TGISM: CHAPTER 41
Nagtungo na ako sa Garden. May naramdaman naman akong malamig na bagay sa leeg ko. Ang katana ni Cassie.
Napangisi ako hindi nga ako nagkakamali at pupunta siya rito. Humarap ako sa kaniya at sinawalang bahala ang katanang nakatutuk sa leeg ko.
"Nandito ka? Handa kanang mamatay?" tanong niya.
Umatras naman ako at tinutok sa kaniya ang baril kaya gulat siyang tumingin sa 'kin. Ngumisi naman ako.
"Ano ba talagang totoo mong plano? Cassie Servande?" tanong ko habang nakatutuk parin sa kaniya ang baril.
"Anong plano? Isa lang naman ang plano ko eh ang patayin ka."
"Tumigil ka," may pagbabantang sabi ko ng humakbang siya palapit sa 'kin. "Ang alam ng lahat ay patay kana." Nagulat siyang tumingin sa 'kin "Anong plano mo?"
"Yan na nga ang problema ko e," bumuntong hininga pa siya. "Trinaydor ako."
"Trinaydor nino?"
"Ng pinsan ko," galit niyang banggit rito. "Siya ang may planong patayin ako buti nalang at nakatakas ako."
"Ehh sino 'yong babaeng patay na nakita nila?" tanong ko
"Exactly sino 'yon? Hindi naman iyon ang kambal ko kasi protektado siya ni Andrew, kaya n'ong nalaman kong patay na pala ako sa paningin nila ay pinanindigan ko nalang."
. . .
CASSIE SERVANDE POV
"Ano bang nangyari?" tanong niya.
☚FLASHBACK☚
"Guys CR lang ako," pamamaalam ko sa kanila kanina pa kasi ko ihing ihi e.
"Samahan na kita?" tanong ni Marga.
"Nah! Hindi na kambal lang tayo pero hindi kambal ang pagkababae natin," mataray na sabi ko bago umalis.
Pumasok na ako sa loob ng CR at umihi ng matapos akong umihi ay tumingin ako sa salamin at napahawak sa dibdib ko ng bigla itong tumibok ng mabilis.
Anong ibig sabihin nito?
Napatingin naman ako sa may pinto ng bumukas ito.
"Pinsan," tawag ko sa kaniya ng nakangiti.
"Hello Cassie," sabi niya.
Tumango lang ako saka tumingin ulit sa salamin saka inayos ang sarili ko. Kumunot ang nuo ko ng mapansin kung may isang matulis na bagay siyang tinatago sa likod niya.
Humarap ako sa kaniya ngunit nagulat ako ng isasaksak niya sakin ang kutsilyo na iyon ng umiwas ako kaya napaupo ako sa sahig.
"A-ano 'to?" gulat na tanong ko.
"Marami kanang alam." Ngumisi siya ng parang demonyo.
Nakaupo lang ako sa sahig habang umaatras. Ngunit may ginawa na ako n'on. Dahan dahan kong hinubad ang heels ko.
"Kailangan kanang tapusin." Isasaksak niya ulit sana niya ang kutsilyo ng tinapon ko sa kaniya ang heels.
Binuhat ko ang laylayan ng dress ko at tumakbo ngunit napasalpak ako sa sahig ng bigla niyang hilahin ang buhok ko.
"Akala ko ba partner tayo?" tanong ko habang pinapahiran ang luha kong tumutulo na pala.
"At sino namang tanga ang maniniwala diyan? Kaya ko ng walang partner Cassie." Nakangising sabi niya at hinila ang buhok ko saka sinandal ako sa dingding.
"Please anong binabalak mo?" tanong ko.
"Ang patayin ka."
Akmang sasaksakin niya ako ng tinuhod ko yung manhood niya saka ako tumakbo.
Hindi ko akalain na gagawin niya 'to. Masyado akong nagtiwala at nakapanti na hindi niya ako tatraydurin.
Nakalabas na ako sa party at agad akong naghanap ng matataguan ng nadapa ako. Tangina ang sakit.
Pinunit ko ang damit ko para hindi na ito mabigat. Saka ako tumayo at tumakbo ulit.
"Cassie," tawag niya sa 'kin.
"Nious," banggit ko sa pangalan niya.
"Hali ka rito," bulong niya.
Hinila niya naman ako at sabay kaming nagtago. Umupo kami tinakpan niya ang bibig ko.
"Nasa'n kana Cassie?"
Mas humigpit ang kapit ko kay Nious ng marinig ang boses na iyon.
"Wala na siya," bulong niya sa 'kin saka niya ako pinatayo ngunit hindi ako tumayo.
Umiling lang ako habang yakap ang tuhod ko. Nagulat ako ng umupo siya sa harap ko ngunit likod niya ang kaharap ko ngayon.
"Sakay ka."
"Piggyback?" tanong ko.
Tumango naman siya. Kaya sumakay na ako sa kaniya at naglakad na siya.
Dinala niya ako sa isang bahay saka niya ginamot ang sugat ko n'ong nadapa ako.
"Ayaw kunang bumalik roon," sabi ko at umiling.
"Hindi kana babalik roon gagawa ako ng paraan at 'wag na 'wag kanang magpapakita pa sa kanila kung mahal mo pa ang buhay mo." Tumayo at aalis sana siya ng magsalita ako.
"Salamat," napahinto siya sa sinabi ko. "Salamat kahit na ang laki ng kasalanan ko sa 'yo."
"13 years na 'yon kalimutan muna 'yon" cold na sabi niya.
"Alam kong hindi mo 'ko mapapatawad pero salamat kahit na ang laki ng kasalanan ko sa 'yo ay tinulungan mo parin ako."
"Hindi kita tinulungan, hindi ako tumutulong sa tao nagkataon lang na nagkita tayo. Bukas na bukas rin umalis kana rito sa bahay ko."
Nagkataon nga lang ba? Oh alam muna na mangyayari ang lahat ng 'to?
☚END OF FLASHBACK☚
. . .
LEON POV
"Ginawa ni Nious 'yon?" takang tanong ko.
"Oo, pumupunta lang ako rito para awayin ka," sabi niya.
Kaya napalingon ako sa kaniya at ngumiti. Umirap naman siya at tumayo ng matapos siyang magkwento.
Nagpakamisteryoso mo talaga Nious. Hanggang ngayon magaling ka paring magtago at magpapaka inosente.
"Saan mo nakuha ang baril na iyan?" tanong niya.
"Ito? Well kay Nious 'to," sagot ko.
Tumango naman siya at nilagay na sa gilid niya ang katana at hinarap niya ako. Hinarap ko rin siya at ngumiti. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya.
Kaya kunot nuo niya akong tiningnan. Kinuha ko naman ang kamay niya at pinagdikit ang kamay naming dalawa.
"Pangako ko sa 'yo." Napatingin siya sa mga mata ko kaya napangiti ako hindi kasi siya tumitingin sa mata ko. "Ako mismo ang papatay sa pinsan mo."
"Papatayin mo siya?" takang tanong niya.
Tumango naman ako sa kaniya. Nakatingin parin ako sa mga palad namin na nagkadikit. Saka ako tumingin sa kaniya.
"Hindi 'ata ako papayag na sasaktan kapa niya. Walang kahiyaan ang ginawa niya sa 'yo," lumapit ako sa kaniya. "Mark my word, igagante kita."
"Saan ka galing?" tanong ni Nious sa 'kin ng makabalik na ako.
"Pwede ba tayong mag usap?" tanong ko sa kaniya.
Taka naman silang tumingin sa 'kin. Ngumiti lang si Nious na para bang alam na niya ang pag uusapan namin tumango naman siya kaya lumabas na kami sa kwarto at pumunta sa office niya.
"Nagkita kayo ni Cassie?" tanong niya at umupo sa dulo saka pinaglalaruan ang ballpen niya.
"Oo nalaman ko rin na tinulungan mo siya," sabi ko.
"Hindi ako tumutulong Leon kilala mo ako nagkataon lang 'yon," sabi niya sakin.
"Nagkataon nga lang ba iyon? Oh talagang alam muna na mangyayari iyon?" tanong ko ulit.
"Ok fine, alam ko na mangyayari iyon," sagot niya saka tumayo.
"Sino 'yung babae? 'Yong patay na nakita nila?"
"'Yon? Hindi ko alam."
"Gusto kong tulungan si Cassie pero hindi ko siya matutulungan kung wala akong alam tungkol sa nangyari," lumapit ako sa kaniya.
"Gusto mo lang magpaka bayani sa kaniya," simpleng sagot niya.
"Oh com'n saan ba pupunta ang usapan na ito?" iritang tanong ko.
"Ang torpe mo kasi," sabi niya kaya napatigil ako at tumingin sa kaniya. "Torpe ka, Si Cassie naman nasaktan niya si Thea kasi nagseselos siya... Hanggang kailan niyo sasaktan ang sarili niyo?" seryoso niyang sabi
. . .
S Y D