SILENT LOVE (One-Shot Story)

By misterdisguise

2.3K 118 67

Pag-ibig hanggang sa wakas. Nagmamahal, nagmahal at magmamahal. Dalawang taong sinubok ng tadhana. More

SILENT LOVE (One-Shot Story)

2.3K 118 67
By misterdisguise

(A/N: Patugtugin niyo 'yong multimedia para mas feel niyo. Haha.)

TITLE: SILENT LOVE

***

HER POV

"Magpapakasal na ako," saad niya.

Tatlong salita pero ang bigat ng kahulugan para sa akin. Paulit-ulit ko siyang naririnig sa tainga ko, papasok sa utak ko sabay lalabas bilang luha. Ang sakit lang malaman na ang taong minahal mo nang patago sa matagal na panahon ay ikakasal na. Ang saya lang, 'di ba?

Para akong nagpatiwakal na walang lubid, nagpakalunod na walang tubig, at nagmahal na walang inasahang pag-ibig.

Tuwang-tuwa siya habang sinasabi sa akin 'yan. Walang pagsidlan ang tuwa niya na dahan-dahang ginuguho ang marupok kong pundasyon. Hindi niya ba alam na sa bawat ngiting pinapakita niya, unti-unti ring nadudurog ang puso ko? Ang daya naman kasi ng tadhana.

Minamahal mo ang taong walang gusto sa 'yo. Iiwan kang sugatan. Iiwan ka nang hindi pa humihilom ang hiwa. Swerte na lang kapag may gusto rin siya sa 'yo.

Pero hindi ko siya masisisi, sino nga ba naman ako? Kaibigan lang niya. At magiging kaibigan lang niya habambuhay. Kaibigan nga lang kasi...

Ako naman kasi ang nagkamali. Ako lang ang nagmahal. Hindi naman niya ako pinilit at lalong hindi ako nagpapilit. Ito ang mahirap sa one-sided love. Nasasaktan ka nang patago at nagmamahal ka nang patago. Kasi nga baka kapag inamin ko sa kanya na mahal ko siya, maging ang pagkakaibigan namin ay maglaho rin ng tuluyan.

Pero gano'n ba ako kahirap mahalin? Na hindi niya man lang magawang suklian ang pagmamahal na pinapakita ko? Wala namang interes ang pagmamahal ko para hindi niya mabayaran.

Pero ito ako ngayon, nagmumukmok sa isang tabi at naghihintay ng milagro na sana panaginip lang ang lahat. Na sana ay gumising na sa kalokohan na ito. Pero kahit anong pananakit ang gawin ko sa sarili ko, life is full of suffering. Ang tangi ko na lang kayang gawin ay ang umiyak nang umiyak hanggang sa ma-dehydrate at mamatay ng tuluyan. Sana nga lang sa bawat pagpatak ng luha ko, nababawasan 'yong sakit na mayroon ako pero hindi e, hinding-hindi. Masakit na nga 'yong puso ko, mugto pa 'yong mata ko isama mo pa 'yong sipon ko.

Lintik naman kasi 'yan! Puso lang ang masakit pero ramdam ng buo kong katawan. Para akong kandila na nauupos na. Unti-unti ng nawawalan ng liwanag, naghihingalo sa apoy - sa pagmamahal.

Akalain mo 'yon, ang tagal ko palang naghintay sa wala. Akala ko naman kasi magkakaroon ng milagro na mamahalin niya rin ako. Ang tanga ko. Si Elsa lang pala ang nagmimilagro.

Minsan iniisip ko kung naging kami, siguro masayang-masaya ako kasi naabot ko rin 'yong pangarap ko. Sabi nga nila, "Reach your dreams." Bakit kasi gano'n siya kataas at hindi ko maabot? Kung totoo lang sana si Santa, ikaw ang hihilingin ko sa kanya. I-imagine-in ko na nasa kahon ka sabay lalabas ng may nakalagay na "I love you" kasama ang pangalan ko.

"Ikaw ang magiging bride's maid, huh? Ikaw lang kasi yung kilala ko na bagay sa posisyong 'yon," dagdag niya pang sabi.

Kung minamalas ka nga naman. Maloko talaga ang tadhana. Ako pa talaga ang bride's maid. Pang-asar lang, dre? Sa sinasabi mong 'yan, lalo mo lang pinapasakit ang puso ko. Hindi ka ba naaawa? Pagod na 'yong puso ko. Pagod na pagod ng masaktan. Hindi pa ba sapat 'yong ikasal ka sa iba? Pero pa'no niya pala malalaman kung hindi ko man lang sinasabi. Ang bobo ko lang.

Parati ko dating pinapayo sa mga kaibigan ko na, "Lalaki lang 'yan. Hindi 'yan mauubos." Pero kahit ako, hindi ko yan mai-apply. Gano'n talaga 'ata kapag PAG-IBIG na ang nakikialam. Pag-ibig na maloko, pag-ibig na pinaasa ang tao.

------

HIS POV

Araw na ng kasal ko at hindi ko kayang maging masaya. Papakasalan ko ang taong hindi ko naman mahal. Napilitan nga ba ako? Magkakaanak ako sa kanya kaya kailangan kong panindigan. Buset! Kamalasan nga naman. Parang saglit lang naman namin ginawa 'yon sabay may nabuo kagad?! Kasalanan ko ito e.

Wala na akong magagawa. Ang tanging paraan na lang na alam ko ay ang imbitahan ang pinakamamahal ko sa kasal ko. At least sa huling pagkakataon, makikita ko pa rin siya.

Nasa tapat ko ngayon ang babaeng mahal ko, nakangiti sa akin. Ouch naman! Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin. Ang torpe ko kasi. Sana may confidence capsule para masabi ko sa kanya ang lahat-lahat, na mahal na mahal na mahal ko siya x2x2x2x2.

Naglalakad na ang pakakasalan ko. Pwede pakitagalan ang paglalakad? Mga 100 years ka maglakad? Pwede ba 'yon? Sa bawat hakbang niya, kumokonti ang oras para mahalin ko pa ang taong mahal ko.

"May tumututol ba sa kasalang ito?" sabi ni Father

Please tumutol ka. Ikaw lang mahal ko. Sana ikaw na lang ang katabi ko ngayon sa tapat ni Father. Syet! Ang sakit lang talaga. Bakit ka ngumingiti? Natutuwa ka bang magpapakasal na ako? Magkunyari ka naman sana na nasasaktan ka. Kahit konti lang, magpakita ka naman na mahal mo din ako. Dahil kapag nagkataong ganoon nga, itatakbo kita palabas ng simbahan.

"I do."

Wala na. Nakatali na ako sa iba. Sana maging masaya ako sa taong pinili ko. Naging tanga ako sa matagal na panahon. Ititigil ko na ito. Sana maging masaya ka sa piling ng iba pero kung naging akin ka, ikaw ang gagawin kong reyna ng buhay ko. Gagawan kita ng kastilyo na para lang sa 'yo dahil ganun kita kamahal.

------

HER POV

Lumalakad na palapit 'yong bride. Sino nga ba naman ang hindi magpapakasal sa kanya? E, sobrang ganda niya. Lahat mahuhumaling sa kanya. Wala akong binatbat sa kanya. Kutis palang, talbog na ako.

"May tumututol ba sa kasalang ito?" sabi ni Father

Ako! Ako Father! Isa akong tanga na tutol sa isang masayang kasalan. Kapag tumutol kaya ako, ano ang gagawin mo? Itatakbo mo kaya ako? Baka lalo mo lang ako pagtabuyan. Mas masakit 'yon panigurado. Gusto kong sumigaw ng tutol ako. Pero bakit hindi ko magawa. Dahil ba sa nakikita ko siyang masaya sa piling ng iba?

Ingingiti ko na lang ito. Lahat naman naitatago ng ngiti. Pero ang sakit na nito, ng puso ko. Hindi ko na kaya pang tiisin. Para akong namatayan. Tama! Namatayan naman talaga ako. Namatayan ako ng puso, puso na nagmahal ng matagal pero hindi umani ng kahit katiting.

"I do."

'I do' rin. Sana sa akin mo na lang yan sinabi. Assumera na naman ako. 'Hahaha'. Sige, itatawa ko na lang lahat ng kalokohan ko. Masaya ka, masaya siya tas malungkot ako? Edi party-party na dahil kayo ang nagwagi. Congrats sa pagpapasakit ng puso ko. Sana maging masaya kayo habambuhay. Pero ang plastic ko naman kung sasabihin ko yun.

Umalis na ako ng simbahan. Daig ko pa ang namatayan sa sobrang sakit. Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Please tumigil ka na sa pag-iyak. Wala na rin namang mangyayari. Masaya na siya sa piling ng iba. Wala na akong magagawa. Tumigil na rin ang pag-ikot ng mundo ko. Minahal kita pero nanatili akong tanga sa pag-aantay na mamahalin mo rin ako.

Nagmamaneho ako ng sasakyan ko, sobrang bilis. Gusto kong takbuhan ang lahat. Gusto kong makalayo sa kanila. Gusto kong mamatay na lang ng sa ganon, bawas na 'yong sakit na nararamdaman ko. Pero higit sa lahat, mas gusto kita, gustong-gusto pero huli na.

Hindi ko namalayan na sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko, naka-stop pala 'yong traffic light. Isang malaking truck ang papalapit sa akin.

Mahal kita.. Mahal na mahal.. Sana kahit sandali lang naparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal.. Sana maging masaya ka.. SA PILING NG IBA...

Tanging liwanag na lang ng sasakyan na papalapit sa akin ang nakita ko. Huli na. Paalam na.

------

HIS POV

Nasaan na siya? Bakit nawawala na siya? Parang kanina nandito lang siya? Masayang pinapanuod ako habang kinakasal. Nasaktan din kaya siya? Syet! Bakit ko ba siya iniisip samantalang kasal na ako? Wag kang hunghang! Kasal ka na! At kasalanan ko ito.

Isang lalaki ang lumapit sa akin. May pinaaabot siyang sulat mula sa taong mahal ko. Para saan naman kaya ito?

Binuksan ko ang laman nito para malaman kung anong nakasulat.

HI! ^________^

Congratulations! Kasal ka na. Nagtataka ka siguro kung bakit ako nagbigay ng sulat noh. Hahaha. Gusto ko lang naman sabihin na salamat sa lahat. Salamat sa lahat ng tinulong mo. Matagal kong hindi sinabi sa 'yo ito. Sa tingin ko, ito na yung pagkakataon para sabihin ko sa'yo ito. MAHAL NA MAHAL KITA. Naka-capslock na 'yan para maintindihan mo. Gulat ka noh? Hhahaha. Matagal ko na itong itinago sa 'yo pero ito na lang kasi 'yong huling pagkakataon para sabihin ko sayo ang nararamdaman ko. Akala ko kasi may pagtingin ka rin sa akin kaya umasa ako. Pero mali pala ako. Hahaha. Ang laki ko lang na tanga kasi nag-abang ako ng milagro. Maging masaya ka sana. 'Yon lamang. Paalam na. :)

Mahal na mahal kita kaso hindi ko napadama sa 'yo. Sorry.

Bumagsak ang mga luha ko. Bakit ang daya ni tadhana? Hindi ko man lang naramdaman yun. Ang manhid ko naman kung ganoon. Wala ng pagkakataon. Huli na ang lahat. Sayang. Sayang na sayang.

------

70 YEARS LATER...

Tumanda na ako. Biyudo na rin ako pero hindi ko pa rin siya makalimutan hanggang ngayon. Nandoon pa rin yung pagmamahal ko sa kanya. Nasaan na kaya siya? Sa huling pagkakatanda ko, huli ko siyang nakita sa kasal ko. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakikita kahit makausap man lang.

Matanda na ako pero ang pagmamahal ko, hindi nauupos. Lagi pa rin tumitibok para sa kanya. Kahit ata kunin ako ni Lord, nandito pa rin siya sa puso ko, e. Kumusta ka na kaya? Sana okay lang siya.

Pagod na ako. Gusto ko na matulog. Sana sa paggising ko, kasama na kita. Hinding-hindi na tayo magkakalayo. Sasamahan kita habambuhay sa dulo ng walang hanggan.

Ipipikit ko na lang ang mga mata ko at sasamahan kita sa kaharian Niya. Magiging masaya tayo...

MAHAL KITA...

~~~THE END

All Rights Reserved..

of^U

Continue Reading

You'll Also Like

76.2K 3.4K 54
Matagal-tagal na rin pala nang bigla kang nawala. // • "This thing is a masterpiece." • squanderedlife s h o r t. s t o r y | parengtofu • (c) 201...
1.2K 95 58
Even if we fall in love once, we continue to question what love is until the love finds its way to whip us in the face with the essence of love. Ligh...
94.7K 153 55
Enjoy
443K 16.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee