Until Our Path Cross Again

By wimpearl

1.7K 66 0

completed September 28- December 10 More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65

CHAPTER 28

28 1 0
By wimpearl

"Ang sweet naman talaga," pang aasar na sabi ni Louisa.

Nasa cafeteria kami ngayon. Kasama ko siya at si Clyde. Inaasahan ko naman na aasarin talaga kami nitong si Louisa, e.

Nag insist si Clyde kanina na iwan nalang niya kaming dalawa ni Louisa pero hinila ko siya at sinama sa lamesa namin.

Saan siya pupunta kung gano'n?

Noong mga panahon na wala akong kasama rito sa Cafeteria, siya ang palaging sumasama sa'kin. Hindi puwedeng bigla nalang siya iiwas dahil lang bumalik na ang relasyon namin ni Louisa.

"Just say what you want," utos ko kay Louisa.

Mabait naman 'to si Louisa, e. Masyado nga lang maissue at maingay.

Sinabi lang ni Clyde na siya ang pipila para umorder, walang tigil na namang naghuhurmintado 'tong si Louisa.

"Chips nalang," she said briefly. "Parang ayaw ko ng dessert ngayon, masyado ng nilalanggam ang kasama ko rito." Mahina lang ang mga boses niya pero kahit na gano'n, narinig ko pa rin ang mga 'yon.

Para talagang ewan.

I rolled my eyes and didn't respond to her mocking.

Hindi naman nag tagal, agad na nakabalik si Clyde sa lamesa namin dala ang mga pagkain na binili niya.

Isang cheese cake lang ang pinabili ko.  Sa kaniya naman, isang burger.

"Parang masarap 'yong burger." Louisa pouted.

"Pumila ka uli," pabirong sagot ni Clyde.

Huh. Nakalimutan kong isa pala sa mga pinaka pilosopong tao 'tong boyfriend ko. Sigurado akong pag nagsama 'tong dalawang 'to walang katahimikan ang buhay ko.

"Tse. Kapag si Daphne ang bibilhan ang bilis!" Sagot ni Louisa habang nakasimamgot. Tumayo na rin siya at medyo nagtatampong pumila sa bilihan.

"Baliw ka talaga!" sabi ko kay Clyde nang makalayo na si Louisa.

Tumawa siya ng bahagya. "I'm just making fun of her. I didn't expect that she'll stand, but I think that's also good. We can have our time even just a minute."

Naramdaman ko ang kamay niyang nagpahinga sa binti ko.

Hindi ako nakasagot dahil sa ginawa niya. Medyo nagulat kasi ako pero hindi ako sigurado kung nahalata niya ba. Sana'y hindi.

"Stop blushing, baby," mayabang niyang sabi.

I gave him a terrible glare before punching his chest.

Akala mo'y wala lang sa kaniya ang pag hampas ko. Tawa pa rin siya ng tawa habang inaasar ang pamumula ng mukha ko.

"Mukhang ang saya niya kapag wala ako. Dapat pala papuntahin ko rito si Raz." Louisa frowning said.

"Magtigil ka nga. Nasa Adams University 'yong tao tapos papapuntahin mo rito para lang sumama sa'yo mag break time?" I said  restraining her.

I can feel Clyde's vibrating body. Tawa siya ng tawa sa sagutan namin ni Louisa.

"Ayos lang at least may label kami," pangaasar na sabi ni Louisa.

Oo nga pala't ang huli niyang alam ay itinatanggi ko ang oagkikita namin ni Clyde. Sinasabi ko rin na walang namamagitan sa'min kaya siguro nasabi niya 'to ngayon.

Pero, sorry siya kasi kami na.

Noong aamba na akong sabihin kay Louisa ang totoo, naunang bumuka ang bunganga ni Clyde. "Kami na," maikli pero may diin ang mga 'yon.

Alam kong sinabi namin na 'wag munang sasabihin sa ibang tao ang relasyon namin dahil ayaw namin na mapagusapan, pero alam ko naman na kahit madaldal 'tong bunganga na mayro'n si Louisa, maasahan pa rin 'to.

Nakita ko ang pag buka ng bibig ni Louisa dahil sa pag amin ni Clyde. "Omg! Mamamatay na si Drixy sa inggit!"

Clyde's forehead creased. Hindi niya yata maintindihan kung ano ang sinasabi ni Louisa.

"Drixy likes you," simple kong pagpapaintindi ko sa kaniya. "Tss. Gwapo."

Medyo tumawa siya dahil sa sinabi ko pero bago pa ako makaramdam ng selos, naramdaman ko na ang pagpiga niya sa hita ko.

He really knows how to assure me. That's one thing I love about him.

Iniba rin ni Clyde ang pinaguusapan namin dahil hindi naman daw 'yon mahalaga. Sinabi niya rin sa harap namin na hindi siya intirasado kay Drixy.

Parang bulati tuloy na nangisay si Louisa, kasabay pa no'n 'yong mga hampas na binibigay niya sa'kin.

Pasalamat talaga siya at wala rito ang boyfriend niya. Palagi niya kasing binabanggit sa'kin na tuwing gumagaslaw na ang galaw niya, bigla nalang magagalit ang boyfriend niya. Hindi raw kasi gusto no'n na para siyang nakatira sa kanto sa sobrang galaw.

Hindi ko na nga napansin na nasa resulta na ng exam namin ang paguusap na mayro'n kami. Hindi na yata ako makapagisip ng maayos dahil ang isip ko'y nasa kamay lang ni Clyde na parang nataas ng hindi ko napapansin.

Kaya naman tinanggal ko 'to ng dahan dahan. Baka kasi maooffend siya kapag biglaan kong tinanggal. Buti nalang at hindi niya napansin 'yon.

"Ang sabi next week daw ang labas ng results," sabi ni Louisa habang busy siya sa pag kagat ng burger. "Sigurado ako ikaw ang pinaka mataas sa klase natin, daph."

Sinabi rin 'yan sa'kin ni Clyde.

Pero, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Kahit pa sabihin na hindi naman talaga ako gumamit ng red note, hindi pa rin maaalis sa isip ng mga tao rito 'yong pagkakasangkot sa issue na 'yon.

Halos lahat ng mga kaklase namin ay hindi na katulad ng dati ang trato sa'kin. Para silang nandidiri tuwing dumadaan ako. Hindi sila natutuwa tuwing sumasagot ako sa klase.

Alam kong may pagdududa pa rin sa loob nila. Kaya hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kung ako talaga ang mangunguna sa klase namin.

Naramdaman ko ang pagkakaakbay ni Clyde sa'kin kaya naman tumingin ako sa kaniya.

Nakita ko ang pag ngiti niya. Sinabi ko sa kaniya ang gumugulo sa isip ko noong mga nakaraang araw. Sinabi niya lang sa'kin na hindi ko kailangan ng opinyon ng iba. Magaling ako at alam niya na ginawa ko ang lahat para maging karapatdapat sa mga grado na makukuha ko.

Binigyan ko siya ng ngiti pabalik.

I love the relationship that we have. Everytime that I can't feel myself, he's there for me, and if he needs me, I'm always willing to be there for him.

We are give and take in this relationship. Ito 'yong wala samin dati ni Leon kaya naman napunta kami sa hiwalayan.

Natapos ang klase namin sa araw na iyon ng maayos. Mukhang disidido talaga si Clyde na magkaro'n ng magandang marka dahil nagkukusa na siyang sumagot sa ilang mga tanong ng prof namin.

Sa tuwing natatapos naman siyang sumagot ay agad siyang tumitingin sa'kin at binibigyan ako ng ngiti. Sumasagot naman ako sa kaniya ng thumbs up para sabihin na maayos ang sagot niya.

Nawawala lang ang tingin ko kay Clyde kapag bigla biglang kinukurot ni Louisa ang tagiliran ko.

Panira talaga.

"Clyde!" Rinig naming sigaw galing sa likuran namin.

Naglalakad kami ngayon ni Clyde papunta sa parking area dahil ihahatid na niya ako sa coffee shop.

Tamad akong tumingin sa likuran ko dahil mukhang alam ko na kung sino ang mga 'yon.

Ang dalawang kumag at si Waylon.

Noong mga panahon na wala akong kasama sa cafeteria, tapos dinagdagan pa ng mga chismisan tungkol sa'kin, do'n ko napagtanto kung gaano kaayos naman palang kasama 'tong tatlo.

Pinapaalis lang sila ni Clyde kapag pakiramdam niya nasosobrahan na ang bibig ng dalawang kumag.

Pero, they make me happy a lot of time. Ang dami nilang kuwento tungkol kay Clyde kaya naman nag eenjoy ako sa pakikinig.

"Grabe naman. Under na under ka ba talaga kay daphne?" Tanong ni Nate kay Clyde bago hampasin ang braso nito.

Tumawa lang ako sa sinabi niya.

Dati naiirita ako kapag nakikita ko ang dalawang 'to. Ang iingay kasi. Pero, hindi ko alam at ngayon natatawa na ako sa mga pangaasar nila.

Masyado kasi yata talaga akong madaming naransan doon sa mga pangyayari.

Parang gusto kong bumawi sa pag tawa dahil ilang araw akong nag kulong sa condo ko.

"Tumigil ka nga. Ano bang kailangan niyo?" Iritadong tanong ni Clyde bago hawakan ang braso ko para mailayo sa dalawa.

Nginitian ko si Waylon na tahimik sa gilid. Binawian niya lang ako ng pagtango. Grabe, kahit pag tawa o pag ngiti hindi niya magawa.

"Brad. Don't you dare say to my fucking face that you forgot that it's my birthday tomorrow," Miguel said frowning.

Agad akong tumingin kay Clyde. Hindi ko alam na birthday ni Miguel bukas. Plano sana naming mamili ng grocery.

Clyde sigh. "Tss, I know.  I just have plan for tomorrow. Maybe I'll be late or I'll just send your birthday gift to your place."

"Oh men! Stop with your garbage reasons," inis na sabi ni Miguel. "Can you punch this asshole for me, daph?" Tumingin ng bahagya si Miguel sa'kin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang braso ni Clyde bago siya bulungan. "What are you doing?"

"He'll go. I promise migs." Ngumiti ako sa kanila bago kumaway. Hinila ko si Clyde papunta sa loob ng sasakyan niya.

"I'll not go, daph," agad niyang sabi habang ikinakabit ang seatbelt.

"Parang hindi mo kaibigan sila Miguel. Ang harsh mo!"

He groaned. "I thought we will buy some groceries for your condo?"

"Makakapag antay 'yon Clyde Hendrix. Tigilan mo 'ko."

Gumagawa lang ng rason 'tong isang 'to, e.

Lagi niya kasing sinasabi sa'kin na kapag weekend ay gusto niya magkasama lang kami buong araw.

"Then, I don't want to go."

I glare at him. I didn't respond to his rant but instead, I gave him a serious look.

"Fine," he said finally giving up. "but, I'll just go if you come with me."

"Baliw na baliw ka na ba talaga sa'kin? Kahit ilang oras lang ayaw mong humiwalay?"

"That's the rule baby," malumanay niyang sabi bago hawakan ang kamay ko.

Hinalikan niya 'to ng mahinhin.

"No," sagot ko bago bawiin ang kamay ko sa kaniya.

Gusto kong lumayo muna siya kahit ilang oras lang.

Ayaw kong masanay na palagi siyang nandiyan.

Siguro mag woworkout nalang ako bukas habang nasa celebratation siya ng birthday ni Miguel.

"Then, no also," Clyde replied plainly.

Parang timang talaga ang isang 'to!

Kahit makarating kami sa coffee shop ay pinipilit ko pa rin siyang pumunta sa party bukas.

Pero wala akong nakuhang matinong sagot mula sa kaniya.

Nakakuha pa ako ng message galing kay Miguel habang nasa gitna ako ng trabaho.

Kulitin ko raw ng kulitin si Clyde dahil ayaw pa rin daw pumayag.

Me:
I'm on my shift right now. I'll text you back later.

Nakailang text na siya si Miguel sa'kin kaya naman napilitan na akong replyan siya sa gitna ng trabho ko.

"Hoy! Trabho ang unahin. Susunduin ka naman mamaya, may pag text pa. Hmp," bitter na saway sa'kin ni Mitch.

"Hindi 'yon si Clyde," defensive ko namang sagot.

Nang matapos ang shift mamin, nakita ko na ang sasakyan ni Clyde na saktong kakarating lang.

"Ayan na! Bebe time na!" Sigaw na sabi ni Mitch.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil gusto ko ng makauwi.

Naglakad ako palabas para salubungin si Clyde.

"How are you?" Tanong niya.

"Good." Ngumiti ako bago sumakay sa loob ng sasakyan niya. "Kanina pa text ng text sa'kin si Miguel. Hindi ka ba sumasagot sa mga message nila?"

He just shrugged.

I rolled my eyes.

"Come on. Attend to that party," walang katapusan kong pamimilit sa kaniya. "Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?"

"No," he answered immediately.

"I'll just do some work out while you're at the party."

"Then let do some working together."

Hay nako. Matigas talaga ang isang 'to. Kahit noong makarating na kami sa condo, hindi pa rin ako nagtatagumpay sa pamimilit sa kaniya.

Kaya naman, ako na ang bumigay. "Okey, fine. I'll go with you."

"Okey, but we'll just last for an hour, and you're not allowed to drink alcohol," pagbibigay niya ng mga alituntunin sa'kin. "I know that those punks will going to give me a lot of shots, so you need to be the one who'll drag me home."

Huh? Ako ang magdradrive?

Well, alam ko naman kung paano magdrive pero sana naman hindi siya masiyadong malasing dahil ang hirap niya buhatin.

"Your weight is double of mine. Do you think I can carry you?" Dirediretso kong sabi sa kaniya.

Tumawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko. "Hindi ko sinabi na buhatin mo ako. I just asked you to make sure that I'm safe while I was drunk."

Continue Reading

You'll Also Like

71.7K 239 11
As the title says
997K 88.6K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
235K 7K 50
we young & turnt ho.