I love you 'till end

By altheaflorence

1.1K 264 116

Romance,Drama,Teen fiction Nakasubok kana ba na mahulog sa pag ibig iyong tipong siya lang ang lahat sayo at... More

I Love You 'till End
Authors notice..
CHAPTER 1.BEGGING
CHAPTER 2.PRIDE
CHAPTER 3.PLAN
CHAPTER 4.LOVE LETTER
CHAPTER 5.LOVE
CHAPTER 6.UNEXPECTED
CHAPTER 7.THE ADVENTURES
CHAPTER 8.RATE
CHAPTER 9.THE SECRET
CHAPTER 10.LET'S TALK
SPECIAL THANKS
CHAPTER 11.FIRST DAY
CHAPTER 12.A LETTER FROM HIM
CHAPTER 13.TRANSFEREES
CHAPTER.14 It's a yess
Chapter 15.Supportive Bf
Chapter 16.Jealousy
Chapter 18.Canteen Scene
Chapters 19.Banggaan
Chapter 20.Mr.Moody

Chapter 17.Break Time

27 4 0
By altheaflorence

It's recess time already hindi parin kami nakapag usap ni Bash dahil tuloy tuloy ang klase namin.Now we have only 15 minutes break time.Hindi ako pumunta sa canteen wala ako sa modo para mag meryenda kasi naiinis parin ako kay Bash.

"Bestie tara na punta na tayo sa canteen nagugutom na ako eh",yaya ni Airah.

"Kayo nalang bestie wala akong gana eh",tanggi ko kay Airah.

"Girl come on huwag kang pa apekto diyan sa selos mo alam mo namang ikaw lang ang gusto ni Bash di ba?

"Yeah I know pero nakakainis lang kasi hinayaan niya lang nakalingkis sa mga braso niya si Jam",naiinis ko paring sabi.

"Wow kas grabee ang term ha malalim lingkis parang sa ahas lang hehehe",maarteng sabi ni Clayde at may tawa pa sa dulo.

"Hahahaha ",sabay tawa ng mga lukarets kong beshie.

Naputol ang tawanan namin ng dumating si Bash hindi ko alam kung saan siya galing baka nagcanteen o kung saan man siya pumunta.Hindi ko siya pinansin nagkunyari ako na hindi ko siya nakita.

"Ah eh bestie we need to go if ayaw mo magmeryenda kami nalang ",sabi ni Kate.

"Yeah kami nalang mukhang may pag uusapan kayo eh",sabi din ni Airah.

"Ayy sama din ako tomguts narin ako eh",pahabol na sabi ni Clayde.

"Heyy sama din ako sa inyo",sabi ko ngunit tumakbo na sila palabas ng room.

Naiwan ako sa loob kasama si Bash ang mga walanghiya sinaraduhan kami ng pinto mga traidor talaga.Padabog ako na umupo sa upuan ko.Si Bash naman lumapit sa akin na nangingiti.Masaya ba siya at kanina pa walang tigil ang ngiti niya mas lalo tuloy ako nainis.

"Babe,sorry na bati na tayo",simulang sabi ni Bash.

Inismiran ko lang siya at yumuko sa armrest ng silya ko.Hindi ko parin siya pinapansin.

"Babe,sorry na hindi na ito mauulit sa susunod magpapaalam na ako sayo kung saan ako pupunta promise ko yan",sabi nito sabay taas ng kamay.

"Hindi naman ako galit kasi hindi ka nakapagpaalam eh.Naiinis ako dahil sa Jam na iyan at sa pagkakapit niya sa braso mo.Tapos hindi mo pa talaga tinanggal ang mga kamay niya kahit nasa harapan ko.Feeling siya ang girlfriend mo",naiinis kung sabi.

"Tinulungan ko lang naman siya kasi ng pababa siya ng motor muntik na siya matumba eh kaya hinayaan ko siyang humawak sa akin.Babe huwag ka ng magalit okey",pagpaliwanag nito.

"Eh bakit hanggang dito sa classroom nakakapit parin siya sayo?Alam mo ba na pagkakita ko sa inyo kanina parang gusto ko na hilahin ang braso mo para bumitaw siya sayo",nakataas kilay kung sabi.

"Babe ang cute mo magselos alam mo ba iyon",nangingiti niyang sabi.

"Huwag kang ngumiti diyan at hindi ako natutuwa.Paano pala kung ako makita mo nakapulupot ang braso sa ibang lalaki hindi ka maiinis?"pagmamaldita kung sabi.

"Don't you dare to do that babe at baka mawala lahat ng pasensya na meron ako",nakataas kilay nitong sabi.

Sinamangutan ko lang siya kung ako hindi pwedi pero kung siya okey lang unfair naman ata iyon.

"Your so unfair Bash kung ako hindi pwedi pero kung ikaw okey lang.Hindi yata patas iyon",sabi ko sa kanya.

"Babe,I'm sorry okey I didn't meant to make you jealous.All I think about that time is to help Jam you know who I am and you know that your the only one I love",sabi nito habang hawak ang aking kamay.

"Okey sorry accepted but you need to pay me first",sabi ko habang nakangiti sa kanya.

Marupok na kung marupok pero ayaw ko patagalin ang tampuhan naming dalawa. Kilala ko si Bash alam ko ang ugali niya na kapag may humingi ng tulong sa kanya basta kaya niya hindi siya makakatanggi.

"What my babe want tell me and I will grant it",nakangiti din niyang sabi.

"Ehmmm...may time pa naman di ba?Libre mo ako ng meryenda sa canteen nagugutom na ako eh",yaya ko sa kanya.

"Sure babe kahit ano pa gusto mo bibilhin ko para mawala na ang tampo mo sa akin",nagpapasweet nitong sabi.

"Okey sabi mo yan ha",excited kong sabi.

"Obcourse basta para sa taong mahal ko I will give everything just to make her happy.I love you babe",sabi ni Bash.

"I love you too babe",sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

Hinawakan ko kamay niya at hinila palabas ng pintuan.Pero nakalock pala ito nginitian ko lang si Bash.Knowing sa mga kaibigan namin na numero uno sa pagka stismoso syempre makikinig sila sa usapan naman.

"Hoy mga bruha buksan niyo na ang pinto!Akala niyo hindi ko nalalaman na andiyan lang kayo nakikinig buksan niyo ito o kayo naman ang hindi ko kikibuin",pasigaw kong sabi para marinig nila sa kabilang pintuan.

Narinig ko na nag uunahan sila kung sino ang magbukas ng pinto.Natatawa ako dahil takot sila na hindi ko kausapin,eh biro ko lang naman iyon.Biglang bumukas ang pinto at una ko nakita ang baklitang si Clayde.

"Hi,cousin dear okey naba kayo kanina pa umiiyak ang mga alaga ko sa tiyan dahil sa gutom",maarte nitong sabi.

"Eh bakit hindi ka pumunta ng canteen kung nagugutom ka pala",suplada kung sabi sa kanya.

"Eh paano namin malaman kung bati na kayo o hindi",sabi ng isa ding stismosa na si Airah.

"Kaya nga.."sabay nilang sabi.

Naiiling nalang ako at talagang kumpleto pa sila ha.We're so bless to have a friend like them always on the go and willing to help to each other lalo na kung may problema ang isa.

Hinawakan ko ang kamay ni Bash at sabay hila dito palabas ng classroom.

"Let's go babe",yaya ko kay Bash.

Magkahawak kamay kami habang papunta sa canteen nakasunod naman sa likod namin sina Matthew at Enzo,Kate,Airah and Clayde.

"Iba talaga pag inlove ano ang bilis magkabati sanaol",sabi ni Enzo.

"Akala namin abutin pa ng hanggang bukas bago magkabati eh",sabi naman ni Matthew.

"Natalo tuloy ako",nakasimangot na sabi ng pinsan kung si Clayde.

"Saan ka natalo kas",kunyaring tanong ko sa kanya.

Alam ko naman na pinagpustahan nila kami eh sila pa eh mula pagkabata halos magkasama na kami kaya alam ko na ang ligaw ng mga bituka nila.

"Syempre sa pustahan namin kung magkabati na kayo ni Basty. Bakit kasi ang bilis mo siyang patawarin samantala kanina lang inis na inis ka?Kaya talo tuloy ang pusta ko na di mo siya batiin hanggang mamayang hapon.Ang rupok mo talaga kas",nagrereklamo nitong sabi.

Nagtawanan nalang kami dahil sa pagkapikon ni Clayde ang lakas ng loob pumusta eh.Kasalanan ko pa tuloy kung bakit siya natalo.

"Ano pala ang pusta niyo?"tanong ko.

"Free niya kami sa meryenda ngayon as in lahat kami at lahat na gusto namin kainin",sabi ni Airah.

"Ohhh...uh..",kunyari naawa akong nakatingin kay Clayde. Kung di ko lang alam, sa barkada kasi namin basta libre ang usapan uubusin talaga halos lahat ng laman ng wallet mo.

"Goodbye for my one week allowance ",narinig kung sabi ni Clayde.

Nagtawanan lang kami kawawang Clayde parang binagsakan ng langit ang itsura.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papuntang canteen ng makita ko si Jam na nakatingin sa amin.Nakaupo siya sa bleachers kasama ang mga barkada niya.Tinanggal ko ang pagholding hands namin ni Bash at pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya ng mahigpit.I want to make a sign to Jam that Bash is mine and I look to her with a smile on my face.

Enjoy reading guys..

Please don't forget to vote and comments..
Thank you so much..

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...