I DATED AN ANTI FAN (LABREI)

Von Amyfinity_writes09

14.7K 1.1K 87

Brei being a number one basher of Lara Mae who was a member of Winkle Pop , A very popular girl group in japa... Mehr

00
C1
C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C22
C23
END

C21

425 38 5
Von Amyfinity_writes09

Lara's Pov

Akala ko magiging masaya siya na siya yung pinili ko pero bakit? Bakit hindi niya maintindihan na dahil sa kanya, sa pagmamahal ko to be precisely ay kaya kong iwanan lahat ng meron ako.

Mahal ko siya at yun lang ang napakahalaga para sa akin, kasalukuyang nag da drive na ako pauwi ngayon ng condo ko.

This can't be! I need to do something para hindi niya sabihing sinayang ko lang yung buhay ko.

Niliko ko yung sasakyan ko and then naisip ko na this time haharapin ko na sila mom and dad , alam kong may kinalaman din sila sa pagkakakalat ng mga litratong iyon.

Madumi silang maglaro at gumawa ng way para mapasunod ako, kung ayun ang gusto nila then handa na ako makipaglaro sa kanila.

A few minutes later ay nakarating na ako ng boracay, yes dun kasi sila nag iistay lagi at bihira lang silang mapadpad sa manila para asikasuhin yung business namin doon na ipinagdidikdikan nila sa akin noon pa man.

Naglalakad na ako papuntang rest house at may dala dala akong pocket knife sa bulsa ko, alam kong hindi ko dapat gawin tong nasa isip ko pero ito nalang ang naiisip kong paraan.

"Lara anak?!" Bungad sa akin ni mom nung makita niya ako binigyan niya naman ako ng yakap pero inalis ko kaagad iyon at nagtungo na sa loob.

Hinanap ko na agad si dad dahil siya naman ang pakay ko talaga dito at wala ng iba pa , nang makita ko siya ay agad ko siyang binigyan ng isang napakalakas na suntok na sanhi upang matumba siya inalalayan siya agad ni mom.

"Lara? Bakit mo ginawa to sa daddy mo? Kung sa tingin mo ay may kinalaman kami sa kumakalat ngayon ay nakakasigurado akong wala anak" naiiyak na sabi ni mom , no hindi ako pwedeng magkamali , alam kong kayang itake down agad ng management namin yung mga kumalat na yun pero hindi eh, hindi siya na take down at alam kong siya ang nasa likod ng lahat ng ito.

"Wala ka na talagang galang na bata ka huh?! Ganyan na ba ang nagiging epekto ng pakikipag relasyon mo sa mababang nilalang na yun huh! Lara matuto kang lumugar sa estado ng buhay mo! Ang mayaman ay para sa mayaman at ang mahirap ay para lamang sa mahirap!" Sabi naman ni daddy napakuyom naman akong mali dahil sa sinabi niya kailan ba siya mamumulat sa reyalidad ah?

"Dad ngayon ko lang hiningi sayo na pabayaan niyo na ako?! Ngayon lang?! Ngayon ko lang ginusto na maging masaya sa buong buhay ko dahil nabalot ako ng kalungkutan pero si brei? Si brei yung naging liwanag sa madilim kong mundo! Si brei yung tanging tao na nagpagaan ng loob ko at ipinaintindi sa akin na lahat ng ginawa niyo dati ay sa tingin niyo lang na makakabuti sa akin pero bakit huh?! Bakit pilit mong ipinagkakait yung kasiyahan ko dad! Ganyan kana ba ka selfish ah! Kayo? Ni minsan ba naisip niya na yung mga ipinapagawa niyo sa akin ay ikakasaya ko?! Pagod na pagod na ako! Pagod na pagod na ako sa mga ginagawa niyo pero ano?! Hinayaan ko lang kayo na ganituhin ako! Career?! Pera?! Sasakyan?! Aanhin ko yan! Aanhin ko lahat ng meron ako kung hindi naman yan ang magpapa satisfied at magpapasaya sa akin! Aanhin ko yan mom and dad!" Sigaw ko sa kanilang dalawa kasabay nun ay ang walang sawang pagtulo ng aking luha , sobra akong nasasaktan ngayon , sobra na pagod na pagod na akong itago lahat ng nararamdaman ko.

"Binalaan na kita diba? Ang sabi ko layuan mo siya kung gusto mo ng tahimik na buhay! Hahayaan ka namin pero hindi ako papayag na mapunta ka sa gold digger na yun Lara! Kahit itakwil mo pa kami ng mommy mo ay hindi ako papayag na mapunta ka sa basurang babaeng yun!" Galit din na sabi niya sa akin , akala ko this time magbabago na siya akala ko sa mga lumipas na panahon na hindi ko siya nakita at nakasama ay nagbago na siya pero hindi , walang sinuman ang kayang magpabago sa taong ganyan na at ginugusto pa yung ginagawa niya.

"Hon please kahit ngayon lang hayaan mo na yung anak natin na maging masaya, pakiusap lang sobra na siyang nasasaktan , tama na at itigil mo na lahat ng ito para sa kanya hon" sabi ni mom kay dad habang nakahawak siya sa mga kamay ni dad at ako naman ay napapailing iling nalang sa sobrang galit na nadarama ko napaka manhid niya talaga eh no?

"Grabe kana dad?! Wala kang kasing sama! Di na ako magtataka kung hindi lang ito yung ginawa mo , napaka gahaman at sarili mo lang ang iniisip mo, nagpunta ako dito para i confirm talaga na kasama ka sa may gawa ng ganitong nangyayari sa akin but ano pa ba ang aasahan ko sayo? Ano pa ang buhay na haharapin ko ngayon, kung hindi niyo ako hahayaan maging masaya mas mabuti nalang na mawala na ako sa mundong ito!" Kinuha ko na yung pocket knife sa may bulsa ng jacket ko kasabay nun ay ang pag open ko at pag tutok ko nun sa may pala pulsuhan ko.

"Anak please wag mong gawin yan! Magagawan pa natin ng paraan ito pero hindi yan sagot sa problema mo" naiiyak na sabi ni mom habang papalapit siya sa akin , hindi ko na kaya pa lahat ng nangyayari na ito.

"Mom iniwan na ako ni brei dahil sa kanya , ubos na ubos na ako mom! Pagod na ako, sana maging masaya kana dad pag nawala na ako!" Ginilitan ko na ang aking palapulsuhan kasabay nun ay ang pagtagas ng mga dugo sa aking kamay , tuloy tuloy lang ako sa pagilit nun , ayoko na mabuhay kung ganito lang naman.

Hanggang sa unti unti nang nandilim yung paningin ko na sanhi upang matumba ako sa may sahig.

"Bilisan mo tumawag ka ng ambulansya!!!!!! Lara anak!!!" Sabi ng mama ni Lara habang hawak hawak ang kanyang duguan na anak.






















Brei's Pov

Nagmumukmok lang ako dito sa may kwarto ko , mukhang pinagsisisihan ko na ata na ginawa ko yun kay Lara pero kung ayun naman yung makakabuti sa kanya bakit hindi?

"Ate brei?! Kain na daw sabi nila mom and dad! Bumaba kana dito nang sa ganun ay makapagsimula na tayo ng hapunan" sigaw naman ni frances sa may pintuan ng kwartong ito.

Bumangon na ako at kasabay nun ay ang pagtayo ko ngunit nabigla naman ako ng may bumagsak na frame sa may likuran ko.

It was Lara's picture na ipina frame ko dahil sobrang cute niya doon, bigla naman akong kinabahan dahil doon at unti unti ko yung kinuha.

Damn sana hindi totoo tong nasa isip ko ngayon, ibinalik ko na muna ito sa may bed table at winalis ko na yung mga bubog.

Nang matapos ako ay agad na akong bumaba ng hagdan kasabay nun ay nagtaka ako dahil sa mga tinginan nila sa aking tatlo.

Napatingin naman ako sa tinitignan nila ngayon , nakabukas ang tv at ang bumungad sa balita ay....

Breaking News! Former Winkle Pop Member na si Lara Mae Layar ay isinugod sa hospital dahil sa umanoy sa pag gilit niya ng kanyang pala pulsuhan gamit ang dala niyang pocket knife sa mismong harap daw ng kanyang mga magulang! Kasalukuyang nasa Emergency Room ang naturingang sikat na idol at critical ang kondisyon for more upcoming updates abangan niyo lang po ang aming balita!

Halos mawalan naman ng lakas ang aking mga binti dahil sa aking nalaman na siyang dahilan upang mapaupo ako ngayon.

Parang pinipirat yung puso ko ngayon at nahihirapan akong huminga lumapit naman kaagad sa akin si Frances upang alalayan ako.

Tuloy tuloy lang ang pag agos ng aking mga luha sa mga mata this can't be? Bakit mo naisipang gawin yun Lara bakit? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari masama sayo.

"Ate brei? Kailangan ka ni ate Lara ngayon tara na at puntahan na natin siya sa hospital" sabi sa akin ni frances tumango na lamang ako sa kanya at lumabas na kami kasabay nun ay siyang pagdating ni mark ngayon na may dalang sasakyan.

"Hop in!" Sigaw niya sa amin dali dali naman kaming sumakay na sa sasakyan niya.

Please mahal mabuhay ka lang at ipinapangako ko na ipaglalaban kita na papatunayan ko sa parents mo na hindi pera ang habol ko sayo.

A few minutes later ay napahinto si Mark sa kanyang pagmamaneho na sanhi upang magtaka ako.

"Mark bakit ka huminto? Mark magsalita ka! Bilisan mo na ang pagmamaneho sapagkat gusto ko nang makita si Lara!" Naiiyak na sigaw ko sa kanya ngunit napaestatwa naman na siya habang nakatingin lang sa phone niya.

Tito Joaquin

Mark? Im sorry to say this but Lara passed away right on this moment hindi na siya naka survive pa sa daming nawala na dugo sa kanya.

Humihingi ako ng tawad sa inyong lahat at lalo na kay brei sa ginawa ko , hindi sana mangyayari itong lahat kung hindi na ako nakisali sa kanilang dalawa.


"Mark sabihin mong prank lang to please! Hindi pwede buhay pa si Lara nayakap at nakausap ko pa siya kanina! Mark please magdrive kana! Gusto ko siyang makita buhay pa siya mark! Buhay pa siya!" Sigaw ko habang napahagulgul na sa pag iyak , niyakap niya naman ako at pati na din si frances para matigil ako sa pagwawala ngayon sa sasakyan.

"Brei im sorry..." Ayan lang ang narinig ko kay mark ngayon habang ako ramdam na ramdam ko na na mauubusan na din ako ng hininga pa na sanhi upang mahimatay din ako.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

720M 11.4M 114
Tessa Young is an 18 year old college student with a simple life, excellent grades, and a sweet boyfriend. She always has things planned out ahead of...
14.1K 394 20
/"SOME SELF RESPECT WOULD DO YOU GOOD." This is A Fem reader x multiple characters story. Will include, smut,Gore,Yandere tendencies,abuse,age gaps,A...
2.2M 114K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...