L.A SIDE STORY#2:ALWAYS BE MI...

By asrah028

19K 409 70

L.A side story.. :) More

CHAPTER 1:
CHAPTER 2
CHAPTER 3

INTRODUCTION:

11.5K 191 12
By asrah028

FIRST OF ALL.. 5 chapters lang 'to. Alam ko 2013 pa yata nung last akong gumawa ng side story, and... alam ko super dami ko pang on going. Pero hindi ko mapigilan. Nakita ko lang kasi yung dati kong updates sa old phone ko. Tsaka isa si KYD at RIYEE sa favorite characters ko sa L.A.

LIGHT lang yung story. Hindi DRAMA or kahit ano. Susunod 'yung kay DONALD at AVA. :) So ito na.. Enjoy reading guys. Nasa chapter 3 na ako. Siguro kung kaya ng powers ko, mga bukas lang tapos na 'to.

xoxo,

ASRAH

INTRODUCTION:

KYD

Oh! Moment ko na toh ha? Ibig sabihin ako na ang bida dito?? Dun kase sa L.A puros yung dalawa yung bida! Kamusta naman kami diba? Nakakasawa na kasi sina YOSHIDA at TWAYLEM. Doon kasi sa L.A madalas kaming nabubully. Hindi ko alam kung may galit ba sa amin ang author na 'to. Pero ganun pa man.. Uumpisahan ko na ang story ko, AKO ang bida. With my labidabs RIYEE.

Kyd Hakeem Choi nga pala, ang pinaka pogi sa lahat ng pogi. Macho ako. Kung ayaw n'yong maniwala, kausapin n'yo ang mga maskels ko. Pero guys, kalma! Wala na akong panahon sa inyo.. dahil ang atensyon ko naka kay Riyee na.

O siya, ang daldal ko na. Uumpisahan ko na sana.. Mag enjoy kayo.. Dahil kung hindi tutubuan kayo ng anik-anik sa katawan! Bwhahahahhah!

2 and a half years ago...

''GAGO MO! Huwag ako yung isumbong mo. Ako ba yung nanbasag nung salamin sa registar office?! Hah? Ako ba?!! Hindi ba ikaw Kyd?!'' panunuro sa akin ni Gelo.

''Ulul! Bakit ako ang sisisihin?!'' tanong ko sakanila, habang isinisiksik namin ang aming mga sarili sa mesa na hindi kalayuan sa r.o.

''KASE IKAW YUNG PASIMUNO?!'' sigaw nilang dalawa sa akin.

''Mga ungas pala kayo e! Edi sana hindi kayo sumunod sa utos ko! Masyado niyo kase akong sinasamba.!'' sabay batok ko sa dalawa. Hindi na ako mag tataka kung sa susunod na araw ma kick out na ako sa school na to.

''Nandyan na sila! Takbo na!'' senyas ni Gelo.

''Mahaba habang takbuhan tong gagawin ko.''

Nag takbuhan agad kami ng marinig naming paparating ang Guidance Councilor namin. Hindi ko na alam kung saan sila nag pupunta dahil nagka hiwa-hiwalay kami, para na rin maka iwas sa trahedya, pumasok ako sa isang palikurang pambabae.

''tang*na mapagkamalan pa akong manyak neto.'' hingal na sabi ko habang nag mamadali akong isiksik ang sarili ko dun sa malapit sa pinag flu-flushan nung kubeta.

''ang baho! Maka la---'' lalabas na sana ako ng marinig kong may papasok sa cr. Tiniis ko nalang, kesa naman sa mahuli ako. Panigurado yari ako kay erpats nito.

Pero laking gulat ko ng ibang tao yung nakita ko. Isang babae, dire-diretso lang ito at ini-lock yung pintuan ng cubicle. Linock ko na yun, pero tangina bat.. Darn it!

Lintik na! Sakit sa ulo 'to men.

When she's about to pull down her jogging pants, para siguro mag jingle bells, umaksyon na ako.. Siguro nakakanood ako ng mga video na bawal sa mga bata, pero hindi ako pervert. Well I act like one, but in reality hindi talaga.

Itinulak ko siya, Sisigaw sana ito, pero tinakpan ko ang bibig niya.

''Shhhh!! Pag hindi ka nag tigil, malilintikan tayong dalaw.'' dahil hindi ito makapag salita, pinaglakihan niya ako ng mata.

Sinenyasan ko rin naman ito na pag hindi siya tumahimik may gagawin ako sakanya, pero wala akong balak na gaguhin siya.

''Sir nakita ko po siyang pumasok dito,''

''Linoloko mo ba akong ungas ka!?! Papasok yun dito?! Hala! Lumabas tayo at hanapin silang tatlo! Lagot sakin yang mga batang yan.'' nang marinig ko na sila ng lumabas, tinanggal ko na rin yung pagkakatakip ko sa bibig niya.

''You can pee now. Adios!'' tinanggal ko na ang pagkakata lock ng pintuan.

''I think, I know you.'' itinuro ko ang sarili ko.

Huwag na kayong magtaka kung bakit kakilala niya ako, sikat ako sa school eh. Lalo na pag dating sa girls. La eh, pinanganak na dakilang gwapo.

''hindi ba ikaw yung si Kyd? Yung laging bagsak sa exam?? Na laging pinapatakbo sa courtyard dahil laging late?''

Para akong binagsakan ng napakabigat na bagay sa ulo ko.

''Alam mo na pala e! Bakit kailangan mong bangitin pa?! Tabi nga!'' inayos ko yung colar ng polo ko. ''Dadaan ang gwapo.''

Nang aktong lalabas na talaga ako sa cubicle, sakto namang dumaan yung Guidance Councelor namain, mabilis akong pumasok ulit dun sa cubicle.

OH-OWWW.. nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

Sa pagkakataong yun, naka upo na siya sa trono. Nag peace sign na lang ako pag katapos nang insidenteng 'yun.

"Aahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!''

At doon ang unaang araw na nagkita kami ni Riyee. Alam kong sa malaswang pagkakataaon kami nakita, pero simula din nung unang araw na yun, nasabi ko sa sarili ko.

'Gwapo talaga ako' de, loko lang.

Simula nung araw na yun, madalas ko ng napapansin si Riyee. Maganda siya, kaya hindi nakapag tataka na nagustuhan ko siya.

Yun nga lang sa maling pagkakataoan kami nagka-kilala.

PRESENT 20**

Simula nung makita ko si Riyee 2 years ago, hindi ko na naalis yung pagtingin ko sakanya. Pero dahil kakilala ako bilang isang 'cool guy' hindi ko pwedeng ipahalata sakanya na gusto ko siya..

"Kain ka ng kain kaya nga pre lumalapad ka. Pangit sa lalaki ang chubby.'' pang aasar ko kay Law na noon parang patay gutom kung lumamon ng chicharon.

''Masarap e, bakit hindi ka kumain? Hindi naman ako tumataba kaya, walang pake-alaman. Tsaka bakit hindi mo sabihin kung gusto mo? Bibigyan namaan kita.'' tuloy pa rin ito sa pag lantak ng chicharon.

''Ayoko ng ganyan, pinag hirapan ko yung katawan ko mahirap na baka tumaba ako.'' naramdaman kong hinampas ako ni Tao gamit nung libro.

''Naka nang! Para kang bakla, masagwang tignan sa mga barako yung masyadong balidoso. Kaya minsan napagkakamalan kang ka uri ni Donald e.''

''Pre, normal lang maging ganito. Tsaka hindi ako bakla, sasayangin ko ba yung gwapong pag mumukha ko kung mag babakla lang ako? Chill men, gwapo lang ako kaya iniingatan ko yung katawan ko.'' napailing nalang si Tao sa isinagot ko.

Nginisian lang ako ni Tao, habang si Law tuloy pa rin sa paglamon.

''Pre gwapo ako, normal lang na..'' natigilan ako sa pag mamayabang ng biglang dumating sina Twaylem kasama si Riyee.

''At biglang tumahimik si Kyd. Tssk, tsssk malalaya na yan pre'' alam kase ng mga mokong na 'to yung malupit kong sikreto.

''O-yo-yo-yoy Law, mag tigil ka!'' nag tawanan lang ang mga mokong. Nang magkatinginan kami ni Riyee, nginitian niya ako.

''Tao, napansin ko parang ang daming daga.'' pahamak talaga 'tong bobong si Law.

''Ewan ko ba, kung tutuusin malakas ang dating niya e, katumbas siya ng 100 ako. Pag nakikita niya si..'' nag smirk si Tao bago ituloy ang sasabihin niya.

Dinampot ko yung isang balot ng chicharon, binuksan at kumuha ng malalaking piraso ng chicharon tsaka ipinasok yun sa mga bibig nila.

Gusto nila gaguhan e, edi sige! Pag bibigyan ko sila.

''Pre, wala namang laglagan.'' pabulong na sabi ko sakanila. Nag tawanan lang ang mga ito, samantalang heto ako parang napipipi.

''O Kyd, nandyan ka pala. Tsaka anong meron? Bakit napunta sa daga yung topic?'' Bati sa akin ni Twaylem, samantalang si Riyee nakatingin lang sa akin.

''Wala, at bawal mag tanong! Aalis na muna ako, hinihintay na ako ng mga chicks ko e.''

''Chicks? Ang dami lang sa tabi tabi par---'' sunod na dinampot ko yung makapal na dictionary. Inirapan ko si Law, hindi ako mag dadalawang isip na ipalamon yun sakanya.

Gagong to! What are friends are for kung mag lalaglagan lang?

''Loko lang pre! Pag hanap mo rin ako ha.'' dinampot ko na yung bag ko at lumabas na ng secret room. Baka mamaya mag ka bukingan maipit pa ako.

Pero hanggang kailan ba ako dadagain? Dami pa namang umaaligid ngayon kay Riyee, makasingit kaya ako?

''Ahh! Bahala na nga. Masasabi ko rin yun.'' bakit kasi ang ganda niya?? Sabagay gwapo naman ako, kaya bagay kami.

Pagkalabas ko ng S.C bumuntong sa akin yung mga ka schoolmates namin. Pinag titinginan nila ako, nag suot pa ako ng shades para dagdag pogi points.

''Hey baby!'' ibinaba ko 'yung shades ko hanggang sa may ilong, sabay kindat ko dun sa nadaan kong ka schoolmate.

''Hi Honey..'' sabay bite ng lower lips ko. Nang nakita ko na itong lumingon, ''Ay sirena! Sorry pre, wrong number!'' sabay sibat ng mabilis.

Bakit ba dumarami yung mga kauri ni Donald? Tssk.. tssk. Nakaka-takot.

RIYEE

Mag chi-chicks nanaman siya, sabagay hindi na ako magtataka kung mabilis siyang maka bingwit ng isda. May itsura naman kase yung si Kyd. Gwapo, kaya lang saksakan ng yabang.

''Ano nanaman yang iniisip mo?'' tanong sa akin ni Donella.

''Wala.'' tinitigan niya ako ng mata sa mata.

''Sabihin mo nga sa akin, bakit pag nasa paligid yang si Kyd panay yang tingin mo kung saan. Umamin ka nga, crush mo ba si Kyd?''

''Hoy Donella, huwag mo nga akong gawan ng issue.''

''Ay sus, nag deny pa ang loka loka. Neng! Sakin kapa nag sinungaling, eh bakit namula bigla yang mukha mo? Huwag mong sabihing mainit ang lakas ng aircon sa SR.'' tumayo nalang ako at kumuha ng soda sa vendo machine para maka iwas sa tanong ni Donella.

''Alam mo neng, huwag ka ng mag sinungaling. You're not a very good liar Riyee.''

''Hehehe.'' hindi kase ako yung tipo ng tao na agad nag kwe-kwento. Oo mga kaibigan ko sila, pero..

Ang hirap mag tiwala ulit e. Ito yung reason kung bakit kaunti lang ang kaibigan ko.

''Mga girls! May chika ako sa inyo!!'' napalingon kamaing dalawa ni Donella ng makita namin si Harper.

''Ano nanaman yang tsismis na yan??''

*1 message recieved

From:+63926************

''Kahit anong gawin mo, galit pa rin kami sayo.''

"Riyee sino iyan? Familiar ka ba sa number??" Bigla akong kinabahan ng sabihin 'iyon ni Harper. 2 taon na yung lumipas, ang tagal na nung mga araw na nakapag move-on ako sa issue na 'yun. Pero pag bumabalik, para akong sirang naiiyak.

Hindi ko pa rin kasi maalis sa isip ko na, galit sila sa akin. Hanggang ngayon pinag sisisihan ko pa rin yung nangyari. Iyon din ang reason kung bakit na depressed at nag ka anxiety ako. Nag ka trust issues din ako because of them.

Akala ko naka-move on na ako, pero hindi pa rin pala. Natatakot na naman ako. Baka mamaya pati ang L.A GANG mawala sa akin. I don't know what to do anymore...

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...