Ang bilis nang panahon parang kailan lang nang mapunta ako sa mundo ito. Tapus na ang 1st semester ilang araw nalang mag eenroll nananaman kami for 2nd semester. I've been handling the SV Empire for almost 5 months at masasabi kung magaling ang mga tauhang napili nila lorein and shane.
Yes, sila lorein and shane ang nagtayo ng SV Empire nabasa ko sa sulat na binigay ni shane sakin pero hindi ko ito tinapos basahin.
May part sa sarili ko na ayaw malaman ang nakasulat doon ngunit peron din part na kailangan ko itong tapusing basahin upang hindi ako magsisi bandang huli.
Pero hindi ku muna babasahin ngayon siguro sa susunod nalang dahil baka hindi ko makayanan kung anong sinulat ni lorein sa papel na yun.
"Big boss, may meeting po kayo ng 3pm" pagkuha ng atensyon ko ni jenny my secretary.
"With whom?" Tanong ko dito while checking documents.
"hm" napatingin ako rito makikita sa galaw nito ang pagkabalisa marahil dahil sa pagtitig ko. Maganda ang secretary ko singkit ang mga mata nito hindi masyadong katangkaran ngunit malakas ang appeal.
"A-ano po kasi big boss" i find it cute kapag kinakabahan siya kung siguro wala pang nilalaman ang puso ko baka nakipag flirt na ako rito ngunit hindi ko gagawin sa mga empleyado ko yun i respect them the way they respect me.
"Wag kang kabahan jenny, hindi naman ako nangangagat" natatawang sabi ko.
"Well hm.. i won't mind naman kung gusto mung magpakagat sakin" nakangising pahayag ko.
"G-osh big boss! Stop it" naasar na sabi nito. FYI masasama mo sa mga kaibigan ni tiffany ang secretary ko moody at the same time hot.
Gusto kupa sana itong tusukin pero baka biglang umusok ang tenga nito at mag resign ng hindi oras.
"hm! So sino ka meeting ko?" Kagat labing tanong ko ulit dito. Alam kung nagtitimpi parin ito dahil sa mga inaakto ko.
"Your grandfather po Big boss" annoyed na sagot nito sakin. Kitam moody buti natitiis ni lily ang ugali niya.
Pero teka lang bask to main topic. Ano daw ang lolo ko?
"Wala ata akong alam na magmemeeting kami ni lolo jenny" sersoyong tanong ko.
"Yun na nga po ang problema big boss, a-ang sabi po kasi ng lolo niyo ischedule daw yung meeting ng 3pm. Ang nakakagulat pa po is alam niya kung sino kayo". Natatarantang paliwanag niya.
"Alam ni lolo kung sino may ari ng SV Empire?" Paglilinaw na tanong ko.
"Hindi muba narinig paliwanag ko big boss?, gusto mo ulitin kupa ulit? Ang sakit na ng lalamunan ko kakadada dito hindi naman pala kayo nakikinig" malditang pahayag niya sakin.
What the hell sino bang boss dito kung makapagsalita ng ganyan. Kung hindi lang siya magaling sa trabaho niya matagal na itong nafired.
"Gusto mung mawalan ng trabaho jenny?" Pananakot ko rito.
"Syempre naman ayoko big boss. Ano ba namang klaseng tanong yan kung ikaw kaya nasa pwesto ko at tanungin ng ganyan big boss. hm tsaka hindi muku pwedeng ifired dahil kailangan mu ako sa company ito". Confident na saad nito.
Ang kapal talaga ng mukha nito.
Damn binabawi kuna ang sinabi kung maganda ito kailangan na ata siya dalhin sa mental kung makaasta parang siya may ari ng company ito.
"So big boss ah! 3pm may meeting ka. Wag munang antayin na tawagin pa kita. Mag oout ako ng maaga ngayon dahil may date kami ng lily ko. Ikaw na bahala sa lahat ah.. bye bye" nagmamadaling paalam niya. Putek hindi man lang nagtanong kung papayagad kubang umalis walang hiya talaga ang babaeng yun.
Pero sa kabilang banda okay na din naman.
Kailangan niya din magpahinga lalo na naging busy kami nitong mga nakarang buwan. Masipag talaga si jenny may pakasutil lang talaga siya.
Kailangan kunang tapusin ito may 30 mins pa ako bago mag 3pm.
"Mukhang busy ka parin apo ah" bigla naman akong napatayo sa kinauupuan ko ng may magsalita sa harap ko.
What the bat hindi ko man lang napansin na may nakapasok na pala sa office ko.
Chineck ko yung time. Shit late ako ng 1hr and 30 mins sa meeting namin ni lolo kaya pala nandito siya sa office ko.
"I'm sorry lolo hindi kupu napansin ang oras" napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa sobra pagka workaholic ko. Ay pati tuloy meeting namin ni lolo nalimutan ko.
"It's okay apo, ano nga palang pinagkakaabalahan mu dyan?" May problema ba ang company mo? Nagtatakang tanong ni lolo habang nakatingin sa mga documents na nakalagay sa table ko.
"Wala naman pung problema lolo, chinecheck kulang po yung mga Sale's, Audit's at Production reports ng mga farms ko lolo". Sagot ko rito.
"So ibig sabihin sayo din pala ang mga bagong tayong farm's apo?" Manghang tanong niya sakin.
"Eh. Hehe akala ko alam niyo na lolo?. Napakamot nalang ako buhok ko akala ko kasi alam na lahat ng grandparents ko hindi pa pala.
"Ang SV Empire lang ang alam naming pagmamay ari mo apo, hindi ko aakalain na pati pala ang pagsusuport ng mga makakain nang mga tao ay sayo din galing apo". Manghang sabi niya.
"Kailan mu naisip ang bagay na to apo?" Seryosong tanong niya.
"hm. The moment na mapunta po ako sa mundong ito lolo nakita ko kasi ang kakulangan ng pagkain sa bansa natin laging tayong nagaangkat kaya naisip kung bumili ng lumapin sa mga malalayong lugar yung hindi malapit sa mga kabahayanan para iwas sa mga taong mareklamo" saad ko rito ngunit nagulantang ako ng itanong nito ang "mundong ito" ang daldal kasi ng bunganga ko buti nalang nagawan ko ng paraan sinabi ko nalang pangalawang buhay kuna ito sa mundong ito dahil nga sa nangyari.
Sinabi ko din sa kanya kung anong mga ginawa ko para maging maganda ang kakalabasan ng mga farms ko.
Ang sabi ko ng makabili ako ng lupa habang ginagawa ang mga building bumili na ako ng mga baboy "weaners" mga nakawalay na sa mga inahin nila para mapalaki ko ang mga ito pumili din ako sa mga gagawing inahin ngunit hindi ako pwedeng magbenta agad agad dahil bata pa sila after 5months doon palang pwedeng katayin ang mga baboy pwede din naman 4 months depende sa size nila. Kaya habang nagaantay ako sa mga baboy bumili na din ako ng mga sisiw pwede na kasi silang ibenta after a month or kahit wala pa. Then ibang animals din nagpatanim din ako like rice, corn, wheat, veg. at fruits.
Once na naging okay na lahat nagpatayo ako ng mga supermarkets ako nagsusupply fresh ang mga binebenta ng mga supermarket's ko.
Nag susupply din ako sa mga restaurants, resorts at bar's.
Ngunit dahil limited pa ang pwede kung masupply kaya pili muna ang mga sinusupplyan ko.
Sa isang buwan kumikita ng higit 7m plus ang farm ko sa mga manok palang yun.
Sabihin na nating 5m ang para sakin doon dahil mababawasan pa ang 7m plus sa electric bills, feeds, manpower at etc.
Binabalak ko nagayong magpatayo ng sari kung feedmill. Para alam ko ang nutrition na nakakain ng mga alaga ko.
"Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo apo" nakangiting payagad nito ng mapatapus akong magpaliwag na kanya.
"Ikaw na ang bagong tagapamahala ng buong forbes apo" gusto ko sanang tanung bat ako ang napili niya pero ayokong sirain ang moment na to dahil nakikita ko sa mga mata niya ang labis na kasiyahan.
"Pwede na akong mamatay dahil alam kung hindi mapapabayaan lahat ng pinaghirapan ng mga ninuno natin lorein". Madamdaming saad niya.
"Oh siya nga pala lorein! May hihingiin sanang pabor ang lolo sayo". Mukhang hindi ko magugustuhan ang hihingiin na pabor ni lolo dahil halata sa mukha nito ang pagkapilyo.
"A-ano naman po yung lolo?" Nakangiwing saad ko rito.
"Wag kang kabahan apo simple lang naman ang hiling ko". Nakangising sabi nito.
"Alam mu namang magkababata kami ng lolo ni tiffany diba apo?". Napatanod nalang ako sa tanong niya.
"Napagusapan kasi namin ng kaibigan ko na ipagsama kayong dalawa sa iisang bahay apo." What the ano daw?
"A-ano pung sabi niyo lolo? P-para kasing namali yung pandinig ko". Kinakabahang tanong ko rito.
"Ang sabi ko apo simula ngayong araw na ito ay mag sasama na kayo sa iisang bubung ni tiffay". Masayang pahayag nito sakin.
Pero lintek ano daw? Magsasama kami sa iisang bubung?
What the hell hindi ako papayag!!.
"Siya nga pala apo nandoon na sa bahay si tiffany pati ang mga gamit mo nandoon na rin ikaw nalang ang hinihintay. Umalis na din pala kami sa bahay apo dahil ikaw na ang bagong tagapagmana kaya oras na para tumira kayo sa main mansyon ng mga forbes paano ba yan inaantay na ako ng lola mo aalis naku ah. Uwi ka ng maaga dahil may nagaantay sayo si tiffany". Mabilis na ngpaaalam ito.
Fuck! hindi pa naproprocess ng isip ko lahat ng mga sinabi ni lolo ng bigla nalang ito umalis.
What the hell magsasama kami sa iisang bahay ni tiffany
Bakit naman pumuyag ang babaeng yun.
Fuck ang sabi nga pala ni lolo napagusapan nilang magkaibigan kung ganun wala din itong nagawa.
Damn!
Patay may atraso pa pala ako sa babaeng yun nung last na magkita kami parang papatayin niya ako buti nalang nakatakas ako. naging busy din ako kaya hindi kami nagkikita. Mukhang minamalas ako ngayong araw na ito.
_________________________________________
10/27/21
Sorry sa typo at wrong grammar hehehe...