TGISM: CHAPTER 31
STEPHAN LUCENTE POV
Habol ko ngayon si Rhyza, medyo malayo na siya sa 'kin dahil sa sobrang niyang maglakad. Tumakbo ako at ng mahabol ko siya ay hinila ko siya at pinasandal sa may pader.
"Ano ba?!" Malakas na sigaw niya at itinulak ako.
"Mag usap tayo," madiing sabi ko.
"Nag uusap na tayo," mataray na sagot niya.
"Rhyza—"
"Stop calling me Rhyza!" Sigaw niya habang sinusuntok ang dibdib ko.
"Anong gusto mo? Tenten itawag ko sa 'yo?"
Kita ko naman ang pagtulo ng luha niya. Kinagat ko ang labi ko at pinahiran ang luha niya pero inis niyang tinapik ang kamay ko para 'wag ko siyang hawakan. Siya na mismo ang nagtuyo sa mga luha niya.
"Ano? Ipagmumukha mo sa 'kin na siya na ang mahal mo?" tanong niya. "Tangina kasi Stephan e," mura niya, "ako 'yong girlfriend mo pero nasa iba ka," nagsimula na siyang humikbi.
Niyakap ko nalang siya at hindi pinakawalan kahit na patuloy pa rin siya sa pagsuntok sa dibdib ko.
"Hindi ikaw si Ten ten," sabi ko.
"Ano naman ngayon?" pagtataray niya.
"Niloloko niyo ang kaibigan ko, kaya galit ako sa 'yo."
"Edi magalit ka at do'n kana sa Thea mo." Sabi niya saka niya ako tinulak pero hinawakan ko ang bewang niya at pinasandal ulit siya sa pader. "Ano ba?!"
"Ano bang plano mo?" tanong ko.
"Ang saktan ka rin," sagot niya. "Gaya ng pananakit mo sa 'kin... Kasi Stephan hindi ko na kaya e, ilang buwan na akong naghihintay, alam ko naman na may pinagkakaabalahan ka ta's nalalaman ko babae pala," patuloy parin ang pagtulo ng luha niya, "kasi Stephan kung may mahal ka nang iba sabihin mo sa 'kin wag mo akong pagmukaing tanga kakahintay sa 'yo... Papalayain naman kita kahit labag sa kalooban ko." Umiling ako at niyakap siya. "Gusto kitang saktan pero ako 'yong nasasaktan."
"Ikaw ang mahal ko," bulong ko sa kaniya. "Nagagalit lang ako lalo na at niloloko mo ang kaibigan ko para lang saktan ako." Hinaplos ko ang buhok niya para pakalmahin siya. "Sino may plano nito? Si Marcel ba?" tanong ko sa kaniya. Tinulak niya ako saka siya umalis.
"Rhyza!" sigaw ko ngunit 'di siya lumingon.
Napabuntong hininga nalang ako at sinundan siya. Pumasok siya sa dorm niya gusto ko mang pumasok ay hindi pwede.
Napasandal nalang ako sa pader saka bumuntong hininga. Nasaktan ko siya alam ko 'yon.
Pinaghintay ko siya at alam kong nasasaktan na siya. Galit lang ako lalo na at nagpapanggap siya bilang Tenten kasi sa pagkakilala ko sa kaniya hindi siya si Ten ten.
Lokong Marcel 'yon. Nandamay pa. Napalingon ako ng may nagbukas ng pinto. Gulat na napatingin naman siya sa 'kin. Umalis ako sa pagkasandal at humarap sa kaniya.
"Pwede bang pumasok?" tanong ko.
Nilakihan niya ang bukas ng pinto kaya pumasok na rin ako. Ang ganda ng kwarto niya. Napakalinis, halatang inaalagaan siya ni Nious dahil magandang dorm ang binigay sa kaniya. Isa pa, wala siyang kasama. Umupo naman ako sa sofa. Siya naman ay nakaupo sa kama niya habang nakayuko.
"Kumusta kana pala?" tanong ko sa kaniya.
"Para akong pinapatay kada dumaan ang araw na hindi ka dumadalaw," prankang sagot niya.
Napayuko ako. Nangako ako sa kaniya dati na hindi ko siya sasaktan, pero sobra ko siyang nasaktan ngayon.
"Ayaw ko na." Sabi niya dahilan kaya napaangat ako ng tingin at napalingon sa kaniya. "Pagod na ako," tumulo ang luha niya. "Pagod na akong masaktan Stephan."
Tumayo ako at umupo sa tabi niya umiling naman ako at niyakap siya.
"Hindi! W-walang maghihiwalay," sabi ko sa kaniya.
"Pero ayaw ko na, pagod na ako."
"Wala akong pakialam." Seryoso kong sabi. Selfish na kung selfish pero hindi kita papakawalan. "Mahal kita kaya hindi tayo maghihiwalay." Tumayo siya at galit na tumingin sa 'kin.
"Tangina ka ba!" Sigaw niya.
"Hindi kita iniwan, may ginagawa lang ako." Hinila ko siya at pinaupo sa hita ko. "Ako pa rin ang masusunod walang maghihiwalay," sabi ko at inangkin ang labi niya.
. . .
MARCEL GARCIA POV
Makakaganti rin ako sa 'yo Nious. Hindi ako tanga para palampasin ang ginawa mo. Pinagluluko mo 'ko about sa fake death ni Gia. Lulukuhin din kita. You're my Frenemy, baka nakakalimutan mo.
←FLASHBACK←
"May gusto ka kay Stephan?" gulat na napatingin sa 'kin ang isang babae.
"Boyfriend ko siya," sagot niya.
"Boyfriend mo pero nasa iba ang atens'yon."
Galit naman siyang tumingin kay Stephan na ngayon ay kasama si Thea. S'yensa na kapatid gusto ko lang malaman kung talaga nga bang mahal ka ni Nious o hindi.
"Gusto mo bang tingnan kung mahal ka ba niya?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Hindi na kailangan." Akmang aalis siya ng magsalita ako.
"Hanggang tingin ka nalang ba sa malayo?" Gulat siyang lumingon sa 'kin ngunit ngumiti lang ako sa kaniya. "Boyfriend mo siya kaya may karapatan ka sa kaniya minsan lang ako mag offer Rhyza."
"Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?" takang tanong niya.
"Ang talento ko, nalalaman ko ang gusto kong malaman," kumindat ako sa kaniya. "Tawagan mo 'ko kung buo na ang desisyon mo." Pinasok ko sa loob ng bulsa ng jacket niya ang calling card ko saka siya nilagpasan.
Hindi nga ako nagkamali kasi dumaan ang isang linggo ay tumawag at gusto niyang makipagkita. Nang nagkita kami ay pinag usapan namin ang dapat pag usapan.
"Your name is?" tanong ko.
"Akala ko ba nalalaman mo ang gusto mong malaman?" nakataas kilay niyang tanong.
"Nalalaman ko nga pero gusto ko sa bibig mo mismo ko ito maririnig."
Umirap nlang siya sa kawalan saka siya bumuntong hininga at nilingon ako.
"Tenhinices Rhyza Calonia," sagot niya.
"Tenchinices Rhyza Calonia-Lucente," pagtatama ko dahilan ng gulat sa mga mata niya. "You're married."
"Magaling ka nga." Ngumiti lang ako sa kaniya at pinag-usapan namin ang tungkol kay Tenten at Nious.
←END OD FLASHBACK←
Nagulat ako ng may tumamang kamao sa panga ko. Napangiwi ako dahil sa sakit. Tumayo ako at hinarap si Stephan na ngayon ay galit na galit, ngumiti lang ako sa kaniya.
"Gago ka! Dinamay mo pa si Rhyza rito?"
Inawat naman siya nila Azrael. Hinarap ko siya at walang emosyon ko siyang tiningnan.
"Ano naman ngayon?" tanong ko sa kaniya.
Akmang susuntukin na sana niya ako ngunit hindi ko siya hinayaan. Ako naman ang sumuntok sa kaniya.
"Mahaba ang pasensya ko Stephan kilala mo ako, marunong akong magtimpi... Pero ginagalit niyo na ako." Seryoso kong sabi at pinatayo siya gamit ang paghawak ko sa k'welyo niya. "'Wag na 'wag kang makikialam kasi ako mismo ang sisira sa 'yo." Saka ko siya patapon na binitawan.
Dinilaan ko nalang ang labi ko. Bullshit ang hapdi.
"Sasabihin ko kay Nious ang totoo," sabi niya.
"Subukan mo at hindi mo alam ang kaya kong gawin." Umupo ako sa sofa at ngumisi sa kaniya. "Nangako siya pag pinakilala ko si Tenten sa kaniya at pinakita ibibigay niya ulit sa 'kin ang mag ina ko pero anong ginawa niya? Niloko na naman niya ako." Napatigil siya sa sinabi ko.
"Buhay si Gia?" takang tanong niya.
"Ang mag ina ko kapalit ni Tenten 'yan ang kasunduan namin." Uminom ako ng beer at tumingin sa kaniya. "Binigay ko na sa kaniya si Tenten pero hindi niya binigay ang mag ina ko."
"Baka alam niya na niloloko mo lang siya," he smirked.
"Nasa harap na niya ang totoong Tenten bulag siya at 'di niya nakita 'yon." Nilapag ko ang baso sa mesa at tiningnan siya. "Sinasaktan niya ang totoong Tenten habang pinapahalagahan niya ang mga peke."
"Si Tenten? Tayka! Si Thea ba ang tinutukoy mo?" gulat niyang tanong.
"Hindi siya bagay para sa kapatid ko... Kaya simula ngayon ako ang number 1 basher ng love team nila... Kung totoong mahal niya ang kapatid ko naramdaman niya iyon na walang pag alinlangan." Tumayo na ako at iniwan siya roon na tulala.
. . .
SCRIPTINGYOURDESTINY