Together For A Day ✓

By Bubblemiiint

4.1K 356 9

[COMPLETED] Claudette Santos, the loving sister, since her brother stepped into college she decided to stop s... More

Together For A Day
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 4

116 11 0
By Bubblemiiint

"OMG! really?"

Di pa rin makapaniwala si Tin sa mga sinabi ko sa kanya. Dahil naaksidenteng nasabi ko sa kanya na nagkita ulit kami ni Garrett sa coffee shop.

"You m-mean ,yung sinapak mong lalaki ay... anak ng boss mo?"tanong niya sa akin dahil hanggang ngayo ay di pa rin siya makapaniwala.

"Yes."tipid na sagot ko sa kanya.

"Oh my gosh!"Tin covered her mouth ,"M-may away na naman ba n-nangyari sa inyo?"

I bit my lower lip.

"Di ko masabi."I looked at her ,"Pero ,tinanong niya pangalan ko nung kausap ko siya."

Base sa reaction ni Tin ang pagkagulat pero kalmado pa rin yung kilos niya. Kilala ko kasi si Tin kapag sobrang nagugulat siya ,di ko na lang namamalayan hinahampas na niya ako sa braso ko na akala niya napakagaan yung kamay!

"Then?"

"Hmm ,di ko sinabi pangalan ko."

Halos malaglag ang panga niya sa sinabi ko at kinurot ako sa tagiliran.

"Boba! bat di mo sinabi?"halos pagalit na sabi niya. "Gagi ka! pagkakataon na yun eh ,gwapo na yun eh!"

Napangiwi ako sa sinabi niya! Porket gwapo?

"Di ko siya kaclose para sabihin ang pangalan ko."I answered honestly ,"Tsaka ,he's a stupid man I've ever met!"

Hanggang ngayon naaasar pa rin ako sa kanya dahil sa inasta niya sa akin. Babae ba siya? paiba iba yung mood swing niya! nakakaasar.

"Paano mo nasabi?"

"Di ko lang sinabi ang pangalan ko ,bigla na lang niya ako sinungitan!"I exclaimed ,"At sinabi pa niya sa akin na di niya pa rin nakakalimutan yung pananapak ko sa kanya."

Nakakainis lang!

"Tapos?"

"Tapos....sabi pa niya sa akin na baka nag aassume ako dahil tinanong niya pangalan ko! Like ,what the heck? di ko nga alam kung bakit niya tinanong ang pangalan ko tapos sasabihin niyang baka nag aassume ako!" kwento ko pa sa kanya. Kaya napahalakhak ng malakas si Tin sa sinabi ko kaya napahinto ako sa pagkukwento ko sa kanya.

"Tangina! totoo ba yan?"tanong niya pero tumatawa pa rin siya kaya tumango ako ng mariin ,"Tingin pala sayo assumera eh!"

I just rolled my eyes.

"Ang kapal ng mukha niya para sabihin sa akin na nag aassume ako na gusto ko siya!"napakagat ako ng labi ,"Kung sa ibang babae pwede pa yun mangyari ,pero ibahin niya ako! Di ako mabilis mag aasume!"

Totoo naman kasi! ako kasi yung klaseng taong di mabilis mag assume kapag may konting sinasabi sa akin mga lalaking nakakaharap ko. konting pakilig lang nila ,mag aassume na ako I'm not like the other girls.

Then she nodded.

"Atsaka.... di ko siya gusto."I sighed heavily ,"Masyadong masama ang ugali ,paiba iba mood. malayong malayo siya sa ugali ni Ma'am Freya."

Mabait si Ma'am Freya sa akin ,kaya nagtataka ako kung bakit anak niya pa yun? saan kaya nagmana yung lalaking yun? sa Daddy niya siguro?

Tumingin ako kay Tin na nakangisi kaya napakunot ang noo ko sa inaasta niya. Ano ibig sabihin ng ngisi niya sa'kin?

"Oh talaga? baka gusto mo talaga siya?"mapang asar na tanong ni Tin sa akin kaya kumunot ang noo ko.

"Huh? ako magkakagusto doon?"di ako makapaniwala sa pinagsasabi sa akin ni Tin parang nabingi ako nung narinig ko yun,"Halos magpatayan na nga kami kapag nagkikita kami tapos magkakagusto pa ako doon sa mayabang na yun?

"Nahihibang ka na ba?"

Biglang nagbago timpla ng mukha ko sa sinasabi sa akin ni Tin ngayon. Yuck! kung magkakagusto man ako sa mabuting lalaki na lang kaysa sa kanya!

"Wow ah! ang defensive mo masyado ate girl! tinatanong lang kita."napatawa siya ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Di maganda yung tanong mo."I replied.

Makita ko pa nga lang pagmumukha niya naiinis na ako. parang gusto ko na lang siya sakalin bigla. Dahil alam ko din naman na inis na inis niya rin ako kapag nagkakatagpo kami ng landas. Baka nga ,gaganti pa siya sa akin dahil sa sapak na binigay ko sa kanya.

But ,I'm not scared kung gaganti man siya sa akin.

"Pero wag ka magsalita ng tapos Claudette Thalianna Santos."binanggit na naman niya ang full name ko!"Don't forget na may kasabihan tayo na the more you hate ,the more you love."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya sa akin. What? what did she say? naniniwala pa siya sa mga kasabihan na yun?

"At naniwala ka naman dun?"I sarcastically asked to her then she nodded fast.

"Yes ,of course."Tin exclaimed ,"Naniniwala pa rin ako dun lalo na't naeexperience mo na kay Garrett yun.mas lalong naniniwala ako na totoo yung kasabihan na yun!"

What the heck?

"Malabong malabo yang pinagsasabi mo."I told her ,"He's not my type."

"Sige ,sabi mo eh."pero sa tono ng pananalita niya ay parang di pa siya naniniwala. Bahala siya kung ayaw niya maniwala ,di ko naman siya pinilit na paniwalaan ako. Basta ako ,di ko type yung ganong lalaki.

Garrett is a jerk man I've ever met.

Hinding hindi ako magkakagusto sa kanya. itaga ko pa yan sa bato!

He's my greatest enemy.

Pagkatapos ng pananatili ko sa bahay ni Tin ay nagpaalam na rin ako kina Tita Kienna and Tito Patrick na uuwi ako. Hinalikan pa nga ako ni Tin sa pisngi at sinabing mag iingat ako sa daan dahil tanga pa naman daw ako.

"Oo na!"iritadong sabi ko sa kanya akmang aalis na ako pero hinawakan niya yung braso ko.

"Wait!"pigil ni Tin ,"Gusto mo bang ihatid na kitang pauwi? gabi na oh ,baka may mangyari pang masama sayo sa daan!"bakas sa mukha ni Tin na concerned siya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya ,"Don't worry ,kaya ko sarili ko. wag mo na ako ihatid pauwi ,alas sais pa lang naman."

Kaya dahan dahan niya akong binitiwan at mukha namang nakumbinsido ko siya.

"Sure ka ah?"paniniguro pa niya at tumango na lang ako sa kanya para masigurong wag na siya mag alala ,"Sige ,mag ingat ka na lang. Itext mo na lang ako kapag nasa bahay ka na."

Kaya nauna na ako dahil subdivision ang house nila kaya paglabas ko ay binati ako ng guard na nagbabantay doon na mag ingat daw ako ,kaya ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya.

Di rin nagtagal ay nakasakay na rin ako ng jeep. Mabuti na lang at di masyadong punuan sa jeep ,kasi kapag ganitong oras sobrang puno halos ang mga jeep kaya minsan 7:30 na ako nakakauwi sa amin. Kaya natuwa lang ako na walang masyadomg tao na di sumasakay.

Halos 20 minutes ay bumaba na ako sa kanto dahil malapit lapit naman dito yung bahay ko konting lakad lang nandoon na ako. Sa apartment kami umuupa ni Jaycee dahil doon tahimik.

Habang naglalakad ako ng tahimik dito ay nakaramdam ako na parang may tumatakbo kaya napahinto ako ng mariin. Nakita ko ang tumatakbo na hula ko ay hinahabol siya ,pero di ko namamalayan na tinatawag niya ako.

"Tabi miss!"rinig na sabi niya at nagulat ako pero huli na ang lahat na bigla siyang napahawak sa balikat ko at parehas kaming natumba at sa pagtumba naming dalawa ay nanlaki lalo ang mga mata ko sa sumunod na nangyari.

We kissed him!

He kissed my lips!

Nakahawak pa rin siya sa balikat ko at nakikita kong nagulat din siya sa ginawa niya dahil parehas nanlaki ang mga mata namin. Naging matagal ang halik na yun dahil may nararamdaman akong yabag kaya sinubukan kong itaas ang kamay ko para humingi ng tulong dahil di ko siya kilala ,pero bigla na niya hinawakan ang kamay ko pinilit niyang ibaba sa sahig.

Kunot noo ko siyang tinignan habang ganun pa rin ang pwesto naming dalawa pero umiling siya pero hinahawakan niya pa rin ang kamay ko.

Nararamdan kong may tao na sa harap ko at parang may hinahanap silang tao!

"Saan na yun? I heard men voice.

"Kailangan natin mahanap yun! Malilintikan tayo kay boss kapag di natin nahanap yung gagong yun!"sabi pa ng isa niyang kasama.

"Tara!"at mabilis silang tumakbo.

"Hmmm!"pagpupumiglas ko dahil yung labi niya nasa labi ko pa rin ,ginagalaw ko pa paa ko para umalis na siya sa ibabaw ko.

Dahan dahan niyang inalis ang labi niya pero di pa rin siya umaalis sa ibabaw ko ,"Are they still there?"tanong niya sa akin habang di niya akong tinignan.

Kumunot ang noo ko. sila ba yung tinatakbuhan niya?

"A-ah oo ,w-wala na ."utal na sabi ko at sandali siyang napasulyap sa akin.

Tinignan ko siya ng mariin at nakita kong gwapo pala itong nagnakaw ng first kiss ko!

"Salamat miss sa pagligtas ,"pagkasabi niya nun ay dahan dahan siyang tumayo,"Hanggang sa muli!"saka siya umalis sa harapan ko.

Habang ako ay di pa rin makapaniwala sa nangyari ngayon. Nakahiga pa rin ako sa sahig dahil sa sobrang gulat ,dahan dahan akong hinawakan ang labi ko.

He's my first kiss!

Sa isang stranger pa ang nakakuha ng first kiss ko? Why?

Kaya napahilamos na lang ako ng mukha dahil di pa rin ako makapaniwala na ninakawan niya ako ng halik! Sarap magpalamon sa lupa!

*****

Dalawang araw na nakalipas ay di ko pa rin makalimutan yung pagnakaw sa akin ng halik ng stranger na yun! Nung araw na yun ay di ako makatulog dahil sa sobrang pag iisip ko. Di lang siguro ako sanay na may kumuha ng first kiss ko!

Sabi ko pa naman sa sarili ko na makakakuha ng first kiss ko yung magiging asawa ko in the future but ,what the heck? sa isang stranger lang ang nakakuha at worst ,yung di ko pa nalaman pangalan niya!

"Hey ,"I heard Karyle voice kaya napalingon ako sa kanya ,"Okay ka lang ba? kanina pa kita tinatawag pero parang wala kang naririnig?"

Kanina pa pala ako tinatawag ni Karyle?

Shit! lutang na naman ako.

"A-ah ,okay lang ako. Di pa kasi ako kumakain ng almusal ,kaya medyo lutang ako ngayong araw."tipid na sagot ko sa kanya.

Nakita ko na may dinukot siya sa maliit na bag niya at inabot niya sa akin ang isang tinapay.

"Kumain ka muna."Karyle said then I bit my lip.

Nag aalinlangan mo pa ako kung tatanggapin ko yung tinapay na nasa harap ko dahil mukhang bagong luto pa yun.

"Claudette uhm ,tanggapin mo na ito!"kumbinsido niya sa akin ,"Habang wala pa tayong customer kumain ka muna ,baka buong araw ka maging lutang mahirap na."

Masasabi ko si Karyle ang pinaka close ko dito dahil madalas siya ang kasama ko at nakakausap ko unlike sa mga kasamahan namin na may mga sariling mundo.

"P-pero paano ka?"

Baka di pa siya kumakain ,mahirap na baka yung ibibigay niya sa akin ay almusal niya pala ngayon.

Umiling siya at kinuha niya kamay ko para ilapag yung tinapay na hawak niya.

"Don't worry about me Claudette ,nagbreakfast na ako kanina bago pa ako pumasok."Karyle told me ,"Madalas lang ako nagbabaon ng tinapay para kung sakaling gutumin ako meron akong kakainin. Then ,napansin kong lutang ka baka di ka pa kumakain at tama nga ako di ka pa kumakain kaya ayan ,tanggapin mo na. Don't worry ,masarap yan gawa kasi ng papa ko yan."

Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Salamat ,Karyle."

Nginitian niya ako bago niya ako talikuran ,kaya kumain muna ako ng tinapay. At masarap yung tinapay na bigay sa akin ni Karyle ngayon.

Nevermind ,wag ko na lang isipin yung stranger na yun. Bahala na si batman ,nang dahil sa kanya pati sa trabaho ko nadidistract ako.

Dumating ang buong araw ay di ko napansin na walang Garrett ang gumambala dito. Wait? bakit ko ba siya hinahanap? dapat di ko siya iniisip dahil wala naman siyang kwenta para isipin ko diba?

Inayos ko na yung locker ko dahil pauwi na ako bago ako umalis ay tinawagan ako ni Nicky para sabihing mag ingat ako kaya nginitian ko na lang siya.

Paglabas ko ay may biglang humarang sa dadaanan ko kaya napahinto ako sa paglalakad at dahan dahan kong nilingon ko kung sino humarang sa akin.

It's Garrett. I saw his darkened eyes na parang galit talaga siya sa mundo. Ano na naman kaya problema niya sa akin?

"Ano na namang problema mo sa akin?"walang ganang tanong ko sa kanya dahil masyado na akong pagod ngayong araw. Tapos makikita ko pa siya ngayon mismo sa harapan ko.

He bit his lips ,"Your name is Claudette right?"

I just my rolled my eyes. bat pa niya tinatanong kung alam na rin naman niya pangalan ko bobo lang?

"Yes ,and what's your problem mister?"I sarcastically asked him ,"Obvious naman diba pinakilala na ako sayo ng mommy mo ,tapos tinatanong mo pa sa akin. Tanga lang?"

Halos umigting ang panga niya sa sinabi ko at nakita ko ang galit sa mga mukha niya. So what? sanay naman ako sa pinapakita niyang ugali sa akin!

"I'm not stupid! naniniguro lang!"Garrett exclaimed ,"And beside ,may purpose ako kung bakit gusto ko malaman ang pangalan mo."

I small chuckled ,"May purpose? bakit ,ilalagay mo ba pangalan ko sa death note mo?"

"Exactly!"

Tsk! He's a devil now ,my gosh!

"I will not miss what you did to me! walang tao ang nakalapit sa akin para sapakin lang ako ,tapos ikaw? ikaw na isang cheap girl lang ang nakasapak sa akin!"Garrett said angrinly me. Di talaga siya nakakamove on sa pagsapak ko sa kanya?

"Bakit galit na galit ka ba na sinapak ko mukha mo!"halos naaasar na ako sa pasensya niya dahil nagsisimula na naman siya makipag away sa akin ,"Ano bang pinagmamalaki ng mukha mo at talagang mahalaga sayo yan?"

Mas lalong dumagdag ang sama ng loob ko ngayon!

"Kagwapuhan."He replied at me then I shocked ,"It's a pity for my face ,because I'm almost take care of it so that it doesn't break and then... you're the only one who breaks my handsome face!"

"Yan lang pala pinagpuputok ng butchi mo ,akala ko kung anong mahalagang bagay lang."I just rolled my eyes to him at nakita ko na naman ang galit na mukha niya. Arghh! di ba marunong ngumiti toh? parang galit na galit talaga siya sa mundo!

"Lang?"halos pasigaw na sabi niya ,"Are you stupid? sa tingin mo palalagpasin ko ginawa mo sa akin? no ,dahil nagkamali ka ng binabangga mo!"

I sighed heavily.

"I said ,I'm not scared to you!"I raised my eyebrow ,"Kahit gawan mo pa ako ng death note di ako natatakot sayo ,kahit gawan mo ako ng death threat di ako matatakot sayo."nagsukatan kami ng tingin dahil sobrang naiinis na ako sa kanya.

"Alam mo napaghahalataan kang immature Garrett!"My voice calmly then halos maglaglag ang panga niya sa sa sinabi ko.

"W-what?"

"Immature ka ,"I repeated to him ,"Masyado kang immature para sa akin ,sinapak lang kita ay gaganti ka kaagad sa akin? dahil lang nasira ko ang maganda mong mukha? So immature."

"I'm not!"

"Oh really?"I glared at him ,"then ,wag mong pagbantaan buhay ko kung di ka talaga immature. Gawain kasi yan ng duwag at immature yung nagbabanta?"

Alam kong galit na galit na siya sa akin sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Natatawa na lang ako dahil parang di niya tanggap na tinawag ko siyang immatured which is ,totoo naman dahil kung matured ka ng tao. Di ka na gagawa ng masama sa taong gumawa ng masama sayo bagkus ay gantihan mo na lang ng kabutihan.

"I hate you always."

"Me too."I smirked.

Hate na hate ko siya simula nung nagkita kami.

"Tsaka Garrett ,matuto ka kasing maging mapagkumbaba sa mga tao ,di yung pinapairal mo yung init ng ulo mo."pangaral ko sa kanya.

Dahil walang patutunguhan ang init ng ulo.

"Why are you preaching to me?"He asked to me.

"Para matuto ka."I told him calmly ,"Dahil di porket mayaman ka ay may karapatan ka na mag degrade ng ibang tao. Dahil halos binabastos mo na yung matanda na parang wala kang pinag aralan!"

Di ko alam kung bakit halos sa mayayaman ay tingin nila sa sarili nila mataas sila na para bang sila lang ang tao sa mundo? Paano naman kami na mahihirap lang na gusto lang mamuhay ng tahimik at magtrabaho ng marangal? bakit tingin nila sa amin mga hampas lupa? eh pare parehas naman kaming tao? ginawa ng diyos ang tao para maging pantay ,walang mahirap at walang mayaman.

"Because ,tinapunan niya ang damit ko na halos binili ko pa yun sa New York tapos tinapunan lang!"

"Porket natapunan lang magagalit ka na doon? pwede mo pa naman labhan yun ah ,bakit kailangan bastusin mo pa yung matanda? Ganyan ba kayo mga mayayaman huh?"di ko na napigilan maglabas ng sama ng loob at nagulat siya sa inasta ko dahil tumaas na rin ang boses ko ,"Pinagmumukha niyo sa amin na mahihirap kami na di naman kayang bilhin ang mga nakukuha niyo? masyado kayong mapagmataas sa sarili ,isipin niyo naging mahirap din kayo bago kayo yumaman!"

"I just----"

"Masyado kang mayabang!"I exclaimed ,"Wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba , wala kang pakialam siguro sa mga sinasabi ko sayo dahil nga ,wala kang pakialam sa tao. Iniisip mo lang sarili mo!"

"Yes ,sarili ko lang iniisip ko."Garrett said.

"True."I calmly said ,"Di na ako magtataka sayo ,kung iwan ka na lang bigla ng taong mamahalin mo in the future."

Nakita ko pag kunot ng kanyang noo.

"Anong sinasabi mo?"

"Kung sakaling may mamahalin ka ,baka magsawa din sa ugaling meron ka! dahil puro sarili mo lang ang iniisip mo."I said formally ,"Walang makakaintindi sayo dahil wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao!"

Parang tumagos ang sinabi ko sa kanya. Dapat lang! dahil sarili lang niya ang iniisip niya ,concern siya sa sarili niya the rest ,wala na. Di siya naaawa sa tao dahil nung nakita ko ang pangyayari na yun naisip kong ang bastos niya!

"Wala kang alam!"

"Yes ,wala akong alam kung ano pinagdadaanan mo. At ayokong alamin ang totoo ,dahil baka pag nalaman ko baka isuka din kita."nakita ko sa mga mata niya ang namumuong luha pero di ko masyadong maaninag dahil madilim na.

Natamaan siya?

"Kung gusto mo makaganti sa akin sabihin mo lang para makapaghanda naman ako sa ganting gagawin mo sa akin."I uttered ,"Goodbye Garrett!"

Tsaka umalis sa harapan niya.

Pero nung nakakalayo na ako ay nakakaramdan ako ng guilt sa mga sinabi ko sa kanya. Nasaktan ko ba siya kaya may nakita akong luha sa mga mata niya? Ano bang meron kay Garrett na parang gusto ko malaman? kung bakit sarili lang niya ang iniisip niya at wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba?

Sumakit agad ulo ko.

_________
avery

Continue Reading

You'll Also Like

14.1K 879 10
SKYLAR HANNIGAN is not fucking weak. SKYLAR HANNIGAN will also kill the RED HOOD, if he doesn't stop being such an annoying brat. (But SKYLAR HANNIGA...
20.1K 1K 15
Taking this one as OS as I have so many ideas regarding the story Let us dive in to see meerasim's love 🤍
2M 112K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...