, malapit po iyon dito sa palasyo. Sa takot nga ni Naynay na masaktan ako kinuha nya ako at pinalaki, nang maiuwi daw nya ako tsaka nya nakita kasuotan ko. – ahm ano nga ba iyon? Ah!! Nakapang prinsesa daw ako at dala dala ko ito. Noong limang taon naman ako, first time lang po sumakit balat ko. Nilagnat pa nga po ako, kung hindi nyo po natatandaan. Ako po iyong pinagaling ng mang gagamot dito, na alala kopa po napaginipan kopo si Naynay. Ay hindi parang ikaw nga po iyon mahal na Reyna hehe. Yun po hehe! " mahabang sabi nito

" Totoo ba lahat ng sinasabi mo? " mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Gusto kong umiyak!

" Opo! Tsaka sa totoo Mahal na Reyna,  ang weird nga po ng mga nararamdaman ko. Katulad noong may piniit akong karwahe, lumabas po ang eclipse. Nakakapag taka nga po! " isang daang porsiyento. Sya ang anak ko, sya ang prinsesa namin.

Basta basta kona lang sya inakap. At ninamnam ang mga sandali! Ang anak ko, ang aking prinsesa.

Continue Reading

You'll Also Like

409K 13.2K 97
Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng mga ito at iniiwas sa mga gulo. Ngunit a...
184K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
2M 71.9K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...
49.6K 2.4K 37
(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. Ma...