Embracing Her Lies (THREE KIN...

By LegendArie

5.5M 149K 132K

Three Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler) More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 16

82.4K 2.5K 2.1K
By LegendArie

Necklace

"I can't accept his gift, ang mahal pala," nakanguso kong saad kay Donna. Tinutukoy ko ang kwintas na binigay sa akin ni Blare noong isang araw.

Pinaglaruan ko ang butterfly shaped pendant na nakasabit sa leeg ko, napapaligiran ito ng emerald diamonds na kakulay ng mga mata ng mga Reiflers.

I searched the price of the necklace and it's really expensive, gusto ko na lang tuloy ibalik 'to sa kanya.

Donna chuckled. "Don't worry, hindi naman sila maghihirap dahil diyan. Barya lang 'yan kay Blare."

Lumabi ako at sumandal sa headboard ng kama niya. "They're that rich?" tanong ko.

Humiga si Donna sa hita ko at niyakap ang beywang ko bago sagutin ang tanong ko, ang sweet talaga ng isang 'to.

"Sa sobrang yaman ng pamilya nila, kayang mabuhay ng mga apo ng apo ng triplets kahit hindi magtrabaho," aniya bago bumangon.

Napatango na lang ako, sa klase pa lang ng pananamit at sa gara ng mga kotseng ginagamit nila ay halata nga na hindi basta-basta ang yaman nila.

"Donna, uuwi na nga pala ako. Thank you for letting me stay here," saad ko. I'm really thankful that she's able to be here with me when I needed someone.

"Are you sure?" Donna pouted. "Pwede naman na dito ka na lang tumira, kami lang naman ni Kuya Kirby dito."

Nginitian ko siya bago ako tumayo, kinuha ko ang maliit na bag na dala ko.

"I really want to stay longer but I need to check my sister, isa pa aayusin ko na rin ang gamit ko papunta sa Batangas," I murmured.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Donna. "Oh my! Sasama ka na?" she excitedly jump off the bed and hugged me.

Natatawa ko siyang niyakap pabalik. Matagal na kasi nila akong pinipilit ni Margaux na sumamang magbakasyon sa Batangas ngunit tumatanggi ako pero ngayon ay gusto ko silang pagbigyan.

Hinatid ako ni Donna papunta sa bahay namin dahil dadaan din daw siya kay Margaux.

"Bukas ah? agahan natin yung alis papunta sa Batangas, don't forget to bring bikinis!" paalala sa akin ni Donna bago siya nagtatakbo papunta sa bahay nila Margaux na nasa tapat lang namin.

Tumango lang ako at kumaway sa kanya. Pagpasok ko sa loob ay si Valerie agad ang sumalubong sa akin, nakatayo siya sa hamba ng pintuan at nakamasid sa akin.

"Val, kanina ka pa d'yan?" I asked her, imbes na sagutin ay tinalon niya ako ng yakap.

Napangiti ako dahil mukhang bumalik na sa dati si Valerie, noong isang araw kasi ay kinikilabutan ako sa tingin niya sa akin dahil para siyang galit pero siguro ay dahil lang may sakit siya noon.

"Ayos ka na?"tanong ko pagkatapos naming maghiwalay ng yakap. "I'm sorry kung ngayon na lang ulit ako bumalik, you know that I can't stand being with your mom."

Imbes na sagutin ako pumulupot na lang niya sa braso ko. "Aalis kayo nila Donna?" she asked.

Nagsalubong ang kilay ko at nilingon siya. "How did you know?"

Ngumuso si Val. "Narinig ko lang."

Tumango naman ako at dumiretso na sa kuwarto, siya naman ay humiwalay na rin sa akin at nagtatakbo sa sarili niyang kuwarto.

Naglabas ako ng bag at ilang mga damit, beach ang pupuntahan kaya nagbaon din ako ng dalawang one piece bikini tulad ng bilin ni Donna.

"Aalis ka?" napahinto ako sa pag-empake ng mga gamit ko nang biglang nagsalita si Papa mula sa likuran.

Hinarap ko siya at bahagya akong tumango. "Opo."

His eyes became uneasy, wari ba ay dinaanan 'yon ng takot. "Pero kauuwi mo lang," mahina niyang saad.

Ilang araw rin akong nanatili kila Donna, umuwi lang ako para kumuha ng ilang gamit dahil pumayag ako sa alok nila sa akin na sumama sa Batangas para sa bakasyon ng Bullets kasama kaming tatlo nila Donna at Margaux.

Muli kong tinuloy ang paglalagay ng ilang mga gamit sa maliit na bag na dadalhin ko papunta sa Batangas.

"It's just a vacation, Pa, my friends invited me," I told him.

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa tuwing nakikita siya dahil naaalala ko ang ginawa niyang pagsampal sa akin.

"Kailan ka aalis?" tanong ulit ni Papa, sa pagkakataong ito ay pumasok na siya sa kuwarto ko at umupo sa kama kung saan ako nag-aayos ng gamit.

"Bukas po," maikli kong sagot. Ayaw ko muna siyang kausapin, normal naman siguro sa isang anak na makaramdam ng konting tampo sa magulang niya.

"Hindi mo man lang ipinaalam sa 'kin na aalis ka," aniya na ikinatigil ko.

I looked at him with a blank face. "Kailan ko po bang ipaalam sa 'yo lahat ng gagawin ko? Wala ka namang pakialam sa akin."

He was stunned after hearing what I replied to him, maging ako ay nagulat dahil nagawa ko siyang sagutin ng ganoon.

"Of course, I care. I am your father after all," bakas ang sakit sa boses niya.

Imbes na pansinin ko pa ang sinabi ni Papa ay minabuti ko na lang na isarado ang zipper ng bag at dumiretso sa pintuan para iwanan siya.

Bago ako lumabas ng kuwarto ay muli ko siyang nilingon. "If you're my father, then act like one."

Dumiretso ako sa kuwarto ni Valerie pagkatapos ng usapan namin ni Papa, gusto ko siyang kumustahin dahil hindi ganoon kaayos ang lagay niya noong huli kaming nagkita.

Bahagya akong kumatok bago pumasok. Napakunot ang noo ko nang maabutan ko siyang nage-empake ng mga gamit niya.

"Val," I called her.

Sinalubong ako ng matamis na ngiti ni Valerie. "Ate, nag-ayos na ako ng gamit, isama mo ako sa Batangas."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, hindi agad ako nakapagsalita, pinagmasdan ko ang mga damit niyang nakakalat sa kama.

I looked at her using my hesitant eyes, "Pero Val--" she cut me off.

"Isasama mo ako, hindi ba, ate?" she sounds so sure.

"You should ask your mother first," iyon na lang ang sinabi ko dahil nagulat ako sa inaasta niya.

Bigla na lang siyang nagdedesisyon nang hindi man lang ako tinatanong. Wala namang masama kung isasama ko siya pero kailangan ko pa rin siyempreng ipaalam 'yon sa mga kasama ko. I can't just bring her with me.

"Talaga? Kapag pumayag sila, isasama mo ako, ate ah?" saad niya bago nagtatakbo palabas.

Nagpakawala ako ng buntonghininga bago naupo sa kama niya at ayusin ang ilang damit na nagkalat.

Nang matapos ay inilabas ko ang phone para tawagan sila Donna at ipaalam na isasama ko si Valerie pero hindi 'yon natuloy dahil nakarinig ako ng malakas na pagkabasag sa labas.

Nagmamadali akong tumakbo pababa nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Valerie. Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang maabutan ang basag na vase at ang umiiyak na si Tita Cielo.

Naguguluhan ko silang pinagmasdan. Ano ba ang nangyayari? Tinitigan ko si Valerie at ganoon na lang ang kalituhan ko nang makita ang masama niyang tingin sa sariling ina.

"Let me go with Vanessa! I want to go with Vanessa!" nalaglag ang panga ko sa ginawa niyang pagsigaw.

"I can't! You're not in good condition right now and I will never let you out of my sight! You're sick, Valerie!" umiiyak na saad ni Tita Cielo, halata ang pag-aalala niya para kay Valerie.

"I'm not sick, Mama! I'm not sick!" Napasinghap ako nang bigla niyang pulutin ang piraso ng basag na vase at itapat iyon sa pulso niya.

"You will let me go or I will kill myself?" Napatakip ako sa sariling bibig nang marinig ko ang sinabi ni Valerie.

Malakas na humagulhol si Tita Cielo at nanghihinang napaupo sa sahig. Nanginig ang buong katawan ko sa nakikita. Ibang-iba ang Valerie na nasa harapan ko ngayon.

That woman is not the Valerie that I used to know, she seems like a different person. I refused to believe that she is my sister.

Hindi ako makakilos, hindi ako makapaniwala na si Valerie na mabait, masunurin, mahinhin at hindi makabasag pinggan ay kayang pagbantaan ang sarili niyang ina.

Natauhan lamang ako nang magtatakbo si Papa sa gawi ni Valerie, niyakap niya ito at sinaksakan ng pampakalma. Ilang sandali lang ay unti-unti ng nakatulog ang kapatid ko.

Binuhat siya ni Papa at naglakad papunta sa kuwarto. Tinapunan pa niya ako ng malungkot tingin noong madaanan niya ako.

Matagal din akong wala sa sarili dahil sa gulat sa nakita ko. What I saw was a huge shock for me...

Bumalik si Papa sa sala para alalayan si Tita Cielo na makapasok sa kuwarto nila. Tulala ang babae at patuloy pa rin sa paghikbi.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito, lumaki akong takot sa kanya ngunit nakakaawa ang itsura niya ngayon.

Wala akong kalaam-alam kung bakit nagkaganoon ang kapatid ko, para akong ligaw na walang maintindihan sa nangyayari sa paligid.

Nang mahimasmasan ay ako na mismo ang kumuha ng walis upang linisin ang nabasag na vase. Naabutan ako ni Papa habang ginagawa 'yon.

"Vanessa," he called me.

I looked at him with eyes full of questions. Hinawakan ni Papa ang braso ko at iginiya ako paupo sa sofa.

"I know you have a lot of questions in your mind right now, I know that you're shocked... please let me enlighten you," panimula ni Papa.

"Why is she like that? Parang hindi po siya si Valerie," nanginginig ang boses na tanong ko.

Pumikit siya ng mariin bago ako tingnan gamit ang malungkot na mga mata. "She started to act that way after her last chemotherapy."

Marami akong gustong itanong pero mas minabuti ko na lang makinig.

"Noong una ay hindi namin pinapansin ni Cielo ang ugali niya dahil akala namin ay normal lang 'yon, ang sabi kasi ng mga Doctor ay kasama sa aftermath ng chemo ang pagiging moody ng pasyente so we let it slide."

Hindi ako nagdalawang isip na hagurin ang likuran ni Papa dahil nagsisimula nang manginig ang boses niya.

"But we got so worried when she started to be hysterical, nagwawala siya sa tuwing hindi niya nakukuha ang gusto niya.. and worst, she tried to hurt herself everytime that we're not giving her our attention."

Napayuko ako sa narinig, nakaramdam ako ng awa para kay Papa at Valerie, hindi ko man lang alam na may ganoon na palang nangyari.

"Nasanay si Valerie na sa kanya umiikot ang lahat, she used that as a coping mechanism to endure her cancer... kaya hanggang maaari, hanggang kaya namin ay ibinibigay namin lahat sa kanya at sinusunod namin lahat ng gusto niya."

Nahabag ako nang makita kong tumulo ang luha ni Papa. He's hurting so bad, maging ako ay nagsimula nang maiyak dahil sa nangyari sa kapatid ko.

Hindi naman ginusto ni Valerie na magkaganon siya... Hindi niya naman kasalanan na magkasakit.

"Ngayon na lang ulit nangyari 'to, she was triggered when Cielo didn't let her go with you... Cielo is very protective to Valerie that's why she didn't let her but she end up triggering her own daughter."

Napayuko ako, pakiramdam ko ay kasalanan ko. Nilaro ko ang sariling daliri bago nilingon si Papa.

"H...hindi na lang po ako aalis," mahina kong saad.

Nilingon ako ni Papa, pinunsan niya ang ilang butil ng luha at niyakap ako.
"It's okay, please have fun and live your life to the fullest."

Umiling ako. "Ayos lang, Pa. My friends will understand if I won't be able to go with them."

Hinuli ni Papa ang kamay ko bago niya hinalikan ang noo ko. "Don't be selfless, anak. Please find the love that you're trying to give because you deserve it."

Katulad ng sinabi ni Papa kahapon ay tutuloy pa rin ako papunta sa Batangas, ayaw ko sanang umalis dahil sa nangyari pero pinilit niya ako.

Hinubad ko ang kwintas na binigay sa akin ni Blare at ipinatong iyon sa ibabaw ng dresser bago ako pumasok sa banyo at naligo.

Paglabas ko ay napatalon ako sa gulat nang makita si Valerie na nasa loob ng kuwarto ko.

"Val? Why are you here? Ayos ka na ba?" Nilapitan ko siya, hinarap niya ako at tiningnan gamit ang maamo niyang mga mata.

Mukhang maayos na siya dahil kalmado na siya ngayon at bumalik na rin ang maamo niyang mukha.

"This necklace looks so good," saad ni Valerie habang tinutukoy ang kwintas ko na niregalo ni Blare.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang nakasuot ito sa leeg niya.

"Bakit mo suot 'yan, Val?" I asked her calmly.

"Because I wanted to, hindi ba bagay sa 'kin?" ngumiti siya pero ang ngiti na 'yon ay hindi katulad ng dati.

"But... that's mine," I told her. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili kahit na naiinis ako sa ginagawa niya.

"Then give it to me," aniya.

"Ibibili na lang kita ng ib--"

"This is what I want!" natigilan na naman ako dahil nagsisimula nang tumaas ang boses niya.

"Valerie, please..." nahihirapan kong saad. Pinipilit kong habaan ang pasensya dahil ayaw kong maulit muli ang nangyari kahapon.

"Ate Van, I just want this... eto lang naman ang gusto ko, you're luckier than I am-- I am sick, pagbigyan mo naman ako," pagsusumamo ni Val.

Kinagat ko ang labi at matagal siyang tinitigan, naalala ko na naman kung paano umiyak si Papa kahapon, ayaw ko nang makita ulit siyang ganoon kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango.

Parang bata na nagtatalon si Valerie dahil sa tuwa, niyakap niya ako bago siya nagtungo sa pintuan. Bago lumabas ay humarap muna siya sa akin at ngumiti.

"Please always remember that I will always get what I want, Ate."

LEGENDARIE

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 48.9K 164
Frankie (Epistolary with narration)
21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
46M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
112K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...