Save to Heart (Student Series...

By maysique

74.2K 3.2K 3.2K

Student Series 2: "Bahala Na" Attitude 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 Manifesting a fatalistic attitude is nearly a norm... More

Save to Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 4

1.8K 87 112
By maysique

Chapter 4

First day ng klase at in-assign ako ni Ma'am Sarmiento na maningil para sa soup mamayang recess. Pinapalista pa ni Ma'am iyon kaya may dala rin akong papel at ballpen. 

"Magkano nga ulit?" 

"Tres lang," sagot ko kay Justine na nagbibilang ng pera sa kanyang wallet.

Naglabas siya ng fifty pesos. Napakamot ako sa ulo.

"Wala ka bang barya?"

"Wala, e. Ikaw? Meron?"

"Meron."

"Bayaran mo muna 'yong akin," aniya at ngumisi.

"Utot mo. Balikan kita mamaya!" sabi ko at pumunta na sa likuran nilang row.

"Joke lang, Asia. Ito na nga..."

Nilista ko na ang pangalan niya pagkatapos tanggapin ang bayad. Alam ko namang may barya siya dahil kumakalansing sa wallet niya habang hawak iyon. 

"Split ka muna," tumatawang sambit ng isa kong kaklase.

"E, kung i-split ko 'yang mukha mo sa tatlo?"

Ang hirap pala maningil sa mga kaklase kapag ganito sila. Magbabayad lang para sa goto, gusto pa akong nag-e-exhibition? Buti kung ako ang babayaran nila mismo kapag ginawa ko 'yon. Baka pumayag pa ako. Pero dapat, payment first at isang daan kada talent na ipapakita sa isang tao.

"Tres para sa goto," sabi ko nang nasa tapat na ni Raghnall habang nakalahad ang palad ko.

Nakasandal siya at parehong nakapatong ang mga siko sa arm rest niya at sa kay Celine. Inabot niya sa akin ang isang malutong na bente pesos. Si Celine naman ay fifty pesos na buo ang pera. Nang bilangin ko ang baryang hawak ay kulang ang panukli. Puro buo ang pera, e.

"Dito mo na ibawas ang sa kanya," ani Raghnall at sinulyapan ang katabi.

"B-bayaran ko na lang mamaya," si Celine. 

"'Kay." Nagkibit-balikat ako.

Pinatong ko ang papel sa arm rest at yumuko para magsulat. Kumunot ang noo ko at bahagyang napatunghay kay Raghnall nang napansing nakatitig siya sa akin at salubong ang kilay.

Binelatan ko siya at pumunta na sa tapat ni Axasiel. Buti pa ang isang 'to, kahit tahimik ay ngumingiti. 'Di tulad ng isa diyan. Naalala ko tuloy si Mrs. Asturias at Ate Izzy na palaging nakangiti. Mukhang sa tatay nagmana itong si Raghnall.

"Sukli ko?" tanong ni Raghnall nang lagpasan ko siya.

Napabalik tuloy ako at nagbilang ng sukli bago ibinigay sa kanya. Lihim akong ngumisi. Tigpipiso talaga ang ibinigay ko para mabigat sa bulsa niya. 

Sinulyapan niya lang iyon at muling tumingin sa akin. "Sobra ang sukli mo..."

"Huh?"

Inabutan niya ako ng tres. "Dalawa ang binayaran ko, isa lang ang kinuha mo."

"Huh?"

Umirap siya. Tinanggap ko ang binibigay niya habang lutang. Paano niya nabilang agad 'yong tigpipiso sa isang sulyap lang? At hindi man lang siya nagreklamo na puro barya ang ibinigay ko?

Ibinigay ko na ang nakolekta kay Ma'am nang dumating siya ulit ng room. Hindi na rin nabago ang seating arrangement namin sa sumunod na klase kaya hindi ako mapakali sa upuan. Paano ba naman, ang tahimik nitong si Axasiel sa tabi ko. Itong nasa kaliwa ko naman, kinakausap lagi ni Celine.

Tahimik 'yang si Celine, ah? Bakit biglang naging madaldal? Ay teka, bakit ba ako naghahanap ng kausap, e, nagtuturo 'yong nasa harapan namin. Science pa naman 'to. Isa sa nahihirapan ako. Pero 'yong topic pa naman namin ngayon ay natatandaan ko. Tungkol sa matter.

Mayamaya, nagulat ako nang kinalabit ako ni Axasiel kaya nilingon ko siya.

"Saan po 'yong banyo?"

Ay, hala. Pino-po ako? Magkaedad lang naman yata kami, ah?

Lumingon ako sa likod at itinuro iyon sa kanya. "Diyan 'yong banyo. Sarado mo na lang 'yong pinto."

Umawang ang labi niya habang nakatingin doon bago ibinalik ang mga mata sa akin. 

"Diyan po?"

Tumango ako. "Kahit 'wag ka nang magpaalam kay teacher. Nandito naman tayo sa likod, e."

Parang nag-aalinlangan pa siyang tumayo. Wala ba silang banyo sa room nila mismo sa dati nilang school? Baka private school sila? Pero kung private school, ba't wala silang sariling banyo sa room? 

"Gusto mong samahan na lang kita? Bantayan kita sa labas," alok ko.

"Huh?" Napakurap-kurap siya at tinakpan bigla ang bibig gamit ang likod ng daliri, tila nag-iisip.

"Diyan lang ako sa labas magbabantay, promise. Para siguradong—"

"Axe," tawag ng katabi ko, sapat na ang lakas para matigil ako sa pagsasalita. "Babantayan kita sa labas. Tumayo ka na..."

Napakamot na lang ako sa ulo nang tumayo na sila. Binalik ko na lang ang tingin sa harap para makinig sa tinuturo ng teacher. Paminsan-minsan din akong nagsusulat ng sa tingin ko ay dagdag kaalaman na hindi pa naituro sa amin noong nakaraang taon.

Nalaglag ang braso ko mula sa pagkakapatong sa arm rest ni Raghnall nang itulak niya iyon gamit ang kanyang siko. Nakatungo akong nilingon siya at naabutang nakatingin sa akin.

"Stop invading my personal space," masungit niyang sinabi.

Luh? Personal space pa siyang nalalaman, nakikipatong din naman siya ng siko sa mesa ng katabi niyang si Celine kanina. 

"E 'di huwag. Feeling mo naman pagmamay-ari mo 'yan? Government property po ito, okay?" 

Inirapan ko siya at ibinalik na ang mata sa pisara bago nagsulat.

"Iyakin."

Bumalik ang tingin ko sa kanya dahil sa binanggit niya. Sinong tinatawag niyang iyakin? Basta 'di ako 'yon.

Kinalabit ulit ako ni Axasiel. Tingin ko, hindi niya pa alam ang pangalan ko kaya hanggang kalabit lang siya. 

"Yes?" Ngumiti pa ako.

"Do you have an eraser? I forgot mine."

Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko ang ginagawa niya sa kanyang notebook at naabutang nagdo-drawing lang pala. Akala ko ay nagsusulat din tulad ko. 'Yong lapis niya namang ang haba pa, may pambura naman. Ba't hindi niya gamitin?

Para bang nabasa ang nasa isip ko, sinabi niyang hindi niya ginagamit ang pambura na nasa lapis. Grabe, ba't hindi niya ginagamit 'yon? Ako nga, nginangatngat ko pa 'yong sa dulo para lumabas ang eraser, e. Tapos siya... 

Hay, ganito yata talaga kapag mahirap. Hindi pa ako maka-relate sa mayayaman. 

"Sorry, wala akong—"

Biglang naglapag ng naka-plastic pang pambura si Raghnall sa mesa ko. Kinuha ko iyon at ibinigay mismo kay Axasiel.

"Thanks, Aspasia," aniya nang kunin na sa kamay ko ang pambura.

"Welcome," bulong ko.

Kilala niya naman pala ako.

"That's mine..." sabi naman ng katabi kong isa.

Hindi ko siya pinansin. Mabuti na lang at nag-recess na kaya nakaalis na ako sa row namin. Wala pang isang araw ay parang ayaw ko nang katabi 'yong dalawa. O kahit si Axasiel na lang sana kasi ang sarap amuy-amuyin, e. Hilig lang mangalabit. 

Ako ulit ang inutusan ni Ma'am Sarmiento kunin ang kaldero ng goto mula sa canteen kaya nagpasama na ako kay Eden. Nakakapit siya sa braso ko at panay ang tanong tungkol doon sa dalawang transferee.

"Nakikita ko, kinakausap mo sila! Ano? Kumusta? Mababait ba?"

"Okay lang. Hindi ko pa masabi kung mabait nga kasi ngayon ko pa lang naman sila nakausap. Saka saglit lang 'yon..."

"Ihh! Nakakaiinggit naman! Katabi mo pa talaga 'yong dalawa. Kanina, inayos ko sa isip ko ang seating arrangement sana natin kung alphabetical order tapos alam mo ba, makakatabi ko sana 'yong si Axasiel! Ferguson siya, Fernandez ako! Ahh kilig!"

Panay bungisngis siya habang papunta kami sa canteen. Akala mo ay uod na binudburan ng napakaraming asin. Dineklara niya na ngang crush niya si Axasiel, e. 

"Bibili akong slambook tapos pasasagutan ko sa kanya! Ay, sa kanilang dalawa na lang pala. Para malaman natin kung sinong crush nila at kung anong gusto nila sa babae!"

"Ewan ko sa 'yo, Denden. Sasayangin mo lang ang pera mo diyan."

"Sampu lang yata 'yon? O kinse? Ah, basta, bibili ako!"

"Sige lang. Pera mo naman 'yan."

"Talaga."

Bumalik din naman kami agad sa room pagkakuha ng kaldero sa canteen. May mga mangkok naman daw sa room namin sabi ni Ma'am Sarmiento kaya ipinamigay rin muna namin iyon. Ang iba, may dala na para sa sarili nila.

"By row daw po ang pagkuha sabi ni Ma'am. First row muna!" sigaw ni Eden. "'Yong mga bibili rito sa akin, bili na lang kayo pagkatapos kumuha ng goto."

Nasa likod kami at nakapatong sa isang upuan ang kaldero ng goto. Sa isang upuan naman ay ang mga paninda ni Ma'am na malamang ay kailangan na naman naming ubusin.

Kaunti lang ang kumukuha ng goto. Itsura pa lang ng sabaw, namumutla na. Nang tikman ko, ay talagang matabang nga. Kulang yata sila sa Knorr cubes ngayon, ah?

"Ehem! Sa dalawang transferee po baka gusto niyong kumuha ng goto. Ehem! Bayad niyo naman 'to. Ehem! Tres din 'to, uy." 

Humalakhak ako sa pagpaparinig ni Eden. Mukhang alam naman ng dalawa na sila ang tinutukoy kaya magkasunod na tumayo sa upuan nila at dumiretso sa tapat ko.

"Mangkok niyo?" tanong ko. "Saan ko ilalagay 'yong goto? Sa kamay niyo?

Humagalpak sa tabi ko si Eden. Nagkatinginan ang dalawa at kinuha na ang mangkok nila bago lumapit ulit sa akin. Ngumiti ako nang punuin ang mangkok nila. Para madaling maubos. 'Di puwedeng hindi rin 'to ubos, e.

Pinagmasdan ng dalawa ang ibinigay ko sa kanila bago tumingin sa akin si Axasiel.

"Wala po bang... kutsara?"

Nagkatinginan kami ni Eden. Hindi niya nga pinipigilang tumawa sa harap ng dalawang mukhang walang muwang.

"Walang kutsara. Hinihigop lang kasi 'yan, e. Pero puwede kayong magdala ng sariling kutsara sa susunod kung gusto niyo." Ngumiti ako.

"Ah... okay po." Umangat ang baba niya. "Salamat sa..."

"Tss... anemic goto," puna ni Raghnall at tumalikod na.

Nagkibit ako ng balikat at nilingon si Eden na ganoon lang din ang ginawa. Dalawa naman daw ang recess namin ngayon dahil hanggang hapon na kami kaya naman itinabi na muna namin ang paninda. By row na rin ang naka-assign na cleaners kaya sila na ang nag-urong ng kaldero at mga mangkok.

"Hay!" Sumalampak ako sa upuan ko at inayos ang tali ng buhok. "Ay 'yong pera!"

Napatayo ako ulit sa upuan at hindi sinasadyang natamaan ang arm rest ni Raghnall.

"Sor—hala!"

Natumba 'yong can niya ng iniinom na juice at natapon kaya agad kong hinawakan iyon para patayuin. Nauna nga lang siya sa paghawak kaya kamay niya ang nahawakan ko.

"Hala ka, Asia! Lagot ka!" pasimunong paninisi na naman ng kaklase ko.

Binawi ko ang kamay at napatingin kay Raghnall na napatayo rin.

"Hala, sorry! Teka, kukuha ako ng basahan sa banyo."

Tahimik lang naman siya. Hindi nagreklamo. Hindi nagsalita. Ibinaba niya lang ulit ang can sa mesa niya at binuksan na ang bag. Umamba na akong aalis nang hulihin niya ang braso ko nang hindi nakatingin sa akin.

"Don't bother," malamig niyang bigkas.

Kinagat ko ang aking labi. May tissue siyang kinuha sa bag at iyon ang ginamit pamunas sa natapon sa mesa at sa upuan. 

"Sorry, sorry. Hindi ko talaga sinasadya!" 

"Ayos lang."

Ang bilis ng tibok ng puso ko sa takot. Baka mamaya kasi ay isumbong niya ako sa teacher namin at ipatawag si Papa. Hindi na ako nakagalaw sa puwesto hanggang sa hinarap niya ako. Bumaba ang mga mata niya.

"Stop clenching your fists. I said it's okay, Asia," sabi niya sa marahang boses. "Natapon lang 'to. Wala namang nasaktan."

"Nabasa rin ang pants mo, Ragh..."

Napasulyap ako kay Celine nang magsalita siya gamit ang mahinhin na boses bago dumako sa itinuturo niyang parte ng pants ni Raghnall na nabasa nga. Dark green naman ang kulay ng pants nila pero dahil sa likido, naging halos itim ito kaya halata.

Hindi naman iyon pinansin ni Raghnall at nanatili ang mga mata sa akin. Ang kanina pa niyang suplado at tila galit na mga mata ay lumambot ang ekspresyon.

"Aspasia..."

"U-uh..." Napalunok ako. "Ahm..."

"Ragh?" tawag ni Celine.

Ragh. Pangalawang beses na 'yan, ah. Ganda-ganda ng Raghnall tapos tatawagin lang na Ragh na katunog ng rug. Rug pa talaga. Pero teka, ano naman pakialam ko doon?

Dinilaan ko ang nanunuyong labi at itinuro ang nabasang pantalon ni Raghnall.

"Pants mo. Sorry ulit."

Dumating na ang lunch break at siyempre, kasama ko si Eden kumain doon sa harap. Kani-kanyang puwesto na naman ang mga kaklase ko at ang iba ay nasa sahig pa nga.

"Nyare doon kanina?" usisa ni Eden kahit may laman pang pagkain ang bibig.

"Don't talk when your mouth is full," paalala ko bago tumungga sa dalang tubigan. "Natamaan ko 'yong table ni Raghnall tapos natumba 'yong juice niyang may laman pa. Natapon tuloy pati sa kanya."

Nilunok niya muna ang nginunguya bago nagsalita, "Ansabe? Nagalit?"

"Hindi naman..." sagot ko, biglang inalala kung paano biglang naging mabait ang tono niya kanina. "Kinabahan lang talaga ako kanina. Akala ko first day pa lang, ipatatawag na si Papa, e."

"Sus, parang natapon lang, hindi naman sadya. Magpapatawag agad ng magulang?" Nakataas ang kilay niya.

"Malay mo naman."

"Pero sabi mo kilala mo siya, 'di ba? Siya ba talaga 'yon?" 

"Oo nga! Last year ko siya nakilala sa mall..." At ikinuwento ko na nga sa kanya ang nangyari noong araw na iniwan ako ni Ate Cols sa mall.

Imbes na tungkol sa pagkikita namin ni Raghnall ang pansinin niya, inuna niyang maglabas ng galit sa Ate ko dahil sa ginawa niya. Wala naman na 'yon sa akin dahil mag-iisang taon na rin ang nakalipas. Wala namang mangyayari kung magagalit pa ako dahil doon.

"Kung siya siguro ang Ate ko, araw-araw may giyera sa bahay."

"Buti na lang at hindi."

Inirapan niya ako. Tinapos na namin ang pagkain dahil may kaklase kaming nagyaya ulit ng Jackstones. Ngayon, wala na si Kara kaya sumali kami sa kanila.

"Wait, lagay ko lang 'to sa bag," sabi ko kay Eden.

Pagbalik ko sa puwesto, naabutan kong nag-uusap sina Axasiel at Raghnall habang nasa upuan nila. Napatingin silang dalawa sa akin at natigil sa pag-uusap dahil nakatayo na ako sa harap ng upuan ko.

"Ah..." Binalingan ko si Raghnall. "Ano... ah..."

Bakit ba hindi ako makabuo ng pangungusap? Napalunok ako at palipat-lipat ang tingin sa dalawa na parehong nakaabang sa sasabihin ko.

Huminga ako nang malalim. "P-Puwede namang umupo ang isa sa inyo rito sa upuan ko kapag wala pa ako. Para... uh.. 'di naman kayo masyadong magkalayo habang nag-uusap."

Walang nagsalita sa kanila kaya napakamot na lang ako sa ulo at inilagay na sa bag ang baunan ko ng pagkain at tubig.

Ganda ng kausap ko. Hangin. Okay na nga 'yang huwag silang magsalita para mabawasan naman ang polusyon sa hangin.

Umikot na ako para maglakad paalis sa row namin nang bigla akong matisod sa kung saan. Napahawak naman ako agad sa upuan sa gilid ko kaya hindi ako tuluyang natumba. Napatingin ako sa dinaanan ko at mukhang sa paa ni Raghnall ako napatid.

"Ano ba naman 'yang—"

"Sorry..."

Patapos na 'yong reklamo ko, e. Patapos na talaga kung hindi lang ako napatingin kay Raghnall na inosenteng nakatingin sa akin pagkabanggit ng isang salitang 'yon. Wala na. Limot ko na ang sasabihin ko sana. Paano naman ako magagalit kung ganitong biglang ang bait na naman ng itsura niya?

Saka hindi niya naman siguro sinasadyang iharang ang paa niya sa dinaraanan. Baka masyado lang akong clumsy. Oo, sige. Kasalanan ko na lang. Nakakahiya namang sisihin si Raghnall. Ang bait kaya ng Mama niyan, nilibre ako sa Jollibee last year. Kaya hindi ko siya sisisihin.

"Hoy, Asia! Bilisan mo, maglalaro na tayo!" sigaw ni Eden.

"Ito na!"

Naglalaro lang kami ng Jackstone sa harapan hanggang natapos ang lunch break namin. Siyempre, ako na naman ang may pinakamaraming naipong star sa amin.

"May papuntang teacher dito! Baka sa atin na! Umayos kayo, dali!" sigaw ni Eden pagkatapos sumilip sa pinto.

Tumakbo ako papunta sa upuan ko habang humahalakhak na pinanonood ang mga kaklaseng nagmamadaling bumalik sa kanilang puwesto. Napawi ang tawa ko nang mapansing nakatungo ang dalawang katabi at mukhang natutulog.

Sabay kong niyugyog ang mga balikat nila. "Diyan na si Ma'am, uy..."

Naunang tumunghay si Axasiel na kahit dilat na ay parang nakapikit pa rin dahil sa singkit na mga mata. Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri at nagkusot ng mata. Inalog ko naman ulit ang balikat ni Raghnall dahil mukhang nasa dreamland na siya.

"Oh?" Napapaos pa ang boses niya at tila galit dahil nagambala ang mahimbing na pagtulog.

"Ay, sorry po. Tulog ka na ulit." Matamis akong ngumiti at tinapik pa ang balikat niya.

Nanliliit ang mata niyang sinipat ang kamay kong dumikit sa uniform niyang mas maputi pa sa ngipin ko. Ngumuso ako at animo'y napapasong binawi ang kamay. Tumawa nang mahina at maikli si Axasiel sa tabi ko.

Napabuntong hininga ako. Pati pagtawa, kahit alam kong wala namang presyo, parang mamahalin pa. Ganoon siguro talaga kapag mayaman ka, ano? Kahit wala namang presyo ang bawat kibot na ginagawa at tunog na nililikha ng katawan mo pati na ang amoy mo, para kang isang diyamante na nagkatawang tao.

Expensive. Gano'n.

I-attract ko na nga itong dalawang katabi ko. Parehong rich kid. Dapat siguro ay dumikit-dikit na rin ako sa kanila. Malay natin, baka bigla silang maging magnet ng suwerte para sa akin. Baka may aksidente ring dumikit na pera sa balat ko. 

Kinalabit ako ng katabi ko. "Hey..." 

Umikot ang leeg ko paharap kay Axasiel pero nakasandal lang siya at nakahalukipkip habang nakikinig. Kinulong ng ngipin ko ang ibabang labi at dahan-dahang hinarap si Raghnall.

Nakapatong ang kaliwang siko niya sa desk niya at salo ang pisngi habang nakaharap sa akin. Ang pungay ng mga malalalim niyang mata habang nakatitig sa akin na para bang anumang oras ay mauubusan ako ng hininga sa pagkalunod.

"Tawag mo 'ko?" Hininaan ko ang boses para hindi marinig ng teacher sa harap.

Gusto ko tuloy pagalitan ang sarili. Dapat sa teacher ako abala dahil baka mapagalitan ako pero heto, isang kyut at masungit na katabi lang ang kinakausap ko. Anong mapapala ko rito sa kanya?

Ngumisi siya at voila, lumabas ang maliit at mababaw niyang biloy sa pisngi. Sarap tusukin ng hawak kong ballpen.

"Sa'n na 'yong binigay ko sa 'yo?"

Kumunot ang noo ko. "Anong binigay?"

Naglaho ang pakyut niyang ngiti. Pinipigilan ko namang umangat ang gilid ng labi dahil alam ko naman ang tinutukoy niya. Hindi niya ako pinansin kanina tapos ngayon, kauusapin niya ako tungkol sa binigay niya noon?

Sino siya diyan? Kyut lang siya. Medyo ma-pride ako. Humahagikgik na ang masamang side ng utak ko na parang nagchi-cheer pa kaya kinurot ko ang aking braso para magseryoso.

Magseryoso sa panloloko rito kay Raghnall. Ngayon lang. Promise. Ang kyut kasing asarin nito kaso mukhang mabilis mapikon at magtampo tulad noong unang kita namin. 

Naningkit ang mata niya lalo. "Quit the small evil smirking, you little crybaby with a square shape face."

Ano raw? Humaba na ba lalo ang pangalan ko? 

Ngumuso ako at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. Ayoko na nga makipag-usap dito sa katabi ko. Mukhang magiging panira pa ng pag-aaral ko. Kaso ang makulit, kinalabit ako nang sunod-sunod sa braso.

"Ano ba? Nakikinig ako," pigil ang gigil kong bulong sa kanya na may masamang tingin.

"Where is it?" pilit niya.

"Nasa pwet ko, nagkakape. Ano? Okay na?"

Humaba ang nguso niya. "Can I see your pwet, then?"

Hindi ko na napigilan ang sarili at dinampot na ang ballpen bago isinaksak sa braso niya.

Continue Reading

You'll Also Like

2K 57 12
Sophie, a quiet book-lover, steps into a new high school and unexpectedly attracts Ethan, the most sought-after boy. Despite their contrasting worlds...
93.7K 4.7K 32
Most people claim that high school memories are the best. Sa High School mo raw mararanasan lahat. Mula sa samu't saring kahihiyan at 'di mabilang na...
132K 3.3K 80
G3 series #1 - an epistolary 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 don't sleep on me, little girl.
3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...