Filming Love

Galing kay pink_opal_27

7.9K 446 1.1K

Can you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with... Higit pa

Cam 001: Shine
Cam 002: Pony
Cam 003: Five Years
Cam 004: Miracle
Cam 005: Stars
Cam 006: Betrayal
Cam 007: Background
Cam 008: Waiting
Cam 009: Caldereta
Cam 010: Onscreen
Cam 011: Lovechild
Cam 012: Tears
Cam 013: Surface
Cam 014: Surprise
Cam 015: Eggs
Cam 017: Care
Cam 018: Again
Cam 019: Crossover
Cam 020: Dad
Cam 021: Mission
Cam 022: Back
Cam 023: Shadow
Cam 024: Author
Cam 025: Bestfriend
Cam 026: Start
Cam 027: Give
Cam 028: Sorry
Cam 029: Station
Cam 030: Bettina
Cam 031: Villain
Cam 032: Merge
Cam 033: Drowned
Cam 034: Reunited
Cam 035: Happy
Cam 036: Family
Cam 037: Alarm
Cam 038: Opportunity
Cam 039: Big Night
Cam 040: Tired
Cam 041: Post
Cam 042: Wrath
Cam 043: Scope
Cam 044: Exercise
Cam 045: Fifth
Cam 046: Two
Cam 047: Bond
Cam 048: End
Cam 049: Ate
Cam 050: Final
Filming Love: A Love that is Yet to be Filmed

Cam 016: Game

144 14 54
Galing kay pink_opal_27

Everyone, the production staff, directors, Ms. Tracy, Rita and Ken are all gathered at the shoreline, habang naka-'indian sit' – a word to describe seating on buttocks while legs are crossed.



Naglabas si Ms. Tracy ng bote mula sa kanyang likuran. Kanina pa pala ito nakaprepare for this game.



"Sorry guys. Kanina ko pa kasi ito naisip. Eh nakakita ako ng bote ng alak na walang laman from the bar counter kaya nilabas ko na while you are all busy sa pagnamnam ng view sa paligid" ani ni Ms. Tracy.



Napatawa ang lahat.



Magkaharap sina Rita and Ken sa isa't isa. Rita is sitting beside the PA and Ken is sitting beside Ms. Tracy. Nag-iiwasan lang sila ng tingin.



"Okay" panimula ni Ms. Tracy, "I will call this game as TYSM. Not as thank you so much, but thank you and sorry much."



Nagbulung-bungan naman ang mga kasali sa game. Lahat ay kasali o pinilit isinali ni Ms. Tracy.



Simple lang ang mechanics ng game. Papaikutin lang ni Ms. Tracy yung bote at kung saan tumigil at nagpoint ang bunganga ng bote ay siyang magbabanggit ng isang pangalan kung sino ang gusto niyang pasalamatan at isang pangalan sa kung sino ang gusto niyang hingan ng tawad.



Nagsimula na ang game.



Unang tumapat ang bote kay Ms. Tracy. Oo gandang bungad ng laro.



"Nananadya yung bote ha. Okay sige gusto kong pasalamatan si Direk Luis for having this project with my mga alaga, and sorry kay Patrick na inagawan ko ng seat sa sasakyan kanina" sabay peace sign sa cameraman na si Patrick.



"Naku Madam Tracy, kulang pa yang sorry mo. Kailangan ko ng libre hahahaha"



Everyone laughed. "Okay next, sino naman kayang tatapatan nito?"



Agad na muling pinaikot ni Ms. Tracy ang bote sa gitna. Napalakas pa nga yata kasi ang tagal na nitong umikot bago tuluyang tumigil at tuluyang tumapat kay....



"Wow second blood!" banggit ni Ken.













Ken's POV



Kinakabahan ako sa pwede kong masabi ngayong gabi. Isang tao lang naman ang gusto kong pasalamatan at hingan ng tawad eh. Itong babaeng kaharap ko.



"Ahmmm" pagsimula ko. Hindi ko alam kung kaya kong banggitin ang pangalan niya sa harap nilang lahat at sabihin kung bakit siya.



"Go na Ken. Naghihintay si Rita oh" pagbibiro ni Direk.



"Wow Sir Ken, si Ms. Rita nga ba?"



"Yieeee"



"Dali na Sir Ken, siya no?"



"Hindi makasalita si Sir Ken"



Sunod-sunod ang panunukso ng grupo sa akin. Lalo yatang namawis ang mga palad ko. Si Rita naman ay nakayuko lang.

















"Yes, ikaw Rita ang gusto kong pasalamatan ng sobra-sobra at hingan ng tawad nang higit pa"

















Unti-unting nag-angat ng tingin si Rita sa akin.











"Ehemmm confession night na yata ito mga friends" pagtikhim at pagbibiro ng lightman namin.



Tumahimik ang paligid. Walang nagsasalita. Lahat naghihintay sa kung ano ang sasabihin ko. Awkward silence. Awkward tinginan din na ipinupukol namin ni Rita sa isa't isa.



"Bakit baby boy? Bakit si baby girl?" simula ni Ms. Tracy, "Go na. This may be your chance" pagbulong pa nito sa akin.











"T-thank you Rita for everything" alanganin ako sa pagsasalita at nararamdaman kong nangingilid na ang luha ko sa kanang mata ko.











"Thank you kasi...kasi pinaramdam mo sa akin kung paano ang magmahal. Binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin at alagaan ka noon"













Ngayon ay tila ba kami na lang ni Rita ang tao rito sa dalampasigan. Tanging samyo ng malamig na hangin at tunog ng humahampas na alon ang kasama namin.









"Pero sorry sa lahat din ng pagkakataon na nasaktan kita, na hindi kita naipagtanggol, na hindi ko naipaglaban ang kung ano man ang meron tayo noon. Naging duwag ako, oo. Pero may pakiusap sana ako, kausapin mo ako. Gusto kong malaman ang lahat-lahat"









Unti-unti nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan pa. Gayundin si Rita, sunod-sunod na rin ang pagluha nito habang nakatingin sa akin while I was talking.











"Sorry kung nagalit kita at sorry kung hindi ko alam ang dahilan kasi ang pagkakaalam ko, ako dapat ang may mas malaking galit sayo more than you to me"









Hinahagod na ni Ms. Tracy ang likod ko. Mabigat sa loob ko ang mga sinasabi ko pero at the same time medyo gumaan ang dinadala ko dahil nasabi ko sa kanya ang mga gusto kong sabihin at malaman pa.







Sobrang tumahimik ang lahat.











Mga after 5 minutes of silence, biglang nagsalita si Ms. Tracy, "Okay let's continue?"







Papaikutin na sana ulit niya ang bote nang magsalita si Rita, "Ms. Tracy, pwede ako nang next?"







Napatingin kaming lahat kay Rita. Bahagyang nagulat.







"Oh sure baby girl, no problem" sagot ni Ms. Tracy.













"I thank Him"  sabay point sa langit, "for giving me such a wonderful man before" then her eyes were set upon me.













"But I'm sorry na hindi ko siya napanghawakan. Sorry Ken. Akala ko ikaw lang ang naging duwag sa ating dalawa pero nagkamali ako. Ako yata ang mas naging duwag kaysa sayo. Super thank you for all the memories that we shared together but sorry because mga lies din ang isinukli ko sayo, na until now, nagsisinungaling pa rin ako sayo at sa sarili ko"













Lalong nagputol-putol ang mga sinasabi niya dahil sumusobra na rin ang pagluha nito.







Agad naman siyang nilapitan ni Ms. Tracy. Hindi ako nakatayo agad dahil parang nafreeze ako sa sinasabi niya.







Kasinungalingan?











Ang mahalin ba ako, isang kasinungalingan lang ba lahat ng 'yun?











"Tubig gusto mo?" pagcomfort ni Ms. Tracy sa kanya. Rita shook her head as a sign of no.







"I'm fine Ms. Tracy."













"Ken"  pagpapatuloy niya habang nakatingin muli sa akin, "is the only name that I would like to thank and ask for forgiveness" pagtapos niya sa statement niya. Agad siyang tumayo at tumakbo pabalik ng hotel.













Everyone was just staring at her back. Kahit ako ay di ko alam ang gagawin. Susundan ko ba siya or what? Natuod na ako sa kinauupuan ko ngayon.









"Are you fine Ken?" tanong ni Direk Luis sa akin. I nodded.







"Naku mukhang mali yata yung game na naisip ko. Sorry Ken ha"



"No Ms. Tracy, okay lang po"



"Eh mukhang naungkat yata yung mga sugat niyo pa diyan sa puso niyo na hindi pa naghihilom hanggang ngayon"



"Sundan mo siya Ken. Mag-usap kayong dalawa. Mukhang kailangan niyo ng closure sa isa't isa" pagpapatuloy ni Ms. Tracy.



"Susundan ko ba? Baka lalong magalit?"



"Tame her para mag-open up na rin siya sayo. Alam mo naman kung anong ugali niya diba? Ayaw niyang may nanghihimasok sa buhay niya but I guess you are not one of those people na ayaw niyang papasukin sa buhay niya. Go, follow her inside" sabay tapik sa braso ko.



Tiningnan ko lahat ng mga kasamahan namin dito. Lahat sila ay tumatango-tango.



"Sige na, lakad na. Magcocontinue na lang kami ng game namin dito para kayo lang tao sa taas"





"Sige po Ms. Tracy"



Huminga ako nang malalim at tumayo na mula sa kinauupuan ko.

















Pagpasok ko ng hotel ay agad kong hinanap si Rita kung nasa may lobby lang siya or sa restaurant. Pag nastrestress kasi yun, pagkain lang ang comfort buddy niya. Alam na alam ko kasi pareho kami.



Wala akong nakitang Rita dito kaya nagpasya na akong umakyat sa kwarto.



Pagkatok ko ay walang sumasagot sa akin. Inikot ko ang doorknob at buti na lang bukas ito.



Pagpasok ko ay nakita kong nakahiga sa kama si Rita, nakatalikod sa pintuan, nakatalikod sa akin. Nakakumot ito hanggang dibdib at tanging ulo lang nito ang kita.



"Rita?"



Unti-unti akong lumapit pero bahagyang nanginginig ang mga tuhod ko.



"Rita, pwede na ba nating pag-usapan? Marami pa akong gustong malaman. Naguguluhan ako sa mga inaasal mo, yung galit mo. Pag-usapan natin kasi gusto ko rin ng closure yung 2022 natin oh."







Hindi pa rin ito sumasagot.







Umupo ako sa kama ko. "Rita" muli kong sambit at alam kong naririnig niya ako dahil sa mumunting paggalaw nito.







"Rita, alam ko, hindi naging maganda ang 2022 nating dalawa. Bigla ka na lang umalis nang walang pasabi. Naiwan ako sa ere. Bakit?" pagtatanong ko. Nahihirapan na akong magsalita dahil sa pagtulo muli ng mga luha ko.







"Rita please naman oh. Harapin mo na ako. Kausapin mo muna ako. Hindi yung ganito tayo, walang imikan. Mag galit. May tampo"







Nalulungkot akong lalo dahil ayaw niyang magsalita. Humihikbi lang siya habang nakaharap sa malaking sliding door ng kwarto.







"Rita, Choi" sinubukan ko siyang muling tawaging Choi.







Simula nang bumalik muli siya ay ayaw na ayaw na niyang tinatawag ko siya bilang Choi na ako rin mismo ang nagbigay sa kanya noon. Sinubukan ko siyang tawagin ngayon kasi gusto ko siya magreact. Gusto kong magalit siya sa akin nang harap-harapan. Gusto kong kausapin niya ako.







Pero bakit tila hindi yata nagwork. Patuloy lamang siya sa kanyang mumunting galaw na animo'y humihikbi.







"Gusto mo bang magpahinga na lang muna? Lalabas na muna ako" pagsuko ko dahil ayaw niya talaga. Baka di pa siya ready.





I was really ready to step out nang magsalita siya, finally.

































"Chow, wag mo akong iwan"



















Those words. Same words she texted me that night of December 23. I remembered it clearly.







Napabalik ako sa kinahihigaan niya.









Unti-unti at maingat ko siyang ipinaharap sa akin.













Nagulat ako dahil ang mumunting galaw niya kanina pa na akala ko'y humihikbi ay panginginig pala.











Agad kong hinawakan ang noo nito upang damhin kung mainit.















"Choi, ang init mo. Nilalagnat ka!"





----------
😍😍😍

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

2.2K 108 6
yan muna hirap palang gumawa ng story
178K 15.8K 30
"α€žα€°α€€ α€žα€°α€…α€­α€™α€Ία€Έα€™α€Ύ α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€α€¬..." "..............." "α€‘α€Ÿα€„α€Ία€Έ..α€„α€šα€Ία€žα€°α€„α€šα€Ία€α€»α€„α€Ία€Έα€œα€­α€―α€·α€•α€Όα€±α€¬α€›α€™α€œα€¬α€Έ..ထတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ α€‘α€α€”α€Ία€Έα€–α€±α€¬α€Ία€œα€­α€―α€· α€•α€Όα€±α€¬α€›α€™α€œα€¬α€Έ...α€’α€«α€™α€Ύα€™α€Ÿα€―α€α€Ί..α€›α€”α€Ία€žα€°α€α€½α€±α€œα€­α€―...
691K 1.2K 22
Smexy One shots😘 Got deleted twice 3rd times a charmπŸ€¦πŸ»β€β™€οΈπŸ˜­
233K 5.2K 74
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad