Their Complexities (Book 3 of...

By keeperofsins

46.2K 1.4K 401

What happens when you're both at your ends More

FOREWARNING
Prologue
Is there a difference?
Best dad ever!
Clarity
Entanglement
Flicker
Invasion
The boy in the middle
Concerns
Strucked
It begins
In motion
Revelation
Gifts
Good surprises
Spotted
Having it
Clearing things
Importunate
Let's get it on!
Pulling out
Cornered
Try
Hooking it
Who to pick?
In the red corner
In the blue corner
Plan
Fall of the figure
Confrontations
Hunches
Enticing
What is the surprise?
Surprise, surprise!
Another test
Face-off
Comfort
Disturbance of comfort
Disturbances
Fate and its consequences
Is it too late to apologize
For them
A request
Compromise
Final Decision

A possible sidetrack

502 23 5
By keeperofsins

"Got to look nice, got to look nice," paulit-ulit na turan ni Andrew.


Kasalukyan siyang nakaharap sa salamin, ngiting-ngiting nagsusuklay ng buhok upang gawin itong maayos at pulido. Matapos noon ay agad siyang nag-sipilyo, mouthwash bago magpabango.


"That should do it!" masaya niyang turan sabay kindat pa sa sarili.


Bahagya pa siyang pumostura upang sipatin ang kanyang pigura habang nakatuwalya pa. Maayos pa rin naman ang kanyang braso, hindi rin naman malaki ang tiyan at litaw pa rin naman ang mga guhit niya sa katawan dala ng masidhi niyang pagbubuhat nitong mga nakaraan buwan.


Masaya ang bawat huni niya habang pumipili ng maisusuot. Nagdedesisyon siya sa kung ang polo shirt ba or magshi-shirt at coat na lang siya na teternuhan ng maong. Bangang huli ay ang ikalawang damit ang naisipan niya dahil mas elegante. Tinernuhan niya na rin iyong ng relo at rubber shoes para naman kahit papaano ay magmukha pa rin siyang bata.


Nais niyang makasigurong maayos, kahali-halina at ang pinakamatino niyang hitsura ang masisilayan ni Lucy ngayong araw.


"Daddy, we're going to be late!" Sigaw na ni Vance mula sa baba ng bahay.


Mukhang naiinip nanaman ito dahil sa ilang oras na rin ang itinagal niya habang nag-aayos.


"Just a minute," sagot niya na lang sa anak.


Dali-dali na niyang kinuha ang bungkos ng bulaklak, isang maliit na kahon na mayroon kulay pulang balot na sinelyuhan pa ng isang gintong laso.


Sa ilang buwan na panunuyo't panghahalina niya kay Lucy sa tingin niya ay iyon na ang tamang oras upang sabihin na rito ang ninanais. Sigurado niyang alam na rin naman nito ang kanyang gusto.


Hindi na rin naman sila bata at kailangan na rin naman nilang malagay sa payapa. Aminado naman siyang nagkamali siya noon una dahil masyado siyang nagpadalos-dalos sa mga ginawa. Subalit sa mga panahon na hindi niya kasama ang si Lucy ay napagtanto niya ang kahalagahan nito sa kanyang buhay.


Sa dami na ng babaeng naikama, nakarelasyon, naibahay at nakasama niya, si Lucy lang yata talaga ang namumukod tangi sa mga ito.


Naroon ang angkin nitong tapang at lakas ng loob sa oras ng kagipitan at pangangailangan, subalit naroon rin naman ang angkin nitong pagiging maalaga, maasikaso at maalalahanin kapag sa dumating na sa mga anak at sa kanya. Higit sa lahat ni minsan ay hindi siya nito binigyan ng sakit ng ulo sa kahit anong materyal na bagay, pamilya o kahit pa sa kama noon nagsasama pa sila.


"How does daddy look?" turan niya kaagad sa bunsong anak pakababa.


"You look handsome daddy," magiliw nitong saad na napapataas pa ng kamay.


Ganoon na lang ang tawa niya habang pinipisil ang ilong ng anak. "C'mon na, naghihintay na sa atin si mommy Lucy mo." Mapaglaro niya itong binuhat, inaalog-alog pa sa tuwa na siyang nagpatawa rito habang papunta sila sa sasakyan.


"What's in the box daddy?" pansin ng paslit nang makita ang naturang mga bagay na dala niya sa tabi ng kinauupuan nito.


Isang malapad na ngiti ang namutawi sa kanyang mukha nang maalala ang laman noon. "It's for your mommy Lucy," tila bulong niya sa anak.


Halata naman ang biglang pagningning ng mukha ni Vance nang mabatid ang kakaibang kahon na iyon.


"Will it make her finally stay with us like you promised?" nagtatatalong nitong saad habang ikinakabit ng ama ang seatbelt nito sa upuan, naroon ang guhit na guhit na ngiti nito habang hinahatak ang manggas ni Andrew.


Naroon ang magkahalong lungkot at tuwa sa kanya nang makita ang reaksyon ng bunso. Talagang napamahal na rin ito ng todo kay Lucy, hindi niya rin naman masisisi ang paslit dahil na rin kay Lucy nga lang naman nito naranasan ang pag-aaruga ng ina na matagal na nitong hinahanap.


"Oh, I'm still working on that kiddo," magiliw na paggulo niya sa buhok ng anak.


Naroon rin naman kasi ang katotohanan na kailangan niyang mag-ingat sa kasalukuyan sitwasyon, dahil sa oras na magkamali nanaman siya ay mabubulilyaso nanaman ang kanyang plano.


Ganoon na lang tulog ang pagbusangot ni Vance. "Why don't you just get mommy Lucy that special gift that will make her stay, the one that those other ladies keep asking about," ningning matang turan nito sa ilang mga bagay na nakasanayan na.


Nanlalaking matang napalunok na lamang ng malalim si Andrew sa narinig mula sa anak. "Uhm, about that kiddo, make sure you don't tell mommy Lucy about that, okay," pilit ngiting paalala niya sa anak.


Bigla siyang namawis ng malamig nang mapagtanto ang sinasabi nito. Hindi niya lubos akalain na tatatak sa alaala ng bata ang mga nakaraan niyang relasyon, lalo pa at musmos pa lamang naman ito noon. Hindi niya tuloy napigilan ang matinding kabog ng dibdib nang maisip na maaaring may nasabi na ito kay Lucy kaya halos parang pinahihirapan siya nito ngayon.


"Why?" Napatagilid na lang ito ng ulo, guhit ang pagtataka sa mukha.


Napahatak na tuloy si Andrew sa kanyang kuwelyo dahil tuloy-tuloy na ang pamamawis. "Because then daddy would have a hard time making her stay," pilit paliwanag niya sa anak.


Alam niyang kailangan niya maipaliwanag ng maayos sa paslit ang mga iyon, kung ayaw niyang masira ang lahat ng mga pinagpaguran niya nitong nakaraan.


"Why?" muli nitong tanong.


"Because mommy Lucy will get angry if she finds out that daddy showed that special gift," tila pananakot na lang niya sa paslit na nanlalaki pa ang mga mata.


Mabilis ang naging pagkusot ng mukha ni Vance sabay halukipkip ng kamay sa kanya. "I don't think mommy Lucy will get angry about it because its hers naman, and you just showed it to the others diba," parang nangangaral na sagot na lang nito.


Ganoon na lang ang malakas na paghalakhak ni Andrew dahil halos ayaw ng mawala ng kaba niya ng mga sandaling iyon. Mukhang hindi talaga niya magugulangan ang anak, sigurado niyang mas lalo lang itong magdadaldal kung pipilitin niya pa.


"We'll kiddo, just...just don't tell mommy Lucy, okay, or else she will not stay with us na. Do you want that?" Pagbababala na lang niya sa paslit.


"No," halos nanghihina nitong sambit. Naroon ang agaran nitong pagsimangot at pagkaluha dahil sa kanyang sinabi.


"Good, then make sure you don't say anything about it, okay," alo na lang ni Andrew sa anak habang hinahaplos ang ulo nito.


Hindi naman niya gustong takutin ang anak, subalit hindi niya nais na madulas ito kapag nagkwekwento.


"If I do that daddy, will you make mommy Lucy stay na?" malungkot nitong saad nang mag-angat sa kanya ng tingin.


Naroon ang tila nang-aamo nitong mga mata nang tumitig sa kanya, kaya naman tila parang nanlalambot na lamang ang kanyang puso.


"Of course," lambing niya na lang na sagot.


Nanumbalik kaagad ang ningning ng mata ni Vance sa narinig. "Then we can live with Jeric and Jurius, and also with my kuya's and ate's, and then we can play all day long!" masaya na nitong saad na napapataas pa ng kamay.


"You betcha!" Pisil na lang niya sa pisngi ng anak nang makita na ang pagliwanag muli ng mukha nito.


"Yay!" Muling nagtatalon na si Vance sa kinalalagyan nito.


"So be a good boy when we get there and make sure not to tell anyone of our little secret, okay," paalala niya sa anak nang matapos ng iayos ang kinauupuan nito.


"Yes daddy," masaya nitong saad.


Ngiting tinanguan niya na lang ang anak habang isinasarado ang pinto, agad siyang nagpunas ng mukha dahil nabatid niya ang sobrang pamamawis. Hindi niya napigilan ang matinding kaba, lalo pa't nalaman niyang naaalala pa pala ng bunsong anak ang ilang mga nasirang relasyon noon musmos pa lamang ito. Dahil doon ay naroon na tuloy ang walang patid niyang pag-iisiip sa kung paano iyon ipapaliwanag kung sakaling madulas man ang anak.


Nanatili na lang tuloy iyong nakatatak sa kanyang utak habang nagmamaneho. Hindi niya man gustong problemahin iyon ay sigurado niyang kailangan niyang paghandaan ang naturang bagay na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...