Simula noong mangyari 'yong isa sa mga pangyayaring hindi ko makakalimutan, hindi na tumigil ang mga usap usapan tungkol sa'kin.
Buti nalang at nandiyan palgi si Clyde para ipaalala sa'kin na 'wag ko ng pansinin ang mga 'yon.
Siya na rin 'yong lagi kong nakakasama tuwing pagpasok sa AU. Sinasabayan niya rin ako tuwing break time at maging sa pag hatid sa'kin sa coffee shop.
Hindi na kasi ako pinansin ni Louisa. Tuwing tumitingin at ngumingiti ako sa kaniya, agad niyang nilalayo ang tingin niya sa'kin.
Wala naman siyang sinasabi na kahit na ano, pero alam ko na kung ano ang rason ng pag layo niya.
Gusto ko man magpaliwanag at ikwento ang lahat sa kaniya, sarado na ang isip niya. Tuwing palapit pa lang ako ay agad siyang lumalayo. Kaya naman hindi nagtagal, nanatili nalang ako at tinigil na ang pag gawa ng paraan para makausap siya.
Pero ngayon... Nagulat nalang ako at lumapit siya sa lamesa kung nasa'n kami ni Clyde ngayon.
I bite my lips as I see her in front of us. Parang may gusto siyang sabihin pero parang may kung anong pumipigil sa kaniya sa pagbuka ng mga bunganga niya.
"Hi," munti kong pagbati sa kaniya.
Tumingin ako sa paligid para tingnan kung wala na bang bakanteng lamesa kaya siya lumapit dito.
Pero... Maraming bakante. Kaya ibig sabihin, may pakay talaga siya kaya lumapit siya rito.
Tiningnan ko si Clyde na biglang tumayo mula sa upuan niya.
Tiningnan ko siya na para bang nagtatanong kung bakit siya tumayo.
"Thanks Clyde," pagpapasalamat ni Louisa sa ginawa ni Clyde.
Nakakunot ang mga nuo ko dahil sa pagtataka pero pinilit kong ngumiti pa rin dahil gusto kong makita ni Louisa na masaya akong nandito siya sa harap ko ngayon.
Nang makalayo na si Clyde sa aming dalawa, dahan dahang umupo si Louisa sa upuang pinanggalingan ni Clyde.
Nakatingin sa ibaba ang mga mata niya. Nakatingin 'yon sa mga kamay niyang magkasaklop.
Humugot ako ng malalim na hininga.
Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya kaya naman bigla akong napaayos ng upo at naaligaga sa kung anong gagawin.
"O-okey ka lang ba?" Nauutal na tanong ko.
"I'm sorry, daph," Nagpatuloy lang siya sa pagiyak
May problema ba siya?
"Why?" Taka kong tanong.
"I don't know what's the true story. Sorry I didn't trust you."
Lumapit ako sa kaniya para hawakan ang likod niya.
Medyo hindi na maayos ang pagsasalita niya dahil sa iyak na nilalabas niya.
"Please calm down," sabi ko sa kaniya.
"No," muli niyang pag iyak. "I hate myself for doubting you. I should be the one whose with you throughout that moments. But where am I?"
Maraming tao rito. Iyong iba ay nakukuha na ang atensyon pero dahil maraming iba ang may kaniya kaniyang mga pinagkakaabalahan, hindi naman kami napagtutumpukan.
"I understand you, Louisa. You don't know the truth that's why you act that way," mahina kong sabi sa kaniya.
"I should have listen when you are trying to talk to me, but instead, I'm there, listening to Frizy. They are spreading wrong information! They manipulate my mind because they know that I really hate cheaters," Medyo pagalit na ang tono ng mga salita niya.
Naririnig ko ang mga sabi sabing 'yon.
Pinagkakalat nila na kaya raw hindi ko masabi kung sino ang taong naglagay ng red note sa bag ko ay dahil gawa gawa ko lang naman daw talaga 'yon. Binayaran ko raw ang paaralan para 'wag ako mapakick out.
Noong una gusto kong ipagtanggol ang sarili ko.
Gusto kong dipensahan ang sarili ko mula sa mga hindi naman totoong akusasiyon nila.
Pero... Alam ko na kahit anong lakas ang ibigay ko, kahit anong pagpapaintindi ang gawin ko, paniniwalaan pa rin nila kung ano ang alam nilang tama.
"I didn't know that Krisha's the one who did that to you."
Agad nanlaki ang mga mata ko.
Paano..
"How did you know that?" Taka kong tanong sa kaniya.
"Clyde's the one who said all of those things to me. Patawarin mo ako, Daph. Alam kong hindi ako karapatdapat na patawarin sa mga ginawa ko. Pero.... Babawi ako! Ipagtatanggol kita," malakas niyang sabi.
Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang biglaang pagtingin ng tao sa paligid.
Bakit ginawa ni Clyde 'yon?
Akala ko'y sabi niya na 'wag na naming pakialaman 'yong mga nangyaring 'yon.
"Hindi na kailangan," tumawa ako ng bahagya.
Masaya na ako kahit 'yong pagkakaibigan lang namin ang bumalik.
"No. Hindi mo deserve na mapagtaksilan gaya ng ginawa ni Krisha. Akala ko'y totoong may problema lang sa pamilya nila Krisha kaya siya biglaang nawala. Hindi manlang pumasok sa isip ko na siya ang may pakana ng lahat ng 'to."
Hinawakan ko ang kamay ni Louisa. Napansin ko kasi na medyo nanginginig na 'yon sa galit.
"Akala ko'y may namamagitan lang sa kanilang dalawa no'ng apo ng principal na 'yon. Ayon pala, magkasabwat sila!"
Natawa ako sa sinabi niya. Naalala ko noong pabulong niyang kinukwento sa'kin ang mga nakita niya ro'n sa parking area. Sinasaway ko pa siya noon dahil baka may makarinig sa'min.
"Bakit ka tumatawa? Nakakainis ka naman, e!" Pahampas niyang sabi sa'kin. "Parang wala lang sa'yo 'yong mga nangyari. Sa bagay, halos hindi magkanda ugaga si Clyde sa pagsama sa'yo palagi para lang masiguro na ligtas ka."
Bumalik ako sanupuan ko.
Sa tingin ko'y unti unti ng nagiging okey si Louisa. Bumabalik na siya sa pangaasar sakin kay Clyde.
Hindi ako sumagot sa kaniya. Nagpatuloy lang ako sa pag tawa ng mahina.
"Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit gano'n malang ang galit no'n ni Drixy sa'yo, e. Napakaswerte," dagdag niyang sabi.
"Why?" Kuryoso kong tanong.
Kahit naman kasi wala akong pakealam sa mga sasabihin sakin ng ibang tao, gusto ko pa rin malaman kung ano 'yong pinuputok ng butchi nila. Lalo na si Drixy na dati ko pang napapansin na may galit sa'kin.
"Dahil diyan sa Knight and shining armor mo," sabi niya habang may tinuturo kung saan gamit ang bibig niya.
Sinundan ko ang mga 'yon. Nakita kong nakatutok 'yon kay Clyde nasa kabila palang lamesa.
Nakahawak lang siya sa phone niya. 'yong mga mata ay nakatitig lang sa'kin.
Nang makita niya ang pagtingin ko'y agad siyang ngumiti.
Nginitian ko naman siya pabalik bago ibalik kay Louisa ang atensyon ko.
Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko siya maintindihan. "What?"
"May gusto si Drixy kay Clyde," malinaw niyang sabi. Pero.. hindi ko alam kung bakit hindi na ako nagtaka o nagulat sa sinabi niya. Sanay na ako. Minsan nga ay naririnig ko pang sinasabi ng iba na sayang daw si Clyde. Bakit daw ako ang nilalapitan, e isa raw akong mandaraya. "Pero 'wag ka mag alala, hindi naman papatol 'yang si Clyde kahit na kanino kundi ikaw lang. Baliw na baliw kaya 'yan."
I rolled my eyes.
Bumabalik na ang dating pagiging madaldal niya.
Pero ayos na ako ron.. masaya akong kahit na gano'n ang nangyari sa'kin, naging maayos din kami ni Louisa pagdating ng dulo.
Nabawasan man kami ng isa, pero alam kong mas magiging masaya kami ngayon.
Ilang minuto pa ang lumipas kaya naman nagpatuloy lang si Louisa sa pagsasalita ng mga bagay na hindi siya makapaniwalang nangyari nitong mga nakaraang linggo.
Isa na ro'n ay iyong pag sama raw ang loob niya no'ng matuklasan niya 'yong mga pangyayari. Paulit ulit siyang humingi ng tawad sa mga asta na ibinigay niya sa'kin.
Walang sawa naman akong nagsasabi sakaniya na naiintindihan ko ang lahat. Nag-aaral siya kahit na hindi niya alam kung paano. Tinatanggap niya 'yong pagkabagsak niya dahil ayos lang naman daw 'yon dahil siya naman ang nagsagot.
Naintindihan ko kung bakit nalang ganon ang naging reaksyon niya. Kahit naman ako... Pero sa tingin ko, kung mangyayari man sa mga kaibigan ko kung ano ang nangyari sa'kin, pakikinig sa rason nila ang una kong gagawin. Dahil sila lang naman ang makakapagsabi sa'kin ng totoo.
***
"I'm happy for you, daph," maligayang sabi sa'kin ni Clyde habang ginugulo ang buhok ko.
Nasa loob kami ng sasakyan dahil ihahatid na niya ako papunta sa Coffee shop. Kinuwento ko sa kaniya kung ano 'yong mga napagusapan namin ni Louisa kanina.
"Bakit mo pala naisipan na sabihin kay Louisa 'yong mga nangyari?" Kuryoso kong tanong.
Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit niya 'yon ginawa.
Ang alam ko kasi, hindi siya masaya sa mga pinakita sa'kin ni Louisa noong mga panahon na gumagawa ako ng paraan para makausap siya.
"I heard Drixy saying something lie about you to Louisa," medyo inis niyang sabi. Nakita ko ang pagkagat niya ng bahagya sa pang ibabang labi niya. "I can't hold it so I talked to Louisa. I think I'm wrong about putting all the blame to Louisa. Drixy is the one who are spreading lies. Tsss, what a shame."
Tumawa ako.
Hindi ko alam pero tama yata si Louisa. Nabaliw ako dahil sa mga nangyari.
Imbis na mainis ako sa mga kwento nila sa'kin natatawa na lang ako.
Gano'n talaga siguro kapag alam mo sa sarili mo na hindi mo talaga 'yon ginawa.
Kahit anong paninira nila sa'kin, natatawa lang ako. Para silang mga bata na sinasabi sa iba na 'wag akong bati.
"Why are you laughing?" Takang tanong ni Clyde. Nakahawak ng mahigpit ang kamay niya sa manibela pero hindi pa naman kami umaalis.
Andito pa kami sa parking area.
Medyo marami pa naman akong oras dahil maaga kaming umalis sa classroom. Wala kasi 'yong pang huling prof na dapat papasok sa'min ngayong araw.
"Nothing," I said but I'm still chuckling.
"Para kang kinikilig." Aniya.
Agad nanlaki ang mga mata ko.
Tumingin ako sa kaniya.
"Your face looks so shock," Siya naman 'tong tumatawa ngayon. "Am I right, Ms. Oblivious?"
'yan na naman siya sa ganiyang tawag niya sa'kin.
Pero... Parang ang tagal na rin simula no'ng tawagin niya ako sa ganiyang tanyag.
"No!" Matigas kong sagot sa kaniya. "Umalis na nga tayo."
Tumawa siya at imbis na sundin ang sinabi ko, nanatili lang siyang nakatingin sa'kin.
Dahan dahan niyang kinuha 'yong kaliwa kong kamay.
Kinunutan ko siya ng noo pero hindi ko inabalang kunin 'yon sa kaniya.
Ewan ko... Pakiramdam ko, gusto ko rin naman siya pero hindi ko alam kung paano.
Saan ba dapat magsimula?
"I'm happy to see you being you again," sabi niya bago halikan ng mahinhin 'yong mga kamay kong 'yon.
Inilayo ko kaagad ang mukha ko.
Alam kong namumula ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko 'wag niya lang makita ang mga ito.
Ano bang dapat kong isagot? Hindi ko alam.
Kaya naman, ilang sigundo akong hindi gumalaw. Hindi rin ako tumingin sa kaniya.
"Hey," natatawa niyang tapik sa'kin. "Why are you blushing?"
Shit.
Nakita niya ba ako?
Unti unti kong tinaas ang mukha ko. Nagulat ako ng makitang nakatapat pala ako sa side mirror.
Ang epic naman!
Agad akong tumingin sa kaniya at binawi ang kamay ko.
"Ano bang gusto mong isagot ko?" Namumula kong sagot.
"Nothing. I'm just saying what I feel. I don't need any response," ani niya.
Pinilit niyang lumapit ng kaunti para mahawakan ang magkabilang braso ko.
I pouted. "Okey... Sasabihin ko pa naman sana na gusto rin kita." Mahina kong sambit.
Hindi ko alam kung rinig niya ba 'yon. Pero bahala siya. Kung narinig niya, swerte siya. Pero kung hindi, mag antay nalang siya ng next time kung kailan ko uli magustuhang sabihin 'yon.
Akala ko'y wala siyang narinig dahil abala siya sa pagaayos para mapaandar na ang sasakyan.
Pero... Agad akong natawa ng makita ko ang gulat niyang mukha.
Ngayon ko lang nakitang ganito ang reaksyon niya.
Gano'n ba talaga siya kagulat?
"What?" Tanong niya habang hinahawakan ang magkabilang braso ko.
Tinaasan ko labg siya ng kilay para asarin.
Gusto ko munang ienjoy 'tong mukha niyang gulat.
"What did you just said, Daphne Reign Villamar?" Ulit niyang tanong.
Hindi pa rin ako umimik. Binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti.
"Don't torture me!" Pagrereklamo niya.
"Bleeh!" Pag bebelat ko sa kaniya.
He tsked that's why I laugh so hard.
Pikon na siya.
"Gusto rin kita!" Pag ulit ko. Kawawa naman, e.