Wanted: Mr. Perfect (Publishe...

By xMissYGrayx

3.5M 89.4K 8K

Payapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard... More

Wanted: Mr. Perfect
Perfect 1: Agent X
Perfect 2: Price tag
Perfect 3: Epic Fail
Perfect 4: Babe or Babae?
Perfect 5: What's your fantasy?
Perfect 6: Jealousy is the ugliest trait
Perfect 7: Garreth
Perfect 8: Walang Iba
Perfect 9: When Curiosity Strikes
Perfect 11: Bakit pa-fall?
Perfect 12: Torn In Between
Perfect 13: #PrayForAshleyEsqueza
Perfect 14: Pinoy Style
Perfect 15: Harana nga ba na maitatawag?
Perfect 16: Pusang gala naman, oh.
Perfect 17: How to learn to kiss?
Perfect 18: No Rules
Perfect 19: Confused dahil sa selos?
Perfect 20: Galleon Ship
Perfect 21: Horror House
Perfect 22: Describe mo nga!
Perfect 23: Hugot pa, Ashlita.
Perfect 24: Hugot Part Two
Perfect 25: Ikaw Lang
Perfect 26: Thank you, sagad.
Perfect 27: Possessive Garreth?
Perfect 28: Pushing and Pulling Me Down To You
Perfect 29: Tanga Na Kung Tanga
Perfect 30: Bugbugin Kita Dyan!
Perfect 31: Giling Mo Lang
Perfect 32: May The Best Man Win
Perfect 33: Today Was A Fairytale
Perfect 34: Nasa Huli Ang Pagsisisi
Perfect 35: I Choose You
Perfect 36: Trouble
Perfect 37: Another Mishap
Perfect 38: She Will Survive
Perfect 39
Perfect 40
Perfect 41
Perfect 42
Perfect 43
Perfect 44
Perfect 45
Perfect 46
Perfect 47
Perfect 48
Perfect 49
Perfect 50
Perfect Epilogue

Perfect 10: Kumain Ka Ng Suman

71.4K 2K 237
By xMissYGrayx

Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit ko natanong kay Hunter 'yan? Masasabi mo ba na baliw ako kung ayan talaga kasi tumatakbo sa isip ko? Sa kalagitnaan ng malakas na ulan na ito?

Pinitik ni Hunter 'yung noo ko. "Aray!" reklamo ko. "Nanghihina na nga ako pinitik mo pa 'yung noo ko!"

"Nanghihina ka na nga lahat-lahat kung ano-ano pa iniisip mo." tumayo ako ng konti para tingnan 'yung mukha niya. Agad naman hinila ulit ni Hunter 'yung mukha ko at ikinulong sa mga bisig niya.

Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya ngayon.. Skin to skin..

"Pupunta na ba tayo ng langit?" tila naghahalucinate na ako sa nararamdama ko. Para akong adik na naha-high ngayon mga oras na ito.

"Babae." banta nito.

Umiikot na din ang mga bagay-bagay sa paligid ko. Para silang nakangiti sa'kin at nakikisaya sa nararamdaman ko ngayon. Naririnig ko ang mga kalabog ng hangin mula sa sasakyan namin. Mas lalo ata lumalakas 'yung ulan.. Parang puso ko lang ngayon.. Mas lalong kumakalabog..

"Nakakakita na ako ng mga twinkle stars, Hunter.." bulong ko.

Nakakainis. Paborito ko pa man din makakita ng mga ito, pero hindi ako natutuwa sa kanila ngayon. Paikot-ikot sila sa paningin ko.

"Babae?" hinawakan ni Hunter ang noo ko. "Shit. Sobrang init mo."

Pumikit ako dahil ayoko na makita 'yung mga butuin na walang ningning. Pangarap ko pa man din ang tumingin sa kanila habang may nakayakap sa akin na lalaki. At yung tipo na mag-uusap kayo tungkol sa kinabukasan niyo..

Pero ngayon.. Ni hindi ko magalaw 'yung mga labi ko. Mas nilalamig ako. Parang hindi na ulan ang nangyayari sa labas ng sasakyan. Nagi-isnow na ba?

Naalala ko tuloy 'yung palagi kong kinakanta kay Zoey kapag ayaw niya kumain.

"Babae, kaya mo pa ba? Hahanap lang ako ng tulong. Hindi tayo pwede nasa sasakyan lang magdamag. Sobrang init mo."

Hindi pumapasok 'yung sinasabi ni Hunter sa akin. Alam ko naman hot ako, hindi ko lang magets bakit kailangan niya pa sabihin ng malakas.

"Babae? Nagugutom ka na ba? Kukuha ako ng pagkain sa kabilang sasakyan. Hintayin mo ako." sabi nanaman nito.

Parang tanga na naririnig ko ang sarili kong boses kapag kinakantahan ko si Zoey.

"Gusto mo ba kumain ng suman~" 
"Mabubusog ang iyong tyan~"
"Sana maubos to, hindi pwede.. Maraming tiraaaaa~"

"Babae, nasisiraan ka na talaga ng ulo? Bakit iba version mo ng Frozen na kanta?" pinipilit ni Hunter iangat  'yung mukha ko pero ang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya kaya wala si'yang magawa.

"Para di ako magalit~"
"Pero kung gusto mo, ako ang kakain niyaaaaan~"

"Ano, babae? Natatakot na ako sa pinagkakanta mo. Umayos ka na."

"Kumain ka ng suman." sabi ko.

Pilit na talaga tinatanggal ni Hunter 'yung pagkakayap ko sa kanya.

"Bakit ako kakain ng suman?" tanong nito. "Hindi ako mahilig sa suman, babae."

"Okey, fine..."

"Babae, ngayon ko lang nalaman na mas malala pala 'yung utak mo kapag may sakit ka." sabi nito. Nagsiksik pa tuloy ako lalo sa kanya. Napa-ah ako dahil ang sarap sa pakiramdam ng dibdib niya sa mukha ko.

Gustong gusto ko isiksik ang mukha ko sa kilikili ni Hunter.

"Wag dyan, babae! Umayos ka nga."

"Gusto ko mainitan, Hunter..."

 "Babae!" tulak nito sa akin.

Panay padin kase ang lapit ko ng mukha ko sa kili-kili niya. Kahit ilan taon na kami magkasama ni Hunter ngayon ko lang nalaman na ang bango niya.. Kahit basa si'ya ng ulan.. Ang bango bango niya.

Gusto ko si'ya kagatin.. O lasapin...

"Hunter... Patawarin mo ako sa gagawin ko..." hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Kusa na din gumagalaw ang mga kamay ko. Umangat ako para tingnan si'ya.. Ang focus lang ng mga mata ko ay ang ABS niya. Napalunok ako dahil kahit masama pakiramdam ko buhay na buhay na ngayona ang YUMYUM hormones ko.

"Babae.." nanlaki ang mata nito at nakahawak 'yung kamay niya sa noo ko tila pinipigilan ako.

"Hunter.." napakagat labi pa ako. "Hunter.. Oh, Hunter..." tinanggal ko ang kamay niya sa noo ko.

"Ashley! Wag!"

Pero huli na ang lahat. Wala na si'yang nagawa dahil panay na himas ng ilong ko sa pinaka paborito ko na parte ng katawan niya... 

His ABS.

Itinulak ako bigla ni Hunter dahilan upang mapahiga ang katawan ko sa kabilang dulo ng sasakyan. HIndi ko nanaman makuha ang lakas ko para tumayo.. 

"Nagugutom na ako.." Iyak ko. "Gusto ko kumain ng suman! Nagugutom na ako.. Mommy.. Nagugutom na ako... Ang sakit pa ng ulo ko!" 

"Babae, shh. Tahan na."

"Nagugutom na ako!" iyak ko padin ang tinakpan ang mukha ko.

Nagcurled ako na parang fetus. Nagugutom na talaga ako. Narinig ko bumukas 'yung pinto, mukhang lumabas si Hunter. Ilan minuto din si'ya nawala bago makabalik.

"Oh, ito muna kainin mo.." lumapit si'ya sa akin at iniangat ang ulo ko.

"A-ano 'yan?" nanghihinang tanong ko.

"Hindi 'to suman pero makakain mo. Ibuka mo bibig mo, babae."

Umiling ako. Para na akong nababaliw dito. Hindi ko na alam kung nasa tama pa ba ang pag-iisip ko. Hindi ko na kasi ito macontrol. Gusto ko i-shut down 'yung system sa katawan ko. Ayoko na. Ayoko na.

"Gusto ko kumain ng snuwman~" 
"Nang mabusog ang aking tyan~"
"Ibili mo ko niyan ngayon, pangako ko, hindi ako mag titiraaaaa~"

"Babae!" rinig ko sigaw ni Hunter.

Nang magsimula nanaman kumanta 'yung bibig ko.

Buti na lang medyo inaantok na ako at dahan dahan na pumipikit ang magaganda kong mga mata. "Okey, fine..."

**

Nagising ako na sobrang sakit padin ng ulo ko. Shiat, daig ko pa ang may hangover. Napahawak ako sa noo na may towel na nakapatong dito. Hala? Anong nangyari? Nakasarado lahat ng bintana sa kwarto. Naririnig ko ang malakas na hangin mula sa labas.

Pilit ko inalala kung anong nangyari. Sana wala akong nagawang kahihiyan. Sana.. Sana.. Narinig kong tumunog ang iphone ko kaya agad akong napatayo. Medyo nahihilo pa ako kaya napaupo ako sa kama.

Asan na ba iphone ko? Hinanap ito ng mga mata ko. There! Nasa gilid ng cabinet. Nagdahan dahan ako sa pagtayo this time dahil baka mahilo nanaman ako. Pagkatingin ko may tumatawag..

Garreth Calling....

Shiat! Hanggang ngayon pa naman ba? Hindi niya ko titigilan? Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko ngayon at sinagot ko 'yung tawag niya.

"Pwede ba." napaubo ako. "Wag... ka nang tumawag.." 

"Hoy, anong nangyari sa'yo, may sakit ka ba Ashley Esqueza, ha? Ano? Sumagot ka!"

Napatingin ako sa iphone ko. Sino si'ya para sigawan ako?

"Kung may sakit man ako  ngayon. Wala kang pakialam! Bye!" binabaan ko na si'ya at hinagis 'yung iphone sa cabinet.

Naglakad na lang ako papunta sa pinto at binuksan ko ito dahan-dahan. Sumilip ako kung sino ang nasa sala dahil naririnig ko ang pag-uusap nila.

"Sigurado ka ba na mauubos niya ito, anak? Ang dami naman suman nito." rinig kong sabi ni Inang Marya. 

Sinundan ko 'yung kamay niya at nakita ko na maraming suman na nakalapag sa harap ni Hunter. Katabi naman nito si Josa na kumakain na ngayon sa suman sinasawsaw pa sa asukal. That bitch! Sinong nagsabi na pwede si'ya kumain niyan?

"Opo, 'nay, paborito niya kase 'yan." sagot ni Hunter dito.

"Pansin ko nga, pre." singit ni Andeng. "May sinasabi si Ashley kanina, noong buhat buhat mo si'ya eh. Pero naiintindihan ko lang puro suman suman."

"Ha ha ha. Iba pala 'yung babae na 'yon kapag nagkakasakit. Naghahanap ng suman."

"Ala eh, ibigay niyo na kay Ashley 'yan. Bago pa magising yoon." 

Paatras na sana ako ng makita kong pinigilan ni Josa si Hunter sa pagkuha dito. Nag-init nanaman 'yung ulo ko!

"Teka lang, penge ulit. Konti na lang sa kanya, may sakit naman 'yun di niya 'to mauubos."

Tinabig naman ni Andeng 'yung kamay ng kapatid nito. "Hoy, Josa! Wag ka nga gahaman! Magmuka kang suman dyan, day! Bigay mo na kay Ashlita 'yan, Hunter."

Nang makita kong patayo na si Hunter agad akong tumakbo pabalik sa kama at nagtakip kunwari ng kumot. Tumayo ulit ako hinanap ko 'yung towel na nasa noo ko kanina at ibinalik sa dati.

Pumikit ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. May yabag na papalapit sa'kin.

"Babae.."

Hindi ako sumagot. Isa pa pulit. Ninamnam ko ngayon ang pagtawag niya sa akin niyan.

"Babae.. Hindi ka pa ba gigising? Nag-aalala na ako sa'yo.."

Kunwari dahan-dahan ko binuksan ang mata ko para may effect. Umakting ako na kunwari nanghihina.

"A-ano nangyari? Nasaan ako?" tanong ko. 

"Thank God, babae, nagising ka din." nakitaan ko ng relief 'yung mata niya. "Nasa kwarto ka. May masakit ba sa'yo?"

Umeffect ako na padahan-dahan ang iling.

"Nagugutom ka ba? Bumili ako ng suman."

"Ayoko na ng suman."

Nagulat ito. "Bakit? Parang kanina lang ito lagi binabanggit mo."

"Sumasakit ang aking tiyan."

"Sa gutom 'yan, babae. Wala ka pa kasi nakakain. Ano ba gusto mo? Magluluto ako."

Tumalikod effect ako. Pero ang totoo natatawa na kasi ako. "Wala. Ayoko kumain.. Wala akong ganang kumain.."

"Babae, paano ka lalakas niyan? Kumain ka. Magluluto ako."

"Ayoko.."

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Ano ba gusto mo gawin ko para kumain ka?"

Gusto ko isagot na sumayaw ka sa harap ko na pang Magic Mike pero agad ko naman napigilan ang sarili ko.

"Babae?"

"Wala nga..."

Narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto. Sino naman 'yung pumasok?

"Hunter, mamalengke sana ako sa kakain natin ngayon gabi. Kaso sobrang lakas padin ng ulan sa labas." Si Josa! "Pwede mo ba ako samahan?"

Ramdam ko ang paglakad ni Hunter palayo sa akin. "Kunin ko lang 'yung susi ng sasakyan."

Ano? Kukunin 'yung susi? Tapos ano? Sila naman maiistranded? Tapos ano? Mababasa si Josa sa ulan. Magkakasakit. Magugutom. Mahihilo. Maghahanap ng suman? Tapos ano? Siya na 'yung aalagaan ni Hunter at ako all by myself nanaman?

"Araaaaay!" iyak ko.

Agad naman tumakbo si Hunter sa akin na nag aalala.

"Babae, bakit?"

"Sobrang sakit ng ulo ko.. Hunter.. Ang sakit.. Wag mo ko iwan.. Hindi ko alam gagawin.. Ang sakit.. Wag kang aalis.. Hunter.." nakahawak pa ako sa kamay niya.

Sinilip ko si Josa sa likod nito na medyo masama ang tingin sa akin. 

"Hunter.." ulit ko.

"Babae, sasamahan ko lang bumili si Josa ng makakain natin ngayon gabi saka bukas.."

"Wag." napahinto ito. "I mean wag na.. Natatakot nga ko.."

Huminga ito ng malalim at nag-isip saglit. Maya-maya nilingon nito si Josa.

"Magpasama ka na lang kay Joseng hindi kasi pwede iwan si Ashley dito."

"Hunter, paano kung.." naghahanap si Josa ng mararason. "Ah, wala. Sige, alis na ako."

Napangisi ako at napasuntok sa hangin pero nagulat ako ng makita ni Hunter 'yung ginawa ko. Nanlaki 'yung mata niya at umiling.

Takte, nahuli niya ako!

Umiiling iling si'ya na tinanggal 'yung towel sa noo ko at idinikit ang kamay dito sabay sabi.

"Iba ka talaga sa lahat mag-isip, babae."

"Because I'm unique." depensa ko.

Umupo na ako at kinuha 'yung suman sa gilid ng kama. Binuksan ko 'yung isa.

"Penge asukal."

Kahit labag sa loob sinunod naman ni Hunter 'yung utos ko. Teka may sakit padin ako 'no. Napatalon ako ng bigla nanaman magring 'yung iphone ko. Kinuha ko ito agad bago pa si Hunter ang makakita sa caller ko.

Garreth Calling..

Binabaan ko si'ya agad ng hindi sinasagot ang tawag niya. Umupo ulit ako sa kama sakto naman pagdating ni Hunter iniabot sa'kin 'yung asukal. Kumakain ako habang si'ya nanonood sa akin.

"Gusto mo?" yaya ko sakanya.

"Ayoko. Mukhang kulang pa sa'yo 'yan, babae."

"Tse."

"Saka bakit ka kumakanta ng kung ano-ano kanina?"

"Anong kumakanta?" tanong ko. Habang isinubo ulit 'yung suman sa bibig ko. Panguya-nguya pa ako. Wala akong ideya sa sinasabi niya.

"Wala kang natatandaan?"

Umiling ako. "Meron ba dapat?"

Wala ako maalala na ginagawa kanina bukod sa panghihna ko. The rest. Blanko. 

"Wala talaga kahit isa?"

"Wala nga."

Bigla nanaman tumunog 'yung iphone ko, si Garreth nanaman 'yung tumatawag binaba ko agad 'yun.

"Sino 'yan?"

"Wala." I bit my lip.

"Sino nga 'yung tumawag?"

"S-si Dom. Nangangamusta ata."

"Alam ko pag nagsisinungaling ka."

Sinawsaw ko 'yung suman sa asukal. "Hindi naman kasi eh."

Nag-ring nanaman 'yon pero bago niya pa makita sinagot ko agad 'yon at nilagay sa tenga ko.

"Dom! Oo, okay lang ako. Medyo malakas din ulan dito. Pero-- Oo, yeah, okay. Sige, ingat kayo, ha----" naputol ang sasabihin ko dahil sa narinig ko sa kabilang linya.

"I'm fucking coming to kidnap you."

Shiat. Garreth.

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
17M 270K 62
"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then you'll have to endure the pain." He was a...
19.4M 162K 73
One night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind romance started...
142K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...