After an End | Academy Series...

By ov3rtin_ker

4.2M 125K 94.9K

Sammantha Lorenzo, a woman with a heavy charisma. She is always defined as sexy often in a bad way. She's str... More

Disclaimer
NOTE
END
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue
END
Special Chapter
Author's Note

Chapter 3

91.1K 3.2K 2.7K
By ov3rtin_ker

Pagkaalis ni Noah, tinawagan ko 'yung dalawa para magkuwento. Nagluluto ako habang ka-video call sila.

"Sedan na, ginawa mo pang sapatos?" sabi ni Genevieve.

"Pwede mo namang kuhanin 'yung Sedan tapos ibenta mo. Bumili ka ng sampung pares ng sapatos. Hina nito," si Winowa.

Alam kong ganiyan ang magiging reaksiyon nila. I don't think Noah is serious about his car, pero paano nga kung okay lang sa kaniya ibigay sa 'kin dahil kaya niyang bumili ng tatlo pang bago?

"Gipit ako pero may hiya naman ako, 'noh! Simple ng gagawin ko, tapos kapalit milyones na kotse? Makakabili rin ako no'n sa sarili kong pera."

"Sabagay, may point ka. May alam akong shortcut para magka-BMW ka instantly," nangingiting sabi ni Gen.

Tinakpan ko ang dibdib at siningkitan siya ng mata. "Hindi ko ibebenta ang katawan ko, over my dead, gorgeous body," I said.

"Walang bibili, Samm," pambabara sa akin ni Winowa.

"Tanga ka, girl! Ang best shortcut para magkaBMW, una mong abutin 'yung may-ari."

Ito na naman kami sa pag-link nila kay Noah sa 'kin. Huwag lang talaga sila marinig ni Luke, lagot ako.

"May jowa ako," sabi ko. Sinalang ko ang kauunab na bigas at sinindihan ang stove. "Kontento ako sa kung anong mayroon kami ni Luke."

"Kontento ka na sa jeep?" si Gen.

"Kapag mahal mo ang tao, Gen. Hindi ka titingin sa kung anong maio-offer sa 'yo ng tao. You'll love the person even when he has nothing," sermon ko bigla.

"Amen," ani Winowa.

"Sorry, bitter lang," ani Gen. "At praktikal."

"Ibahin niyo na ang topic, mamaya magsabunutan pa kayo on screen," sabat ni Winowa.

I'm not offended easily. Saka naiintindihan kong kaya lang 'yon nasabi ni Gen ay dahil gusto niya ang best para sa 'kin. Like what she said, baby pa siya. Wala pa nga 'yang nagiging jowa. Kontento na raw siya sa EXO. Malala.

Maaga akong nagluto. Nagpaalam na ako kay Tita kagabi pa lang na may lakad ako. Suwerte nga at natapat na may handaan sa kapitbahay kaya hanggang gabi siya ro'n. Hindi niya ako makikitang umalis nang ganito ang hitsura. Iisipin no'n, nagbubulakbol ako.

I can do my own make-up and hair. Beauty care ata ako noong Grade nine! Light lang ang in-apply ko dahil gabi naman—bukod sa maganda na 'ko kahit wala. I flattened my hair and tied it tight and low para ma-expose ang likuran ko. Nag-iwan ako ng manipis na buhok sa magkabilang gilid.

I contoured my collarbones and added gold highlighter. May mga glitters na nagkalat sa leeg ko. Sinuot ko ang jewelries na binili ni Noah kanina. Hikaw at kuwintas na ginto rin ang kulay.

Ang nakakatawa, sa mahal ng damit, sapatos at alahas na suot ko, Juicy pa rin ang cologne ko. Tangina! Hindi ko naisip 'yon kanina. Sinimot ko 'yung aficionado, baka maamoy ako ro'n.

Nag-aayos ako ng gamit nang tumunog ang phone ko. I saw Luke's name.

"Napatawag ka? Nasa bahay pa 'ko, hinihintay kong tumawag si Noah."

"Huwag kang makalimot mag-update, Samm. Iwasan mo ang alak hangga't maaari. Wala akong tiwala sa Noah na 'yan."

"I won't drink. Bawal ako malasing, may trabaho sa bahay bukas."

"What are you wearing? Mag-picture ka, i-send mo sa 'kin," aniya.

"Sagot ni Noah ang lahat ng suot ko ngayon. May theme kasi 'yung party. Magpi-pictufd ako at ise-send ko sa 'yo kaagad," I said.

"I'll wait for the picture," he said before hanging up.

Kinabahan ako bigla. Sinuri ko ang suot ko sa salamin. It's sophisticated like what I wanted. Ayaw ni Luke na nagsusuot ako ng mga revealing na damit. Hindi 'to papasa sa kaniya.

Kumuha ako ng blazer at sinuot 'yon. It's not complementary with the gown, pero mas ayos ng baduy tignan kesa revealing. I hid the slit. Kumuha ako ng mirror shot na hindi kita ang hiwa ng gown. Sinend ko kay Luke.

Me: Okay lang ba?

Luke: That's good.

Luke: Save mo na ang battery ng phone mo. Mamaya na ulit ako tatawag, just to check on you.

Me: Okay, update kita kapag dumating na si Noah.

Luke liked my chat. Hindi na siya nag-chat ulit. Hinubad ko 'yung blazer at inayos ang sarili. Gustuhin ko man dalhin ang blazer, ang pangit naman ng green sa gold. Mangang hinog lang?

Nag-retouch ako habang hinihintay tumawag si Noah. Pinapanood ako ni Aries na parang proud na Papa. Cutie.

"Baby, halika rito. Picture tayo ni Mommy," tawag ko sa aso. Umupo ako sa kama at tinapik ang tabi para tumalon si Aries. I took a picture of us. Dinilaan pa ako ni Aries sa pisngi kaya nataranta akong baka nasira ang makeup ko. Luckily, hindi.

"Cute naman ng mabaho na 'yan. Dito ka lang, habang wala ako. Huwag kang magkakalat dito. Papalayasin tayo nila Tita." Tumahol siya na parang sumasagot.

Nilalambing ko si Aries habang naghihintay kay Noah. Hindi na 'ko nakatiis. Nang magtagal ay ako na ang nag-chat sa kaniya.

Sammantha sent a photo.

Me: Ang tagal mo, tuloy pa ba?

Matagal bago niya nabasa ang chat ko. Kanina, fresh na fresh ako. Habang tumatagal, naha-haggard na 'ko. Alas-sais na mahigit.

Noah: I'm sorry, we're on the way.

Me: Tampo na 'ko. Hindi na 'ko pupunta.

Noah just seen my last chat. Wala ng reply ang lalaki. Siguro ay nagda-drive. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ang tagal na rin since last akong nakapunta sa mansiyon nila Noah. Kailan ko pa huling nakita sila Ate Nics at Jaz, lalo naman na si Tita Kate. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanila?

Ilang minuto ang lumipas, tumatawag na si Noah sa akin. Sumilip ako sa bintana at nakumpirmang nandiyan na siya. May maliit lang akong clutch para sa phone ko. Sumunod si Aries sa akin hanggang labas.

"Aalis na si Mommy, Aries. Bantayan mo bahay natin. May treat ka kay Mommy pag-uwi." Pinisil ko ang aso ko at hinalikan sa ulo.

Sinara ko ang pintuan pero hindi ang gate dahil nandiyan lang naman si Tita sa kabilang street. Uuwi na rin 'yon maya-maya. Bumaba ulit si Noah para makita si Aries.

"You're not cold?" he asked after surveying my whole body.

"I'm Samm, parang timang 'to," biro ko.

He rolled his eyes. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Binaba ko ang bintana at kumaway kay Aries na winawagayway pa rin ang buntot.

Noah started the engine. Tumingin ako sa kaniya, saka ko lang napansin na may babae pala sa harapan. I puckered my lips.

"May kasama ka pala," ani ko.

Tumingin sa akin ang babae at ngumiti. "Hi, I'm Karyle," mahinhin na pakilala ng babae.

Ang ganda niya. Parang manikang galing disney. Soft spoken pa at mukhang rich kid din.

"I'm Sammantha Laurice Meriah, pili ka na lang do'n kung anong gusto mong itawag sa 'kin," sabi ko.

"Samm is fine, I guess." Kahit pagtawa niya ay elegante.

Nanahimik bigla si Noah. Tahimik na siyang tunay, mas tumahimik pa. Nagtama ang mga mata namin sa salamin. Nang-aasar ko siyang tinignan. Nagsalubong ang dalawang kilay niya, nagbabanta.

"Kaya naman pala late si Noah, acceptable reason," I murmured.

"I'm sorry about the delay. My make-up artist came late. Noah waited for me a little longer. Napaghintay ka pa tuloy."

"Sus, keribels lang, sis. I love waiting," ani ko. She looks sweet and kind. Naalala ko si Prim, 'yung kaklase ni Noah. Mabait at maganda rin siya.

"Put on your seatbelt, Kaye," ani Noah sa babae.

"Oh, yes. I forgot," she uttered.

Pinipigilan ko ngumiti kahit gusto ko nang matawa. Kinikilig ba 'ko sa kanila? Inisin ko kaya si Noah? Baka itapon ako palabas ng kotse niya.

Nahirapan si Karyle ayusin ang seatbelt dahil sa gown niya. Huminto si Noah sa gilid. Sumandal ako sa backrest at nangingiting pinanood siyang tulungan si Karyle ayusin ang seatbelt. Can't he be more obvious?

Natingin sa akin si Noah nang gumawa ako ng impit na tunog sa pagpipigil ng ngiti. Binuksan ko ang phone para kunwari ay may kachat lang ako kaya kinikilig.

Me: Babe, sinundo na ako ni Noah.

Me: Kakaalis lang namin ng bahay.

Luke isn't online. I turned on the notifications before putting the phone back in the bag. Curious ako kung anong real score sa dalawang 'to pero obvious naman na gusto ni Noah si Karyle.

Aware ba si girl na ex ako ni Noah? At kung anong plano ni Noah? O baka naman friends lang sila kasi torpe si Noah?

Me: Sinundo na ako ni Noah. May kasamang bebe!

Me: Maria Clara, mga sissy.

Gen: Huwag kang papatalo, Chrisostomo Ibarra.

Winowa: Ghague HAHAHAHHAHA

Gen: Lamang ang may kamao sa may ganda.

Me: Piste kayo. Sa Monday kayo sa 'kin.

Sumasama lang ang loob ko kapag nagkukuwento ako sa kanila. Hindi naman ako nadadala.

Ganiyan ang mga tipo ni Noah sa babae. Magandang simple at mahinhin. Hindi makabasag pinggan ba. Siyempre, mayaman tulad niya. Sigurado ako na matalino rin 'yan. Ewan bakit kami nagtagal ng isang taon noon. Naggaguhan lang ata kami before.

Napatunanayan kong tama si Gen. Medyo mahirap paniwalaang naging kami.

Nakarating kami sa mansiyon nila Noah nang mabilis. Ilang kotse ang nakahilera sa labas ng mansiyon. Dumiretso kami sa loob. Wala gaanong pinagbago ang bahay, except sa dumami ang halaman sa paligid. Kagagawan 'to ni Ate Nics, mahilig 'yon sa plants.

Bumaba si Noah at pinagbuksan ng pintuan si Karyle. Ako na ang bumaba mag-isa.

"I think I have to go inside first," sabi ni Karyle.

"I'll see you inside. Nasa loob na sila Enzo," ani Noah.

Nagbeso sila. Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiti. Noah is trying so hard to hide a smile, halatang-halata siya. Ngumiti sa akin si Karyle at naunang pumasok sa loob. Saka ko lang nainis si Noah.

"Single ba 'yon? Lakad mo 'ko," pang-aasar ko.

"Let's go," aniya sa akin at naunang maglakad.

"Girlfriend mo?" tanong ko. "Nililigawan? O crush mo pa lang?" I tailed him as he slowly walked. "Alam niya 'tong gagawin natin? Okay lang sa kaniya?" I kept on asking.

"Don't forget to act well, Samm." Wala man lang siyang sinagot sa tanong ko. "My friends are here too. They knew we broke up. They will help us, just don't make it too obvious."

"Sana pala nag-artsista na lang ako. Nagpapakahirap pa 'ko mag-aral."

May ilang mga tao sa labas. High class ang datingan nila, tindig palang. Some madronas are talking at the garden. Sa loob kami dumiretso ni Noah. There are few people in there, lahat kilala ko. Naroon na rin si Karyle na pinauna ni Noah pumasok, kasama ng mga kaibigan niya.

"Good evening," malakas kong bati sa lahat. Sabay-sabay silang lumingon sa akin. Nasurpresa sila sa presensiya ko.

"Sammantha!" Tita Kate exclaimed.

"Samm, Oh my god!" Tumakbo papalapit sa akin at si Ate Nics at Ate Jaz. Naiwan si Tita Kate na naka-wheelchair.

"Hell hot, you look better." si Ate Nics.

Maarte kong hinawi ang buhok ko. "May bago ba do'n? Haler, si Samm 'to," ani ko.

"Bakit ngayon ka lang napunta dito? Nakakatampo ka na, wala na 'kong kasama magpa-parlor." si Ate Jaz naman.

"Kailangan talaga ako lang?" prangka kong tanong.

"Who do you expect me to go with? Noah? Maaya ko nga ang boyfriend mong KJ," reklamo niya.

"Ahhh! I'm so happy to see you again," malakas na sabi ni Ate Nics. "We have a lot to chitchat about," she said.

"Tsismosa ka!" I said.

"Excuse me, can someone push my wheelchair?" sarkastikong sabi ni Tita Kate. Natawa ang dalawa niyang anak na babae na nag-unahan lumapit sa akin ay nakalimutan idamay ang Mommy nila.

"Tita Kate!" mahaba kong sabi. Ako na ang tumakbo papalapit sa kaniya. I kissed her cheeks and hugged her tightly. "Happy birthday. Ang regalo ko sa 'yo ay halik." Pinuspos ko siya ng beso sa pisngi.

She chuckled, umiiling ang ulo akong tinawanan. "Kung hindi ko pa birthday, you wouldn't come here and visit me."  Nagtatampo ang boses niya. "How busy you were that you didn't visit me for a year, huh?"

"Busy lang sa buhay, Tita. Huwag ka na magtampo."

"Noah told us you're busy with your studies. I heard you're running for Valedictorian. That's why you need to focus," sabi ni Tita.

Bigla ata akong natatae sa sinabi niya. I looked at Noah. Niluwagan niya ang tie at lumunok. Makahulugan siyang ngumiti sa akin. Siraulo siya. Anong running for Valedictorian? Gusto kong maiyak.

I laughed awkwardly. "Yes, Tita. Nakaka-stress ang studies kaya 'di ako makasingit ng bisita sa 'yo. Don't worry, dadalasan ko na ang pagpunta."

"Dapat lang," ani Tita.

Nandoon yung tatlo na baliw sa gilid, tinatawanan ako. Si Enzo ang haba na ng buhok, pwede na ittrintas, si Kael, maamo pa rin ang mukha. Ayin is probably laughing so hard inside, aasarin ako ng babaeng 'to mamaya.

The party started just few minutes after we came. Nagtipon kami sa garden nila. Nandoon ang emcee, sounds, lights, lahat. Doon may nakaayos na mga tables. Kasama ni Karyle ang mga kaibigan ni Noah. Noah is with me.

"Give me your hand," he said. Nakatingin sa amin ang Mommy niya, sagad ang ngiti.

Pinunasan ko ang kamay at iniabot sa kaniya. Magaan ang hawak niya sa 'kin. Maya-maya, nilagay na niya ang kamay ko sa braso niya.

"Sweet love birds," Ayin teased when we passed by their table. Si Karyle ay sa kamay ko lang nakatingin.

"Noah, puwede bang ligawan 'yang girlfriend mo?" pang-aasar ni Enzo.

"Hindi kita sasagutin," mahina kong sabi.

"Hindi naman ako ang manliligaw, Samm. Si Kael daw." Dinamay pa nila ang nananahimik na tao.

Ngumiti si Kael at inilingan ang dalawa.

"Mikael, why so quiet? Kanina mo pa hinihintay si Samm." Si Ayin.

"Nyenyenye. Ewan ko sa 'yo, Ayin," I mumbled.

Kael looked at me and smiled sweetly. Wala ba siyang balak kausapin ako? Siguro dahil sa last talk namin kaya nagkakahiyaan pa. It wasn't that good.

"Kaye, are you fine?" tanong ni Noah sa babae. Pansin kong kanina pa niya sinusuri ang babae.

"Yes, I'm good."

"Nothing to worry, binabantayan namin ang baby mo," lokong sabi ni Enzo at umakbay kay Karyle. Sumama ang tingin ni Noah kay Enzo.

"Bro, do you want to meet your ancestors?" si Kael.

"She's uncomfortable. Take your hands off of her," utos ni Noah.

"Selos daw siya, huwag kang clingy sa hindi mo bebe," I teased. Galit na tumingin sa akin si Noah. "Chos lang," dagdag ko. Katakot baka ilunok ako nitong katabi ko.

Tinawag kami ni Ate Nics sa pinakaharap na table. Nakita ko si Tito na naroon na rin. Ang buong pamilya nila ay nasa iisang table, ako lang ang naligaw.

"Sammantha, you're here. It's been a while," bati sa 'kin ng Daddy ni Noah.

"Hi, Tito. Long time no see," siga kong bati. Natawa siya at bumeso sa akin. Marami siyang kinakausap kaya hindi mapirmi sa isang lugar.

Habang nagpe-play ang birthday greetings kay Tita ay hinuhunta ako ng dalawang babae.

"Nagpunta ka ng birthday ni Mommy, magtatampo ako kapag hindi ka nagpakita sa graduation celebration ko next month," si Ate Nics.

"Kapag may shanghai, pupunta ko," sabi ko. Hindi pa nga ako nakakauwi ngayon, may bago na naman akong schedule.

"Madali lang um-order, Samm."

"Gusto ko gawa mo talaga. Ayoko ng order," I teased.

"Fine! I'll do it myself. Make sure you'll come or else, susugurin kita." Nagbanta pa nga ang ati!

"Samm is busy, Nics. She might not be able to come," singit ni Noah sa usapan namin.

"If someone is important, you'll make time for her no matter how busy you are, Noah. Stop being a kontrabida there. Lagi mong sinosolo si Samm." Umirap si Ate Nics.

"Exactly," si Tita Kate na nakikinig pala sa usapan namin habang nanonood. Tumingin sa akin si Noah, nagtatanong. 

"Makakapunta naman siguro ko, love." Gusto kong masuka sa sinabi ko. Mukhang si Noah din naman.

"Won't it be tiring for you, love?" Noah asked sweetly. Pakitang-gilas sa harap ng Mommy niya!

"Anything for Ate Nics," kindat ko sa panganay niyang kapatid.

"See? Ikaw lang ang may sabing hindi siya makakapunta, Noah."

I don't know if Noah is disappointed or what. Ewan ko rin sa 'kin, padalos-dalos ako ng desisyon.

The party went on. Wala kaming ginawa kung hindi maghuntahan. Noah was quiet the whole time. Palingon-lingon siya sa likuran kung saan nandoon si Karyle.

May dumating na kamag-anak sila Noah kaya umalis muna ako sa tabi niya at pumunta sa mga kaibigan. Ayin laughed at me hysterically.

"You guys are too funny to handle."

"Hindi ako natutuwa."

"You're worrying too much, may magseselos na ba?" Si Enzo na nakaakbay kay Kael.

"Magseselos 'yung sampo, oo. Gusto mo bigyan kita ng isa?"

"Alam mo Samm. I have a dozen. You know who's single? Kael!" Si Mikael na naman ang pinagdiskitahan nila.

"Who told you I want to be taken?" Si Kael.

"Nagsasalita ka pala, Kael? Muntik ko nang malaman," I joked. Para mabawasan kahit kaunti ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"Yes, Sammantha. I do speak."

"Weh? Isang I miss you nga," loko kong sabi.

Natahimik si Kael, samantalang tinawanan ng tatlo ang pagiging balisa niya. He shook his head and faced Karyle.

"Are we loud? I'm sorry, they just got out of the mental," anang lalaki sa babae.

"Samm is asking for your I miss you though," si Kaye. Gumawa kaming lahat ng tunog dahil walang kakampi si Kael.

"Biro lang, Kael. Baka seryosohin mo," sabi ko.

"You've always been unserious about me," aniya. Nakangiti pero makahulugan 'yon.

"Ayin, gusto mo mag-picture do'n?" si Enzo.

"Sure! Let's go, Kaye, let's take a picture together."

"Hoy, sama 'ko. Gusto ko rin!"

"No, Samm, you can't. Noah might need you later, you have to stay there." si Ayin. Iniwan nila kami ni Kael sa table, sinadya nila obviously. Parang gusto ko na lang bumalik sa table nila Noah, kaso may kausap pa rin sila.

Bumalik ako sa pagkakaupo. Tumingin sa akin si Kael. Tinaasan ko siya ng kilay. Nagsalin siya ng alak sa baso at uminom. Ginaya ko siya.

"Crush mo pa rin ba 'ko?" tanong ko kay Kael. Tinawanan muna 'ko ng lalaki.

"You haven't changed, Samm."

I flipped my hair. Pinagkrus ko ang mga braso at sumandal. "Maganda pa rin. May dapat bang baguhin? Ikaw ang nagbago," I said.

"What?"

"Nawala na 'yung tatoo mo sa wrist." Bumaba ang tingin ko sa kamay niya.

"You noticed that? Pinaalis ko."

"Ouch," ani ko. Kunwari nasaktan. "Mas naging tahimik ka. Siguro sa isip mo 'ko minumura. Ang tahimik mo, eh."

He chuckled. Nagsalin pa siyang minsan ng alak sa baso niya at tinungga 'yon. Ginagaya ko bawat galaw niya.

"Can you handle your liquor now?"

"Sa pagkakatanda ko, ikaw 'yung lasing na umiyak noon, not the other way around. Mali ba 'ko ng naaalala?"

"You also get wasted easily," aniya.

"Malakas na 'ko ngayon. Pustahan tayo?" Hamon ko. Kinuha ko ang alak at nilagyan siya sa baso niya. Nilagyan ko rin ang akin. Itinaas ko ang baso ko nang may umagaw no'n mula sa likuran. Noah is standing behind me.

"Mom is looking for you, let's go," sabi niya. Tumingin ako kay Kael at nakipag-fistbump.

"Huwag kang magpakalasing, baka umiyak ka ulit," I'm still teasing him. Kaso si Noah ay nagmamadali ata, kulang na lang kaladkarin ako papalayo kay Kael.

"Nagseselos ka ba?" prangka kong tanong.

"Jealousy is corny, Samm. I don't get jealous."

Pinakilala ako ng Mommy niya sa mga malayong kamag-anak ng mga Hernandez. After ng mga presentation ay saka pa lang nagkainan. Lahat ng mga Hernandez at kaibigan ni Noah ay sa loob, sa labas ang ibang bisita.

We had a long night. Ala-una na ng madaling araw natapos ang lahat.

"Kay Kael na lang ako sasabay pauwi, Noah. Ihahatid mo pa si Karyle, 'di ba?"

"No," tutol niya agad. "Ako ang sumundo sa 'yo, ako ang maghahatid."

"Aksaya ka sa gas, Noah."

Nagpaalam ako kila Tita at sa tropa. Wala palang dala na kotse si Kael. They're all in the same car. Kotse ni Enzo. Sabay-sabay kaming lumabas ng mansiyon.

"Samm, ingat ka raw sabi ni Kael."

"Shut up," rinig kong usal ni Kael kay Enzo.

"I miss you raw! Sa 'kin pinasasabi," sigaw pang minsan ni Enzo. Lahat sila nagtatawanan sa kabilang kotse. Gusto ko rin do'n. Ayoko maki-third-wheel dito!

"Mga siraulo—" nagsasalita pa ako nang paandarin ni Noah ang sasakyan kaya nauna kaming nakalabas. Bastos 'to.

"How was it?" Tanong ni Noah.

"Ayos lang. Grabe, bakit ang dami kong kakabisaduhin na kamag-anak mo? Sa mga pinsan mo pa lang, suko na 'ko, Noah."

"I'm not asking you," cold na sabi niya. Saka ko lang na-realize na kay Kaye pala siya nakatingin.

"Kausap ko sarili ko, hehe. Huwag niyo 'ko isipin." Sana lamunin na 'ko ng lupa.

"I had a good time with your friends. I ate a lot," sagot ni Karyle.

"Sorry I wasn't able to escort you the whole night. You know my situation."

Dumako ang kamay ni Karyle sa hita ni Noah. Ngumiti siya sa lalaki. "It's fine, you can make it up with me next time." Mahinhin siyang tumawa.

Kinuha ko na ang cellphone ko kaysa makinig sa kanila. 'Yung chat ko kay Luke kanina pa, hindi niya pa rin nababasa. Maaga nga sigurong nakatulog 'yon. Nakalimutan ko na rin mag-update kanina.

Nauna naming hinatid si Karyle sa condo niya. Nang makaalis na ang babae, nagkaroon ako ng chance mag-ingay.

"Sabihin mo na lang kaya sa family mo na wala na tayo at may bagong girlfriend ka na?" ani ko. "Hindi deserve ni Karyle itago, Noah. Nahihirapan din 'yon."

"She's not my girlfriend yet," sagot niya. Hindi pa girlfriend, gano'n na kasweet?

"Kahit pa. Sabihin na nating nililigawan mo siya. Deserve naman ni girl ma-recognize nila Tita."

"We have our plans, Samm. We'll take it slow. Ayokong biglain si Mom. She'll know I'm lying all this time."

"Sabi ko nga." Sumuko na lang ako kaysa makipagtalo pa sa kaniya.

"You and Mikael have talked?" nagtanong siya matapos ang mahabang katahimikan. Tinignan ko siya sa salamin, he's looking at me too.

"Oo, saglit lang. Dumating ka kasi."

He smirked and plastered an evil look. "So nakaistorbo pala 'ko kanina?" he asked.

"Medyo. Hahamunin ko pa sana ng inuman 'yung tao, dumating ka na. Panira ka."

"My apologies then, nasira ang date niyo," sarkastiko niyang sabi.

"Sige, apology accepted."

"You and Kael are hopeless, you're in a relationship."

"Bakit ba apektado ka?"

"I'm not, Meriah."

Kaya pala Meriah tawag sa 'kin sa halip na Samm. Tuwing galit lang naman siya ganiyan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...