One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 57

1.3M 31.1K 6.3K
By jonaxx

Kabanata 57

Panaginip

Pawisan si Arielle habang umiiling iling. Kumunot ang noo ko at tiningnan siyang mabuti. Parang may bumabagabag sa kanya ngunit nakapikit parin naman siya.

"Wag!" she cried.

Tumayo ako at luminga linga. What's wrong with her? Tumutulo ang kanyang pawis sa noo at umiiling iling. Patuloy ang pagsambit niya ng kung anu-ano.

"Wag! Tama na! Please! Ayaw ko na! Please!" Umiiyak na siya.

Hindi na ako magkanda ugaga. Hindi ko alam kung magtatawag ba ako ng nurse o ano. Nilingon ko ang teleponong nasa gilid lang ng kanyang kama ngunit hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya na umiiling parin at parang may kung anong masakit habang halos pinupunit ang kumot.

"Arielle! Gumising ka!" sabi ko sabay yugyog ng kaonti sa kanyang balikat.

It was clear that she's dreaming. Bangungot kung baga. Mabilis ang pintig ng puso ko sa kaba. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko o uunahin ko. Magtatawag ba ako ng nurse?

Punong puno na ng pawis ang kanyang leeg at noo. Hinawakan ko ang kanyang leeg at naramdaman ko ang labis na pag iinit nito. Nilalagnat siya! Shit! I should call the nurse!

Nang iangat ko ang kamay ko para makapagtawag ng nurse sa telepono ay hinawakan niya ng mahigpit ito.

"Wag mo akong iwan! Please, wag mo akong iwan! Brandon!" sigaw niya, nagmamakaawa habang umiiyak.

"Arielle! Gumising ka! Arielle!"

Tinapik ko ang kanyang kamay at balikat. Sa sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko ay ramdam na ramdam ko ang takot niya sa kung ano man ang nangyayari sa panaginip niya. Dumaloy ang pawis  sa kanyang noo habang umiiling siya.

"Tama na! Tama na!" sigaw niya.

"Arielle!" sigaw ko rin habang buong lakas siyang ginigising dahil sa kaba ko sa kung anong nararanasan niya.

Nagmulat siya at mabilis ang hininga niya. Tila tumakbo ng milya milya habang hawak hawak ang kamay ko.

"Andyan pa ba si daddy? Si mommy?" iyak niya. "Sasaktan nila ako! Sasaktan nila ako!" paulit ulit niyang sinabi.

Umiling ako. Gulat at lito ako sa kanyang naging reaksyon sa pagkakagising. Tingin ko ay inakala niyang makatotohanan ang kung ano mang nakita niya sa kanyang panaginip. "Wala na sila."

Bumuhos pa lalo ang iyak niya. "Sigurado ka! Sasaktan nila ako! Nasaan si Brandon? Nasaan siya? Ipagtatanggol niya ako! Nasan siya?" nag huhuramentado na siya sa paghahanap sa lalaking pinaniniwalaan niyang tanging makakapagprotekta sa kanya.

"Wala na ang mommy at daddy mo. Walang mananakit sa'yo," sambit ko, nag papanic na rin.

"Sasaktan nila ako! Please, parang awa mo na! Tawagin mo si Brandon!"

Bumukas ang pintuan at parang nawala ang nakadagan sa aking puso nang nakita ko ang isang nurse at ang lalaking doktor ng mga Garcia.

"Dok! Tulong! Please! Tulong!" sambit ni Arielle habang may itinuturok muli ang nurse sa tubong nakakonekta sa kanyang kamay.

Nakahawak parin siya sa kamay ko at nanginginig iyon. Tinanguan siya ng doktor at hinaplos ang kanyang noo.

"Don't worry now, Arielle," banayad na sambit ng doktor habang unti unting nanghihina ang kamay ni Arielle na nakahawak sa akin.

Umiiyak parin siya. "Doc? Please..." paulit ulit niyang sinabi.

Nilingon ako ng doktor at wala akong maipakitang ekspresyon kundi pagkalito sa nangyayari kay Arielle. Nang nalingunan niya ako ay umiling lamang siya.

"May ganong mga panaginip siya. Usually triggered by stress. Where's Brandon?" tanong niya sa akin.

"Umuwi po para magpahinga." Nilingon kong muli si Arielle. "Ano po ba ang ginawa ng kanyang mommy at daddy noon sa kanya, dok? Bakit parang sobra sobra ang takot niya?"

Hindi siya umimik. Nilagyan lamang niya si Arielle ng thermometer habang may tinitingnan pang mga gamot ang nurse sa tray para iturok muli sa tubong naka konekta kay Arielle. Alam kong maaaring alam ng doktor ang lahat ng sekreto sa pamilyang Garcia at binayaran siya upang manahimik. Hindi ko na kailangang mag tanong, kung ganon. Kung ano man ang nagawa ng tumayong daddy at ng kanyang mommy noon ay maaaring sobrang sama non para magkaroon ng lamat sa kanyang pagkatao.

"Is she okay?" tanong kong muli nang hindi talaga siya umimik pagkatapos niyang makita ang temperatura ni Arielle.

"May lagnat lamang siya. Pagkarating ni Mr. Garcia dito-"

"Hindi ko alam kung babalik si Mr. Garcia pero si daddy ko, Atty. Pascual po babalik mamaya. Baka siya ang makausap niyo."

Umismid ang doktor at tinanguan na lang ako. "Okay, then. I'll be back when he's around."

Umalis ang doktor kasama ang nurse at naiwan akong mag isa kasama ang tulog na si Arielle sa kwarto. Tiningnan ko siyang mabuti at bakas parin sa kanyang mukha ang takot sa nangyari sa panaginip.

Tumunog ang pintuan pagkatapos ng ilang sandaling pagmamasid ko kay Arielle. Sa gulat ko ay nilingon ko kaagad kung sino ang naroon at nakita kong nakatayo na si Brandon doon. Bagong ligo at nakapag bihis na ng ibang damit. Umiling ako at hindi ko nagustuhan na hindi siya nakapagpahinga. Limang oras lamang ang pagitan nang umalis siya. But then again, he cares for Arielle that much to be right here when she needs him. I can't be angry to him for that.

Tumikhim siya nang nakitang tinitigan ko lamang siya nang dumating. Nilingon niya si Arielle. Nilingon ko rin ang kapatid kong tulog.

"Kanina nagising siya sa isang masamang panaginip. May lagnat din yata siya. Pero maayos ayos na yata siya ngayon," sabi ko.

Lumapit si Brandon sa gilid ko at umupo sa kama ni Arielle. Nilingon niya ako.

"Did she panic?" tanong niya.

Tumango ako. "Hinanap ka niya." Hindi ko maiwasan ang pait sa boses ko. "Takot na takot siya nang nagising siya."

Tumango rin siya. "Paano siya nakatulog muli?"

"Pinatulog yata siya ng doktor. I don't know. May itinurok lang sa kanya."

Tumango ulit si Brandon. "One of her nightmares again."

Naisip ko kung paano inaalu ni Brandon si Arielle tuwing binabangungot ito noon. That's how dependent she is to Brandon. Baka nga hindi siya makatulog kung wala si Brandon. Nakatulog lamang siya kanina dahil sa gamot. Brandon is her medicine.

Hinawakan ni Brandon ang kamay ko. Halos tumalon ako sa gulat sa ginawa niya. Pinagmasdan ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"You should rest," aniya.

"No, you should. Hindi ba ay wala kang tulog simula pa kagabi sa pagbabantay kay Arielle?" Gusto kong kwestyunin ang pag punta niya rito ngayon at gawing suhestyon sa kanya ang umuwi para makapag pahinga pero sino ako para sabihin iyon sa taong nag aalala?

"I'm fine. Ikaw? Hindi ka ba pagod? Umuwi ka muna. Nag luto ako ng pagkain sa condo. Pagkauwi mo mamaya, i microwave mo lang," pagod siyang ngumiti at hinila niya ako patungo sa kanya,

Nagpatianod ako sa kanyang hila. Niyakap niya ang aking baywang. Nagulat ako nong una ngunit nagawa ko paring haplusin ang kanyang buhok. I love Brandon so much. Ngunit sapat nga ba ang pagmamahal para ipag laban ang kahit ano?

"Lagi ba siyang binabangungot?" tanong ko.

"Hmmm. Mas madalas noon," sagot niya.

"Anong ginagawa mo pag binabangungot siya?"

"I'm not always there everytime, sweetheart. Pero noon ay inaalu ko siya."

Tumango ako. "Nakakatulog ba siya pagkatapos mo siyang aluin?"

"Yes."

Hindi ako nagsalita. May nagbarang bukol sa aking lalamunan at kung lalabanan ko iyon ay baka mamaos lamang ako.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi? I'm sorry. Hindi ko alam na hindi nasabi ng daddy mo sayo."

"I don't want to go home without you, Brandon." Hindi ko napigilan ang sarili ko. I know it sounds like I'm being needy and clingy but I don't care anymore.

Sa totoo lang ay litung lito na ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. How I wish I could tell Brandon that. Sana ay kaya kong sabihin sa kanya na tulad ni Arielle ay kailangan ko rin siya. Kailangang kailangan pero ayaw kong magpakababaw. Malinaw na si Arielle ang mas nangangailangan. Malinaw na ang kababawan ang paghingi ko ng atensyon galing sa kanya. Malalim ang pinag daanan ni Arielle kumpara sa pinag daanan ko. Mine involved only of feelings of betrayal and mistrust, hers involved violence and anxiety.

"I'm sorry. Uuwi tayo mamaya," nag angat siya ng tingin sa akin.

Umiling ako." Hindi, ayos lang ako. Ikaw ang dapat na umuwi mamaya para makapag pahinga. I'm sure dad can stay here later, I'll talk to him. And then, I'll be with mom at home muna for the mean time."

I assured him. I smiled at him. Kitang kita ko na pinagmamasdan niya ako para makuha kung ano talaga ang iniisip ko but my smile was geniune. Walang kasinungalingan sa matamis kong ngiti.

Napatalon ako nang narinig kong tumunog ang pintuan ng silid. Bumitiw si Brandon sa akin at nakita naming pumasok si daddy at mommy doon. Lumayo ako kay Brandon. Nakita ko kung paano tumingin si daddy sa mga braso ni Brandon na kakalubay lamang sa aking baywang.

"Ang akala ko ay magpapahinga ka, Brandon?" salubong niya.

Tumayo si Brandon. "I'm fine, Attorney."

"You should go home and rest, Brandon. Si Guillermo ang magbabantay kay Arielle ngayong gabi," ani mommy.

"Yes. You should rest. Ang sabi din ng doktor ay maaaring makalabas na siya bukas. No need to stress yourself for Arielle."

Tumango si Brandon. "That's a great news po."

"Brandon, please, you should at least rest," ngiti ko.

Bumalik ang doktor ng mga Garcia para makausap si daddy. Sumama si Brandon sa paglabas dahil iyon ang ginusto ng doktor na gawin niya. Nanatili kami ni mommy sa loob ng silid habang si Arielle ay tulog na tulog parin ngayon.

Sinuklay ni mommy ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"What are you thinking?" tanong niya.

Pagod ang tipid kong ngiti nang harapin siya. "Mom, she really was abused."

"Si Arielle?"

"Yup. Nagising siya kanina, naghuhuramentado at umiiyak dahil sa masamang panaginip niya."

"Tapos? Anong ginawa mo?" tumigil si mommy sa pagsusuklay sa buhok ko.

"I assured her that it's all okay. Kahit na nag papanic na rin ako. Mabuti na lang dumating ang doktor."

Pagod na ngumiti si mommy.

Ilang sandali rin ang masinsinang pakikipag usap ni daddy at Brandon sa doktor. Nagpaalam pa si Brandon na pareho silang pupunta ni daddy sa clinic niya sa baba para sagutin ang ilang mga tanong tungkol sa mga gawain ni Arielle na pang araw araw.

Gabi na kaya sinabi ko kay Brandon na mas ikabubuting umuwi siya mamaya at magpahinga muna para bukas ay makabalik siya. Isa pa, napabayaan niya na yata ang trabaho niya dahil sa nangyari but it's all okay. It's for Arielle's sake anyway.

Unang nakalabas si daddy sa clinic. Tingin ko ay may mga tanong pa ang doktor tungkol sa naging kalagayan ni Arielle noong umalis siya sa kanilang bahay kaya ganon.

"Avon, let's go home. You should also rest," yaya ni mommy.

Gusto ko pa sanang antayin si Brandon ngunit sinabi niya rin sa akin sa pamamagitan ng text na mauna na daw ako sa pag uwi para masamahan si mommy. Uuwi din daw siya pagkatapos sa clinic kaya tumulak na kami ni mommy. Dad will stay here for tonight. Para mabantayan si Arielle.

Sa bahay ay nanatili akong dilat. Kahit na tinabihan ko si mommy sa pagtulog ay hindi ako dinadalaw ng antok. Nakakuha ako ng text galing kay Brandon ng mga hating gabi na.

Brandon:

I'm home. I hope you're already sleeping, sweetheart. I love you.

Kahit na gising pa ako ay hindi ko na nireplyan ang text niya. I'm not sure if I should. Naisip ko si Arielle at ang takot niya nang gumising siya at ang paghahanap niya kay Brandon. Huminga ako ng malalim at pumikit.

Nagising na lang ako kinaumagahan sa pagtatalo ng mga pamilyar na boses sa aking buhay. It's mom and dad again. Unti unti kong idinilat ang aking mga mata.

"Guillermo, you can't do this!" Mahinahon ang boses ni mommy.

"Arielle needs all the help she can get. Camila, I am so guilty. Ang dami dami kong pagkukulang sa kanya kaya nagkakaganito siya ngayon. Kung kaya kong ibigay sa kanya lahat, ay gagawin ko. Ibibigay ko sa kanya."

Kinusot ko ang mga mata ko. What is it again this time? What's wrong again this time?

Continue Reading

You'll Also Like

119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...
26.2M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...