One Shots

By grenadier0007

5.8K 209 228

A compilation of short stories as requested by readers. More

With A Smile
Minsan Lang Kitang Iibigin - 1
Minsan Lang Kitang Iibigin - 2
Minsan Lang Kitang Iibigin - 3

Happy Birthday

748 20 72
By grenadier0007

Jema.

"Mommy Fe, dalian niyo naman mag ayos dyan. Kakantahan ka na namin eh para mag start na yung program natin." sabi ko.

Mga ilang segundo pa at lumabas na si mudra from their bedroom. Lahat kami ay napangiti when we saw her. Naka dress ito at naka make up.

"Ang ganda naman." tuwang tuwa na sabi ni Tatay.

"Yes, go go go Mother." sigaw ni Mafe.

"Mother, is that you?" tanong ni ate Jovi.

Hindi naman ako makapagsalita dahil naapakan na naman ako ni Pangs. Ang sakit. Kainis, ang laki kasi ng paa ni bunso. Itinulak ko nga siya.

Nasa Laguna kaming magkakapatid ngayon dahil birthday nga ni Nanay.

"Sana araw araw ang birthday ni Mommy Fe para laging naka postura." I said.

"O bakit naging Mommy na ang tawag ninyo kay mahal?" singit ni Tatay na nasa tabi ko.

"For a change Daddy hahaha. Kahit ngayong araw lang naman ay maging sosyal tayo kahit papano." sagot ko.

"Daddy. Mommy. I like it." sabi ni ate Jovi sabay apir sakin.

"Baka marinig kayo ng kapitbahay, aakalain nabubuang na ang mga anak ko susmeyo." sabi ni Tatay.

"Hahaha, hahaha. Hayaan mo ang mga kapitbahay. They don't feed us so deds sa kanila." sagot ni Pangs.

"Ako ba eh magbo blow pa ng candle o magkekwentuhan muna kayo?" tanong ni Nanay.

"Ay nandito pala si Mommy, hahaha. Sige po, blow niyo na yan." sabi ni ate Jovi.

"Wait lang, hindi pa tayo kumakanta para sa Nanay ninyo, blow na agad." sabi ni Tatay.

Napakamot na lang ako ng ulo sa ingay.

Oo nga naman. Kanta muna bago ang lahat. Binigay ko kay Tatay ang cellphone ko at sinabihan siyang ibidyo kami. Pumuwesto na kaming tatlong magkakapatid sa harap.

We all sang happy birthday with matching dance pa. Yung uso ngayon, yung pabilis ng pabilis ang steps. Pati si Tatay eh nakikisayaw sa amin kaya malamang ay mahihilo ang manonood ng video namin. My goodness, dapat pala ginamitan na lang ng cellphone stand galing sa Shopee.

Tuwang tuwa si Nanay habang pinapanood kami. Napapaindak na rin siya kaso pa-demure ang peg niya. She clapped loudly after our dance presentation.

"Kaka tiktok ninyo yan noh?" tanong niya.

"Ah hindi Mommy, sariling steps namin yan." sagot ni Pangs.

"Baliw ka talaga Ading." Ate Jovi said sabay tulak kay bunso.

"Pero salamat talaga mga anak at sayo Mahal. Ang galing galing naman ng sayaw. Biruin ninyo, muntik na kayong magsabay sabay." sabi ni Nanay.

Hahahahaha. Pasalamat si mudra at birthday niya.

"Madami pa kaming pakulo para sa inyo. This is your very special day kaya sit back and relax ka lang dyan Mom." I said.

"Ha? Marami pa ba?" she asked.

"Siempre naman kase espesyal ang birthday ninyo ngayon. You are now officially a senior citizen. Yey. May 20% discount na kayo, o di ba bongga. Kaya blow na po ninyo ang cake dali!" sabi ni Mafe.

Binatukan ko nga si Pangs.

"Aray ko! Nay oh, si ate nambabatok, huhuhu." sumbong niya agad.

"Jessica naman. Huwag mo nga laging binabatukan ang Ading natin. Ang liit liit na nga ng utak nyan tas aalugin mo pa. Baka mas lalong lumiit." ate Jovi said sabay hagalpak ng tawa.

"O wag nyo ng pagka isahan si bunso." awat ni Tatay sabay tinapunan ako ng tingin.

Yung tingin na tumigil na daw ako hahaha.

"Kaloka ka kasi Pangs. Bakit naman ibo-blow ni Nanay ang cake? May ilaw yan ha? Ang candle ang ibo-blow, hindi ang cake, maliwanag?" I said.

"Ay oo nga. Sorry naman na ate." napapangiwing sabi niya after realizing her mistake.

"Mag wish ka muna Mahal bago mo hipan ang kandila." sabi ni Tatay.

Nanay closed her eyes and whispered her wishes then we started the countdown.

"One, two, three!!!" sigaw namin bago hinipan ni Nanay ang candle.

Napuno ng ngiti at tawanan ang buong bahay namin at isa isa kaming humalik kay Nanay.

"Tara at hatiin na natin ang cake. Mukhang masarap eto." excited na sabi ni Nanay.

"Wait lang Mommy, may hihilahin ka muna sa cake. Surprise namin." sabi ko sabay turo sa stick kung saan may nakasulat na Happy 60th Birthday.

"Ay wow. Grabe naman kayo mga anak. Ngayon pa lang magpapasalamat na ako sa 60,000 na regalo ninyo." mangiyak ngiyak na sabi niya.

"Mommy, anong 60k ang sinasabi ninyo?" ate Jovi asked.

"May money cake ako tapos 60 na ako, edi malamang na may 60k yang hihilahin ko sus. Dami ko ng nakikitang ganyan sa tiktok kaya alam ko." sagot niya.

Patay na! Asumera pala ang mudra namin.

Nagkatinginan kaming magkakapatid. Kinalabit ako ni ate Jovi.

"Mommy, pagtiyagaan nyo na lang ang aming nakayanan." sabi ni Mafe habang nakayakap sa kanya.

"Oo naman anak. Oh ano pa ang hinihintay ninyo? Aba dalian na natin at baka dumating na ang mga kumare ko at iba pang bisita." sabi niya.

Pumuwesto na siya agad sa likod ng cake. She is so excited to pull the money cake.

Unang hila, bente. Mukhang disappointed siya hahaha. Maraming bente na malulutong tapos sinundan na ng singkwenta, sandaan.

Unti unti na siyang ngumingiti hanggang sa naka full smile na kasi may lumabas ng limang daan.

"Wow, more more!!" sigaw ni Tatay.

They were expecting to see blue bills kaso wala ng lumabas.

"Wala na?" tanong ni Nanay.

Sabay pa sila ni Tatay tumingin mabuti sa cake.

"6k lang ata Mahal, napeke tayo." bulong ni Tatay sa kanya pero dinig pa rin namin.

Siniko siya ni Nanay bago tumingin amin sabay ngiti.

"Thank you mga anak sa binigay ninyo. Hindi man umabot ng 60k eh masayang masaya ako. Kahit nga wala ng money cake. Sobrang dami na ng handa at regalo ninyo kaya doon pa lang ay bawing bawi na." sabi niya.

"At ang mahalaga ay kumpleto tayo sa espesyal na araw  na ito. Walang sakit at masaya." dagdag ni Tatay.

Awww, tama. I cannot ask for more. Nagpapasalamat talaga ako na nandito kaming lahat for Nanay.

"We love you Mommy!" sabi namin.

Nagyakapan na naman kaming lima. Picture dito, picture doon ang aming ginawa.

"Okay, pwede na siguro tayong kumain niyan habang mainit pa ang lechon." sabi ni Nanay pagkatapos.

"Ay salamat naman. Kanina pa ako gutom kaya away away muna tayong lahat ha." sagot ni ate Jovi.

May ilang kapitbahay na rin ang nandito sa bahay kaya nagsimula na ang kainan.

"Andito ka pala anak." sabi ni Tatay na biglang tumabi sa akin.

Kasalukuyan akong nasa balkonahe namin at nagpapahangin. Dumating na kasi ang mga bisita ni Nanay kaya medyo masikip na sa loob ng bahay. Yung mga kumare niya at mga dati niyang kasamahan sa trabaho ay sabay sabay dumating.

"Opo Tay. Madami pa naman pagkain sa lamesa kaya pwede tayong mag relax muna. Tatawagin naman ako ni Ate Jovi kung may kailangan siya." sagot ko.

"Masaya ako anak dahil kumpleto tayo ngayon. Namiss ko kayong tatlo. Pero ikaw, kumusta?" tanong niya.

Ay, na-touch naman ako sa pangungumusta niya. Humilig ako sa kanyang balikat kaya inakbayan niya ako.

"Ako din po, masaya. At okay lang ako Tay. Carry pa naman. Siyanga pala, pasensya na po ha at hindi 60k yung nailagay sa cake ni Nanay." sabi ko.

"Ano ka ba anak? Wala yun sa Nanay mo. Nagbibiruan lang kami kanina. Saka kahit anong amount yan, etneb o anuman, tatanggapin ni Mahal." he replied.

Etneb. Hahaha.

"Alam ko naman po. Hindi lingid sa inyo na nag iipon kaming magkakapatid para masimulan na ang dream house natin." sabi ko.

Fully paid na kasi yung lot na hinuhulog hulugan namin kaya yung house na ang isusunod na project namin.

"Excited na kami ng Nanay mo anak. Sa wakas, yung pangarap natin ay unti unti ng natutupad. Teka, yung blueprint ba ng bahay ay dala nyo?" he asked.

"Opo, Tay. Naipa blueprint na ni Architect Santos. Kumpleto na lahat. Engineer na lang talaga ang kulang then we are good to go." masayang sagot ko.

"Don't worry about that. May irereto ako sayo." sabi niya.

"Reto? Ay wag na Tay, family muna ang priority ko at yung bahay natin. Wala akong time magka love life. Saka na lang po, makapaghihintay yang love love na yan." I said.

"Hahahaha. Ikaw talaga Jessica. Kung ano ano ang iniisip. Reto, may irereto akong engineer sayo para hindi ka na mahirapan pang maghanap. May kakilala ako, magaling." he replied.

"Baka naman mahal ang fee niya Tay, di kakayanin ng budget." sabi ko.

Natigil ang usapan namin dahil biglang lumabas ng bahay si Pangs.

"O saan ka pupunta Mafe?" tanong ni Tatay.

Napatingin ako kay Pangs, kinukuha niya yung bike ni Tatay sa gilid.

"Tay, sa tindahan lang. Pinabibili po ako ni Ate Jovi ng Mang Tomas, naubos na agad eh. Madami pang lechon, hindi ito masarap kung walang sauce. I will be back soon." sagot niya.

"Bakit ka pa magba bike? Ang lapit lang naman ng tindahan ni Aling Puring." he said.

Oo nga, like it's just a stone's throw away from our house. Gusto lang ata gumala nitong si Mafe.

"Maglakad ka na lang kaya Pangs para matagtag ang mga kinain mo." sabi ko.

"Saka tignan mo yung suot niya Jema. Hindi yata bagay. Bibili lang ng sarsa eh akala mo a-attend ng birthday." dagdag ni Tatay.

Birthday party nga ni Nanay Fe ngayon, Tatay Jesse. Hahaha.

Nakasuot ng maikling denim shorts si Mafe at naka crop top like me pero naka long fitted jeans naman ako.

"Feeling Nadine ito Tay, eme." Mafe replied.

Natawa ako dahil naalala ko si Nadine Lustre na napikturan habang bumibili ng sauce sa isla ng Surigao. Okay din itong si Pangs, lakas ng trip.

"Weh, ang layo noh. Mas sexy at bata sayo yun Pangs!" sigaw ko.

"Ingggit ka lang Ate! Same age lang kami ni Nadine!"sigaw din niya habang tumatawa.

"Mga bingi na ba ang mga anak ko at nagsisigawan na naman kayo?" takang tanong ni Tatay.

Mafe just ignored him and did not even reply. She immediately rode the bike. Napakamot ulo na lang si Tatay kay bunso.

"Anak, ano ba ang ibig sabihin ng eme na yan ha?" Tatay asked.

Hahahahaha. Ang Tatay namin, gustong malaman ang gay lingo.

"Tay, slang lang po siya. Parang joke ganun." paliwanag ko.

"Ha? Bakit naman siya magdyo joke eh totoo naman na pupunta siya ng tindahan?" tanong niya.

"Uwu Tay." nagpipigil tumawang sabi ko.

"Uwu? Ikaw Jessica ha, kung ano ano ang sinasabi mo. Nagtatanong lang naman ako. Alam kong mga bagong lengguwahe yan ng kabataan ngayon. Curious lang ang Tatay mo baka kasi bad words na ang mga nasasabi ninyo." sagot niya.

"Sorry po, natatawa lang talaga ako eh. Uwu means trying to be cute. Emoticon kasi ito Tatay, parang happy ka din or magaan ang feelings. Basta Tay." paliwanag ko.

Wala pang 5 minutes ay nakita na naming parating si Mafe.

"Ate, wala akong nakuha. Ito lang talaga." sabi niya sabay pakita sa hawak na bote.

"Mother's Best? Asan na si Mang Tomas?" tanong ko.

"Naubusan na daw." sagot niya.

"O sige pwede na yan. Sanay naman tayo sa lahat ng brands. Basta ang importante may lechon kang isasawsaw. Tara na sa loob at baka hinihintay na nila yan." sabi ko.

"Saka ate, may isa pa akong nakuha este nakita sa labas." sabi ni Mafe na hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"Ano naman ang nakita mo, aber?" I asked.

"Sino, hindi ano." she replied as she pointed at our gate.

Doon ko nakita ang isang babae sa may labasan namin. Hindi ko siya kilala kaya medyo tumaas ang kilay ko kay Pangs. Nagkibit balikat lang siya sabay pasok na sa loob ng bahay.

Aba, nagdala ng tao sa gate namin tapos iiwanan lang. Lukaret din itong si Mafe. Baka masamang tao e o kaya ay gusto lang mag gate crash sa party ni Nanay. Tumayo naman na si Tatay at parang kumakaway ito sa tao. Ahh, kilala pala niya.

"Sino yan Tay?" mahinang tanong ko.

"Si Engineer De Jesus yan anak. Yung bagong lipat dyan sa mga apartment na pinapaupa ni Aling Celine. Nabanggit ko kasi na birthday ni Nanay ninyo at niyaya ko. Mabuti naman at nakarating siya. Halika na at puntahan natin." sagot niya.

Bakit kailangang kasama pa ako? Napilitan akong tumayo at sumunod kay Tatay.

"Hello Engineer. Pasok ka na." Tatay said to her.

"Naku po Tatay Jesse, Ella na lang po ang itawag nyo sa akin, huwag ng engineer." malugod na sabi nito.

Tatay Jesse.

Kailan pa pumayag si Tatay na tawagin siyang Tatay ng ibang tao?

I looked at the woman in front of me. Dahil naka face mask siya, hindi ko makita ang buong mukha niya. Matangkad ako ng konti sa kanya. Maputi ito, slim at kutis mayaman. Anong ginagawa niya dito? She glanced at me all of a sudden kaya nahuli niya akong tinititigan siya.

"You must be Jessica. I'm Ella." sabi niya sabay abot ng kamay sa akin.

"Ay oo nga engineer. Eto nga pala ang anak kong si Jessica. Anak, siya si engineer Ella De Jesus. Marami siyang projects na nakuha sa Laguna kaya nag rent ng bahay para may tinutuluyan siya dito. Mahirap nga naman mag commute araw araw. Graduate yan sa Ateneo. May mga offer sa abroad pero mas pinili niyang dito na muna magtrabaho. Yung magagandang bahay sa kabilang kanto, siya ang engineer dyan. Ang galing niya di ba?" mahabang sabi ni Tatay.

Close yarn?

Alam na alam ni Tatay ang curriculum vitae huh. Inirapan ko nga ang bisita niya ng wala sa oras. Ewan pero hindi ako at ease sa engineer na ito. Parang may pagka suplada. Porke Ateneo e.

"Ehem." sabi ni Tatay sabay siko sa akin.

Tinapunan niya ng tingin ang kamay ni Engineer. Ay naka-hang pa pala ito, waiting for me. Wala yatang balak ibaba ito.

"Hi, nice to meet you po engineer." sabi ko sabay abot sa kamay niya.

"Hello Jessica. Like what I said to Tatay Jesse, please call me Ella. It's too formal kasi yang engineer." she said.

Hmmm. She gripped my hand firmly while looking at me. Bakit parang ayaw niyang bitawan ang kamay ko?

"Tara, pasok na tayo sa loob." sabi ni Tatay kaya napabitaw ng hawak sa kamay ko itong Ella, hmmmp.

Tuwang tuwa si Nanay pagkakita sa kanya. Beso beso pa sila, ganun. Pati si Ate Jovi din.

What is happening here? Close na pala siya kay Nanay at sa kapatid ko ng hindi ko alam.

"Mabuti naman at nakarating ka iha. Halika na at kumain." sabi ni Nanay.

"Happy 60th birthday po Nanay Fe. You look young sa edad ninyo." she said.

"Talaga?" tanong ni Nanay.

"Opo. Mukha kayong 59." she replied.

Hahaha. Hahaha.

Hanep sa sense of humor. Parang ako lang ah.

"Naku si Engineer, nagpapatawa na. Thank you at nag abala ka pa talaga. Salamat sa pinadala mong regalo at pagkain." Nanay replied.

Regalo? Pagkain?

"You're welcome po. May kakilala kasi akong endorser ng Popeyes kaya ito ang napili ko na ipadala dito." she said.

Ang yabang naman talaga ng Engineer na ito. Naitsapwera na tuloy ako dahil siya na ang inasikaso ng lahat. Parang siya na ang anak at ako yung bisita, wahhhhh.

Kainis. Pumunta na lang ako sa likod ng bahay namin para magpalipas ng oras. May narinig akong nagbukas ng pinto kaya napalingon ako.

It's the engineer again. This time, mask less. I finally saw her face.

She is cute.

"Hey, why are you here? The party is inside." she said.

English pa more. Nayayabangan na talaga ako dito ha.

"I know but I want to be here." sagot ko.

Natigilan naman siya sa sinabi ko. Ayan, akala mo ikaw lang ang marunong mag English. Don't me.

"I'm sorry, I think we have started on the wrong foot here. I want to introduce myself again." sabi niya.

"I don't know what you're talking about but yeah, we can always have a fresh start. I'm Jessica Galanza by the way, you can call me Jema for short." I said.

She smiled widely.

"I'm glad to finally meet you, Ms. Jessica. You can call me Ella." she replied.

"Nice name." sabi ko.

"Friends?" she asked.

"Kahit ganito lang kami? Almusal namin sa ordinary days, tuyo. Bag na gamit namin, Jansport. Baka manibago ka. We have no pretensions here, what you see is what you get." sagot ko.

"Try me." she said while winking.

======================================================================

What's up guys?

A short story to celebrate the birthday of the Queen.

Happy, happy 25th birthday idol Jessica Galanza 🥳🥳🥳. Wish you all the best in life.

Sana ay magustuhan ninyo ito.

Shoutout to all my new readers specially to D.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
383K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...