Until Our Path Cross Again

By wimpearl

1.7K 66 0

completed September 28- December 10 More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65

CHAPTER 22

37 1 0
By wimpearl

Alam kong dapat nakinig muna ako sa mga rason ni Clyde. Pero hindi ko na yata kakayanin.

Hindi ko alam kung makakahinga pa ba ako sa sobrang galit na lumabas mula sa'kin. Gusto kong bakit niya 'to ginawa sa'kin. Gusto kong malaman ang rason.

Pero tama lang yata siguro na kusang umalis ang mga paa ko sa sitwasyon na 'yon.

Hindi ko alam pero sa palagay ko'y isang oras ang inilagi ko sa loob ng cubicle.

Marami akong narinig na mga usap usapan.

Mayro'n daw nahulihan ng red note.

Kahit na walang pangalan sa usapan nila, alam kong ako 'yon.

Pero, hindi ako nakaramdam ng kahit na anong sakit. Siguro'y dahil gulong gulo pa rin ang isip ko sa mga nangyayari.

Lalabas na sana ako ng comfort room dahil naalala kong kailangan ko palang pumunta ng faculty room.

Kailangan kong patunayan na wala akong kasalanan. Hindi ko alam kung paano napunta sa bag ko 'yong papel na 'yon.

"Daph!" Pag tawag sa'kin ni Krisha nang tuluyan na akong makalabas ng cubicle.

Inaantay niya ba ako?

Tumingin ako sa kaniya. Kitang kita ko ang pag-aalala at medyo pagkalito.

Nagtataka rin siguro siya kung bakit ako may gano'n.

Kilala ako ni Krisha.

Kahit kailan alam niyang hindi ko magagawa 'yon.

Tumulo muli ang mga luha sa mata ko.

Niyakap niya ako at sinimulang hagudin ang likod ko.

Ito ang kailangan ko.

Kailangan ko ng taong maniniwala at magtitiwala sa'kin.

"You know that I can't do that right?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango siya kaagad bilang sagot sa tanong ko.

"I don't know what happened," nanginginig na sabi ko sakaniya. Nakatingin lang siya sa'kin bago simulang hawakan ang mga kamay ko. "I know that I never mention to you and Louisa about Clyde, but he's the only one I seen with that red note. He's the only suspect I can think right now."

Agad na napanganga ang bibig ni Krisha. Siguro'y sa pagkagulat.

Kahit kailan, hindi ako nag kuwento sa kanila tungkol sa pag punta ni Clyde sa condo ko.

Iniiwasan ko na kutyain nila ako kaya naman, kahit kailan hindi ko 'yon pinanggit sa kanila. Pero sana.. mas nagtiwala nalang ako sa kanila kaysa kay Clyde.

"I understand that. Please relax yourself daph. Prof is looking for you.
Go there first and let's talk about that when you're done. Okey?"

Dahan dahan akong tumango.

Alam ko na wala akong kasalanan. Dapat hindi ako umiiyak. Dapat hindi ako kinakabahan.

Pero... sa tingin ko hindi dahil sa red note kaya ako nasasaktan.

Nasasaktan ako dahil pinagkatiwalaan ko si Clyde. Nagtiwala ako na kahit papaano tinuring na niya akong kaibigan.

Nang makarating ako sa faculty room, nakatingin ang mga mata ng mga prof sa'kin.

Wala akong ibang kayang gawin kundi ang tumingin sa sahig at hawakan ang mga kamay ko.

Nagtanong sila sa'kin kung sa'n ko nakuha ang red note na 'yon.

Gusto ko man sagutin ang tanong nila, kahit ako hindi alam kung paano 'yon nangyari.

Todo ako sa pag-iling para sabihin na wala akong ginawa. Hindi ko alam kung sa'n nanggaling 'yong red note na 'yon.

"Ms. Villamar, please tell us the truth or tell us who gave that one to you," muling sabi ng taong nasa faculty. "I don't know if you're well informed, but I just want to tell you that you can be kick out in this school if we proven that you're not saying a truth. "

Agad nanlaki ang mga mata ko.

"I don't know about that red note. I am saying a truth here. Please.." pagmamakaawa ko.

Hindi ko alam kung anong mukha ang ipapakita ko kay Daddy kung babalik ako ng probinsya namin dahil na kick out ako.

Anong irarason ko sa kanila? Na nagtiwala ako tapos sinira ako?

"We will investigate about this. For now, you're on hold," aniya. "You can now leave."

***

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis at nakalakad para makauwi rito sa condo.

Si Krisha lang ang naalala ko na umaalalay sa'kin para makasakay sa sasakyan niya at dinala niya ako papunta rito.

Dahil sa pagkatulala ko, parang namamanhid na ang buong katawan ko. Dagdag pa 'yong ekspresyon na nakita ko mula sa mukha ni Louisa no'ng makasalubong namin siya ni Krisha.

Akala ko'y lalapit siya sa'kin para kamustahin ako, pero hindi.

Kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.

Naiintindihan ko naman.. Siguro'y naniniwala siya na kaya kong gawin ang gano'ng bagay.

Sino ba namang hindi madidismaya kung ikaw, nagaaral ka ng mabuti tapos malalaman mo na 'yong iba'y gumagamit ng shortcut.

Kahit na hindi ko naman talaga tunay na ginawa 'to, naiintindihan ko 'yong mga katulad ni Louisa.

Unfair naman talaga.

Gustuhin ko man na sabihin sa faculty na si Clyde ang hinala kong naglagay ng red note na 'yon sa bag ko, parang may kung ano parin sa'kin ang humihila at hindi kaya na gawin 'yon.

Naiinis ako sa sarili ko.

Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat, pinoprotektahan ko pa rin siya.

Umaasa pa rin ako na hindi 'yon siya.

Nakakapagod.

Hindi ko rin napansin na nakatulog na pala ako.

This day is gruelling. There's so much astonishing things happened.

Nang magising ako, agad akong nakakita ng iba't ibang mga menasahe.

Clyde:
Please talk to me. I can't understand what you're saying. Please let me explain on what you saw.

Paul:
Are you okey? I am bewildered on everything that's happening but I know that you can't do that. I chase you earlier but Krisha says that you need to rest. I am here when you need someone. I will help you.

Krisha:
I just need to do something, I will go there maybe tomorrow or the next day. Rest well, daph.

I groaned.

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba na kumausap ng iba sa ngayon.

Naaappreciate ko 'yong mga tao na nandiyan para sa'kin. Pero pakiramdam ko mabibigyan ko lang sila ng problema kaya naman pinili ko na munang patayin ang phone ko.

Kailangan kong makapagisip isip.

***

Paul:
There's already an update about your issue, daph. I don't know if you already know it but the faculty says that they need to talk to you first before they can announce it to all of the students in AU.

Halos limang araw na ang lumipas simula no'ng mangyari 'yong isa sa hindi ko makakalimuting pangyayari na 'yon.

Hindi ko alam kung bakit ako kailangan makausap ng faculty. Alam ko na sinabi nilang kakausapin nila ako once na may update na sila sa mga nangyari.

Hindi ko alam kung kakausapin ba nila ako dahil tuluyan na nila akong ikikick out o dahil maniniwala na sila na wala naman talaga akong alam sa mga nangyari.

Me:
I already informed about it, Paul. Thank you for your concern.

Hindi ako kumausap ng kahit na sino sa buong limang araw na pamamalagi ko rito. Kahit si Krisha na tawag ng tawag sa'kin ay hindi ko pinapansin.

Ayaw kong makadagdag pa sa mga problema nila.

Hahayaan ko nalang na ang faculty at School nalang ang maghuhusga kung magpapatuloy pa ba ako sa AU o tuluyan na akong uuwi ng probinsya.

Imbis na mag advance reading ako at pumasok sa coffee shop, nagbago ang lahat ng plano.

Natulog ako buong magdamag. Inisip ko kung ano at paano napunta 'yon sa bag ko. Pero isang tao lang talaga ang pumapasok sa isip ko. Wala ng iba.

Kahit pagiisip lang pala ng mga problema nakakapagod na.

Sa totoo lang, mas nakakapagod pa siya kaysa sa pag gawa ng mga pisikal na gawain.

I know that all of the things happened to me is appalling. But there is still something inside me that make me confident.

I don't do anything bad, so I need to act like it.

Kinabukasan pagtapos sabihin sa'kin ng faculty na kailangan kong pumunta ro'n dahil kailangan nila akong makausap, hinanda ko ang sarili ko.

Kung ano man ang mangyari ngayong araw, tanggapin ko nalang.

Siguro iyon talaga ang kapalaran ko.

Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nang makita ko si Clyde na nakaupo sa gilid.

"What are you doing here?" Seryoso kong tanong habang nilolock ang pinto ng condo ko.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong agad siyang tumayo nang makita na aalis ako.

"Are you going to AU? Hatid na kita."

Umiling ako.

"Clyde," malutong kong tawag sa mga pangalan niya.

Tumingin siya sa mga mata ko. I can see the tiredness within it.

Kailangan ko munang malaman kung ano ang totoo.

Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko sa kaniya. Wala akong alam sa mga nangyari.

Siya lang 'yong iniisip kong may kasalanan kung bakit nangyayari sa'kin 'to.

Kasalanan ko bang nakakaramdam ako ng galit?

Mali ba na hindi ako kumausap ng kahit na sino?

"Wait me here when I'm done talking with a faculty," simple kong sabi sa kaniya bago siya talikuran.

Alam ko na may pinagsamahan pa rin kami.

Sa ilang araw kong pamamalagi loob ng apat na sulok ng kwarto ko, isa si Clyde sa mga nabuo kong desisyon.

Hindi ko siya ilalaglag.

Hahayaan kong ako nalang.

Alam kong para akong tanga sa ginagawa ko. Pero hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung si Clyde ang makikita kong nahihirapan ng ganito.

"Please seat," turong sabi sa'kin nang tuluyan na akong makarating sa AU at pumasok sa faculty.

Nanginig ang mga tuhod ko habang pinipilit na umupo sa harap niya.

"I requested to meet you here today because I wanted to let you informed about the updates we got," panguna niyang sabi.

Pinilit kong itiklop lang ang mga bunganga ko.

"Mr. Dela bueno confess to us that he had that red note."

Agad nanlaki ang mga mata ko.

Kaya ba siya nasa condo ko kanina? Para sabihin na siya ang umako ng lahat?

Agad akong umiling pero agad namang pinutol 'yon ng tao na nasa harap ko. "but what we got information is not matched to what Mr. Dela Bueno said."

Huminga ako ng malalim bago tuluyang hayaan na makinig nalang sa lahat ng mga sasabihin sa'kin.

"He said that the person who are spreading all of this red note is Mr. Dyo, the principal's grandchild."

Huh?

'yong apo ng principal?

"Here's the cctv footage. I know that this immense information will surprise you but I am happy to tell you that you will not going to be kicked out from this school," aniya bago ilapit sa'kin ang cctv footage na nasa loptop.

Huminga ako ng malalim bago tingnan ang screen.

Cctv ito na kasama ko si Krisha sa Library no'ng araw ng huling exam namin.

Habang abala ako sa pagbabasa, kinuha niya 'yong ballpen ko sa loob ng bag at binigay 'yon sa'kin.

At... May kung anong nilagay siya ro'n sa loob..

Malinaw 'yong kuha.

Iyong 'yong red note.

Agad na tumulo ang mga luha mula sa mata ko.

Gusto ko man pagdudahan ang cctv na 'to, hindi ko maalis sa isip ko kung ga'no ito kalinaw.

Tumingin ako sa taong kasama ko.

Nakita ko ang pagaalala niya.

"Your prof says that Ms. Arsenica is your best friend. Is that true?" Tanong niya sa akin.

Agad akong tumango habang nanginginig pa rin ang buong katawan.

Paano?

Hindi...

"I'm sorry about that."

Gulong gulo ang isip ko.

Bakit nangyayari sa'kin 'to?

Kaya ba nagkita 'yong apo ng principal at si Krisha dahil 'yon sa red note?

Pinlano talaga niya 'to?

Fuck. 10 years.

Kung sino 'yong inakala kong nandiyan para sa'kin, siya pala.

Bakit?

Anong dahilan?

Anong rason?

Wala akong makitang rason.

Bakit nila 'to ginagawa sa'kin.

Bakit nangyayari sa'kin 'to?

Wala kong ibang ginawa kundi ang magtiwala.

Bakit si Krisha?

"Krisha doesn't know about this yet. We are not yet talking to her, but we just wanted to asked you if you wanted to let all the students here in AU know that Krisha's the one who put that red note in your bag? This is for you to clean your name, but I know that she's your best friend, so I wanted to asked you first."

Agad akong umiling.

Hindi.

Kagaya ng balak kong gawin kay Clyde.

Hindi. Ayaw ko.

Kaibigan ko si Krisha.

May rason siya.

Kilala ko siya. 

Continue Reading

You'll Also Like

94.1K 3.6K 38
α΄…Ιͺᴠᴇʀɒᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅΙͺΙ΄Ι’ ᴛᴏ ʙᴇ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› ᴏʀ α΄…α΄‡α΄ α΄‡ΚŸα΄α΄˜ ΙͺΙ΄ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› α΄…ΙͺʀᴇᴄᴛΙͺᴏɴꜱ.
991K 22.4K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
161K 962 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
236K 7K 50
we young & turnt ho.