Filming Love

By pink_opal_27

7.9K 446 1.1K

Can you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with... More

Cam 001: Shine
Cam 002: Pony
Cam 003: Five Years
Cam 004: Miracle
Cam 005: Stars
Cam 006: Betrayal
Cam 007: Background
Cam 008: Waiting
Cam 009: Caldereta
Cam 010: Onscreen
Cam 011: Lovechild
Cam 012: Tears
Cam 013: Surface
Cam 014: Surprise
Cam 015: Eggs
Cam 016: Game
Cam 017: Care
Cam 019: Crossover
Cam 020: Dad
Cam 021: Mission
Cam 022: Back
Cam 023: Shadow
Cam 024: Author
Cam 025: Bestfriend
Cam 026: Start
Cam 027: Give
Cam 028: Sorry
Cam 029: Station
Cam 030: Bettina
Cam 031: Villain
Cam 032: Merge
Cam 033: Drowned
Cam 034: Reunited
Cam 035: Happy
Cam 036: Family
Cam 037: Alarm
Cam 038: Opportunity
Cam 039: Big Night
Cam 040: Tired
Cam 041: Post
Cam 042: Wrath
Cam 043: Scope
Cam 044: Exercise
Cam 045: Fifth
Cam 046: Two
Cam 047: Bond
Cam 048: End
Cam 049: Ate
Cam 050: Final
Filming Love: A Love that is Yet to be Filmed

Cam 018: Again

154 12 32
By pink_opal_27

Rita's POV



Kinabahan ako bigla. Napatapon ko tuloy ang telepono ko at muntikan na ngang lumabas sa bintana. Agad din namang napatayo si Ken mula sa posisyon namin kanina at inalalayan ako upang makaupo.



"Anong problema? Okay ka lang ba?" may pag-aalala niyang tanong sa akin.



Hindi ko mapigilan ang kabog sa dibdib ko. Tiningnan ko siya nang makahulugan. Napatungo ako, "Yes okay lang ako. Sorry nagulat ka ba?"



Unti-unti niyang inangat ang chin ko upang matingnan ko siya sa mata.



"Look, Rita, kilala kita. Alam kong hindi ka okay. Anong problema? You can tell me"



Mapagkakatiwalaan ko pa nga ba ang lalaking ito o laro pa rin sa kanya ang lahat?



"Sabi mo gusto mong bumawi diba?"



Nakatitig lang siya sa akin. Naghihintay sa idudugtong ko sa sasabihin ko.



He nodded



"Be a father to Dani. Sa condo ka umuwi after ng lock-in taping na 'to. Game?"



Parehong nangungusap ang mga mata namin, sapat na para magkaintindihan kami.



"May prize ba ako if I'll do that?" seryoso niyang tanong kaya alam kong hindi siya nagbibiro.



"The truth. That's your prize. Deal?"



We shook hands. We agreed to a plan na ako lang ang nakakaalam. Actually, hindi talaga siya plano. Gusto ko lang na may depensa laban sa demonyo kong asawa.



Brent's back. If money plays nga naman, walang kriminal na hindi makakalabas ng kulungan kahit na ilang charges na ang isinampa ko sa kanya.



May tumulong doon panigurado.



I just need someone na makakapitan ko.







Am I just using him? A part of, pero may mas malalim pa akong dahilan.











Gusto ko silang magkalapit.











Ken's POV



Aaminin ko natuwa ako sa deal namin ni Rita. Imagine, parang bumabalik na sa dati ang lahat. Makakapunta na rin ako freely sa condo nito. Bonus pa ang makasama ang Dani niya, na favorite na favorite daw ako. And something in me loves it.



Pero nahihiwagaan ako at natatakot. Hindi ko alam pero parang kinakabahan naman ako. Kita ko ang takot at pangamba sa mga mata ni Rita nang makita pa lang niya ang number ng tumatawag kanina, lalo na nung sinagot na niya ang tawag.

















Magdidilim na. I asked Rita kung anong gusto niyang kainin.



"Wow, parang ang dami namang options diyan sa dala mo. Ayan na lang yung itlog"



Natawa naman ako nang itinuro niya ang isang maliit na tray ng brown eggs na dala ko. "Ikaw Rita ha, ang hilig mo pa rin sa itlog"



"Parang sira 'to. Magvovolunteer na nga akong lutuan ka ng scrambled eggs as my way of saying thank you, wag na lang pala. I changed my mind."



"Uy joke lang. Ito naman masyadong seryoso. Ilang eggs ba gagamitin mo?"



Sumenyas naman siya ng apat sa mga daliri niya, "Sapat na siguro 'yun sa ating dalawa"



Habang busy magprepare ng dinner namin si Rita ay inayos ko ang lamesang kakainan namin.



Inilabas ko sa terrace ang isang foldable na lamesa pinadala sa akin ni Mommy. Naglatag na rin ako nang light orange na mantel. Hindi ko talaga alam kung nananadya ba si Mommy. She packed all my stuff at pagbukas ko ay halos mga shade of orange ang mga pinasok niya doong gamit sa maleta.



Nakakita ako nang isang vase of roses sa tabi ng TV kaya kinuha ko rin 'yun at inilagay sa gitna ng lamesa.











"Ken, saan ka? Tapos na yung scrambled eggs oh"



Naririnig ko ang boses niya mula sa kusina kaya naman tumungo na ako doon agad.



"Saan ka ba ha? Ayan na itlog mo, niluto ko na" at pinakita ang mainit-init pang kawali.



"Aray sakit naman nun Rita. Niluto mo? Ito?" sabay turo ko sa ibaba. Ayan nasapak na naman ako.



"Baliw ka na, sira ka pa. Yung swab stick kanina baka utak mo yung nasundot kaya ganyan."















Unti-unti siyang naglakad at may napansing kakaiba sa terrace. Ang tanging takip lang ay yung puting kurtina iniladlad ko kanina.



"Oh bakit may paganito?" bakas ang gulat sa ekspresyon ng mukha niya.



"Nagustuhan mo? Mas masarap kumain kapag ramdam mo yung sarap ng simoy ng hangin habang nakatitig lang sa mga maliwanag na bituin sa langit."



"Ah hindi rin"  umismid siya.









Kumuha naman siya ng tuntungan ng kawali mula sa kusina at inilatag ito sa gitna ng lamesang hinanda ko.



"Oh ayan, sizzling egg"



Kumuha naman ako ng mga plato, utensils, at baso at maingat na inarrange ang mga ito sa lamesa.



Paglatag nito ng mga kubyertos sa mesa ay agad nang umupo si Rita. Umupo naman ako sa harapan nito.



"Music tayo ha"



Kinuha ni Rita ang phone niya at kinabit sa portable speakers ng hotel room namin.



"Oh bakit yan yung gusto mong patugtugin?"



She played one of the iconic songs of the old generations but still iconic up to now.



"Wala lang. Hindi ba applicable yung lyrics sa ating dalawa" she stared at me and then looked down agad para isubo ang nasa kutsara niya.











Inaamin ko, nagkamali ako

Inaamin ko, nasaktan ko ang puso mo

Iniwan ka nang walang dahilan

Sumama sa iba, hindi man lang ako nagpaalam

Di man lang nagpaalam















Rita's POV



Mga katagang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya pero di ko magawa kaya heto, idinadaan ko na lang sa lyrics ng kantang ito.



Feeling ko nakatitig lang sa akin si Ken kaya hindi ko magawang iangat ang ulo ko. Tuloy-tuloy lang ako sa pagsubo.



We are both quiet until he spoke.



"Nanghihinayang, naghihinayang ang puso ko. Sa piling ko'y lumuha ka lang. Nasaktan lamang kita"



He uttered the lyrics sa chorus ng kanta.



Di ko na napigilan. Nagpakawala na ako nang mumunting patak ng luha mula sa mga mata ko.



"Sorry napaiyak pa yata kita" narinig niya yata ang mga hikbi ko.



"Ah hindi ako umiiyak. Mainit lang masyado yung steam na galing sa umuusok pang itlog dyan sa kawali" pag-iwas ko.



"Rita, ano bang nangyari sa atin?"



Alam ko ang ibig niyang sabihin. Ano nga bang nangyari?



Pero hindi pa ako ready. Ayoko pa. Sa tamang panahon pa.



Kung kailan iyon, tanging ang nagsusulat lang nito ang nakakaalam.









"Bilisan na lang natin sa pagkain."



















After we ate, nagvolunteer na si Ken to wash the dishes. Ako naman ay nagfreshen up na bago matulog. If ever na hindi kami infected, baka bukas makasimula na kami sa taping.



Nauna na ako sa bed ko at nagkumot. Pagbalik ni Ken mula sa kusina ay agad siyang lumapit sa akin.



"Hey, masama pa rin ba ang pakiramdam mo? You need another Paracetamol?"



He then palpated my forehead, "Wala ka na rin namang lagnat"



"Yeah, I'm fine. I just wanted to sleep na. Baka magshoot na tayo tomorrow. We have to be ready"



Inayos niya ang pagkakapatong ng kumot sa akin saka tumayo.



"Sige na. Sorry sa kanina. Nadala lang ako. Hindi ko na dapat dinugtungan yung kanta. Just close your eyes and sleep. Don't think about me"







Bakit ang bigat nun? Bakit ang bigat sa pakiramdam kahit ako naman ang nagpasimula kanina?







Bahala na si Batman. Matutulog na ako. Namimiss ko na tuloy yung baby Dani ko.







Just as I was about to close my eyes when my phone rang. Kakasabi ko lang namiss ko ang baby ko eh.



"Hi Mommy" she said as soon as the video opens, "I miss you" then she formed a kiss on her lips.



"My baby" napaupo agad ako mula sa pagkakahiga. Napatingin naman ako sa kusina nang mapansin kong may patakbong papalapit sa akin.



"Tito Ken!"



"Hi baby!"



Grabe naman makatawag ng baby sa Dani ko, akala mo naman totoong ama.



"Hey, wala pa yung deal natin, excuse me" pabulong kong banggit sa tenga niya.



"Pinapractice ko lang para masanay" pabulong din niyang pagsagot sa akin.



"Mommy? Tito Ken? What are you whispering to each other"



Sabay kaming napatingin muli sa screen and I saw Mama.



"Ehemm, anak?"



"Ma, I miss you!"



"Naku anak. Lakas makasegue nga naman. Miss us eh dalawang araw pa lang naman kayo diyan. Sus!"



At binigyan ako ng nakakalokong ngiti ni Mama. Hayy kahit kailan naman talaga oh.



"Mommy, enjoy your vacation there ha"



Napatawa ako nang bahagya sa sinabi ng anak ko.



"No, baby. Mommy's at work. I'm not into vacation"



"But I saw the beach in your IG posts, Mommy"



Ayy oo nga naman pala, "Ay yes baby. We are at a hotel near the beach. We stay here as long as we are having our taping" I clearly explained to her.



"Are you with the same room with Tito Ken?"



"Yes baby!" gulat ako sa pagsingit ni Ken sa tabi ko at pagsagot.



"Really? Tito Ken, take care of my mom ha. I love you"



"I love you too baby"



Ibinaling ko sa aking mukha ang camera ng phone. "Oh baby sleep ka na. Gabi na oh. Why are you still up?"



"Eh kasi nga po I miss you sleeping by my side eh"



"Dani?"



Ibababa ko na sana ang phone nang may narinig akong nagsalita. Boses lalaki.



"Ma, sino yun?"



Nakita kong tumingin si Mama sa kung saan ay tila nanggaling ang boses.



"Nak, andito siya"



Nanlaki ang mga mata ko. "Ma, please"



Napansin kong malapit pa rin sa akin si Ken kaya nagdecide akong kunin ang earphones ko.



"Bumalik ka na nga doon sa kusina. Private matters, excuse me" tinarayan ko na para umalis siya agad.



Bumaling akong muli sa phone ko.



"Please Ma, wag mong hayaan na sa condo matulog si Dani. Please lang Ma. Sa inyo muna siya please."



"I know naman anak. Wag kang mag-alala."



"Andyan naman ba sina Kuya Roy and Kuya Greg sa bahay?"



"Si Kuya Roy mo doon na yata matutulog sa trabaho. Si Kuya Greg mo naman kakatext lang bago tayo magvideocall, pauwi na daw siya. Dito daw makikitulog si Lianne."



"Ayun salamat naman. Sige Mama, ingat kayo ha."













"Ay siya nga pala anak" pahabol ni Mama, "Nagmessage pala si.." she gave me that look and I know what she's referring to.



"Nagpapaalam po ba? Wag muna siguro Ma. Not now"



"Ikaw bahala anak. Mommy ka ni Dani and your decisions always count. Sige na matulog na kayo dyan. Goodnight. Love you"



"Love you too Mama"









I turned off the phone and nagtalukbong ng kumot.







----------
🤭🤭🤭

Continue Reading

You'll Also Like

121K 243 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report
31.8K 863 26
"why do you have to keep bullying us" "why?" "Tell me why?! " "BECAUSE I LOVE YOU I'M ALWAYS GIVING YOU A HINT OF WHAT I FEELS FOR YOU BUT YOU DID NO...
333K 19.2K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
2.2K 108 6
yan muna hirap palang gumawa ng story