My View Every Night

By 8phrodite

5.5K 3.4K 915

Ang tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na... More

Prologue
MVEN-1
MVEN-2
MVEN-3
MVEN-4
MVEN-5
MVEN-6
MVEN-7
MVEN-8
MVEN-9
MVEN-10
MVEN-11
MVEN-12
MVEN-13
MVEN-14
MVEN-15
MVEN-16
MVEN-17
MVEN-18
MVEN-19
MVEN-20
MVEN-21
MVEN-22
MVEN-23
MVEN-24
MVEN-25
MVEN-26
MVEN-27
MVEN-28
MVEN-29
MVEN-30
MVEN-31
MVEN-32
MVEN-33
MVEN-34
MVEN-35
MVEN-36
MVEN-37
MVEN-39
MVEN-40
MVEN-41
MVEN-42
MVEN-43
MVEN-44
MVEN-45
MVEN-46
MVEN-47
MVEN-48
MVEN-49
MVEN-50
MVEN-51
MVEN-52
Epilogue
Author's Note

MVEN-38

46 17 1
By 8phrodite

"There are rules on dating"

Andito parin ako sa loob ng opisina niya habang boring na nakikinig sa mga pinagsasasabi niya.

"What are these rules?" Mataray na tanong ko.

"We'll date for one whole month"

"Ano?!" Hindi makapaniwalang saad ko.

Isang buwan?! Ang tagal naman! Delikado na ako dito. Pwede magback-out?! Gosh!

"Bakit? Gusto mo gawin nating 1 year?" Pamimilosopo niya.

"Hindi ba pwedeng one day?" Naiinis na tanong ko.

"One month. Pero kung gusto mong gawing one year mas okay sa'kin" nakangiting saad niya.

"Seriously Dr. Garcia? Ano ba talaga ang trip mo?" Supladang saad ko.

"Wala naman. You'll just know my reason as time goes by" saad niya.

"So after one month, pwede na hindi na kita pansinin, diba?" Saad ko.

"After one month okay na. Depende nalang sa atin if gusto pa nating iextend kasi kung ako ang tatanungin mo gusto ko nga lifetime eh" saad niya.

Matalim ko siyang tinitigan ng marinig ang sagot niya. Ganiyan ba siya kapatay na patay sa'kin?

"Haha. Nakakatawa" mataray kong saad.

"Hindi naman ako nagpapatawa. Basta after one month, off na" saad niya.

"Okay. Second rule is, no kiss, no hug and no touch" saad ko.

"No touch. So paano kapag gentleman ako, and I want to offer my hand?" Tanong niya sa'kin.

"Nakakalakad naman ako kahit wala ang help mo" saad ko.

"Okay. Don't worry I know my limitations Belle" malumanay na saad niya.

"Third rule. Dapat walang makakaalam about this thing, understand?" Saad ko.

Ayaw ko na magkaisyu sa kaniya no!

"Sure thing. Walang problema"

Mabuti naman at alam niya ang word na privacy.

"Fourth rule. Susundin mo lahat ng utos ko," bigla ko siyang tinignan ng masama ng marinig ang sinabi niya.

"Ayoko nga" Agad na tanggi ko.

"Don't worry, alam ko ang nasa isip mo. Ang iuutos ko lang naman ay basic kaya wala ng pero, pero" saad niya.

"Humanda ka talaga sa'kin kapag may nangyaring masama." Pagbabanta ko.

Naoangiti siya ng msrinig ang sinabi ko kaya mas tinitigan ko siya ng masama.

"Last rule. Accept gifts" saad niya.

"Ayoko nga" saad ko.

Ayaw ko na may pagift gift na yan.

"Wala kang magagawa. Ako ang masusunod dito." Saad niya.

Tinarayan ko nalang siya at tumahimik nalang.

"Hindi mo kailangang bigyan ako ng regalo, pero ako, I can't stop myself on giving you gifts kaya kailangan mong tanggapin. With in one month kailangan suot mo ang regalo ko, like necklace, kapag binigyan kita, sa loob ng one month kailangan suot mo ang necklace kasi kapag hindi may karagdagang one day ang dating stage natin. Naiintindihan?"

"Okay." Walang pakeng sagot ko.

"Okay that's it. See you this evening
Dr. Reyes. We'll have our first date"

Bigla akong nainis ng makita ko siyang kumindat sa akin. Ewww.

Peke ako ngumiti sa kaniya bago naglakad palabas ng opisina niya.

Ano ba kasi ang gusto niyang mangyari?

Bakit kailangan ganito?

Bakit may padate date pa?

Tuluyan na akong lumabas mula sa opisina niya at naiinis na naglakad papuntang elevator.

Diretso akong pumasok sa opisina ko pero ng makaramdam na gusto kong may kausap ngayon ay dumeritso ako sa opisina ni Lexess.

"Pasok" saad niya ng marinig akong kumatok.

Tuluyan na akong pumasok at nakita kong napataas ang kilay niya ng makita ako.

"What's your agenda, doc?" Tanong niya habang nakasandal sa upuan.

"Ugh! Naiinis na talaga ako!" Saad ko.

"Bakit na naman?" Tanong niya.

"Ugh! Never mind. Ikain nalang natin 'to" saad ko at tumayo.

"Oh sige. Tara, treat ko" saad ni Lexess.

"Oki" maikling sagot ko.

Nauna akong lumabas sa kaniya at sumunod naman siya sa likuran ko.

"What's your plans later?"

Napatingin ako kay Lexess habang nasa loob kami ng elevator. Plans later?

Ano ang isasagot ko!

"I...i have an appointment" pagpapalusot ko.

"With?" Tanong niya.

"With...with someone" saad ko.

Tumango nalang siya sa'kin at tumahimik nalang. Ano ba kasi itong pinasok ko?

Nang bumukas na ang elevator ay nauna ulit akong lumabas sa kaniya papunta sa canteen.

"Ako na ang oorder para sa'tin" saad ni Lexess.

Tumango nalang ako sa kaniya at naghanap na ng mauupuan namin. Nang makahanap na ako ay tahimik akong umupo habang nakatingin lang sa labas.

Ano ang gagawin ko mamaya?

Ayaw ko na makita siya mamayang gabi!

Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Dave na 'see you this evening.'

Ayoko na!

Bakit ba kasi ako umuo?

Ikapapahamak ko 'to eh.

I know that anytime I can fall for him, I just don't know when. But I guess, and I really hope so that inside this one month sana hindi ako mahulog sa kaniya.

"Belle, you alright?" Napaangat ang tingin ako kay Lexess ng bigla siyang dumating dala ang pagkain.

"Gosh. I'm thinking too much!" Saad ko.

"Ano ba talaga ang nangyari? Ano ang sinabi sa'yo ni Dr. Garcia?" Tanong niya.

"Wala. Wala yun" pagdadahilan ko.

"I'm not convinced by your answer, but I'll respect your privacy. Basta sabihin mo sa'kin kung may ginawa man siya sa'yo, okay?" Malumanay na saad ni Lexess, halatang nag-aalala.

"Yeah. No worries" saad ko.

Hindi pwedeng may makaalam tungkol sa agreement namin ni Dave. Hindi maaari.

"Dr. Belle, can you check your phone please"

Napaangat ang tingin ko sa nurse na lumapit sa akin.

"Just check it po, someone messaged you" saad niya bago naglakad paalis.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at chineck ang phone ko. Nakita kong merong nagnotify na nagchat sa'kin si Dave sa IG.

Pdave_Garcia.
Meet me at my office after lunch, I'll just take another operation for today.

Isabelle_Reyes.
?!

Ano pa ba ang magagawa ko. Wala naman na akong sched. for today, kaya wala na akong aabalahin pa. Hintayin niya lang talaga na matapos ang isang buwan na 'to, hindi ko na talaga siya papansinin.

"Does someone messaged you?" Tanong ni Lexess.

"It's just unimportant matter," saad ko.

Hindi na siya nag-abala pang magtanong kaya ng matapos na kaming kumain ay dumeritsi kami sa aming mga opisina.

Nasa labas palang ako ay may nakita na akong mga pasyente na nag-aabang. Ang buong akala ko ay wala na ngayong araw, meron pa pala.

Pinapasok ko na ang nauna at tinanong tungkol sa pakiramdam niya and I gave him some medication. Natapos ang lahat ng konsultasiyon around 6 pm at alam kong pagod na pagod na ako.

Nag-unat muna ako bago lumabas sa opisina ko at dumeritso sa elevator para pumunta sa opisina ni Dave.

Nang makarating ako sa 5th floor ay dumeritso ako sa opisina niya. Nakakatatlong katok na ako pero walang sumasagot kaya pumasok nalang ako. Pagpasok ko ay walang tao.

"Ano ba naman to. Papapuntahin ako tapos wala naman dito" pagrereklamo ko.

Huli ko lang na maalala na may operasyon pala siya ngayon kaya wala siya dito. Risky siguro ang operasyon.

Umupo nalang ako sa sofa at inilibot ang tingin sa loob ng opisina niya. Malinis naman siya, maganda, mabango katulad ng pabango niya at napakakomportable dito.

Gusto ko sanang tignan ang mga nasa mesa niya pero baka bigla siyang pumasok kaya nanatili nalang akong nakaupo doon at hanggang sa hindi ko na namalayan na sa sobrang pagod ay nakatulog na ako.

Nagising ako na nakatagilid na may repleksiyon ng ilaw sa gilid. Dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko at nakita kong nakahiga na ako sa single bed dito sa kwarto...pero teka, di ko kwarto 'to! 

Bumangon ako at isinuot ang heels ko na nasa sahig. Inayos ayos ko pa ang buhok ko dahil medyo nagulo ito. Nakita kong madilim na ang buong paligid at tanging ang ilaw nalang sa gilid ng kama ang umiilaw.       

Akamang lalabas na sana ako ng kwarto ng may biglang lumabas ng banyo.

"Oh. Gising ka na"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Dave. So kwarto nga niya 'to.

"Ahhhhh!" Agad kong tinakpan ang mga mata ko ng paglingon ko ay nakita ko siyang pinapatuyo ang kaniyang buhok gamit ang towel halatang galing lang sa shower...at....at he's not wearing anything on top. Tanging ang tuwalya nalang na nakabalot sa bewang niya ang natatanging saplot ng kaniyang katawan.

"Magbihis ka nga!" Naiinis na saad ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya ng marinig ang sinabi ko. Agad ko siyang tinitigan ng masama bago lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga ako paglabas ng kwarto dahil hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko.

"Nag-iisip ba siya?"

"Alam naman niya na nasa kwarto niya lang ako, bakit siya lumabas ng ganoon?"

"At paano ako nakapasok sa kwarto niya?"

"Di naman uso sleep walking sa'kin?"

"Ano bang nangyari?"

"At bakit doon sa kwarto niya? Pwede naman niya akong gisingin diba? Di ba siya makapagsalita?"

Sunod-sunod na reklamo ko habang nasa labas ng kwarto niya, patuloy na nakatayo.

"Naririnig kita dito!" Sigaw niya mula sa kwarto niya na mas lalong ikinainis ng ulo ko.

Di ba sound proof 'tung opisina niya?!

"Pake ko!" Mataray na saad ko at naglakad papunta sa pinto para umalis.

Akamang bubuksan ko na ang pinto ng bigla din siyang lumabas sa kwarto.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

Agad akong napatingin sa kaniya at sa ngayon ay hindi na siya topless. Nakasuot na siya ng dark green shirt at simpleng jeans. Nakaayos narin ang kaniyang buhok at maaamoy mo na ang pabango niya. He's simple yet attractive. But something caught my attention, meron siyang suot na silver necklace at merong singsing na nakasabit. The ring is very familiar to me, sana hindi yan ang iniwan ko years ago.

"Aalis. Di ba obvious?" Supladang saad ko.

"Dito ka lang," utos niya.

"Aso mo ako?" Supladang saad ko.

"Rule no. 4 susundin mo ang lahat ng utos ko" 

Napapikit nalang ako ng marinig ang sinabi niya. Ano ba kasi itong pinasok ko?

"Please stay"

Malumanay ang pagkasabi niya ng kaniyang huling salita kaya umupo nalang ako sa sofa. Ngayon ko lang namalayan na suot ko pa pala ang white coat ko.

"Let's just grab some coffee for our first date, you seemed so tired kaya sa susunod nalang ang plano ko" saad niya.

"Okay" maikling sagot ko.

May tinignan lang siya sa mga papeles na nasa mesa niya bago siya bumalik sa loob ng kwarto niya may kinuha.

"Let's go" he offered his hand kaya biglang napakunot ang noo ko.

"Rule no. 2, no touch" pagpapaalala ko sa kaniya, and then I heard him chuckled.

"Oh c'mon Beatriz" bigla ko siyang tinitigan ng masama ng tawagin niya ako sa second name ko.

"Don't call me that way," saad ko.

"There's no rule about it" pagrarason niya.

Naiinis akong pumikit para lang mapigilan ang sarili kong magalit sa kaniya bago tumayo. Nauna akong lumabas sa kaniya at sumunod naman siya na parang buntot sa likuran ko.

Nauna din akong pumasok sa elevator at sinigurado na magkalayo kami. Pero pagpasok niya ay mas lumapit parin siya sa'kin. Agad ko siyang tinitigan ng masama ng maramdaman kong nasa likuran ko lang siya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Lumayo ka nga sa'kin" saad ko.

"Why? Hindi naman ako nakahawak sa'yo at sinisigurado ko na walang parte ng katawan ko ang mapapalapit sa'yo" saad niya.

Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik nalang, hanggang sa may pumasok na nurse sa loob ng elevator.

"Hi po doc Garcia, doc Reyes" she slightly bowed her head ng makita kami.

"Hi" nakangiting bati ko.

"Kaya pa?" Saad naman ni Dave sa nurse.

"Kakayanin po" sagot niya.

"Mabuti naman." Nakangiting saad ni Dave.

"Ay siya nga po pala, may operation ka po mamayang 10 pm" saad ng nurse.

"Yeah. Thank you sa paalala" saad ni Dave.

May operation naman pala siya mamaya pero makikipagdate pa sa'kin. Ganuom ba ako kaimportante?

Tinignan ko kung anong oras na at nakita kong alas-otso na kaya masaya ako kasi alam kung kunti lang ang oras na magkasama kami.

Bumukas na ang elevator sa may ground floor at nauna ulit akong lumabas at sumunod lang siya sa likuran ko, hanggang sa makalabas kami ng hospital.

"Where are we going?" Tanong ko sa kaniya ng hindi ko na alam ang pupuntahan.

"There's a nearby coffee shop there" itinuro niya sa'kin ang daan kaya sinundan ko lang 'yun.

Hindi naman masyadong malayo ang coffee shop kaya nakarating narin agad kami ilang minuto lang ang nakalipas. Pagpasok namin ay pumila na kami para mag-order.

"Ako nalang ang oorder, hintayin mo nalang ako doon" saad ni Dave.

"Hindi na, ako nalang" pagpupumulit ko.

"Rule no. 4, kaya umupo ka nalang doon" saad niya.

Sinunod ko nalang ang sinabi niya at umupo na doon sa may bakanteng upuan. Meron ding mga doctors at nurses dito kasi ito ang isa sa pinakamalapit na coffee shop sa hospital.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago dumating si Dave na may bitbit ng plastic at sa loob noon ay ang dalawang cup na inorder niya.

"Ito ang sa'yo" iniabot niya sa'kin ang cup kaya tinanggap ko rin ito.

"Babayaran nalang kita" saad ko.

"Huwag na," saad niya.

"Ay hindi ako papayag," sagot ko.

"Sige, bayaran mo nalang ako after 1 month para may reason akong makasama ka" saad niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumayo na at naglakad palabas ng shop. Paglabas ko ay, I took a shot of my cup of coffee para sana eh IG story ko, pero habang hawak ko ang cup ay nakita kong may nakasulat sa gilid.

'Smile Doc,'

This word made me smile.

Agad akong napalingon kay Dave na umiinom ng order niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Wala," maikling sagot ko.

Tumahimik nalang ako at hindi na tinuloy ang plano ko na istory. Tinanong ko siya kung saan na kami pupunta ngayon at ang sabi niya sa'kin ay doon lang muna kami sa gilid ng hospital kasi wala masyadong tao doon.

"May operation ka pa pala mamaya, bakit mo pa inuna 'to?" Pagsisimula ko sa topiko.

"Wala pang 9 pm Belle, mamayang 10 pa ang operation" saad niya.

"Auh" wala na akong masagot kaya yan nalang ang sinabi ko.

Habang umiinom ako ng inorder niya para sa'kin na alam kong iced coffee ay nakota ko siyang hinawakan ang kwentas na suot niya. Kinuha niya ang singsing na nakasabit sa kwentas bago ako tinignan.

"Ano?" Nakakunot ang noo ko habang tinatanong siya.

"I just wan to return this ring to the rightful owner"

"Anong ibig mong sa-"

"Please allow me to just put this ring back to the place where it truly belong"

Hindi na ako nakasagot sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang isinuot sa daliri ko ang singsing. Hindi nga ako nagkakamali at 'yon nga ang singsing na ibinigay niya sa'kin years ako.

"Dave..."

"Huwag kang mag-alala after 1 month pwede mo rin naman yang hubarin eh, just wear that for one month please,"

"I will." Saad ko.

"We only have 29 days left Belle,"

"So?" Naguguluhang tanong ko.

"After 29 days, you'll be free again."

Napatahimik ako ng marinig ang sinabi niya.

"Pero kahit matapos man ang punishment na 'to. Mananatiling ikaw parin,"

"Ano...ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Ikaw ang aking simula, at ikaw din ang aking magiging wakas."

'Ano na naman 'to?'

_______________________________________________________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
7.7K 227 15
*Isang game ng pagmamahal, dalawang tao ang handang sumugal at para manalo rito kailangan may isang masaktan*
14.6K 375 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]