You're Mine(BXB)

By thefujushifan_girl

11.3K 268 42

Riri and Zeus story: bxb story~ More

Simula
kabanata-One
kabanata-Two
kabanata-Three
kabanata-Four
kabanata-Five
kabanata-six
kabanata-Seven
kabanata-Eight
kabanata-Nine
kabanata-Ten
Kabanata-Twelve
Kabanata-Thirteen
Kabanata-Fourteen
kabanata- fifteen

kabanata-Eleven

443 14 2
By thefujushifan_girl

**

Riri

    Pinipisil ko yong kamay ko
habang sumusunod kay mister. Sa totoo lang wala talaga akong ideya kong saan kami pupunta basta sumusunod lang ako kay mister, hindi niya naman kasi sinabi na saan ba kami tutungo, tsaka ang tahimik pa, parang nakaka suffucate sa sobrang tahimik , tas dagdag pa sa awra ng kasama ko, parang yelo.

   Nagalinlangan pa ko kong magtatanong ba ako sa kanya o hindi? Ah bahala na.  " Um mister saan tayo pupunta?" Tanong ko habang tinignan ang kanyang makisig na likod at sa sobrang lapad, sarap higaan. Landi ko! Chos!

     " You'll know." Sabi nito habang nagpatuloy sa paglalakad.

Nanahimik nalang ako,
You well know nye nye.
Bakit ayaw pang sabihin?
Pinapa thrill pa niya eh.

    Pumasok pa kami sa elevator , hindi nga ako makapaniwala na may elevator pala dito! Nakaka amaze naman tong bahay nato. Sana lahat hehehe.

   Tapos pagkatapos non ay naglakbay ah este naglakad pa kami hanggang sa naabot na nga sa destinasyon namin. Nagtaka pa ako dahil sa harap kami ng pinto tumigil. Sinilip ko siya, seryoso ang mukha niya at may kinalikot pa siya don tsaka tinapat pa niya yong kamay niya yong parang scanner, o scanner talaga yon. Pagkatapos non ay dahan dahang bumukas ang pintuan.

     Waah, nakakaamaze talaga! Nakaka ignorante.

    Pagkabukas ng pintuan ay agad siyang pumasok sa loob. Ahm papasok din ako? Eh? Hala anong gagawin ko?!

   Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Papasok ba ako o hindi? Sabi niya kasi eh follow me daw.

     Bigla siyang humarap sakin at kita sa mukha niya ang inis habang tinitigan ako.kaya nagtaka ako, anong kina inis niya? Wala naman akong ginawa ah?

      "What are you waiting for?". Aniya

    "Huh eh?"

     "Tskk get inside."
  He said in annoyed tone.
And backslid.

      Kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Pumasok ako sa loob  at sumunod sa kanya ng pumunta siya sa malaki niyang  closet  at kumuha ng Isang boxer at  white t-shirt, agad siyang humarap sakin at binato sakin ang boxer at white t-shirt niya at may panloob pa na sa tingin ko ay bago pa kasi maytag at tingin ko ay sakto sakin. Sinalo ko naman ito, at tinignan siya ng may pagtataka.

  

        "Wear it , there's a bathroom over there."
He said while he undressed his  outerwear. Nadikit naman yong mata ko sa likod niyang malabato at lapad at may mga veins pa. Parang ul-- no no no! Ano ba tong pinagiisip ko? Jusko po! Hindi na birhen ang mga mata ko! Huhuhu. Pero wait...Did he mean dito ako maliligo? sa banyo niya? Eh may banyo naman doon sa guest room ah? Bakit dito pa?   " May banyo naman sa guest room, pwede naman  ako don." Rason ko.

" You'll sleep here. " He said na para bang walang makakapigil sakanya.
"Pero sabi mo kanina sa guest room ako" aniko.
"I.said.you.well.sleep.
here.in.my.room." madiin niyang sabi habang madilim akong tinititigan. Kaya para akong tuta na tumango sa kanya dahil sa dilim ng anyo ng mukha niya. Nakakatakot siya.  

"Okay"

   Para akong pole dito na sobrang tuwid ng tayo, at nakayuko ang ulo na parang batang napagalitan.

      " Look at me." Kaya tumingin ako sa kanya. Ulala~ hindi ko talaga maiwasan na tumingin sa kanyang nakakasilaw na katawan. Ano kayang ginawa niya bakit ganon ka ganda ng katawan niya?,  tsaka batak na batak talaga. Tumikhim ito kaya napaiwas ako ng tingin. Nakita niya ba? Nakakahiya! Inaappreciate  ko lang naman eh may masama ba don?

    " You.now.take a bath and after that you can sleep in my bed kitty." Sabi niya pagkatapos niyang magdamit at lumabas ng kwarto. Sinundan ko lang siya ng tingin ng lumabas na ito. Napatingin at napalunok ako ng napadako ang tingin ko sa malaking kama. Kaming dalawa? Magkasamang matulog? Sa iisang bed? Totoo? Bakit naman niya naisipan iyon?
aist! hindi ko alam!
Tapos anong kiti? Kitikiti ba kamo? Labo niya.
 

    Pumunta na nga ako sa banyo niya na sobrang lawak at doon na naligo. After 15 minutes ay natapos na ako , doon lang sa loob ako nagbihis at pagkatapos ay nagpatuyo ng buhok gamit ang tuwalya na nakita ko sa banyo.

Pagkatapos kong nagpatuyo ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko na wala pa si mister sa loob,saan na kaya iyon? pinagkibit balikat ko nalang.

At nagningning ang mata ko ng nakita ko ang kama,   para bang hinihila ako nito, kaya lumundag ako sa kama.

Ahhhh...heaven...

Ang lambot lambot ng kama,
Atsaka ang laki pa.   Antok na antok na din ako. Hinihila na din ako sa kadiliman hanggang sa unti unti na nga itong sumara.

  
   Pero ramdam ko pa rin na lumundo ang kama at ang paghalik sa aking noo at tuluyan na nga akong tinangay ng kadiliman.

**

  Napabangon ako ng
binangungot ako na nahulog daw ako sa kama. Ouch!  Napahimas ako ng sintido ko ng sumakit ito dahil sa bigla kong pagbangon, akala ko totoo na. Hindi pala,  sasakit talaga balalang ko kong nagkatotoo yon. At napagtanto ko na wala pala ako sa bahay, hayyy, nandito nga pala ako sa bahay ni mister. Speaking of mister dito kaya siya natulog kagabi? Sigh.

     Hindi ko kasi siya naabutan pagbangon ko.
Tapos kagabi din.
Bumaba na ako sa kami at
pumunta sa banyo para maghilamos at pag tingin ko sa salamin ay napangiwi ako, kung makikita niyo lang mukha ko matatakot talaga kayo, parang pugad ng langgam ang buhok ko habang may muta pa, nakakahiya pag may nakakita , agad akong naghilamos at nag toothbrush , ito yung ginamit ko kagabi, may dalawa kasing toothbrush ,yung isa ay kay mister, kasi halatang ginamit na tapos yung isa ay hindi pa nabuhuksan, parang bagong bili, syempre alam ko namang stock lang yon, hindi kasi ako espesyal para bilhan chars!  hehe.

   
   When I finished washing my face, I looked at the mirror, ayan okay na, lumabas na ako ng banyo ng may nakita akong lalaki na nakatalikod, siguro narinig niya na may lumabas sa banyo ay humarap ito.

      "Ay ulam!!" Napatakip ako sa bibig ko, shit! pahamak tong bibig nato!
Kasi naman eh, humarap kasi siya sakin na nakatopless!  Tapos ulam pa ang nasabi ko. Nakakahiya! Lupa lamunin muna ako huhuhuhu.

   

    He grinned. Kaya natulala ako, o my gosh! Ngumisi siya dae! Yung ngising pamatay! Pak na pak! "What...?" pa inosente! " Ah sabi ko ula...kanin..ah h-hindi..mali pala..ah eh...hehe" ayan na! Hindi kuna alam kong anong sasabihin ko huhuhu. Para na akong tanga. Kahiya!

    Humalakhak ito, kaya mas lalo akong namangha. Si mister marunong palang tumawa? Amazing! Sana pala pinicturan ko kaso naalala ko dead bat  pala cp ko pero wag kayo kaya pa nitong mag picture!
Kaso nga lang may taning na ito. :(

    

      Huminto na ito sa kakatawa ng narealize niya na natutula ako. Tumikhim ito at humakbang sa harap ko kaya napasinghap ako, bangooo. Halatang bagong ligo , ano kayang sabon niya nakakaadik kasi ng amoy, yong tama lang sa lalaki, pang masculine.

     "What're you waiting for, are just gonna stand there,
And stare at me? Or taking a bath so that we can eat." Sabi nito, napatingin ako labi niya habang nagsasalita siya,  manipis at pinkish. At Ang sarap haplusin ng panga niya. Tumikhim ulit siya kaya nagising naman ako sa pagkatulala.

     "Hehe maliligo na pero wala akong damit." Naka nguso kong sabi.

" Just get inside the bathroom and I will prepare it in the bed" baritong sabi nito at pinitik pa ang ilong ko, mas lalo akong ngumuso, ang sakit kaya.

    Wala na akong nagawa kaya pumasok na ako sa loob ng banyo, at naligo pagkatapos kong naligo ay may nakita akong bathrobe na kulay pink kaya sinuot ko ito. Binuksan kuna ang pinto at lumabas ng banyo. At nakita ko nga sa kama na may nakahandang damit at pati na din panloob ko.
Agad akong nagdamit dahil nagugutom na ako. Lumabas na ako sa kwarto niya at tinandaan kong saan kami kumain which is dining area at salamat sa Diyos ay nakarating ako ng matiwasay, doon ko nakita si manang Ida na naghahanda ng pagkain. Agad naman akong napansin ni manang Ida kaya bumati ako.

  
     "Magandang umaga po." Sabi ko at nagmano.

    "Magandang umaga din sayo iho o siya umupo kana  ." Aniya.
" Tutulong po ako"
" 'Wag na iho malapit na rin ako, tsaka sabay kayong
mag almusal ni young master, may katawagan lang siya pero baka mayamaya ay nandito na iyon" Sabi ni manang Ida kaya tumango nalang ako at ito'y bumalik na sa kanyang ginagawa at ako nama'y umupo na rin.

    Habang naghihintay ay nagmasidmasid lang ako at nakita ko si mister na may katawagan nga sa labas , ang ganda kasi ng kitchen niya, kasi may garden sa nilabasan niya, at yung pinto ay made of glass kaya kitang kita ko siya mula dito. Binaba niya na ang kanyang cellphone tsaka pumasok sa loob agad kong iniwas ang tingin ko.

     "Young master mag almusal na kayo, handa na ang pagkain" aniya ni manang Ida pagkatapos niyang naihanda ang mga pagkain sa lamesa, umupo na si mister at tumango kay manang Ida at umalis na sa hapagkainan. Sabi kasi ni manang na tapos na siyang magalmusal nang niyaya ko ito na sabayan kami.

 "Lets eat." Sabi ni mister.

" Pray muna tayo" ani ko.

"Okay lead the pray."

   Pagkatapos kong nagpray ay Kumain na kami at pagkatapos ay  hinatid na niya ako sa bahay.

     Pagpasok ko sa loob ay wala akong naabutan na tao, at nagulat ako dahil gulo gulo ang bahay, ang mga upuan ay nakatumba pati na rin ang mga lamesa, basag na basag din ang mga plato at baso, parang ninakawan, pero ramdam kong hindi, may ibang dahilan dahil wala naman kaming mga mamahaling gamit, hindi din kami mayaman so pano kami mananakawan? Gulong gulo ako at napasabunot sa buhok dahil hindi pa nag text si mama sakin, ni try kong tawagan ulit ito, at don ko nalaman na naiwan ang  cellphone na keypad ni mama sa bahay, pano na ito? Saan ko hahanapin si mama? At ano ba talaga ang nangyari?

      Wala akong naisip na pwedeng tawagan para humingi ng tulong  kundi siya lang. Kaya tinawagan ko ito kahit Malabo na ang mata dahil sa luha ko na tumutulo.

    "..."

"Please tulungan mo ako." Nagsusumamo kong sabi.





**

Enjoy reading^_^

A/N: sorry po sa mabagal na update, kong meron mang nagbabasa nito, pasensya na po talaga dahil sobrang busy ko sa module ang daming projects, hehe.

   huehuehue, tsaka yong teacher namin ang strict kasi dapat talaga on time ang pag submit ng mga projects skl.

    

    At sana nagustuhan niyo to.

Vote and comment  are highly appreciated 😘
And of course you can share it your friends.

    

Stay safe and Godbless ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

66.6K 2.6K 37
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.
2.6K 1.5K 24
TIME SERIES #1 Stone High University's new student with the ability to see the past and future. Not until one day she met a campus bully of that univ...
33.2K 1.2K 35
Dead eyes. Lifeless dead eyes stared back at him. Tokoyami Fumikage was looking through a portal. Like a one-sided mirror, everything he sees cannot...
6.7K 62 3
Primono series #1 Cabrini Yosehr Primono