Finding My Place in Your Hear...

By ashanifies

300 11 16

Despite their state and a slew of problems, Elisha Zyla Constantino is still a happy-go-lucky individual. Her... More

Finding My Place in Your Heart
Chapter 1

Chapter 2

19 0 0
By ashanifies

Chapter 2

Bantay

"Foul, Number 13!" sigaw ng referee.

Ramdam ko ang namumuong tensyon sa loob ng court. Mabuti na lang ay agad din inawat ang dalawa habang hindi pa lumalala.

Natapos ang liga na talo ang Rising Rivals. Bago kami tuluyang umuwi, bilang team captain nila, kinausap ni Kuya Easton si Kairi. May mga iilang babae pa ang nakisyoso sa kanila. Kahit si Diana ay lumapit kay Kairi, na mariin lang ang tingin kung saan.

The last time I saw him this angry was when Faye bullied me.

"Ano 'yun, Kairi? 'Di ba dapat walang pisikalan?" may diin na tanong ni Kuya Easton.

Pinupunasan ni Diana ng pawis si Kairi nang mag-angat ito ng tingin sa akin. I instantly turned my gazes away. I shifted on my sit as I felt how his eyes stayed on me for a long time.

I don't know what made him turned like this. I doesn't watch their games that much and I hate him because of his nasty attitude but I'm aware that he was never into physical fights. O baka iba ang pagkakaalam ko?

After all he's still a playboy and a bully—we aren't that close—so I'll never know what he's capable of doing.

"You are being unprofessional, Kai. Ikaw ang mali ngayon. Manghingi ka ng pasensya sa kabilang team mamaya kapag kumalma ka na."

Ayun ang huling salita ni Kuya Easton bago sila nagpaalam na uuwi kami. Naramdaman ko pa ang mariin na titig sa akin ni Kairi habang paalis doon kaya hindi ako naging komportable sa paglalakad.

I guess what happened inside the court was a blessing in disguise. My brothers were too preoccupied with it that they forgot what just Matthew did to me. Salamat na rin at hindi na nila ako kinulit tungkol doon.

I don't know what happened after we left but I really don't care anymore. Baka sadyan gano'n lang talaga si Kairi. Kapag nainis at nagalit, ibubunton niya sa iba.

"Hi. Remember 'yung sa court? Ako 'yung nagbigay ng upuan."

I curiously look at the man—in all smiles—in front of me. How can I forget him? Siya lang naman ang dahilan kung bakit nagbago ang timpla ng mood nila Kuya noong liga.

"Matthew, right?"

Lumapad ang ngiti niya. "Woah! Buti naman at naalala mo ko."

I awkwardly smiled. Uwian na at papunta ako sa studio namin nang harangin ako ni Matthew habang naglalakad. I didn't know we are schoolmates until now that he appeared in front of my eyes inside the school premises.

"Of course," I said. "Bakit nga pala?"

He scratched his neck, feeling shy. "Eh kasi... Ano... Uhm," he chuckled nervously. "Manghihingi sana ako ng number mo."

Saglit akong natigilan. A lot of boys my age tried to ask for my number so this isn't not new to me. I was just shocked because he is so fast!

Kakakilala lang namin nung isang araw! I even said to my brothers that he doesn't like me and he's just really kind but now... I don't know anymore!

Pinagmasdan ko si Matthew. I admit, he's  handsome and tall. Base sa laro niya nung liga, magaling din siyang mag basketball. His black hair and brown eyes really complements his fair skin. Hindi ko alam kung maputi ba talaga siya o sadyang maputla lang. Kung matangkad ba talaga siya o sadyang patpatin lang.

Hay nako, Elisha! You are so judgemental!

Humugot ako ng hininga. "Hmm. I'm sorry, Matthew. I'm still not comfortable giving my number to someone I just knew recently... Kung makakapaghintay ka, siguro ay next time, baka maibigay ko na." I said, turning him down in a good way. I just wished he doesn't feel offended by that.

"Ah..." he frowned. I suddenly felt guilty. "Okay, I'll wait. Gusto ko lang talagang makipagkaibigan sa 'yo. Nga pala, anong pangalan mo?"

Napakurapkurap ako. I didn't expect that he doesn't know my name. I mean... how can he ask for someone's number without knowing their name?

"Elisha. Elisha Zyla."

"Beautiful name." he said. "Just like your face."

Hindi ko naitago ang pagngiti ko. Bolero.

"Anyways, got to go. See you next time, Elisha. Sana makuha ko na number mo kapag nagkita ulit tayo, bye!"

That was our last interaction for the whole week. Naging busy ako sa paghahanda sa math competition na sasalihan namin ni Levi, isa sa pinakamatalino kong kaklase. Mamaya ay pupunta ako sa library para makapag-aral kami.

Habang nagpapalipas ng oras ay pumunta muna ako sa studio at naabutan ko roon si Loren mag-isa.  Tumigil siya sa pagsasayaw nang makita ang pag pasok ko.

"Elisha! Namiss kita! Grabe, parang ilang buwan kita hindi nakita!"

Tumawa ako sa naging reaksyon niya. Miss niya nga siguro ako dahil kahit habang nag papalit ako ng damit ay dinadaldal niya ako. Well, we haven't seen each other in a while because the last time I went here, she wasn't here.

"Nakakainis ka nung liga! Ako nag-aya sa 'yo tapos bigla mo akong iniwan!"

"Kailangan ni Diana ng upuan eh."

She rolled her eyes. "Tapos ikaw hindi mo kailangan? Tsk. Dapat 'di mo binigay 'yong upuan mo, naiinis ako don eh!"

Tumingin ako sa kanya, hindi makapaniwala. "Ikaw talaga! Wala naman ginagawang masama iyong tao," sabi ko't tinapos na ang pag palit ng damit. Agad sumunod sa akin si Loren nang humarap ako sa malaking salamin.

"Naiinis lang ako! Ang arte niya kasi!"

Umiling-iling na lang ako at nagsimulang sumayaw.  Marami pa siyang kwinento tungkol sa nangyari nung liga. Kwinento niya sa akin na para bang wala rin ako noon at hindi ko alam ang nangyari. Hinayaan ko na lang siya.

"Ay oo nga pala. I heard my cousin, Kuya Matthew, hitting up on you. Gagi. Hindi ko pa sinasabi sa kanya na kaibigan kita, baka mamaya kulitin ako no'n kapag nalaman niya."

My brows furrowed. "Pinsan mo?"

"Oo. Ka-batch niya kuya mo ah? 'Di mo alam?"

I can't believe this is how small the world is. Nalaman ko pa na kaklase pala niya sila Kuya last year. Naging magkakaibigan pala sila at nahiwalay lang nang lumipat sila Kuya ng school.

Simula elementary kasi hanggang high school ay dito rin sa MNHS nag-aaral ang dalawa kong kuya. Nang mag senior high ay lumipat sila sa isang mamahaling school sa Villa Zaragosa, ang karatig bayan ng Metropolis. I remembered them asking me to also transfer in that school because it offers high quality education and facilities.

But I just firmly shook my head and declined the offer. Si Papa kasi ang nagbabayad sa tuition nila. Kung lilipat ako roon ay siya rin ang magbabayad. I'd rather study here in MNHS than spent the money from his pocket.

I will never accept something from that man. Money can't buy the years I was longing for a father's love. It cannot also change the fact that he cheated on my mother and left us.

"Kinukuha niya ang number ko. Gusto niyang makipagkaibigan." kwento ko kay Loren, baka sakaling matulungan niya ako.

"Talaga? Binigay mo?"

Umiling ako. "Hindi pa."

"Bakit naman?!"

"Eh hindi ko pa naman siya masyadong kilala."

"Hay nako! Kaya nga sigurado kinukuha ang number mo ay dahil gusto niyang mas lalo niyong makilala ang isa't isa."

Ngumuso ako. Gano'n ba 'yon?

"Ibigay mo, try mo lang! Mabait naman 'yon si Kuya Matthew. Nakikipagkaibigan lang naman diba? Wala namang masama."

Influenced by what she said and driven by the guilt I felt when I thought that Matthew likes me when he just wanted to be friends, I gave my number to him the next time he saw me in the corridor.

Katulad ng sinabi ni Loren, wala namang masama 'di ba? Gusto lang naman makipagkaibigan ni Loren.

"Thank you so much, Elisha! Pagtapos ng practice namin, i-te-text kita, okay?" saad niya.

I smiled. "Okay!"

"Sige mauna na 'ko. May practice pa kami eh."

"Sure. Take care!" nakita ko pa ang pagpula ng mukha niya bago tuluyang umalis.

Matthew is constantly texting me after I gave my number. We just talked about random things. He is not a dry texter so I enjoyed our conversation.  Hindi ko nga lang masabi sa dalawa kong kuya ang pag-uusap namin ni Matthew, kahit na ba pangkaibigan lang.

I know them. They'll assume that there's something going on between us when it's clearly just a friendship. Iba mag-isip ang mga kuya ko kaya hindi ko na sinabi at wala akong balak.

When I thought I'm safe from my brother's unending nags, 'tsaka naman umepal si Kairi.

"Pinapabantayan ka sa akin ng kuya mo. Kaya huwag ka ng makulit."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pinapabantayan? Gawa-gawa mo lang 'yan eh!" sigaw ko.

Nag-aya kasi si Matthew na panoorin ko siya sa liga nila. He just invited me over a text and Kairi saw that when we were on the library yesterday.

Kasama ko si Levi sa library habang nag-r-review kami para sa math competition. At first we were just studying peacefully when the annoying Kairi saw us and joined our table. Wala na sana akong balak na pansinin siya kaya lang mukhang lumapit siya sa amin para asarin talaga ako.

"Iyong damit ko? Tagal mo ng hindi binabalik, ah? Baka hindi mo pa nilalabhan 'yon kasi gustong gusto mo yung amoy ko?"

Napasinghad ako sa kayabangan niya. Aaminin ko na mabango nga 'yong damit na pinahiram niya. I think it's his perfume. Pero hindi dahil doon kaya hindi ko pa binabalik 'no!

"Wala pa akong time na labhan iyon, Kaius Ridel. Kung gusto mo ikaw ang maglaba."

Umangat ang gilid ng labi niya na naging dahilan kung bakit lumabas ang dimples niya. "Ayoko nga! Inuutusan mo ba 'ko?!"

"Oo. Kung ayaw mong inuutusan kita, matuto kang maghintay."

"Weh?!" nagtaas siya ng kilay. "Baka nga gumagawa ka lang ng dahilan! Yung totoo ay gusto mo lang talaga angkinin ang damit ko!"

My face quickly showed a perpetual scowled because of what he said. "Wala na bang mas kakapal pa sa mukha mo, ha?"

Hinawakan niya ang kanyang mukha at napaisip. "Meron pa, siguro? Bukas baka may maidagdag pa 'ko."

I let out a gargle sound. Nakita ko ang pagngiwi ni Levi sa tabi niya. I can't believe Kairi! Hindi ba siya nauubusan ng energy sa pang-aasar? Kung sana ay ibinaling niya na lang sana sa pag-aaral ang lakas niya, edi mas maganda! 

I opened my book again and tried to focus my attention to it...  but everytime I do, Kairi will never failed to annoyed me! Hindi tuloy ako makapag-aral ng mabuti!

"Kailan mo ba balak na ibalik, ha?"

Sinarado ko ang libro ko, nauubusan ng pasensya. Sa sobrang lakas ng pagsara ko ay pati si Levi napabaling sa akin.

"Naghihirap ka ba at wala kang maisuot na ibang damit?! Isa lang 'yong pinahiram mo sa akin kala mo naman buong drawer kung makapagtanong, eh no?"

Saglit na nagtagal ang tingin sa akin ni Kairi habang nakangisi.  Buti na lang ay wala iyong librarian kaya 'di ako napagalitan sa biglaang pagsigaw ko.

"Of course, that's my favorite shirt!"

My lips twitched. "Marami ka pa namang ibang damit! That's just a plain white t-shirt and there's nothing special with it!"

Just a plain white t-shirt... and I can't believe we are fighting over that thing!

"Desisyon ka ah? Eh sa ayun ang favorite ko, bakit ba?! And there's something special with that..." humina ang boses niya sa huling sinabi.

Hindi ako nakasagot sa kanya sa biglaang pagtunog ng cellphone ko sa tabi ng aking libro. Sabay kaming napatingin doon.

From: Matthew

Good afternoon, Elisha! Sana ay nakakain ka na ng lunch. Anyways, gusto lang kitang ayain bukas sa liga namin. P'wede ka bang manood?

Parehas kaming natigilan ni Kairi. Kyuryoso pang nag-angat ng tingin sa amin si Levi, nagtaka siguro sa biglang pagtahimik namin, bago ibalik ang mata sa librong binabasa.

"Pupunta ka?" Kairi ask, glancing over at my phone again one more time.

Nagmamadali kong itinaob ang cellphone ko.

"Pake mo ba?!" I said,  with a hint of nervousness.

Bakit ba ako kinakabahan?! Ano ngayon kung nakita niya 'yon?! Ano ngayon kung nalaman niya na nag-uusap kami ni Matthew? Ano ngayon kung malalaman niya na papayag ako bukas na manood?!

I should not be nervous at all! But my heart can't just calm down! Gosh, Elisha! Kalma. Okay... Kinakabahan ka kasi baka sabihin niya sa kuya mo, okay? Kinakabahan ka dahil doon, okay?

If someone would just know what's inside my mind, they'll probably laugh at me right now on how I convince myself that I'm nervous because it's possible that Kairi will tell my brothers about this and that I'm not nervous with other reason.

"Alam ba ng mga kuya mo?"

Napatingin na lang ako sa daliri ko. Why do I even feel guilty? I didn't even do something wrong, gosh!

"Gawa-gawa ka diyan?! Pinapabantayan ka nga sa akin. Kahit tanungin mo pa si Easton!"

Kaya ngayon nandito ako sa plaza, kasama si Kairi. Sabi ni Matthew ay sampung minuto bago magsimula ang laro ay magkikita kami. Ngunit imbes na siya ang sumalubong sa akin, si Kairi ang nakita ko.

Tapos sinasabi pa niya na pinapabantayan pa 'ko ni Kuya! Kainis naman! Hindi kasi kasali sa laro ngayon ang mga kapatid ko dahil busy sila sa school kaya akala ko ay makakawala ako sa kanila ngayon. Pero, viola! May epal na Kairi! 

"Tara na sa loob. Magsisimula na 'yung game." aya niya.

"Tsk. Hindi ako sasama sa 'yo! Doon ako sa malayong bleachers uupo!"

Pumikit siya ng mariin. Pagdilat niya ay masama na ang tingin niya sa akin. "Ang kulit mo! Ako papagalitan ng kuya mo n'yan, eh!"

"Oh eh ano naman ngayon? Edi ikaw ang pagalitan! Basta ako hindi!"

Nahagip ng mata ko si Matthew na mukhang may hinahanap. Pupuntahan ko na sana siya kaso ay hinila ni Kairi ang kamay ko. Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Para akong napaso doon ah.

"Elisha Zyla, 'wag ka ng makulit!"

"Kauis Ridel, ikaw 'tong makulit sa ating dalawa!" 

Muli akong sumulyap kay Matthew pero wala na siya sa p'westo niya kanina. Napalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko na siya nakita.

Doon ko lang napansin na ang dami palang nakatingin sa amin ni Kairi habang nagbabangayan kami. Siguro ay kung hindi pa ako nakatanggap ng mensahe mula kay Kuya Easton ay baka hindi kami matapos.

From: Perlas ng Silangan

Hoy, Elisha! Ano 'tong nalaman ko na may date kayo ni Matthew?! Jusko kang bata ka! Magtigil ka, ha! Pinababantayan kita kay Kairi. Pag talagang may ginawa ka, tignan mo lang! >:(

"Told you..." mayabang na sambit niya, mukhang nakita ang mensahe ni Kuya.

"Ikaw ang nagsabi?! At anong date, manonood lang naman ako! 'Yang isip mo talaga!"

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere. "Oh?!  Ba't ako nadamay?! Wala akong alam diyan! Bigla na lang din nagtext sa akin si Easton! Tignan mo pa!"

Binuksan niya ang cellphone niya at ipinakita iyon sa harapan ko.

From: Easton kapatid ni Elisha pangit

Kairi,  pabantayan si Elisha bukas sa liga. Ayan na lang pambawi sa ginawa mo noong nakaraan. Ayusin mo ha! ^_^

Halos umusol ang ilong ko nang makita ang contact name ni Kuya. Mas napansin ko pa nga ata iyon kaysa sa mismong mensahe!

"Anong Elisha pangit ?! Nahiya naman ako sa pagmumukha mo!"

Nagtaas siya ng kilay. "Anong gusto mong ilagay ko, Elisha ganda?" 

Feeling ko ay namula ang pisngi ko sa narinig. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa iritasyon o kung ano.

"P'wede namang pangalan na lang ni Easton!"

"Tsk." singhal niya. "Paladesisyon ka talaga eh 'no?"

Hindi ko na siya pinansin at inunahan ko na siya sa pagpunta sa mga ka-teammates niya. Narinig ko pa ang halakhak niya sa likod ko bago tuluyang sumunod sa akin.

Why are we always fighting over petty things? Hindi ko rin alam. Hindi naman ako ganto sa ibang tao. Sadyang sa kanya lang dahil naiinis ako sa pagmumukha niya.

Nakita ako ni Matthew na nasa kabilang side ng court, kagaya ng pwesto nila nung nakaraan. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya kumaway na lang ako at nagtipa ng mensahe para kanya.

Hindi ko naman p'wedeng suwayin si  Kuya Easton kaya wala akong ibang pagpipilian kun'di sumama kay Kairi. Baka kung ano pang isumbuong no'n pag nagkataon.

Nagsimula ang game nang wala ako sa mood. Masama ang loob ko kay Kairi dahil sinabi niya ang tungkol sa pag-uusap namin ni Matthew kila kuya kahit naman na inaasahan ko na... na ganoon ang mangyayari.

Idagdag mo pa na nakakairita ang mga hiyawan ng mga babae sa pangalan niya. Ang dami dami nilang naglalaro pero bakit puro pangalan niya ang naririnig ko?! Nakakainis! Hindi ko naman sila magawang sisihin dahil as usual, siya na naman ang bumubuhat sa Rising Rivals.

Muling nagsigawan sila nang maka-three points si Kairi.  Kumindat pa ito sa isang grupo ng mga babae bago tumingin sa gawi ko. Inirapan ko na lang siya. Ang yabang niya.

If I just know that this is what will happen, I'll not even dare to go here. Hindi naman ako nag-e-enjoy. Sana pala ay nag-aral na lang ako para bukas. Kainis.

Nang magtawag ang kabilang team ng break ay nanahimik na lang ako sa tabi. Tuluyan na akong nawala sa mood. Gusto ko ng umalis at umuwi pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis sa kinauupuan ko.

Mas lalong nag-ingay ang paligid nang lumapit si Diana dito. Sobrang ikli ng kanyang short at naka sleeveless croptop siya habang pinupunasan niya ang mga pawis ni Kairi.

Wow, nanay 'yan?

Bigla akong natawa sa naisip. Silly, Elisha. Ngunit agad bumagsak ang ngiti ko nang nagdagsaan pa ang ilang babae sa pwesto namin.

Sa sobrang excited nila ay hindi nila ako napansin. Ang iba ay naapakan pa ang paa ko. Napatayo ako dahil nagsisiksikan na sila. The crowd was too violent to even notice that they're already hurting me.

Everything just happened so fast. Nagkanda sugat sugat ako habang umaatras palayo sa kanila. Hindi ko alam kung mula saan pero dahil siguro sa natutulis nilang kuko at alahas. Natamaan pa ako ng isang babae kaya napaupo ako sa sahig, na naging dahilan kung bakit naapakan din nila ang kamay ko.

I almost cried because of the pain. May heels pa naman ata iyong nakaapak sa akin.

I tried my best to not let my tears roll down my cheeks. Simple lang ito, Elisha.  You should not cry over this things. It's just simple scratches.

I was just there. Fighting the urge not to cry. Sitting in the floor of the court, wincing in pain, while the girls were all so hype.

That's when I really regretted coming here. I was so excited earlier, expecting that I'll enjoy this night with Matthew, but instead  I was here on the ground, hurting, because Kairi ask me to stay with him.

Sinubukan kong tumayo. Hindi naman naging successful dahil lagi lang akong natutumba ulit.

I almost give up and just waited for this commotion to end when suddenly, they all calm down. I felt the girls giving way to someone who's coming towards me. Halos mapasinghap ako nang makita ang sapatos ni Kairi sa harapan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...