SHS SERIES II: CHASING THE MO...

נכתב על ידי 3shaaah

3.1K 151 0

SHS SERIES 2 (YVEZ AND JICHELLE STORY) Ako si Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga,mas kilala sa pangalang Jichelle... עוד

WORK OF FICTION
CHASING THE MOON
POINT OF VIEW
(01)
(02)
(03)
(04)
(05)
(06)
(07)
(08)
(09)
(10)
(11)
(12)
(13)
(14)
(15)
(16)
(17)
(18)
(19)
(20)
(21)
(22)
(24)
(25)
(26)
(27)
(28)
(29)
(30)
(31)
(32)
(33)
(34)
(35)
EPILOGUE
CHASING THE MOON

(23)

49 3 0
נכתב על ידי 3shaaah

"Hoy sorry na kasi!"



Nang matapos ang klase ay agad akong pumunta ng bahay ni Yvez para lang magsorry dahil nakokonsensiya ako sa ginawa ko.



"Ooum ayos na 'yun." Sagot niya na naupo sa gaming chair niya, sa harap ng computer niya.



Napakunot naman ang noo ko. Ayos ba 'yan? Hindi naman ako pinapansin e!



"Galit ka pa yata e." Nakangusong sabi ko na naupo sa table katabi ng computer niya.



Hindi niya 'ko sinagot! Inopen niya lang 'yung computer niya tsaka habang nagloloading 'yun ay panay katok ng daliri niya sa table, naghihintay na matapos 'yung pagloading.



"Hoy." Tawag ko sa kaniya. Nilingon niya lang ako pero hindi siya sumagot sa'kin. "Galit ka pa ba?" Nakakunot noong tanong ko na bahagya pang itinagilid ang ulo.



Umiling siya tsaka nagbuntong hininga. Hinarap niya ulit 'yung computer niya tsaka nagpindot pindot na doon habang nakakunot ang noo.



Kinalabit ko naman siya pero tinapunan niya lang ako ng tingin. Parang sira naman oh! Ilang oras na 'kong sumusuyo dito e! Buti na lang at alam ni 'nay Sally na narito ako at buti na lang ay hindi siya nagtanong.



Hutangena naglalaro na ng Mobile Legend! Bumaba ako sa lamesa at humila ng upuan sa kung saan at tumabi sa kaniya. Nilingon niya 'ko pero agad ding umiwas ng tingin.




Kagat kagat ko ang sarili kong labi habang naglilipat lipat ng tingin sa kaniya pati sa computer. Kunot ang noo niya habang naglalaro at hindi talaga 'ko pinapansin. Naiinis na 'ko kaya inoff ko 'yung computer. Nanlaki ang mata niya tsaka lumingon sa'kin. Nagbuntong hininga siya bago umiwas ng tingin at isinandal ang likod sa upuan niya habang hinihilot ang sintido.



"Sorry na kasi." Nakangusong sabi ko na hinawakan pa ang kamay niya.



Napatingin naman siya sa kamay namin tsaka kamay niya na ang humigpit sa hawak namin at ginagalaw galaw pa 'yun.



"So... Bakit hindi ka pumunta kagabi?" Tanong niya na nilingon ako, kunot ang noo.



"K-Kasi debut ng ate ni Heliexia, hindi ko rin naman matanggihan." Sagot ko. "S-Sorry." Sabi ko na inihiga pa ang ulo sa braso niya.



"Hindi kita mapapatawad."



Inalis ko ang ulo ko sa braso niya at nagtatakang tumingin sa kaniya.



"H-hindi pa rin?" Nagtatakang tanong ko.



Umiling naman siya pero nakangiti. "Una, pinaalis mo agad ako sa Campus niyo e nag effort ako 'nun pumunta." Napataas naman ang kilay ko. "Pangalawa, hindi ka tumupad sa sinabi mo." Napanguso naman akong nag iwas ng tingin, nagpaliwanag na 'ko ah! "Pangatlo, hindi ka nagpaalam na pupunta ka sa party."



"Kailangan pa bang ipaalam 'yun?" Bulong ko.



Napalingon ako sa kaniya ng hindi na siya nagsalita. Nakataas ang kilay niya, paniguradong narinig ang binulong ko.



"Dahil sa sinabi mo, may apat ka ng kasalanan at ang pang apat ay wala ka ng balak na magpaalam sa'kin." Sabi niya na napangiwi pa.




"Okay sorry." Napairap ako sa inis. Parang sinakop ko na lahat ng kasalanan.



"Sorry is not enough to forgive you." Nakataas ang kilay niya, para bang naiinis.



"Eh ano?" Napataas din ang kilay ko.



Napalunok ako ng bumaba ang tingin niya sa labi ko tsaka tumaas ang gilid ng labi ng tumingin sa mata ko. "Kiss me."



Napabitaw ako sa kamay niya pero lalo lang siyang napangiti dahil sa reaksyon ko.



"A-Ayaw ko." Sabi ko na naiilang pang salubungin ang tingin niya at bahagya pang lumayo sa kaniya.



"Edi hindi pa kita napapatawad." Sabi niya na muling sumeryoso at binuksan ang computer niya.



Ano ba naman yan! Ano bang gagawin ko? Parang lugi yata ako? Lugi nga ba? Kiss na 'yun e! Kasi ayaw kong ako ang nauuna! Pero why not naman diba? Ilang araw na din kaming hindi nagkikiss. Ano ba naman 'yan Jiwell! Disisais ka pa lang e kumekerengkeng ka na agad! Wala namang makakaalam! Tama! Kami lang namang dalawa dito e! Tsaka kiss lang talaga.



Pinatay ko ulit 'yung computer niya kaya napalingon siya sa'kin, doon ko siya sinalubong ng halik. Bibitaw na sana ako sa halik pero hinawakan niya ang pisngi ko at lalo akong idinidiin. Walang pagtanggi sa sistema ko at gustong gusto ko talaga ang labi niya.



Siya ang unang bumitaw kaya nakahinga ako ng maluwag pero ang akala kong tapos na ay hindi pa pala. Muli niya akong hinalikan tsaka siya na ang kumalas. Ngumiti siya tsaka kinagat pa ang sariling labi. Ako ang nahihiya!



"Congrats, you did great." Bati sa amin ni Mrs. Viony.




"Maraming Salamat po." Nakangiting sabi namin.




Nang matapos ang presentation ay binungad kami ng papuri. Binati din ako ng mga kasamahan ko dahil sa pagiging magaling na namumuno. Sobrang sarap sa pakiramdam.



"Hoy gaga! Ang ganda 'nung presentation niyo!" Bungad sa akin ni Heliexia, napangiti naman ako.



"Iba talaga kapag may inspiration." Sabi ni Yullyz na kinalabit pa ang bewang ko, natawa naman ako.




"By the way andiyan na 'yung inspiration mo." Sabi ni Yhanna.



Awtomatiko akong napalingon kung saan siya nakatingin. Andoon nga si Yvez at kasama an kaibigan niyang madaldal. Uwian na ngayon kaya bukas na ang gate at maraming ng nagsisiuwian. Habang naglilibot siya ng tingin ay kumaway na 'ko. Nakita niya naman agad ako tsaka tinapik si Tristan at tinuro ang pwesto ko. Nang aasar pa si Tristan bago sila lumapit sa'min.



"Ang angas mo! 'Yung presentation niyo, nakikita ka na sa billboard!" Sabi ni Tristan na tinapik pa ang braso ko.




Napangiwi naman ako sa lakas ng pagkakahampas niya kaya napahilot ako sa brasong pinalo niya.




"Hoy be careful psh." Sabi ni Yvez na pinalo pa ang dibdib ni Tristan, hindi naman malakas. "By the way congrats." Sabi nito sa'kin, ngumiti naman ako tsaka tumango.




"Oh tingin tingin mo diyan?" Tanong ni Tristan habang nakataas ang kilay, si Heliexia ang kausap. "Type mo 'ko 'no!"




"Hoy! Ang kapal! Hindi 'no! Namumukhaan lang kita tsk." Pagtataray naman ni Heliexia.




"Mga linyahan ng mga nahuli na type sila." Sabi ni Tristan pero sa malayo ang tingin.




"Ang kapal ng face." Bulong naman ni Heliexia.




"Tama na 'yan! Baka kayo pa magkatuluyan." Sabi ni Yhanna, natatawa.




"Let's eat, treat ko." Sabi ni Yvez.



"Yan ang gusto ko! Tara na." Sabi ni Tristan.



Dahil may kotse si Yullyz ay kasama niya doon si Yhanna at Heliexia habang ako naman ang kasama nina Tristan at Yvez.



"Kayo na 'no? Kayo na e!" Ang ingay ni Tristan!




"Can you please shut up your mouth?" Inis na singhal ni Yvez.


"Hoy kano! Ikaw ha! Ayaw mo ng maistorbo ha!"



Ang ingay niya talaga! Bagay sila ni Heliexia hutangena. Hindi rin ako makapaglambing dahil nahihiya ako kapag may kasamang iba lalo na kung itong Tristan ang kasama.



"Hoy tignan mo 'tong kaibigan mo parang may sama ng loob sa'kin." Kinalabit ako ni Tristan tsaka tinuto si Heliexia, natawa naman ako.



"Wag mo ngang guluhin! Kumakain e! Kumain ka na lang." Sabi ni Yvez kay Tristan.



"Ito naman! Napakaano mo!" Sabi ni Tristan na ngumuso pa tsaka nagpatuloy sa pagkain.



Nang matapos kaming kumain sa restaurant ay hinila ko naman si Yvez sa streetfoods.



"I didn't eat that actually." Sabi niya na napakamot pa ng ulo.



"Try mo lang." Sabi ko na isinawsaw ang kwek kwek sa suka tsaka isusubo sa kaniya.




Napakunot pa ang noo niya sa kwek kwek bago lumingon sa'kin. Napalunok muna siya bago niya kinain ang kwek kwek. Nginuya niya 'yun habang kunot ang noong nakatitig sa'kin. Napahigpit ang hawak ko sa stick ng bigla niya 'kong halikan, lasap ko pa ang suka sa labi niya.



Nang bitawan niya 'ko ay napalingon ako sa paligid pero abala ang mga tao pati ang mga kaibigan namin. Natawa siya sa reaksyon ko.


"Mas masarap pa 'yung labi mo kaysa sa kwek kwek." Sabi niya na lalong lumapad ang ngiti.




Nailang akong umiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay nagmuka na 'kong mansanas dahil sa pamumula ng mukha ko. Pakiramdam ko ay may apoy sa pisngi ko. Hindi ko inaasahan 'yun!



Ilang buwan na din ang nakakalipas at nakatambay nanaman ako sa bahay nina Yvez. Dito na yata ako palaging tumatambay kapag walang activites o kaya free ang time ko. Mas okay lang din kay 'nay Sally na rito ako dahil nakakakain si Yvez ng maayos dahil marunong akong magluto at hindi makaexperience si Yvez ng boring.



"Did you think it's big?" Tanong niya.




Nanlaki ang mata ko at nakatulala lang sa kaniya. A-Anong malaki?



"H-Ha?"



"Sa tingin mo ba kaya mo 'to?" Tanong niya habang nagbabasa ng libro.



Jusmi bakit ganito? Parang nag iinit ako? Ano bang pinagsasasabi niya?


Napatingin siya sa'kin at halata ang pagtataka. "What?" Painosenteng tanong niya.



"A-Ano bang pinagsasasabi mo?" Nailang akong salubungin ang tingin niya.



Nasa library niya kami at parehong abala sa pagbabasa tapo bigla siyang magtatanong ng ganu'ng bagay? Hutangena help!



"I said, did you think it's big?" Natural ang patatanong niya na napairap pa.



"A-Alin?" Tanong ko na napatingin pa sa short niya tsaka napalunok nang salubungin ang tingin niya.




Nanlaki ang mata niya tsaka napalunok bago umiwas ng tingin. "A-Ang bastos mo talaga." Bulong niya.


"H-Hoy hindi ah! H-Hindi mo lang kasi nililinaw 'yung tanong mo."




"Madumi talaga isip mo psh."




Napanguso naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya. "Ano ba kasi 'yung binabanggit mo?"



"Yung libro! Hindi 'yung ano! Ang utak mo!" Napapasigaw na siya pero tumatawa.



"Yvez."



Sabay kaming napalingon ng may tumawag sa kaniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang isang babae na may edad at nagulat din ng makita ako. Naglilipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Yvez at hindi makapaniwala sa nakikita. Nakadress siyang kulay puti at kamukha siya ni Yvez. Hindi kaya? Hala! Siya 'yung mommy ni Yvez?



"M-Mom." Sabi ni Yvez tsaka lumapit dito at hinalikan pa sa pisngi.




Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa kaba. Hindi mo naman makakakitaan ng pagkakakaba si Yvez pero ako? Hindi mapantayan ng salitang kaba ang nararamdaman ko. Para bang lalabas na 'yung puso ko.




Para bang pareho kaming nagulat ng makita ang bawat isa. Hindi talaga 'ko makagalaw! Parang lalagnatin yata ako bigla ako dahil sa presensiya niya.


"Mom don't stare at her, naiilang siya psh." Sabi ni Yvez na suminghal pa.




Nailang naman ang Mom niyang umiwas ng tingin sa'kin at aligagang lumingon kay Yvez. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya dahil nag uuwi si Yvez ng babae sa bahay nila ng hindi niya alam o nabigla lang siya dahil may jowa na si Yvez.



"A-Ahh. I-I'm sorry." Sabi 'nung Mom niya na nailang pang ngumiti sa'kin.




Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiwas ng tingin. Nanginginig ang buong katawan ko. Tumayo lang ako ng lumapit naman sa'kin si Yvez tsaka ngumiti. Ganito pala 'yung pakiramdam niya 'nung nakaharap niya 'yung parents ko. Wala pa man kami e para bang ang dami na naming pinagdaanan at isa ito sa mga pagsubok! Nakakabaliw. Hindi ako handa na makikita ko ang mother niya.



"Mom. She's Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga, my... Uhmm." Putol niya na nilingon ako, napalunok naman ako.


Napalingon ako sa Mom niya, naghihintay siya sa sasabihin ni Yvez. Nakaawang ang labi niya at halata pa rin ang gulat sa mata.




"Y-Your what?" Tanong ng Mom niya na lalong ikinabilis ng kaba ko.




"My love."

________________________________________________________________________________________________

Mahalin niyo din ako:<

המשך קריאה

You'll Also Like

1K 65 28
LOVING SERIES #.1 They say "Don't fall inlove with your Idols." Dahil sa bandang huli ikaw lang ang mag-iisang masasaktan at ang mas masakit ay mana...
849 181 13
لن اكترث مهما المتني الحياة ، سأبقى اركض وراء حلمي ... جدتي ثقي بي ، لن اخذلك طيلة حياتي رونا ..... بدأت : 30/9/2023 انتهت : 23/1/2024
200K 10.1K 89
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
7.1K 148 26
The recreated of MEIMB.