Until Our Path Cross Again

By wimpearl

1.7K 66 0

completed September 28- December 10 More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65

CHAPTER 25

37 1 0
By wimpearl

Sinubukan ko naman.

Nagpakumbaba ako.

Sinubukan kong iligtas 'yong pagkakaibigan na mayro'n kami.

Pag tapos ng paguusap namin no'ng araw na 'yon, akala ko magkikita pa kami sa loob ng room.

Pero lumipas ang ilang oras... Walang Krisha na nagpakita.

Akala ko dahil lang 'yon sa paguusap namin.

Pero tumagal na 'yon ng ilang araw.

Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay.

Tinanong ko ang faculty kung nakausap ba nila, pero ang sabi nila, walang kumausap sa kanila.

Pinlano nilang kausapin si Krisha pero walang nagpakita sa kanila. At noong oras na para tawagan siya, wala ring sumasagot sa tawag.

Sinubukan nilang kausapin ang mga magulang ni Krisha pero kahit ang mga 'yon, hindi sumasagot sa tawag.

Kaya naman... Pinlano ko ngayon na puntahan siya sa bahay nila.

"I'll drive you there," si Clyde habang inaayos 'yong mga notes na ginawa namin.

Kakatapos lang naming mag-aral para sa quiz namin next week.

"Okey," simple kong sagot dahil wala akong gana na makipag talo.

"Stop blaming yourself, okey? Whatever she's encountering right now, that's because of her decisions."

Ilang beses ko ng narinig mula kay Clyde 'yang mga salitang 'yan. Pero kahit na gano'n, hindi ko pa rin maiwasang mag alala at magisip kung ano na ang ginagawa ni Krisha.

If the faculty can't contact her and her family, I feel like there's something going on between them.

Hindi ko masyadong nakilala ang pamilya ni Krisha. Pero tuwing nakikita ko naman 'yong mga 'yon no'ng elementary ako, maayos naman sila.

Well, hindi ko alam... Bata pa ako no'n at kung inosente ako ngayon, siguradong mas inosente ako noon.

"Here we are," paghinto ni Clyde sa sasakyan na tumapat sa isang malaking bahay.

Alam ko na mayaman si Krisha. Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit ganito kalaki ang bahay nila.

Malaki rin naman ang bahay namin pero hindi kasing laki ng isang 'to.

Tinanggal ko na ang seat belt na nakayakap sa akin. Inayos ko na rin ang sarili ko bago umambang bababa na sa sasakyan.

"I'll go with you," mabilis din na tinanggal ni Clyde ang seatbelt at binuksan ang pinto.

"No," pag pigil ko sakaniya. Sobra na 'yong pagsama at pagtulong niya sa'kin. Hindi ko na dapat siya dinadamay sa mga problema ko. "Wait me here. I'll just ask if Krisha's here. And if she does, I'll text you if anything happens."

Mukhang hindi sang ayon si Clyde sa sinabi ko noong una. Pero no'ng ngumiti ako para ipakita na kaya ko, agad naman siyang tumango at nanatili sa kinatatayuan niya.

Hindi ko alam kung ano na bang namamagitan sa'ming dalawa. 'Di ko pa alam kung paano isisiksik sa isip ko 'yong amin. Siguro, kailangan ko munang ayusin 'tong amin ni Krisha.

Pinindot ko ang door bell sa gilid ng gate nila para masabi na may tao rito sa labas ng bahay.

Hindi naman nagtagal, may lumabas na sa tingin ko'y katulong nila.

"Sino po sila?" Tanong nito sa'kin.

Ngumiti ako ng bahagya. "Daphne Villamar po," sabi ko bago matigilan. Paano ko ipapakilala ang aarili ko?Sasabihin ko ba na kaibigan pa rin ako ni Krisha? "Kaibigan po ako ni Krisha. Gusto ko pa malaman kung nandito pa siya?" Dugtong ko no'ng hindi ko na maisip kung anong sasabihin.

Kahit na ganito ang nangyari sa'min. Para sa'kin, kaibigan ko pa rin siya.

Hindi biro 'yong sampung taon na pinagsamahan namin. Alam ko na kahit papaano, naging magkaibigan naman talaga kami.

Kahit na sabihin pa na ako lang ang tumuturing na gano'n sa kaniya.

Nakita ko ang pagka aligaga sa mukha no'ng babae pagtapos kong magpakilala sa kaniya. Para siyang may gustong sabihin pero hindi niya masabi.

Bago ko pa matanong ang kasambahay, nakita ko na ang ate ni Krisha na nasa likod nito.

Ito 'yong panganay sa kanilang magkakapatid.

"Ate Elisha," pagtawag ko.

Gaya ng dati, iritadong mukha na naman ang iginawad niya sa'kin.

Sinasabi ni Krisha na ganito lang daw talaga ito kaya hindi ko nalang pinapansin noon.

"What are you doing here?" Mataray niyang tanong.

Agad na umalis ang kasambahay sa harap ko noong sinyasan siya ni Ate Elisha na umalis.

Grabe. Hindi manlang ako inabalang pagbukaan ng gate.

"Gusto ko lang malaman kung nandito ba si Krisha," mahinahon kong sabi.

Kahit na hindi maayos ang pakikitungo niya sa'kin, pinanatili ko pa ring maayos ang pakikipagusap sa kaniya dahil ayaw ko na may isumbat siya na hindi maganda sa'kin.

"Kailan ka pa nagkaro'n ng pakealam kay Krisha? Lahat ng bagay kinuha mo sa kaniya tapos ngayon pupunta ka rito para magpaka kaibigan kuno."

Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

Pinanatili ko namang kalmado ang mukha ko.

"Wala akong ginawang mali sa kaniya. Kahit kailan pagiging kaibigan lang ang ginawa ko."

"Tss.. sino namang maniniwala sa paliwanag mong 'yan? Kung hindi ako nagkakamali.. ikaw ang dahilan kung bakit wala na rito sa bahay na 'to ang kapatid ko. At kung may mangyari mang kung anong masama sa kaniya, ikaw lang ang dapat sisihin at wala ng iba," dirediretso niyang sabi sa harap ko.

Huh?

Wala na si Krisha rito?

"Nasa'n na siya kung gano'n?" Taka kong tanong.

"'wag mo ng alamin. Tigilan mo na siya at maging masaya ka nalang sa mga bagay na iniwan niya. Solo mo na ang lahat."

"Sabihin mo nalang sa'kin kung nasa'n na si Krisha, ate Elisha. Hindi na ako pupunta rito kahit kailan. Kailangan ko lang siyang makausap," hindi ko na napigilan ang paghawak sa gate para mailapit ko ang sarili ko aa kaniya.

Saan ko hahanapin si Krisha?

Sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang paghakbang ni Clyde mula sa malayo.

Nakita niya yata na medyo tensyunado na ako.

Buti nalang at naintindihan niya ang mga mata ko.

Kaya ko 'to.

"Tumigil ka nga!" Medyo pasigaw na sabi niya pero agad naman niyang hininaan ang mga 'yon dahil parang may pinipigilan siyang may makarinig sa'ming dalawa. "Wala kang sagot na makukuha samin. Umalis ka na rito habang hindi ka pa nakikita ni Mommy o ni Daddy."

"Ate Elisha!" Pag tawag kong muli.

Pero patuloy lang siya sa paglalakad pabalik sa loob ng bahay.

May sinabi rin siya sa kasambahay na lumapit sa'kin kanina na naging dahilan ng pag alis din ng kasambahay.

Tinawag ko ng tinawag si Ate Elisha, pero pakiramdam ko, kahit siguro maputol pa ang litid ko rito, hindi nila aabalahin na kausapin ako.

Ilang minuto ang lumipas at wala pa rin akong natanggap na kahit na ano, sumuko na ako at lumapit sa sasakyan ni Clyde.

Alam kong mukha akong talunan dahil sa mga nangyari. Hindi ko maisip kung sa'n ba puwedeng pumunta si Krisha.

Sobrang dami niyang mga kakilalang tao. Pero wala akong alam ni isa tungkol sa mga 'yon dahil kahit kailan, hindi ko naman naisip na darating ang araw na 'to.

Tiningnan lang ako ni Clyde.

Hindi siya nagsalita hanggang sa makapasok kami sa loob. Naiintindihan niya siguro 'yong mga nangyari kahit na mga reaksyon ko lang ang nakita niya.

"She's not here anymore," pangunguna kong sabi.

Alam ko na nagaantay lang si Clyde na magsalita ako kaya naman sinubukan ko ng ibuka ang bibig ko.

Kailangan ko rin ng opinyon niya. Baka may makuha akong ideya kung ano ba ang dapat kong gawin.

"what do you think is the best way?" Tanong ko habang nagsisimula siyang paandarin ang sasakyan.

"If I'm the one you'll gonna ask about that, I'll prefer stop chasing her," sagot niya.

"She's still my friend. I know that you know me, I can't make friends with other people easily. Krisha's just the one who last that long with me."

"Yah, I know. But she didn't even gave you an apology. She's not repentant in everything she did. But... I understand you as well. Those 10 years aren't a joke. So... It's up to you, daph. I'm just here. I'm also your friend."

Huminga ako ng malalim.

"I don't know what to do," pagrereklamo ko bago isandal ang ulo ko sa backrest. Ipinikit ko rin ang mga mata ko.

"You can sleep. I'll wake you up when we're already at your condo."

***

"Nabalitaan ko lahat ng nangyari," pangungunang bati sa'kin ni Mitch.

Halos dalawang linggo akong hindi nakapasok dito sa coffee shop.

Hindi ko kasi alam kung magagawa ko ba ng maayos ang trabaho ko habang may kung anong kumukulit sa isip ko.

Buti nalang at pumayag naman 'yong may-ari ng coffee shop. Alam niya rin kasi kung ano ang nangyari.

Nginitian ko si Mitchele dahil kita ko ang pagaalala sa mukha niya.

"Hindi. Hindi ka okey. Sinong magiging okey sa lahat ng pambibintang na ginawa sa'yo?" Medyo napalakas ang boses niya kaya naman ay hinila ko siya papasok sa loob.

"Hinaan mo nga 'yan boses mo! Wala kang kaaway dito," pabiro kong sabi.

Kita ko pa rin ang inis sa mukha ni Mitchele.

"Sige sabihin mo sa'kin sino ang may gawa no'n para magkaroon na ako ng karapatan na taasan ang boses ko."

I sighed. "Halika na't magayos na tayo. Magsisimula na 'yong shift natin."

Hinila ko ang braso niya pero wala pa ring pagbabago sa mukha niya.

"Nabalitaan ko hindi mo raw pinasabi kung sino ang may gawa no'n sa'yo," hindi niya pa rin tapos na sabi.

"Kasi hindi naman na mahalaga. Pagtutumpulan lang siya ng ibang mga estudyante," pag sagot ko.

Ginawa ko nga 'yon pero pakiramdam ko'y wala namang halaga dahil magiisang linggo na simula no'ng huling pumasok si Krisha sa AU.

"Huwag ka naman masyadong mabait Daphne!" 'Di ko alam kung inis na sambit niya.

I rolled my eyes.

Hindi ako mabait.

Kahit naman sino ang gumawa no'n sakin gagawin ko pa rin kung ano 'tong ginawa ko.

Naririnig ko 'yong pangalan ko na may kadikit na kung anong mga hindi kaaya ayang mga salita.

'Daphne mandaraya'

'Daphne feeling matalino'

'Daphne kapit sa red note'

Hindi ko na sila masyadong pinapansin dahil ako lang naman sa sarili ko ang nakakaalam kung ano ba talaga ang totoong sagot sa pambibintang nila. Kasi, kung hindi mo naman talaga ginawa, kung hindi ka naman guilty bakit ka maaapektuhan?

"Siguro't malapit sa'yo ang gumawa no'n 'no?" Kuryoso niyang tanong.

Oo tama siya. Pero hindi ko na sasagutin pa 'yon dahil para sa'n pa?

"Halika na mag trabaho na tayo!" Pagyayaya kong muli sa kaniya.

"Daph, kung ako ang nasa kalagayan mo hinding hindi ako papayag na apihin ako ng iba dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Hindi ikaw ang dapat na nagdurusa. Biktima ka."

I nooded. I think this is the only way I can answer Mitch.

Hindi ko kayang gatungan ang mga sinasabi niya.

"When it comes to people around you that betrayed you.. I already experienced that. And the only way you can avoid that from happening again is through fighting back. Alam ko na mabait ka. Pero hindi dapat palaging ganiyan. May mga tao talaga na kahit anong bait mo, nangingibabaw pa rin 'yong kasakiman nila. Don't pity them. They are not worth your understanding. Kahit na saan anggulo mo tingnan ang mga taong makasarili, mali pa rin."

Ibang iba ang Mitch na kilala ko sa Mitch na kausap ko ngayon.

Siguro nasanay lang ako sa walang sawa niyang pang-aasar sa'kin.

Pero, hindi ko maitatanggi na sobrang totoo ang mga sinasabi niya.

Parang sinasabi nito na pabayaan ko nalang si Krisha.

Hindi ko dapat hinahabol at niririsulba ang pagkakaibigan na meron kami dahil siya mismo ang gumawa ng paraan para masira 'yon.

Nanghihinayang lang talaga siguro ako sa sampung taon na magkaibihan kami.

Hindi ko lang talaga siguro matanggap na pagkatapos ng lahat lahat, dito pala kami babagsak.

Natapos ang shift namin nang hindi ki maintindihan 'yong mukha ni Mitch.

Tingin siya ng tingin sa'kin na para bang sinusuri niya kung talaga bang maayos lang ako.

Nginingitian ko naman siya tuwing nahuhuli ko ang mga mata niya.

Sila.. sila nalang ata dapat ang pagtuunan ko ng pansin.

Silang mga nandiyan at talagang nagmamalasakit sa'kin.

Totoo nga 'yong nabasa ko sa isang libro.

Malalaman mo kung sino 'yong mga taong totoong nagmamalasakit sa'yo kapag nasa pinakababang parte ka ng buhay mo.



Continue Reading

You'll Also Like

188K 5.2K 96
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
2.9M 242K 53
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
43.1K 2.3K 39
Javaid
33.4K 3.4K 19
Unicode + Zawgyi Pic crd from Pinterest แ€žแ€ปแ€พแ€„แ€บแ€’แ€ฎแ€•แ€ซแ€งแ€€แ€นแ€€แ€›แ€ฌแ€‡แ€บ แ€˜แ€ฏแ€”แ€บแ€ธแ€™แ€ผแ€แ€บแ€žแ€€แ€นแ€€แ€›แ€ฌแ€‡แ€บแ€”แ€ฝแ€ฑ