THE COLD-HEARTED NERD KIDNAPP...

By Jellianxz_Cutie

62.3K 2.6K 346

Trahedyang makakapag bago sa kanilang buhay. Ng dahil sa inagaw na lollipop ay nagkakilala. Dalawang seryuso... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
EPILOGUE

CHAPTER 10

2.2K 104 15
By Jellianxz_Cutie

Chapter 10

RICARDO SANTIAGO POV

"Anong ginawa? D*mn it! ng dahil sa pesting anak mo! Sa kanya pinamana ng walang kwenta mong ama, na dapat sana ay sa akin pinamana! Alam mobang matagal akung naghintay sa posesyong iyon?! Tas ng dumating ang anak mo! Bigla nalang boooooom! Wala na, napariwara nalang lahat ng pinaghirapan at plano ko." Galit na anas ng kapatid ko at tumingin sa akin ng masama!. "Sinira ng anak mo ang pangarap ko Ricardo sinira nya!".

"Labas dito ang anak ko richard! Wala syang kinalaman!" Nahihirapang sambit ko at tumayo, ramdam kung umaagos ng dugo ang likod ko dahil sa pag gawang paglatigo sa akin ni richard pero hindi ko pinansin at ininda ang sakit.

"Jan ka nagkakamali Ricardo! Simula nang isinilang sya ng inutil mong asawa! Ng dahil sa kanila sinira nalang nila lahat-lahat! Sinira NILA!" Galit na usal nito sa akin at hinampas na naman muli nito ang likod ko.

"AHHHHH!" Tanging pag sigaw ko dahil sa sobrang hapdi! Masakit! Sobrang sakit. "Wag mong idamay ang mag ina ko Richard!" Nahihirapang usal ko para tumigil ito sa saglit at tumawa ng malakas.

Nababaliw na sya! Nababaliw na ang kapatid ko!. "HAHAHAHAHA! wag idamay? Ricardo damay na sila matagal na! Simula ng dumating sila!" Usal nito sa akin para ma-ikuyom ko ang mga kamao ko. "NASAAN ANG ASAWA KO RICHARD! NASAN SYA! SAAN MO SYA TINAGO!" Galit na sigaw ko rito para tumawa na naman muli.

"Gusto mong malaman kung nasaan ang Mahal mong ASAWA Ricardo?" Diin nito sa akin para samaan kulang ito ng tingin. "Hmmm, kung hinahanap mo, nag aaksaya kalang ng oras" kibit-balikat na sambit nito sa akin para kunutan ko ito ng noo. "Anong ibig mong sabihin? Anong ginawa mo sa asawa ko richard! anong ginawa mo!" Sigaw ko at hindi ko namalayan na lumandas na pala ang luha ko.

"WALA NA ANG ASAWA MO RICARDO WALA NA! HAHAHAHAHA DAHIL PATAY NA ITO! PINATAY KO! PINATAY KO ANG ASAWA KO" baliw na sigaw nito sa akin.

"HAYOP KA RICHARD! NAPAKAHAYOP MO!"  Hindi makapaniwalang sambit ko at napaluhod nalang.

PATAY na? Patay na ang asawa ko at pinatay ito ng walang-awa kung kapatid!. Hayop sya! Wala syang puso!.  "Bakit? Bakit mo nagawang patayin ang asawa ko richard? Bakit?" Napaluhod ako dahil sa mga nalaman ko, una tinangka nitong patayin ang anak ko, tas ngayon! Malalaman ko nalang na wala na ang asawa ko! Na patay na ito! Dahil pinatay nya!

Ngayon kulang naramdaman ang pagud, ramdam ko na ang sakit, sakit sa buong katawan dahil sa paghampas sa aking ng paulit-ulit ni richard! At sa mga hindi ko inaasahang malalaman ngayon.

Umalis ito sa likod ko dahilan para sundan ko ito ng tingin, umupo muna ito sa sofa at naka dekwatro habang sinalubong ang tingin ko.

"Nalaman ko kasi ang balak mong ipakilala si amalia sa ama mo bit-bit ang isang taon gulang mong anak na si vincent! Kaya naman gumawa ako ng plano, ako ang may kagagawan kung bakit ito na aksidente at nawalan ng ala-ala yun din ang araw ng pagkidnap ko sayo! Kaya naman minabuti kung akuin ang mag ina mo! At pinakilala ko ito kay dad na asawa ko at anak ko si vincent, pero nagalit lang ito sa akin! Hindi ko alam kung bakit galit na galit ito sa akin nong pinakilala ko ang mag ina mo. Akala ko matutuwa ito dahil alam kung gusto na nitong magka apo pero mali ako! Ang tingin nya lang sa akin ay walang sibli! Walang kwenta! Isang inutil!" Galit na kwento nito sa akin.

Yumuko ako, yumuko at pinipigilang mapahikbi. Hinayaan ko syang mag kwento! Hinayaan ko sya dahil gusto kung marinig ang katotohanan! Ang lahat-lahat.

"Kinuha nya si vincent at si amalia sa akin pino-protektahan at inilayo  ito sa akin na hindi ko alam kung bakit! Wala akung nagawa non! Nakikita kulang sila pag pumupunta ako ron sa mansion ng AMA mo! Kaya naman nong bumalik na ang ala-ala ng asawa mo at sabihin Sana ang katotohanan lahat sa inutil mong anak ay inunahan ko na ito! Pinatay ko ito!Pinatay ko ang asawa mo!. At makalipas din ng ilang araw ay kinidnap ko si vincent sa edad na 10 gulang! Kinuha ko ito sa puder ng walang kwenta mong ama! At dinala sa kabilang isla dito! Kagaya mo ginawa ko rin ang lahat ng ginawa kung pagpapahirap sayo! Pinahirapan! Ginutom ng ilang araw! Paulit-ulit na sinasaktan! Gusto kung patayin ito sa hirap pero hindi ko nagawa dahil nakatakas ito doon sa kabilang isla! At namalayan at nalaman ko nalang na nakabalik na ito sa mansion ng AMA MO! Kaya naman palihim ko itong tinangkang PATAYIN! Pero hindi din nagwagi!." Tumingin muna ito sa akin saglit bago tumayo at tumingin sa kawalan.

"5years ago! 5years kodin itong paulit-ulit at araw-araw na may pinapadalang tauhan para tangkain ang buhay nito pero wala lang din, dahil sa mga kaibigan at kanang kamay nito na pino-protektahan ito!." Kita ko rito kung paano nya kinuyom ang kamao nito. "At ako din ang nasa likod ng lahat kung bakit nawalan ng ala-ala ng anak mo 5 years ago na naging dahilan ng pagiging-isip bata nito!  At ng pagkamatay ng kaibigan mong si Veniz Fuentello at si Reymond Fuentello, mga paki-alamira at paki-alamero kasi kayayun ang napapala nila! Nalaman kasi nila kung saan kita dinala!nalaman nila kung nasan ka, Kaya naman para hindi nila masabi sa ama mo kung SAAN kita tinago ay inunahan ko na silang patayin! Sabay ang insedenting nangyari sa anak mo at sa kaibigan mong Fuentello!" At humarap sa akin ng nakangisi.

"WALANG HIYA KA! HAYOP KA TALAGA!" Galit na sigaw ko at nag uunahan na namang maglandas ang luha ko. "HAHAHAHAHA pinapatay ko ang mga taong sagabal sa lahat ng plano ko, para sa lahat ng gagawin ko Ricardo! Pinapatay ko!" Malademonyong tawa nito sa akin. "KUNG GANON! PATAYIN MO NARIN AKO!" Gigil kung anas para mapahinto ito sa pagtawa at walang emosyong nakatingin sa akin. "HINDI MOPA ORAS RICARDO DAHIL MAGAGAMIT PA KITA! MAGAGAMIT PA KITA SA TAKDANG PANAHON." Huling anas nito at tumalikod sa akin.

Bago ito lumabas ay sinaktan nya na naman ang sarili nito para mag mukhang kawawa sa lahat ng tao sa labas, at ipapalabas na ako ang may gawa! Lahat sila walang naniniwala sa akin, iniisip nilang baliw ako, iniisip nilang nasisiraan ako ng bait, may sayad sa utak o iba pa.

Naiwan akung tulala! Naiwan akung luhaan! Naiwan akung NAKANGA-NGA at hindi ko matanggap ang mga nangyayari sa mag ina ko!

Wala akung kwentang ama! Wala akung kwentang asawa! Wala akung SILBI! Hindi ko naprotektahan ang mag ina ko! Ang hina ko! Sobrang hina ko! Napakahina ko! Namatay ang asawa ko dahil sa kapabayaan ko at mas lalong Nanganganib ang buhay ng anak ko na si vincent sa mismong kapatid kung si Richard!.

Wala akung magawa para protektahan ang anak ko laban sa kapatid ko! Wala akung magawa para makatakas sa lugar na ito! Wala akung magawa para labanan ang kapatid ko.

Paano ako makakalaban kung nandito ako? Kung nakakulong malayo sa kanila? Paano ko mapoprotektahan ang nag-iisa kung anak kung nandito ako? Malayo sa kanya at hindi makalabas?

25 years na akung nakulong dito, at paniguradong 25 nadin si vincent. Huli kung nasilayan ang mukha nito nong nag iisang taong gulang palang ito.

Malaki at paniguradong nagbibinata na sigiro ang anak kung si vincent, may asawa na kaya ito? Kamukha koba ito? O kamukha nya ang ina nya? Alam kaya nyang ako ang totoo nitong ama at hindi ang kapatid kung si Richard? Kung alam nyang ako ang ama nito, hinahanap kaya nya ako??

Napa-upo ako dahil sa mga nalalaman ko sa mag ina ko, sobrang sakit! Hindi ko matanggap! Pero nagpapasalamat ako kay dad dahil hindi nito pinabayaan ang anak ko.

Bago pa sabihin ni Richard at inako itong mag ina nya ay nasabi ko na ito kay dad, nasabi kuna ang lahat-lahat bago nya pa masabi na mag ina nya ito.

Alam ni dad ang katotohanan! Katotohanan,
Kung sino ang totoong magulang ni vincent! Na ako ang tunay nitong ama at hindi si Richard! Kaya pala nong panahon na susunduin ko sana si amalia para pumunta sa mansion ni dad ay may humarang sa aking maraming armadong lalaki! Binugbog at dinala dito na ang may pakana ay ang kapatid kung si Richard! Na sya ang may kagagawan ng lahat at dinamay nya pa ang mag asawang Fuentello.

So it's mean kasal na pala ngayon si Veniz at Raymond Fuentello?.

Hindi ko alam kung may anak sila, pero kung meron man, humihingi ako ng tawad dahil sa akin namatay ang magulang nito.

Nadamay ang magulang nito dahil sa kagagawan ng kapatid ko.

Hindi ko akalain na aabot lahat sa ganito!

"Amalia? Mahal ko! Patawad kung hindi kita naprotektahan! Patawad kung hindi kita naligtas! Patawad kung hindi ko naprotektahan ang anak nating si vincent, Mahal na Mahal Kita amalia at sisiguraduhin kung sa oras na makalabas ako sa hawlang ginawa ni richard sa akin ay gagawin ko ang lahat para ma protektahan ko lang ang anak natin! Mahal na Mahal ko kayong dalawa ni vincent amalia! Mahal na Mahal ko kayo" umiiyak na sambit ko habang nakakuyom ang dalawa kung kamao.

"Hintayin mong makalabas ako rito Richard! Dahil sisiguraduhin kung ikaw muna ang mawawala bago ang anak ko at ako! Maghintay kalang! Hindi mo nga kinikilala ang ama natin! Pati mismong pamangkin mo nagawa mong paulit-ulit na pagtangkaan ay sobra na! Sobra na ang ginawa mong pagpapahirap sa amin ng pamilya ko! Maghintay kalang at may araw at oras kadin!" Huling usal ko bago nawalan ng malay, nawalan dahil sa sobrang kapaguran.

AZAELA'S POV

Today is my Parent Death Anniversary. Bago ako umuwi ng bahay ay namitas muna ako ng mga ibat-ibang klase ng bulaklak sa kapitbahay namin. Di naman pumalag dahil sa oras na pumalag ito hindi ako magdadalawang-isip muli na pasabugin ang bahay nitong sabog na.

Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga at inaayos ang mga bulaklak sa lalagyan nito, ito na naman ako nalulungkot! Nangungulila! Tinignan ko ang gawi ni Damulag habang may subong-subong lollipop na ngayo'y Masayang naglalagay ng bulaklak. "Hihihihihi! Pop girl? Tama vincent lagay flowers?" Inosenting tanong nito sa akin. Tinignan ko ang ginawa nito at tumango para tumalon muna ito bago umupo. "YEHEEEEEEY! Tama vincent" sambit nito dahilan para mapailing ako.

Sobrang gaan ng loob ko habang kasama ko itong damulag nato, pakiramdam ko hindi ako nag iisa, pakiramdam ko nababawasan ang lungkot at pangungulila sa magulang ko sa tuwing nakikita ko ang maganda nitong mga ngiti kahit hindi kami palaging nagkakaintidihan.

Tumingin ako sa gawi nito at inaalala ang mga masasayang pangyayaring kasama sya.

Minsan nagkakaintidihan, minsan hindi.

Ewan ko kung matutuwa o magagalit  ba ako doon sa ginawa nyang paghukay sa mga namayapa kung mga lollipop sa likod ng bahay ko pero napangiti nalang ako dahil yung araw din non ay tumawa ako, totoong tawa ko.

----FLASHBACK-----

"Pop girl! Ingi vincent lollipop" inosenting saad nito habang nakalahad pa ang kamay nito sa harap ko na parang nanghihingi ng lollipop!. "Wala na tayong lollipop damulag!" Diin ko rito para mapanguso ito at umupo sa sahig at pumapadyak. "Eeey! Usto kain vincent lollipop huhuhuhu" at umiyak na ang malaking damulag.

"Naubos na nga e!" Iritang sambit ko at tumalikod. "But Vincent want to eat!" Sigaw nito sa akin dahilan para harapin ko ito. "E! Sa wala na nga e! Naubusan na tayo ng stock ng lollipop dahil dalawa tayong kumakain okay?! Ubos nadin sa mga tindahan dahil binili kuna lahat nong isang araw! Arghhhh! Wag ka munang kakain ng lollipop tapos!" Gigil na anas ko at dumaretso ng kusina.

Sumunod ito sa akin at hinayaan lang ito, kumuha ako ng chichirya, binuksan at kinain. "Pop girl naman e!" Sambit nito habang pinupunasan ang luha nito. "Ano!" Naiinis na sagot ko habang ngumunguya ng chichirya. "Usto nga kain vincent lollipop!" Ngusong Maktol nito para samaan ko ito ng tingin. "Ang sabi ko! H-I-N-D-I K-A M-U-N-A- K-A-K-A-I-N NG L-I-P-O-P! Naiintindihan mo?!" Diin ko rito para mas lalong humaba ang nguso nito. "LIPOP GIRL naman e" maktol nito sa harap ko.

Tumayo ako at dinala ang bukas na chichirya at tumalikod rito sa malaking damulag. "Kung gusto mong kumain, maghanap ka!" At iniwan sya roon sa kusina. Hindi kuna pinakinggan ang sinasabi nito at pumasok na ng kwarto.

Matapos kung maubos ang chichirya ay uminom ako ng tubig at di namalayan na nakatulog na pala. Nagising ako dahil sa ingay, tinignan ko ang orasan at pasado alas 3 na ng hapon! Tagal ko palang nakatulog. Paniguradong hindi pa kumakain ang damulag nayun dahil walang nang bwebwesit sa akin! Saturday kasi ngayon kaya wala akung pasok.

Lumabas ako ng kwarto at dumaretso sa kusina para magluto ng lunch namin ni damulag. Matapos kung magluto ay naghanda na ng mga platong gagamitin namin.

"Damulag? Halikana rito at kumain na!" Sigaw ko, pero walang sumagot. Arghhhh! Hilig talaga nong magtago at hanapin e. "Damulag?!" Naiinis na tawag ko pero wala paring sagot.

Kaya naman padabog akung tumayo at hinanap yung malaking damulag!. Hinalughog ko ang maliit kung bahay pero wala parin akung nakitang anino ni damulag.

Lumabas ako ng bahay at hinanap sa paligid, pero wala talaga. "Pesting damulag! nasan kaba?!" Nag-alalang sambit ko sa hangin. Isa nalang ang hindi ko napuntahan ang likod ng bahay.

Dali-dali akung naglakad at habang papalapit ako ay may narinig akung boses at paniguradong ang may-ari nong boses nayun ay si Damulag.

Tinignan ko ang kalangitan at paniguradong malapit ng uulan. "HIHIHIHIHI" Masayang sambit nito sa likod kaya naman mas bilisan ko pa ang lakad ko.

Pagkarating ko sa likod ng bahay ay nanlalaki ang mata at laglag ang panga ko dahil sa nakita ko. Sino bang hindi magugulat.

Kung ang taong kanina mopa hinahanap ay Masayang kumakain ngayon ng lollipop galing sa lupa! Na inilibing ko noong nakaraang buwan.

"ANONG GINAGAWA MO SA MGA LOLLIPOP KUNG NAMAYAPA NA DAMULAG!"  Gulat na sigaw ko rito para matapon nya ang lollipop na kinakain nito kanina.

Owwwww! Not my precious lollipop.

Tumingin ito sa akin at nanlalaki ang mata habang tinago nito patalikod ang mga lollipop kung inilibing kona. "Shabi mo hanap vincent LIPOP, aya hanap vincent" sagot nito. Tinignan ko ito ng mabuti at Isa lang ang masasabi ko sobrang dumi ng damit nito habang ang nasa gilid nito may pala, saan kaya nya nahiram ang pala? Siguro hiniram nya sa kapitbahay.

"Bakit binungkal mo ang lupang yan!" Galit na anas ko habang turo-turo kung saan nakabukas na ngayon ang kabaong ng lollipop ko. "Basha kasi vincent, meron daw lipop kaya bungkal vincent para Kain ito" inosenting anas nito sa akin at pinakita ang mga lollipop na binungkal nito.

Huminga muna ako ng malamin bago ito tignan. "Let's go! Kakain na tayo" sambit ko tumingin lang ito sa akin na nagtataka at umiling. "Indi galit popgirl shakin, dahil bungkal ko lipop nya?" Sambit nito habang magkalapat ang dalawa nitong hintuturo na halata sa boses nito ang kinakabahang.

Gusto kung magalit at sigawan ito, pero nakakapagud na din, huminga muna ako ng malalim at maglalakad na sana ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Damulag pumasok na tayo! Umuulan na" sigaw ko rito sa kanya pero hindi parin ito umaalis sa kanyang pwesto. "Ayaw! Pop girl Galit shakin" malungkot nitong asik sakin. Lumapit ako rito para ilahad ang kamay nito para tulungang sanang makatayo.

"Hindi ako galit okay? Let's go malamig na ang pagkaing niluto ko" anas ko dahilan para kunin nya ang nakalahad kung kamay pero wrong moved dahil akma na sana syang tatayo ng bigla syang nadulas dahil sa putik na kagagawan nito, dahilan din para pumapaibabaw ako sa kanya.

Kita kung paano lumaki ang mata naming pareho dahil siguro sa posesyon namin..putikan na kami pareho at mas lalong lumalakas ang ulan. Pasimple kung pinahid ang kamay ko sa putik at dimamba ito sa pagmumukha nito para matawa ako sa pagmumukha nito. "Hahahahaha!" Tawa ko rito para mapatulala ito sa akin.

Hindi ko ito pinansin at tumawa ng tumawa pero napatigil rin dahil naramdaman kung may malagkit sa mukha ko, putik! "HAHAHAHAHA" malakas ding tawa nito at tumakbo palayo sa akin para samaan ko ito ng tingin. "Ganon ah!" Sambit ko at mabilis na kumuha ng putik at hinabol ito para sabuyan ng putik.

Tawa lang kami ng tawa habang naghahabulan sa gitna ng malakas na ulan sa likod ng bahay, habang nagsasabuyan sa isat-isa ng putik at sabay na kumain ng lollipop na binungkal at kinuha ni damulag sa lupa.

Hindi pa naman expired ang Lollipop kaya pwedi pang kainin.

Ngayon lang ako tumawa ng ganito kasaya at kasama pa itong malaking damulag nato, hindi ko alam kung mararanasan ko pa ulit ito, pero Sana naman oo.

Ito kasi ang unang beses kung tumawa ng malakas sa harap ni damulag at kasama ko ito sa pagtawa.

Lumaki akung puro armas, baril at ibat-ibang uri ng kagamitan ang palagi kung nakakasama at hawak! na pweding magamit sa oras na kinakailangan.

Lumaki ako ng hindi nagsasaya, hindi kagaya ng ibat-ibang bata na nagsasaya noon. Tanging libro at armas kulang ang kasama ko noon pero noong lumayo ako sa lolo ko at hindi nagpakita ay naranasan ko yung iba habang kasama ni damulag.

Damulag? Kapag ba babalik ang ala-ala mo magiging ganito kaparin ba sa akin? Iiwan mo ba ako para mag isa na naman muli?.

-----END OF FLASHBACK--------

Natapos naming inayos ang bulaklak ay binitbit kuna ito. "Pop girl sama vincent" nakanguso nitong asik para tumango ako. Kinuha nya ang ibang bit-bit ko at sya na ng nag bit-bit.

"Tara na pop girl!" Magiliw nitong asik para tanguan ko ito muli. Sumakay kami dalawa ng trycicle, tahimik lang ang byahe pero pinutol ni Damulag ang katahimikan. "Pop girl? Ashan dalhin lahat flowers?" Inosenting tanong nito at pinakita sa akin ang bulaklak. Huminga muna ako ng malalim bago tignan ang labas, malapit ng mag gabi.

"Sa lugar kung saan namatay ang mga magulang ko." Malungkot kung asik para tignan ko ito at kagaya ko malungkot din ito. "Bakit malungkot ka?" Nagtataka kung tanong rito. Umiling muna ito sa akin bago sumagot. "Kashie! Pop girl ko malungkot kaya, malungkot din vincent" malungkot na asik nito para ngitian ko ito ng kunti. "Thankyou" madamdaming sambit ko rito para ngumiti ito ng malapad. "Don't worry pop girl, Indi iiwan ni vincent pop girl nya para di po sad pop girl ko" sobrang laki ng ngiti nito sa akin para guluhin ko ang buhok nito. "Asahan ko yan" and this time ngumiti ako sa kanya ng totoo, yung walang halong lungkot, pangungulila, yung totoong ngiti ng isang Mariz Fuentello.

Kung malaman moba ang lahat-lahat at kung malaman mo kung sino talaga ako, tatanggapin mo kaya ako? Magbabago ka kaya sa akin? Iiwan moba ako kapag na-alala muna ang mga nawala mong ala-ala?. Mananatili ka kaya sa tabi ko damulag?.

Dahil kung sa oras na maka-alala kana hindi kona alam ang gagawin ko pag malayo o lumayo ka sa tabi ko.

Nakarating na kaming dalawa sa lugar kung saan nangyari ang insedenti noon sa magulang ko.

Bumaba na kami at tahimik na naglakad, tahimik lang si Damulag sa gilid ko para tignan ko ito na nagyoy,namumutla, namamawis, nanginginig ang buo nitong katawan at parang takot na takot ito na hindi ko malaman ang dahilan. Mabilis ko itong nilapitan at tinanong dahil sa kaba! Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. "Damulag what's wrong?" Nag-alalang sambit ko rito habang hinawakan ito sa magkabilang balikat nya. "Hey! Are you listening? What's wrong?" Ulit ko para mas lalong mamutla ang mukha nito.

"P-pop Girl?" Pagtawag nito sa akin para manginig ito muli at napaluhod na. "ARGHHHH!" Sigaw nito at hinawakan ulo na parang namimilipit sa sakit. Kaya ang ginawa ko ay niyakap ko ito sobrang higpit.

Hindi ko alam ang gagawin ko, nakikita ko syang nagdudusa ay nasasaktan ako! Kumikirot ang puso ko! Ano bang tawag sa ganitong nararamdaman ko ngayon?!.

"Hey damulag! Calm down! Breath in, breath out!" Sambit ko habang nakayakap rito pero mas lalo lang nitong inipit ang ulo nito sa kamay nya. "ARGHHHH!" Huling sigaw nya bago mawalan ng malay.

Hindi ako makagalaw! Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa kanya?! Damulag ano bang nangyari?.

Bakit nagkaganito ka? May masamang alala kaba sa lugar kung saan namatay ang mga magulang ko?.

Mabilis ko itong hinawi para ipaharap ang mukha nito sa akin, nanginginig ang kamay ko dahil sa takot kung anong mangyari sa kanyang masama!. D*mn! Ano bang nangyari?!

"Damulag?! Gumising ka Jan! Hoy damulag!" Nag ala-ala kung sambit habang tinatapik ang mukha nito pero wala paring sagot, at wala parin itong malay.

May taxi na dumaan kaya naman pinara ko ito para makarating sa hospital.

Sobrang lakas ng tambol ang puso ko dahil sa sobrang KABA. KABA kung bakit nagkaganoon si Damulag!.

Naiwan akung NAKATULALA sa labas ng pinto ng hospital kung saan nandoon sa loob si Damulag na ngayo'y nakahiga at mahimbing itong natutulog.

Hindi ko alam kung ilang oras akung nakatayo habang natulala sa labas ng pinto.
Nabalik lang ako ng may narinig akung isang baritong boses na nakapag pagulo at nakapag pagulat dahil sa lamig nitong magsalita. "Let's go Azaela!" Hindi ko alam pero pakiramdam ko may tumusok na mga maliit na karayom sa dibdib ko. "Are you okay" sagot ko dito para tignan ako ng malamig.

Na pa-atras ako, Damulag? Anong nangyari. "I said let's go!" Mas malamig pa sa yelo na pagkakasambit nito.

Wala akung magawa kundi ang sumunod sa likod nito.

Damulag? Ano bang nangyari sayo? Bakit nagbago ka? Bakit ganito ka sa akin? Bakit sobrang lamig mo kung kumausap sa akin?.

Nakarating kami sa bahay ko na walang umiimik! Nakakapanibago!.

"Where here!" Baritong asik nito at tignan ako ng sobrang lalim. Tumalikod ito sa akin para magtaka ako. "I'm leaving!" Sambit nito para mabigla ako sa kanya. "W-what?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

Malapit ng kumuwala ang luha ko, malapit na itong lumabas sa dalawa kung mata, pero pinipigilan kung ayaw maluha dahil sa inaasta sa akin ni damulag sa akin.

"Im leaving! I need to go home!" Cold nitong asik at tinignan ako ng malamig. "B-but why? This is your house" nakayukong sambit ko dahilan para tumulo ang luha ko.

"Your House Azeala! not my house!" Tugon nito para ma-ikuyom ko ang kamao ko. "Uuwi kana?" Nahihirapang tugon ko dito at pinipigilang mapahikbi.

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak! Hindi ko alam kung bakit sa oras nato may nagbago!. " Yes!" He directly said at me.

"Iiwan mo na ba ako?" Lakas loob kung sambit. Hindi ito nagsalita at nanatatiling nakatayo sa harapan ko at tignan ako ng deretso dahilan para kumirot ang puso ko. Wala akung nababasa sa mga mata nito, sobrang lamig at blangko lang ito kung tumingin sa akin dahilan para mas lalo akung masaktan.

Bakit ba ako nasasaktan?! Mahal ko na ba si Damulag para maranasan at maramdaman ko ang sakit nato? Dahil kung Mahal ko na ito hindi na nakakatuwa! Hindi ito maganda!. "Do you remember anything?" Dugtong ko para lumambot ang mukha nito at binalik din agad. "Yes!" Deretsong saad nito para tumango ako. Pinahiran ko ang luha ko dahil ayaw kung magmukhang tanga sa harap ni damulag!.

"Then congrats! I'm so happy that finally your memories that you've lost is  now back" peking ngiting sagot ko para kunot-noo ako nitong tignan. "Azaela!" Baritong tawag nito sa akin para salubungin ko ang tingin nito. "What?" Sagot ko rito, huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Kailangan kung umalis" bakas sa boses nito ang namama-alam na. "Babalik kaba o hindi na?" Tanong ko rito para mahinto ito saglit. "I don't know" hindi siguradong asik nito sa akin.

"You promised me! That you won't leave me right?" Nahihirapang tanong ko sa kanya at lumapit rito at hawakan ang kamay nito. "I'm sorry!Don't take it serious! Its just a word!" Deretsong anas nito para mapalayo ako rito at pagak na tumawa.

"HAHAHAHAHA! REALLY? ITS JUST A WORD?! D*MN! AND F*CK YOUR WORDS VINCENT!! BAKIT NANGAKO KAPA VINCENT?! BAKIT NGAYON PA? BAKIT NGAYON PA KUNG SAAN HULOG NA HULOG NA AKO SAYO?! BAKIT NGAYON PA NA MAHAL NA KITA?! Bakit?" sigaw ko rito, pero hindi ito natinag sa sigaw ko, hindi rin nabago ang emosyon nitong blangko. "Sorry" malamig nitong asik sa akin para tumawa ako ng pagak. "HAHAHAHAH! YOUR SORRY IS NOT ENOUGH TO HEAL THE PAIN THAT YOU'VE CAUSE TO ME VINCENT!" malamig kung anas rito at tinignan ito ng walang emosyon.

"My door is open for you to leave my house! GET OUT! AND DON'T YOU EVER TRY TO CAME BACK IN MY LIFE! AGAIN!" Huling usal ko at tinalikudan ito at pumasok sa kwarto ko at nagkulong.

Nasaan na ang damulag na palagi akung tinatawag na POP GIRL KO at hindi sa totoo kung pangalan? Nasaan na ang Damulag kung hindi ako iiwan? Pero sa huli iniwan din.

Iniwan na naman muli akung luhaan, iniwan na naman ako muli ng taong ngangako sa akin na hindi ako iiwan.

Bumalik lang ang ala-ala mo, nagbago kana?. Bumalik lang ang lahat-lahat at wala na, tapos na.

And now I Already Hate this day anymore! I already Hate NOVEMBER 1!  Kung saan lahat ng mga minahal ko na nangako ay iniwan ako! Iniwan na naman ako!

This is the time that I won't believe promised anymore! Because vincent prove it that it's just a Word! That no one can fulfill their promised to someone that they promised!.

ARAW NG MGA PATAY! ito ang ARAW na pinakamahirap sa akin, at ito din ang ARAW nato na dinurog na naman muli ang puso kung luhaan na Naman!

Iniwan na naman muli akung mag isa! Iniwan na naman muli akung nasasaktan!
Iniwan na naman muli akung luhaan!

Promises are meant to be broken! And now pinatunayan na mismo ni vincent na hindi lahat ng pangako ay tinutupad! He's right! Promised is just a Word!

F*ck his words! Bakit ba ako naging kampanti? Bakit ba ako naniwala sa pangako nya? Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Dahil ano? Mahal ko na ito kaya nararamdaman ko ang lahat ng ito?.

Ganito ba ang nagmamahal? Sobrang nasasaktan? Na parang dinurog ng paulit-ulit ang puso? I hate this day! Iniwan ako ni mom at dad sa araw nato! At ito ding araw na iniwan din ako ng taong binago nito ang pananaw ko sa lahat! Na naging dahilan kung bakit ako umiyak ng ganito.

Sinanay kasi nya ako! Sinanay nya akung may kasama! Sinanay nya akung hindi ako nito iiwan! Sinanay nya sa aking nandito lang ito sa tabi ko kahit na parati akung Galit sa kanya! Sinanay nya ko sa presensya nya! Sinanay nya ko sa mga bagay na ngayo'y hindi ko inaasahang bigla nalang nawala ng parang bula ang lahat.

Bakit moko sinanay vincent? Bakit?

Ito na naman ako muli! Nag iisa! Nag iisa nalang! Nakakapagud din sa totoo lang! Siguro ito din ang oras para magpakita na ako sa lolo ko.

Oras na siguro para harapin at tanggapin ang buhay ko noon na tinakasan kulang dahil sa kagustuhan kung magbagong buhay. Pero nasira lang din dahil dumating si vincent at pinapasok ko ito sa buhay ko!.

Nanahimik ako sa loob ng ilang taon! Pero ginulo ito muli ni vincent, pero masaya ako! Masaya ako dahil kahit sa kunting panahon na nakasama ko ito ay naging masaya ako! Natutunan ko ang mga bagay na bago sa akin, sinamahan nya ako sa tuwing nag iisa ako,hindi ako nito iniwan kahit na nakakapagud at nakakasawa ang ugali ko.
Pero ngayon wala na dahil tuluyan na nya akung iniwan.

At masaya din ako para sa kanya! Dahil natulungan ko itong bumalik ang ala-ala nito kahit na ang kapalit ay ang pagkadurugo ng puso ko. Masaya akung nakasama ito sa maliit na panahon! Masaya ako dahil pinaramdam nya sa akin ang mga bagay-bagay, masaya ako dahil naging parte ito ng buhay ko! Masaya ako dahil nakilala ko ito. Masaya ako dahil pinasaya nya sa ako sa kunting panahon na kasama ko ito.

Wala ng nginingiti sa akin!
Wala ng mangungulit!
Wala ng hihingi sa akin ng lollipop!
Wala ng magpapasaya sa akin sa tuwing nababadtrip ako!
Wala na ang maingay sa bahay ko!
Wala ng susubuan ako ng lollipop!
Wala na akung kasama! At mag isa na naman muli!
Wala nayung pangako! At hindi na matutupad!
Wala ang damulag ko!
Wala na ang isip bata!
Wala na ang lahat-lahat dahil bumalik na ang mga na-alala nito.

Balik na lahat sa dati.

"Thankyou for coming in my life, and be with me for the short time damulag" huling sambit ko bago nakatulog dahil sa sobrang iyak.

Wala akung magawa kundi ang tanggapin nalang ang lahat-lahat, wala akung karapatang mag demand kung mananatili ito sa tabi ko, dahil simula palang alam kung sa huli talo ako! Na iiwan na naman muli ako. Na iiwan ako nito.

Oras na para bumalik na ulit ako sa dati kung nakagisnang buhay! Oras na para harapin kona ang buhay kung minsan kunang tinakasan! Oras na para harapin na ang lahat-lahat.

Wala ng dahilan para manatili pa rito sa lugar kung saan lahat ng angulo na matitignan ko ay maa-lala ko ang taong minsan kunang minahal. Ang taong minsan ng binigyan kulay ang madilim kung mundo. Ang taong minsan ng nangako pero binigo ako, ang taong iniwan ako ng walang dahilan! Ang taong nakapag padurog ng puso ko!

Dahil yun kay vincent! Pero lahat ng iyon ay  pansamantala at panandalian lamang na makasama ko sya.

------END OF CHAPTER 10------

A/N: PEYN!

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
9.4K 481 101
PROLOGUE "Sino ka ba! Bakit hindi mo kayang magpakita sa akin!"sigaw ko sa loob ng Mansyon na sobrang dilim. "Pinakasalan kita dahil lahat ng taong n...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.