Author's POV
[Asher's]
[Gem's]
Sa mga oras ngayon, asa kwarto nalang ako at nakahiga habang nakatingin sa kisame. Jusko maaga nga akong nakaalis sa school, stress naman inabot ko. Ka-stress yung Calix na 'yon.
*/sigh/ (With papikit effects pa) Ano kaya ugali nung 2 nya pang kaibigan? Nako baka baliw din katulad nung kanina. Sana naman hindi.
Haha napakaboring ng buhay ko. Wala akong magawa. Ano bang gagawin ko? Jusko matutulog nga pala ako pero wag na lang, tinatamad nakong matulog. Ano bang pwedeng gawin kapag bored? For sure ako nasa class pa yung dalawa, nasa class din si Dean kaya wala akong ma-chat. Ano nalang mangyayari sakin? wala na akong magawa. Ano bang silbi ko sa mundo? Syempre magpaganda. Labas kaya ulit ako? Baka naman magalit si kuya? Pero di naman ata..? Pero baka nga magalit silang dalawa kaya dito nalang ako. */sigh 2.0/
May works bako na kailangan tapusin? Ah wala nga pala. Ano bang gagawin ko? Putang buhay toh walang kwenta, yung buhay lang hindi ako dahil sobrang dami ng kwenta ko lyk..napakaganda ko at napakaganda ko ulit. Nababaliw na ko, I mean matagal na akong baliw kay Dean kahit kailan lang naging kami. Pero parang ambilis ng araw. 3rd daysary na namin ni Love ngayon eh.
Pa sound nalang ako tutal ang boring dito. Mag-isa lang naman ako kaya walang aangal kung magpapatugtog ako ng malakas. Hindi makakaangal mga kapitbahay namin kasi baka sipain ko sila. Napakalakas ko kayang manipa kaya nga nasipa ko yon sa tyan eh, pero syempre natuto ako kay Kel na bugok kaya ganto ako kagaling.
Sanaol nalang ninanakaw (di ninanakawan) haha d nmn kakainggit sya