CHAPTER SEVEN
Callisto Baustista's Point of View
Napapansin kong marami nang naiinom si Liam. Kung kanina ay pakonti-konti lang 'yong tagay niya, ngayon halos punoin na niya 'yong shotglass.
Kanina ay pinipilit niya akong tumagay din sa Emperador pero kahit siguro ihimlay nila ako ngayon, hindi ako iinom nun. I've tried it once at hindi maganda ang epekto sa'kin. Tatlong shot palang, tumba na ako.
Oo, napakahina nga alcohol tolerance ko. Kaya naman itong asungot, gumawa ng paraan para makainom ako ng liquor tonight.
Bumili siya ng Tanduay Ice blue. Tatanggi pa sana ako pero sinabi naman niyang walang nalalasing sa ganitong inumin kasi napakababa ng alcohol content. Well, paano naman kasi, ang tamis! Haha.
"Hoy Liam! May plano ka bang maglasing? You better not, dahil ayokong may katabi mamaya na amoy alak," banta ko sa kanya.
"Hindi ako malalasing nito kaya relax ka lang," sabi niya pero nang tumingin naman sa'kin ay namumungay na ang mga mata niya. Pero hindi nalang ako nagsalita.
Narito kami ngayon sa tabi ng dagat. Nakasalampak kami sa buhangin at pinapagitnaan ang maliit na bonfire na ginawa ng tatlong kumag. Ayaw nilang sa bar dito sa resort kami mag-inuman dahil masyadong maingay daw at baka hindi pa kami magkakaroon ng time for bonding. Sumang-ayon naman kaming tatlo sa sinabing iyon ni Eric.
Nagtataka ako kung bakit walang nagbawal sa amin na gumawa ng bonfire dito. At kung saan kumuha ng gatong itong mga kumag. Later ko nalang nalaman na it's an open resort pala. Ang tanging ipinagbabawal ay ang pagkakalat at siyempre, paninira ng mga bagay sa paligid.
"Sure kang hindi ka malalasing ah?" muli kong paalala kay Liam bago ko itinuon ang atensyon ko sa iniinom ko. Tumugon naman siya sa pamamagitan ng pag-ungol habang tumutungga.
Nakinig na din ako sa mga kwento ni Alex.
Maya-maya ay tumabi sa akin si Eric at naki-share sa kumot na nakabalot sa katawan ko. Malamig kasi dito kaya kumuha ako ng ganito. Actually, hindi naman talaga kumot 'to pero parang narin kasi malaking tela.
Maya-maya ay bumulong si Eric, "Type mo ba si Liam?"
Tiningnan ko siya ng what-are-you-talking-about look saka ko sinabing, "Hindi ah."
"'Yong totoo kasi? Kaibigan mo ako. Dapat umaamin ka sa'kin."
"Hindi nga. Ang kulit!"
"Hindi kita titigilan hangga't di ka umaamin"
"'Di 'wag. 'Di ko naman talaga siya type eh."
Bumuntong-hininga siya ng malalim dahil sa sinabi ko. He brushed his hair with his fingers tapos sabi niya, "Alam mo, kapag may crush ka, 'wag mong kimkimin. Sige ka, tutubuan ka ng pimples."
"May ganun? Anong connect?"
"Kasi daw, 'pag hindi mo nailabas ang saloobin mo sa isang tao, sisingaw diyan sa mukha mo," sabi niya tapos tumawa ng mahina. Maya't-maya siya kung tumagay samantalang ako, 'di pa nakakalahati sa Tanduay Ice.
Nanahimik kami ni Eric tapos nakinig sa usapan nina Liam at Alex, kanina pa sila tawa ng tawa eh. At kaya pala ganun sila, about sa mga girls ang usapan nila.
"P're, may experience ka na rin ba?" tahasang tanong ni Liam kay Alex na ikinaubo ng huli. Maging ako ay napataas ang kilay sa tanong ni Liam. Well, ganun naman talaga ang mga lalaki kapag sila ang magkakasama eh. Buti nalang at marunong akong makisama.
"Oo naman p're!" maya-maya ay sagot ni Alex. Mas lalo pang tumaas ang isang kilay ko dahil doon.
Binulungan ko si Eric, "Ric, pwede mo bang takpan ang tenga ko?"
Napabungisngis siya tapos tiningnan niya ako.
"Bakit ba?" tanong niya na nakangiti. Halos mag-isang linya nalang ang mga mata niya. Chinito kasi si Eric.
"Ang sagwa," pabulong kong sabi.
"Eh, hayaan mo na. Ganito talaga kaming mga straight, ganyan ang topic 'pag kami-kami lang."
"Ay! Nahiya naman ako. Hindi pala ramdam ang presensiya ko rito," patampong sabi ko. Inakbayan naman ako ni Eric tapos nagulat nalang ako nang guluhin niya ang buhok ko.
"Teka, ba't nga pala ang haba ng buhok mo? 'Di ba Education ang kinukuha mo?" pansin niya. Paki Mo?
Medyo may kahabaan kasi ang buhok ko, tapos wavy pa. Eh sabi ko naman sa sarili ko, since Third Year pa lang ako, saka nalang ako magpapagupit.
"Ipapagupit ko na'to next year. Nanghihinayang nga ako eh," sabi ko. Totoo 'yon. Parang ayaw ko na kasing ipagupit 'tong buhok ko. Parang gusto kong magpahaba. Haha! Medyo ambisyosa lang. May pangarap kasi akong sumali ng gay pageants.
"Parang ang sagwa namang tatawagin kang Sir tapos mahaba ang buhok mo. Gupitan kita, gusto mo?" sabi niya at hinawak-hawakan ang aking buhok. "Bawasan natin dito tapos dito-tapos-" pagpapaliwanag niya.
Hindi naman ako makasagot pero maya-maya ay tinanggal ko ang kamay niya sa ulo ko.
"Ayoko nga! Baka pagtripan mo lang eh. Tsaka marunong ka ba?" pasungit kong tanggi.
"Uy Liam! 'Di daw ako marunong maggupit?" baling niya kay Liam na noo'y tumatawa dahil sa topic nila ni Alex. Lumingon naman siya kapagkuwa'y tumingin sa akin. Pagkatapos ay umiwas agad siya ng tingin nang magtama ang aming mga mata.
Anong problema nitong lalaking 'to?
Pero kahit naman hindi ito nakatingin sa akin ay sumagot naman siya. 'Dun nagsimulang masayang pag-uusap namin.
Hindi muna nag-open sina Alex at Liam ng anumang topic na related sa sex and experiences kasi napansin nilang medyo naiilang ako. Aba, okay din pala sila ha? Marunong makiramdam.
Mag-aalas dose na nang mahalata ko na iba na ang pananalita ni Liam. Halatang lasing na siya. Shem, nakakainis naman! Kasasabi ko lang na huwag itong maglalasing para 'di ito malikot kapag natulog kami ah!
Hindi talaga ito marunong making.
"Li-aaaaam!" nanggigigil at impit na sigaw ko. Gustong-gusto ko talagang sumigaw ng ubod ng lakas para maiparamdam sa kanyang inis na inis ako pero baka makaeskandalo pa ako dito sa resort, mahirap na.
"Huh? Ba-baket?" sabi niya na nakangisi. Namumungay na rin ang mga mata niya at namumula. Pero sisihin niyo si kupido kung bakit parang tumibok ang puso ko dahil sa pagngisi niyang iyon at sa mga mata niyang nakatitig sa aking mga mata.
"'Di-di ba-'Di ba si-sinabi kong 'wag kang maglalasing?"
Shit! Malamig ba? Nauutal ako ah.
"Hinde pa ako laseng! Kulang pa nga ang ininom ko eh," sabi niya. Hindi pala lasing ah?
"Nakuuuu Liam, tumigil ka! Nakarami kana, tama na 'yan," sabi ko at inagaw ang shotglass na hawak niya at itinapon ang laman. Sina Alex at Eric ay nagtitinginan naman at nangingiti sa inaakto namin. Nag-aagawan na kasi kami sa shot glass.
Nang maagaw ni Liam sa akin ang shot glass ay agad kong kinuha ang huling bote ng Emperador light na natitira at mabilis na tumayo. Pagkatayo ko ay tumayo rin si Liam kaya itinakbo ko ang bote para hindi niya makuha.
Narinig ko ang pagtawa nina Alex at Eric. Hinabol naman ako ni Liam.
Hindi niya naman ako maaabutan dahil lasing siya. Mabagal tumakbo 'yan!
Pero nagulat ako nang bigla nalang may pumulupot sa beywang ko at pilit inaagaw sa'kin ang bote ng alak. Agad ko namang iniunat ang kamay ko para hindi niya maabot. Hawak niya ang isang kamay ko para hindi ako makawala habang ang isa niyang kamay ay nakikipag-agawan sa isa ko ring kamay.
Dahil sa kakaiwas ko, na-out balanced ako at napasubsob sa pino at malambot na buhangin. Sunod naman sa akin si Liam na sakto 'ata ang harapan sa aking likuran.
Eww! Ang sagwa tuloy tignan. Pero tuloy parin sa pag-agaw si Liam sa alak.
"Te-teka!"
"Akin na kasi!"
"Li-!!"
"Akin na!"
"Li-ah! Shit Liam! Umalis ka na sa likod ko! Ang bastos mo!" sigaw ko.
Halos manginig ako nang maramdaman kong kumiskis sa likuran ko 'yong ano niya. Jersey shorts pa naman ang suot niya eh manipis lang 'yon.
Maya-maya ay naramdaman kong umalis siya mula sa pagkakadagan sa likuran ko at mabilis na tumayo pero napaupo rin dahil siguro nahihilo. Tumayo naman ako at nilapitan ko siya saka ko siya sinampal.
"Aray! Cali! Sumusobra kana ha," bulalas niya at ikinagulat ko ang sumunod niyang ginawa.
Binuhat niya ako at mabilis na itinakbo sa tubig saka ibinagsak doon. Naramdaman ko agad ang lamig ng tubig at nalasahan ko pa ang alat nito. Basang-basa na ang buong katawan ko.
Nang tumayo ako ay tawang-tawa naman si Liam. Dahil sa inis ay tinakbo ko siya at mabilis na hinila palapit sa tubig.
"Teka-teka!" sabi niya habang pilit na hinihila ang kamay niya pero mabilis ang ginawa ko. Pumunta ako sa likuran niya at itinulak siya. Natumba siya sa tubig.
Tumawa naman ako dahil doon.
Pagkaahon niya ay umatras na ako at pumunta sa buhanginan. Medyo madilim na sa kinaroroonan namin kaya nag-alala na akong baka mapano pa kami kapag maghilaan pa kami ng maghilaan.
"Tama na Li! Ayoko na. Suko na ako!" sabi ko at itinaas ang dalawang kamay. Hihilain pa sana niya ako pero umupo ako at umaktong iiyak. Effective naman dahil binitawan niya agad ang mga kamay ko.
"Lage mo nalang kase akong senasampal eh," sabi niya nang maupo siya sa tabi ko. Kahit nakayuko ako ay natatawa ako sa pananalita ni Liam. Ngayon ko lang siya nakasamang lasing at ganito magsalita.
"Eh sorry naman. Ang bastos mo naman kasi!" sabi ko.
"Bastos? 'De ko naman senasadya eh," sabi niya at humiga sa buhangin sa mismong tabi ko. Ginawa pa niyang unan ang dalawang palad niya.
Nang tingnan ko siya ay naaninag ko sa tulong ng liwanag ng buwan ang katawan at mukha niya. Nakapikit na ang mga mata niya.
Hmm. Maganda pala ang korte ng lips ng mokong ah. Pati kilay, maayos ang tubo. At ang ilong, nakakainsecure. Ang tangos naman!
Habang tumatagal ang pagtitig ko sa mukha niya ay nagiging banayad at malalim naman ang paghinga niya.
"Liam naman eh, gumising ka nga! 'Wag kang matutulog dito, 'di kita mabubuhat." sabi ko at mahinang tinapik-tapik ang pisngi niya. Sus, 'wag mo akong pagbubuhatin, lalaki ka!
"Mmm?"
"Tayo na! Dun ka sa cottage matulog. Basa ka pa oh! Baka magkasakit ka," sabi ko at inalalayan ko siya sa pagtayo. Pagkatayo niya ay agad ko siyang tinabihan dahil natutumba siya.
Urgh! Humiga kasi eh. Lumala na 'yong pagkakahilo niya.
"Ilang ulit ko kasing sinabi kanina-"
"Oo na! Oo na! Nakakasawa na 'yang senasabe mo ah!" sabi niya at kinamot ang ulo, halatang naiinis.
"Aba naman at ikaw pa ang galit? Ako na nga-urgh!" sabi ko. It's useless to have an argument with a drunk man. Inilagay ko nalang ang isang braso niya sa balikat ko at inalalayan pabalik sa kinaroroonan nina Eric.
Nang matanaw ko sila ay agad ko silang tinawag. Masakit na kasi ang balikat ko. Ang bigat ng mokong na ito!
"Eric! Tu-tulong naman oh. Ang bigat ng mokong na 'to!" tawag ko sa kanila. Agad naman silang tumayo at pinuntahan kami saka nila kinuha si Liam at sila na ang nagdala dito sa cottage namin.
"Cali, 'yong mga gamit natin, kunin mo na muna baka hindi na tayo makabalik dun," sabi ni Eric saka binalingan si Liam. "Sus, ang hina mo naman pala sa alak eh!"
"Oh sige. Basta, 'wag niyo muna siyang ihihiga sa kama ah? Idiretso niyo sa banyo. Puro buhangin na siya oh," sabi ko. Tumango lang sila at dinala na nila sa cottage si Liam.
Agad ko namang pinuntahan ang mga gamit namin sa pinag-iinuman namin kanina. Pinatay ko na rin ang bonfire doon tapos ay sumunod na ako sa cottage namin.
Naabutan kong nasa banyo na si Liam kasama ang dalawa.
"Paliguan niyo na," sabi ko sa kanila.
Nilingon nila ako saka mabilis na lumabas ng banyo. "Bakit kami?"
"Alangan namang ako?"
"Oh, eh anong masama? Tsaka ikaw itong basa. Babasahin mo pa kami. Ikaw na magpaligo sa kanya. Libre ka pa sa katawan niya." biro ni Eric at ngumisi.
"Gago!"
Tawanan ang dalawa.
"Sige, lock na namin 'yong main door ha? Baka may distorbo pa kasi," tawang-tawa parin ang dalawa habang lumalabas. Binato ko naman ng tuwalya si Eric pero sinalo niya lang ito at ipinatong sa kama bago mabilis na lumabas.
"Gago ka Eric!" bulyaw ko rito. Lalong lumakas ang pagtawa niya.
Nang makalabas ang mga ito ay pumasok na ako sa banyo. Sumusuka na noon si Liam sa inidoro. Yerks! Kadiri ka Liam.
"Liam, kaya mo pa ba ang sarili mo?" malumanay na tanong ko sa kanya. Tiningala niya ako at saka ngumisi. Pulang-pula ang mga mata niyao at namumungay na. Nag-thumbs up lang siya.
"Sige, tayo na diyan," sabi ko. Sinubukan niyang tumayo pero nadupilas siya kaya inalalayan ko nalang siya at itinapat sa may shower.
"Tanggalin mo yang tshirt mo," sabi ko. Tumingin siya sa'kin saka sa may pintuan.
"What? Walang ibang tao dito. 'Wag ka nang mahiya. Hubad na," sabi ko. Sumunod naman siya. Tinanggal niya ang t-shirt niya na parang hirap na hirap. Nang matanggal niya iyon ay kinuha ko sa kanya at nilagay sa ibabaw ng lavatory.
Naghintay akong tanggalin niya ang pang-ibaba niya pero hindi siya gumalaw.
"Hala! Li, tanggalin mo na 'yang shorts mo," sabi ko sa kanya. Tumingin ulit siya sa'kin saka marahang umiling.
"Hindi-hindi ko kaya. Nanghihina ako," sabi niya. Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Ganun ba karami ang nainom mo Liam at hinang-hina kana? Hina mo palang uminom eh." sabi ko. Kahit naiilang ako ay hinawakan ko ang shorts niya at akmang tatanggalin nang hawakan niya ang mga kamay ko.
Nagkatinginan kami. Mata sa mata. Matagal. Walang nagsasalita.
Napalunok ako.
"O-okay lang Liam. 'Di-di ako titingin okay? Pipikit ako. 'Wag kang mag-alala, kahit bading ako, hindi kita pagsasamantalahan," sabi ko sa kanya, more like pag-aassure. Nakikita ko kasi sa mga mata niya ang pagkailang.
Lumipas ang ilang segundo bago niya binitawan ang mga kamay ko. Agad naman akong pumikit nang hinila ko pababa ang suot niyang jersey shorts kasama ang briefs niya.
Nang matanggal ko ay agad akong tumalikod, nakapikit parin.
"Ah. Uhmm. Li-Liam, kaya mo naman na sigurong maligo ng mag-isa. Sige na, labas na muna ako ha? Tanggalin mo 'yang mga buhanging dumikit sayo," sabi ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nanginginig na talaga ako. Nakakahiya mang sabihin pero nai-imagine ko ang itsura niya sa likuran ko. Hubo't hubad. Walang anumang saplot. Oh gosh! I need to get out here, masyado nang masikip. Hindi na ako makahinga.
"Cali, favor naman oh. Ikaw na gumawa plis? Nahihilo kase ako eh." mahinang sabi niya.
Naku, lagot!
"Na-naku Liam. Hindi naman pwede 'yon. Kaya mo yan, sige na andito 'yong sabon," sabi ko. Kinuha ko ang sabon at iniabot sa kanya habang nakatalikod parin. Naramdaman kong gumalaw siya pero nangalay na ang kamay ko ay hindi parin niya inaabot ang sabon kaya napilitan akong lumingon.
Agad kong nabitawan ang hawak kong sabon at mabilis na tinakpan ko ng palad ko ang mga mata ko. Shit! Nakatayo siya at nakaharap sa'kin. Buhay, mare! Buhay!
"Liam, ano ba?!" reklamo ko saka ako mabilis na lumabas at sinara ang pintuan ng banyo. Hindi na ako bumalik. Pagkatapos ng maraming minutong paghihintay ay sumigaw si Liam sa loob ng banyo.
"Cali, 'yong tuwalya!"
Hinalungkat ko ang aming bag at kinuha ang tuwalya niya saka lumapit sa banyo.
"Andito na Li. Buksan mo ang pinto!" sabi ko. Nang maramdaman kong bubukas na ang pinto ay pumikit na ako at iniabot ang tuwalya.
"He-heto oh."
Naramdaman kong kinuha ni Liam ang tuwalya. Tumalikod na ulit ako pagkatapos nun.
Nang lumabas na siya ay dali-dali akong pumasok sa banyo dala ang aking tuwalya. Naamoy ko agad ang sabong ginamit nito. Naghahalo ang amoy ng alak at sabon sa loob. Mainit din ang sigaw dito.
Nang lumabas na ako ay nakapagpalit na si Liam at nakahiga na siya sa kama nang nakadapa.
Binilisan ko ang pagpapalit ng damit.
Nang matapos ako ay agad kong pinuntahan si Liam at ibinaliktad sa pagkakahiga. Umungol naman siya pero hindi nagmulat ng mata.
"Li, basa pa buhok mo. Baka lumabo ang paningin mo," malumanay na sabi ko sa kanya. Ungol naman ang sinagot niya.
Kumuha ako ng isa pang tuwalya at ibinangon si Liam. Pumunta ako sa likod niya.
Nakaupo na kami sa kama habang ako ay parang nanay na may kalong na bata at pinupunasan ang basang buhok niya.
Habang abala ako sa pagpapatuyo sa buhok niya ay dumilat siya at mataman akong tinitigan. Tapos maya-maya ay ngumiti siya habang pinupunasan ko ng buhok niya. Kumunot ang noo ko.
"Bakit?" tanong ko.
Umiling siya. Bumuntong hininga lang siya at muling pumikit.
Habang abala ako sa pagpapatuyo ng buhok niya, bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Nang bumaba pa ay nahalata kong wala siyang panloob na saplot. Oh em gee!
Muling lumakas ang kabog ng dibdib ko. Inabala ko nalang ang aking sarili sa pagpapatuyo ng buhok niya at pilit tinanggal sa isipan ko ang panggagapang sa kanya. Hahaha! Just kidding.
Nang medyo natuyo na ng konti ang buhok niya ay inayos ko na ang pagkakahiga niya. Nahihimbing na kasi siya. Tapos ay tumabi na ako sa kanya at sinubukang matulog.
Iba ang gabing ito. Oo nga't magkatabi rin kami ni Liam sa boarding house kapag natutulog pero ngayon ay kami na lang ang nasa loob ng isang kwarto, wala si Eric. Walang ibang tao. At 'di ko alam pero bumibilis ang tibok ng puso ko.
'Di ko na alam kung anong oras ako nakatulog pero naalimpungatan ako nang maramdaman kong dumantay ang hita ni Liam sa tiyan ko. Ang binti niya ay nakapatong na sa legs ko. Tapos ang mga kamay niya ay yumakap sa'kin.
Dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa pagpipigil ko ng hininga ko ay dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya na nakayakap sa'kin pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagyakap niya. Kaya hinayaan ko nalang at pinilit muling matulog.
Pero maya-maya naramdaman ko ang paghalik niya sa aking batok na nagpatayo sa balahibo ko. Dumaloy ang kiliti sa buong katawan ko. My body stiffened. Hindi ako makagalaw at 'di ko rin magawang itulak siya. Pero one thing is for sure, my heart went wild!
"Cali, alam kong gising ka. Okay na ako. 'Di na ako lasing," bulong niya sa aking tenga at muling hinalikan ang aking batok kaya muling dumaloy ang kiliti sa aking katawan. Dahil wala akong ginawa ay ipinagpatuloy niya ang paghalik sa aking batok papunta sa likod ng aking tenga.
"Te-teka Liam, lasing ka pa. Matulog ka na," sabi ko sa kanya nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas na itulak siya.
"Hindi Cali. Alam ko 'tong ginawa ko at gusto ko 'to," muling bulong niya at muling inilapit ang mukha sa leeg ko. At maya-maya pa ay pumaibabaw siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko para di ako makapalag.
"Liam, teka nga. Ano ba?! 'Pag di ka pa tumigil, sisigaw na ako," seryosong sabi ko. Pero hinalikan niya ako. Madiin. Masakit sa labi ang ginagawa niyang paghalik. Naramdaman ko rin ang dila niya at pilit ipinapasok sa kanyang bibig.
'Di ko namalayang napapaluha na ako. Pakiramdam ko ay binababoy ako sa paraan ng paghalik niya. Nang mahalata siguro niyang hindi ako tumutugon sa halik niya ay napatigil siya at tiningnan ako sa mukha.
"U-umiiyak ka? S-shit, sorry Cali. Argh! Ano ba kasi 'tong ginagawa ko?" sabi niya at agad umalis sa pagkakakubabaw sa'kin. Umupo siya sa kamay at inilagay niya ang mga palad niya sa kanyang mukha na parang 'di niya alam ang ginagawa niya.
Nagtalukbong nalang ako nang sa gayon ay 'di niya makita ang pag-iyak ko. Aminin ko, parang gusto ko naman ang halik niya eh, pero hindi ang paraan ng paghalik niya. Masakit eh.
Narinig ko na lang ang mahabang buntong-hininga niya.
"Cali-" tawag niya sa pangalan ko at hinawakan ako sa balikat pero umusod ako palayo sa kanya. "Cali, sorry na oh," malamyos at malumanay ang boses niya. Pinunasan ko ang luha ko pero di pa ako humaharap sa kanya.
"Sorry na naman-" mahinang sabi ko. 'Yong sapat para marinig naming dalawa. Hindi ako tunog nagagalit kundi 'yong parang nagsasawa na. Sawa na kasi akong makarinig ng sorry. Puro sorry nalang. Tapos uulitin din naman.
"Last na 'to, promise. Please Cali, sorry na oh," sabi niya at dahil doon ay bumalikwas na ako at hinarap siya.
"Ngayon, sabihin mo na sa'kin ng harapan kung bakit mo ako palaging hinahalikan? Straight ka, hindi ba? 'Di ka ba nandidiri na humahalik ka sa bakla? O baka naman bisexual ka?" sabi ko.
"Huwag mong sabihin yan," mahinang sabi niya habang nakayuko.
"Ang alin? Na bisexual ka?"
"Hindi."
"Eh ano?"
"Huwag mong sabihing nakakadiri ka. Dahil ang totoo niyan, hindi ko alam kung bakit naaadik ako sa paghalik sa'yo," sabi niya at mas lalong napayuko na parang hiyang-hiya.
Napatigil ako at tumitig lang sa kanya. Maya-maya ay nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang pagtitig ko sa kanya.
"O baka naman kasi puro bakla ang experiences mo, Liam?" sabi ko.
"Aray naman. Hindi ah! Anong akala mo sakin, callboy?"
"Ikaw ang nagsabi niyan," sabi ko at muli akong humiga pagkatapos ay nagtalukbong hanggang sa makatulog ako. Hindi na niya ako kinausap. Hindi na siya nag-ingay.
Alas singko na nang magising ako. Agad kong nilingon si Liam sa tabi ko, tulog pa.
Bumangon na ako at nagmumog. Nag-ayos narin ako ng sarili kasi balak kong umorder ng breakfast sa may restaurant malapit sa resort. Magte-take out nalang ako. Mahal naman kasi 'yong mga binebentang pagkain dito sa loob.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay kinuha ko ang wallet ni Liam. Alam ko rin namang magpapa-order siya mamaya, uunahan ko nalang. Hindi naman na masama ang loob ko sa kanya. Para kasing useless ang inis ko eh, maya't maya at hahalikan na naman niya ako.
Mga sampung minuto akong naglakad hanggang sa makita ko ang Mang Inasal.
Pagpasok ko, sinalubong ako ng isang lalaking waiter. Nakasuot siya ng puti tapos may suot din siya sa ulo. Pogi naman siya. Mas pogi nga lang si Liam. Hahaha.
"Kakain po kayo, Sir?" tanong niya. Naalala ko bigla si Vice. Magaya nga, sabi ko sa isip.
"Ay hindi, makikiluto lang!" sabi ko. Ngumiti naman ang waiter sa sinabi ko at napakamot sa ulo.
"Joke lang!" sabi ko at ngumiti.
"Haha. So ano pong order niyo, Sir?" tanong niya.
"Uhmm, kuya, ano pong masarap na pang-breakfast? Ah, 'yong tig-one hundred two pesos nalang po," turo ko sa picture sa may counter.
"Ah, okay po Sir. Isang order lang po Sir?"
"Naku kuya, Sir ka ng Sir. 'Di naman ako teacher," sabi ko.
"Ay pasensiya na po. So, ilang order po?"
"Apat nalang po. Take out. Salamat," sabi ko.
"Okay po Sir," sabi niya at nilapitan ang babae sa counter at sinabi niya ang aking order.
"Bale four hundred eight pesos po lahat, Sir" sabi nung babae. Nag-abot ako sa kanya ng five hundred pesos. Opps! Sorry Liam.
Pagkatapos kunin ang sukli ko ay umupo muna ako. Habang naghihintay ay iginala ko ang paningin ko sa loob. Tinanaw ko rin ang mga tao at sasakyan sa labas.
Mga dalawampung minuto akong naghintay bago iniabot ng waiter ang nakaplastic na order ko.
"Heto na po order niyo Sir." sabi niya kaya sinimangutan ko siya.
"Sir again?"
"Ayy. Oo nga pala," sabi niya at tumawa.
Ngumiti ako. "Sige, salamat kuya. Baboo!" paalam ko at lumabas na ako.
Sampung minuto ulit akong naglakad pabalik sa resort. At pagpasok ko sa room namin ay naabutan kong nahihimbing pa si Liam. Nakuu! Kelan ba 'to magigising ng maaga?
Pagkalagay ko ng pagkain sa lamesa ay bigla kong naalalang dapat pala ay may kape kaya lumabas muli ako. Sa loob ng resort na ako naghanap ng mabibilhan ng coffee. Nakahanap naman ako, 'yong coffee na nakalagay sa styro.
Bumili ulit ako ng apat.
Pagkabalik ko, inayos ko na ang mga pagkain. Nang maiayos ko, lumabas ako at nagpunta sa cottage nina Eric para sabihan silang kakain na. Bumukas naman agad ang pintuan nang kumatok ako.
"Oh Cali, ikaw pala," Si Alex.
"Kain na tayo. Bumili ako ng foods sa Mang Inasal. Tara sa cottage, sabihan mo si Eric." sabi ko sa kanya.
"The best ka talaga, sige salamat! Susunod na lang kami."
"Okay, sige. Baka kasi lumamig narin 'yong coffee."
Bumalik na ako sa cottage namin pagkatapos. Ginising ko narin si Liam.
"Uy, gising na. Tanghali na. Breakfast na tayo," sabi ko at niyugyog siya. Umungol ito nung una at pagkatapos ay unti-unting dumilat.
"Bangon na. Kain na tayo," nakangiting sabi ko. Ang pogi niya kahit bagong gising. Nag-inat na ito at naghikab.
"Ang baho!" biro ko habang tumatawa. Pero ironically, walang amoy ang hininga ni Liam kahit bagong gising. Napansin ko 'yon noong tumatabi na siya sa'kin sa kama ko sa boarding house.
"Ang sakit ng ulo ko, shit!" reklamo niya.
"Kaya nga bumangon ka na diyan. Bumili ako ng kape. Uminom ka para kahit papano ay mahimasmasan ka," sabi ko at hinawakan ang dalawang kamay niya para alalayan siyang bumangon.
Tinitigan naman niya ako at ngumiti. Pagkatapos ay bumangon na.
"Cali, sorry talaga kagabi ha?"
"Li, don't go there. Wala na 'yon. Sawa na ako sa kaka-sorry mo. Now, all I'm asking is kumain ka ng almusal. Okay ba 'yon?" sabi ko. Agad siyang ngumiti at nag-thumbs up.
Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at iniluwa ang dalawang kumag, sina Eric at Alex.
"Good morning!" bati sa kanya ng huli. Binati ko naman siya tapos ay dumulog na kaming tatlo sa mesa at si Liam naman ay nagmumog palang. Naki-join naman siya pagkatapos.
"Ahh, oo nga pala Liam. Pera mo ang ibinili ko dito ha? 'Wag kang magreklamo kung gusto mong patawarin kita sa ginawa mo," sabi ko habang kumakain na kami.
"Ginawa niyang ano?" tanong ni Eric. Tapos ay ngumiti siya ng makahulugan. "Aherm. Meron ba kaming dapat malaman?"
Bumuntong-hininga ako. "Ang mga tao nga naman! Parang kalamansi ang mga utak. Maliit na nga, green pa," sabi ko nang nakasimangot.
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah," nakangising sabi niya.
"Wala kang paki. Kumain ka na nga!" sabi ko tapos ay sinulyapan ko si Liam.
Hindi niya ginagalaw ang pagkain niya.
"Hindi ba masarap, Liam?" puna ko. Tumingin siya sa'kin.
"Ah. Masarap naman. Masakit lang ulo ko, nakakawala ng ganang kumain," sabi niya.
Binitawan ko ang hawak na kutsara't tinidor at pumunta sa likuran niya.
"Sabi kasi sayo, 'wag kang maglalasing eh! Ang kulit. Tingnan mo, may hangover ka na naman," sabi ko habang minamasahe ang gilid ng ulo niya. Tapos 'yong dalawang kumag naman, over kung makangiti.
"Kelan ba ang monthsary?" natatawang tanong ni Alex.
"Gago! 'Di kami magsyota, mukha lang," nakangiting sagot naman ni Liam bago pa ako makapagsalita. Tapos ay sabay silang nagtawanan. 'Di ko na lang sila pinansin.
"Saang restaurant mo binili 'to, Cali?" tanong ni Alex.
"Sa Mang Inasal."
"Ah. Masarap pala."
"Oo naman, mura pa."
"Endorser ka ba ng Mang Inasal?" tanong ni Eric.
"Hindi. Pero aminin mo, masarap naman talaga," sabi ko.
"Tama na, medyo okay na. Thank you," singit ni Liam kaya itinigil ko na ang pagmasahe sa temple niya at bumalik sa upuan ko.
"Kung ganyan ka-sweet na tao ang nag-aalaga sa'yo tuwing umaga, hindi sapat ang thank you, pare. Dapat may kiss!" sabi ni Eric at nag-apir sila ni Alex. Naku, parang mga senglot ang mga ito.
"Eto kape mo," sabi ko kay Liam. Hindi ko pinapansin ang sinasabi nila dahil maganda ang gising ko. Inilagay ko ang kape sa tabi ng pagkain ni Liam. "Mainit 'yan ha? 'Wag kang shunga. Oh kayong dalawa, eto kape niyo," iniabot ko narin sa dalawa ang kape nila.
"Pwede ka nang maging misis, Cali," sabi ni Eric habang binubuksan ang cover ng kape.
"Salamat! Misis na walang mister," ganting-biro ko para pagaanin ang umaga namin. Nagtawanan naman sila kaya siguro bumenta ang joke ko.
"Cali, may tanong ako ah." sabi ni Eric.
"Ano na naman?"
"Nag-boyfriend ka na ba?"
"Hindi."
"Ow? Kahit minsan?"
"Hindi nga."
"So, first boyfriend mo itong Liam?"
"Ha?! Shungik, hindi ko nga boyfriend 'yan."
"Ah okay. Eh kiss kaya?"
Naubo bigla si Liam. Natahimik naman ako. Nagkatinginang muli sina Alex at Eric, parang may hinala ang mga ito sa halik na namagitan sa amin ni Liam na hindi lang iisang beses kundi tatlong beses.
"Hoyy! Kayong dalawa, umamin nga kayong dalawa samin. Okay lang naman kung kayo na eh. Boto nga kami sa inyo."
"Eric, hindi naman talaga kami eh."
"So, anong meron kayo, flings?"
"Hindi rin."
"Walang ganyanan men, dapat share share."
"Ano 'to, Nestea?" sabad ni Liam.
"Huwag kang mamilosopo, Liam!" asik ni Eric sa kanya.
"Oo, hinalikan ko si Cali. Kaya nagalit sakin noon at tsa-" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil tumayo ako at tinakpan ang bibig niya. Mainit ang mukha ko at alam kong pulang-pula na.
Napayuko rin ako dahil sa hiya. Tinanggal naman ni Liam ang palad ko sa bibig niya.
"Why, you should be proud that Liam kissed you!" natatawang sabi ni Alex at napapalakpak pa.
"Shut up!" asik ko sa kanya. Proud? Paano ako magiging proud, eh halos matuklap nga 'yong labi ko kung makahalik si Liam.
"Wala kayong narinig na sinabi niya ah?" sabi ko sa kanilang dalawa ni Eric. Mabilis silang umiling at tinakpan ang mga tenga. Umupo na ako pero tinapakan ko ang paa ni Liam sa ilalim ng mesa.