Chapter 27.4 - CHEEZYCAKE
LHEI's POV
Nagugutom na rin ako. Narinig ko si Daryll na nagyaya papuntang canteen pero hindi ko naman magawang makasama sa kanya kasi hindi pa kami tapos ng mga tinuturuan ko.
"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Max
"Oo naman okay pa ako."
"Ang gwapo ko talaga." ayan nanaman po si Lei sa pagpuri ng sarili niya, hindi ko na nga lang papatulan
"Labas muna ko sandali." pagpapaalam ni Max
"Sige sige, gora ka lang." sabi ko sa kanya
Lumabas na siya kaya naiwan kami ni Lei dito. Gutom na talaga ako. >_____<
Yumuko na ako sa table ko. Ipipikit ko nalang saglit ang mga mata ko baka sakaling makalimutan ko ang gutom ko.
*Poke*
Istorbo naman
*Poke*
Busit na ha
*Poke*
EH? >/////////////< pagtingala ko ang lapit na pala ng mukha ni Lei sa akin
"I like you chinky eyes." sabi niya bigla na nagpabalik sa akin sa aking katauhan
"Layo nga!" sigaw ko sa kanya sabay tulak
"Makatulak ka naman. Alam mo maganda ka sana basta wag ka lang sisigaw." maganda daw ako? alam ko naman yun kaso irita ako sa kanya kaya naman napapasigaw ako madalas
"Natahimik ka. Yan lumalabas ang ganda mo. ^_^" nagpacute pa talaga
"E-ewan ko sayo." bakit ba ako biglang nagstutter? :|
"Hehe ang cute mo naman pag ganyan. Sana ganyan ka nalang lagi. Nakakasakit ka kasi ng tenga eh."
"Ako rin irita sayo! Alam mo ba yun?"
"Alam ko, irita ka sa kagwapuhan ko. ^_^" sabay pacute niya nanaman sa harap ng kanyang salamin
Nakakainis na talaga ang lalaking to. >________< Tumayo na ako para lumabas sana nang dumating naman si Max at may dalang pagkain
"For you." sabay abot niya sa akin
"Para sa akin tong pagkain?"
"Oo, napansin ko kasing gutom ka. Kainin mo na muna yan. Break nalang muna tayo." sabi ni Max, ang cool niya lang talaga at ang bait *_____*
"Nagtwinkle naman bigla ang mga mata mo dyan." panirang Lei
Umupo nalang ako kaysa patulan pa ulit si Lei. Kakain nalang ako para masaya! ^_______^
Nakakain naman ako maayos, thanks to Max.
"Salamat nga pala Max."
"Wala yun."
"Binigyan ka lang ng pagkain nagblush ka na agad?" sabi ni Lei
Napahawak naman ako sa mukha ko at teka nagblush nga ba ak o trip lang sabihin ng Lei na yun. Asar na talaga! Makapagpalamig na nga lang muna ng ulo. Tumayo ako at lumabas nalang muna. Kuha ng bago kong iphone5, saksak ng earphones sa tenga, now playing: SPY ng Super Junior. This is my way of relaxing. Ang makinig sa aking mga minamahal na mga boyfriends from South Korea, ang Super Junior! ^_____^
Feel na feel ko ang music at napapasayaw pa talaga ako. Buti kami lang ang nandito sa floor na to.
"WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" bigla akong natapilok at natumba ako sa isang malabot na floor, teka, kailan pa nagkaroon ng malambot na floor dito?
-_O bukas ng kaliwang mata
O_- bukas ng kanang mata
O_O bukas ng dalawa
OMG! Hindi pala floor tong nabagsakan ko, tao pala siya, at siya lang naman ang
"Nagiisang gwapo sa school na to. Lei is my name at hindi ako floor." sabi niya na parang nabibigatan na sa akin dahil nakapatong ako sa kanya
"Naku naman!" sabi ko pagtayo
"Ang bigat mo pala."
"Hindi ako mabigat, napalakas lang ang bagsak ko sayo."
"Pwede mo ba akong tulungang tumayo?" dahil to the rescue naman siya kanina sige na nga tutulungan kita. Iniabot ko ang kamay ko sa kanya, the moment na hinawakan niya yung kamay ko para kong nakuryente na ewan. Anu yun? Lakas naman ng kuryente nito.
"1 2 3" sabay hila ko sa kanya pero imbis na maitayo ko siya, ako pa ang nahila niya kaya naman bagsak pa rin siya at napabagsak nanaman ako sa kanya. The worst is napalapit ang mga mukha namin sa isa't isa.
"Napapasarap na ang pagtitig mo. Pwede na ba tayong tumayo." pagsira niya sa moment ng titigan namin
Tumayo na ako at aalis na sana dahil nakakahiya naman kasi ang nangyari.
"Iiwan mo ba ako dito ng ganito? Tulungan mo naman ako."
Lumingon ulit ako sa kanya, sige na tutulungan na nga. Nilapitan ko na siya at tinulangan ko na siya, ayos nga at nakatayo na rin siya.
"Ouch." sabi niya kaya napatingin ako ulit sa kanya
"Okay ka lang?"
"Mukha ba akong okay? Ang sakit ng likod ko."
"Kasi naman bakit bigla kang sumusulpot."
"Ikaw na nga tong tinulungan, hindi ka pa marunong magpasalamat."
"Tss. Tara nga tutulungan na kita sa paglalakad mo."
Inakay ko siya pero habang ginagawa ko yun, ang awkward ng feeling dahil alam kong hindi siya sa way nakatingin kung hindi sa akin. Bakit sa akin siya nakatingin?
"Alis nalang tayo." sabi ni Lei
"Saan tayo pupunta?"
"Magpapamasahe ako. Ang sakit kasi talaga. Samahan mo ko."
"Pero magaara---"
"Kasalanan mo naman to."
"Tss. Oo na sasamahan na kita."
Inakay ko siya pababa, ang hirap ha, kasi naman buti sana kung magaan siya kaso hindi eh, ang bigat niya rin.
Kahit na masakit na ang likod niya na manage niya pa rin na ngumiti at kumaway sa mga babaeng naghello sa kanya. Ang landi niya talaga. >____<
Nakalabas na kami.
"Motor ang dala mo, paano niyan?"
"Ikaw magdrive."
"Ano? Hindi ako marunong niyan."
"Ganun ba, edi taxi nalang tayo."
Naghintay kami ng taxi hanggang sa may dumating na nagpunta kami sa spa imbis na sa doctor. Masahe nga daw kasi ang gusto niya. Arte diba?
"Pamasahe ka rin."
"Ayoko."
"Sigurado ka?"
"Oo nga. Bilisan mo na."
Pumasok na siya dun at nagpamasahe. 30 mins na at naiinip na ako. Lumabas muna ako nang hindi ko inaasahan ang makita ko.
Nakita ko lang naman ang lalaking nagpaasa sa akin. Isang estudyante rin sa Empire Academy na inakala kong ka M.U ko, yun pala M.U nga MisUnderstanding nga lang imbis na Mutual Understanding.
Akala ko okay kami, akala ko may something sa amin pero yun pala isa siyang member ng samahan ng mga paasa at ako naman itong tangang naging instant member ng umaasa gang.
"Long time no see Lhei." binati pa talaga ako, papasok na sana ako ulit sa loob pero wala na eh, nakita niya na ako
"Oo nga."
"She's Lhei? Yeah I remember her, siya yung umiyak sa harapan mo nun na kinekwento mo sa akin." sabi nung babaeng kasama niya
"Oo siya nga yun." kapal ng mukha niyang ikwento pa yun, pero ayos lang isa na yun bahagi ng past at yun din naman ang isa sa nagpalakas sa akin ngayon, hindi na ako ang mahinang Lhei na nakilala niya noon
"Sige alis na ako." sabi ko sa kanila
"Mukhang she's not over you pa rin. Gwapo talaga ng boyfriend ko." sabi nung babae, tssssk >_<
Humarap ako sa kanila at magsasalita sana ulit nang may biglang umakbay sa akin
"Nandito ka lang pala cheezycake ko. Tapos na ko magpamasahe. ^_^" sabay ngiti ni Lei sa akin. Cheezycake???????
"Lei? Member ng Fierce Gangsters?" sabi nung babae na gulat na gulat
"Oh hi! Isa ka ba sa mga fangirls ko na gwapong gwapo sa akin?" sabi ni Lei sa babae
"Ah y-yeah" sagot nung babae, lanjut nito, kinalimutan na kasama niya ang boyfriend niyang paasa
"Gusto mo ba ako? Pwede tayong magdate." sabi ni Lei sabay lapit sa girl, yung babae naman agad inalis ang pagkaakbay sa kanya ng boyfriend niya
"Oo gusto ko." agad lumapit kay Lei yung babae
"Hehehehe" ang lakas pa talaga ng tawa ni Lei "Ang gwapo ko talaga. ^_^ Sorry miss ha, hindi na kasi ako nakikipagdate kahit kanino lang kasi selosa ang cheezycake ko." sabay talikod niya sa babae at lumapit ulit sa akin tapos akbay nanaman
"Tara na chessycake, masama na ang hangin dito." sabi niya at naglakad na kami nung medyo malayo na kami sa kanila nagsalita na ako
"Cheesycake?"
"Cute ng endearment natin diba? ^_^" nakasmile pa talaga
"Endearment? At kailan pa tayo ng kaendearment?"
"Kanina lang. Yung lalaking yun, ex mo?"
"Hindi noh."
"E bakit parang affected ka sa kanya?"
"Wala."
"Crush mo?"
"Hindi rin."
"Ah alam ko na. Ka M.U noh?"
"Bakit mo alam?"
"Marami din akong ganyan."
"Ka Mutual Understanding?"
"No, ka misunderstading." sabi na nga ba "Pero kaya kong magseryoso lalo na para sayo cheezycake ko ^_^"
Pinagsasabi nito? >///////////////<