Tribike and Barbeque

By Icha730

164 7 155

"If there ever comes a day when we can't be together, keep me in your heart, I'll stay there forever." "A day... More

Ikaw by Sarah G. ❤️

164 7 155
By Icha730



"O magdahan dahan ka naman dyan, akala mo lagi mauubusan ng barbeque eh." sabi ni Kale habang natatawa sa kaibigan nyang si Amanda na magkanda ubo ubo na sa pagkain ng barbeque. 


Sinamaan naman sya ng tingin ni Amanda at amba ng susuntukin sa braso ang kaibigan ngunit agad naman inabutan ng samalamig ni Kale. 


"Nakaka inis ka, alam mo yun, imbis na abutan mo agad ako ng samalamig eh tinawanan mo pa ako, balak mo ata akong mabulunan at matuluyan ng dahil dito, pero ang di ko matanggap ay dito pa talaga ako matutuluyan sa paborito ko na pagkain." eksahadarang busangot na sabi ni Amanda habang ang sama ng tingin kay Kale. 


Lalo lamang natawa si Kale sa sinabi ng matalik nyang kaibigan at ginulo gulo pa ang mahaba at mabangong buhok ng kanyang katabi na nangangamoy caramel samantalang si Amanda ay nag titimpi na hwag ihambalos sa kanyang kaibigan ang basket na naglalaman ng iba't ibang pagkain, sa isip isip nya ay sayang ito at kahit papaano ay natutuwa sya dahil sa haba ng panahon ay ngayon lang nya ulit nakasama ang kanyang bestfriend. Na sa kabila ng lahat na pinag daanan nila ay mas pinili pa rin ni Kale ang pagka kaibigan nila kahit alam nyang nasaktan nya ito ng hindi sinasadya. 


Maya maya ay humupa na ang tawanan nilang dalawa , kumuha si Kale ng makakain sa loob ng basket habang si Amanda ay nakatingin sa mga bituin sa langit, ramdam ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. Malamig ang paligid, gabi na at kitang kita ang bituin sa langit, kasama ang buwan, tanging kuliglig lamang na mula sa puno ng buko ang naririnig nila. Nasa may  dagat sila at rinig nila ang pag hampas ng alon. Habang ngumunguya si Kale ay pinagmamasdan naman ni Amanda ang maamong mukha ni Kale siguro kung hindi mo sya makikilala at aakalain mo talaga na nanlalapa ng tao ang bestfriend nya sa bagsik nyang tumingin pero kung makikilala mo lamang sya ng lubusan ay napaka softie nyang tao. Kilala nya ang bestfriend nya at nasisiyahan sya dahil bestfriend nya ang isang Kale Montefalco. Nangingiti sya at  bumabalik tanaw sa pagka kaibigan nilang dalawa. 







Collage pa lang ay matalik na magkaibigan si Kale at si Amanda. Si Amanda ay mula sa simple, payak at mapagmahal na pamilya. May ama na masipag na nag tratrabaho bilang construction worker, inang mapagmahal at isang guro sa isang pampublikong paaralan at nakababatang kapatid na lalake na nag aaral sa hayskul. Kahit payak at simple lamang silang mag anak ay masasabing huwaran  ang kanilang pamilya. 


Si Amanda ay  kilala bilang isang butihing estudyante at role model sa kanilang unibersidad, student council President,  mabait, magalang, matalino at mapagkumbaba ngunit ilag ang mga kapwa estudyante nya sa kanya dahil sa seryoso at pagiging strikto, ika nga niya work is work at walang personalan. 




Samantalang si Kale ay mula sa mayaman at maimpluwensya na pamilya. Mula sya sa angkan ng  mga politiko at pilantropo kaya ganun na lamang ang respeto ng mga taga nayon sa kanilang pamilya. Ang ama nya ay kilalang Gobernador ng bayan nila, samantalang ang ina naman nya ay isang Social Worker sa kanilang bayan. Gayon pa man ay bihira lamang silang nagkikita bilang magka kapamilya dahil na rin sa trabaho at gawain ng bawat isa. Pakiramdam ni Kale ay nakukulangan sya sa atensyon, pagmamahal at oras nila kaya lagi syang sabik sa pagmamahal ng kanyang magulang.



Gayonpaman may isa syang nakatatandang kapatid na si Julia, limang taon ang agwat nila ngunit hindi nag kulang ng pagmamahal, aruga sa kanya ang ate nya, kumbaga spoiled sya dito at malapit ang loob nila sa isa't isa. Iniidolo ni Kale ang ate nya at over protective si Julia kay Kale at pinangako sa sarili na magiging responsable, mapagmahal at maunawain na ate. Dahil si Kale ang lahat sa ate Julia nya, sya ang nagbibigay kasiyahan sa pagiging mag isa ng nakatatandang kapatid nya, sa panahon na nag iisa lamang syang anak. Gayon din si Kale sa ate nya, hindi sya mag dadalawang isip na saktan ang sinuman na saktan ang ate nya. Sinasabihan na lamang ni Julia na hwag ng masyadong pansinin ang mga taong uma away sa kanya at hayaan na lamang dahil sya ang mas matanda sa kanilang dalawa at kaya naman niya ang mga iyon. Ayaw nya din na napapa trouble si Kale sa pagtatanggol sa kanya. 



Bagong salta noon si Kale sa campus nina Amanda at nasa hallway pa lamang sya ay halos pagka guluhan na sya ng ibang estudyante dahil kahit sino ay kilala sya at papangarapin na makadaong palad ang isang Kale matalino, mayaman, may pangalan at mabango. Ngunit poker face lamang ang tingin nya sa mga ito at nababagot na pinasadahan ng tingin ang mga taong nakikipag kilala sa kanya.   


Kung ang ate nya ay pala kaibigan, palangiti at puno ng enerhiya, si Kale naman ay kabaligtaran. Bugnutin, tahimik, mabangis kung tumingin at madalas walang pakealam sa paligid o sa kung sino man, kumbaga ang motto nya sa buhay ay" it is what it is", marahil na rin siguro noong high school ay nag tiwala sya sa mga maling tao kaya pinangako na lamang nya sa sarili nya na magiging maka sarili na lamang sya at sarili na lamang ang iisipin. Madali na syang mag duda sa mga taong nakapaligid sa kanya at ayaw na nyang masaktan muli dahil minsan na syang tinalikuran ng mga taong ina akala nyang kaibigan. 



Dahil napa aga sya sa klase nya at hinihintay ang student council President para itour sya sa campus ay nag tungo na muna si Kale sa palikuran. Nakabukas ang pinto nito at para hindi na rin lumabas ang mabangong amoy ng cr ay sinaraduhan na nya ito. Ang hindi nya alam  ang pintuan ng CR ay sira at kapag naka lock ay hindi na muna mabubuksan. Nakalimutan ng janitor na lagyan eto ng karatula na Out Of Order. 


Nag huhugas ng kamay si Kale sa gripo ng bumukas ang isa sa pintuan at lumabas dito ang isang matangkad na babae na may mahabang buhok at amoy caramel, hindi muna pinagka abalahan na tingnan ni Kale ang kasama nyang babae sa banyo. Sa halip ay nagtungo na sa pintuan, ngunit pagpihit nya dito ay hindi nya ito mabuksan. Ilang ulit pa ng pihit ay hindi nya to mabuksan. 


Habang nag apply ng make up ang babae ay napalinggon sya sa kasama nito at nag simula ng kumunot ang noo. Dali dali nyang ina apply ang make up na blush on at nagtungo sa babae na halos sirain na yung door knob sa pagka irita. 


"Ano ang nangyari?" tanong ng nababahalang babae. 


"Na lock tayo, sira ang door knob." sabi ng naiiritang si Kale. 


"Ano?!" pasigaw na sabi ng babae. Hindi matanggap ng babae na na lock sya sa loob ng cr at mas lalong hindi nya matanggap na hindi nya magagampanan ang tungkulin nya bilang Student Council President na itour sa Campus ang anak ng Governor sa bayan nila. Sa kanya iniatas ang tungkulin na yun kaya dapat ay gampanin nya ng maayos. Ngunit heto sya  sa loob ng cubicle at kasama ang isang mag aaral. Halos mangilid ngilid na yung luha sa kanyang mga mata, sa isip isip nya ay nakagawa sya ng mali at hindi alam ang gagawin, nag sisimula na syang mag back and forth sa cubicle at inilagay ang kamay sa braso, nag aalala sa tungkulin nya. 


Sa unang pagkakataon nakaramdam ng awa si Kale sa babaeng halos mag hysterical na sa loob ng cr. Nilapitan nya ito at hinawakan sa balikat at minandohon na tumitig sa mukha nya. Takot pa rin ang babae kaya pinalamyos nya ang boses nya. For a split second sa unang pagkakataon ay humanga si Kale sa kapwa nya babae, maputi ang babae samantala sya'y morena, matangkad ito samantalang sya ay katamtaman lamang at  ito'y may maamong mukha ngunit mababakasan ng pagiging strikto at seryoso. Ngunit gayunpaman ay mas nangingibabaw  ang make up nya kaya hindi sya gaanong naimpress sa kaharap nya. Para sa kanya mas maganda ang babaeng walang masyadong koloreta sa mukha at mas maganda kung nagiging natural. 


"Tumingin ka sa akin, breath in, breath out dahan dahan, ulitin mo, magiging ayos din ang lahat." banayad at malamyos ang pagkakasabi ni Kale sa babae at ni minsan hindi nya ginamit ang boses na to sa iba pwera na lamang kapag pinapatahan nya ang ate Julia nya. Hindi nya mawari ngunit ang kaharap nya ay  napapaamo sya ng babae na ni sa hinagap nya ay di nya magagawa yun sa iba. Nakaka mangha dahil ang taas ng bakod na tinayo nya sa sarili nya ngunit heto ang isang stranghera na  pinapakalma nya. Hindi sya sanay na maging mabait sa iba, sanay syang brutal at nag mamando kahit sa mga kasambahay, bodyguards. Hindi sya sanay na maging malumanay. Ngunit heto sya at pinapakalma ang isang babae. 


Ginawa ng babae ang sinabi ni Kale at maya maya ay huminahon na rin ito, pero hindi nya pa rin maiwasan ang hindi maiyak, lagot sya, lagot na lagot, paano na lamang ang tungkulin nya? Naiwan nya ang cellphone sa isa nyang bag na nasa Student Council office, napatingin sya sa kasama nya at naka isip sya ng ideya. 


"May cellphone ka ba? Pahiram naman." umaasang tanong ni Amanda. 


Umiling si Kale at sinabi nya dito na hindi nya dala ang cellphone nya na naiwan nya sa may Principal Office. 


Lugmok na napaluha na si Amanda at napasandal na lamang sya sa may pintuan ng CR. May pagka srikto man sya at masungit kung tingnan ngunit ang hindi alam ng marami ay napakaiyakin nito, hindi lang halata dahil kinikimkim nya ang lungkot na nadarama nya at pinapa tatag ang sarili. Wala na syang pake kung umiyak man sya sa harap ng isang estudyante. 


Hindi mapigilan ni Kale na tumabi sa kanya, naiisip nya siguro ito na ang una at huling pagkikita ng dalawa kaya susulitin na nya ang pagiging mabait, ika nga nya minsanan lang syamg maging mabait, once in a bluemoon ba. 


"Heto ang panyo." inabot ni Kale ang asul na panyo sa babae, ngunit patuloy pa rin sa pag iyak ang babae, wala na syang pake kung napupuno na ng sipon ang barado nyang ilong. Gusto na lang ng babae na umiyak. 


Bumuntong hininga si Kale at lumapit sa babae, niyakap nya ito ng mahigpit , pinapatahan, inaalo nya ito hanggang sa maging kalmado na ang babae. 


Sa malamyos na tinig ay pilit nyang inaalo at pinapakalma ang babae, hindi nya alam kung paano pakalmahin ang babae na walang tigil pa rin sa pag iyak nya. 


"Sshhhh, sshhhh magiging ayos din ang lahat, nandito lamang ako, hindi kita iiwan." sabi ni Kale na may lambing sa tono ng boses nya. Kakatwa ngayon nya lamang nakilala ito ngunit heto sya at pinapakalma ang isang babae na ngayon lang nya na nakita.


Maya maya pa ay kumalma na ang babae at kinuha ang panyo na inaalok ni Kale kanina at siningahan ng ubod na lakas, isang singa, dalawang singa hanggang sa lumabas ang naipon nyang sipon. Lihim na napangiti na lamang si Kale sa tinuran ng babae at iiling iiling na pinagmasdan ito. 


"Salamat sa pagpapa kalma sa akin kanina, usually naman ay hindi ako iyakin." sabi ni Amanda habang tinutupi ang panyo na may sipon nya. "Lalabhan ko 'to tapos isasauli ko sayo agad." ani nya. 


Umiling na lamang si Kale at napangiti sa tinuran ni Amanda. Kung sya ay  naiinis kapag pinapa kailaman ang gamit nya ay iba naman sya kay Amanda at tila naaaliw sya dito. Nakakatuwa, nakaka panibago. Mag sasalita pa muli si Amanda pero nabuksan ang pintuan at kanyang VIce President na si Aldrin, counsilors at ang janitor ang nandun.  Napatayo naman agad si Amanda at compose na hinarap sila, samantalang si Kale ay naka upo pa rin sa sahig at nakatingin sa bagong dating. 


"Miss President, buti na lamang at nasabi sa amin ni Ginang RoseMarie na nakita nyang nag tungo kayo dito sa CR na to." sabi ni Aldrin ngunit kinakabahan pa rin sa tingin na pinupukol ni Amanda sa kanya. 


"Pasensya na kayo Miss President kung hindi ko agad nalagayan ng karatula etong CR." hinging paumanhin ng janitor. 


Huminga ng malalim si Amanda at pilit na pinapakalma ang sarili, alam nya sa sarili nya na walang kasalanan ang janitor na yun at hindi sinasadya na hindi agad nalagayn ng karatula ang pintuan sa labas. Isang peke ngunit aral na ngiti ang binigay nya sa mga ito. Kailangan nyang maging kalmado at unawain at sitwasyon. 


"Ayos lamang po yun, pero sana po sa susunod ay dapat po malagyan na agad etong CR natin ng karatula sa labas para po sa gayon ay hindi napupurnada ang ating oras. Itour ko pa po ang bagong estudyante na anak po ng Governor natin, nakaka hiya naman po sa kanya." sabi ni Amanda na seryoso ang mukha, malayong malayo sa naiyak kanina. 


"Masusunod po Miss President." hinging paumanhin pa rin ng janitor. 


Maya maya pa ay tumayo na rin si Kale at pinagpag ang kasuotan nya, napansin naman sya ng mga tao sa paligid at gayon na lamang ang gulat ng mga tao sa harap nila. 


"Miss Montefalco?" sabi ni Aldrin na kinakabahan na rin.  


Montefalco? Sa isip isip ni Amanda ay pamilyar ang apelyido na yun. Hanggang sa sumagi sa isip nya ang apelyido ng taong itour nya, yun ang anak ng Governor sa bayan nila. Alam nyang mailap sa publiko ang bunsong anak ng kanilang Governor dahil na rin sa pagiging mailap nito sa media.  Tanging ang naka tatandang kapatid lang nito ang kilala nito na sya naman hinahangaan nya ng labis dahil sa pagiging responsable, mabait, maaasahan at mapangkawanggawa nito na si Julia Montefalco. Hayskul pa lang ay iniidolo na nya ito at sana at umaasa sya na sana ay maka hingi man sya ng autograph mula dito. 


Namumula at hindi maka tingin ng diretso si Amanda sa kanya, nakaka hiya, nakaka hiya talaga, umiyak sya sa harap ng isang Montefalco at mas worse siningahan nya ang panyo neto at lalabhan lamang ng kanyang mga kamay ang panyo nya na alam nyang mas mabango pa sa pabango nya. 


Lumapit si Kale sa kanila at inabot ang kamay nya kay Amanda. 


"Kale Montefalco, and I do believe ikaw ang President na mag tour sa akin dito right?" ngumisi muna sya at may kaseryosohan nyang sabi ngunit sa edad na 16 ay mababakasan ng authority ito sa pagkaka bigkas pa lamang. 


Kinuha ni Amanda ang kamay ni Kale, kahit na nahiya sya sa tinuran nya kanina ay dapat maging proffesional sya pagdating dito. Sya pa rin ang Student Council President at kailangan nya maging compose dito. 


"Amanda Benitez, student council President." compose na pagkakasabi ni Amanda.


"I do believe na may tour ako dapat ngunit paano yun Amanda? Ma late ako sa class ko ngunit gusto kong mag tour muna dito." dilemang tanong ni Kale


"That can be arrange Miss Montefalco, ipapasabi ko na lamang sa secretary ko sa mga proffessor dito na bigyan sila ng memorandum para to assure them na hindi ka nag cutting class at nasa tour ka muna ng University na 'to." pormal na pagpapahayag ni Amanda.


"Well that can arrange then, I guess lead the way, andami ko nang naaksaya na oras and I don't like wasting time, its unetichal." seryoso na sabi ni Kale. 


Hindi alam ni Amanda na etong kaharap na tao sa harap nya ang makaka pagpabago ng takbo ng buhay nya. Nakakatuwa people come into your life for a reason, hindi mo alam kung ano ang papel nila sayo a person for life or a lesson for life, regardless may reason talaga. 





"Anong nginingiti ngiti  mo dyan? Nabubuang ka na naman?" Tanong ni Kale na ngumunguya ng barbeque. 


Humagalpak naman ng tawa si Amanda sabay hampas kay Kale sa braso, kahit hanggang ngayon natatawa pa rin si Amanda kay Kale kapag nagiging sarkastiko ito at hindi alam kung nagpapa tawa o seryoso ba. 


"Aray mapanakit ka talaga, hindi lang heart heart ko yung sinaktan mo ha pati yung katawan ko." reklamo ni Kale habang hawak hawak ang braso na nahampas ni Amanda. 



Saglit silang natigilan na dalawa ngunit agad ding tumawa ng malakas ang mag kaibigan. 

(Story tellers note: Wala, parehas baliw tong dalawang character na to haha 😆) 


"Baliw ka kasi eh, kasi naman yung mga sinasabi mo. Alam mo "Chum" ( tawagan nilang dalawa ni Amanda na si Amanda mismo ang may pasimuno ng malaman nila sa isa't isa na parehas pala silang mahilig sa fun "chum" na inumin noong bata pa sila) naalala ko kung paano tayo nag simula na dalawa, yung unang beses na pagkikita nating dalawa. 


"Ah yung unang beses na nakita kita na umiiyak sa CR at yung siningahan yung panyo ko ng walang pakundangan."   🤔  sabi ni Kale na may amusement sa kanyang mukha. 


"Baliw ka pinaalala mo pa sa akin yun. Nakaka hiya kaya yun grabe at hindi ko naman alam na isa kang Montefalco." tawang tawa ni Amanda habang namumula na ang dalawang pisngi. 


Napapatawa naman si Kale sa tinuran ng kanyang bestfriend, hanggang ngayon mga simpleng bagay pa rin yung nakaka pag pasaya sa kanya. Alam nya kung paano pasiyahin ang bestfriend nya. 


"Ano pa yung nasa isip mo?" tanong ni Kale. 


"Kung paano tayo naging mag bestfriend." ngiting saad ni Amanda


"Ah kung paano mo ako pinilit na maging bestfriend?" nakaka asar na tanong ni Kale ngunit seryoso naman eto na nakatingin kay Amanda. 


"Pinilit ba kita? may lungkot sa boses ni Amanda ngunit asar at ang sama ng tingin nito kay Kale na tawa na lamang ng tawa.


Natatawa na lamang talaga ngayon si Kale sa inaasal ni Amanda dahil hanggang ngayon ay matampuhin pa rin ito. Alam nyang sa kanilang dalawa ni Amanda kahit ilang beses na iattempt na asarin nya ito ay hindi sya mapipikon dito at magiging trying hard lamang ito pag nagkataon dahil alam nyang sa kanilang dalawa ay mas pikon pa si Amanda kesa sa kanya.  


"Naalala ko kasi nung time na tinatanong kita kung pede makipag kaibigan dahil sa tingin ko mukha kang kawawa nun at ilag ang mga tao sayo nun dahil ang sungit at strikto ng mukha mo nun at hindi nila alam na napaka iyakin mo naman  🤣 🤣 🤣 🤣  ikaw ang nagsabi sa akin na mag bestfriend na agad tayo." natatawa na sabi ni Kale


"Kesa naman sayo, napaka talim mong tumingin. Akala mo lagi  gustong mang away ng tao eh. Galit na galit" sabi ni Amanda na tawang tawa sa itsura ng bestfreind nya kapag naka busangot. 


"You see I don't plan na makipag kaibigan sa iba at yes ako na choosy. Cause I know what can I offer sa friendship  and being friends with anyone is a nuisance sa akin, I tell you that right. But you happened and the rest is history, you change me into someone I don't ever think that's possible." may kagalakan sa puso ni Kale habang nakatingin sa bestfriend nya. 



Nilapitan ni Amanda ang kaibigan nya at niyakap nya ito ng mahigpit. Alam nya sa puso nya na naging mahalaga ang bestfriend nya sa kanya dahil alam nya na sa panahon na wala syang makapitan noon biglang dumating ang isang Kale Montefalco sa buhay nya, yung Chum nya na laging nasasabihan ng problema, yung Chum nya na laging nag papasaya sa kanya, yung Chum nya na laging nandyan para paalahanan sya na aksayado sya sa tisyu dahil sa kaka iyak nya. 



She knows from the start, kahit na hindi man sila mag usap na dalawa, they will always have this unbreakable bond sa kanilang dalawa, its a sisterly love between two women who met in circumstance. Yung panahon na alam nila sa isa't isa na kailangan nila ng masasandigan, dumating silang dalawa sa buhay ng isa't isa para baguhin ito at mag karoon ng impact sa isa't isa. 


"I'm so sorry, I'm so sorry dahil hindi ko ma reciprocate yung nadarama mo sa akin. I'm so sorry dahil nasaktan kita ng dahil sa akin, I didn't meant to hurt you, God knows I don't want to hurt you. You will always be my bestfriend at isa ka sa importante na tao sa buhay ko, walang makakapagpabago nun." naiiyak na sabi ni Amanda. 


Pilit mang nilalabanan ni Kale ang luha na nag lalandas sa kanya ay di nya mapigil kasi deep down alam ni Kale na sa lahat ng nakilala nya kay Amanda lamang sya mag breakdown.  So this is it, hinayaan na nya ang sarili nya na umiyak sa nakayakap na si Amanda. Hindi sya pinalaking iyakin at kontrolado ang emosyon pero now hahayaan nya ang sarili nyang umiyak sa harap ng babaeng nakapag pabago sa buhay nya, ang babaeng minsan na nyang minahal ng higit pa sa pagka kaibigan. 



"Hush, it's alright, it will always be alright. Kung meron man na dapat humingi ng tawad ay ako yun, ako sa mga tao na involve. Kase during those times na umiiyak ka hindi ko alam kung paano ko patatahanin ikaw ng mag isa, hindi ko alam kung paano ko mabibigyan ka ng rason to live and to fight sa everyday na buhay. Hindi ko alam kung paano ko mabibigyan impact ang buhay mo. Until pi nush ko yung sarili ko na kumausap ng ibang tao, force myself to fall in love sa isang tao na hindi ko naman tipo ang bestfriend ng ate Julia ko si Juanita Melchora, until hindi kami nag click at nag hanap ako ng iba hanggang sa na realise ko na all along I don't want anyone else aside from you.  But you love someone else so who am I to stop you? Sino ako para pigilan ka sa nararamdaman at tinitibok ng puso mo?. When all along I just wanted you to be happy and to live your life to the fullest. Naasar lang ako sa sarili ko kung bakit may mga araw na pinapahirapan at pinapa iyak pa kita. That so not me you know, kasi di ba I promise you before that I would  be always be there kahit na walang kapalit, kasi true love is loving without anything in return? That's my motto way back then right? And because of anger, jealousy I was clouded by my emotion na kahit sarili ko nang kapatid nasasaktan ko when all in all I promise to her that I woudn't hurt her. Na isa ako sa magiging sandigan nya, I'm sorry  my Amanda, I'm sorry Chum, I'm sorry for hurting you, I'm so sorry." naluluhang saad ni Kale. 


"Its alright Chum, its alright. Let it out." pagpapalakas ng loob ni Amanda.


Hinayaan lamang ni Amanda na umiyak si Kale sa mga bisig nya, she knows her bestfriend needs it, she knows her bestfriend needs to cry and pour herself out, kasi alam nya kung paano bina bottle up ni Kale ang saloobin nya sa mahabang panahon, she needs to cry. 


Makalipas ang ilang oras na iyakan, singahan at punasan ng sipon sa damit ( 🤣 🤣 🤣  🤣 nag kaubusan ng tisyu, sipunin ang dalawang to) ay kumalma na ang dalawa at kinain na ang barbeque  at samalamig na dala dala nila. 


"Balita ko may nagpapasaya daw sayo, itago na lang natin sa codename na Red Cup." naka ngiting sabi ni Amanda. 


"I don't know, for a split second krass ko sya, then I like her then I don't know kung ano na ba talaga. Kasi sa nangyari sa akin sa dami ng nakilala ko, naka usap, hindi ko na talaga alam kung ano ba ang nadarama ko. You know I'm not nice at hindi pala kaibigan na tao at iniisip ko kapag nice lamang ako sa ibang babae that means I like her as in like like her. Maybe I should dig deeper the value of friendship at palawakin ang circle of friends ko without being attach to them sa kanila, yun bang hanapin ko ang sarili ko and along the way makilala sila as an individual person, test the waters ba ganun. Kasi sa ngayon I needed freindship, stability at mahalin ang sarili ko bago ang iba, I need that connection aside sa romantic love, pero hindi ko maipagkakaila na habang kasama ko si Red Cup ay naging masaya ako even just for a moment. When I tell her na hindi ko talaga sya krass or naguguluhan ako she talk to me that its ok at nauunawaan nya ako. Hindi nya ako hinusgahan for telling that to her.  Alam mo Chum niyakap ko sya  after that at kiniss sa pisngi ng paulit ulit, you know me hindi ako basta basta nanyayakap or nanghahalik sa pisngi ng tao aside sa mga kakilala ko lamang, minsan ako na ang yumayakap pero ayaw pa rin mag payakap sa akin. But with her, its different, niyakap nya ako without judgement at hinayaan nya ako na halikan yung pisngi nya without malicious intent, and its nice when you met someone like that yung kasing open minded nya, wala astig talaga yung Red Cup ko. At alam mo binigyan nya ako ng payo na nakapag paalala sa akin kung ano ang definition ng tunay na pag ibig, yung definition ko dati. Kung ang tema natin ay Ikaw ni Sarah G, kami naman ay Bubbly ganun at sa tuwing nakakakita ako ng pula sya na lagi ang naaalala ko"





kasi wala saiyo anh desisyon kung gugustuhin ka nya pabalik haha at wala ka magagawa don


hnd naman sa pababayaan. If you really love that person, go ahead and love her but don't expect anything. sabi nga true love is giving everything without anything in return


magbasa ka nalang book. the sublte art of not giving a fuck hahaha interesting. medyo nagpabago dn saken. dati kase mahilig ako mag overthink ng kung ano ano. ngayon. yae na hahahaha it is what it is hahaha afterall halos 90% nalg pinag ooverthink naten d naman nangyayare haha nastress ka lang


"Told yeah, astig at mabait yung Red Cup ko kahit paulit ulit nyang sinasabi sa akin na bad sya, I see the goodness in her persona and in her heart and she is a good friend, she will always be and I am thankful for her dahil dumating sya sa buhay ko. Yes she is unpredicatable sometimes and the more na iniisip ko sya or ang susunod nyang gagawin or iisipin  na more na hindi ko sya ma figure out, she is dynamic and unpredictable but if there's one thing that I know its nice to be friends with her at sana matagal ko pa syang nakilala at naka usap, siguro andami ko pang bagay ang matututunan sa kanya but I guess I had to grow up and hindi ma stuck lamang sa mga memories namin. For goodness sake 23 years old na ako at hindi na bata, so I had to level up to ganun." mahabang sabi ni Kale


"I'm so proud of you Chum for handling your emotions and for talking to another person aside from us, I know you don't like talking to other person aside sa amin na kakilala mo but you know I'm so proud of you for stepping out sa comfort zone mo at kung ano man yang nararamdaman sa mo sa Red Cup mo, let it be, hayaan mo lamang itong damhin ng puso mo," sabi ni Amanda. 


"I miss this, I miss us, yung ganito lamang tayo na nag uusap at sinasabi yung feeling or saloobin ng bawat isa without contradicting each other's thought, I miss my bestfriend so much." sabi ni Kale.


"Ako din naman na miss ko ang bestfriend ko but I know you had to grow up at makakilala pa ng ibang tao aside sa amin na kakilala mo and I am so proud of you for opening your feelings to other person aside from us, but always know this ano man ang mangyari, nandito at nandito lamang kami para sayo and I know you know it already sadyang may pagka stubborn ka lang at gustong sarilihin ang problema ." pabirong saad ni Amanda. 


"I know and I am so lucky to have you and them as well, so thank you Amanda, my bestfriend, my Chum for being always there by my side and choosing our friendship all over again. Hindi ka nag give up sa akin kahit na kasuko suko ako." sabi ni Kale


"Ako man din hindi mo ako sinukuan at lagi kang andyan since day 1 hindi mo ako iniwan." sabi ni Amanda. 


Napangiti na lamang si Kale sa tinuran ni Amanda.


"Syempre naman, alam ko na malulungkutin ka at nabo bored ako kapag hindi ko napag tripan ang Miss President namin, akala mo kusng sinong compose pero deep down sa loob loob ang kulo." pang aasar ni Kale. 


"Pinaalala mo na naman, ikaw kasi eh alam mo ng pikon yung tao lalo mo pang pinipikon, nakaka inis ka talaga, pero kahit na ganun ka I appreciated you Chum in every aspect and I am so grateful to have you as my bestfriend." ngiti ni Amanda


"Sige na kainin na lamang natin tong Barbeque at nalamig na at endyoyin natin tong moment na to bago kita ihatid sa kanya. Onti na lang talaga din maniniwala na ako na may double life si ate na modus operandi na mangidnap ng kahit na ano dahil nung isang araw lang may pagnanasa sya na kidnapin yung aso ko na si Whiskey buti na lamang talaga at naagapan ko yun, malalagot ako dun sa mga taong nagbigay sa akin nun eh." sabi ni Kale


Natawa na lamang si Amanda sa magkapatid na Kale at Julia lalo na sa minamahal nyang si Julia, may balak pang kuhain si Whiskey.  


"Tara na lumalalim na ang gabi at tiyak ako na hinahanap ka na nya sa inyo, mag aalala na yun." sabi ni Kale


"Sige, tara na." sabi ni Amanda. 



"Ayan isuot mo yang helmet, knee pad, at mag seat belt ka." sabi ni Kale habang sinusuot ang helmet nya. 


Napangiwi naman si Amanda sa inaasta ng kanyang bestfriend, kasi hanggang ngayon simula ng mag bisekleta siya kasama si Kale sa highway ay muntikan ng masagasaan at magkanda sugat sugat ang mukha nya ng dahil sa hindi nya gaanong nakontrol ang manibela nya at madulas yung daan  buti na lamang at napindot nya agad ang preno at tumilapon lamang sya ng ilang pulgada at hindi gaanong nasaktan or nabalian, kumbaga galos lang at may kasamang medic at ambulansya si Kale sa likod ng mga ito bilang pag alalay at suporta sa kanya. Aminado naman si Amanda na hindi sya yung sporty type na person kaya walang tutol na lamang na sinunod si Kale. 


Dumating na silang dalawa sa bahay ng kapatid ni Kale sa  bahay bakasyunan nilang dalawa ni Julia. Simple lamang ito at payak, may tanim na halaman sa likod bahay at gawa lamang sa pawid ang kanilang bahay ngunit moderno sa loob. 




Bumaba ng bisekleta si Kale at tinulungan na tanggalin ang seatbelt, kneepad at helmet ni Amanda. Hinawakan nya ang kamay ni Amanda at sabay silang nag tungo sa nakatayong pigura ni Julia na ate ni Kale. May ngiti si Julia at si Amanda pagkakita sa isa't isa halatang sabik na mayakap ang bawat isa. Binigyan naman ni Julia ng mapag pasensyang ngiti si Julia kay Kale. Niyakap ang kapatid at hinalikan sa pisngi. 


Maputi si Julia at mas matangkad kesa kay Kale ngunit gayon pa man hindi nya gaanong pinapalandakan ang kanya itsura sa iba. Down to earth person at hindi mayayamutin. Mas iniisip nya kung ano ang tama  at practikal na gawin kesa sa mali. 


Bago pumasok ng tuluyan si Amanda sa loob ng bahay nila ay niyakap muna ng mahigpit ni Kale siya at hinalikan sa noo at inabutan ng asul na colored paper na napapalooban ng liham. 


"Ingatan mo lagi ang sarili mo lagi ha, hwag ka masyadong lampa, nakakawala ng kaastigan yan ikaw din at hwag mo masyadong ipapahalata na bot ka ako ang natatawa sayo eh basta ingatan mo lagi ang sarili mo, dahil iisa lamang ang puso mo, hwag mong hayaan na mawasak ito at lagi mong tatandaan na nandito lamang ako para sa iyo." sabi ni Kale. 


Ang nakalagay sa liham 

My Amanda1."Kasama mo ako palagi. Pag nagkamali ka, sabay nating itama. Kung madapa ka, aalalayan kita hanggang makabangon ka. At kung 'di mo na kaya, aakayin kita." – TJ2."Kahit anong hingin mo, ibibigay ko sa'yo, dahil ikaw ang aking lahat. Ikaw ang buwan at araw ko, ang tanging ilaw sa gabing madilim." – TJ 3. "Kung dumating ang araw na makahanap ka ng bagong pag-ibig, hindi kita pipigilan. Ingatan mo lang ang sarili mo. Sino man ang mahanap mo, alagaan ka sana niya tulad ng pag-alaga ko sa'yo. Iisa lang ang puso mo. 'Wag kang pumayag na mawasak ito." – TJ4."Tinig mong walang katulad. Kung mundo ay karagatan, ang tinig mo ay alon na patuloy na dumarating sa akin, minsan malakas, minsan mahina, pero palaging masarap pakinggan. Kailanman ay hindi pagsasawaan. Sa panahong ang alon na ito ay may dalang bigat, iniisip ko, habang nakatingin sa 'yo, "Paano ko pagagaanin ang mundo mo?"" – TJ5."Lahat tayo malayang mag-isip, mangarap at umibig. Kung saan ka masaya, doon ka. Huwag kang matakot. 'Di ka nag-iisa. Puwede ka magtiwala at kumapit sa akin. Palagi kitang babantayan anuman ang mangyari." – TJ6. "Aaminin ko, minsan 'di ko alam kung ano'ng gagawin ko, paano kita patatahanin. Sapat na bang samahan at tabihan ka? Eto lang ang maipapangako ko sa 'yo, kapag nalungkot ka, mararamdaman ko agad. Kapag tinawag mo ako, nariyan ako agad. 'Di mo pa sinasabi, papunta na ako sa iyong tabi. 'Di mo pa alam na marami na akong sulat na nagawa para sa 'yo. Balang araw, mababasa mo rin." – TJ

(excerpt from the movie My Amanda) 


Akmang aalis na si Kale pero pinigilan sya ng kanyang Ate na si Julia. 


"Kale, bunso do you hate me?" tanong ng nangangambang si Julia 


"No ate at some point I never hate you, I just despise you for not telling your feelings directly to me, yung naramdaman mo kay Amanda way back them. You always ask me kung I liker her and I am honest kapag nag tatanong ka, maybe not directly kase ako mismo natatakot sa nararamdaman ko and I don't want it to acknowledge dahil ayokong may mabago sa pagitan naming dalawa but regardless of what happened I forgive you nung mga panahon na dine deny mo yung feelings mo noon para sa kanya. Remember way back then nung sinabi mo sa akin na ano ba ang ikaka gusto mo sa kanya? And I was hurt by that dahil ikaw mismo sa sarili mo you deny what makes you happy and I despise you for that kaya ganun na lamang ang pagpapahayag ng damdamin ko noon kay Amanda sa ibang tao. Cause I can claim her and tell everyone that I like her. Dahil sa kanya tumatapang ako and way back then kahit alam kong hindi ako ang gusto nya, kahit na alam kong ikaw pa rin ang pipiliin nya at least I pulled a good fight with you and declare my feelings sa kanya. So take care of her will you, sa ngayon sya pa rin ang tinitibok ng puso ko but I know this time with you by her side alam ko na hindi na ako masyadong mangangamba kung magiging ayos ba sya o ano dahil natupad ko ang pinangako ko sa kanya noong ika 22 birthday ko na hahanap ako ng taong makakapagpatibok ng puso nya muli even it cause my heart to break down and fall, I know I will rise up again and be myself once again." 


Buong tapang na tinitigan ni Kale ang mata ni Julia.

" Ate, pinapaubaya ko na sya sayo, take care, protect her and love her unconditionally lalo na sa mga oras na pakiramdam nya hindi sya kamahal mahal. Live happily and prosper. I had to go goodbye." 


Sinuot ni Kale ang helmet nya at nag maneho ng papalayo, pabilis ng pabilis hanggang sa kuliglig ang naririnig nya sa kapaligiran at ang malamig na simoy ng hangin. 








To the Moon and Back Chum!  🤗

Continue Reading

You'll Also Like

35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
33.4K 2.2K 1
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...