Together For A Day ✓

By Bubblemiiint

4.4K 397 9

[COMPLETED] Claudette Santos, the loving sister, since her brother stepped into college she decided to stop s... More

Together For A Day
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 5

101 11 0
By Bubblemiiint

"You're 10 minutes late Miss Santos!"

Nagulat ako sa narinig ko sigaw at lahat ng mga kasamahan ko ay napatingin sa akin kaya napalunok ako.

Napalunok ako kung sino ang nasa harapan ko ngayon at kita ko sa mga mata niya ang galit niya sa akin. Nagtataka ako kung bakit siya nandito gayong di naman siya may ari ng coffee shop?

It's Garrett.

"Uhm ,"I cleared my throat ,"Natraffic lang ak---"

"But still ,late ka pa rin Claudette!"napalakas ang sigaw niya kaya yung mga kasamahan ko ay napayuko.

Ano bang problema niya?

"10 minutes lang naman akong lat--"

"Is that so?"He raised his eyebrow ,"Nagdadahilan ka pa talaga? You're still late!"lalong tumaas ang boses niya kaya medyo natakot ako sa kanya.

I sighed hardly.

Naglakad papunta sa likod habang talim niya akong tinignan na parang may ginawa akong kasalanan.

"I just want to tell you all na ayoko sa lahat ang mga taong nalalate sa trabaho!"sa pananalita niya ay seryoso siya kaya napalingon ako sa kanya. Ano ibig sabihin niya? "Because from now on ,ako muna ang pansamantala magiging amo niyo dito!"

Halos nanlaglag ang mga panga ko sa sinabi niya at halos lahat ng mga kasamahan ko dito ay halo halong reaksyon. Why? bakit siya pa?

"Kung gusto niyo pa magkaroon ng trabaho dito,"tumingin siya sa akin kaya napalunok ako ,"Wag kayong malalate. dahil simula ngayon ,masanay na kayong maaga pumasok dahil di ako katulad ni Mommy na okay lang sa kaniya na may nalalate. I'm strict person."malamig na sabi niya at di na niya ako tinignan.

Napahawak ako sa puso dahil di ko inexpect na ganito magalit si Garrett.

"Naiintindihan niyo ba mga sinabi ko sa inyo?"Garrett asked then all my colleagues nodded quickly.

"Good then ,get back to your works."Garrett told everyone then nodded quickly.

I was about to walk when he suddenly called my name.

"Except you..Claudette ,"his voice softly ,"Mag usap tayo sa office ni Mommy. Madami tayong pag uusapan."saka siya naglakad palayo sa akin.

I bit my lower lip.

Ano naman kayang pag uusapan namin?

Kaya di ko na pinatagal ay pumunta na ako sa maliit na office ni Ma'am Freya. Pero bago ako pumasok doon ay huminga ako ng malalim ,dahil baka pagsalitaan niya ako ng masama gayong ang talim ng tingin niya sa akin na parang papatayin niya ako.

Pero ,dahan dahan na akong pumasok doon at napapikit ako dahil nakabukas pala yung aircon dito. Sandali akong napalingon sa kanya at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pero seryoso pa rin ang mukha niya.

Kaya mo toh Claudette! si Garrett lang yan di ka pwedeng matakot diyan!

Kaya unti unti akong lumapit sa kanya habang hawak hawak ko ang bag ko dahil nanginginig ako sa takot na di ko alam.

"You're here."sabi ni Garrett habang nginangatngat niya yung ballpen na hawak niya.

"B-bakit mo ako p-pinapatawag?"kabadong tanong ko sa kanya kaya napaupo siya ng maayos.

Ayokong makipag usap sa kanya ng matagal!

"About that ,"nag isip pa siya bago niya ako nilingon pabalik ,"Gusto ko lang sabihin sayo na kung nagagawa mo yan kay Mommy ang pagiging late mo. Pwes ,ibahin mo ako dahil di ako tumatanggap ng mga late!"biglang sumeryoso ang mukha niya.

Napasapo na lang ako ng noo sa mga sinasabi niya. First time ko lang malate ngayon dahil sobrang traffic tapos... napagbintangan na naman ako na palagi akong late? What the fuck?

May lahi ba tong bintangero? ang lakas mangbintang!

"Ngayon lang ako nalate Garret."kalmadong sabi ko sa kaniya at base sa mukha niya na di pa siya naniniwala.

"Really?"sabi na nga ba ayaw pang maniwala.

I sighed hardly ,"Yes. Do you think ,nagsisinungaling ako sa lagay kong ito?"turo ko sa sarili ko pero di niya ako sinagit tinignan niya ako ng masama.

"Tsaka ,teka nga!"iritadong sabi ko ,"Nasaan ba si Ma'am Freya at ikaw ang nandito?"

Nagtataka lang ako. Bakit si Garrett ang pansamantala magiging amo namin dito.

"Gusto mo bang malaman?"tanong niya sa akin habang kinakagat niya labi niya.

"Yes ,Of course! kaya nga tinatanong ko diba?"iritadong sabi ko sa kanya. mas lalo akong nainis sa kanya dahil sa tingin niya sa akin na parang nang aasar pa.

"Well ,"He sighed deeply ,"Ako muna mismo magmamanage ng coffee shop na ito."biglang bumalik ang pagiging seryoso niya ,"One month magbabakasyon sa sa Italy si Mommy. Kaya pinakausapan niya ako na ako muna ang magiging amo niyo for one month."

Malas naman!

Mas maganda si Ma'am Freya na lang naging amo dito kaysa dito sa anak niya!

"Malas."mahinang bulong ko.

"What did you say?"malamig na tanong ni Garrett at nagulat ako sa biglang pagsasalita niya. Shet! narinig niya ba yun?

"Huh? meron ba akong sinasabi?"painosenteng tanong ko sa kanya habang nililibot ko mga mata ko sa mga kisame.

"Nevermind."saka siya bumuntong hininga ,"By the way ,sa oras na malate ka na naman ay babawasan ko ang sweldo mo."pagkasabi niya ay nanlaki ang mata ko.

"What?"I raised my eyebrow.

Ang kapal naman ng mukha nito? anong karapatan niya para bawasan niya sweldo ko sa oras na malate na naman ako?

"Why?"He raised his eyebrow.

"Are you crazy?"di ko na mapigilan mainis sa kanya ,"Wala kang karapatang bawasan ang sweldo ko kahit malate ako sa trabaho."

Ayoko sa lahat yung inuubos ang pasensya dahil nagwawala ako. Honestly ,simula nung nakilala ko itong si Garrett bwisit na bwisit na ako sa kanya!

"I'm your boss."Garrett told me ,"This is my rule. kung ayaw mong mabawasan ang sweldo mo ,edi pumasok ka ng maaga."

"You're asshole!"I said angrily to him ,"Wag na wag mong ubusin ang pasensya ko Garrett. Baka di mo magustuhan ang gagawin ko sayo."banta ko sa kanya at sumeryoso ang mukha niya.

"Why? do you think ,natatakot ako sayo?"He grinned to me.

"Binabalaan kita. Wag na wag mong idadamay ang trabaho ko ,kung magiging late man ako sa susunod wag na wag mong susubukan ibawas ang sweldo ko!" alam ko naman na ako ang puntirya ni Garrett ngayon dahil nararamdaman kong gumaganti siya sa lahat ng ginawa ko. Pero wag na wag niyang idadamay ang trabaho ko dito!

"Ako ang masusunod sa lahat Claudette ,"matalim niya akong tinignan ,"Nagtatrabaho ka lang dito sa coffee shop ni Mommy. It means ,ako magdedecide kung anong sweldo ang ibibigay ko sayo."

Nakatingin lang ako sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang galit sa akin.

"Naisip ko nga pala ,isa ka palang mahirap."pagkasabi niya sa akin halos di ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanya ,"At kailangan mo ng pera diba?"biglang siyang ngumiti ,"Ganyan ba kayong mga mahihirap na katulad mo?masyado kayong nasisilaw sa pera? kaya ba nagtatrabaho kayo?"

Kaya di ko na napigilan na hinampas ko ang kamay ko sa table dahil sa sobrang galit.

Anong karapatan niyang maliitin ako? anong karapatan niya para sabihin na nasisilaw ako sa pera.

"Anong karapatan mo para sabihing nagtatrabaho ako dito dahil nasisilaw ako sa pera? naririnig mo ba mga pinagsasabi mo Garrett?"halos di ko na maintindihan kung bakit minamaliit niya ang pagiging mahirap ko o pagiging mahirap ng ibang tao." nagtatrabaho ako dito dahil para may maipakain ako sa kapatid ko ,may maibayad ako sa t-tuition fee ng kapatid ko! Hindi ibig sabihin na nagtatrabaho ang isang tao ay mukhang pera na Garrett lagi mo yan tatandaan!"

He stared at me.

"Bakit ganon lang kadali sayong tawagin kaming mukhang pera Garrett?"tanong ko sa kanya ,"Bakit ang baba talaga ng tingin mo sa mga mahihirap na tao? ano ba ginawa sayo bakit dinedegrade mo ang pamumuhay ng isang tao kahit nagsisikap naman para makaahon sa buhay di kita maintindihan!lalo mo lang kami binababa. Bakit? dahil ba mayaman ka ,kaya may karapatan kang insultuhin kami dahil sa pamumuhay namin?"halos mangilid ang mga luha ko. Di ko lang tanggap na ganito ugali ng mga mayayaman parang sila lang ang makapangyarihan sa mundo kumbaga ,tinuturing nila kaming mga alipin!

"Palibhasa ,mayaman ka lahat ng gusto mo nakukuha mo kahit di ka magtrabaho ,di ka magsikap may makakain ka at mabibili mo lahat ng gusto mo dahil sa mayaman ka."I wiped my tears to my cheeks ,"Samantalang kami mga mahihirap bago pa namin bilhin mga gusto namin ay pinaghihirapan pa namin.",I sighed deeply ,"Kaya wag mong sasabihin sa harap ko na mukha kaming pera kaya kami nagtatrabaho. Wag ka masyadong mapagmataas sa sarili mo Garrett balang araw ,marerealize mo din yang mga mali mong mindset sa buhay mo lalo na't sa mga katulad kong mga mahihirap. Sorry huh! di ko naman ginustong maging mahirap para maliitin mo ako!"sigaw ko.

Nakatingin lang siya sa akin.

"Ako na naaawa kay Ma'am Freya may isa siyang anak na walang ginawa kundi manliit ng kapwa!"dagdag ko sa kanya saka ko siya tinalikuran ,ayoko siyang pagkakausap.

Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Ganon pala mindset niya sa mga nagtatrabaho mga mukhang pera? Nakakapang gigil siya sa mga pinagsasabi niya na parang wala siyang nasasaktang tao!

Tao pa ba siya? Unbelievable!

****

Pagkatapos ng alitan namin ni Garrett ay nagfocused na lang ako sa pagtatrabaho ko dito. pa minsan minsan ay pasimple siyang tumitingin sa akin at di ko alam kung bakit niya ako tinitignan.

"Hi miss ,1 Caramel Machiatto---"nanlaki ang mata ko kung sino ang nasa harap ko at nagsalita.

Si Stranger kiss!

I pointed my finger to him ,"Uhm---"nakita ko din sa mukha niya ang pagkagulat niya at nakaturo ang kanyang hintuturo sa akin na parang nakilala niya ako.

"Di k-ko inexpect na m-magkikita pa pala tayo."masayang sabi niya at napakunot ang noo ko.

Bat pa siya masaya na aksidente pa kaming nagkita?

"Nakikilala mo pa ako?"mariin na tanong ko sa kanya saka siya mabilis na tumango.

"Yes ,makakalimutan ba kita? naaksidenteng tayong nagkahalikan nung last week."halos namula ang mga pisngi ko sa mga sinabi niya.

Bat pa niya pinaalala sa akin? at ngumiti pa siya na nahalikan niya ako?

"I didn't expect na dito ka pala nagtatrabaho?"sabi niya sa akin habang nakatingin siya sa akin ,"Uhm by the way ,ako nga pala si King Bullet Sandoval pero ,Bullet na lang ang itawag mo sa akin since ,mas sanay ako dun."pakilala niya sa sarili niya.

King Bullet?

"Ikaw ,what's your name?"nakangiti pa din siya sa akin habang tinatanong niya pangalan ko.

"Uhm ,Claudette."sabi ko sa kanya.

"Hmm ,nice name."

Masasabi kong masyadong gwapo itong si Bullet kung naaksidenteng nahalikan niya ako di ko masyadong kita ang buong mukha niya dahil sa sobrang dilim na lugar na yun. Pero ngayon ,nakikita ko na ang buong mukha niya sobrang gwapo...

"Ahm by the way ,about sa nangyari sa atin."napakamot pa siya ng ulo ,"Sorry kung naaksidenteng nahalikan kita. May humahabol kasi sa aking mga kalalakihan kaya ,tumakbo ako."

I bit my lower lip ,"Okay lang Bullet. di mo naman ginustong mangyari yun eh."

Then he nodded.

"Y-yes ,"ngumiti siya sa akin at ginantihan ko din siya ng ngiti.

"What the hell are you doing here Bullet?"I heard from familiar voice then I turned around.

My eyebrow furrowed.

"Hi bro!"bati ni Bullet kay Garrett at inakbayan siya. Kaya mas lalong kumunot ng noo ko.

Magkakilala sila?

Biglang inalis ni Garrett ang pagkakaakbay bi Bullet sa kanya ,"Huwag mo nga akong akbayin asshole! What the hell are you doing here?"

Ngumiti si Bullet ,"Ano ba ginagawa ko dito? edi ,mag oorder ng kape."

Biglang inismiran siya ni Garrett dahil sa sinabi niya.

Magkakilala ba silang dalawa?

"Bullet ,magkakilala kayo nito?"turo ko kay Garrett kaya mas lalong tumaas ang kilay niya sa pag turo ko sa kanya.

Ano na naman problema niya?

Inirapan ko lang siya saka bumaling ng tingin kay Bullet.

"Yes ,magkakilala kami nito."Bullet answered ,"He's my bestfriend since ,college days."

Wow? may kaibigan pala yung impakto na yun? di ako informed.

"Ah ,malas ka naman at naging kaibigan mo pa siya Bullet."kalmadong sabi ko at nakita kong tumalim ang tingin sa akin ni Garrett.

"What?"Bullet confused.

"Malas ka naging kaibigan mo si Gare----"

"Mag usap tayo Bullet may sasabihin ako sayo ,"Garrett said then he looked at me ,"At ikaw ,ihanda mo na yung oorderin ni Bullet. Masyado ka ng madaldal!"inakbayan na niya si Bullet napatingin sandali si Bullet sa akin saka siya sumunod kay Garrett.

Sarap kalbuhin ang isang Garrett Leon Ramirez!

Ibinigay ko na kay Bullet yung order niya mahigit 15 minutes pero di naman siya nagreklamo sa akin. Ngumiti pa nga siya sa akin.

"Claudette ,dito ka muna."sabi ni Bullet at napakunot ang noo ko.

"What?"

"Ang sabi ko dito ka muna."Bullet repeated then I shooked my head.

"Hindi pwede Bullet ,oras ng trabaho ko."sandaling napalingon ako kay Garrett na nakatingin ng seryoso sa akin.

Di ko alam kung ano ang iniisip niya sa akin. But ,sana naman wag niya akong tanggalin porket kinakausap ako ni Bullet ngayon.

"Ganun ba? kunin ko na lang yung numb---",di na natuloy ang sasabihin ni Bullet na biglang nagsalita si Garrett.

"Bullet ,Don't disturb Claudette."napatingin ako kay Garrett ,"Nasa trabaho siya ,di siya pwedeng istorbohin."

Saka bumaling ng tingin si Bullet ,"So what? kukunin ko lang number niya masama ba yun?"

Di nakasagot si Garrett sa tanong ni Bullet.

"See?"tumingin na sa akin si Garrett ,"Pwede ko ba kunin number mo?"tanong niya kaya nagulat ako sa sinabi niya.

"Sa akin?"turo ko sa sarili ko dahil di ko alam kung bakit niya kailangan malaman number ko.

"Yes ,of course."

I bit my lower lip.

"Ah okay ,mapagkakatiwalaan ka naman diba?"tanong ko kay Bullet at mabilis naman siyang tumango. Sandaling napalingon ako kay Garrett na halos isabunot na niya ang maganda niyang buhok.

Problema nito?

Bandang huli ay binigay ko na kay Bullet yung number ko at para siyang bata na binigyan ng lollipop. Ang cute pala matuwa si Bullet.

"You should go back to your work Claudette."Garrett suddenly said then my smile faded.

I smiled softly ,"Okay."nagpaalam na ako kay Bullet bago ako bumalik sa counter.

Masyadong panira yung impaktong Garrett na yun!

Habang nagtatrabaho ako ay nahahalata ko kay Garrett na wala siya sa mood para makipag usap dahil tinatanong siya ng mga kasamahan ko. At lagi nakakunot ang mga noo niya.

I sighed heavily ,ano pa ba aasahan ko sa kanya eh ganun naman talaga siya tumingin!

Nagpaalam na rin sa akin si Bullet na mauuna na siya dahil may kailangan pa siyang pupuntahan. Though ,nagtataka pa nga ako dahil bakit pa siya nagpapaalam sa akin gayong ngayon ko lang siya nakilala at nalaman ang pangalan niya.

Sometimes ,he's weird.

"Ang lalim ata iniisip mo."bigla ako natauhan dahil may nagsalita at umismid ako kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Si Garrett.

I raised my eyebrow ,"Ano naman sayo?"nanatili siyang nakatitig sa akin pero seryoso pa din ang mukha niya ,"Tsaka pwede ba? wag mo nga akong pagkakausapin Garrett! Di tayo close kaya wag mo akong kausapin!"

Naiinis na ako sa mga presensya niya. Akala niya ba okay lang sa akin na kausapin niya ako pagkatapos niya akong maliitin kanina? No way!

"I just want to tell you to stay away from Bullet.",malamig na sabi niya sa akin at tinititigan ko lang siya.

I raised my eyebrow.

"Bakit naman kita susundin?"tanong ko sa kanya at nakita ko lalo ang pagkunot ng noo niya

"What did you say?"ulit niya pa.

I sighed heavily.

"Bakit ko naman susundin ang sasabihin mo?"I raised my eyebrow ,"Sino ka ba para sabihing lumayo kay Bullet?"

"Because I'm your boss."pinagdilatan pa niya ako ng mata.

I almost rolled my eyes.

"So what? wala akong pakialam kung boss kita."I told him then his jaw clenched ,"Boss lang naman kita dito sa coffee shop na to pero di mo pwede pakialam ang personal life ko kung gusto kong lumapit kay Bullet."tipid na sagot ko sa kanya though ,di ako sure akong magkikita pa ulit kami ni Bullet ,pero gusto ko lang sabihin kay Garrett na di niya ako pwedeng diktahan sa mga gagawin ko at sino ang gusto kong lapitan.

"Sinusubukan mo ba ako?"he raised his eyebrow then I just smirked seeing him disgusted with what I was saying to him.

Are you annoyed ,Baby?

Ano ba itong pinag iisip ko?

I sighed heavily ,"Di kita sinusubukan. Nagsasabi lang ako ng katotohanan Garrett."

"Sir Garrett! yan ang pwede mong tawagin sa akin."He exclaimed then I bit my lower lip.

Sir Garrett? di bagay.

"Okay sir Garrett."I replied to him ,"So ayon nga ,kapag trabaho trabaho lang huh? kaya wala ka ng pakialam sa mga personal life ko."biglang nagbago ang timpla ng mukha ko dahil naiinis na naman ako!

"Gusto ko lang sabihin na ayokong naiinvolve ka kay Bullet ,di mo pa siya gaanong kilala."nakita ko sa mga mata niya ang pag alala at di ko maintindihan bakit ganon ang nakikita ko sa kanya?

Pero di ko pinansin ang sinabi niya though ,di naman ako interes na kilalanin si Bullet sino ba naman ako para kausapin pa niya diba?

"Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin pero ayokong ginugulo mo ang personal life ko ,kahit katiting lang ayokong pakialaman mo! Naiintindihan mo ba?"tinaasan ko siya ng kilay at narinig kong napabuntong hininga.

"Okay."saka siya tumalikod at umalis sa harapan ko.

Bandang alas sais ng gabi ay umuwi na ako di na ako nakapag paalam kay Karyle dahil busy na rin siya nagliligpit ng mga gamit niya. Paglabas ko ng coffee shop ay humarang na naman si Garrett sa dinadaanan ko.

Napapikit ako ng mariin. Ano na namang kayang sasabihin niya sa akin?

"Ano kailangan mo?"walang emosyong tanong ko sa kanya at nakita ko na lang na tumitingin siya sa labi ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Uuwi ka na?"tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin.

Tinaasan ko siya ng kilay ,"Obvious ba?"nakita na nga niyang nagpalit na ako ng damit at may dala na nga akong bag tinatanong pa niya!

"I'm just asking Claudette."Garret calmy said then I almost rolled my eyes.

"Wag mo na akong istorbohin please?"iritadong sabi ko sa kanya dahil pagod na pagod na ako ngayong araw ,"Kailangan ko ng umuwi dahil baka nasa bahay na kapatid ko."

I felt he sighed hardly.

"Take care then ,"sabi niya saka niya ako tinalikuran at bigla bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano nangyayari sa akin? bakit biglang tumibok yun? Simpleng salita lang ni Garrett yun bigla akong kinabahan.

Di rin nagtagal ay nakaalis na rin ako sa coffee shop. Pag uwi ko ay bumungad sa akin si Jaycee na nagluluto ngayon nakasuot pa siya na uniporme niya.

"Hi ate!"bati niya sa akin kaya ngumiti ako.

"Hello Jaycee!"sabi ko saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Are you tired ate?"He asked me then I slowly nodded.

Ngayon ko lang naabutan si Jaycee na nagluluto dito. Minsan kasi ako ang nauuna umuwi dito madalas mga 8 na siya nakakauwi dito gayong ,madalas nag oovertime yung klase nila..

"Yes ,sobrang pagod ngayon ang ate mo."I pouted then he chuckled.

Madalas ako maglambing kay Jaycee. Araw araw ko siya minsan tinuturing na parang baby ,kahit ayaw na ayaw niyang matawag sa ganun dahil malaki na daw siya. Maybe ,kaya ko pa ring tinuturing na baby si Jaycee dahil siya na lang yung natitira kong pamilya. Kapag sobrang late na siya umuwi lagi ako kinakabahan baka kasi may nangyayari na sa kanya na di ko alam.

Di madali para sa akin na nagtatrabaho ako para sa kapatid ko. Dahil parehas na patay ang mga magulang namin ,sa aming dalawa ni Jaycee ako ang may karapatan para magtrabaho. Kaya ginagawa ko ang lahat para makapag aral ng maayos si Jaycee.

"Tamang tama ang dating mo ate!"Jaycee said ,"Tapos ko ng lutuin ang Adobong Manok. Gusto kong matikman mo yung ginawa kong Adobo."

Then I nodded ,"Okay."

***

"It's good Jayce."puri ko sa kanya kaya ngumiti siya.

"Salamat ate ,akala ko di mo magugustuhan."napakamot pa siya ng ulo.

I smiled at him ,"Masarap Jaycee."

Habang kumakain ako ay may biglang nagtext kaya tinignan ko yung cellphone ko kung sino nagchat.

From: 09*********

Hi Claudette ,si Bullet ito pwede ba kitang ayain lumabas sa Sabado? tinanong ko kasi kay Garrett kung anong araw yung day off mo at sabado nga. So ,pwede ba kitang ayain ng ganung araw?- Bullet.

Anong desisyon ko kay Bullet?

__________
avery

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 265 10
There are only fifteen days before Ye Joon Ji leaves the Philippines. Alison de Franco, Ye Joon's best friend knows they need to seize all those days...
561K 19.1K 144
Read and find out...
5.4K 171 23
Kung may anak lang si Malas, siguro ako na 'yon. Lahat na yata ng kamalasan sa mundo napunta sa akin. Pero, hindi ako mahina. Hindi ko alam kung paan...
2.2K 50 46
Justice Series #2 Zari did not enter Law School for a joke. Hustisya ang pinaglalaban niya. She's been seeking justice to be heard. She want to stan...