The Protector

By grenadier0007

35.6K 1.7K 1.4K

This is an intense and passionate story of Isabel Beatriz De Leon and Jessica Margarett Galanza. They unexpec... More

Chapter 1 - Jessica
Chapter 2 - Isabel
Chapter 3 - AJV
Chapter 4 - First Encounter
Chapter 5 - The Client
Chapter 6 - Julia Morado
Chapter 7 - Birthday Party
Chapter 8 - AliTon
Chapter 9 - Sa Isang Sulyap Mo
Chapter 10 - Naughty Jessica
Chapter 11 - Triangle
Chapter 12 - Runaway
Chapter 13 - The Morning After
Chapter 14 - Confrontation
Chapter 15 - Miss Villarama
Chapter 16 - Three Is A Crowd
Chapter 17 - Test The Water
Chapter 18 - Mabagal
Chapter - 19 - The Past
Chapter 20 - Drunken State
Chapter 21 - The Start Of Something New
Chapter 22 - LOVERS ⚠️ 🔞
Chapter 23 - Intruder
Chapter 24 - Rescue Me
Chapter 25 - Missing You
Chapter 27 - True Identity
Chapter 28 - Love Me Like You Do ⚠️
Chapter 29 - Falling Deeper 🔞⚠️
Chapter 30 - Take A Risk
Chapter 31 - Dangerous Game
Chapter 32 - Blackmail
Chapter 33 - Is This The End
Chapter 34 - Mystery Woman
Chapter 35 - Revelations
Chapter 36 - Eye For An Eye
Chapter 37 - Conspiracy
Chapter 38 - End Game
Chapter 39 - I Need You
Chapter 40 - Bonus part ⚠️

Chapter 26 - Together Again

836 50 58
By grenadier0007

JESSICA.

Niyaya kong kumain si Myla after my shower. I need to eat para lumakas dahil nanghihina pa rin ako. Paano ko maisasakatuparan ang aking balak kung mabagal pa rin akong kumilos?

Nag isip kasi ako ng paraan kanina habang naliligo kung pano makakatakas kay Myla. However, I changed my mind as I might need her help to know the whereabouts of Bea.

I think she knows eh, ayaw niya lang sabihin sa akin. Maybe there's an instruction from Anton na huwag siyang magsabi sa akin. Kaya dapat kong sakyan ang trip ni Myla at papaniwalain siya na we are on the same side here.

"I'm bored na Myla. Labas kaya tayo?" yaya ko.

Alam ko naman na hindi rin siya sanay na magmukmok sa loob ng bahay.

"Hmmm I don't know. Saka saan naman tayo pupunta kung sakali?" she asked as she looked at me.

"Punta tayo ng shop ko para malibang. Ang dami kong naiwang trabaho doon kaya siguradong tambak na ito. Please." sagot ko.

Nag isip naman siya kaso biglang umiling din.

"Nope, we can't do. Stay here lang tayo dito, yan ang bilin ni Kuya. You need to rest daw sis. Hindi mo ba nakikita ang hitsura mo? Namumutla ka pa at yung eye bags mo, they're big na. Kulang na kulang ka sa tulog. Mag watch na lang tayo ng movie." sagot niya.

Hanep ah. Nakuha pang laitin ang hitsura ko. Natural, galing akong hospital e. Sarap sapatusin ng hipag ko.

Easyhan mo lang Jessica.

"But I need to call my staff there. I need to check too if the wedding entourage list of Migs and Jia are complete. See? I have to call Jia pala para kumustahin siya. Malapit na kasi ang kasal niya, may mga idi-discuss pa kami sa gown at susuotin ng mga abay niya." sabi ko.

"Go ahead sis. Wala namang binilin si Kuya na bawal mong gamitin ang phone." she replied.

"But I can't find my phone. Have you seen it ba?" I asked.

"Hmmm it's with me actually. Iniwan ni Kuya sa akin." sabi niya sabay tayo para kunin ito sa bulsa ng jacket na nasa upuan.

What the heck? All this time, nasa kanya lang pala ang cellphone ko.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi?" I asked.

"I forgot, besides, you didn't ask my dear." she replied while smirking.

Hay naku.

"Thank you." sabi ko na lang pagkaabot nito sa akin.

I checked if it's on. Hindi, hay salamat. Sabagay kahit naman naka on ito, she can't access it pa rin as she doesn't know the passcode.

Not with your husband Jessica.

Shocks, oo nga. Anton can do anything sa dami ng connections niya na marunong kumalikot ng cellphone pero wala naman akong tinatago.

I turn it on and waited patiently. Panay ang sulyap ni Myla sa akin, akala niya siguro ay hindi ko siya napapansin. Nakahinga ako ng maluwag when it turned on.

Sobrang dami ng messages at emails na pumasok agad, sunod sunod ang mga ito. I'm disappointed dahil madami nga pero wala naman akong nakitang message from Bea.

Pano ka niya matetext kung nasa hospital pa siya?

Oh I forgot. Engot ko naman.

Binasa ko lahat ng nasa unahan ng inbox, mostly get well soon messages. Marami ang galing kay Anton. Ito yung time na nasa ere na kami pabalik ng Manila. So he didn't try accessing my phone then.

"I thought you'll gonna call your best friend?" Myla asked.

Nagmamadali?

"Yes, I'm doing it now." sabi ko as I dialed Jia's number.

Sumagot agad siya at halos hindi magkamayaw sa pangungumusta sa akin. Nahihiya ako kasi dapat na ako yung kukumusta sa kanya.

I was glad to know that they were the first ones to get out of the resort. Maayos din daw silang nakabalik ng Manila with the help of Anton.

Lahat ng guests namin doon sa Boracay ay kargo ng pamilya Villarama. Mabuti na lang at ligtas ang lahat maliban sa natamong injuries nila Bea at nung isang guwardiya.

"Malapit na ang kasal ninyo ni Migs. Super excited na ako para sa inyo. Mag ingat kayo dahil malapit daw sa disgrasya ang mga ikakasal na." sabi ko.

"Ikaw ang laging mag ingat, Jema. Some people out there are really keen on hurting you and Anton." Jia said.

"Thanks but I think it's Anton that they're after. Siya ang nasa politika kaya siya ang target nila." I replied.

"You can't be sure of that so be very careful and always take extra precautions. Huwag kang lalabas ng walang bodyguard." dagdag pa niya.

Bodyguard. Gusto ko mang magtanong kay Jia kung may ideya siya about Bea, di ko magawa as Myla is still with me. She can obviously hear our conversation.

Nag set na lang kami ng date when to see each other para ma-finalize na ang details sa kasal niya.

======================================================================

BEA.

I opened my eyes and found myself in a strange room. Where am I? Iginala ko ang mga mata ko para siguraduhin na wala ako sa sariling bedroom, at totoo nga, ibang kuarto talaga ito.

Na naman Beatriz.

Wala ako sa aking sariling bahay at wala na rin ako sa hospital. Why do I always end up in places that I don't know?

Then the images of what happened to me in the hospital came back. May mga taong kumuha sa akin doon.

Shit, nasa bahay ako ng mga kidnapper? I get up quick kaso biglang umikot ang paningin ko, hilo pa ako. Bumalik ako sa pagkakahiga habang sapo ang ulo. Ang tindi yata nung pinaamoy sa akin ng mga taong kumidnap sa akin. 

Napapikit ako at pilit na inaalala ang mga pangyayari. Nasa ganun akong posisyon ng may ingay akong narinig. Bumukas dahan dahan ang pintuan ng kuarto at may narinig ako na mga yabag papalapit sa kama. Isang tao lang ito base sa lakad. I can easily defend myself kung sakali.

Nagkunwari akong tulog at pigil ang hiningang pinakiramdaman ang kilos ng taong nasa tabi ko na. I can sense that the person is looking at me. Then I felt a hand on my face.

Mabilis ko itong nahawakan sabay hila dito kaya nawalan ng panimbang ang tao. Sumubsob ang mukha niya sa bandang dibdib ko. I grabbed her head at pilit na inipit ito. I was expecting a short hair, yung gupit panlalaki pero mahaba ang buhok nito.

"Ouch!" dinig kong sabi niya.

Bakit pamilyar ang boses niya? Pati amoy.

I opened my eyes and slightly raised my head. I saw a woman on my chest. Bakit parang si Jema? Pero imposible na mapunta si Jema dito.

"Jema?" I asked. 

I loosened my grip kaya naiangat niya ang mukha niya.

Confirmed, it is Jema. Wahhhhh, nananaginip pa yata ako. Pumikit uli ako tapos dumilat uli just to make sure. Ayokong ma-hopia.

"Bea, ako nga 'to." she said.

"Oppps sorry, sorry baby. Ikaw pala yan." sabi ko sabay luwag sa pagkakahawak sa kanya.

"Opo, baby. Are you trying to kill me?" she asked while trying to adjust her position.

"Eh kasi naman napaka dramatic ng entrance mo." sagot ko.

"Ssshhhh." sabi niya sabay lapit sa akin.

Doon ko lubos na nakita ang buong mukha niya. Nagkatitigan kami, walang nagsasalita. Ramdam ko na parang gustong tumalon ng puso ko palabas dahil sa sobrang tuwa nito.

My baby is here with me.

Hinawakan niya ang ulo ko na may bandage pa at buong pagmamahal na hinaplos ito. Kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata niya. Nawala agad ang sakit ng ulo ko dahil sa concern na ipinakita niya sa akin.

"How are you? I miss you so much. Sorry at hindi kita napuntahan agad." malungkot na sabi niya.

"I'm fine. Ikaw ang iniisip ko baby." sabi ko.

"Sobra akong nag alala sa'yo sa totoo lang. Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo." she said.

"Don't worry baby, hindi pa naman ako mamamatay." sagot ko sabay kindat.

"At nagawa mo pa talagang magbiro De Leon? Loko ka rin. Hindi ito nakakatawa." she said as she moves away from me.

Mabilis kong nahapit ang beywang niya kaya hindi rin siya nakalayo masyado.

"Wait lang naman, baby. Where am I? How did I end up here with you?" I asked while trying to get up.

"Ang dami mong tanong De Leon." inis na sagot niya.

"Ang sungit po. Siempre gusto kong malaman kase ang huling naalala ko, I was taken away from my room in the hospital." sabi ko.

"Oo na, sasagutin ko naman lahat ng tanong mo. Pero wala ka bang nakakalimutan?" tanong niya.

"As far as I can remember, wala naman akong nakakalimutan." nag iisip na sagot ko.

Nag pout bigla ng nguso ang baby ko. Mukhang hindi nagustuhan ang sagot ko kaya lumapit siya ng husto. Akala ko magagalit pero biglang yumuko ba naman at halos dumikit na ang mukha sa akin.

"I said I missed you. Wala man lang akong narinig na sagot mula sayo." pabulong na sabi niya habang titig na titig sa mukha ko.

Napalunok ako nung bumaba ang tingin niya sa labi ko. Ramdam ko na din ang mainit na hininga niya sa pisngi ko.

Yun lang pala ang gusto niyang malaman, bakit may pang se-seduce pang nalalaman?

"Ahhhh, nagtatampo ambebe. I'm so sorry naman baby. I miss.........." sagot ko pero naputol ito dahil sa daliri niyang nakadampi sa labi ko.

"Dapat sa'yo parusahan." she whispered as she wets her lips.

Kusang bumuka at naghiwalay ang mga labi ko sa ginawa niya. I think I have an idea of her kind of punishment as her lips were getting closer to my lips.

I closed my eyes as I waited for my punishment. Kung ganito lagi ang gagawin niya, I will always be naughty. Ilang segundo akong nakapikit pero walang dumampi sa labi ko.

When I opened them again, I saw Jema standing far away from me.

She is smirking.

"W-why baby?" hirap na hirap na tanong ko.

Hindi na siya nakasagot pa dahil biglang bumukas ang pintuan at sabay na pumasok sina Ponggay at Myla.

"Damn it." bulong ko.

======================================================================

JESSICA.

"Beaaaa, baby! You're awake, thank goodness!" daig pa ang nanalo sa lotto na sigaw ni Myla.

Nilagpasan niya lang ako as she instantly went to Bea's side at agad na niyakap ito. Umikot ang mata ko sa ginawa niya. Natawa ng mahina si Ms. Gaston pagkakita sa hitsura ko.

Tumalikod na lang ako at lumabas ng kuarto para hindi ko na sila makita. Sumunod si Ms. Gaston sa akin.

"Hi, do you need anything Madam Gob?" she asked as she followed me.

Yes, we are at the house of Ponggay Gaston.

"No thanks, Ms. Gaston. Nakabili ba kayo ng mga gamot para sa kanya?" tanong ko.

"Oh yes, nandito na lahat." sagot niya habang inilalapag sa table ang bag na dala niya.

"Good. You have to make sure that she take the pills on time. May pagka matigas ang ulo niyang si BDL kaya dapat babantayan mo pa na parang bata." sabi ko.

"Ay opo Madam Gob, don't worry. I know Isabel like I know myself. Pati laman ng bituka niyan alam ko." she said.

"Really?" I curiously asked.

Pano niya alam eh empleyado lang niya si Bea? Gaano ba sila ka-close at alam niya ang ugali nito huh?

Pero dapat pala ay hindi na ako magtaka dahil dito nga dinala sa bahay niya si Bea. They must really be that close since pumayag ang parents ni Bea when Ms. Gaston talked to them on the phone earlier.

"Yes po. Hindi pa po yata nabanggit ni Isabel sa inyo pero best friends po kami sa totoong buhay hehe." nakatawang sagot niya.

"Best friends?" takang tanong ko uli.

But what really caught my attention aside from that was the name she used to call Bea.

Isabel.

Hmmmn. Magandang nickname nga naman ang Bea for Isabel. Ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sa buhay ni Bea.

Hindi ka naman kasi nagtatanong Jessica.

"Actually, ganito po yan Madam Gob." sagot niya.

Imbes na ipagpatuloy ang kanyang sinasabi, Ms. Gaston starts moving kaya napasunod ako sa kanya. Her house is massive, it screams richness. May ari lang naman kasi ito ng security company. Does she live alone? I don't see anyone since we got here.

Sa may bandang likod ng bahay niya kami napadpad. Tumingin muna siya sa akin sabay hila ng upuan para sa akin bago siya umupo sa katabi nito.

She pointed at the vacant chair as if she's telling me to sit down kasi nakatayo pa rin ako at patingin tingin sa paligid. Saka ko naintindihan na she wants to make kwento about Bea. Since kasama pa ni Bea sa loob ng kuarto si Myla, makikinig muna ako sa best friend niya. This is my chance now, bakit ko pa palalampasin?

Gusto kong makakuha ng maraming impormasyon tungkol sa babaeng mahal ko.

Yieee, sana all may mahal.

"Lima talaga kami sa grupo. Ako, si Bea then sina Kat, Dani and Kim. We attended the same school in college. Mas close nga lang kami ni Bea, we are like the best of friends and sisters with different mothers." panimula niya.

"That explains why you decided to take Bea home. Now I know it. Thanks for sharing it with me." nakangiting sabi ko.

"Well, I can do that to anyone who needs my help. Nagkataon lang na si bro ang napunta sa ganitong situation." sabi niya.

"Ang bait mo naman Ms. Gaston." I said.

"Oh please, just call me Ponggay. Sobrang formal naman ng tawag mo sa akin." she replied.

Ay akala ko best friend na din, char.

"Okay Ponggay as long as you call me Jema not Madam Gob." sabi ko.

Nagtawanan pa kami sabay apir. I think na-break na yung wall between us. Naging at ease na kami sa isa't isa.

"Alam mo bang malapit na akong malagot kila Tita Det?" she continued after a while.

"That must be her Mom. Why?" I asked.

"Yes, that's her Mom. Kasi naman nalagay sa ganyang situation ang anak nila because of me. Pero sobrang bait nila ni Tito Elmer sa akin kaya kampante ako. You should meet them, I'm sure they will like you." sabi niya.

Napangiti ako. Iniisip ko pa lang na ipapakilala ako ni Bea as her girlfriend sa family niya ay kinikilig na ko. Sana nga ay magustuhan ako ng parents niya.

"Ayiiieee, I smell something." Ponggay said.

Inirapan ko lang siya. Hindi ko pinansin ang pasaring niya as it is obvious naman na may alam siya tungkol sa aamin ni Bea.

"Going back to Bea, you think those people won't find her?" tanong ko.

Dito kasi namin siya dinala after rescuing her from those people who wanted to get her.

After talking to Jia kanina, tinawagan ko si Blue para tanungin about Bea kaso wala naman akong napiga sa kanya. Sobrang loyal pa rin niya kay Anton.

I was on the brink of giving up when I remembered Ms. Gaston, the employer of Bea. Tinawagan ko ito at sa kanya ko nalaman kung saang hospital naka confine si Bea.

Matagal bago ko nakumbinsi si Myla na puntahan namin ito kasi nga bilin ni Anton na huwag akong palabasin. Sorry na lang si Anton because as soon as I mentioned Bea, mabilis pa sa alas kuatrong pumayag ito.

Blessing in disguise talaga yung pag agree ni Myla kasi nakarating kami ng hospital just in time lang. Ponggay met us in the lobby at sinamahan niya na kami sa kuarto kung saan si Bea. Kaso nabulaga kami sa naratnan doon sa loob.

Two men were carrying Bea who is obviously unconscious. Nagkaroon ng commotion sa loob dahil naglabas ng baril niya si Ponggay. Being in the security business, natural lang na may dala siyang baril for protection.

Mabilis ang mga pangyayari. We did what we have to do. Sipa doon, sipa dito. Kalmot at suntok ang ginawa ko. Sa isang iglap ay nakatakbo na ang dalawang lalaki at naiwan kaming apat sa kuarto. Me and Myla immediately helped Bea while Ponggay rushed outside to get a doctor.

To cut it short, nag decide si Ponggay na ilabas na lang ng hospital si Bea at dalhin dito sa bahay niya where it is safer.

"My place is too exclusive. Mahihirapan silang makapasok dito. Don't worry, ako ang bahala sa kanya." sagot ni Ponggay kaya bumalik ako sa kasalukuyan.

"Wow, it's sure nice to have good friends. Swerte ni Bea na may kaibigang gaya ninyo. Yung hindi ka iiwanan kahit anong mangyari. Ang hirap na kasing makahanap ng tunay na kaibigan ngayon." sabi ko.

"That's true pero yung grupo namin is talaga namang solid. Walang iwanan sa amin, kahit na lumayo man ang isa to take a breather, gaya ng ginawa ni Isabel, eh okay lang at naiintindihan namin." she said.

Isabel. That name again.

"Wait lang, Ponggay. Sorry but I can't help myself. Bea's real name is Isabel?" tanong ko.

"Who is Isabel?" tanong ni Myla na nasa likod na pala namin.

Parang binabad sa suka ang mukha ni Ponggay.

======================================================================

What's up guys?

It's revelation time. Malalaman na ni Madam Gob na hindi basta bastang tao ang minamahal niya. Banggain pa kaya ng mga kalaban si Bea?

Please vote, comment and follow me here in Watty if you haven't done it yet. 😊

Continue Reading

You'll Also Like

113K 2.4K 30
WARNING: A little bit of adult content. Please help me improve my story. Comment your suggestions. This is my first time writing here so let's not b...
172K 3.8K 192
DISCLAIMER: ALL THE POSTS IN THIS STORY ARE WORKS OF FICTION ONLY!!! Names, Characters, businesses, places, events and incidents are either the prod...
151K 2K 41
May mga bagay talagang akala mo imposible, yun pala pwede.
37.6K 2.3K 40
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴