Soulless Dream of Amaris

By Belle_Steinfeld

260 45 7

"Studies First." A line that I always told everyone who asked me on whether I was taken. The only thing na si... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 14

13 2 0
By Belle_Steinfeld

"Gutom na talaga ako Mari," Reklamo ni Aly.

Tinatapos ko ang aking homework ngayon sa Anaphy kasi nga balak ko sanang gumala mamayang gabi. Andito kami ngayon sa Miguel de Benavides Library dahil mas gusto ko na tahimik lang ang paligid ko kapag nagtatrabaho.

"Aly, tandaan mo nasa library tayo," Inis kong sagot. "At tsaka, diba kumain na tayo kanina?"

"Amaris, we are growing!" She pouted as she dramatically raised her arms in the air. "Normal lang na gutom ako palagi."

Napailing na lamang ako sa kaniya at 'di pinansin ang mga tingin ng ibang estudyante sa amin. Aba sino ba naman ang hindi titingin sa pinaggagawa ng baliw kong kaibigan.

"Ingay mo talaga."

Isinara ko ang aking libro at inayos ang mga gamit ko sa bag. Dahil dito ay tumayo agad sa saya si Aly.

"Sa wakas!" Napalakas niyang sabi.

Tumingin ang mga tao sa amin sa ingay ni Aly kaya napasabi ako tuloy ng mahinang "sorry po" bago siya hinila palabas.

"Gagi nakakahiya yun ah," Tawa niya pagkalabas namin.

Tumawa na rin ako kasabay niya dahil sa kahihiyan kanina. Hindi naman ako masyadong seryoso na tao para magalit ng sobra sa mga ganoong bagay. Sanay na rin ako kay Alyza.

"Oh, ano ba ang gusto mong kainin?" Tanong ko dahil gutom na rin ako.

Sa dami ng mga kainan dito sa campus ay imposible na hindi ka talaga mapapagastos. Sa huli ay pinili naming kumain sa KFC. Parang magkakapakpak na ata ako nito dahil sa panay kong kain ng manok.

"Sarap talaga ng pagkain dito," Nag-retouch si Aly ng lipstick pagkatapos naming maubos ang aming mga order.

"Tumahimik ka nga," Masaya na naman tong bruhang 'to kasi ako ang nagbayad sa pagkain namin. "Masarap talaga 'pag libre noh?"

Ningitian niya lang ako at nagpacute. Ewan at bakit ko ba natiis 'tong babaeng 'to sa loob ng 14 na taon. Pero kahit hindi ko man aminin ay parang pamilya na talaga ang turing namin sa isa't-isa.

"Babalik ka na ba sa condo pagkatapos nito?"

Inubos ko muna ang tubig sa aking baso bago nagsalita, "Oo, magbibihis lang ako tapos aalis rin para pumunta sa isang org meeting."

"Wait, you mean the organization that wants to help the less fortunate?"

Tumayo na kami at naglakad papalabas ng KFC upang magtungo sa kung saan ko pinark ang aking kotse.

"Yeah, students from other schools will be joining too."

I was not one for organizations but ever since 2 years ago I became more active in helping people.

"Aly, ayaw mo bang sumali sa org?" Napaisip siya sa aking sinabi. "Sige na, para may kasama naman akong kakilala."

Diretso lang ang tingin niya habang nagsalita.

"Hmm, I'll think about it...."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay biglang naging tahimik. Nagpatulog kami sa paglalakad, pinagmamasdan ang kagandahan ng aming paligid. Simula na ng paglubog ng araw kaya mas lalo kong pinagmasdan ang kalangitan habang naglalakad.

Lumingon ako kay Aly at nakitang parang may bumabagabag sa kaniya. Nakakunot ang kaniyang noo at nakatingin sa malayo. Tulala siyang naglalakad.

Agad sumagi sa aking isipan ang dahilan. Guilt. Iyon ang naramdaman ko pagkatapos ko naintindahan kung bakit siya ganoon.

"I'm sorry, Alyza-" Tumigil ako sa paglalakad.

"It didn't cross my mind."

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin. Kasalanan ko kasi 'to eh!

"Ano ka ba, nakalimutan ko na iyon."

Noong nasa high school kami ay sumali si Aly sa isang organization. Iba siya sa'kin at mas aktibo sa mga organizations noon. Sa 'di inaasahang pangyayari ay nagbago bigla ang takbo ng kaniyang buhay. Muntikan na siyang magahasa ng kanilang lider sa org.

That fucking bastard.

"I'm really sorry," Ulit ko. "If you don't want to join me then it's totally fine."

"Just give me time," She gave me a pat on my shoulder and wore a soft smile.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakatayo na kami sa harapan ng aking sasakyan.

"Ok lang ba sa'yo na kumain mag-isa mamayang hapunan?"

Madalas kasi kaming kumain ng sabay lalo na at magkatapat lang din naman ang mga condo unit namin. Tumango siya at sumagot, "Yeah, don't worry about me."

Ilang minuto lang ang lumipas bago kami dumating sa condo. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit pinili talaga naming manirahan dito kasi ang lapit lang.

"Mag-aayos muna ako tapos aalis ulit. Kung may kailangan ka, I'm just one call away," Bilin ko.

"Yes po, Ma!" Patawa niyang sabi.

"Bahala ka sa buhay mo," Tumawa ako at pumasok sa unit.

Ipinatong ko ang aking bag sa sofa at pumasok sa kwarto. Daming nagtatanong sa'kin kung bakit hindi nalang kami tumira sa iisang unit ni Aly para naman makatipid. Naisip ko rin iyon noon pero mas ginusto namin ni Aly na bigyan ang isa't-isa ng space.

Naligo muna ako para maging fresh at nagtoothbrush. Malay mo baka hindi ako uuwi sa condo mamaya. Joke lang!

Kumuha ako ng isang nude halter top at high-waist pants mula sa closet. Sinamahan ko na rin ng blue cardigan crop top kasi baka ginawin ako.

Naglagay lang ako ng light make up at itinali ang aking buhok sa isang messy bun. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at kinuha ang susi ng aking sasakyan.

"Aly, I'm going!" Pagpapaalam ko mula sa harap ng pintuan niya.

"Mag-ingat ka!" Sagot niya.

Malamang nanood na naman yung ng anime. Adik yun sa mga ganun.

Bumaba na ako at nagmaneho papunta sa isang bar malapit lang din sa condo. Galing namin magmeeting para sa organization eh no? Bar pa talaga!

"Oh nandito na pala si Jian!" Kumaway si Francine mula sa kaniyang inuupuan. Siya ang lider ng organisasyong ito at isang malapit na kaibigan ko mula elementarya.

Dami kong kaibigan no?

Pero hindi lahat kayang manatili sa tabi mo sa mga oras na kailangan niyo sila.

That's reality.

Back to the matter at hand, napailing na lang ako sa sigaw ni Francine.

Tingnan niyo, tawag niya sa'kin ay Jian tapos sa iba naman ay Mari o kaya Amaris! Dami ko namang pangalan! Hahahaha.

"Ano ka ba," Patawa kong sinabi at umupo sa tabi niya. "Sabi ko sa'yo diba, just call me Mari."

"Bahala ka basta ako Jian pa rin ang itatawag ko sa'yo," Nilabasan niya ako ng dila.

Night life.

Sanay na ako dito.

The place was packed with students even though it was still 8pm. Their tables were filled with buckets of beers ready to get drunk tonight. I could also see that some were already making out.

"Jian," A man sitting across me mumbled.

"I'm sorry?" I looked at him questioningly.

He snapped back to reality and looked at me. Realizing that I heard him say my name, he immediately spoke.

"Oh," He sat up straight. "It's so rude of me, I'm sorry. It's just that I find your name familiar."

I nodded and smile at him.

"My bad, I forgot to formally introduce Jian to you!" Francine apologized.

"Vince, ito nga pala si Amaris Jian Delos Reyes," Ngumiti ang lalaking nagngangalang Vince at nakipagkamay sa akin.

"Vince Rivera," Sabi niya bago makapagsalita si Francine.

Ngumiti lang din ako at umupo kasabay nila. Puno na ang aming lamesa ng mga pagkain at ang iba naman pulutan para mamaya.

"Lima lang tayo ngayon kasi busy daw yung iba sa isang project na pinapatapos ng prof nila."

Nakinig lang ako sa sinabi ni Francine at patuloy na nakatingin kay Vince. Ang mga mata koy nakatitig sa kaniyang mukha habang iniisip ng maigi kung saan ko na ba siya nakita noon. Pamilyar siya para sa akin ngunit hindi ko matanto kung saan ko siya nakita.

"Take a picture, it will last longer," He smirked at me.

I rolled my eyes and shifted my attention to my surroundings.

"Sino pa ba ang hinihintay natin?" Nagtataka kong tanong.

"Sabi ni Jamie paparating na daw sila ni Aki," Basa niya mula sa text nung sinasabi niyang Jamie.

"Magkasabay talaga sila ha," Tumingin siya kay Francine na para bang may tinutukso niya yung dalawang kasama namin na paparating.

"Ikaw talaga Vince," Umiling si Francine sa pagiging chismoso nitong lalaking 'to.

Tahimik lang akong nakaupo kasama nila habang ineenjoy ang kanta na pinapatugtog. Wala naman akong kilala dito maliban kay Francine kaya wala talaga akong makakausap.

"Excuse me, magpapahangin lang ako saglit sa labas."

Tumayo ako at naglakad tungo sa balcony ng bar. Bumungad sa akin ang napakagandang tanawin. Nagniningning ang mga bituin at lumiwanag pa ang buwan. Ang ganda.

Ibinalot ko ang aking cardigan sa aking katawan dahil sa lakas ng hangin. Pinagmasdan ko ang kalangitan sa ganda nito. Ang napakagandang buwan. Ito ang tanging nagpapakalma sa akin tuwing marami akong problema. Ngunit, naaalala ko rin siya tuwing nakikita ko ito.

'A day when it can once again light up my world...'

Before I knew it, those words kept repeating in my head once again. I sighed and stepped away from the railings, about to walk back to our table. It was so crowded that it was hard for me to see Francine and Vince from where I stood.

I walked past the crowd and finally saw Francine talking to two other people who must be Jamie and Aki. I could not really see both of them since they had their backs facing me.

"Yes, it would be better if we-," Nakita ako ni Francine na naglalakad papalapit sa kanila kaya naputol ang sinasabi niya kanina. "Jian, saan kaba galing?"

"Nagpahangin lang ako sa balcony," Tumingin ako sa kaniya tapos sa dalawa pa niyang kausap.

Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa pagkagulat at kaba. Ang Jamie na kanina pang binabanggit ni Vince, at ang Jamie na pinagselosan ko noon ay iisa. Si Jamie Cruz. Lumingon siya sa aking habang nanatili lamang na nakatalikod ang lalaki niyang kasama. Parang suplado ata.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang ngumiti naman siya sa akin.

"Hi Jian, it's a pleasure to meet you!"

Sinubukan kong umasta na hindi ko siya kilala at sinuklian ang kaniyang ngiti.

"We finally met," I spoke.

I knew that one would just see that as an ordinary reply but, it was far from what you think. It held a deeper meaning to me.

As soon as I spoke, the guy beside her turned to me faster than a lightning bolt.

Shit.

Ano ba naman 'to at pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Akala ko ba si Jamie lang ang makikita ko ngayon pero mali pa ako. Ang tanging tao na matagal ko ng iniiwasan ay nakatayo sa harapan ko ngayon.

Walang iba kundi si Daniel Joaquin Lim.

"Destiny did bring us together," He stared at me full of emotions. "Amaris..."

Pinilit ko ang aking sarili na magsalita pero parang hindi ko magalaw ang aking bibig at dila. Nakatitig lang ako sa kaniya. Sa kaniyang mga mata.

Nung kalmado na ako ay sinubukan ko ng magsalita.

"It surprisingly did," My words came out to be a soft whisper.

Parang nawala ang mga tao sa aming paligid at kami lang dalawa ang naiwan. Dalawang puso na tumitibok pa rin para sa isa't-isa. Yun ang inaakala ko.

"So, do you guys know each other already?" Francine looked so confused with what's going on. Same goes with Vince and Jamie who just stood there trying to analyze everything that's happening.

"We-we used-," I stuttered.

I didn't know what to say. It was as if my mind went blank.

"We dated 2 years ago," Daniel cut me off.

I still could't quite grasp the whole idea that I'm now in a bar standing in front of my ex. My first love.

And besides, who would have thought that he's Aki?

'Sabihin mo bobo ka lang talaga Amaris! Malamang nanggaling yung Aki sa Joaquin!'

Umiling ako at binalewala ang mga sinasabi ko sa aking isipan.

"Yes," I agreed and looked at Francine, hoping for her to notice me begging her to help me out of this situation.

Good thing she had sharp eyes.

"Oh," She said awkwardly. "Why don't we all just forget everything for now and get to work?"

We all nodded, also feeling the tension between us. I sat beside Francine and across Vince while Jamie sat on the other side. I thought everything was going to be better when Daniel also sat across me. Great! Now I have no choice but to face him.

"Plano ko sana na gumawa tayo ng merchandise kung saan ang lahat ng pera na makukuha natin ay mapupunta sa mga nangangailangan," Nagsimula na ang aming meeting tungkol sa dapat naming gawin.

"Hindi ba tayo mahihirapan sa production niyan?" Biglang tanong ni Vince.

"I don't think that would be a problem if we only plan the production thoroughly and find a good shop to produce for us," Sagot ko.

"Oo, tama si Jian. But before that we need to find sponsors to help us make this project possible," Seryosong sabi ni Francine.

"I could help you look for sponsors," Daniel offered.

Tama, maraming negosyo ang pamilya nila. Malamang madali lang sa kaniyang makahanap ng sponsor para sa amin.

"Aray!" Sigaw ni Jamie bigla.

Agad kaming napatingin sa kaniya at nakitang nahulog niya pala ang kaniyang baso. Nabasag ito at tumusok ang maliit na parte sa kaniyang paa.

Dali-daling tumayo si Daniel at binuhat ng dahan-dahan si Jamie. Alam ko na hindi dapat ako makaramdam ng pagseselos ngunit hindi ko ito mapigilan. Napaisip ako tuloy kung sila pa ba ni Jamie at Vern.

Mayroong bench malapit sa restroom kaya doon siya dinala ni Daniel para na rin madaling makakuha ng tubig mula sa cr.

Tumawag si Francine ng waiter upang ipalinis ang nabasag na baso habang kumuha naman ako ng aking panyo at alcohol. Buti nalang at hindi ko pa nagagamit ang aking panyo kaya pwede itong gamitin ni Jamie. Sumunod ako sa kanila sa may restroom at nakitang hinahawakan ng mahigpit ni Daniel ang kamay niya.

"May malinis akong panyo dito at tsaka alcohol," Hindi ko pinansin ang paghahawakan nila ng kamay. Lumuhod ako sa harap ng paa niya at tiningnan ang sugat.

"Nakakahiya naman sa'yo Amaris," Nag-aalalang sabi ni Jamie.

"Don't worry, sanay na akong manggamot ng mga sugat and besides, I'm a medtech student kaya wala lang talaga sa'kin ang dugo."

"Medtech...you really faced your fear of blood Mari," Daniel stared at me in amazement.

I just smiled slightly at him and focused on Jamie's wound.

"I will be pulling out the glass, okay? Just bear with me, please." I tapped her shoulder softly, trying to comfort her.

"1, 2, 3..." I pulled it slowly until I finally got it out.

"You're good now," I whispered.

"Thank you Amaris," She said weakly.

Her sweat was dripping down her forehead as she looked so exhausted. I could't blame her though. That piece of glass wasn't really that small.

"Kailangan ko lang punasan yung sugat mo at lagyan ng alcohol. Pupunta lang muna ako sa restroom para mabasa ko ng tubig ang panyo," Paalam ko at tumayo para pumunta sa cr.

"Ako na Amaris," Tumayo rin si Daniel at kinuha ang panyo mula sa aking pagkakahawak. Bago pa man ako makasagot ay umalis na siya.

Ayoko naman maiwan mag-isa kasama si Jamie kaya nag-isip agad ako ng ibang gagawin para makalayo dito.

"I'll get you a band-aid for your wound," I smiled and left her to find one.

"Oh, kamusta na si Jamie?" Agad na tanong ni Francine sa'kin.

"Fortunately, I was able to remove the glass," I grabbed my bag and searched for a band-aid.

"Salamat naman!"

"Anong hinahanap mo, Jian?" Tumingin si Vince sa akin.

"I'm checking if I have a band-aid in my bag for Jamie's wound."

Vince tapped around his pockets, checking for something. It didn't take take long before he pulled out a cute looking band-aid from his pocket.

"I have one," He gave it to me while scratching his head. I could see that he was embarassed so I thought of teasing him a bit.

"Such a cute band-aid you have here," I smirked.

"Oh shut it, I just carry that around in case I'll be needing it," He scowled.

I just nodded teasingly, not really buying what he said.

I walked back to where I left Jamie and Daniel so that I could finish cleaning her wound when I suddenly came to a halt midway down the hall.

What a scene.

Daniel was hugging Jamie as if trying to comfort her. I could clearly see that her wound has been treated and Daniel already put a band-aid on it.

I guess I was too late.

Pero too late tungo saan nga ba? Too late in giving her the band-aid or too late in love?

My heart ached as much as it had 2 years ago.

Ginusto ko naman 'to diba? I was the one who kept on avoiding and pushing him away.

I deserved this. Maybe he already got me out of his life long ago. Out of the picture.

What if I was just the fake protagonist?

What if I was not meant for him?

What if I wasn't the main character in this story?

Here we go again with the 'what ifs'...

But again, what if he was my endgame?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

2875 Words

Vote.Share.Comment.

























Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...