Truce (Erityian Tribes Novell...

By purpleyhan

5.1M 179K 96.9K

Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen. More

front matter
00 - Prelude
02 - Takeoff
03 - Assembly
04 - Trouble
05 - Eyes
06 - Summoned
07 - Ambush
08 - Role
09 - Support
10 - Resolve
11 - Restricted
12 - Victory
13 - Reminiscence
14 - Memories
15 - Future
preview

01 - Hill

310K 11.6K 4.4K
By purpleyhan

***

Rainie,

The right time has come.

Hindi na naman ako makatulog mamaya sa dami nang tumatakbo sa isip ko. Maging sina Akane at Riye, gising pa rin. May benda ‘yung binti ni Akane dahil sa nangyaring chase kanina pero agad-agad naman nagamot ni Dra. Yuuki ‘yun kaya pwede siyang dito na magpahinga pero nagbabasa siya ng libro ngayon. Si Riye, naman, nagpapractice mag-track ng Shinigamis.

Kahit mag-iisang taon na simula nung nangyari ‘yung war, fresh pa rin sa isip ko lahat ng nangyari. Lagi kong sinisisi ang sarili ko dahil sa pagkamatay ni Demi at dahil napakahina ko noon. Pero kapag naaalala ko ‘yung sinabi nung Huntres during the war, lumalakas ang loob ko. I want to be like her. Kahit nasa gitna kami ng laban nun ay wala siyang pinakitang kahinaan, kahit na andaming namamatay sa paligid niya.

“Still thinking about it, nee-san?”

Natigil naman ako sa pag-iisip nung narinig ko si Riye. Nakatingin na rin sa akin si Akane habang nakataas pa ang kilay niya.

“Fine, fine. Hindi na. Pero wala ba kayong balak matulog?”

“Mamaya na lang. Kailangan ko pang pag-aralan ‘to,” sabay taas ni Akane doon sa makapal na librong hawak niya.

“Ako rin, mamaya na lang. I still need to practice,” dagdag naman ni Riye.

“Besides, hindi ka rin naman matutulog pa, ‘di ba?” tanong pa ni Akane habang nakasmirk.

Nakakalat sa kama ngayon ‘yung mga librong may ancient text at tinatranslate ko sila isa-isa. After months of deciphering and decoding them ay nalaman na namin ang codes para sa bawat symbol na nagcocorrespond sa letters. Tinigil muna namin ang pagdedecode doon sa libro about sa Seventh Sense at inuna namin ‘yung may kinalaman sa history ng bawat tribes. Binigyan kasi kami ng permission para maghanap ng libro sa restricted section, though ang totoo niyan ay pinilit ko lang si Papa. Sabi niya, hindi raw papayag ang elders pero gumawa siya ng paraan para hindi kami makita o matrack. After that ay nakakuha kami ng ilang libro at nagmukha nang library ang kwarto namin.

Si Akane kasi ay nagfofocus ngayon sa pag-aaral ng interpretation ng sounds na ginagawa ng tao. Although hindi pa ganoon kadeveloped ang sixth sense niya to the point na pati ‘yung breathing, pulse at heartbeat ay naririnig niya, ay nagsisimula na siyang mag-aral tungkol doon.

Si Riye naman, may mga inuwing books galing sa clan niya para maging Shinigami tracker. Humihingi rin siya minsan ng tulong kay Ms. Reina kapag nandito siya though madalang lang ‘yun dahil sa mission nila.

Pinagpatuloy ko ang pagtatranslate ng texts pero minu-minuto ay tumitingin ako sa phone na bigay ni Darwin. I’m still hoping na magbibigay ulit siya ng message pero walang dumating. Tumayo ako at napatingin sa akin sina Akane at Riye.

“Alis muna ako,” sabi ko sabay kuha ko sa isang cloak sa closet.

“Sa hill na naman?” sabay ngiti sa akin ni Akane.

“Mag-aral ka na dyan,” sagot ko na lang sa kanya.

Lumabas ako sa kwarto namin at dahan-dahang bumaba sa hagdan. Nung makalabas na ako sa dorm ay lalo kong ibinaba ‘yung hood ng cloak ko. Napangiti tuloy ako bigla. Sabi kasi ni Papa one time, mahilig din daw umalis sa Mama dati sa dorm kahit na curfew na para pumunta sa library. Hindi raw talaga sumusunod si Mama sa rules. At ngayon, ginagawa ko na rin. Siguro namana ko ‘to kay Mama.

Doon ako dumaan sa kung saan ako hindi makikita habang nagtatago ako sa likod ng buildings at puno. Hanggang sa makarating na ako sa gubat. Kapag may gumugulo sa isip ko, sa burol na rin ako pumupunta dahil nakikita ko ang buong campus. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala lahat ng problema ko nang panandalian. Napangiti ulit ako nung nakita ko ang green flowers habang naglalakad ako. Simula kasi nung malaman kong favorite ‘yun ni Mama ay sinimulan kong itanim sila malapit sa may burol. Pumitas ako ng isa at saka ako umakyat sa taas. Pag-akyat ko ay kitang-kita ko ang lights sa bawat building pati na rin sa plaza. Gusto ko sanang ipakita ‘to kay Demi kaso...

Huminga naman ako nang malalim para pigilan ‘yung luha ko. Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin ako sa nangyari. Nang matapos ang war, gabi-gabi kong napapanaginipan si Demi. Kahit na alam kong magkasama na sila ni Mama ngayon, nalulungkot pa rin ako. Masakit na kapag gumigising ako, hindi ko siya nakikita sa tabi ko o sa loob ng kwarto. Kaya everytime na gigising ako ay dumidiretso ako sa puntod nila ni Mama. Kaya nga minsan ay mas gusto ko nang may lessons o kaya may case para hindi ko maisip si Demi. Pero kapag mga ganitong oras, lagi ko siyang naiisip pati na rin lahat ng nangyari nung war.

Kinuha ko ‘yung phone sa bulsa ko at tinignan ko ulit ang message ni Darwin. Ito na nga ba ang tamang panahon para sa balak namin? Natatakot ako sa pwedeng mangyari pero ito ang dapat naming gawin. Dito nakasalalay ang future ng mga susunod na generations.

“So you’re also here.”

Bigla akong napatingin sa baba at napa-summon ako sa bow ko. Pero pagtingin ko kung sino, si Hiro lang pala. Hindi ko na naman naramdaman ang presence niya.

Umakyat din siya sa hill at umupo siya sa tabi ko.

“What are you doing here?” tanong niya habang nakatingin din sa campus.

“Wala lang. Nag-iisip-isip. Ikaw?”

Bigla naman siyang may inabot na papel kaya kinuha ko. Nung binasa ko ang nakasulat, nagulat ako. No wonder, nandito rin siya. Nakalagay kasi doon ang note ni Mama na mawawala siya nang matagal at hindi niya alam kung kailan siya babalik.

“Kanina lang?” tanong ko. Nagnod naman siya at napabuntung-hininga.

“While we’re on a case.”

“Don’t worry. Kaya niya ang sarili niya. She’s one of the Great Seven.”

“Yeah...”

Kahit sinabi ko ‘yun ay nag-aalala rin ako para kay Mama, at alam kong ganun din si Hiro. Protective siya pagdating sa Mama niya. Siguro dahil natatakot siyang mawala o malayo ulit sa kanya. Ganun din kasi ako kay Papa. Kahit na siya ang pinakamalakas sa amin ay natatakot pa rin ako kapag umaalis siya. Natatakot ako na baka kung anong mangyari sa kanya.

“Hey, don’t think about unneccessary thoughts,” biglang sabi niya kaya kahit sarado ang isip ko ay hinigpitan ko ang pag-enclose nun.

“Sorry.”

Napaisip naman ako sa sixth sense ni Hiro. It allows him to remember almost anything and it can also capture a moment. Ang hirap siguro kapag ganun lalo na kapag hindi maganda ang nangyari. Paano niya kaya nakakaya ‘yun? Hindi kaya nagfe-fade away ‘yung ibang memories niya?

“Hindi ba nagfe-fade away ‘yung thoughts mo minsan?” Pagkatanong ko nun ay napatingin siya sa akin.

“No. According to my Mom, that’s my father’s sixth sense.”

“Huh? Talaga? Ang sabi ni Mama, parang galing daw sa kanya ang sixth sense mo?”

“Not really. Share sila ni Dad. Maybe she just want to brag,” sabay ngiti niya. Napangiti rin ako sa thought na ‘yun. Alam ko namang competitive si Mama. Pero hindi ko akalain na pati sa asawa at anak niya ay competitive pa rin siya.

“So that means, nagfefade ang ibang thoughts ng Dad mo? Pero sa’yo, nagsstay.” Combination nga ng sixth senses ng parents niya. Siguro ‘yung permanent memories ay galing sa Mama niya.

“Yes. I remember what most people want to forget.”

Bigla akong naawa sa kanya at kahit madilim ay kita ko ang lungkot sa mukha niya.

“Here,” sabay abot ko ng green flower na hawak ko sa kanya. “Just fill your mind with happy and positive thoughts.”

“Thanks,” tapos kinuha niya ‘yung flower.

Pababa na sana kami sa burol nang biglang tumunog ‘yung phone ko. Kinuha ko kaagad ‘yung phone at tumango naman si Hiro. Binasa ko ‘yung message ni Darwin.

Rainie,

 

Tomorrow. 11 PM. Yllka Shrine.

Bring two companions.

Pinabasa ko ‘yun kay Hiro dahil balak kong siya ang isa sa isasama ko. Baka si Akane ang isa pa.

“So they are making their move,” sabi ni Hiro habang bumababa kami.

“Yes. At ngayon na nga ang tamang oras para isagawa ‘to.”

***

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
66.8K 3.5K 26
Deities in Town #1 || Eliane Domingo wishes to live normally, finish her thesis, and graduate on time. But with her suddenly becoming the sun god's v...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.3M 79.9K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
199K 8.2K 17
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.