Lucid Dream

By alyloony

14M 573K 277K

Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood... More

Intro
First Dream
Second Dream
Third Dream
Fourth Dream
Fifth Dream
Seventh Dream
Eighth Dream
Ninth Dream
Tenth Dream
Eleventh Dream
Twelfth Dream
Thirteenth Dream
Fourteenth Dream
Fifteenth Dream
Sixteenth Dream
Seventeenth Dream
Eighteenth Dream
Nineteenth Dream
Final Dream
Dream Goddess (Bonus Chapter)

Sixth Dream

603K 25.8K 15.3K
By alyloony

Sixth Dream

"Pupunta tayo sa panaginip ng ibang tao?" pag-uulit ko sa sinabi ni Caleb. "Seryoso ka ba diyan?!"

"Oo naman! Masaya 'yon promise!"

Napakunot ang noo ko, "paano natin gagawin 'yun, aber? Isa pa, sabi mo pag lumabas ka sa panaginip ng iba, mahihirapan ka nang hanapin 'yung daan pabalik doon sa panaginip na 'yun. Eh paano kung hindi na tayo makabalik sa panaginip ko?"

"Don't worry, Angelique, dahil kasama kitang lalabas sa panaginip mo. Mahahanap natin agad ang daan pabalik dito dahil pwede mo itong markahan."

Napatingin ako sa kanya na nag-aalinlangan, "pero kasi..."

"Trust me. It'll be fun!"

Natatakot ako dahil baka mamaya hindi ko na mabalikan ang munting mundo na ginawa ko. Pero bukod doon, naku-curious din ako sa itsura ng panaginip ng iba. Na-cu-curious ako sa kung ano ang pwede kong makita pag lumabas ako sa panaginip ko.

Baka bigla rin akong makahanap ng paraan para dito na ako sa mundo na ito manirahan.

"Sige na nga! Hindi 'to delikado ah? Hindi ako mapapahamak?"

He chuckled, "ano namang masama ang pwedeng mangyari sa'yo sa isang panaginip? Lalo na , lucid dreamer ka pa. Aware ka na nananaginip ka lang at pwedeng-pwede kang magising kung gugustuhin mo."

Napahinga ako nang malalim, "oo na! Nakumbinsi mo na 'ko! So ano, paano tayo lilipat sa panaginip ng iba?"

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Caleb ang kamay ko. Para akong nakuryente bigla dahil sa hawak niya.

Nginitian niya ako and then he led me papunta sa harap ng pinto ng classroom.

"You see that door?" tanong niya habang nakaturo sa pinto sa harap namin. "Pag lumabas tayo diyan, kahabaan ng hallway ang makikita natin dahil ayun ang meron sa panaginip mo. But I want you to think na pag lumabas tayo diyan eh lalabas na tayo sa panaginip mo."

Nilingon ko siya, "gagana ba 'yun?"

"Oo naman. Panaginip mo 'to 'di ba? Ikaw lang ang makakapag-manipulate nito."

Nagkibit balikat ako, "okay."

Ginawa ko ang sinabi ni Caleb. Inisip ko na pagbukas ng pinto ni Caleb ay makikita namin ang daan palabas ng panaginip ko.

Binuksan ni Caleb ang pinto at sabay kaming lumabas. Napasimangot ako nang makita ko ang hallway sa harap ko.

"Hindi naman gumana eh," sabi ko sa kanya.

Nginitian niya ako, "gumana."

"Huh? Pero nandito pa rin tayo sa panaginip ko!"

"Kasi hindi ko pa isinasara ang pinto. Kailangan mo ng susi."

"Paano?"

"Mag-produce ka. Nasa panaginip tayo 'di ba?"

Napasimangot ako. Oo nga naman. Malay ko bang kailangan ko ring gamitan ng imagination ang pagpo-produce ng susi!

Dumukot ako sa bulsa ng vest ng uniform ko at may nakapa ako. Inilabas ko ito at nakita kong isa itong susi na color silver at may kulay asul na stone sa gitna.

"Ang marka ng panaginip mo."

Biglang umilaw ang asul na bato doon sa susi, at kasabay ng pag ilaw nito ay bigla ring umilaw ang pinto.

Isinara na ni Caleb ang pinto at nagulat ako nang biglang umikot ang paligid namin. Mabilis na mabilis. Nakakahilong tingnan.

Napakapit ako bigla kay Caleb.

"A-anong nangyayari?!"

"Don't worry. Ganyan lang talaga 'yan."

Biglang huminto ang pag-ikot ng paligid. Nagulat ako dahil hindi na hallway ang nasa harap namin ngayon kundi isang mahabang tulay.

'Yung tulay na madalas kong nadaraanan tuwing papasok ako sa panaginip ko.

"Let's go!"

Naunang maglakad si Caleb doon sa tulay. Dali-dali naman akong sumunod. Habang naglalakad kami, napatingin ako sa kaliwa't kanan ko. Para kaming nasa gitna ng karagatan. May mga nakalutang na ball of lights sa tubig at ito ang nagmimistulang liwanag sa kapaligiran namin.

"Mga panaginip ang mga 'yan," sabi ni Caleb sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako doon sa mga ball of lights. "Ayan yung mga ilaw na inihuhulog ng mga taga-Tala para patuloy na magkaroon ng iba't-ibang panaginip ang mga mortal."

"Mga taga-Tala?"

Tumango si Caleb, "ang Tala ay isang kaharian sa gitna ng mga panaginip. Doon nakatira ang mga high elves at faeries. Sila ang bumubuo ng panaginip ng mga tao."

"Sila rin ba ang bumubuo ng panaginip ng isang lucid dreamer na kagaya ko?"

"Yep. Tama 'yon! 'Yun lang, bago mo pa makita ang panaginip na binuo nila para sa'yo, nagawa mo nang baguhin ito ayon sa gusto mo. Galing sa isang liwanag ng taga-Tala ang panaginip mo, Angelique. At sa liwanag na 'to, nakabuo ka ng sarili mong mundo."

Napatahimik ako bigla.

Aware ako na masyadong magical ang mundo ng mga panaginip. Maraming bagay na hindi maipaliwanag kung saan nagmumula ang panaginip ng tao. Mas lalong mahirap ipaliwanag kung bakit may mga taong may kakayahang mag-lucid dream. Pero hindi ko inakala na mas malawak at mahiwaga pa pala ang mundo ng mga panaginip kesa sa inaasahan ko.

Isang munting mundo lang ang binuo ko sa loob ng panaginip. Pero hindi ko inaasahang malawak pa pala 'to. Na may mga nilalang din pala talagang nakatira sa mundo ng panaginip.

Tala.

Ano kaya ang itsura ng lugar na 'yun?

Napatingin ako kay Caleb.

"Sa Tala ka rin ba nakatira, Caleb?"

Napatigil sa paglalakad si Caleb at tumingin siya sa kalangitan. Sinundan ko 'yung direksyon na kanyang tintingnan.

Ang laki-laki ng buwan. Pakiramdam ko sobrang lapit nito sa amin. Mas tanaw ko rin ang mga bituin sa langit.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Caleb at napansin kong napabuntong hininga siya.

"Caleb?"

"Siguro..."

"Hmm? Ang alin?"

"Siguro sa Tala ako nakatira."

"Eh? Ang gulo mo! Hindi ka sigurado kung saan ka nakatira? Tsaka, ano ka ba? Isa ka bang faerie o elf? O may iba pang creatures na nakatira sa Tala?"

Lumapit si Caleb sa akin at pinitik niya ang noo ko. Napahawak naman ako bigla rito.

"Ba't mo 'ko pinitik?!"

"Ang dami mo kasing tanong eh. Bilisan mo na ang paglalakad mo dahil limitado lang ang oras natin. Mayamaya kailangan mo nang gumising."

Naglakad na ulit si Caleb at iniwan ako doon. Napatakbo naman ako bigla papalapit sa kanya.

Lokong 'yun! Iniwan ako!

"Uy! Ba't ayaw mong sagutin ang tanong ko?"

Tumawa lang siya ng mahina habang parang amused na amused sa akin. Kinunutan ko siya ng noo.

Biglang huminto sa paglalakad si Caleb kaya naman tumama ang mukha ko sa likod niya.

"Ba't bigla-bigla kang humihinto?"

"Nandito na tayo," sabi naman niya.

"Eh?"

Napatingin ako sa paligid. Nasa kalagitnaan pa rin kami ng tulay.

"Dito? Sure ka?"

Humarap si Caleb sa akin at ngumisi, "oo. Dahil mula dito, tatalon tayo sa tubig at magsisimula tayong sumisid."

"S-sisisid?"

"Right! Marunong ka bang lumangoy?"

"H-hindi!"

"Wag kang mag alala, nasa panaginip ka naman eh. Magagawa mo 'yan. Tsaka nga pala, mag-iingat ka dapat. Wag kang masyadong gagawa ng ingay habang nasa ilalim tayo ng dagat. Baka magising mo ang mga sirena."

"Wait. Tama ba rinig ko? Mga sirena?"

"Oo. At hindi sila katulad ng mga sirenang nasa isip mo na magaganda at mukhang prinsesa. Nakakatakot ang itsura ng mga sirena rito at kumakain sila ng kaluluwa ng mga nananaginip."

"Ha?! E-eh teka! Sige—babalik na ako sa panaginip ko! Bye!"

Agad kong tinalikuran si Caleb at naglakad ako pabalik. Lokong 'yun! Delikado pala itong daraanan namin, sukat na dinala niya pa ako rito! Gusto kong tumira sa mundo ng mga panaginip pero ayoko namang makain ako ng sirena!

Narinig ko ang paghagalpak ng tawa ni Caleb. Hinawakan niya ako sa balikat para pigilang umalis.

"I'm just joking, Angelique! 'Wag kang mag-alala, hindi tayo sisisid at lalong walang sirena!"

Pinanliitan ko siya ng mata, "hindi ka nakakatuwa!"

"Okay lang, nakakatuwa ka naman eh."

Bwiset ang isang 'to!

"Pero nandito na nga talaga tayo."

May inilabas si Caleb mula sa bulsa niya na isang bato na halos kasing laki ng kamao ng isang sanggol. Kulay asul ang bato na 'to at kumikinang. Kamukha nito ang bato na nasa gitna ng susi ng panaginip ko.

Inilapag ni Caleb ang bato at bigla itong umilaw. May tumamang liwanag dito mula sa buwan.

Napakurap ako bigla.

May lumitaw na isang pintong kulay ginto sa harap namin ni Caleb.

Binuksan ni Caleb ang pinto at tiningnan niya ako, "tara na, Angelique!"

Kahit medyo kinakabahan ay sumunod ako kay Caleb papasok ng pinto na 'yun. Pagpasok namin ni Caleb sa loob, biglang umikot 'yung paligid. Mabilis na mabilis.

Napakapit ako bigla kay Caleb sa sobrang takot. Halos mahilo ako dahil sa bilis nang pagikot ng kapaligiran naming. Napapikit na lang ako.

"Don't worry," dinig kong bulong ni Caleb sa akin. "Pwede ka nang dumilat."

Napadilat ako. Nandito kami ni Caleb sa loob ng isang pabilog na kwarto. Sa paligid namin ay may walong pang pinto na may iba't ibang kulay. Black, red, pink, orange, blue, violet, green at yellow.

"Ang walong pinto na 'yan ang daan papunta sa panaginip ng iba't-ibang tao," pagpapaliwanag niya sa akin. "Now choose. Ano ang gusto mong pasukin?"

"Kahit ano diyan?"

"Yep. Kahit ano."

"Okay," tinitigan ko 'yung mga pinto. "Sa color pink."

"Pink? Masyadong pangbabae ha?" natatawa-tawa niyang sabi.

"Eh bakit ba?! Curious ako kung anong meron diyan! Hindi mo pa ba napapasok ang pinto na 'yan?"

Umiling siya, "hindi pa. Iniiwasan ko ang pink na pintuan. Baka pambabae lang ang mga panaginip dyan eh."

"Eh gusto ko pa ring pasukin!"

Nagkibit-balikat siya, "okay, tara na sa pink!"

Naunang naglakad palapit sa pinto si Caleb. Sinundan ko naman siya.

"Ready?"

Tumango ako. Binuksan niya ang pinto at sabay kaming pumasok doon. Kusang sumara ang pinto at bigla itong nawala sa likuran namin. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Nandito kami ngayon ni Caleb sa isang kalsada. Gabi. Tanging ilaw lang sa poste at sa buwan ang nagsisilbing liwanag.

"Ine-expect ko pa naman, castle o snow o garden ang nasa likod ng color pink na door," sabi ko sa kanya.

"Ako rin," bulong naman niya.

"Ano naman meron sa panaginip na 'to? Ang creepy ah?"

"I guess we'll just have to find out."

Sabay kaming naglakad ni Caleb. Walang ka-tao tao. Sino kaya ang nananaginip?

Tatanungin ko na sana si Caleb kung may idea siya kung sino ang nananaginip nang makarinig kami ng tili ng isang babae.

Napalingon kami sa likuran at may nakita kaming babaeng tumatakbo papalapit sa amin.

"Tulong! Tulong! Nandiyan na siya!" sigaw nito.

"H-ha? Sino? Sinong siya?!"

"S-siyaaa!"

Para akong nawalan ng dugo sa katawan nang makita ko kung sino ang humahabol doon sa babae.

Isa ring babae. Nakasuot ito ng itim na bestida. May hiwa ang leeg nito at ay dugong lumalabas sa mga mata nito. At may hawak siyang patalim.

Nanlaki ang mga mata ko. Nagtindigan lahat ng balahibo sa katawan ko. Bigla na lang din ako napatili.

"Angelique, calm down!" dinig kong sabi ni Caleb.

Pero hindi ko siya pinakinggan. Tumakbo ako palayo kasabay nung babaeng hinahabol ng multo.

May multo! May humahabol sa aming multo!

"Wait, Angelique!"

Biglang hinatak ni Caleb ang katawan ko at tiningnan niya ako.

"Wag kang mag-panic. Panaginip lang 'to. Relax okay?"

Alam kong panaginip lang 'to but still, hindi ako makapag-relax dahil ang lapit-lapit na nung multo.

"C-C-Caleb..."

"What?"

Itinuro ko 'yung multo na nasa likuran na niya at nakatayo.

Nilingon naman siya ni Caleb.

"Hi!" masiglang bati niya roon sa multo.

At nagulat ako nang bigla siyang ngitian ng multo.

Anong—?!

"Wait lang ha?" sabi ni Caleb doon sa multo at tumango naman ito.

O—kay?

Iniwan ako ni Caleb doon katabi 'yung multo na hindi nga gumagalaw sa kinatatayuan niya. Nakita kong nilapitan ni Caleb 'yung babaeng hinahabol nung multo na ngayon ay nakaupo na sa semento at mukhang takot na takot.

"H-help me! Hinahabol niya ako!" sabi nung babae kay Caleb.

Nginitian siya nito, "wag kang mag-alala. Hindi ka na niya hahabulin."

Parang biglang nawala ang takot nung babae nang mapatitig siya kay Caleb.

"Ikaw ba ang knight in shining armor ko?"

Ngiting-ngiti naman na tumango si Caleb.

Napataas ang kilay ko.

E di wow!

"My hero!" at biglang yumakap 'yung babae kay Caleb.

"Sshh, don't worry. You are safe now," sabi ni Caleb habang hinihimas-himas ang likod nung babae.

Ay anak ng–! Mukhang nag-eenjoy ang mokong na 'to ah? Kung hampasin ko kaya sa ulo 'to?! Kung siya kaya ang ipahabol ko sa multo? Ang landi!

Humiwalay si Caleb sa pagkakayakap doon sa babae at pinunasan niya ang luha nito at saka binigyan ng killer smile.

Isa man siyang faerie lord o isang high elf, positive akong playboy ang isang 'to!

"Hey, princess," sabi niya doon sa babae in a husky voice. "Panaginip lang 'to at kailangan mo nang magising para matigil na ang nightmare na 'to. Wake up, love."

Tumango 'yung babae at nakita ko pa siyang nag-blush.

Walanjo!

Unti-unting nawala ang kapaligiran kasabay nung multo at nung babaeng nanaginip.

And then... Naging madilim ang kapaligiran. Wala akong makita. Para akong nabulag. Nag-panic ako. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.

"C-Caleb?! Caleb!!!"

"It's okay. It's okay."

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Caleb?"

"It's me, Angelique."

Naglakad kami. I let him take the lead. Hindi ako makakita kaya mas lalo akong napahawak ng mahigpit kay Caleb.

Ganito ba kadilim 'yung panaginip ko sa tuwing nagigising ako? Sa ganitong kadilim na kapaligiran naghihintay si Caleb para sa akin?

Hindi ba siya natatakot? Hindi ba siya natataranta kada umaalis ako sa panaginip ko?

"Nakita ko na ang pinto," dinig kong sabi niya.

May pumasok na liwanag at naaninag ko na ang mukha ni Caleb. Lumabas kami sa pinto at bigla na naman umikot ng mabilis ang kapaligiran. Nang huminto ito ay nakita na naman namin ang walong pinto sa harapan namin.

"Kaya pala iniiwasan ko ang pink door. Nightmares pala ang nandoon," natatawa-tawang sabi ni Caleb.

"Bakit ba kasi nila pininturahan ng pink ang pinto papunta sa nightmare ng ibang tao?"

"Malay! May pagka-weird si Dream Goddess. Pero enjoy naman pala doon. Mukhang mapapadalas ang pagpasok ko doon sa pink na pintuang 'yun!"

Hinampas ko siya, "enjoy na enjoy ka kanina! Napagsamantalahan mo pa 'yung babae!"

"Oy! Wala akong ginawa 'no?! Sadyang ibang klase lang ang karisma ko sa mga mortal na babae!" he flashed his killer smile.

"Ewan ko sa'yo. May pagka-playboy ka rin 'no? Naging hobby mo ba ang manlandi ng mga babae sa panaginip?"

"Ba't gusto mong malaman?" pinindot niya ang braso ko. "Ikaw ah."

Hinampas ko naman palayo 'yung daliri niya.

"Teka, ba't kanina sinabihan mo 'yung babae na gumising siya? Hindi ba siya aware na nananaginip siya?"

Umiling si Caleb, "nope! She's not a lucid dreamer."

Napatango ako. Kaya pala.

"Anyway, ano? Isa pa ulit na pinto? 'Wag na 'yung pink ah!"

"Hindi na talaga! Aatakihin ako sa puso doon!"

Tiningnan ko 'yung mga pinto. Kung 'yung light color na pink eh puro nightmares, ano naman kaya 'yung sa black na pinto?

"Tara sa black," sabi ko kay Caleb.

"Your wish is my command!" sabi niya at hinawakan niya ulit ang kamay ko.

Napatigil ako at tiningnan ko ang magkahawak naming kamay.

"Wag kang mag-alala, hindi panlalandi itong ginagawa ko sa'yo."

Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya at bigla niya akong kinindatan.

Napakurap ako bigla.

Bwiset! Ma-karisma nga talaga ang isang 'to!

Nilapitan namin 'yung black door at in-open naman 'yun ni Caleb. Sabay kaming pumasok sa loob at bumungad sa amin ang isang malaking garden.

Sa gitna ng garden ay may isang grupo ng mga tao, mga naka-formal attire sila.

"Napuntahan ko na ang panaginip na 'to dati," sabi ni Caleb.

"Talaga?"

"Oo. Pero tingin ko, matagal na panahon nang huli akong nakadalaw riro. Tara, lapit tayo."

Naglakad kami papalapit doon sa grupo ng mga taong naka-formal attire. Nang makalapit kami, doon ko lang na-realize na nasa loob pala kami ng isang kasal. Nasa unahan ang bride at groom at nagpapalitan ng wedding vows. Lahat ng tao sa paligid ay masaya silang pinapanood.

"Sino kaya ang nananaginip? 'Yung groom o yung bride?" bulong ko kay Caleb.

Nilingon niya ako at nginitian, "wala sa kanila."

"Huh? Eh sino?"

"Yung bata."

May itinuro siyang batang babae na nakaupo sa third row. Isa siya sa mga flower girls. Siguro mga nasa around seven or eight ang edad ng bata.

May dalawang bakanteng upuan sa likod at doon kami pumwesto ni Caleb.

"Sabi mo napuntahan mo na dati 'tong panaginip na 'to? Ibig sabihin, paulit-ulit lang din ang panaginip na 'to? Gabi-gabi ring binabalikan nung batang babae? Parang 'yung panaginip ko lang din?"

Tumango si Caleb, "tama. Lucid dreamer din siya."

"Pero bakit kaya wedding ang napapaniginipan niya?"

"This is not just a dream, Angelique. It's her memory."

"Memory?"

"Yes. Seven years old siya nang ikasal ang mommy at daddy niya. It was the happiest moment of her life. Makalipas kasi ang isang taon, namatay ang parents niya. Car accident. Kaya ayun, paulit-ulit niyang binabalikan ang alaalang 'to sa panaginip niya."

Napatingin ako doon sa bata.

Ang lungkot siguro ng buhay niya pag gising siya. At masyado pa siyang bata para harapin ang trahedyang iyon. May nag-aalaga kaya sa kanya sa reality? May nagpapasaya pa kaya sa kanya?

Siguro kaya paulit-ulit niyang binabalikan ang panaginip na 'to eh marahil miss na miss na niya ang parents niya.

"Meron din palang iba na kagaya ko. 'Yung tumatakas sa reyalidad at nagtatago sa panaginip."

"Pero minsan, kailangan mo ring harapin ng buong puso at buong lakas ng loob ang reyalidad."

Napailing ako, "dadating pa kaya ang araw na magiging maganda ang reality ko?"

"Angelique," biglang ipinatong ni Caleb ang kamay niya sa akin kaya agad akong napalingon sa kanya. Nakatitig siya sa mga mata ko na para bang sinisilip niya ang kaluluwa ko.

Ang init ng kamay niya na nakapatong sa kamay ko. Napalunok ako.

Bakit pakiramdam ko kinukuryente ako?

"B-bakit?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ang sarado ng isip mo, Angelique?"

"H-ha?"

"May magagandang bagay pa rin sa reality mo. Ang kailangan mo lang ay imulat ang mga mata mo para makita iyon. Hangga't maaga pa, i-appreciate mo na 'yun. Baka mamaya, mahuli na ang lahat." Nginitian ako ni Caleb.

Hindi ito tulad ng mga ngiti niya noon na nakakaloko o mapang-asar o wala-wala lang.

This smile warms my heart.

Ang ganda ng ngiti niya.

Binitiwan ni Caleb ang kamay ko at tumayo siya.

"Let's go? Feeling ko malapit ka nang gumising. 'Yung bata rin, malapit na siyang magising. Kaya doon na tayo pumwesto kung saan lalabas ang pinto."

Tumayo rin ako at sabay kaming naglakad papunta doon sa kanina naming pwesto. Pero 'di pa man kami nakakaalis ay bigla na lang may yumakap sa hita ni Caleb. 'Yung bata.

Napangiti si Caleb at nakita ko naman na umiiyak 'yung bata. Umupo si Caleb para maging ka-level niya 'yung bata.

"Hanggang kailan pa?" tanong nung bata sa kanya.

Tumango si Caleb, "I'll do my best."

Between her tears ay ngumiti nang malawak 'yung bata at tumango.

"Kailangan mo nang gumising," sabi ni Caleb dito.

At bigla na lang nagdilim ang paligid. This time, hindi na ako nag-panic. Naramdaman ko na kasi agad ang kamay ni Caleb na nakahawak sa akin. Binuksan niya ang pinto, umikot ulit ang paligid at after awhile, nasa harap na naman namin ang walong pinto.

"Paano ko malalaman kung saan diyan ang panaginip ko?"

"Ilabas mo ang susi."

Ginawa ko ang sinabi niya. Umilaw ang asul na bato sa gitna ng susi at kasabay nung umilaw 'yung kulay blue na pinto.

Pumasok kami ni Caleb doon at nandito na ulit kami sa loob ng panaginip ko.

"Nag-enjoy ka ba?" nakangiting tanong ni Caleb.

"Oo naman. Sayang dalawa lang ang napuntahan natin. 'Yung isa eh nightmare pa."

"Don't worry, may next time pa."

May next time pa. Ibig sabihin wala pa siyang planong umalis sa panaginip ko.

Bigla ay nakarinig kami ng alarm. 'Yung alarm sa cellphone ko.

"You need to wake up now, Angelique."

Hindi ko alam pero parang nalungkot ako. Parang ayoko pang umalis. Gusto ko pa tito. Ayoko pang iwan si Caleb.

"I'll wait for you," naka ngiti niyang sabi.

"Babalik ako agad," sagot ko sa kanya.

At nagising na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 89.1K 18
a chasing hurricane and stay awake agatha side-story.
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
56.3M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
5.9M 173K 54
White Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang...